Chapter 21
REESE POV
What the heck is the HM thinking? Ano ito? Is he fucking kidding me!
"Welcome to your room, ma'am, sir. I hope you like it?"
Napatingin ako sa nagsalita. Ang roomboy lang pala. Naipasok na niya ang mga bagahe namin at kami na lang ang kulang. Nakangiti ito ngayon habang titig na titig sa amin. Siguro'y naghihintay ng tip?
"How the fuck is this our room?" Sinamaan ko siya ng tingin. Napalunok naman ito saka bahagyang napaatras.
"B-but Mr. Jeong said that..."
"You thought wrong." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng hinila ko na paloob si Agatha. Binalibag ko na rin ang pinto sa mukha niya. Wala akong pakialam kung tumama man ito o hindi.
Pagkapasok namin ay pinaupo ko na agad ito sa sofa. Nilingon ko ang paligid. Hindi ko maiwasang humawak sa sentido ko sa mga nakikita.
Iyong totoo? Ano bang pumasok sa kokote ni HM? Bakit ganito?
Medyo madilim ang paligid dahil tanging mga pulang kandila lang ang nagbibigay tanglaw sa kabuuan ng silid. Mula sa kaunting liwanag ay makikita ang mga talutot ng pulang rosas na nagkalat sa paligid. Pati iyong king size bed na kama ay may mga petals din na hugis puso.
Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang balkon kung nasaan ang isang table na may bucket na naglalamang ice at champagne sa gitna. May mamahaling bouquet ng rosas din doon.
Pero ang umagaw talaga sa attensiyon ko ay iyong malaking dekoryenteng banner na nakasabit sa may ulunan ng kama.
Happy Honeymoon!
What the freaking heck is this? Is this fucking serious!
Hindi pa man ako nakakarecover ay bigla na lang nag-ring ang phone ko. Hindi ko na sana ito sasagutin pero nang makita ko kung sino ang caller ay walang pag-aalinlangan kong inangat ang tawag.
["Reese! Nagustuhan niyo ba ang surprise ko sa inyo? Ano? Maganda ba?"]
Automatiko kong nailayo sa tainga ang telepono. Ka-ka-angat pa lang ng tawag, ang matinis na boses na agad nito ang bubungad.
"What the fuck is the meaning of this, HM? Honeymoon my ass!"
["Ay. Bakit? Hindi ba maganda? Gusto mo ipapalit ko ang design? Teka lang at tatawagan ko lang sila."]
Muntik ko nang mahampas ang noo ko sa kalapit na dingding. Balik sa pagiging isip bata na naman ito. Lintik!
"That's not the point! Urgh! Nevermind!" Napahilot na lang ako sa sentido ko. Talking to him is useless. Magsasayang lang ako ng laway.
["Chill, Reese. Katuwaan lang naman. Huwag kang masyadong high-blood at baka magka-uban ka agad. Ikaw rin, baka mamaya n'yan, mas matanda ka pang tignan kaysa sa 'kin!"]
Baliw na talaga ang isang ito. Kung ano-ano ang sinasabi. Nakakapanindin balahibo pa ang mga hagikgik niya.
"I'm not in the mood for your stupid jokes," malamig kong sabi. Narinig kong napabuntong-hininga ito sa kabilang linya pero hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil mabilis ko na itong ibinaba.
Muli kong nilibot ang paningin.
Romantic.
Iyan ang tawag dito ng mga ordinaryong tao. Pero hindi sa 'kin. Hindi ako nagpunta rito para sa mga hindi makabuluhang bagay. Nandito ako para sa misyon ko.
Agad kong itinaas ang aking palad sa direksiyon ng banner. Wala pang ilang segundo'y nakita ko na ang paggalaw ng mga bagay sa loob ng silid. Napangisi ako nang makita ang mga ito na unti-unting lumutang at dumidikit sa banner.
Nang masiguradong wala ng natira ay saka ko naman kinuyom ang aking mga palad. Sa isang kisap mata lang ay naglaho na ang mga ito sa paningin ko. Ni isang talutot ay walang makikita.
Bumaling na ako kay Agatha na ngayo'y titig na titig din pala sa 'kin.
"Go and take a rest. Maaga pa tayo bukas," utos ko sa kaniya. Agad naman itong tumalima.
Bumuntong-hininga na lang muna ako bago dumiretso sa banyo. Nanlalagkit na kasi ako dahil sa haba ng biyahe.
Matapos maligo ay nakaramdam agad ako ng ginhawa. Preskong-presko ang pakiramdam ko. Agad na akong nagpalit ng damit at lumabas ng banyo. Tulog na siya ng maabutan ko.
Imbes na magpahinga ay dumiretso ako sa balkon. Mula rito ay kitang-kita ko ang kabuuan ng resort pati na rin ang dagat. Nagniningning na asul ang kulay ng tubig. Wari ba'y may mga nakatagong dyamante na sa gabi lang lumalabas. Nakakaakit sa mata.
Napangiti ako ng mapait nang biglang pumasok sa alaala ko si Jessa. Gustong-gusto niya ang magcamping sa tabing-dagat. Paniguradong lulundag iyon sa tuwa kapag nakita niya ito.
Teka. Bakit naaalala ko na naman siya.
Napahilamos na lang ako ng mukha. I need to stop this madness.
Nagpalipas na muna ako ng ilang minuto bago mapagpasyahang bumalik sa loob. Mabuti na lang at may mahabang sofa dito. Hindi ko na kailangang tumabi sa kaniya para matulog.
Alam kong sasakit na naman ang aking likod pero wala akong magagawa. Ayaw kong tumabi sa kaniya sa kama.
Nagising ako kinabukasan sa malamig na hanging bumabalot sa silid.
Pagkamulat ko ng mata ay ang bukas na pintuan patungo sa terrace agad ang nabungaran ko. Nangunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko'y sinarado ko na iyan kagabi.
Pupungas-pungas pa akong napatayo at lumapit dito. Dahil maaga pa lang ay ramdam na ramdam ko ang napakalamig na hanging tumatagos sa mga buto ko.
Pagkaapak ko sa labas ay agad akong napamulagat sa nakita.
Nakatayo ng patalikod si Agatha sa dulo habang nakatingin sa direksiyon ng dagat. Pero hindi iyon ang pumukaw ng attensiyon ko kundi sa mga damit niya.
Suot-suot pa rin nito ang mga damit niya kahapon, iyon nga lang ay naka t-shirt na ito.
Hindi ba nito nararamdaman ang lamig? Maiintindihan ko pa sana kung si Rayne ang nakatayo diyan. Isa sa mga kapangyarihan ng batang iyon ang yelo kaya walang kaso sa kaniya ang ganitong lamig.
Nagdadalawang-isip ako ngayon kung pagsasabihan ko ba ito o hindi. Sa huli ay mas nanaig ang pride ko.
Nasa sa kaniya na kung gusto niyang magkasakit. Wala na akong pakialam.
Tama na iyong kabaliwan na nangyari sa 'kin nitong mga nakaraang araw.
Bumalik na lang ako sa loob. Dumiretso na muna ako sa banyo para maghilamos at mag-sipilyo. Pagkatapos ko ay saka ko naman hinarap ang telepono. Magpapadala na lang ako ng almusal. Nakakatamad bumaba.
Matapos kong makausap ang isa sa mga tauhan ay saka naman ako humarap sa loptop.
Kailangan kong magsaliksik tungkol sa Islang kyon. Mas lalo na sa mga nalaman ko kagabi, kailangan kong malaman ang lahat ng mga impormasyon tungkol dito.
Nangangalahati pa lang ako ng biglang may kumatok.
Tumayo na rin ako para pagbuksan ito. Baka iyong mga in-order ko na iyon.
Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad agad sa 'kin ang isang binatang may tulak-tulak na cart. He looks familiar.
Napaisip ako saglit. Mayamaya pa'y biglang pumasok sa isipan ko iyong binatang naghatid sa amin kagabi sa silid na ito.
"Room service, sir." Nakangiti nitong tugon. Pinapasok ko naman agad siya. Nakita ko pa ang bahagya nitong pagnginig pagkapasok.
Nakalimutan ko nga pa lang isarado ang pintuan patungo sa terasa kanina. Malamang, nagmistulang antartica na ang kwarto sa lamig.
"S-sir, h-here are your orders, enjoy your breakfast, sir." Hindi ko na ito pinansin at nagbigay na ng tip. Sinadya kong triplehin ang ibinigay dahil hindi ko nga pala ito nabigyan kagabi.
Napamulagat naman ito pagkakuha ng pera.
"B-but sir! T-this is too...
"Leave," pagpuputol ko sa anumang sasabihin niya.
"T-thank you, sir. Call me if you need anything else." Nangingilid ang mga luha niyang sabi bago lumabas.
Napailing na lang ako. It's incredibly unbelievable how money can manipulate someone's emotions. It makes me wanna puke!
Hindi ko na ito pinansin at pinokus na lang ang attensiyon sa mga pagkaing nasa cart pa rin. Sa sobrang tuwa niya ata'y nakalimutan na niyang kunin ang cart. Hindi na ako nagsayang ng oras at inihain na ang mga ito sa lamesa. Tinanggal ko na rin ang mga takip nito. Hindi na rin ako nagtaka nang makitang hindi bacon, egg, crepes at iba pa ang laman ng mga pinggan kundi ang tradisyonal na almusal ng mga taga rito.
There are various types of flat breads, butter, Tabrizi white cheese, feta cheese, whipped heavy cream, fruit jams and some others I recognized as haleem (oatmeal), asheh mohshalah (thick soup) and kaleh pachen (lamp soup).
Bago maupo ay pinuntahan ko na muna siya. Katulad kanina ay nakatayo pa rin ito sa gilid. Halatang hindi pa ito gumagalaw dahil ganoon pa rin ang posisyon.
Tao pa ba ang isang ito? Nagmumukha siyang robot sa ginagawa niya.
"It's time for breakfast," tawag ko sa pansin nito. Lumingon naman ito sa 'kin kaya naglakad na ako pabalik sa lamesa.
Habang kumakain ay hindi ko mapigilang mailang? This is weird.
I like the silence, but this type of silence is making me uneasy. Pakiramdam ko'y mag-isa lang ako rito sa silid na ito. Tanging tunog lang ng malakas na hangin ang naririnig ko.
Saglit ko siyang sinulyapan. Tahimik lang itong kumakain. Pati na ata ang mga kubyertos na ginagamit niya ay nahihiyang mag-ingay.
Kung binansagan akong silent king ng campus, ano naman kaya ang masasabi nila sa babaeng ito? Triple silent? Nakahanap na ba ako ng katapat?
Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig na parang may nagdagasa sa kabilang kwarto.
Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
Matapos kumain ay pinakuha ko na agad ang mga pinagkainan namin. Balak kong mag-meditate na muna. Kailangan kong mai-kondisyon ng mabuti ang aking kapangyarihan bago makipagsagupaan sa nilalang na iyon.
Mabuti na lang at may mga extrang unan dito na pwede kong magamit.
Matapos mailatag ang mga ito sa sahig ay agad na akong nag-umpisa.
Blessing din pala ang sobrang katahimikan ng kasama ko dahil kung hindi ay baka hindi ko magawang magconcentrate.
Agad kong kinalma ang aking sarili bago humugot ng malalim na buntong-hininga. Unti-unti na rin akong pumikit.
"Hah!" Napaitag ako mula sa malalim na konsentrasyon nang maramdaman ang napakalakas na pwersang nagtulak sa 'kin pabalik sa realidad.
Muntik ko pang mahalikan ang sahig dahil may ilang metro na rin pala akong nakaangat sa ere pero hindi iyon ang iniisip ko.
Napakuyom ako ng kamao. Hanggang ngayon pa rin ba, hindi pa rin niya ako matanggap bilang amo? This is ludicrous! It's already been 15 years!
I will never accept you as my master!
Napatiim bagang ako. Kilala ko kung kaninong boses ito. Hindi ito ang unang pagkakataon na kinausap ako nito.
"So, you're still going on about that, huh? Tell me, what does it take to wield you?"
You are weak. A coward. You didn't even have the qualities. How do you suppose to wield me?
Nanlisik ang mga mata ko sa narinig. How dare this thing?
"Are you mocking me?"
You may have me, but you will never wield my full potential!
Pagkasabi niya nito ay bigla na lang siyang nawala. Hindi ko na ito naririnig. Malamang, bumalik na naman ito sa kung saang lupalop man siya nanggaling.
Fuck it! This is frustrating!
15 years. Napakatagal na panahon na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaabante. Fuck this life!
Napahilamos ako ng mukha bago tumayo. Mula sa ingay na nagmumula sa labas ay alam kong umuulan na naman.
Nilibot ko ang paningin para hanapin siya pero ni anino niya ay hindi ko makita-kita.
Nasaan na naman ba ang babaeng iyon? Wala ako sa mood ngayon kaya huwag na niyang dagdagan pa.
Dumiretso ako teresa. Nagbabakasakaling nandoon siya. Tama nga ako. Nandoon na naman siya. Nakatayo na parang estatwa.
Hindi ko pero mas mas lalong nag-init ang dugo ko ng makitang basang-basa na siya ng ulan.
"Agatha! What the hell is wrong with you?" sigaw ko rito. Hindi na rin ako nag dalawang-isip at hinila na siya pabalik sa loob.
Basang-basa na sahig pero hindi iyon ang iniintindi ko. Unti-unti ko kasing nararamdaman na tuluyan na naman akong nilalamon ng galit. Fuck! I'm craving for blood! Why now?
I needed something to take out my anger!
Medyo nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay nakokontrol ko pa ito. I can't touch her since she's still my responsibility, but I need take action as soon as possible!
Kahit medyo nahihirapan ay pinilit kong bumuntong-hininga. Nadiskobre ko kasi na nakakatulong ito para pakalmahin ako.
"Go and take a shower," malamig kong utos dito pero hindi man lang siya gumalaw. Titig na titig lang ito sa 'kin na tila walang narinig.
I greeted my teeth. She's really testing my patience. I can't hold it anymore!
"Don't test my patience, young lady!" asik ko ulit ngunit wala talaga. Titig na titig pa rin ito sa 'kin.
"This is bullshit!" Pagkasabi ko nito ay dali-dali na akong tumalima palabas.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. All I wanna do is to answer my cravings to see blood.
Lakad lang ako ng lakad ng biglang mapangisi ng mala-demonyo. Mula sa may di kalayuan ay nakita ko ang isang grupo ng mga adik na pinagkakaisahan ang isang babae.
Time for some action!
Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Basta't natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa may dalampasigan. Tumigil na rin ang ulan. Medyo malagkit pa ang mga damit ko kaya paniguradong sumuong ako sa dagat.
Dahil naka t-shirt lang ako ay ramdam na ramdam ko ang malamig na hanging tumatama sa aking balat. Nagmistulang ipo-ipo sa lakas ang malamig na hangin. Kulang na lang ay tangayin ako nito.
Napatingin ako sa kalawakan. Gabi na pala. Kanina'y may liwanag pa, ngayo'y tanging liwanag lang na nagmumula sa mga tala ang nagbibigay tanglaw sa madilim na kapaligiran.
Bumalik ang tingin ko sa karagatan. Napakaganda nitong pagmasdan. Madilim na ngunit kitang-kita ko pa rin ang pagkinang ng tubig sa may di kalayuan. May kalakihan na rin ang mga alon pero hindi pa rin nawawala ang kinang sa tubig.
Habang nakatingin dito ay unti-unting napunit ang isang mapait na ngiti sa aking labi. Sa mga pagkakataong ganito, naalala ko na naman si Jessa.
Bumuntong-hininga ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na iniwan niya ako. Hindi pa rin naaalis sa puso ko ang galit sa ginawa niyang pag-iwan sa 'kin. Nagtatampo dahil pinagpalit niya ako sa iba. Ngunit sa kabila noon, may isang parte pa rin sa 'kin ang umaasang babalikan niya ako.
Tumawa na lang ako mapakla. Wala na akong pakialam kung may nakarinig man. Hindi pala ganoon kasimple ang tinatawag nilang move on. Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Ang hirap magpanggap na ayos lang ang lahat. Nagpakatatag ako ngunit sa huli, ako pa rin ang uuwing luhaan. Sa mga pelikula lang naman kasi may nangyayaring himala. Sa totoong buhay, ang hirap i-apply.
Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ang pag-aalburoto ng tyan ko. Hindi pa nga pala ako nakakakain ng hapunan.
Isang sulyap ko pa sa malawak na karagatan bago ako bumalik. Baka nagpakamatay este kung ano nang nangyari sa alaga ko.
Pagkabalik ay dumaan na muna ako sa cafeteria nitong hotel. Nag-order na ako at sinabihang ihatid na lang nila mayamaya sa kwarto. Mas maganda na rin ito kaysa naman sa mamaya pa ako mag-oorder. Matapos kong asikasuhin ang mga pagkain ay dumiretso na rin ako sa kwarto. Ilang oras na rin ako sa labas, baka kung ano nang nangyari sa estatwang iyon.
Kanina pa ako rito sa harapan ng pinto. Na-e-estatwa lang. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Kanina pa sumisigaw ang utak ko na buksan na ito ngunit hindi sumusunod ang katawan ko. Parang pelikula na nag fla-flash back sa isipan ko ang mga nangyari kanina.
Sa kaniya ko unang naibunton ang galit ko.
Wait a minute. Is this guilt I'm feeling? Fuck!
Remind me again, why the fuck am I in this kind of situation?
Hindi na ako nag-alinlangan pa saka binuksan ang pinto. Agad kong nilibot ang paningin sa kabuuan ng silid, nagbabakasakaling makita siya ngunit ni anino niya ay hindi ko makita-kita. Nasaan na naman ba ang isang iyon? Baka naglayas na?
Lalabas na sana ulit ako ng mahagip ng mata ko ang bukas na pintuan patungong teraso. Huwag mong sabihing...
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na naglakad.
Automatiko akong napaatras habang takip-takip ang mata ng biglang tumambad sa 'kin ang isang napakaliwanag na bagay. Pakiramdam ko'y pinapasukan ng mainit na tubig ang aking mga mata sa sobrang hapdi.
Pinalipas ko na muna ang ilang segundo bago unti-unting nagmulat. Pìlit na inaaninag ang bagay na muntik nang bumulag sa 'kin.
Marahang nanlalaki ang mga mata ko nang tuluyang maaninag kung ano ang napakaliwanag na bagay na iyon.
T-tama ba itong nakikita ko?
P-pero papaanong?
No! This is ludicruos! This is not real!
Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Agatha na nakatayong patalikod sa 'kin habang nakaharap sa higanteng buwan.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Nagbabakasakaling namamalik-mata lang ako. Na babalik ang lahat sa normal pagkamulat ko.
Sinadya kong pumikit ng ilang segundo bago dumilat, ngunit gaya kanina ay nasa harapan ko pa rin ang dambuhalang buwan.
Ilang beses ko pang inulit ang prossessong ito, pero nabigo pa rin ako.
How the heck is this even possible!
Unti-unti na ring nabubuo ang mga sangkatutak na tanong sa aking isipan.
Paano nangyari iyon? Sa pagkakaalam ko'y bukas ng gabi pa magkakaroon ng full moon. Saan galing iyan? Tandang-tanda ko na wala naman iyan kanina nung nasa dalampasigan pa ako. Puros mga tala lang ang nakita ko kanina. Saka isa pa, napakalaki nito. Wari ba'y napakalapit nito sa mundo. Anong nangyayari?
Napatingin ako kay Agatha. Hindi pa rin ito gumagalaw mula sa pagkakatayo. Possible kayang?
Hah! Don't kid yourself Reese! Natawa na lamang ako sa naisip. Kahit saan anggulong tingnan, impossible talaga.
Pero bakit ganoon? May isang parte sa 'kin na gustong maniwala. Sa mundong ginagalawan namin, walang impossible.
May dahilan kung bakit sinali siya ni HM sa napakadelikadong misyon na ito. Alam kong may alam ito tungkol sa pagkatao ni Agatha, pero hindi lang niya sinasabi. Isa pa, kilalang-kilala ko siya. Hindi ito yung tipo na basta-basta na lang nagsasali ng kung sino-sino grupo. Kasama nga niya ako, pero hindi ko magagaransiya ang kaligtasan niya ng buo.
Sino ka nga ba talaga?
Napaitag na lang ako sa kinatatayuan ng mapatingin ulit sa gawi niya. Teka, nasaan na 'yong buwan? Bakit biglang nawala? Nilinga-linga ko ang paligid, pero wala. Ni bakas nito ay wala akong makita.
"What the—"
Was it just an hallucination? Pero parang hindi. Totoo ang hapdi na naramdaman ko ng tumama sa 'kin ng diretso ang nakakasilaw nitong liwanag.
Dumapo ang tingin ko kay Agatha. Titig na titig pa rin ito sa 'kin.
Was it her? Is this her power? Illusion huh?
Bahagyang bumukas ang mga bibig ko. May mga gusto akong itanong pero walang tinig na lumabas. Pakiramdam ko'y nalunok ko ang aking dila.
What the hell is happening? Was this also her doing? Nagulat na lang ako ng nilagpasan na niya pala ako.
Sinundan ko siya ng tingin. Dire-diretso itong naglakad patungo sa may lamesa.
Hindi na ako nagdalawang-isip at agad na akong pumunta sa harapan niya. Kailangan kong malaman kung totoo ba talaga ang mga nakita ko kanina.
If she resist, then I have no choice, but to use my mind control over her.
Pagkaupo ay hindi sinasadyang mapatingin ako sa kasuotan niya.
"Why the hell didn't you change your clothes?"
SOMEONE POV
Naalimpugutan ako sa kasarapan ng aking tulog nang biglang tumunog ang aking telepono. Nasa may ulunan ko lang kasi ito kaya dinig na dinig ko.
Fuck shit!
"How dare you disturb my sleep!" Malakas kong sigaw pagka-angat na pagka-angat sa tawag. This asshole better had a good report! Kung hindi ay mata lang nito ang walang latay.
["I-i'm sorry master! I didn't know! Please! Spare my life!"]
Napahawak ako sa sentido ko.
"Report!"
["Sir. Blah blah blah,"] hindi ko na pinansin ang iba pa niyang sinasabi dahil nakuha na ng isang bagay ang aking attensiyon.
"This girl, are you saying that she just created a moon?"
["Yes master! I saw it with my own two eyes."]
Napangisi ako sa narinig.
"Is that so? Then bring her to me." Hindi ko na ulit narinig ang iba pa niyang sasabihin dahil agad ko nang binaba ang tawag.
Sa loob ng ilang saglit ay napuno ang aking silid ng mga malalakas na halakhak.
An illusionist huh? I must have her at all cost! Magagamit ko ang kapangyarihan niya para mas lalong lumakas ang aking puwersa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro