Chapter 16
RAYNE POV
"You have got to be kidding me!" Pagalit na sigaw ni kuya kay HM. Kahit naman ako ay nagtitimpi na rin. Alam kong hindi na narinig ni Reese ang tungkol sa magiging partner niya dahil pumasok na agad siya sa portal bago pa man matapos ni HM ang gusto niyang sabihin kaya heto kami ngayon. Todo protesta. Si kuya ang leader. Nagmumukha tuloy kaming nagrarally, pero ayos lang. Para kay Agatha naman ito.
Speaking of Agatha, wala siya ngayon dito dahil pinatulog ko na siya kanina. Pinapauna na nga namin sina Gian kanina pero nagmapilit sila na sumabay na lang daw sa amin.
"Calm down, Zhy." Sinubukang hawakan ni Gian si kuya, pero tinabig lang nito ang kamay niya.
"How can I? Headmaster! Hindi niyo pwedeng isali si Agatha sa misyong ito! She's only a normal human! Manganganib ang buhay niya!" asik ni kuya, pero nanatili lang na blanko ang mukha ni HM.
Now, that's weird. How can he be so calm about this? Possible kaya na alam niyang may kapangyarihan din si Agatha? Pero impossible! Ako lang ang nakakita noon! Nako! Huwag naman sana!
"Headmaster! Hindi niyo..."
"Hindi niyo ba talaga nararamdaman?"
seryosong sabi ni HM. Medyo napamulagat ako sa narinig. Bigla ko ring naramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking dibdib. Dinaig ko pa ang sumali sa marathon dahil sa malalakas na dagundong na ako lang ang nakakarinig.
Kasabay noon ang sangkatutak na tanong na namumuo sa aking isipan.
Possible kayang may alam siya tungkol kaya Agatha? Hindi! Hindi puwede! Walang pwedeng makaalam tungkol sa kapangyarihang taglay ni Agatha. Masyadong mapanganib ang mundo namin. Ayaw ko siyang mapahamak! Aist! Mukhang alam ko na kung bakit nasali si Agatha sa usapan.
She's our cousin.
Shit! Kuya! Ba't mo ba kasi nasabi na pinsan natin siya? Malamang sa malamang, iisipin ng HM na may kapangyarihan din ito dahil pinsan nga namin siya. Shit! What to do!
Napasulyap ako kay kuya na ngayo'y nagtitimpi pa rin ng galit habang nagsusukatan sila ng tingin ni HM. Napalunok ako. Baka kasi magkainlaban sila este bumulagta ang isa sa kanila. Sa mga titig pa lang kasi ni kuya, pamatay na. Nakita kong magsasalita pa sana si kuya pero naunahan na siya ni HM.
"My descision is final. Don't worry, I'm sure she'll do fine. Besides, she's with Reese, what could possibly happen? Sasabihan ko na lang ito na bantayan ng mabuti ang pinakamamahal ninyong pinsan," seryosong saad ni HM. It was not a request, but an order.
"'Yon na nga HM eh! Bakit si Reese? P'wede namang isa sa 'min ni Rayne ang maging partner niya! Kilala mo si Reese. Kahit na pagsabihan mo, it's impossible that he'll look out for her!"
Napaisip ako. Tama nga si kuya. Sa ugali ni kuya Reese, impossibleng mabantayan niya si Agatha. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay malaman na lang namin na nawawala na pala ito.
"I said, my descision is final. At isa pa, hindi p'wedeng isa sa inyo ang maging partner niya dahil matagal na kayong magkakasama. Alam niyo na kung ano ang kahinaan ng isa't-isa. Masisira ang inyong teamwork kapag pinaghiwalay ko ang isa sa inyo," paliwanag ni HM. Mahinahon ang pagkakasahi niya.
Kung tutuusin ay tama rin naman si HM. Sa tagal na naming magkakasama ay kabisado na namin ang galaw ng bawat isa kaya't madali na lang sa amin ang kumilos. Naiintindihan kong kaligtasan pa rin namin ang inuuna ni HM kaya siya ganyyan. Pero natatakot pa rin ako para sa kaligtasan ni Agatha. Puwede pa sana kung magbabakasyon lang kami, kaso hindi eh. Misyon ang ipupunta namin doon at hindi bakasyon.
Gusto kong umangal, pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko'y nalunok ko na ang aking dila. Nagmistulang disyerto na rin ang aking lalamunan. Sumasakit ito sa tuwing sinusubukan kong magsalita.
Sa loob ng ilang segundo ay binaha ang silid ng isang nakakabinging katahimikan. Walang nagsalita sa amin. Lahat nagpapakiramdaman kung sino ang unang babasag sa katahimikang ito. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nanginginig pa rin si kuya. Nakakuyom ang kamao at halatang pinipigilan ang sariling atakehin si HM.
"Any other question regarding your missions?" sa wakas ay tanong ni HM.
Wala na kaming nagawa kundi ang umiling na lang. Ano pa ba ang magagawa namin?
Padabog na tumalikod si kuya. Sinundan na lang namin ito ng tingin hanggang sa pagbalibag niya ng pinto pagkalabas.
"That's it for today. You're all dismiss," ani ni HM. Kalmado pa rin ito. Parang wala lang sa kan'ya ang ginawa ni kuya. Tinignan na muna niya kami isa-isa bago ulit harapin ang kaniyang computer.
Wala na kaming nagawa kundi ang tumalikod na lamang. Laglag ang mga balikat ko habang humahakbang palabas ng pinto.
Pagkalabas namin ay nakita pa namin si kuya sa may di kalayuan sa amin.
"Hey, Zhy..." Hindi na naituloy ni Gian ang pagtawag kay kuya dahil nahawakan ko na agad ito sa balikat.
Hindi na ako nagsalita at umiling na lang. Mabuti na lang at nakuha agad ni Gian ang gusto kong iparating. Isa pa, hindi magandang makipag-sagutan sa taong mainit ang ulo. Baka kung ano pa gawin niya sa amin. Maski naman ako ay hindi rin payag sa gustong mangyari ng HM dahil alam kong napakadelikado pero wala na kaming magagawa. Final descision na ni HM iyon.
Ang tangi ko na lang magagawa ngayon ay ang pakiusapan si Reese na siya na muna ang bahala sa kaniya. Hindi ko alam kung paano, pero kailangan kong gawin ito.
"Rayne, una na kami. Do'n kami sa dorm matutulog ngayon." Napalingon ako kina Rose. Magkahawak kamay sila ngayon ni Brent.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko maipaliwanag kung ano pero iisa lang ang laman ng utak ko.
Sana gan'yan din kami ni Agatha. Napamulagat agad ako sa naisip. Ano bang pumapasok sa utak ko? Nababaliw na yata ako? Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Gian.
"Kami rin fra. May kailangan pa kasi kaming asikasuhin. Kita-kits na lang bukas."
Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Alangan namang pigilan ko sila.
"Ah, sige fra. Ingat kayo,"
"Ikaw? 'Di ka ba matutulog sa dorm?" untag ni Rose. Napabuntong-hininga na lang ako. Sa HQ ako matutulog dahil nando'n si Agatha. Hindi ko naman siya puwedeng iwan doon ng mag-isa.
"Ah, hindi eh. Sa HQ ako matutulog ngayon."
"Ah! Alam na this! Basta fra, palaging may proteksiyon ha? Good luck!" Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Gian. May kasama pa itong hahikgik na nakakapanindig balahibo. Ang manyak talaga isang ito!
"Ulul! Gago ka talaga Gian! Huwag mo nga akong idamay sa kamanyakan mo! Nakakadiri ka talaga!" Bastos talaga ang gagong ito! Kung ano-ano ang pumapasok sa utak!
Mabuti na lang at hindi ako kagaya niya. Gentleman yata ako!
"Ouch naman babe! Na ulul na nga, na gago pa. Nakakasakit ka na sa puso ha!"
Pakiramdam ko'y bumaliktad ang sikmura ko sa inasta ni Gian. Ang pangit kasi niya. Akala mo naman kung sinong guwapong actor. Mala Chitae naman! May papikit-pikit pang nalalaman.
"Makaalis na nga! Baka mahawa pa ako sa kabaliwan mo!" Pagkasabi ko nito ay mabilis na akong nag walk-out. Bahala sila sa mga buhay nila.
"Basta babe! Huwag mo kaming kalimutan bilang ninong at ninang ha!"
Ninong agad? Ni wala pa ngang kami, ninong agad? Iba rin ang utak ng isang iyon. Masyadong advance! Hoo! Bilisan ko na nga ang paglalakad at baka mahabol pa ako ng kamanyakan niya.
Halos liparin ko na ang daan pabalik sa HQ. Bukod kasi sa alas onse na ng gabi ay inaantok na rin ako. Kung hindi nga lang sa malamig na hanging dumadampi sa aking balat ay paniguradong kanina pa ako bumulagta rito sa sobrang antok.
Malapit na ako sa HQ ng maaninag ang liwanag na nagmumula sa kwarto ni kuya Reese. Paniguradong gising pa ito. Hindi kasi ito natutulog na bukas ang ilaw. Ngayon ko na ba siya kakausapin o bukas na? Ah! Bukas na lang! Baka maunahan pa ako ng antok bago masabi ang gusto kong sabihin.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa may pintuan. Mabuti na lang at dinala ko yung susi ko kundi lagot ako nito. Pagkabukas ko no'n ay dire-diretso na ako sa kwarto. Medyo maliwanag ang silid dahil sa lampshade na siyang nagsisilbing tanglaw sa madilim na kwartong ito.
Napangiti ako ng makita si Agatha. Tulog na tulog ito. Ay! Malamang Rayne! May gising bang nakapikit? Aist! Umayos ka nga!
Dahan-dahan akong lumapit sa kama. Mahirap na, baka magising pa ang aking prinsessa kapag nag-ingay ako.
Nang makalapit ako sa gilid niya ay napatulala na naman ako.
My God! Even when she's sleeping, her beauty is just beyond unimaginable! She's like a walking doll, carved to perfection. A precious gem that I need to protect. And I am willing to give up everything to have her by my side. Hindi ko yata kaya na makita siyang nahihirapan.
Ano ba ang nangyayari sa 'kin? Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makaramdam ako ng ganito sa ibang tao.
I don't know what happened, but the next thing I knew, I was already drifting off to sleep.
REESE POV
Kanina pa ako nandito sa kwarto ko pero hindi naman ako makatulog. Anong nangyari? Kanina antok na antok na ako, ngayon, mulat na mulat?
Napatingin ako sa folder na binigay sa 'kin. Ngayon ko lang naisip na hindi ko pa pala nabasa ang mga info na nakapalaman dito. Naisipan kong basahin na lang muna ang mga ito, tutal ay hindi pa naman ako makatulog.
Agad ko na itong hinablot at dinala sa study table. Mabuti na lang pala at nakinig ako noon kay Zhy. May silbi rin pala kapag minsan ang mga lampshade na ito lalo na kapag tinatamad kang magbukas ng ilaw.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na inilabas ang laman ng folder saka isa-isang binasa.
Makalipas ng halos sampung minuto ay napangisi ako. I like this. Hindi lang sa iisang bansa ako mapupunta kundi tatlo.
Egypt, Iran and Nepal. Where would I go first? Just the thought of fighting those beasts makes every fiber of my body vibrate with extreme anticipation. Adrenaline rush was coursing through my veins and my hands trembling like my body was plugged into the mains.
Matagal ko nang pinaghahandaan ang pagkakataong ito kaya hinding-hindi ko ito palalagpasin. Dito ko rin masusubukan kung hanggang saan ang kaya kong gawin.
Napatigil lang ako sa pag-iisip ng maramdaman ang presensiya ni Rayne. Nasa labas ito ngayon habang nakatingin sa kwarto ko. Nakiramdam ako ng mabuti. Sa hitsura niya ay parang manghaharana na ito anumang oras. Kulang na lang ng gitara at bulaklak. Now that's creepy. Huwag mong sabihing may lihim na pagnanasa ang batang iyon sa 'kin? Makakalbo ko ito kapag nagkataon. Tignan ko lang kung anong susunod niyang gagawin.
Napahinga lang ako ng maluwang ng maramdamang umalis na ito. Pumasok na siguro.
Bumuntong-hininga na muna ako saka pinagpatuloy ang ginagawa.
"Holy shit!" napamura ako ng wala sa oras dahil sa nabasa. Hindi ko pa nababasa ang parteng ito. Riddles? Seriously? I hate riddles! Nganga ako pagdating sa mga riddles na iyan. Si Brent ang magaling sa mga riddles kaya dapat sa kaniya napunta ito! Fuck this life!
Pero ayos na rin siguro ito, at least may challenge. Hindi ko ito tatanggapin kung wala man lang kathrill-thrill. Kailangan ko na sigurong magdala ng mga libro about riddles. Mukhang kakailanganin ko.
Napatingin ako sa mga gamit ko. Hindi ko na rin kailangang mag-impake pa dahil kakaunti lang naman ang dadalhin ko. Hindi ito bakasyon kaya mga personal na gamit lang ang dadalhin ko. Isinunod kong tiningnan ang passport at visa ko. Bukas ng hapon ang aking flight kaya kailangan ko nang magpahinga. Mabuti na lang at naisipan na akong dalawin ni antok kung hindi, baka mahuli ako ng gising.
Gaya ng nakagawian ay maaga akong nagising kinabukasan. Alas syete pa lang ng umaga kaya't malamig pa ang panahon.
Nag-unat na muna ako bago tinungo ang banyo para gawin ang mga dapat kong gawin.
Matapos ay bumaba na ako sa kusina. Nagulat pa ako ng makita si Rayne na nagluluto na ng umagahan. Halata pang inaantok ito dahil sa bagal niyang kumilos. Nakakapagtaka, ba't ang aga yata ng batang ito? Sa aming pito, siya ang palaging nahuhuli ang gising kaya't araw-araw na nalalate hindi lang sa klase kundi pati sa training, pero ngayon, anong nangyari? Anong klaseng himala ang kumapit sa kaniya
Imbes na tulungan ay pinagmasdan ko lang ito. Ang bagal niyang kumilos. Pipikit-pikit pa ang mata. Kulang na lang ay masubsob ang mukha niya sa binabatil na itlog.
Wala naman akong balak na magpakita sa kanya kung hindi lang dahil sa traydor kong tiyan. Bigla kasi itong tumunog. Nakalimutan kong kagabi pa pala ako hindi nakain kaya malamang ay kumakalam na ang sikmura ko.
Dahil sa ingay ay napatingin sa 'kin ang bata. Halatang nawala ang antok nito dahil siguro sa gulat.
"Oh, kuya Reese, ikaw pala. K-kanina ka pa ba d'yan?" Bati niya habang nakangiti. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa ref.
Agad kong inilabas ang latte para sa aking cereal. Wala talaga akong ibang kinakain sa umaga kundi ito. Wala akong ibang pagpipilian dahil hindi naman ako marunong magluto. Kapag nagluluto sina Vio saka lang ako nakakakain ng matino. Most of the time ay sa mga ristorante o kaya naman ay sa mga karinderiya ako kumakain.
"Kuya, gusto mo lutuan na lang kita?" Napatigil ako sa paglalagay ng gatas sa cereal ko sa narinig. Mula sa dulo ng mga mata ko ay nakita ko si Rayne na titig na titig sa ginagawa ko.
"No," tipid kong sabi. Itinuloy ko na rin ang ginagawa.
"If you say so."
Sa sumunod na ilang minuto ay binaha ng nakakabinging katahimikan ang paligid. Walang nagsalita sa amin, pero ayos lang. I like the silence better.
Nang matapos ako ay mabilis ko nang hinugasan ang bowl na kinainan ko at akmang aalis na sana ng bigla akong pinigilan.
"Kuya sandali, m-may sasabihin lang sana ako sa 'yo."
Nangunot ang noo ko sa narinig saka siya hinarap ng mabuti. Halatang kinakabahan ito dahil panay ang lunok niya. Hindi rin siya makatingin sa 'kin ng diretso.
Wait a minute. Is this some kind of a confession? So I was right huh? Patay ito kay Zhy kapag nalaman niya.
"Tell me," panimula ko. Nagtatakang napatingin naman siya sa 'kin.
"Are you gay?" dire-diretso kong tanong. Nanlalaki bigla ang mga mata niya. Napanganga rin siya. Kulang na lang siguro ay umabot ito sa sahig.
"What? No I'm not! What makes you say that?"
"Look at yourself, you're acting like a shy teenage girl about to confess on her long time crush." Medyo natatawa kong sabi kaya napabusangot ito.
"Kuya naman! Straight ako noh! Straight! Plus, I already have someone I like," pabulong ang huli niyang sinabi pero rinig ko pa rin ito.
"So? What is it? Marami pa akong gagawin kaya sabihin mo na." Humugot na muna ito ng malalim na buntong-hininga bago sumeryoso ang mukha.
"I just wanna ask a favor," Sumeryoso na rin ako.
Ano naman kayang favor ang kailangan ng isang kto? Bakit sa akin pa at hindi na lang sa kapatid niya?
Hindi ko na ako nagsalita pa at hinintay na lang kung anuman ang sasabihin niya.
"Kuya please. Nakikiusap ako. Please promise me that you'll take good care of her. Huwag mo sana s'yang pababayaan, please kuya."
Agad na nalukot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang pinagsasasabi ng batang ito? Nasisiraan na yata ng bait.
"What the hell are you talking about?"
"You'll know soon kuya. Just please, I'm begging you. Please good care of her. I will do everything you ask, but I'm begging you to take good care and protect her." Mangiyak-iyak ngayon ang hitsura niya. Kulang na lang ay lumabas na ang sipon para kumpleto.
"I don't know what the heck you're talking about, but I can't promise something that I didn't even know." Malamig kong turan bago umalis.
What the heck is that kid talking about? Sino ba iyong her na tinutukoy niya? What does she have to do with me?
Dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Kailangan ko nang ihanda ang mga dadalhin ko.
Habang nag-aayos ay naisipan kong buksan ang tv para sana makinig ng mga tugtog sa paborito kong channel pero imbes na musika ay iba ang lumabas.
Saglit akong napatingin dito at sakto namang ipinakita ang karumal-dumal na sinapit ng mga biktima.
I smirked evilly as I saw the state of my victims. They looked like butchered animals. Hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko. Those bastards deserved that.
Mas lalo pa akong natawa sa mga hitsura ng mga witness kuno. What a pathetic excuse for humans. Akala ko ba mga goons ang mga ito? Dapat sanay na silang makakita ng ganoon dahil isa ito sa mga gawain din nila, pero bakit nanginginig sila ngayon? Hindi na nga sila makausap ng matino, tulala pa.
It's not my problem anymore. Hindi naman nila ako matutunton lalo na ngayon na paalis na ako dito. Tumingin ako sa relos ko at nakitang alas-nuebe na pala ng umaga. Ibig sabihin ay may ilang oras pa akong pahinga bago bumiyahe. Masarap matulog ngayon lalo na at malamig pa ang panahon.
Matapos kong ilagay ang huling piraso ng aking damit ay agad na akong nahiga sa kama para maidlip.
Alas tres pa lang ng hapon ay naliligo na ako. Alas syete kinse pa naman ang flight ko pero mas maganda na kung maaga akong umalis dito. Mahirap na, baka maabutan pa ako ng traffic. May kalayuan pa naman ang NAIA mula rito.
Alas tres 'y media na ng matapos akong maligo. Sinadya ko talagang bagalan para malinisan ng husto ang katawan ko. Importante sa 'kin ang hygiene kaya wala akong pakialam sa mga iniisip ng iba.
Lumaki ako na baon ang lahat ng mga pangaral ng aking ina kaya importante sa 'kin ang mga ito. Matapos kong magpalit ay hinablot ko na ang malaki kong backpack pati iyong susi ng motor saka lumabas. Wala akong naabutan sa salas pero expected naman iyon. Paniguradong abala sila sa pag-aayos ng mga gamit nila.
Bago ako lumabas ay inikot ko na muna ang paningin sa kabuuan ng HQ. Maganda pa rin ito kahit na pinaglumaan na ng panahon. Mga antique at mamahalin lahat ng mga kagamitan kaya paniguradong tiba-tiba ang mga akyat-bahay gang kung sakaling maligaw man mga ang landas nila rito.
Kung iisipin ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakamisyon ako ng ganoon katagal kaya kahit papaano ay mamimiss ko ang lugar na ito.
Bumalik lang ako sa realidad ng biglang mag-ring ang cellphone ko.
Si Zhyrix ang natawag. Ano naman kayang kailangan nito?
Pipindutin ko na sana ang kulay berde ng biglang mamatay ang tawag. Napaismid ako. Tatawag-tawag tapos ibababa? Ano iyon?
Binulsa ko na lang ito at agad na tinungo ang motor ko. Hindi ko na rin inilagay ang helmet ko. Why bother? Hindi ako kumportable kapag suot ko ito. Isa pa, naiinitan ako sa tuwing suot ko ito.
Pagkasampa ko rito ay agad ko na itong pinaharurot ng napakabilis. Alas kwatro na kasi ng hapon. Kailan pa ako makakarating kung mabagal ang patakbo ko. Kung pwede ko lang sanang gamiting ang portal at kanina ko pa ginawa. Ang problema lang, ang destinasyon. Baka matakot lahat ng mga tao kung bigla na lang susulpot sa gitna ng kawalan ang isang itim na portal.
Alas sais na ng makarating ako. Kanina pa ako nagmumura sa inis. Inabutan kasi ako ng traffic kung kailan malapit na ako.
Kanina pa sana ako nandito kung hindi lang dahil sa lintik na traffic na iyan. Idagdag pa na halos lahat ng mga babaeng nadadaanan ko ay kinukuhanan ako ng litrato. Fuck it! I should have worn my fucking helmet!
Mabuti na lang at naisipan kong dalhin ang cap ko. Pagkababa ko ay agad ko na itong sinuot.
Tatawagan ko na sana ang butler ko para kunin ang motor ko ng mamataan si Zhy. Nakasandal ito sa kaniyang kotse. Katabi nito si ms. Gladys habang nasa likod ng kotse si Rayne at may kausap na babae.
Now, what the heck are they doing here? Pagkakaalam ko'y bukas pa ang flight nila. Are they here to say good luck? Who am I kidding?
Lumapit agad ako sa kanila.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko. Unang lumapit sa 'kin si Zhy at may binulong.
"Pare, can you do me a favor?"
"What?" Napatingin ako sa kaniya. Hindi maipinta ang mukha niya. Para s'iang naiiyak na nagmamakaawa na ewan. Para siyang baliw sa hitsura niya.
"Please take good care of her for me."
Huh? Ano bang pinagsasasabi ng mga ito?
"What the heck are you talking about? Una si Rayne, pati ba naman ikaw?" Imbis na sumagot ay nag lakad lang siya palayo. What was that?
Magsasalita pa sana ako pero naunahan na ako ni ms. Gladys.
"Ah, yes mr. Montreal. We're here in behalf of your partner."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro