Chapter 18
REESE POV
"S-sino ka ba huh? At ano naman ang pakialam mo kay miss dyosa?"
"She's my wife!"
Hindi lang ako ang nabigla sa sinabi ko. Lahat ng mga usisero't-usisera rito ay nagulat din sa narinig. Agad na nabalot ng katahimikan ang paligid. Kasunod nito'y mga bulong-bulongan.
"Sayang! taken na pala si pogi, kakasad naman!"
"Mag-asawa na sila? Ang ba-bata pa nilang tignan! Ano bang nangyayari sa henerasyon ngayon?"
"Sayang repa oh, may asawa na pala si miss dyosa."
Natauhan lang ako ng makarinig ng malakas na kalabog sa may di kalayuan sa 'kin.
What the fuck did I just say?
W-wife?
Dear brain, what the heck is going on with you? Ikaw naman bibig, kung ano-ano na ang mga pinagsasasabi mo. Nakakahiya ka!
Pero nandito na ito eh. Papanindigan ko na lang. I have no other choice.
"You heard me," mahinahon kong sabi para hindi mahalata ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
"N-nagpapatawa ka ba bata? Sa hitsura mong 'yan? Sa tingin mo papatusan ka ni miss dyosa?"
"Oo nga! Ang lawak naman ng imahinasyon mo! Pwede bang ilugar mo naman para hindi ka masyadong mapahiya?"
How dare these king-kongs! Baka mapatay ko ang mga ito ng wala sa oras. And I will make sure that even their families won't recognize them once I'm finished with them. But for now, I need to calm down.
"Don't push me. I just want my wife back."
Muli na namang binalot ng bulongan ang paligid. Yung totoo? Anong klase silang mga tao? Mas naiintriga pa silang maki-chissmis kaysa sa mga sitwasyong ganito. This is why I hate people like them.
"Hah! Huwag kang illusyunado! May prueba ka ba?"
"Is that so?" Napangisi ako. Nanlalaki naman ang mga mata nila. Hindi siguro nila inaasahan ang magiging reaksiyon ko.
"Then, will this ring prove my rights?" Agad kong itinaas ang kamay ko kung nasaan ang singsing ko. Gumawa na rin ako ng illusion para kunyari ay may suot-suot din si Agatha na singsing.
Sa totoo lang, ito ang singsing na ibinigay sa 'kin ni Jessa para sa aming 2nd year anniversary. Mabuti na lang at hindi ko pa naitapon. May silbi pa rin pala ito. Naisipan ko na itong itapon noon, pero hindi ko magawa-gawa. Siguro ay ganoon talaga kalalim ang pagmamahal ko sa kaniya
"Oh, eh ano ngayon kung may singsing ka? Hindi naman..."
"Cut the chitchat already. Wala akong panahon para sa mga katulad ninyo," putol ko sa anumang sasabihin niya. Ang dadaldal nila. Parang mga babae kung magsalita.
I don't wanna waste my time for the likes of them. Plus, I have to save my energy for making the portal. May limitasyon din kasi ang technique kong iyon. Short range lang ang maaabot ko kaya't mahihirapan ako kung sakaling makalabas na ng bansa ang eroplano.
"Anong sinabi mo?"
"Tsk. Again, you heard me." Do they have brains or something? Wala na ba silang ibang alam ng sentence? O talagang mga bobo ang mga ito? Nakakaurat nang marinig ang mga paulit-ulit nilang sinasabi.
"Humanda ka!"
Mabilis na sumugod ng suntok ang isang unggoy sa 'kin pero hinayaan ko na lang.
Rinig kong napasinghap ang mga tao ng marinig ang malakas na paglagutok na kyon. May iba pang napapangiwi na parang sila ang nasuntok.
Nakangisi ngayon ang lalaki sa 'kin. He thought he got me, but he's wrong.
Unti-unti akong napangisi ng mala-demonyo ng makitang biglang umiba ang mukha niya
"Argh!" Nagulat ang lahat sa nasaksihan. Nasa sahig na ito ngayon at namimilipit sa sakit habang hawak-hawak ang nabali niyang braso. Agad naman siyang dinaluhan ng mga kasamahan niya.
Nang makatayo sila ay binigyan niya ako ng napakasamang tingin. Kung nakamamatay lang ito, kanina pa ako bumulagta rito.
"Putang ina mong gago ka! Saan mo ba pinagawa 'yang mukha mo?"
"It's for me to know, and for you to find out." I know it sounds clichè, but I still find it cool. Pa-mysterious ang effect.
"Aba't talagang!" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya dahil itinutok na nilang lahat sa 'kin ang mga baril nila.
Nataranta naman ang mga tao at agad na nagsipagtakbuhan paalis. Mabuti naman. Akala ko'y hindi na sila maalam makiramdam. Nang tuluyan na silang makalayo ay pasimple naman akong gumawa ng barrier. Iyong klase ng barrier na nagiging invisible rin kami. Binura ko na rin ang mga alaala ng mga taong na-involve kanina.
"Ano ka ngayon bata? Huh! Kung ako sa 'yo, umalis ka na rin! Iwanan mo na sa 'min ang asawa mo! Maghanap ka na lang ng iba!"
Napakuyom ang kamao ko sa tinuran ng lider-lideran nila. Sumulyap ako kay Agatha na prenteng nakatayo pa rin sa may di kalayuan sa amin. Mukhang hindi pa ito gumagalaw sa kinatatayuan. Blanko pa rin ang mukha niya.
Ibang klase! Wala ba talaga sa bokabularyo nito ang salitang takot at kaba? Para siyang estatwa sa lagay niyang iyan. Mas malala pa sa 'kin.
"Ano bata? Nauubos na ang pasensiya ko sa 'yo! Magbibilang akong tatlo, 'pag hindi ka pa umalis, pasensiyahan na lang tayo! Isa!" Sabay-sabay na nilang ikinasa ang mga baril nila. Imbes na matakot ay mas lalo lang akong napangisi.
It's time for some action!
"Dalawa..."
Bago pa niya matapos ang pagbibilang ay tumakbo na ako ng mabilis patungo sa kanila.
Mabilis kong hinila ang kamay nung lalaking nasa pinakaunahan at agad na binalibag sa sahig. Hindi pa ako nakuntento kaya't sinundan ko pa ito sa pamamagitan ng pag-apak sa dibdib nito.
"Tatlo," malademonyo kong sabi. Ako na rin ang tumapos sa pagbibilang nila, pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.
Biglang napaubo ng dugo ang lalaking binalibag ko. May tumalsik na dugo sa aking pantalon. Kaunti lang naman ito, pero sapat na iyon para manginig na naman ako, hindi dahil sa takot kundi dahil sa excitement.
I can feel my adrenaline rush to the highest level. Shit! This is not good! Not now!
Ilang beses akong huminga ng malalim habang pilit na tinatanggal sa isipan ang nakita kong dugo.
I tried my best to block my lust for blood, but it was already too late. Tuluyan ng kinonsuma ng blood lust ko ang buo kong systema.
Sa mga sumunod na minuto ay wala na akong ibang naririnig kundi ang mga melodiya ng mga naglalagutukang buto ng tao. Dumadaing na ang mga ito sa sakit, pero mas lalo lang akong nasisiyahan sa mga nangyayari. All I know now is the call of blood.
Napatingin ako ngayon sa pinakahuli kong biktima. Hawak-hawak niya ngayon sa kamay ang kaniyang pistol habang nanginginig sa takot. Napangisi naman ako sa nakita. Humakbang na ako patungo sa kaniya, pero sa bawat hakbang ko ay siya namang paghakbang niya papalikod.
"H-huwag kang lalapit! Babarilin kita!"
May gana pa pala siyang magbanta. Nakakatawa. Para may thrill ay may binilisan ko pa ang paglalakad palapit sa kaniya. Tignan natin kung anong gagawin niya.
"Sabi ko huwag kang lalapit!" Natataranta nitong sigaw saka mabilis na kinalabit ang gantsilyo.
Para sa mga normal na tao ay mabilis na ito, pero para sa 'kin, para itong pagong sa sobrang bagal. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano kabagal ang bala.
Before the bullet could hit me, I already caught it in between two fingers. Nanlalaki naman ang mga mata ng lalaki sa nakita.
Sa gulat ay nabitawan pa nito ang baril saka napaatras ng bahagya.
"H-halimaw!"
Alam kp. Wala na ba silang ibang masasabi? Puros iyan na lang ba? How boring.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na sinakal ito. Hindi pa ako nakuntento'y iniangat ko pa ito sa ere.
Automatiko itong nagpumiglas para makawala, pero imbes na pakawalan ay mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakasakal ko dito. Balak ko talaga itong patayin.
Segundo lang ang hinintay ko para makita ang gusto kong makita. Napangiti ako nang tuluyan nang lumupaypay ang mga kamay nito. Tumigil na rin ito sa pagpupumiglas kaya alam kong ilang saglit na lang ay malalagutan na ito ng hininga.
Hindi pa man ito nalalagutan ay may isang malakas na pwersa ang nagpatigil sa 'kin.
That is enough.
Bigla akong natauhan sa narinig. Mahina lang ito pero para itong kidlat sa aking pandinig. Ramdam ko rin na unti-unti akong bumabalik sa normal.
Napakurap pa ako bago lumingon sa paligid. Nagkalat ngayon sa sahig ang bali-baling katawan ng mga bandidong lalaki. Kami na lang ni Agatha ang nanatiling nakatayo rito.
"Argh!" Napatingin ako sa umungol. Ngayon ko lang naalala na hawak -hawak ko pa pala sa leeg ang unggoy na ito.
Pagkabitaw ko sa lalaki ay malakas itong sumalampak sa marmol na sahig. Wala na itong malay pero wala akong pakialam.
Napalingon ulit ako sa paligid. Kaninong boses kaya iyon?
Sinulyapan ko si Agatha. Siya ba iyon? Kaming dalawa lang naman ang nandito. Pero impossible. Ni gumalaw nga sa kinatatayuan niya'y hindi niya magawa, magsalita pa kaya?
Bumuntong-hininga na lang ako saka siya nilapitan.
"Come on, wife. We need to get out of here," walang gana kong sabi. Hinawakan ko na rin ang kamay niya. Pagdampi ng kamay ko sa kamay niya ay may naramdaman akong malakas na kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. Ultimo ang hinliliit ko sa paa ay hindi nakaligtas. What the hell is that?
Bumalik lang ako sa realidad ng maramdaman kung gaano kalambot ang kaniyang kamay. Mga kamay na kailanman ay hindi nakaranas ng mga pisikal na gawain.
Pinilit ko na lang itong ignorahin saka mas hinigpitan pa ang paghawak dito. Mahirap na, baka isang lingat ko lang ay mawala na naman ito. O kung mamalasin, baka makalimutan ko na namang may kasama pala ako. Kapag nawala pa ito, baka maloko na ako sa paghahanap. Tama na ang isang sakit sa ulo sa araw na ito.
Inalalayan ko na siya sa paglalakad. Nang makalayo-layo kami ay saka ko pa lang ni-release ang barrier. Halos wala pang masyadong tao sa paligid, pero paniguradong makikita't-makikita pa rin nila ang mga lalaking iyon.
Tama nga ako, wala pang ilang minuto ay dinig na dinig ko na ang pagkakagulo ng mga taong nakakita.
Hindi ko na lang ito pinansin at mas binilisan ang paglakad palabas ng airport. Pagkakaalam ko'y may maluwang na garden dito sa likod. A perfect spot para makagawa ako ng portal. Mabuti na lang at hindi pa masyadong nakakalayo ang eroplano namin.
Hindi ko maiwasang sumama ang tingin habang naglalakad kami. Lahat na lang ng mga taong madadaanan namin, mapababae man o mapalalaki, bata man o matanda ay nagsisilingunan sa amin. O mas tamang sabihin na rito sa kasama ko. Ang sarap imassacre ang mga ito. Kulang na lang ay hubaran na nila si Agatha sa mga titig nila. May laway at mga bulong pang kasama!
Teka, bakit ba ako naiinis? Ah! Of course! Naiinis ako para kay Zhyrix! No more, no less!
Sinubukan kong magbulag-bulagan, pero ang hirap pala. Bakit ganoon?
Sa sobrang inis ay ipinasuot ko na kay Agatha ang cap ko. Dibale nang ako ang pagtinginan nila ng ganiyan huwag lang siya.
Ah! Ano bang pinagsasasabi ko? Nako! Hindi na maganda ito! Masisiraan na yata ako ng bait! Ilang oras ko pa lang nakakasama ang babaeng ito, ang dami ng kamalasan ang nangyari sa 'kin. May dala bang sumpa ang isang ito? Bakit ba kasi ako pumayag sa gusto nila? Dapat nagmatigas pa ako! Aist! Putik! Zhyrix Von Smith! Humanda ka! Ililista ko lahat ng magiging utang mo sa 'kin! I will make you pay big time!
Kung sakaling mabaliw man ako, itong babaeng ito lang ang may kasalanan! Ngayon pa lang ay gagawa na ako ng ebidensiya para kung sakaling mangyari man iyon ay alam na nila kung sino ang salarin.
"Hi handsome. Ako nga pala si Gretta, single and ready to mingle."
Napatigil kami bigla sa paglalakad ng biglang humarang sa harapan namin ang apat na babae. Sa pananamit at hitsura pa lang ay nagmumukha na silang ago-ago dancer.
Saang lupalop ba nila napulot ang mga basahan este damit nila at nagkulang sa tela.
Bigla akong nakaramdan ng pagkasuka ng mapatingin sa mga mukha nila. Nagmumukha na kasi silang mga multong hilaw sa kapal ng foundation at polbo na pinagpatong-patong. Babae pa ba ang mga ito o binabae?
"Get out of my way," malamig kong sabi. Mukhang nagulat naman sila pero agad ding ngumiti. Akala siguro'y nagbibiro ako.
"Grabe ka naman pogi. Sige, ganito na lang, para hindi ma-out of place ang pangit este kapatid mo ay ipapakilala ko siya sa tropa ko, oh di ba? Para lahat tayo masaya?"
I gritted my teeth. Nagpipigil ako ngayong suntukin ng pagkalakas-lakas ang binabaeng ito. Ang lakas ng loob niya. Tignan natin kung ano magiging reaksiyon nila sa sasabihin ko. This should be fun!
"She's not my sister, she's my wife." Tulad ng inaasahan ko ay napanganga ang mga ito sa narinig. Ilang segundo ring nagtaas baba ang mga panga nila na para bang may gusto pa itong sabihin pero hindi nila magawa-gawa.
"If you'll excuse us, I want to have some romantic moments with my wife." Hindi ko na hinintay ang mga sasabihin nila at mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay ni Agatha saka dire-diretsong naglakad. Narinig ko pa ang pagtawag at pagsunod nila sa amin, pero hindi ko ito pinansin at mas binilisan pa ang lakad.
Pagkarating namin sa garden ay agad kong pinaharap si Agatha sa 'kin. Ngayon ay alam ko na kung para saan ang sandamakmak na pabaong bilin ni Rayne kanina. Mas mabuti na lang siguro kung ngayon pa lang ay pagsabihan ko na ito.
"Look, Agatha, I will have to give some set of rules that you have to follow while you're with me, okay?"
Makalipas ng ilang segundo ay wala pa rin akong sagot na naririnig mula sa kaniya. Nagmumukha lang akong tanga rito.
Napalunok na lang ako para kahit papaano'y mahimasmasan.
This girl would the death of me! Ngayon pa lang ay nararamdaman ko na. Kalma lang Reese! Ibuntong-hininga mo na lang iyan! Wala rin namang magagawa kahit na lumabas ang ugat mo sa leeg sa kakasalita kaya kalma ka lang.
"Okay, first of all, you are not to leave my sight. Second, as long as you're with me, no one is allowed to touch or even look at you, but me! Understand?"
Huli na ng marealize ko kung ano ang mga pinagsasasabi ko.
Pasalamat na lang ako at wala rito sina Gian at Rose dahil kung hindi ay paniguradong tampulan na naman ako ng tukso. Pero wala namang masama sa sinabi ko di ba? Ako ang makakasama niya mula ngayon kaya dapat lang na ganoon. Saka isa pa, nasabi ko na. Nandiyan na eh. Hindi ko i-style ang pagbawi ng mga salitang binibitawan ko.
Huminga na muna ako ng malalim bago napatingin sa kaniya, pero tulad kanina ay wala pa ring pinagbago ang mukha niya.
Lumipas ang ilang saglit ng bigla siyang gumalaw na ikinagulat ko.
Napaatras pa ako ng bahagya dahil sa paggalaw niya. Lintik Aatakehin ako sa puso sa gulat! Agad ko na ring kinalma ang sarili ng makitang naglabas ito ng notebook at parang may sinusulat.
Nangunot ang noo ko sa nakita. Aanhin niya iyon? Teka, may sinabi si Zhy noon tungkol kay Agatha, hindi ko lang maalala kung ano.
Ah! Shit! Anak nang! Bakit ba nakalimutan ko ang tungkol dun? H-hindi nga pala siya nakakapagsalita.
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa naalala. This is ridiculous! Sumasakit na nga ang ulo ko sa mga nangyari ngayong araw, dumagdag pa ito! Fuck this life!
That's it! Ibabalik ko na siya kina Zhy! Hindi ko na kaya ito!
Akmang tatawagan ko na sana si Zhy nang biglang maalala ang sinabi sa 'kin ni Gladys.
Napatulala na lang ako. Nahulog pa ang cellphone ko, pero hindi ko na iyon pinansin.
If I return her, then I'll surely lose this mission. And that is the last thing that I wanna happen. What the heck am I gonna do now?
Tumingin ako sa bughaw na kalangitan. Ito na ba ang karma ko sa lahat ng mga nagawa ko? Makapangyarihan nga ako at walang kinakakatakutan, mababaliw naman ako sa dis oras dahil sa babaeng 'to.
Ah! Bahala na! Binalik ko na ang tingin ko sa kaniya at nakitang nakaharap na sa 'kin ang papel. May nakasulat na doon.
Why?
Nangunot ang noo ko. Ano ito?
"What do you mean why?" Hinintay ko siyang magsulat ulit pero hindi na niya ginawa. Nakatitig lang ito sa 'kin.
Napaiwas naman ako ng tingin. Nagsisimula na naman kasing kumabog ang dibdib ko. Isa pa ay hindi ko pa rin na-gets ang gusto niyang sabihin.
Teka. Baka naman dahil dun sa mga rules na sinabi ko sa kaniya?
"Are you talking about my rules for you?" Katulad kanina ay ilang saglit muna ang hinintay ko bago siya napatango.
"Ah, that is... uhm..." Lintik! Ba't ngayon pa ako naubusan ng sasabihin? Kung kailan kailangang-kailangan ko, saka pa na-blangko ang utak ko.
Urgh! Damn you all! Why do I have to go to all of these troubles? Kayo dapat ang gumagawa nito! Gusto ata talaga nila akong mabaliw ng wala sa oras! Humanda talaga kayo sa pagbabalik ko!
"Because you're my wife! That's why. As long as you're with me, you're mine! And no one else!" sa inis ay ito ang unang lumabas sa bibig ko, pero wala na akong pakialam.
I don't give a damn anymore! As long as she's with me, she's mine. She's my responsibility after all.
Nakita kong nagsulat na ulit siya kaya hinintay ko na lang ito. Buong akala ko'y ayos na. Na naintindihan na niya pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nabasa.
What's a wife?
Napanganga ako. Kulang na lang ata ang mga langaw para magpyesta sa loob. Tama ba ang nabasa ko?
Napatingin ulit ako rito sa pagbabakasakaling namamalik mata ako, pero hindi eh. Nandoon pa rin iyon.
Is she fucking serious? Or is she just playing innocent?
"Don't play games with me woman. Stop playing innocent. I'm serious." Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.
Naghintay ako na siya ang unang mag-iwas ng tingin, pero hindi nangyari. Ang ending, ako pa talaga ang unang nag-iwas ng tingin.
Nakakaramdam kasi ako ng pagkailang. Idagdag pa na wala akong mabasa na kahit ano sa mga mata niya. Blanko pa rin ito. Now that's creepy.
"You are, impossible! You don't know what a wife is?" This is insane! Saang lupalop ba ito napulot ni Rayne at hindi niya alam ang salitang wife? Nakakaintindi naman siya ng wikang Ingles.
Nag-ipon na muna ako ng lakas ng loob bago ulit tumingin sa kaniya. Naisip ko na baka pinagtritripan ako nito, pero hindi eh. Diretso pa rin ang tingin niya sa 'kin. Pakiramdam ko tuloy ay ako pa ang mas naging babae sa aming dalawa. This is so awkward.
"Y-you really don't know?" Ah! Walang kwentang tanong. Of course she doesn't. Magtatanong ba ito kung alam niya ang ibig sabihin nito? At kailan pa ako natutong sumagot sa mga sarili kong tanong?
Hoo! Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang mga pasyente sa mental na may hawak-hawak na welcome tarpulin habang nakangiti sa 'kin!
Nanindig ang mga balahibo ko sa naisip. Putangina! Ayoko pang mabaliw! Kung puwede ko lang itong ibalik kina Zhy ay kanina ko pa nagawa.
"O-okay. For starters, a wife is— uhm— oh shit!" This is bullshit! Why me? Puwede na ba akong mag-retire sa trabahong ito?
Napatingin ako kay Agatha na titig na titig pa rin sa 'kin. Matutunaw na yata ako sa mga titig niya.
Umayos ka nga! Para kang bakla!
You need to think of something, Reese.
Hindi sinasadyang napadako ang tingin ko sa singsing na suot. Ang singsing na simbolo ng pagmamahalan namin ni Jessa. Unti-unti ay nararamdaman kong kumakalma ulit ako. Napunit ang isang mapait na ngiti sa aking labi.
"A wife is someone whom you would share the rest of your life with. Someone whom you would build a family with. Someone whom you would love until the very end."
Naalala ko na naman si Jessa. Kung hindi lang sana kami naghiwalay, malamang, engage na dapat kami. Pagkatapos ng pag-aaral ay kasal naman dapat ang susunod, pero wala. Binalewala niya lahat. Sinayang niya ang lahat ng mga sakripisyo ko para sa kaniya. Pero sabi nga nila d ba? Kung nawalan ka man, asahan mo na may mas maganda pang darating para sa iyo.
"Huh! Enough with this drama! Kailangan na nating umalis. Come on, hold on to me tight," ani ko. Pinilit ko na lang na ibaling ang attensiyon ko sa kaniya. Kailangan eh.
Napangiti ako ng maramdamang napahawak siya sa laylayan ng damit ko pero nagulat ako sa ginawa ko. Bigla ko kasi siyang niyakap.
My nose was immediately filled with a mouth watering smell. The fragrance of Jasmine at Roses? May ganoon na bang pabango ngayon? Nakakaadik! Parang ayaw ko na siyang bitawan.
"Are you ready?" Nang makitang napatango siya ay agad ko nang itinaas ang kamay ko. Sa isang pitik ko lang ay nabuo ang itim na portal. Agad na rin kaming pumasok. Pakiramdam ko'y may nagmamanman sa amin.
HM POV
Kaaalis lang ngayon ng magkapatid na Smith. Sumakit ang ulo ko sa kanila. Gaya ng dati, sinusubukan na naman nila akong kumbinsihin tungkol kay Agatha. Hindi ko na pwedeng bawiin ang desisyon ko. Isa pa, siguradong nasa eroplano na sila sa oras na ito.
Sa totoo lang ay sinadya ko talagang i-partner si miss Agatha kay Reese. Ang batang iyon. Sa dinami-rami ng mga pinagdaanan niya buhay, deserve niyang maging masaya. Gusto kong bumalik sa dati si Reese. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan at nahihirapan dahil anak na rin ang turing ko sa kaniya, sa kanilang pito. Naniniwala ako na kaya siyang baguhin ni miss Agatha. Una ko pa lang itong nakita ay alam ko na. Alam kong tutol siya sa desisyon ko, pero wala na siyang magagawa. Sana lang ay tama ang ginawa ko.
Now that I think about it, Agatha, that child, there's something about her. But I just can't pinpoint it.
Bumuntong-hininga na lang ako saka nag-dial ng mga numero. Hindi naman ako nghintay ng matagal dahil agad itong sinagot ng kabilang linya.
"Is everything ready?" tanong ko agad. Kailangan kong malaman kung nakahanda na ba ang lahat.
["Of course sir. Everything's ready."]
"Good." Napangisi ako habang binababa ang tawag. Sana ay magustuhan ni Reese ang munti kong sorpresa para sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro