Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19


REESE POV

Nandito na kami ngayon sa loob ng Eroplano. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nangyari kanina. Iniisip ko kung kanino ang boses na iyon.

If that voice is strong enough to supress me, then that would only mean that the wielder is even more powerful. The only question is, who? Possible kayang totoo ang hinala ko? May nagmamanman nga sa amin, sa akin? Urgh! I can already see a headache coming.

Binuntong-hininga ko na lang ang namumuong panghihinala sa dibdib saka inilibot ang paningin sa paligid.

Nagtitipid ata si HM. Pinuwesto niya kasi kami sa Economy class. Puwede namang sa first class. Medyo nahirapan tuloy ako kanina. Mabuti na lang at sa banyo kami lumanding. Bago lumabas ay dumikit na muna ako sa kaniyang damit. Nagmukha akong Iguana kanina pero wala rin naman akong magagawa. Mahirap na. Baka may makakita sa amin na sabay na lumabas ng banyo. Baka kung ano pa ang isipin. Pagkalabas ay inalalayan ko naman si Agatha hanggang makarating sa pwesto namin. Pasalamat na rin ako at humaharok na ang lalaking nasa tapat namin dahil kung hindi ay baka mabisto ako.

Napatingin ako kay Agatha na ngayo'y titig na titig sa labas. Nakakapagtaka. Nag-aala ako kanina dahil baka magsuka ito sa hilo pero hindi. Parang wala lang iyon sa kan'ya. O baka naman ay sadyang malakas lang talaga ang resistensiya niya?

Why do I even care?

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkalikot sa maliit na TV sa aking harapan. Naghanap ng magandang pelikula saka ginugol ang oras sa panonood.



Lumipas ang ilang oras ay nakaramdam na ako ng antok. Anong nangari? Nakatulog naman ako kanina.

Sinubukan ko itong labanan ngunit sadyang hindi ko talaga kaya. Unti-unti kong nararandaman ang pagbigat ng mga talukap ng mata ko. Bahala na.

Hindi naman siguro ito mawawala rito.



Hindi ko alam kung ilang minuto o ilang oras ba akong nakatulog. Basta't nagising ako sa tawag ng isang babae. Pag-angat ko ng mukha ay nakita ko ang isang stewardess na nakangiti. Ngiting may kasamang landi. May pakagat-kagat pa ito ng labi.

"What would you like to have, sir?" Kainan na pala? Ang bilis naman ng oras.

"Anything, but you," saad ko. Lumingon ako kay Agatha sabay akbay sa kaniya. Mula sa dulo ng mga mata ko ay nakita kong umasim ang mukha ng babae. Ang kaninang matamis nitong ngiti ay biglang nawala ng makita ang ginawa ko.

"S-sir, d-don't you want something to eat?"

Halatang pilit na pilit ang ngiti niya ngayon. Ang akala siguro niya'y hindi ko mahahalata ang masasamang tingin na ipinupukol niya kay Agatha.

"I would have some later once my wife is awake." Nanlalaki ang mga mata niya. Napalunok pa siya sabay tingin ng matalim kay Agatha. Hindi siguro niya inaasahan na may asawa na ako. Who would have thought that this is actually so much fun.

"W-wife? This bitch is your wife?" she hissed. Biglang nag-iba ang timpla ng dugo ko. How dare this woman.

"I'd watch my words if I were you, Miss." I dangerously growled as I tried to calm myself down. Nabigla naman ito at mukhang natauhan.

"I-I'm sorry sir!" Agad na nitong inayos ang mga dalahin at mabilis na naglakad palayo.

Pagkaalis ng niya ay napatingin ako sa asawa ko kuno. Tulog na tulog pa rin ito. Napangiti ako. Maybe being my wife isn't as bad as it seems.

Maingat ko na siyang inayos para mapahiga ng mabuti. Mabuti na lang at may kahabaan ang puwesto namin. May mga extra ring unan kaya ginamit ko na rin ito. Nang maihiga ko na siya ay kinumutan ko na ito nang hindi sinasadyang mapatingin sa napakaganda niyang mukha. Damn! Even when she's asleep, she's really stunning. She's like a sleeping doll!

Wala na bang flaws ang babaeng ito? Napakakinis ng balat. Kahit si Jessa no'n ay hindi nakakalagpas sa bagsik ng mga tagihawat. Nahihiya ba ang mga itong dumikit? Ang kinis eh. Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi.

Parang may kung anong bumubulong sa 'kin na halikan kyon. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Mas malakas ang hatak ng pulang labi niya.


Hindi ko na alam kung anong pumasok sa isip ko at unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Napalunok ulit ako ng makita kung gaano 'yon kapula. Kasing tingkad ito ng kulay ng dugo. Hahalikan ko ba siya? Kung iisipin ay tulog naman ito kaya hindi niya malalaman.

Napapikit ako ng mariin. Isang dangkal na lang ay mahahalikan ko na siya nang biglang...

"Hey mister. I think you drop something." Pakiramdam ko'y sapilitan akong binunot mula sa isang napakagandang panaginip sa oras na ito. Kaunti na lang eh!

Fuck! Did I just say that? Shit! It's confirmed. It's only been half a day, but I'm already crazy! I need a Doctor now!

Napatingin ako sa dalawang bubwit na sumira sa aking napakagandang panaginip. Nakangiti ang mga ito sa 'kin ngunit tinaasan ko lang ang mga ito ng kilay.

"What?"

"Is this yours, mister?" Napatingin ako sa hawak nung batang lalaki at nanlalaki ang mga mata.

Wallet ko iyon ah!

"How did you..."

"Nakita po ng kapatid ko kanina na pakalat-kalat po sa sahig. May picture naman po sa loob kaya hinanap na lang po namin kung kanino."

Ah! So totoo pala ang naramdaman ko kanina. Na parang may nahulog mula sa 'kin. Akala ko panaginip lang iyon. Napangiti ako sa dalawa saka kinuha ang wallet ko. I should be more careful next time. Baka hindi lang wallet ang mawala sa 'kin.

Napatingin ako kay Agatha. Baka pati ang isang ito ay bigla na lang mawala kagaya kaninang umaga. May isang parte sa 'kin na nagsasabing lapitin ito ng disgrasya. Kapag nangyari iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Thanks baby. Ano nga pala ang pangalan ninyo?" Nakangiti kong tanong habang tinutulungan silang makaupo. Hindi pa kasi nila masyadong abot ang upuan.

"Ako nga po pala si Niko at ito po ang kapatid ko na si Nika, ikaw po?"

Mas lalo akong napangiti sa inasal ni Niko. Halatang bibong bata hindi katulad ni Nika na tahimik lang. nagkapalit ata sila ng ugali?

"Just call me kuya Reese," sabi ko. Magsasalita pa sana ako ng maunahan ako ni Nika.

"Eh sino po siya? Ang ganda-ganda naman po niya kahit po tulog!"

On second thoughts, madaldal din pala ito. Nahihiya lang siguro.

"Ah, her name's Agatha, my wife."

"Talaga po kuya? Asawa mo po si ateng ganda? Saan po kayo pupunta? Gagawa na po ba kayo ng babies?"

Bigla akong nasamid sa sarili kong laway. Mabuti na lang at napigilan kong umubo.

"Kayo talaga, ang babata niyo pa pero kung ano-ano nang naririnig ninyo. Tell me, kanino niyo ba natutunan 'yan?"

"Kay ate Delang po! Iyong yaya po namin. Palagi po kasi naming naririnig na sinasabi niya 'yon."

What the heck! What kind of yaya is she? She's corrupting the minds of these innocent kids.

"Siya lang ba ang kasama niyo sa bahay? Nasaan na ang mga magulang ninyo?"

"Palagi po silang busy eh. Kaya si ate Delang na lang po lagi ang nakakasama namin."

Ah, kaya pala. Parang kami lang noon ng kapatid ko. Ang kaibahan lang, ako ang nag-aalaga sa kaniya.

"Tell you what, sabihin niyo sa mama at papa ninyo na maghanap ng bagong yaya." I know I'm kind of harsh, but if they really love their kids, then they would do what I say.

"Huh? Bakit po? Mabait naman po si ate Delang."

"You'll understand soon when you grew older. For now, bumalik na muna kayo sa pwesto niyo at mukhang hinahanap na nila kayo."

"Okay po kuya Reese! Bye-bye! See you later!"

Bigla akong pinagpawisan ng malamig. Ang kaninang matamis kong ngiti ay nawala habang sinusundan sila ng tingin. Dinig na dinig ko rin ang malalakas at mabibilis na kabog ng aking dibdib. Idagdag pa na sa bawat tibok nito ay para itong hinahati sa dalawa.

Naalala ko, iyon din ang huling sinabi ng kapatid ko bago siya kinuha sa amin. Hangga't maaari, ayaw ko nang marinig ang mga salitang iyon. Napakuyom ako ng kamao, sa sobrang higpit noon ay may nararamdaman akong malapot na bagay na tumutulo mula doon. Imbes na ngumiwi ay napangiti ako ng mapait. Kahit papaano ay bumabalik ako sa realidad.

Now that I think about it, it's already been 7 months since I visited her. Namimiss na siguro ako noon. Dadalawin ko na lang siya kapag nakabalik na kami.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ibinaling ang attensiyon kay Agatha. Tulog pa rin ito.

Inayos ko na lang ang kaniyang kumot saka umayos na rin ng upo. Napagpasyahan ko ring matulog muna tutal ay wala rin naman akong gagawin. Gigisingin ko na lang siya mayamaya.





Nagising ako sa liwanang na bigla na lang tumutok sa mukha ko.

Napatingin ako sa harapan at nakita ang mga stewardess na naglilibot na naman ng makakain. What the? Kainan na naman? Ganoon na ba talaga ako katagal natulog? Lumingon ako kay Agatha na ngayo'y gising na rin. Nakatingin ito sa labas ng bintana. Kanina pa kaya siya gising?

Nagkunyari akong inuubo para sana makuha ang attensiyon niya, pero wala. Nakatingin pa rin ito sa may bintana.

Hindi ba talaga niya ako narinig o nagbibingi-bingihan lang ito?

"Hey!" Again, nothing.

What the fuck is her problem? Hindi pa rin ba niya ako papansinin? Para na akong aso rito na tumatahol!

"Aga..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla itong lumingon sa 'kin. Napaitag pa ako sa gulat. May balak ba itong patayin ako sa gulat? Kinalma ko na muna ang sarili bago siya harapin. Napalunok pa ako ng mapatitig sa labi niya. Napakagat ako ng labi. I wanted to kiss those lips!

Putragis! Nahihibang ka na Reese! This is not cool! asik ko isipan ko.

"G-gutom ka na ba? A-anong gusto mong kainin?" Lintik naman oh! Bakit ako nauutal?

Tulad kanina ay isang blankong tingin lang ang sagot niya sa tanong ko. Oo nga pala, hindi nga pala ito nakakapagsalita. Bakiy ko ba nakalimutan ang tungkol doon?

"Nevermind," sabi ko na lang. Sakto namang nasa tapat ko na ang isang stewardess. May ibinigay itong papel bago umalis. Ito na ata ang menu?

Agad ko itong binasa. Medyo marami-rami rin pero lahat ng ito ay mga bago sa paningin ko. Nasanay na kasi ako sa mga pagkain ng VIP class at ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na sa Economy class ako pu-puwesto.

Lumukot ang mukha ko matapos kong basahin ang laman ng menu. I don't need these foods. Baka sumakit lang ang tiyan ko kapag pinilit kong kainin ang mga ito. Isa pa, sa tingin pa lang ay mukhang hindi ito makakapawi ng gutom.

"What would you like to have, sir?" Napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaki. May tulak-tulak itong cart na punong-puno ng pagkain.

"I don't eat these kinds of food. Bring me some from the VIP class." Kitang-kita ko ang gulat sa mukha nito. But that's to be expected. It's not everyday you encounter someone who demands food from the higher class. Akmang magsasalita pa sana siya pero naunahan ko na.

"Don't worry, I'll pay triple. Just get me those foods. I want my foods here in less than twenty minutes, or else, I'll have you fired." Banta ko sa kaniya. Napamulagat naman ito sabay napalunok. Nataranta siguro.

"Y-yes sir! Right away sir!" Napangisi ako sa narinig. Ang dali talagang magpaikot ng tao.





Habang kumakain kami ni Agatha ay napansin kong nakatingin sa gawi namin ang bagaling lalaki na nakaupo gilid. Hindi pala sa amin, kundi sa mga pagkain namin. Tumutulo pa ang laway nito pero agad din naman niyang nilulunok.

Disgusting!

Tinitigan ko siya sa mata bago umusal ng mahina."Petrificus Totalus."

Automatiko itong dumiretso ng upo. Nagmumukha itong tuod dahil hindi na ito makagalaw sa kinauupuan. Napangisi na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Ibig sabihin ay hindi pa rin nawawala sa 'kin ang isang bagay na matagal ko nang kinalimutan.

I sighed. Now that the nuisance is out of the picture, I can eat... what the fuck?

Where the heck did all those foods disappear from?

Lumingon ako sa paligid, nagbabakasakaling nandiyan lang ang mga ito, pero wala. Imposible!

Abala ako sa paghahanap ng maramdamang may kumulbit sa 'kin. Hindi ko na sana ito papansinin ng kinulbit ulit ako.

"What do you..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko makita si Agatha na titig na titig sa 'kin. Siya lang pala, akala ko kung sino na.

"What is it?" kalmado kong tanong. Agad niyang itinaas ang kaniyang notebook kaya napatingin ako rito.

More.

Nangunot ang noo ko sa nabasa. Anong more?

"More what?" Sa halip na magsulat ay itinuro lang niya sa 'kin ang mga tira-tirang pagkain. Ah. I get it.

Akmang magtatawag na sana ako ng stewardess ng bigla akong matigilan. Biglang pumasok sa isip ko ang biglaang pagkawala ng mga pagkain kanina. Pati na rin iyong nabasa ko. D-don't tell me...

Mabilis pa sa kidlat akong napalingon sa kaniya. Hinagod ko pa ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"I-ikaw ang kumain ng lahat ng 'yan?" Huh! Imposible. Huwag mo ngang gawing katawa-tawa ang sarili mo Reese. Nakakahiya ka!

Babawiin ko na sana ang sinabi ko ng makita itong tumango.

What the! Totoo nga! Pero, paano?

Napapikit na lang ako saka bumuga ng hangin. Paulit-ulit ang ginawa ko hanggang sa maramdaman kong kumakalma na ako.

Matapos noon ay tinawagan ko na ulit iyong lalaki para sabihin ang gusto ko. Agad naman itong tumango saka dali-daling umalis.




Wala pang sampung minuto ay bumalik na agad ito tangan-tangan ang mga pinakuha ko. Pinasadya kong damihan ito kaysa sa kanina. Tingnan ko lang kung makakain niya lahat ng iyan.

Pagkalapag niya ay agad ko itong inihain.

"Let's eat." Ani ko sabay kagat sa tinapay.





Hindi ko maiwasang mapanganga sa nasaksihan. Wala pa yatang sampung minuto ay ubos na niya agad. Babae ba talaga ito? Ang lakas kumain! Ibang klase! Ngayon lang ako nakakita ng babaeng mas malakas kumain kaysa sa lalaki. Hindi naman ito mataba kaya't saan niya iniimbak ang lahat ng iyon?

Lintik! Kung ganito katakaw ang makakasama ko ng ilang buwan, siguradong hindi kakasya ang ibinigay na pera ni HM. Mabuti na lang at naisipan kong dalhin ang credit card ko. Kung nagkataon ay talagang mamumulubi ako ng dahil sa kaniya. Parang halimaw kung kumain! Nakakapanindig balahibo!

Sisiguraduhin kong ilalagay ko ito sa listahan na gagawin ko.

Bumalik lang ako sa realidad ng maramdamang may humihila na naman sa laylayan ng damit ko. Napatingin ako sa kaniya at nakitang titig na titig na naman ito sa 'kin. Hawak-hawak nito ang kan'yang notebook at mukhang may ipapabasa na naman.

Bigla akong natigilan sa naisip. H-huwag mong sabihing...

Hindi ko mapigilang mapalunok habang dahan-dahan niyang binabaliktad ang papel. Mababatukan ko na talaga ito kapag more ulit ang nakasulat.

Sleepy.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan sa nabasa. Iyon lang pala! Akala ko naman kung ano na.

"Come here." Tumalima ako para kunin ang maliliit na unan at inilagay sa mga hita ko. Agad na rin naman siyang sumunod para mahiga.

Habang kinukumutan ko ito ay bigla na lang akong napaisip.

Remind me again, why the heck am I doing this? What is she doing here in the first place? Gustong-gusto ko na siyang ibalik, pero hindi na pwede. Nandito na eh. I just have to babysit her until this mission ends. May edad na ito kaya madali lang naman siguro. All I have to do is to keep her out of trouble.

Yeah! That's all I have to do. Easy as pie.

Pumikit na rin ako habang iniisip ang tungkol sa misyon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mga ibang nilalang ang makakaharap namin.

I am already trembling with anticipation. Manticore, Yeti, Sphinx, be ready. I will be the one to send you back to hell!


Sa buong biyahe ay hindi na ako nakatulog. Pinag-aralan ko ng mabuti ang mga impormasyon tungkol sa misyon ko. Alam kong hindi completo ang impormasyong ibinigay ni HM. My gut is telling me that there's more than the eyes would meet. I also had this weird feeling that something about this mission is definitely off. Hindi ko lang matuloy kung ano.

Sumulyap ako kay Agatha. Hindi ba ito nangangalay? Kanina pa siya nakatingin sa labas ng bintana.

"Agatha, ayusin mo na ang sarili mo at malapit na tayo," sabi ko. Kung hindi ako nagkakamali, ilang minuto na lang ay bababa na ang eroplano. Nang lumingon siya sa 'kin ay automatiko akong napaiwas ng tingin. Baka hindi ako makapagtimpi at mahalikan ko na talaga siya.

Hinintay ko siyang gumalaw, pero imbes na gawin ang sinasabi ko ay inilabas na ulit niya ang kaniyang papel saka nagsulat. What is it this time?

Why?

Naningkit ang mga mata ko. Ang totoo. Naubusan na ba siya ng bokabularyo at iyan na lang palagi ang nakikita ko?

"Are you even listening to me? I said... Urgh! Nevermind! Fuck it!" Ano bang isasagot ko sa kaniya? Anong parte ba ng sinabi ko ang hindi niya naintindihan?

Idadagdag ko ito sa mga irereklamo ko kay Zhy kapag nakabalik na kami.

"Do I have to do this all on my own?" This is freaking bullshit! Again, why do I even agree with this? Binabawi ko na rin ang sinabi ko kanina. Hindi pala madali ang maging babysitter.

Titig na titig pa rin ito sa 'kin. Wala na ba talaga itong balak gumalaw?

Nakakapunyeta! Kalma lang Reese! Kalma ka lang!

"Turn around," utos ko rito. Mabuti na lang at sumunod siya.

Agad kong kinuha ang backpack niya at inungkat ang laman. Sana naman ay may puyod siya.

Napangiti ako ng makita ang isang box na punong-puno ng kagamitan sa buhok. Iba't-iba rin ang kulay. Halatang pinaghandaan talaga nina Zhy. Pumili na ako ng isa at mabilis na inasikaso ang buhok niya. Kahit naman papaano ay alam ko kung paano gawin ang mga ito dahil ako noon ang nag-aasikaso sa kapatid ko. Paborito ko noon na gawan ng iba't-ibang hair-style ang buhok ng kapatid ko. Kinailangan ko noong matuto dahil ako lang naman ang palaging naiiwan sa kaniya. Isa pa, maarte ang kapatid ko pagdating sa mga damit at pag-aayos ng buhok niya kaya't inaral ko talaga ito. Nagpaturo pa ako noon sa aming private hairstylist.

Napatango ako ng matapos ang ginagawa. Simple lang naman ito pero bagay na bagay sa kanya. Pinaharap ko na siya sa 'kin. Muli ay natulala ako sa nakita. Bakit mas lalo pa yata siyang naging maganda sa paningin ko?

Hindi pwede! Iibahin ko na lang! Muli ko siyang pinatalikod at mabilis na tinanggal ang nauna kong ginawa.

Mas lalo kong sinimplehan ang pangalawa. Nang matapos ay pinaharap ko ulit siya, pero...

What the!

Very beautiful!

Umiling ako saka napapikit. Hindi totoo ang nakikita ko. Namamalik mata lang ako! Pinatalikod ko ulit siya at agad na tinaggal ang pangalawa.

Sa pagkakataong ito ay isang simpleng messy bun lang ang ginawa ko sa kaniya. Sinadya ko talagang guluhin. Nang matapos ay agad ko ulit itong pinaharap sa 'kin, pero...

I give up! Hands down na talaga ako sa babaeng ito. Trully, her beauty is unparralleled.

Kahit pa ata kalbuhin ko ito ay walang kwenta.

Nag-iwas ako ng tingin ng makitang titig na titig pa rin ito sa 'kin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko na ang boses ng kapitan na nagsasabing malapit na raw kaming lumanding kaya't inayos ko na rin ang seat belt ko. Pati ang kay Agatha. Wala kasi itong balak gumalaw.

Ilang saglit pa'y naramdaman ko na ang pagbaba ng eroplano. Halos dalawampung minuto rin iyon hanggang sa maramdaman kong tumapak na ang gulong nito sa sementong daan.

Makalipas ng ilan pang minuto ay inayos ko na rin ang sarili ko bago kinuha ang mga bag namin. Napatingin ako sa gawing bintana. Madilim na pala. Ibig sabihin ay bukas pa kami makakalarga patungo sa Islang destinasyon namin. Gabi na kasi kaya paniguradong wala nang may gustong tumawid na bangka sa karagatan. Kailangan kong makahanap ng matutulugan ngayong gabi. Kung mag-isa lang sana ako, ayos lang sa 'kin na sa tabing dagat na ako magpalipas ng magdamag kaso may kasama ako. Alam kong pagod ito sa biyahe kaya pagbibigyan ko na.

Nang tuluyan na kaming makababa sa eroplano ay may naramdaman akong kakaiba. Parang may nagmamanman sa amin.

Mabilis kong nilibot ang paningin sa paligid. Tinalasan ko na rin ang pakiramdam ko, pero wala.

Normal lang ang lahat. Wala akong makitang kahinahinala pero hindi ako pwedeng magkamali sa naramdaman.

Something is definitely not right. Kailangan kong magdoble ingat, sa isip-isip ko bago binalingan si Agatha.

SOMEONE POV

["Yes sir. Everything is going according to our plan."]

Napunit ang isang malademonyong ngiti sa aking labi.

"Good. Manmanan niyo sila ng mabuti. I need their data. Don't you dare fail me." Malamig kong sabi bago binaba ang tawag. Ininom ko na rin ang liquor na nasa kopita saka tumingin sa kawalan.

Sa wakas! Malapit ko nang mapasakamay ang mga data na matagal ko nang inaasam-asam! My plan to rule humanity is just around the corner. Sooner or later, the whole world will bow at my supreme power!

Humanda kayo sa hagupit ng aking bagsik!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro