Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20


ZHYRIX POV

Alas-sais pa lang ng hapon ay nandito na kami sa airport. Kung tutuusin ay alas-dyes pa naman ang flight namin, pero mas maigi na rin ito kaysa naman sa maabutan pa kami ng traffic. Isa pa, hindi ko alam kung ano ang ginawa ni HM para magkapare-parehas kami ng oras ng flight.

Napabuntong-hininga na lang ako sabay sulyap sa mga kasama ko. May kanya-kanya silang mundo ngayon. Naglalambingan sa isang tabi sina Gian at Vio. Busy sa pag-mamake-up si Rose habang natutulog sa tabi niya si Brent. Si Rayne naman ay naglalaro ng PSP.

Nakatayo lang ako sa may di kalayuan sa kanila habang iniisip si Agatha. Kamusta na kaya siya? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sang-ayon sa naging desisyon ni HM. Hindi na niya sana dapat pa isinali si Agatha sa misyong ito. Kasama nga niya si Reese pero hindi naman sa lahat ng oras ay siya na lang palagi ang iintindihin nung isa. Sana lang ay ingatan siya ni Reese habang nasa poder niya ito. Pero, paano kung...

Aist! Brain! Why are you so negative! Of course he will take good care of her! I will personally deal with him should he let something bad happen to her.

Sa ngayon ay kailangan ko munang magconcentrate sa misyon namin.

Para maibsan ang pag-aalala ay minabuti kong basahin ulit ang mga kakarampot na impormasyon tungkol sa aming misyon. Hindi naman ito kumpleto. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni HM o hindi. Pakiramdam ko'y gusto talaga kaming pahirapan. Kung sabagay, mas maganda nga naman sa pakiramdam kapag pinaghirapan mo ang isang bagay. Hindi iyong inihain na nga't lahat, susubuan ka pa.

Sa kakatitig ko rito ay hindi ko na napapansin ang paligid ko. Medyo napaitag ako ng biglang may bumangga sa aking balikat. Hindi ako natumba, pero nalaglag ang folder na hawak-hawak ko. Dumulas ito sa kamay ko.

"Hey! Watch where you're going!" asik ko dito. Imbes na humingi ng tawad ay dumiretso lang ito ng lakad na parang walang nangyari. Lintik na iyan! Kung hindi ka lang civilian, kanina ka pa sana pinagpyepyestahan ng mga alaga kong pating.

Hindi ko na lang ito pinansin at yumuko para kunin ang folder. Medyo nagkalat na kasi ang laman. Aayusin ko na sana ito ng bumulaga sa 'kin ang hindi kaaya-ayang hitsura ng isang halimaw. Ang Chimera.

Nakita ko na ito, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga.

Sa tingin pa lang ay mukha na itong mabangis. Dati-rati, sa mga pictures ko lang ito nakikita. Akala ko'y sa mga fantasy movies lang sila lumalabas. Who would have thought that these beasts are real?

Hindi mapagkit ang aking titig sa litrato. May kung anong bumubulong sa 'kin na titigan iyon. Mayamaya pa'y unti-unti kong naramdaman ang palakas na palakas na tibok ng aking dibdib. I felt my adrenaline rush to the highest level. My whole system is shouting at me, begging me to answer their call for blood. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buo kong pagkatao.

Imbes na matakot ay napangisi pa ako ng malademonyo. At last, my long wish has been granted. Makakasagupa na rin ako ng totoong halimaw.

"Hey bro! Okay ka lang ba?"

Bumalik lang ako sa wisyo ng maulingan ang boses ni Gian. Saka ko lang napagtanto na nakatingin na pala silang lahat sa 'kin maliban kay Rose na busy sa pagpapahid ng lipstick. Halatang wala itong pakialam sa paligid habang nagpapaganda sa harap ng maliit niyang salamin.

Ano pa nga bang aasahan ko sa babaeng iyan. Hindi na ako magtataka kung sabihin man niya sa amin na mas importante ang kaniyang make-up kit kaysa kay Brent. Kawawa si Brent kung nagkataon.

Imbes na sumagot ay tinanguan ko lang sila bago ipasok sa bag ang folder. Sunod kong tinignan ang destinasyon namin.

Sa Turkey. Ito ang bansa kung saan pinaniniwalaang nagmula ang mga halimaw na ito. Napatingin ako sa mga kasama ko. Kung hindi ako nagkakamali ay sa Norway ang destinasyon nina Brent at sa Hokkaido naman kina Gian.

"Kuya, may dala ka ba d'yang pagka—"

"Good evening ladies and gentlemen. May I have your attentions please. All passengers traveling by Singapore Airlines Flight SQ 247..."

Hindi na naituloy ni Rayne ang sasabihin sa narinig. Napatingin ako sa relos ko. Mag-te-ten na pala. Ganoon na ba ako katagal tumunghay?

Agad ko nang kinuha ang bag ko saka ulit napatingin sa iba. Hawak-hawak na rin nila ang mga bagahe nila. Sa aming lahat, si Rose lang ata ang nakamaleta. Ang laki pa. Dala na ata ang lahat ng laman ng kaniyang wardrobe.

Bago magkanya-kanya ng lakad ay lumapit na muna sila sa 'kin. Gaya ng dati, bago kami maghiwa-hiwalay ay nagsabi na muna sila ng mga gusto nilang sabihin. Hindi na sila nasanay.

"Well, this is it guys! Good luck to us," sabi ni Gian. Halatang pinipigilan nito ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"Yeah, you too. See you all in 4 months time," cool na sabi Rayne pero alam kong pinipigilan din niyang lumuha.

"I will miss you guys a lot!" Ani Vio bago kami niyakap ng isa-isa.

"Take care," gaya ng dati, iyan lang ang sasabihin ni Brent.

"Bring me some pasalubong, okay?" Natawa naman sila sa sinabi ni Rose. Maski ako ay medyo napangiti na rin.

"Ikaw talaga Rosemarie! Pasalubong pa rin ang nasa utak!" Hiyaw ni Gian habang pinipigilan pa rin ang pag-iyak. Sinamaan naman siya ng tingin ni Rose.

"Hey! How many times do I have to tell you to call me Rose! Rosemarie is just... eww! That name is not bagay for a dyosa like me! Duh!"

"Oo na! Oo na! Nagbibiro lang. Psh!"

Mabuti na lang at sumuko kaagad si Gian. Kung hindi ay susunugin ko talaga ang buhok ng mga ito.

"Siguraduhin ninyong babalik kayo ng buo," panimula ko. Naagaw ko kaagad ang attensiyon nila kaya napatingin silang lahat sa akin. "Dahil kung hindi ay ako mismo ang gagawa niyon sa inyo." Pagtatapos ko sa sasabihin ko. Kahit naman ganito ako ay may malasakit pa rin ako sa kanila.

Sumeryoso na rin ang mga mukha nila hanggang sa...

"Of course! Who do you think we are?" pasigaw ni Gian na agad sinaway ni Vio dahil pinagtitinginan na kami.

"Oww! How sweet! The prince of LU Academy is worried about us!" sabi ni Rose. Lumapit ito sa 'kin saka yumakap.

"You too bro," sabi ni Brent na nakangiti.

"Don't worry, we will. Mag-ingat din kayo do'n," seryosong sabi ni Vio.

Tumango na lang ako saka binalingan si Rayne na umaarteng naiiyak.

"Let's go." Hindi ko na hinintay ang mga sasabihin pa nila at naglakad na paalis. Narinig ko pa si Rayne na sumigaw.

"I'm gonna miss you guys! See you!"

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi maalala si Agatha. Oo nga at kasama niya si Reese, pero...

Napabuntong-hininga na lang ako. Sana ay mabilis lang ang agos ng oras para makita ko na ulit siya.

Agatha, please be safe, bulong ko sa hangin bago tuluyang makapasok.





REESE POV

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa 'kin ang nangyari kanina. Malakas ang kutob kong may nagmamanman sa amin. Kailangan kong mag-doble ingat simula ngayon.

Pagkalabas namin ng airport ay sinalubong kaagad kami ng malamig na simoy ng hangin.

Aist! Nakalimutan ko. Autumn na nga pala sa bansang ito kaya malamig! Wala pa naman akong dalang jacket dito. Sa totoo lang ay kaya ko namang tiisin ang lamig, pero may kasama nga pala ako kaya no choice.

Agad ko nang hinawakan sa kamay si Agatha. Mahirap na, baka mawala na naman ito. Para pa naman itong bata.

Inakay ko na siya pabalik sa loob. May mga nakita kasi akong negosyo kanina. Siguro naman ay may tindahan din ng mga damit dito.

Hindi naman kalakihan ang airport kaya madali kong nakita ang isang botique shop sa may dulo. Kompleto rito. Mula sa mga souvenirs, bags, mga sapatos, damit at kung ano-ano pa.

Kahit papaano ay magaganda rin ang quality ng mga produkto nila kaya hindi na ako nagdalawang-isip na bumili. Kumuha na rin ako ng mga disguise na puwede naming magamit ni Agatha. Naiinis kasi ako sa tuwing pinagtitinginan siya. Gaya ngayon, nakatingin sa amin ang halos lahat ng mga tao rito sa loob. Tingin na may pagnanasa. Ang iba'y bumubulong-bulong na nga, may laway pang kasama. Ang sarap pumatay ng mga hayop!

Matapos kong magbayad ay agad na kaming lumabas. Sinuotan ko na rin siya ng jacket. Gaya ng mga kababaihan dito ay nilagyan ko rin siya ng sciarpa kaya mata na lang ang nakikita sa mukha niya.

Sakto namang pagkalabas namin ay may taxi na agad akong nakita.

"Where to, sir?"

Muntik na akong mapahagalpak ng tawa sa narinig. Kahit kasi nag E-english ito ay rinig na rinig pa rin ang accent nito. Alam ko namang magsalita ng salita nila, pero tinatamad ako. Sa pagkakaalam ko'y maalam ang mga tao rito na magsalita ng Ingles. Iyon nga lang ay talagang masama sa pandinig ang accent nila. Napatingin ako sa driver. Nakasuot ito ng jacket, pero halatang maputi ito. Mukha siyang banyaga, hindi nga lang masyadong halata dahil sa malalagong balbas niya sa mukha.

"Do you know any hotel near the bay?" tanong ko. Naisip ko na mas maganda kung malapit lang sa dagat ang kukunin namin para bukas diretso na.

"Ay, yes, sir! I know one, sir. But that hotel is very very expensive."

"Just drive."

"Are you and you're wife a tourist here sir? I know of very very beautiful places to visit. I used to be a tourist guide so I can tour you tomorrow if you want."

Ang daldal naman ng isang ito. Dinaig pa si Gian sa kadaldalan. Hindi ko na sana ito sasagutin pero naisip ko na puwede ko rin itong pagtanungan ng impormasyon.

"Do you know how to get to Kesh island?" Aaminin ko, medyo nagulat ako nang bigla na lang itong nag-preno. Mabuti na lang at nahawakan ko agad si Agatha dahil kung hindi ay baka nasubsob na siya sa harapan.

"What the fuck are you doing?" Hindi ko mapigilang mapamura. Ano bang problema ng isang ito?

"Are you okay? Are you hurt somewhere?" Aandap-andap kong tanong habang pinapasadahan siya ng tingin. Kapag may nangyaring masama rito, ako pa ang may kasalanan.

Napabuntong-hininga lang ako ng makitang maayos naman ito.

"I-I'm sorry sir! I didn't mean to."

As much as I wanna punch this man to a bloody pulp, I controlled myself. Lalo na ng makitang nanginginig na ito. Anong nangyari rito?

Binuhay na ulit niya ang kotse at itinuloy ang pagdri-drive. Medyo nanibago lang ako ng hindi na ito umiimik. Kung kanina'y maurirat ito, ngayon naman ay kabaliktaran. Ang pinagtataka ko lang, bakit gano'n ang naging reaksiyon nito nang banggitin ko ang Islang iyon? Possible kayang may nalalaman ito tungkol sa lugar na iyon?

Magtatanong na sana ako pero naunahan na niya ako.

"W-why would you l-like to g-get there? There are so many tourist spot in here, why go there?"

Nagdalawang-isip ako, kung sasagutin ko ba ito o hindi. Sa naging reaksiyon niya, paniguradong may alam ito at kailangan kong makakalap ng mga impormasyon para sa misyon.

"We're on our honeymoon and that place is our destination." Huh? Ano bang sinasabi ko? Kinakareer ko na ata talaga ang pagiging mag-asawa namin! Tanga lang siguro ang maniniwala. I mean, mukha pa kaming mga bata para mag-asawa.

"Really, sir? Congratulation! And happy honeymoon!"

Ay naniwala! Ibig sabihin ay tanga talaga ito. Tumango na lang ako bilang sagot. Mula sa salamin ay nakita kong sumeryoso ang mukha nito.

"But why there? I mean, there are so many places for you to spend your honeymoon,"

Napakamaurirat talaga ng miron na ito. Pero kailangan kong maki-go with the flow para sa misyon ko. Fuck this!

"My older cousin had their honeymoon there almost five years ago. They said that the place is perfect and the view is absolutely mesmerizing. We wanted to experience that so we decided to go there for our honeymoon." Lintik! Ano ba itong lumalabas sa bunganga ko? Nagiging madaldal na rin ako! Lintik na misyon ito oh!

"Ay, yes, sir. That island is really really beautiful. But not anymore,"

Nagpantig ang tainga ko sa narinig. Ito na! Ito ang hinihintay ko! Kailangan ko lang ngayon ay palawigin ang istorya.

"What do you mean by that?" kunyari ay tanong ko. Mula sa salamin ay kitang-kita kong lumungkot ang kaniyang mukha.

"Hey, you okay?" tanong ko ulit. Hindi kasi maipinta ang mukha.

"Ah, yes. I'm sorry sir!"

"What happen?"

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng taxi. Tumagal ito ng halos ilang minuto. Medyo nagsisi naman ako sa tinanong ko. Alam kong personal ang tanong ko, pero hindi ibig sabihin noon ay mag-sosorry na ako. Wala iyon sa bokabularyo ko. Nasabi ko na, bakit ko pa babawiin?

Ilang segundo pa ang lumipas. Akala ko'y hindi na ito magsasalita pero nagulat ako ng basagin niya ang katahimikan.

"A-all of my f-friends d-died on that island."

I was taken aback by what he said. Hindi ko inaasahan iyon. Kaya ba ganoon na lamang ang reaksiyon niya kanina?

"What happened?"

"T-that island, is no longer safe. It no longer held the magnificent view like before. It's now the devil's den!" Napakaseryoso ang mukha niya ngayon. Pero hindi iyon ang napansin ko.

Napangisi ako nang malademonyo. Tama nga ako, katulad namin ay banyaga rin ito. Mula sa baluktot niyang accent kanina ay naging straight english nang sabihin niya ito.

"So, tell me who you really are," mukhang nagulat naman ito sa tanong ko. Narealize niya ata ang ginawa niya.

"Hahaha! W-what a-are you t-talking about, sir? I am just a nobody! A taxi driver!"

"Really? Are you sure about that? Captain Andrew Vox?" Nakangisi kong sabi. Diniinan ko pa ang pagsabi sa pangalan niya.

I know I'm being unfair, but life is really unfair. Plus, he gave me no choice. He knew something, and I won't let him go until he spill the bean.

"Who are you? How do you know my name?" Napangisi ulit ako sa turan niya. Tama nga ako.

"Tell me everything you knew about that island."

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya pero sa huli ay bumigay rin ito.

"Four months ago, my team got an assignment. We are to infiltrate an enemy base located on an Island. Our main mission is to free the prisoners. We succeeded, but we didn't know that we are about to encounter something, a beast that would forever change our lives." Bumuntong-hininga na muna ito. Kitang-kita sa mata nito ang mga pinaghalo-halong emosyon. Galit, takot, at lungkot. Halata ring pinipigilan ang nagbabadyang luha na sa tingin ko'y kanina pa gustong kumawala.

"I lost my team on that assignment. Even I barely escaped from the crutches of that terrible beast. I thought I would die from drowning, but someone rescued me. From that day on, I promised myself to get stronger so that I can avenge my team. It took me 3 months to plan my strategy, all I have to do now is to wait for the next full moon."

Nangunot ang noo ko sa narinig.

"Full moon?"

"Ah yes, ever since that beast appeared, that Island can only become visible during the full moon."

What the fuck? Hindi ako inform sa impormasyong ito! Lumalabas lang ito tuwing may full moon?

Tumingin ako sa calendar ng cellphone ko. Nanlalaki agad ang mga mata ko sa nakita.

"But the next full moon is..."

"Exactly a week from now."

Oh shit! This mean that we're stuck here for a week! This is unbelievable!

Napatingin ako kay Agatha. Nakatitig lang ito ngayon sa labas ng bintana. Napahilamos na lang ako ng mukha. I can already see the headaches!

It's only been a day or two since she's with me, but I'm already going insane. Damn! Hear me, oh, gods and goddesses! Help me keep my sanity intact.

"Sorry, I shouldn't have said such things. You two lovebirds should just enjoy your honeymoon instead of listening to an old man!" rinig kong tawa ni manong. Balik sa pagiging Arabo na naman ang boses niya.

"Can you describe this beast?" Napatigil ito sa pagtawa sa sinabi ko. Sumulyap pa ito sa salamin.

"Huh? Are you su..."

"I'm serious."

"If you insist." Humugot na muna ito ng malalim na buntong-hininga.

"I can never forget such hideous creature," panimula niya, "that beast is the size of an Elephant. It has the body of a Lion, a human head with three rows of sharp teeth. Huge bat-like wings, two horns like that of the devil. And its tail is that of a Scorpion."

Mula sa salamin ay kitang-kita ko ang hindi maipinta nitong mukha habang sinasabi ang hitsura ng target. Ang higpit din ng hawak nito sa manibela. Tumpak lahat ng sinabi niya, pero hindi ko inaasahan na may pakpak din pala ito.

This is bad. Mukhang mahihirapan ako sa misyong ito kung totoo man ang sinasabi niya.

"We're here."

Napatingin ako sa labas. Nandito na nga kami. Bakit ang bilis naman yata?

"How much?" Tanong ko bago kinuha ang wallet. Mabuti na lang at pinapalitan ko ang cash na dala ko.

"Ah, it's just 300 Riyal, sir." Hindi na ako tumingin sa laman ng wallet ko at basta na lang humablot ng dalawang perang papel bago i-abot dito. Nagulat pa siya sa nakita.

"But, sir! This is too much..."

"Keep the change," walang gana kong sabi sabay labas. Umikot muna ako para pagbuksan si Agatha ng pinto. Nang makalabas siya ay dumeretso naman ako sa likod para kunin ang mga bag namin.

Pagkababa ko ng gamit ay nakita ko si manong na nakatayo sa gilid. Seryoso itong nakatingin sa 'kin kaya hinarap ko na rin ito.

"Here's my contact number. Just call me if you need my service." Kahit na nagdadalawang-isip ay kinuha ko na rin ang iniabot niya. Baka nga kailanganin ko ang serbisyo niya. I mean, we're stuck here for a week.

"Goodluck and happy honeymoon," Nakangising sabi nito. Kita kong kumindat pa ito kay Agatha Bigla namang nag-init ang aking pisngi.

"Don't be shy! That's totally normal! I'll be going now."


Medyo malayo na siya saka pa lang ako bumalik sa realidad. Honeymoon daw! Kung alam lang niya ang totoo.

Bumuntong-hininga na muna ako bago binuhat ang mga bag namin. Hinawakan ko na rin sa kamay si Agatha bago hinarap ang hotel.

Automatikong nagsalubong ang mga kilay ko sa pagkadisgusto. Love Hotel?

Pinag-isipan ba talaga nila ang pangalan ng hotel na ito?

Hindi ko na lang ito pinansin at naglakad na patungo sa entrance.

Pagkapasok ay sumalubong agad sa amin ang mga trabahador. Panay ang titig nila sa 'kin. Titig na may kahalong paghanga. Dumiretso na lang kami sa may counter. Mabuti na lang at lalaki ang nakapwesto rito.

"I would like to get two rooms," agad agad kong sabi. Mukhang nagulat naman ito at tinignan pa kami ni Agatha na nangungunot ang noo. Nagatataka siguro kung bakit dalawang kwarto ang kukunin ko. Isa pa ay hawak-hawak ko ngayon ang kamay ni Agatha.

"Are you Mr. and Mrs. Montreal?"

Muntik ko nang masamid ang dila ko sa narinig.

"What?"

"Mr. Jeong already made reservations for your honeymoon."

"What?" Napanganga ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. What the fuck is the headmaster thinking? Reserved? Mr. and Mrs? Honeymoon? Huh? Bakit? Kailan? Paano? Bakit hindi ako sinabihan tungkol dito?

Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Basta't natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap ng isang malaki at magarang pintuan.

Pagkapasok namin ay agad akong napanganga. What the heck is the meaning of this?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro