Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2


RAYNE POV

"Saan ka galing?" Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. Paktay kang bata ka! Kailangan kong umayos kundi ay mahahalata ako! Sana ay hindi niya nakita si Agatha kundi lagot ako diyan!

Mabilis ko munang inayos ang sarili ko bago siya lingunin.

"Uhm... Wala kuya, d'yan lang sa labas. Na-fla-tan kasi ako kaya naglakad na lang ako pauwe." Napalunok ako ng madiin. Ramdam na ramdam ko rin ang malakas na dagundong ng aking dibdib dala ng kasinungalingang nahabi ko. Kulang na lang siguro ay lumabas na ito sa rib cage ko. Sana kagatin niya!

Humupa lang ang aking kaba ko nang tumango ito sa 'kin at naglakad na palayo.

Wew! Nakalusot! Hindi pa rin pala nababawasan ang talento ko sa pag-acting! Ang galing ko talaga! sa isip-isip ko habang ngiting-ngiting pumasok na sa loob.

Pagpasok ko ay nadatnan ko siya na nakatayo sa tapat ng bintana habang nakatingin sa labas. Bukas ang ilaw kaya kitang-kita ko na siya ng mabuti. Kung kanina ay napanganga ako, ngayon naman ay napatulala ako sa nakikita.

My God! She is a paradigm of absolute beauty!

Nakatitig pa rin ako sa kanya ng bigla na lang siyang lumingon sa 'kin at may sinulat muli sa kaniyang notebook.

Na-curious ako bigla. Ano kaya iyon? Sasabihin na ba niya na guwapo rin ako? Na bagay kaming dalawa? Na...

Hindi ko na naituloy ang mga imahinasyon ko nang mabasa ang nakasulat doon.

Food.

Ah. nakakadisappoint naman. Akala ko pa naman ay tungkol na sa amin ang sinusulat niya. Ang sakit talaga ang maging assuming. Pero ayos lang iyon, ang importante ay makakain na muna siya. Paniguradong gutom siya dahil iyan ang sinulat niya.

"Ok, wait for me. Kukuha lang ako sa kusina ng makakain natin." Nang tumango ito ay dali-dali na akong lumabas.

Halos liparin ko ang hagdan dahil sa bilis pero kung minamalas nga naman, nandoon pa pala si kuya at umiinom ng wine.

"I thought you're sleeping," ani kuya bago nilunok ang huling wine na nasa baso.

"Ah, hehe. Nagutom kasi ako bigla eh. May natira pa ba d'yan kuya?" tanong ko. Dumiretso na ako sa lalagyan ng mga plato para kumuha ng mga gagamitin namin.

"Tignan mo na lang d'yan sa ref." Pagkasabi niya nito ay tumungo na ako sa ref.

Muntik na akong mapalaway pagkabukas na pagkabukas ko. Napalunok pa ako ng ilang beses. Nandito kasi ang lahat ng mga paborito kong pagkain. May pizza, afritada, dinuguan at tocino. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at kinuha ang mga iyon. Dahil puno na ang kamay ko ay agad kong ginamit ang kapangyarihan ko para palutangin ang mga ito sa ere. Sinunod kong kinuha ang isang bote ng tubig saka iyong kanin at akmang aalis na sana nang magsalita ulit si kuya.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Ah, kuya, sa kwarto na lang ako kakain," sabi ko. Mabilis na akong naglakad bago pa man siya magsalita.

Pagkapasok ko sa kwarto ay isinarado ko na agad ang pinto. Mahirap na, baka maisipang sumilip dito ni kuya. E di lagot ako.

Napangiti ako ng maluwang nang makita siyang nakaupo na sa harapan ng mesa. Gutom na talaga siguro ito. Gamit din ang kapangyarihan ko ay pinatong ko na ang mga nakuha kong pagkain bago umusal ng isang spell para painitin ang mga ito. Ayaw ko namang pakainin siya ng malamig na pagkain.

Kaagad akong naghain sa pinggan bago i-abot sa kaniya.

"Kain na tayo." Nakangiti kong sabi bago kumagat ng pizza.



Makalipas ng ilang minuto ay ubos na lahat.

Tulala lang ako ngayon habang pinagmamasdan ko siyang ngumunguya. Sampung minuto lang ang nakalipas pero sa-id na sa-id na ang laman ng mga container.

I blinked repeatedly as the information sink in my head. It even took me a few seconds to finally realize what just happened.

Bigla akong napamulagat. Grabe! Ang lakas niya pala kumain. Marami ang kinuha ko pero hindi ko man lang natikman ang iba, ubos na!

"Grabe miss Agatha! Ang lakas mo pala kumain! Siguro gutom na gutom ka na talaga?" Medyo natatawa kong sabi habang pinagmamasdan siyang uminom.

Mayamaya pa'y kinuha niya ulit ang notebook niya at nagsulat dito. Matapos niyang magsulat ay agad niya itong ipinakita sa 'kin.

Automatiko akong napanganga, mabuti na lang at wala nang pagkain sa bunganga ko kung hindi ay hulog lahat iyon.

More.

Kahit naman siguro sino ay mapapanganga. Sa dami ba naman ng kinain niya. Para sa tatlong tao na yung nakuha ko at siya lang halos ang umubos, pero ano raw? More pa raw?

"Sigurado ka ba? Gusto mo pa kumain?" hindi makapaniwalang tanong ko. Baka kasi ay gi-nu-good-time lang niya ako. Nag-aalangan kasi ako at baka hindi na niya maubos kung kukuha pa 'ko.

Nakita kong tumango lang siya at nagsulat ulit.

Hungry.

Bigla akong napahagalpak ng tawa sa nabasa. Grabe talaga! Ngayon lang ako nakakita ng isang babae na mas malakas pang kumain kaysa sa mga lalaki!

Buti na lang pala at sound proof itong kwarto ko kundi iisipin ni kuya na nababaliw na ako.

"Okay, wait here. I'll go get you some more." Hindi na ako nag-aksaya pa ng minuto at agad na tumayo para kunin ang mga pinagkainan niya.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba na sa kusina. Laking pasasalamat ko rin dahil wala si kuya. Agad kong binuksan ang ref at kumuha na ng mga pagkain. Mabuti na lang at may natira pa rito kung hindi ay mapapaluto pa ako ng wala sa oras. Mabilis kong dinampot ang mga desert, dinamihan ko na para makatikim naman ako. Sana lang hindi na masyadong marami ang kakainin niya. Sana.

Pagkakuha ng mga ito ay bumalik agad ako sa kwarto. Mahirap na, baka nandiyan lang si kuya sa tabi-tabi. Pagkapasok ay nakita ko siyang nakaupo pa rin sa pwesto niya. Hindi na yata siya gumalaw sa kinauupuan niya.

Mabilis ko nang hinain ang mga nakuha. Ang buong akala ko ay makakakain na rin ako sa wakas pero akala ko lang pala iyon. Gaya ng sinabi ko kanina, totoo ngang mahirap ang maging assuming. Siya pa rin kasi ang halos umubos sa kinuha ko. Ibang klase talaga!

Nang natapos kami ay muli na naman niyang kinuha ang notebook niya kaya napalunok ako. Baka kasi more na naman ang nakasulat. Anong ipapakain ko sa kanya? Kaunti na lang ang laman ang ref. Lagot ako kay kuya nito. Ubos na kasi ang dalawang araw naming stock.

Napapalunok pa ako nang iharap na nya sa 'kin ang kanyang notebook, pero laking pasasalamat ko na lang nang sleepy lang pala ang nakasulat kaya napangiti ako. Lintik! Kinabahan ako roon ah!

"Ok, you can sleep on my bed, but we have to wait for at least thirty minutes before sleeping." Nakangiti kong sabi. Hindi naman kasi pwede na matulog na agad siya pagkakain. Sana naman ay naintindihan niya kung bakit.

Napahinga lang ako ng maluwang nang tumango ito sabay tahimik na napatayo saka naglakad patungo sa bintana.

Sinundan ko na lang siya ng tingin. Naiwan kasi ako rito sa lamesa dahil kailangan kong iligpit ang mga pinagkainan namin.

Pagkaayos ng mga ito ay agad na akong bumaba sa kusina para mahugasan ang mga ito. Ayaw na kasi ni kuya na kumuha ng katulong kaya wala akong magagawa kundi hugasan ang mga ito. Ayaw na away pa naman niya na nagkalat lang diyan ang mga gamit. Lalo na ang kusina at ang banyo, dapat pulido. Binilisan ko na lang ang paghuhugas para makabalik sa kwarto. Gusto ko na rin kasing humiga at anong oras na. Ala-una na ng madaling araw.

Inabot ako ng halos tatlumpung minuto dahil tinuyo ko pa ang mga ito. Nag-ayos na rin ako ng kaunti rito sa kusina. Nang matapos ako ay agad na rin akong umakyat. Nadatnan ko siyang nakahiga na sa kama. Hindi ko alam kung gising pa ba siya o tulog na.

Para makasiguro ay dahan-dahan akong lumapit sa kama at pinagmasdan siyang mabuti.

Sino ka ba talaga? Agatha Vessalius D' Valliere? Saan ka galing? Isa ka lang ba talagang mortal o ano? Sobrang ganda mo talaga. Hindi ako magsasawang titigan ka ng ganito araw-araw, hindi, habang buhay.

Oo aaminin ko, may pagka-playboy ako kaya marami na kong naging syota. Magaganda at sexy silang lahat pero hindi pa ako nakakakita ng kasing ganda ng isang mo.

May kakaiba rin sa kanya pero hindi ko matukoy kung ano.

Akmang hahaplusin ko na sana ang pisngi niya nang matigilan. Ang paghaplos sa mukha niya'y hindi na naituloy, bagkus ay dumapo ang kamay ko sa kumot at dahan-dahan itong inayos. Baka magising kasi ito.

Bago ako tuluyang mahipnotismo ay tinungo ko na ang sofa at nahiga. Agad kong pinikit ang mga mata ko pero makalipas ng ilang minuto ay gising na gising pa rin ang diwa ko. Bakit ganito? Kanina lang ay antok na antok ako. Tapos ngayon, kabaliktaran?

Bumaliktad ako ng higa at hindi inaasahan na ang maganda niyang mukha ang una ko masisilayan.

Hindi ko alam kung bakit pero napunit ang isang maluwang na ngiti sa aking labi bago bumulong. Good night, my lady.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro