Chapter 15
REESE POV
Nagising akong bigla dahil sa malamig na hanging yumakap sa 'kin. Bukas pala ang bintana. Napaupo ako sa gilid ng kama sabay himas sa batok. Nananakit kasi ito. Mula rito ay tanaw na tanaw ko ang labas. Umaambon. Kaya pala malamig.
Nawala na rin bigla ang antok ko. Napalitan ito ng sigla. Ramdam ko ring bumabalik na ang lakas ko. Pinalipas ko pa ang ilang segundo bago tumayo at agad na tinungo ang banyo para makapaghilamos.
Pagkatapos ko ay nagpalit na rin ako ng damit. Naka school uniform pa kasi ako. Wala ako sa mood para pumasok sa last subject ko mamaya. Ang alam ko'y may long quiz pa kami, pero wala namang kaso. For those of us who were born different, such things is not important. Sa mundong ginagalawan namin, mas binibigyan namin ng halaga ang pagtra-training dahil alam naming ano mang oras ay maaari kaming sunduin ni kamatayan. Nararamdaman naming nand'yan lang siya, nakaabang at naghihintay ng pagkakataon.
Napabuntong-hininga na lang ako saka hinablot ang jacket na nakasabit sa likod ng pinto. Makapal ito at may hood kaya maproproteksiyonan ako mula sa ambon. Pagkasuot ko nito ay naglakad na ako patungo sa bintana. Dito ako dadaan. Mababa lang naman ito kaya walang problema. Alam kong nasa ibaba na sina Rose kaya ako na lang ang iiwas. Paniguradong mas lalong masisira ang araw ko kapag nakaharap ko ito. Madaldal na nga, chismosa pa. Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan ni Brent sa kaniya. Dahil siguro may hitsura ito? Ah, ewan. Bakit ba ako nakikialam sa kanila?
Pagkalanding ay mabilis na akong naglakad patungo sa tarangkahan. Balak kong magsaya muna ngayon. For some reason, my whole system is craving for some bloody action. May malapit na bar dito kaya doon ako pupunta. Walking distance lang din ito mula sa school kaya maglalakad na lang ako. Nakakatamad magdala ng kotse gayong malapit lang. Sayang pa ang gasolina.
Nang makalapit ako sa gate ay hinarangan na agad ako ng isang guard.
"Sir, saan po kayo pupunta? Estudiyante po kayo rito, hindi ba?"
Hindi ako sumagot. Nakayuko pa rin ako. Lalampasan ko na sana siya nang hinawakan ako sa balikat. Wrong move!
"Naku sir! Bawal po magpalabas ng mga estudiyante lalo na 'pag class hours! Kami po kasi ang mapapagalitan."
Unti-unti akong napangisi ng mala-demonyo. Humarap ulit ako sa guard. It would be fun playing with these idiots. These two would be my first victim.
Wala ito sa plano pero ang isa sa pinakaayaw ko sa lahat ay iyong hinahawakan ako ng mga taong hindi ko kilala. Unless, I gave them my permission.
Bago pa ito makapagsalita ay binigyan ko na ito ng isang malakas na uppercut. Mabuti na lang at nakontrol ko pa ang lakas ko kundi ay napatay ko na ito. Malakas itong bumagsak sa sahig. Duguan ang nakatabingi nitong panga. Laglag din ang halos lahat ng mga ngipin nito.
Napangisi ako sa nakikita. Blood! How I love the color of blood. But it wasn't enough. I want more.
Napalingon ako sa isa pang guard at nakitang nanlalaki ang mga mata nito. Nanginginig din ito sa takot habang pilit na nagsusumiksik sa isang tabi.
Weak. How the hell did they become what they are if they are this weak? Naturingan pa naman silang mga security guards.
He'a not even worth my attention. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Nandito na ako sa tapat ng UG Bar. Ang lugar na madalas kong puntahan kapag nawawala ako sa mood. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan nito. Sa labas ay nagmumukha lang itong normal na bar pero may hidden underground ito. Walang ibang nakakaalam tungkol sa lugar na iyon maliban sa mga goons, gangsters, assassins at kung ano-ano pa. Doon din nagaganap ang lahat ng mga illegal na gawain ng tao. Kuta ng mga demonyo kung tawagin nila pero para sa 'kin, kuta lang ito ng mga amateurs na nag-fee-feeling malakas.
Inayos ko muna ang hood ko bago dumiretso sa loob. Pagkapasok ay sinalubong kaagad ako ng pinaghalong amoy ng alak, usok ng siggarilyo at kung ano-ano pa. May mga waitress na nag-iikot para magbigay ng inumin. Napakaingay rin ng paligid. Idagdag pa na halos mga lasing ang nagsisipagsayawan sa gitna.
Sa dulong bahagi ay makikita ang mga babaeng walang saplot na nagsasayaw sa gitna. Halos maglaway naman ang mga lalaking nakapaligid sa nakikita.
Napailing na lang ako. Hindi na talaga sila nagbago. Kaya sila bumababa sa lebel ng mga hayop dahil sa mga taong katulad nila.
Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at dumiretso na sa isang sulok pero bago pa man ako makarating doon ay may humarang sa aking isang babae.
Sa hitsura at galaw pa lang ay halatang lasing na ito. Hubo't-hubad ito maliban sa pang-ibaba nito na gawa sa manipis na tela. All in all, nakakadiri at nakakasuka ang hitsura nito.
"Hey babe, kanina pa kita pinagmamasdan. Alam mo, you're so hot and handsome. Would you like to come with me? Sisiguraduhin kong masasarapan ka sa gagawin natin."
Muntik ko nang isuka ang mga lamang loob ko sa sinabi niya. Mabuti na lang pala at hindi pa ako nakakakain. Bumalik lang ako sa realidad ng maramdamang hinihimas na pala ako sa palad ng babaeng ito. Tao pa ba ito sa lagay na ito? Sa tingin ko'y asal aso na ito sa ginagawa niya.
"Let. Go. Of. Me!" napakalamig kong sabi. Nakita ko ang gulat at takot sa mukha niya pero sa huli ay napangiti pa rin ito.
"Come on babe. I know you're just playing hard to get. I know you want it too. I can give it to you for free. Huwag kang mag-alala, expert na 'ko kaya paniguradong mas masasarapan ka." Nakangiting sabi nito at akmang hahawakan na sana ako below the belt, pero naunahan ko na.
"I warned you, didn't I?" Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Dinig na dinig ko pa ang paglagutok ng mga buto niya pero imbes na maawa ay mas lalo lang akong napangisi. Para lang itong isang rythm ng musika sa aking pandinig. Napapadaing na rin siya sa sakit pero wala na akong ibang naririnig kundi ang tawag ng dugo. Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa gitna ng napakalaking arena. Nagkalat din sa paligid ang mga katawan ng mga lalaking hindi ko na mawari kung buhay pa ba o patay na. Punong-puno ng dugo ang katawan ko pati na rin ang damit ko. Pati ang arena ay hindi rin nakaligtas sa mga dugong nagkalat sa paligid.
Nilibot ko ang paningin. Nakita ko ang kumpol ng mga taong nagsisiksikan sa isang sulok. Ang ilan sa kanila ay nanginginig habang ang iba naman ay tulala. Hindi sila makagalaw sa kinatatayuan nila habang titig na titig sa 'kin. Mabuti na lang at malaki ang hood ng jacket na ito. Hindi nila masyadong makikita ang aking mukha.
Alam kong ako ang may gawa nito, pero imbes na mabahala ay mas nanaig pa rin sa 'kin ang kagustuhan kong makakita ng dugo. I have been longing for some blood for a while now. Isa pa, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari ito kaya bakit pa ako matatakot? Isa ito sa mga naging libangan ko noong mga panahong nagmumukmok ako.
Hindi ko na lang pinansin ang mga tao sa paligid habang inaayos ang damit ko pati ang gloves na suot saka naglakad na paalis.
Pagkarating ko sa may bar mismo ay bumungad agad sa 'kin ang mga nagkalat na katawan. May mga gumagalaw pa sa mga ito pero alam kong hindi na sila makakaabot pa sa ospital.
Napangisi ako. Ah, my piece of Art. I felt my body rejoice upon seeing my art.
I spent the next few minutes staring at my work of Art, memorizing each and every angles.
Lumipas pa ang isang minuto bago ako magpasyang umalis. As much as I wanted to stay, I have to leave. I had already wasted so much time being here.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla kong marinig ang sirena ng mga pulis. Sumilip ako sa may bintana at nakita ang kotse ng mga ito na sunod-sunod na nagsidatingan. Napaisip ako. Hindi ko alam kung magpapahuli ako sa kanila o hindi.
Sa huli ay napagpasyahan kong bumalik na lang sa kwarto ko. Gusto ko sanang magpahuli na lang para mas may thrill, pero naisip ko ang kahihinatnan ko kapag ginawa ko iyon. Paniguradong abot langit na sermon ang matatanggap ko mula kina HM at Zhy. Idagdag pa ang mga pesteng reporters na nakaabang sa bawat kilos mo at hindi sila titigil hangga't hindi nila nalalaman ang gusto nila. Para silang mga aso, sunod-sunuran sa mga amo.
Sa isang pitik ko ng kamay ay nabuo agad ang isang malaking itim na portal. Napunit ang isang tipid na ngiti sa aking mga labi pagkakita sa walang hanggang kadiliman. Isa ito sa mga pinaka-unang tricks na natutunan ko noong ako'y nagpapanimula pa lang sa pag-eensayo.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na pumasok dito habang nasa isip ang aking destinasyon.
Pagkalabas na pagkalabas ay agad kong nilibot ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. May mga pagkakataon kasi na sa taliwas na lugar ako dinadala ng portal kaya naman nasanay na ako sa ganitong systema. Napahinga lang ako ng maluwang nang mapagtantong nakatayo ako ngayon sa gitna ng kwarto ko.
Mabilis ko nang tinungo ang banyo para maglinis ng katawan. I smelled bad. I love seeing blood, but not its odor. Napakalansa. Bumabaligtad ang sikmura ko sa tuwing nakakaamoy ako ng dugo.
Alas syete na nang matapos ako sa pagligo. Inabot ako ng halos dalawang oras dahil medyo nahirapan ako sa pagkuskos ng mga natuyong dugo sa katawan. Sinigurado ko ring hindi nila maaamoy ang lansa ng dugo mula sa 'kin. Malakas ang pang-amoy ng mga iyon, lalong-lalo na si Brent kaya paniguradong mabubuking nila ako ng wala sa oras.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay isinunod ko namang inasikaso ang mga damit na ginamit ko. Mabuti na lang at may dala-dala akong lighter dito.
Hindi na ako nag-dalawang isip pa at agad na sinindihan ang dulo ng mga ito.
Napahinga lang ako ng maluwang ng tuluyang kinain ng apoy ang mga tela. Ngayon ay wala na silang magiging ebidensiya na puwedeng magturo sa 'kin. Nakagloves naman ako kanina kaya wala rin silang makukuhang fingerprints sa katawan ng mga biktima.
Tatayo na sana ako ng maramdaman ang aura ni HM. Nasa ibaba siya. Nakakapagtaka, anong ginagawa niya rito?
Wala naman talaga akong balak magpakita sa kanila, pero narinig ko ang pangalan ko. Ano kayang kailangan nito? Palabas na ako ng kwarto ng mapaisip. Ano kaya kung bigyan ko sila ng silent entrance?
Muli na namang lumabas ang portal sa isang pitik ko lang. Agad na akong pumasok dito. Mabuti na lang at nakalabas ako sa may pintuan. Nang makitang walang nakapansin sa 'kin ay sumandal na muna ako sa may dingding sabay tupi ng mga braso bago mapatingin kay HM.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa 'kin kung ano ba talaga ang tunay nitong kapangyarihan. Alam naming malakas ito, pero ang tanong, ano ba talaga ang kapangyarihang taglay niya?
Ni minsan ay hindi pa namin ito nakitang gumamit ng kapangyarihan. Ayaw kong isipin na baka normal lang siyang tao dahil impossible. Napakaimposible. Mga basics lang ang ginagamit niya sa tuwing magtutuos kami. Natural na mananalo kami laban sa kaniya pero hindi pa rin ako makampante. Maraming beses ko na itong hinamon sa seryosong labanan, pero palagi niya lang akong iniignora. I wanted to fight him with full power. Gusto kong makita kung gaano talaga siya kalakas.
Naputol lang ang pag-iisip ko nang marinig si Gian.
"I'll go find him," sabi ni niya. Akmang tatayo na sana ito pero naunahan ko na.
"No need. I'm here."
Napalingon silang lahat sa 'kin. Gulat ang unang rumehistro sa mga mukha nila. Hindi ko na lang sila pinansin saka tinignan sila isa-isa. Nagulat pa ako ng makita ang isang babae na nakatalikod pa rin sa 'kin. Hindi ko makita ang mukha niya, pero sigurado akong hindi ko ito kilala. Ngayon ko lang ito nakita. Habang pinagmamasdan ang likuran ng babae ay bigla akong nakaramdam ng inis. Sino ba ito? Ni hindi man lang siya lumingon para makita kung sino ang nagsalita. Bisita? kaninong bisita naman? Why do I even care?
"Good, now that you're here, I'll tell you why I'm here."
Tinuon ko na lamang ang paningin kay HM. Nakita kong humugot muna ito ng malalim na buntong-hininga bago magsalita.
"I'm here to give you your next mission." He said gaining an instant different reactions from the group. Gaya ng dati, si Rose ang nangunguna.
"What? But Head Master! You're joking right? Akala ko ba'y next week pa kami magkakamisyon? Second week pa lang ng klase may mission na agad?"
"She's right Head Master! Ba't ang aga atang dumating ang mga misyon namin ngayon?" Sekunda ni Gian na napatayo pa. Sumunod agad sa kanila si Rayne.
"Akala ko pa naman makakapag-relax pa ako this week."
Nanatili lang akong tahimik. Ibig sabihin kasi nito ay tama ang mga hinala ko. Halos tatlong buwan na rin akong hindi mapakali, pero hindi ko matukoy kung bakit. Mas lumakas ang kutob ko nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko'y may nangyayaring hindi maganda.
"Anything else?"
Napatingin ulit kaming lahat sa kaniya. Napakaseryoso ng mukha niya. Nakakatakot ngayon ang itsura ng HM. Napapalibutan ito ng itim na aura. Mula sa peripheral view ko ay nakita kong napalunok sina Gian at Rayne.
"Just give us the details already, old man." I said not caring if I'm being disrespectful or not. Masama itong napatingin sa 'kin pero hindi ko iyon pinansin. Sanay naman na ito sa mga tawag namin sa kaniya kaya hindi na ito bago sa pandinig niya.
"I'll give you the details, but not here. Come, follow me." Pagkasabi niya nito ay bigla na lang siyang nawala na parang bula. Hindi ko na rin hinintay ang mga kasama ko dahil agad na rin akong pumasok sa portal na gawa ko. Iisa lang naman ang di-diretsuhan niya.
Kanina pa ako rito sa opisina ng HM. Nasakasandal ako ngayon sa pinto patungo sa terrace. Nauubos na ang pasensiya ko. Mahalaga ang oras kaya isa rin sa pinakaayaw ko ang pinaghihintay ako.
Just where the hell are they? What the heck took them so long? I swear! Kakalbuhin ko ang mga iyon kapag nakita ko sila.
Napatingin ako kay HM na nakaharap sa kaniyang computer. He seems busy with something. I can't see what he's up to since his back is blocking the monitor. But whatever it is, seems important. Kanina pa kami rito, pero hindi pa siya tumatayo sa puwesto niya. I don't wanna ask cause that's not my style.
Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsabi kung ano ba talaga iyon.
Lumingon ulit ako sa kalangitan. Wala akong makitang iba kundi ang mga itim at makakapal na ulap. Nalamon nito ang mga talang dati'y nagbibigay ningning sa kalangitan.
"Aray! Oo na! Oo na! Tama na!"
Napatingin ako sa pintuan ng marinig ang malalakas na halakhak ni Gian. May naririnig din akong mga boses ngunit hindi ko mawawaan kung ano ang mga sinasabi nila dahil sa volume ng boses ni Gian.
Nang bumukas ang pinto ay niluwa agad nito si Zhyrix. Nauna itong pumasok kasunod si Brent. Hinintay kong makapasok silang lahat, pero wala ang babaeng inaasahan ko. Akala ko'y kasama nila ngayon si Agatha, hindi pala. Its not that I care anyways.
"Sorry were late HM. Naglakad pa kasi kami." Paumanhin ni Zhy habang tuwid na tuwid na nakatayo sa harapan ni HM. Kaya naman pala ang tagal nila. May kalayuan kasi ang opisina nitong si HM mula sa HQ namin. May labinlimang minutos din kapag nilakad.
Naulingan kong may sinasabi si HM, pero hindi ko na sila pinansin at binalik ang tingin sa labas. Nagsisimula na namang umambon. Napakuyom ang mga kamao ko. I hated the rain. Konektado ito sa lahat ng mga kamalasang nangyari sa buhay ko.
As much as I wanted to erase it's existence, I can't. It's an important part of nature. Isa pa, hindi sakop ng kapangyarihan ko ang ulan kaya wala akong magagawa.
I sighed for a hundredth time. Nakakaramdam na rin ako ng antok. Mag-aalas nuebe 'y media na kasi ng gabi. Mayamaya lang ay matutulog na rin ako.
Isa ito sa mga pangaral ng aking ina. Ayon sa kaniya, kailangan daw ng isang tao ng anim hanggang walong oras na pahinga, pero para sa mga kagaya namin, hanggang pangarap na lang siguro iyon. Tinatawag kong blessing in disguise kapag binibigyan ako ng pagkakataong makatulog ng anim hanggang walong oras sa araw-araw. Hangga't pwede ay gusto kong i-enjoy ang pagkakataong iyon.
Kapag nagsimula na ang mga misyon ay paniguradong kulang-kulang na naman sa dalawa o tatlong oras ang tulog ko sa isang araw. Minsan wala pa. Hindi ko na nga mabilang kung ilan na ang nainom kong kape mula noon. Ito lang kasi ang alam kong paraan para manatili akong mulat sa lahat ng mga naging misyon ko. Noong una ay medyo nahirapan akong mag-adjust. Pero di kalauna'y nasanay na rin naman na ako.
"Inside are all the informations about your mission." Rinig kong sabi ng HM sabay abot sa amin ng tig-isang folder.
Agad ko itong binuksan na nagpakunot ng aking noo. Mga larawan ito ng tatlong halimaw.
"These are..."
"Yes. They are your new mission."
Biglang bumaha ng ilang segundong katahimikan ang paligid. Walang nagsalita sa amin habang titig na titig sa mga hawak naming litrato.
"They have already brought countless of deaths since their release. Your mission is to hunt them and capture them. Bring them back, dead or alive. I will give you a maximum of four months for this mission so don't you dare disappoint me."
Napatingin kaming lahat kay HM. Napakalamig ng boses nito. Ramdam din namin ang malakas nitong aura na bumabaha sa opisinang ito.
"Oh, and one more thing, you'll do this mission in pairs."
Hindi na ako nagtaka. Hindi katulad ng mga naging misyon namin ang isang ito. Masyado itong mapanganib. Kaya siguro ginawang by pairs ang misyong ito para makasigurado ito na makakalabas kami ng buhay. Ito pa lang kasi ang kauna-unahang pagkakataon na mga kakaibang nilalang din ang mga makakasagupaan namin. Isa pa, ibig sabihin din nito ay mag-isa ko lang gagawin ang misyong ito pero ayos lang, at least walang magpapabagal sa 'kin.
"Headmaster..."
"Any other details," pagpuputol ko sa sasabihin dapat ni Gian. Napanguso ito pero tinignan ko lang ito ng masama.
"All of the important details are already inside that folder. Samakalawa na ang flight niyo kaya..."
"Flight? Does that mean..."
"Let me finish first, young lady."
Agad namang natahimik si Rose pero halata sa boses nito ang exitement.
Maski naman ako ay hindi ko inaasahan ang sinabi niyang iyon. Flight? Ibig sabihin ba nito ay lalabas kami ng bansa?
"As I was saying, yes, your mission is outside the country. Makikita niyo na diyan kung saan ang magiging destinasyon ninyo."
"Is that all?" Nang mapatango ito ay agad na akong tumalikod.
"Don't forget! Your flight's tomorrow evening so be sure to prepare your things! And you're..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil tuluyan na akong pumasok sa aking portal.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro