Chapter 17
REESE POV
"Ah, yes mr. Montreal. We're here in behalf of miss Agatha, your partner."
Napanganga ako sa narinig. What the heck? Partner daw? Hindi! Hindi ako papayag!
"Don't fucking play with me. I don't need a partner! I can do this mission alone!" What the heck are they thinking? Sa tingin ba nila'y hindi ko kayang gawin ang misyong ito ng mag-isa at kailangan pa talaga ng kasama? On top of that, a girl!
"I'm sorry mr. Montreal, but you don't have a choice. She will become your partner, or you'll lose this mission."
I gritted my teeth. Hindi ako makapaniwala na gagawin ito sa 'kin ni HM.
"Are you threatening me?" malamig kong tanong. Naikuyom ko na rin ang aking kamao. Kung hindi lang ito assistant ni HM, kanina pa sana ito bumulagta rito.
Imbes na sumagot ay napangiti lang ito saka lumingon sa likod.
"Iha, why don't you come here? Ipapakilala kita kay mr. Montreal."
Fuck this shit! She's completely ignoring me! Kung alam ko lang na ganito ay dapat inagahan ko na sana ang pagpunta rito. Sana wala ako ngayon sa sitwasyong ito.
Napatingin ako magiging partner ko kuno pero hindi ko naman ito makita-kita dahil nasa likod siya ni Rayne.
Bakit nga pala nandito ang magkapatid na ito? May kinalaman ba sila rito?
My immediately eyes widened when realization hit me like a ton of rocks. It all made sense now. Yung mga sinabi ni Rayne sa 'kin kaninang umaga pati iyong binulong sa 'kin ni Zhy kanina. Alam nila ang tungkol dito.
Hindi ko na rin namamalayan na nasa harapan ko na pala si Rayne. May sinasabi ito sa 'kin, pero hindi ko maintindihan.
"Mr. Montreal, this is ms. Agatha. Miss Agatha, siya si mr. Montreal." Bumalik lang ako sa realidad ng iniharap sa 'kin ang isang babae.
Isang tingin ko pa lang sa babae ay napanganga na ako.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang kumabog ang aking dibdib. Ramdam na ramdam kong parang malalaglag ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Halos matanggal na rin ang mga mata ko sa kinalalagyan ng mga ito. Ano bang nangyayari sa 'kin?
Napalunok ako ng biglang sumingit sa alaala ang pangalan ng babae.
Agatha.
That name sounds familiar.
What the fuck! Don't tell me?
T-this girl is Agatha?
Iyong babaeng naikwento sa 'kin ni Zhy noong isang araw?
Hinagod ko siya ng tingin. Now I understand why Zhy is acting that way.
With all my strenght, I tried my best to look and act normal, but shit! Bakit ang hirap? Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Parang tumigil ang oras. At idagdag pa na nagslow motion din ang lahat. Pakiramdam ko'y kaming dalawa lang ang nandito.
Fuck! Anong klaseng mahika ba ang ginawa sa 'kin ng babaeng ito? This girl—
She's...
She's beyond perfection for Pete's sake! An epitome of beauty.
Tulala pa rin akong nakatitig sa kanya. Minememorize ang bawat angulo ng mukha niya.
Sumasayaw sa hangin ang kaniyang maitim at mahabang buhok. Matangos din ang ilong nito na bumagay sa kanyang hugis pusong mukha. Ang kaniyang labi ay kasing pula ng dugo. Tingin pa lang ay parang ang sarap halikan. At ang kaniyang kutis ay malasutla sa kaputian. Napakakinis. Pero ang talagang kumuha ng aking attensiyon ay ang kulay ng kaniyang mga mata. Kulay Indigo. Marami na akong nakikitang kulay Indigo na mata sa internet pero ngayon pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na makakita ako ng actual.
Idagdag pa na walang bakas ni isang kolorete sa mukha niya pero ganito na siya kaganda. Paano pa kaya kapag naayusan ito ng mabuti? Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil lalaki lang ako. Humahanga.
Damn! Just who is this woman? Nagkalat ang mga babae diyan, pero ngayon lang ako nakakita ng katulad niya.
"Are you listening, Mr. Montreal?"
Naputol lang ang imahinasyon ko ng marinig ang boses ni Gladys. Tinignan ko lang siya ng malamig pero sa loob-loob ko ay kanina pa ako nagbubunyi. It's thanks to her that I got away from my stupid stuptor.
"You're saying?" nagtataka kong tanong. Wala akong naintindihan sa mga sinasabi niya. Fuck this life! Ano ba talagang nangyayari sa 'kin?
Napansin kong hindi lang pala si Gladys ang nakatingin sa 'kin kundi lahat sila.
"Mr. Montreal, as order from the Headmaster, should anything happen to ms. Agatha, you will be held responsible."
Napaitag ako sa narinig. Damn it! This is not me! Focus Reese! You need to focus!
"With all due respect. Why would I be held responsible? Sa nakikita ko, she's only a normal human. So why would the headmaster send a normal human to do a dangerous job? Tapos ako pa ang mananagot kapag may nangyaring masama d'yan? This is ludicrous!" Is he insane? What was he thinking? Has his age made him track minded?
"Headmaster's orders."
Naikuyom ko na lang ang aking kamao.
"I don't have a choice, do I?"
"I'm afraid not, mr. Montreal."
This is bad! Real bad! I don't even know if I would survive this shit! Tapos dinagdag pa siya.
"It's already time. Sinamahan lang namin siya rito. Aalis na rin kami. Good luck." Pagkasabi niya nito ay tumalikod na agad siya. Nauna itong bumalik sa kotse. Napatingin ako kay Zhy na seryosong nakatingin sa 'kin.
Please keep her safe.
He used his telepathy para kausapin ako pero dahil sa tinatamad na akong magsalita ay napatango na lang ako bilang sagot. What choice do I have?
Dumapo ang tingin ko kay Rayne na mangiyak-ngiyak pa habang yakap-yakap si Agatha. Kulang na lang siguro ang uhog niya para kumpleto. May mga sinasabi pa ito kay Agatha pero hindi ko na lang sila pinansin at agad na binato kay Zhy ang susi ng motor ko. Siya na lang ang bahalang mag-uwi nito.
Lumipas pa ang ilang minuto ay narinig ko na ang tawag para sa flight namin. Ibig sabihin ay kailangan na naming mag-check in.
"It's time. Let's go," malamig kong sabi. Ako na rin ang nagbuhat ng bag niya. Nagulat pa ako dahil sa bigat nito. Ang totoo, may laman ba itong ginto at masyadong mabigat?
"Agatha, mag-iingat ka roon ha! Mamimiss talaga kita Agatha! Huwag mo pababayaan ang sarili mo ha! You behave okay?" Mangiyak-iyak pa ring sabi ni Rayne.
Napailing na lang ako. Bata ba ito para baunan ng sandamakmak na bilin? Nakakatawa ngayon ang hitsura niya. Para siyang inahin na pumuputak sa kan'yang mga biik. Minsan nga, napapaisip na lang ako kung magkapatid ba talaga sila ni Zhy. Magkaibang-magkaiba kasi ang mga ugali nila.
Agad na akong naglakad. Nang maramdamang nakasunod ito sa 'kin ay mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa makarating sa loob. Napamura pa ako ng makita ang pagkahaba-habang pila. This is bullshit! Kanina pa sana ako rito kung hindi lang sila dumating! Naiinis man ay wala na akong nagawa kundi ang pumila sa may pinakalikod.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ako nakakaalis sa kinatatayuan ko. Crap! Dinaig pa ang trapik sa Edsa sa sobrang kupad ng pila. Kasalanan nila kapag hindi ko naabutan ang flight ko. Maghahanap pa naman ako ng gate.
Habang nakatayo ay naisipan kong makinig ng tugtog. Mabuti na lang at dala-dala ko ang earphone ko. Nakapagdownload na rin ako ng mga bagong kanta kaya ayos lang. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na sinalpak sa tainga ang earphone bago nagpakalunod sa mundo ng musika.
Kanina pa ako nakaupo ngayon sa waiting area. Nababagot na ako pero wala naman akong magagawa kundi ang maghintay. Sa totoo lang kanina pa ako hindi mapakali. Pakiramdam ko'y may nakalimutan ako. Hindi ko lang maalala kung ano. Dala ko naman lahat ng mga gamit ko. Ang credit card ko'y nandito rin. Ano pa bang kulang?
Aist! Tama na nga! Mababaliw ako rito kaiisip! Napasandal ako sa upuan. Sinasamsam ang malamig na hanging nagmumula sa malalaking aircon. Nakapikit ako ngayon at sinusubukang mag-relax, pero bakit ganoon? Pakiramdam ko'y may kulang talaga. May nakalimutan talaga ako pero hindi ko alam kung bagay ba ito o ano.
Bago pa ako magkalkal sa dala kong bag ay biglang huminto ang musikang pinapakinggan ko. Napamura ako ng wala sa oras. Napatingin tuloy silang lahat sa 'kin.
"What the hell are you lots looking at?" asik ko sa kanila. Agad naman silang nag-iwas ng tingin. Ang iba'y natakot habang ang mga lalaki naman ay nayayabangan pero sa huli ay umiwas na rin sila.
Kinuha ko na ang cellphone ko para tignan kung sino ang distorbong hayop pero natigilan ng makita ang 4 missed calls ni Zhy. Now that's new. Ano ba ang kailangan nito?
Pipindutin ko na sana ang call button ng bigla ulit itong nag-ring kaya't sinagot ko na.
"Wha–"
["What the hell Reese! Bakit hindi mo inaangat? Kanina pa ako tawag ng tawag ah!"]
I just rolled my eyes. Makaasta naman parang nanay ko.
"The heck is your problem?" medyo mahinahon kong sabi. Balak ko sana itong babaan kaso baka may importante itong sasabihin. Kilala ko siya. Hindi 'yon mag-mi-misscall ng paulit-ulit kapag hindi mahalaga ang sasabihin niya.
["Nothing. I just wanna ask kung nasaan na kayo ni Agatha. How is she by the way? P'wede mo ba munang ipasa sa kan'ya? Nakalimutan ko kasi s'yang bilhan ng cellphone kaya ikaw na lang ang tinawagan ko."]
Nangunot ang noo ko. Agatha? Who the heck is that? Nasisiraan na ata ito ng bait.
"Who the he..." bigla akong natigilan sa dapat sana'y sasabihin ko. Nanlalaki rin ang mga mata ko. Ngayon ko lang narealize ang mga nangyayari. Kung bakit paang hindi ako mapakali kanina. Napatayo ako sa pagkabigla.
Fuck shit! I completely forgot about her! Masyado akong nagpakalunod sa mundo ng musika kaya nakalimutan kong may kasama nga pala ako! Shit! This is bad! Twenty five minutes na lang ay papasok na kami sa loob! Napakalawak pa naman ng airport na ito kaya't saan ako magsisimula sa paghahanap sa kaniya? I can't even use my powers since this place is crowded! Oh shit!
["Reese? May problema ba? At p'wede bang paki..."]
"Call you later," pagpuputol ko sa sasabihin niya. Mabilis kong in-off ang tawag at binalik sa bulsa saka tumakbo palabas. Sinubukan na rin akong pigilan ng guard dahil hindi na raw puwedeng lumabas pero sinuntok ko lang ito saka tuloy-tuloy na tumakbo.
Alam kong hinahabol na nila ako ngayon, pero wala na akong pakialam! Kailangan kong mahanap ang babaeng iyon! Pero bakit nga ba? Kung tutuusin ay pwede ko naman siyang iwan na lang dito. Pero bakit hindi ko kayang gawin? Dahil ba sa favor nina Zhy at Rayne? O may iba pa? Like fuck! Why do I care? All I know now is that she's my fucking responsibility! Makakarinig ako kay HM kung may mangyaring masama sa kaniya dahil responsibilidad ko na siya! What a life!
Ilang minuto na akong tumatakbo pero ni anino niya ay hindi ko pa rin makita-kita.
"Where the hell are you?"
Isang malakas na tunog ng pito ang nagpalingon sa 'kin. Mula sa may di kalayuan ay nakita ko ang apat na guard na humahabol pa rin sa 'kin. Anak ng! Nandito pa pala sila? Ano sila, stalker ko? Now what? Hindi ko siya mahahanap kung may nakabuntot sa aking mga aso. Kailangan ko muna silang mailigaw. Pero papaano? Walang masyadong tao rito sa parte na ito!
Napalinga-linga ako sa paligid at sakto namang may nakita akong banyo sa may di kalayuan. Napangisi ako. That place is perfect. Now that I found the perfect spot, all I have to do is to lure the mouse.
Bago ako pumasok ay nagpakita muna ako sa kanila. Agad naman nila akong nakita kaya mas napangisi ako saka mabilis na tumakbo papasok sa banyo.
Pagkapasok ko ay agad akong dumikit sa likuran mismo ng pinto. Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang pagiging isa ko sa pinto. Napangiti ako nang mapatingin sa salamin. Hindi ko na makita ang sarili ko.
Ang kailangan ko na lang gawin ay hintayin silang makapasok para makalabas ako.
Ilang saglit pa'y biglang nagbukas ang pinto. Naramdaman ko pa ang bahagyang pag-ikot ng paningin ko dala ng biglaang pagbukas nito. Nang makahanap ng tyempo ay saka naman ako lumabas.
Bago ko pa makalimutan ay mabilis ko nang hinawakan ang doorknob. Ginamitan ko na rin ito ng spell para hindi ito mabuksan. Alam kong sumisigaw na sila pero walang ibang makakarinig noon kundi ako. Makakalabas rin naman sila pero sa oras na tumapak sila sa labas ng pintong ito ay mabubura ang mga alaala nila tungkol sa 'kin.
One problem solved, off to the second.
Inilibot kong muli ang paningin sa kabuuan ng lugar. Nabibilang lang sa kamay ang mga tao. May kaniya-kaniya rin silang mundo. Hindi sinasadyang napunta ang tingin ko sa malaking wall clock na nakasabit sa dingding at nakitang sampung minuto na lang ay aalis na ang eroplano. Wala namang kaso sa 'kin. I can just go through the portal to get inside the plane whenever I want. Ang inaalala ko lang ay si Agatha. Paniguradong babaliktad ang sikmura niya kapag nakapasok na kami sa portal.
When the hell did I care? Mahilo man siya o hindi, hindi ko na iyon problema.
Naglakad na ako palayo sa banyo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa kanan, kaliwa, diretso o sa gawing likuran. Basta hinayaan ko na lang ang mga paa kong dalhin ako kung saan man ako mapadpad.
Nagmimistula ako ngayong turkey sa sobrang haba ng leeg. Ginawa ko na yatang lahat ng alam kong paraan para mahanap siya pero wala pa rin. Bullshit! This is freaking impossible! Saang lupalop ba napadpad ang babaeng iyon?Napahilamos ako ng mukha. I'm not concern or whatever towards her. I'm just doing this for Zhy. Ito ang favor na hinihingi niya kaya kailangan ko itong gawin. Another thing, this is partly my fault. Kung alam ko lang na magiging ganito, hindi na lang sana ako nakinig ng tugtog.
"Mommy! Mommy! Ang ganda-ganda po ni ate kanina. Mukha po s'yang doll! Pwede po ba natin s'yang ampunin? Para po magkaroon ako ng ate na sobrang pretty?"
Nagpantig ang mga tainga ko sa narinig. Mukha daw maynika? Possible kayang... Hindi. Imposible. Maraming babae rito kaya't imposibleng...
"No baby. Hindi natin siya pwedeng ampunin dahil baka may pamilya pa siya. Don't worry baby girl, na-picturan naman ni mommy si ate ganda kaya i-pa-padevelop na lang natin ito para kunyari ay kasama natin siya sa bahay. Ayos lang ba 'yon sa 'yo anak?"
Dito na ako napatingin sa dalawa. Nakaupo ang nanay sa may bangko habang kandong-kandong ang batang babae na tantiya ko'y nasa edad 5 o 6. Hindi naman siguro masamang magtanong? Bahala na!
Hindi na ako nagdalawang-isip na lumapit sa mag-ina. Kailangan kong makasiguro kung sino iyong pinag-uusapan nila.
"Ah, mawalang galang na po. I don't wanna be rude, pero p'wede po bang makita ang litrato ng babaeng pinag-uusapan niyo?"
Mabilis pa sa kidlat itong napatingin sa 'kin. Base sa hitsura niya, mukhang nagulat ko yata. Napahawak pa kasi sa may bandang dibdib. Wait a minute, she seems familiar. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko lang maalala kung saan.
"Diyos ko ginoo! May balak ka bang patayin ako sa gulat?"
"Ah! Pasensiya na po." Hingi ko ng paumanhin. Isa rin ito sa mga tinuro sa 'kin ng aking ina.
Ang paggalang sa mga mas nakakatanda. Pero dipende rin naman. I don't wanna waste my time on being polite to those who doesn't have manners. Pinipili ko lang ang mga taong gagalangin ko.
"Kag'wapong bata, artista ka ba?"
Napatingin ako sa babae at nakitang titig na titig ito sa 'kin. Kumikislap-kislap pa ang mga mata. Napasulyap naman ako sa bata at nakitang nakanguso ito habang palipatalipat ang tingin sa amin ng nanay niya.
"Mommy that's bad! 'Di po ba sabi mo na si daddy lang po pinakag'wapo sa paningin mo?"
Muntik na akong mapahagalpak ng tawa sa tinuran ng bata. Ang totoo? Bata ba talaga ito?
Halos naman masamid ang ina sa narinig. Pulang-pula ngayon ang mukha niya sa hiya. Hindi siguro nito inaasahan ang tinuran ng anak.
Napangiti na lang ako sa inasal ng bata. Ang cute ng bata lalo na ngayong naka-pout pa ito. Nagtatampo siguro sa inasal ng ina.
"Baby, I—"
"Forgive na your mommy mo baby. Napagkamalan lang talaga siguro akong artista kaya niya sinabi 'yon." Nakangiti kong sabi sabay pat sa ulo niya. Ang cute niya talaga. Napaupo ako para magpantay kami.
"Hmp. Sige na nga po kuya. I'll forgive mommy na."
Napangiti ulit ako. Hindi man halata pero aaminin ko. Mahilig ako sa mga bata. Naalala ko kasi ang kapatid ko sa tuwing nakakakita ako ng mga bata. Napakasakit isipin na da-dalawa na nga lang kaming magkapatid, binawi pa siya. Siguro kung buhay pa siya, nasa grade 5 na siguro ito.
"Good girl." Natutuwa kong sabi sabay gulo sa buhok nuya.
"A-about sa picture."
Napatingin ako sa babae sa narinig. Pulang-pula pa rin ang mukha niya habang todo iwas pa.
Tahimik ko lang siyang tinitignan habang hinahanap sa kan'yang telepono ang litrato ng babaeng pinicturan nila.
"Ah, here it is!" Automatiko kong nilayo ang mukha ko rito. Ang sakit kasi sa mata ang brightness ng screen. Napapikit pa ako ng mariin. Mukhang napansin naman ng babae ang ginawa niya kaya ngayon ay todo paumanhin na ito.
"It's fine. Uhm, can I have a look?" Tumango naman ito kaya't naupo na ako sa tabi nila.
Pagbigay niya sa 'kin ng phone niya ay tumambad agad dito ang napakagandang mukha ni Agatha.
It's her! Hindi ako pwedeng magkamali! This is her! And she's even smiling!
"She's drop dead gorgeous, right? Dati akong photographer, that is why I manage to capture that best moment."
Medyo napanganga ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay stolen shot lang ito? She's right, she's absolutely stunning!
"I have seen countless women with exceptional beauty, but I have never seen someone like her. Her beauty is that of a goddess."
Hindi pa rin ako nagsalita. I was so mesmerized by what I have seen.
"Balak ko itong i-post sa social media ko. For sure mas magiging sikat ulit ako dahil sa kan'ya. Sayang nga lang at hindi ko nakuha ang number niya."
Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Napatingin ako sa babae na ngayo'y ngiting-ngiti pa.
"So, balak mong s'yang gawing apparatus para mas lalong sumikat." Agad siyang napatango. Bigla namang nawala ang respeto ko sa babaeng ito. Napatitig ako sa kaniya. Ang kaninang maamo niyang mukha ay biglang napalitan ng masamang ngisi.
"Who are you?" May hints na ako kanina, pero kailangan kong i-confirm kung totoo nga ba ang hinala ko.
"Oh, sorry. Nakalimutan kong magpakilala. My name is Viviene Hurdy."
It is her! Tama ang hinala ko! This crazy woman is none other that Viviene Hurdy! Ang infamous photographer na ilang beses nang naconfine sa mental hospital dahil sa mental disorder!
I once read an article about her. Isa siya sa mga tinitingala sa mundo ng photography kaya noong bumagsak siya ay hindi ito kinaya ng utak niya. Ilang taon din siyang pabalik-balik sa mental. And it's already been 6 years ng bigla na lang itong nawala na parang bula. Bali-balita noon na tuluyan na itong nasiraan ng bait. May iba naman na nagsasabing sumakabilang buhay na. Sinong mag-aakala na nandito siya ngayon? Sa harap ko and to top it all, she had a daughter.
This is bad! Kailangan kong gumawa ng paraan para mabura ang litrato rito bago pa man niya maikalat sa social media ang litratong ito.
Bago ko gawin ang gusto kong gawin ay napalingon muna ako sa paligid. Mahirap na, baka may makakita pa sa gagawin ko. Mabuti na lang din at medyo malayo mula rito ang mga CCTV kaya madali na lang ito.
Napabuntong-hininga na muna ako bago inilapit ang kamay sa mukha niya. Nagulat siya pero bago pa man ito magtanong ay pinitik ko na ang kamay ko. Napangisi ako ng makitang unti-unting bumabagsak ang mga talukap ng mata niya.
Success! She's now under my hypnotism! Now, to complete my work...
"Kakalimutan mo ang tungkol sa babaeng ito. Wala kang nakita o nakuhanan ng litrato. Kapag tinanong ng anak mo ang tungkol sa babae, ibang babae ang papasok sa isipan mo." As if on cue, she repeated what I have said.
"Kakalimutan ko ang tungkol sa babaeng 'yon. Wala akong nakita o na-picturan. Kapag tinanong ng anak ko ang tungkol sa kan'ya, ibang babae ang papasok sa isip ko."
That's it. Good. May sasabihin pa sana ako pero nahagip ng dulo ng mata ko ang dalawang guard na nakatingin sa amin. Mukhang naweirduhan sila sa nakikita.
Bago pa man nila maisipang lumapit ay mabilis ko nang nirelease ang hypnotism ko sa babae.
"Ah! Huh? What just happen?"
"Mommy? Ano okay lang po ba kayo? Tulala ka po kanina?"
"I-I'm okay baby. I guess? Bigla lang kasing sumama ang pakiramdam ni mommy. Gutom ka na ba baby? Tara kain muna tayo ng favorite mo sa jollibee habang hinihintay si daddy." Nagtataka namang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ang bata. Nginitian ko na lang ito at tumango.
Sorry baby girl, kailangan kong gawin iyon sa mommy mo dahil kung hindi ay mapapahamak si Agatha.
Nang makaalis ang mag-ina ay napatayo naman ako. Alam kong kanina pa nakaalis ang eroplano, pero hindi iyon ang nasa isip ko. Ang importante ay mahanap ko aiua. Plus, it looks like I don't have a choice, but to go throught the portal. Sana lang ay makaya ng sikmura niya.
Nagsimula na akong maglakad. Napapamura pa ako dahil nakalimutan kong itanong kung saan nila siya huling nakita.
Naglakad lang ako ng naglakad. Hindi ko na alam kung gaano kalayo na ba ang nalakad ko. Basta ang alam ko'y sinusundan ko ngayon ang mga gwardiya na tumatakbo. May gulo yatang nangyayari sa bandang dulo.
Sinundan ko lang sila hanggang sa may makita akong nagkukumpulang mga tao. Marami sila. Now what is going on?
Hindi naman ako curious na tao pero sa pagkakataong ito, may kung anong bagay ang nagsasabi sa 'kin na lapitan ko ito.
Lalapitan ko ba o hindi?
Sa huli ay nanalo ang curiosidad ko. Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan ko si curiosity kahit ngayon lang. Mabilis akong lumapit sa mga ito at agad na hinawi ang mga tao para mapunta ako sa unahan.
Pagkaapak na pagkaapak ko pa lang sa unahan ay nanlalaki na agad ang mga mata ko ng makita kung ano ang nangyayari.
What the fuck is she doing with those goons?
Napapalibutan siya ngayon ng mga armado at mukhang manyak na mga lalaki. Pero bakit gano'n? Wala man lang akong makitang anumang expressyon mula sa kan'ya? Tutunganga na lang ba siya? Wala na ring kwenta ang mga guards dahil hindi na rin sila makagalaw sa mga kinatatayuan nila.
"Hindi naman kami manggugulo o mananakit! Gusto lang naman naming makipaglaro rito kay miss dyosa!"
"Tama si boss! Gusto lang naman naming makipaglaro sa kan'ya. Sa ganda nito at sexy, paniguradong masarap ito."
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang kumulo ang dugo ko sa narinig. Mas lalo na nang makitang akmang hahawakan na sana nung mukhang unggoy na kyon ang mukha ni Agatha.
"Don't. You. Dare. Touch. Her. With. That. Filthy. Hand. Of. Yours!" napakalamig kong sabi. Naikuyom ko na rin ang mga kamao ko. Alam kong nakatingin na silang lahat sa 'kin pero wala na akong pakialam. Ramdam kong unti-unti na namang nagdidilim ang paningin ko. Naglakad na rin ako papalapit sa kanila. May mga naririnig akong tumatawag sa 'kin na huwag daw akong lumapit at delikado at kung ano-ano pa pero hindi ko na sila pinansin.
Iniisip ko ngayon kung paano ko papatayin ang mga hayop na ito ng hindi nalalaman nina HM.
"Huh? Narinig mo yun boss? May painglis-inglis pang nalalaman!" Humahagalpak na tawa nung lalaking katabi ni Agatha.
"Shoo! Umalis ka na bata kung ayaw mong masaktan!" Pangtataboy naman nung isa.
Hindi pa nakuntento'y lumapit pa ito sa 'kin at akmang hahawakan na sana ako sa balikat pero bago pa man dumampi ang kamay niya ay hinawakan ko na ito sabay binalibag.
Biglang binaha ng katahimikan ang paligid. Ang tanging tunog na naririnig lang ngayon ay ang malakas na paghiyaw ng lalaki ito kasabay ng paglagutok ng mga buto niya sa likod. Napangisi ako ng mala-demonyo ng makita ang dugo sa bunganga ng lalaki. Dahan-dahan akong napatingin sa mga hayop na nandito at nakitang tulala na pala sila.
Weak. Akala ko pa naman makakapag-warm up ako.
"S-sino ka ba huh? At ano naman ang pakialam mo kay miss dyosa?"
"She's my wife!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro