Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14


GIAN POV

"Brrr! Emegerd! Ako lang ba ang nakakaramdam ng lamig dito?  Babe paki-off naman ng aircon. Ang lamig eh!" rinig kong inarte ni Rose. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang pagyakap niya sa sarili.

"Anong nangyari? Okay pa naman siya kani-kanina lang ah," boses naman ni Rayne. Nangungunot na naman siguro ang noo nito.

Sa tagal na kasi naming magkakasama, halos memorisado ko na ang moods ng mga kaibigan ko.

"Do you know something, Gian?" Napatingin ako sa nagsalita.

Bumungad agad sa 'kin ang nakataas ang kilay na si Vio. Napalunok ako. Uh-oh, this is not good! What to do? sa isip-isip ko. Palapit siya sa 'kin ngayon.

Sasabihin ko ba? Ah huwag na!Mapagkamalan pa akong chismoso. Saka isa pa, lagot ako kapag nalaman ni Reese na sinabi ko sa kanila ang nakita ko kanina. Baka maghapon na naman akong batuhin ng bolang apoy. Natuto na ako! Ang hirap kayang ilagan ang mga iyon, lalo na kung nakatali ang isa mong paa sa puno. I still love my skin to experience that again! Ayaw ko ngang maging negga katulad ni Brent.

Hindi. Joke lang. Hindi naman talaga negga si Brent. Katunayan nga'y mas maputi pa iyon kaysa sa 'kin. Nagmimistulang mestisong bangus sa kaputihan. Parang hindi nasisinagan ng araw. Hindi naman siya bampira.

"Bah! Kinamalayan ko!" Gaya ng inaasahan ko, sinamaan agad ako ng tingin. Heto na nga bang sinasabi ko. Ayaw na ayaw kasi ni Vio na nagsisinungaling ako sa kaniya.

"Hindi ko talaga alam! Pagdating ko sa kusina badtrip na 'yon. Malay ko ba kung bakit," pagtatanggol ko sa sarili. Sana naman ay kagatin niya ang palusot ko.

"Eh ba't todo tanggi ka? Hay naku Vio, I'm sure may alam 'yan, ayaw lang sabihin."

Pinaningkitan ko ng tingin si Rose. Narinig niya pala. Mapapahamak ako sa bunganga nito eh! Daig pa ang detective kung mag-imbestiga.

"Hindi ko nga talaga alam! Ang kukulit niyo rin eh! Halika na nga babe, labas muna tayo." Hindi ko siya hinintay na magsalita pa at agad na hinila.

Hindi rin naman ito nagprotesta habang hinihila ko kaya't alam kong hindi talaga ito galit sa 'kin. Nagtatampo, oo, pero hindi galit. Ibibili ko na lang ito mamaya ng paborito niyang ice cream para mawalang tuluyan ang inis niya.

ZHYRIX POV

"Seriously? Zhy, may alam ka ba kung ba't bigla na lang nawala sa mood si Reese?" Napabuntong-hininga ako.

Isa lang naman ang alam kong dahilan kung bakit biglang nagbago ang mood niya. Naalala na naman siguro niya ang nakaraan. Napansin ko kanina na mahigpit ang hawak niya sa kaniyang celphone. Idagdag pa na nakakabit doon ang earphone. Paniguradong nakinig na naman ito ng tugtog kaya nagkakaganyan. Palagi ko naman siyang pinagsasabihan dati na palitan na ang mga tugtog niya, pero nagmatigas siya. Ano pang magagawa ko? Hindi naman ako nanay ang niya.

"It's for me to know, and for you to find out." Makahulugan kong sabi na ikinakunot ng noo nila.

Kung minsan may pagka-slowpoke rin ang mga ito. Sa totoo lang ay alam din naman nila ang mga sagot sa katanungan nila, iyon nga lang ay hindi ko na alam kung bakit hindi pa pumapasok sa isip nila iyon.

"Kuya, mauna na rin kami ni Agatha. May klase pa kasi kami."

Napalingon agad ako kay Rayne na ngayo'y inilalagay na sa bag ang mga librong kakailanganin nila sa susunod nilang klase.

"Usap muna tayo," I said in a monotonous tone. It was not a question, rather, a demand. Kitang-kita ko pa ang paglunok niya bago tumango.

"Uy, sali naman kami—"

"No."

Pinutol ko na anumang sasabihin sana ni Rose. Inirapan pa niya ako. Alam kong gusto lang nitong makichismiss. Sa totoo lang ay minsan na siyang tinaguriang chismiss queen ng campus. Hindi ko nga alam kung paano namin ito naging kaibigan. Dahil siguro kakaiba rin siya tulad namin. Pero kung nagkataon at naging normal na tao lang siya, wala sa amin ang gugustuhing lumapit dito. Pasalamat na lang kami at nandiyan si Brent. Kahit papaano ay nakokontrol naman niya ito. Hindi na siya ang dating chismiss queen. Nagbago na ito, iyon nga lang, hindi namin alam kung for the better ba. Hindi na nga siya chismiss queen, naging bitch queen naman.

"Kuya, may sasabihin ka ba?"

Bumalik lang ako sa realidad ng marinig ang boses ni Rayne. Nasa harapan ko na pala ito ng hindi ko namamalayan.

"Ah, yes," panimula ko. "Don't ever let your sight out of her again," seryoso kong sabi. Nang tumango ito ay saka na ako naglakad patungo sa hagdanan. Hindi ko na kailangang i-explain ang sinabi ko dahil alam ko namang naintindihan niya ako.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang mapasulyap ako kay Agatha na nakaupo pa rin sa mahabang sofa.

Sobrang ganda niya talaga. Para siyang dyosa na bumaba sa lupa. Kahit na nakasuot siya ng malaking salamin ay lutang na lutang pa rin ang kagandahan niya. Napakakinis ng kaniyang balat. Bagay na bagay sa kanya ang uniform namin.

Dumapo ang tingin ko sa kanyang palda. Hanggang tuhod ang haba nito. Pinasadya ko talaga iyan dahil ayaw ko s'yang masilipan kung sakali. Nagustuhan ko rin ang paraan ng pag-aayos ni Rayne sa kan'yang buhok. Simple lang ang ginawa niya pero mas lalong siyang gumanda sa paningin ko.

Napangiti ako sa naisip. Ang galing talaga ni Rayne. Paniguradong hair stylist ang kukunin nitong kurso kung naging bakla lang ito.

Hindi ko alam kung ilang segundo ba akong nakatitig sa kaniya pero nagulat na lang ko nang bigla na lang siyang lumingon sa 'kin.

Nagtama ang mga mata namin. Sa puntong ito ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong napako sa kinatatayuan. Ni hindi ko maigalaw ang aking mga daliri. Dinig na dinig ko rin ang malakas na dagundong ng aking dibdib. Iiwas na sana ako, pero hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.

Saglit akong natulala. Kinusot ko pa ang aking mga mata. Totoo ba ang nakita ko? N-ngumiti siya? Nginitian niya ako?Napatingin ulit ako sa kaniya at nakitang nakaharap na ulit siya kay Rayne. Blanko ang mukha nito. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nadismaya. Nag-iilusyon lang ata ako na ngumiti siya sa 'kin. Bumuga ako ng hangin. Mas maganda sana kung totoo na lang ang nakita ko. She's even more drop dead gorgeous when I saw her smile! Though, tipid lang ito.


"Look babe oh, ang lagkit ng tingin niya. Napapangiti pa. May something na ba?"

Napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ang komentong iyon. Napatingin ako kina Rose na agad na nag-iwas ng tingin.

"Anong binubulong-bulong niyo?" diretso kong tanong. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Bumabalik na naman ba ito sa pagiging chismiss queen?

"Huh? Bakit?" painosente pa niyang tanong. I narrowed my eyes on her. Alam ko namang ako ang pinag-uusapan nila.

"Why? Hindi naman ikaw ang pinag-uusapan namin. 'Di ba babe?"

"Ah, oo."

Napailing na lang ako sa dalawa. Mga taktika nila, gasgas na. Hindi ko na sila pinansin at itinuloy na lang ang pagpanhik sa itaas. Gusto ko munang magpahinga saglit. Pakiramdam ko'y nilalayasan ako ng lakas ko. Ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng buong katawan ko. Hindi ako sigurado, pero may isang parte sa 'kin na nagsasabing epekto ito ng pagpunta ko sa isinumpang gubat na iyon. Oh, baka naman ay dala lang talaga ng pagod kaya ako nanghihina ng ganito. Anuman ang dahilan ay alam kong kailangan ko na munang magpahinga kung ayaw kong bumulagta na lang bigla rito.

Ilang hakbang lang ay narating ko na ang kwarto ko. Agad ko itong binuksan at mabilis na tinungo ang kama.

Pagbagsak ko sa kama ay naramdaman ko agad ang pag bigat ng mga talukap ko kaya't masaya ko na lang itong tinanggap.



Bigla akong nagising sa sunod-sunod na katok sa pintuan.

"Sino ba 'yan? Ang ingay!" Nakakainis! Kakapikit ko pa lang, may kumakatok na agad! Malilintikan talaga iyan sa 'kin.

"Kuya ako 'to! Kakain na tayo! Mauna na 'ko sa baba kuya, sunod ka na lang."

Napabalikwas agad ako sa pagkakahiga dahilan para lumanding ang likod ko sa matigas na marmol.

Fuck shit! Ang sakit! Pakiramdam ko'y nabalian ako ng buto sa likod! Pero teka, anong sinabi ni Rayne? Kakain na raw? Nagpapatawa ba siya? Kakakain lang namin kani-kanina lang, kakain na naman?

Napahimas ako sa batok. Akmang tatayo na sana ako ng lumanding ang paningin ko sa malaking wall clock na nakasabit sa dingding.

7:45.

What the fuck! 7:45 na? Hindi! Impossible naman! Agad akong lumapit sa bintana para makita ang labas. Madilim na. Tanging mga tala lang ang nagbibigay tanglaw sa paligid.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita. Paanong nangyaring gabi na? Pakiramdam ko'y limang minuto lang nung nakatulog ako. Ibig bang sabihin nito ay nakatulog ako ng halos walong oras?

Anong nangyari? Ang balak ko lang kanina ay maidlip ng kaunti.

Napahilamos na lang ako ng mukha. Lagot ako nito. Paniguradong pahirapan na naman mamaya sa pagtulog.

Hindi pa ako nakakabawi sa gulat ng biglang kumulo ang tiyan ko. Tila ba'y nagrereklamo na ang mga bulate sa loob. Napabuntong-hininga na lang ako. Aist! Bahala na mamaya. Iinom na lang ako ng gatas.

Agad na akong lumabas ng kwarto. Mula sa kinatatayuan ko ay dinig na dinig ko na ang mga malalakas nilang halakhakan. Ano na naman bang nangyayari sa mga 'yon? Makatawa, wagas. Parang wala ng bukas. Ang sakit sa tainga. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung bababa pa ba ako o hindi na.

Sa huli ay mas nanaig ang kumukulo kong tiyan kaya napabuntong-hininga na lang ulit ako bago tuluyang makababa.

Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko si Gian na nakatayo at nag-dra-drama na naman with matching posing pa. Kaya naman pala. Natural na tatawa talaga ang mga ito kapag si Gian na ang bumirit. Maliban lang kay Brent. Tahimik lang itong napapangiti sa tabi ni Rose. Kompleto na rin sila maliban kay Reese. Saan na naman kaya nagpunta ang isang iyon?

"Oh, kuya, nandito ka na pala. Halika na dali, upo ka na sa pwesto mo."

Hindi na lang ako umimik at naglakad na sa pwesto ko sa tabi ni Rayne. Katapat ko ngayon si Agatha. Hindi ko inaasahan, pero bigla na lang akong napangiti pagkakita sa kaniya. Saglit lang naman. Buti na lang at walang nakakita kundi abot-abot na naman ang pang-aasar nila sa 'kin. Busy ang lahat sa pagtawa.

"Kuya hindi ka na namin ginising kanina dahil mukhang napasarap ang tulog mo. Baka kasi mag-ala Rambo ka kung ginising ka namin." Napatango na lang ako bilang sagot. Wala akong balak magsalita ngayon. Nakakatamad.

Sadandok na sana ako ng kanin ng biglang may lumabas na puting usok mula sa kung saan. Hindi na rin ako nag-abalang tumingin dito dahil kilalang-kilala ko naman kung kanino iyon. Mayamaya lang ay may lalabas diyang baliw.

"Good evening ladies and gentlemen! It's me again! The most handsome Head master at your service!"

See? I told you. May payuko-yuko pang nalalaman.

"Good evening din po HM," magalang na bati ni Rayne.

"Bakit po kayo naparito?" ani Vio.

"HM naman! Aatakehin ang gwapo kong puso sa paglabas labas niyo ng biglaan!"
Reklamo naman ni Gian habang nakahawak sa bandang dibdib niya.

Baliw talaga ang isang ito. May gwapo bang puso? Baka maganda mayroon pa. Napatango naman ako bilang saluta sa kaniya.

"Oh, look whose here? It's none other than our lolo. What are you doing here nga pala lolo? You becoming a dinner crasher now?" Nakangising tanong ni Rose.

Nakita kong ngumuso si HM. Ayan na naman ang dalawa. Bangayan na naman ito. Sa aming pito, si Rose lang ang tumatawag sa kaniya ng lolo. Siguro ay dahil si Rose ang pinakauna niyang nakilala.

Kahit anong ibato ni Rose na insulto rito kay HM ay okay lang dito, maliban sa isa.

"Hey! Take that back! I'm not that old! Well, yes literally, but... urgh! Ah basta! I'm still young and fresh looking!"

Young and fresh my ass! Sa pagkakaalam ko'y lagpas na ng isang daang taon ang edad ni HM, pero dahil sa lakas ng taglay nitong kapangyarihan ay nanatili siya sa kaniyang early twenties na hitsura.

Kung titingnan ito ngayon ay para lang siyang kaedaran namin. Idagdag pa na may pagka-isip bata ito. Pero kung anong kinaisip bata niya ay siya namang ikina-dimonyo niya kapag sa oras na ng training namin. Wala itong sinasanto. Buwis buhay ang lahat ng pinapagawa niya sa amin. Pero kahit ganoon ay malaki pa rin ang pasasalamat namin sa rito. Kung hindi dahil sa kaniya ay paniguradong wala kami ngayon dito.

Tiningnan ko siyang mabuti. Kahit papaano ay may katotohanan ang sinabi niya. Maputi ito. Matangos ang ilong. Matangkad. Blond ang kulay ng buhok at mga matang kulay bughaw. Walang bakas ng katandaan. In short, habulin ito ng mga babae. Sikat na sikat nga ito sa mga estudiyanteng babae rito sa Campus. Pero ewan ko lang kapag nalaman nila ang tunay nitong pagkatao. Pwede na nga siyang mag-aply bilang lolo sa talampakan namin.

"Yeah, whatever. What brings you here anyways? Akala namin nasa abroad ka pa?" Rinig kong tanong ulit ni Rose kaya napatigil ako sa pagsubo at napatingin sa kaniya.

"Wahh! Ang bad niyo talaga! Hindi niyo ba ako na-miss?"

"Nope," sabay sabay naming sabi na mas lalong nagpahagulgol sa kaniya. Palpak naman sa akting dahil walang luha.

"The last time you called, sabi mo nasa Malaysia ka for an important event. What happen?" seryosong tanong ni Brent. Nakita kong magsasalita pa sana siya, pero naunahan ko na.

"Cut the crap, Head master, and tell us what you want."

Nakita naming napabuntong-hininga muna ito bago umayos. Sumeryoso na rin ang mukha niya.

"I'll tell you, but first, whose this gorgeous goddess with you?"

Crap! Inaasahan ko pa naman na hindi na niya mapapansin si Agatha.

"Oh, she's—"

"Our dearest cousin, though medyo malayo nga lang." Pagpuputol ko sa sasabihin sana ni Rose. Napasulyap ako sa kan'ya at pinandilatan. Napaismid naman ito saka umirap. Mabuti na lang at nakuha niya ang gusto kong iparating.

"Really? You have a cousin? My! She's drop dead gorgeous! Pwedeng mahingi number niya?"

"No way!/Never!" Sabay naming sigaw ni Rayne na napatayo pa.

Biglang binalot ng katahimikan ang paligid. Sa sobrang katahimikan ay rinig na rinig ko na ang paglakad ng mga butiki sa kisame.

"And why not? I mean, dalaga siya at binata naman ako kaya bakit hindi..."

"As if!" sabay ulit kami. Walang duda, kapatid ko nga ito.

"And why is that?" Nakangising tanong ni HM. Alam kong joke lang niya iyon, pero hindi ko mapigilang mainis. Ewan ko kung bakit.

"Because you could even pass as her great-great-great-great grandfather! Ah! Ba't ba ako nag-iingles? Pwede bang tagalog na lang? Dinudugo na utak ko sa ka-i-ingles mo." Reklamo ni Rayne bago bumalik sa pagkakaupo.

"So, what brings you here? It is so unlike you." Ano nga bang ginagawa ng matandang ito rito? Dati-rati, pinapatawag lang kami sa opisina niya, pero ngayon, nandito na.

"Huwag kayong atat. Sasabihin ko, pero kailangang nandito rin si Reese para malaman niya. Puwede bang pakitawagan niyo siya rito? Importante ang sasabihin ko sa inyo."

Sa wakas! He's finally switched on to his other self. Mas gusto ko itong side niyang ito kaysa sa isa. Nakalimutan ko bang sabihin na para siyang may split personality. Mala-anghel ang isa habang demonyo naman ang isa kaya kapag ganitong HM na ang kaharap namin, dapat seryoso na rin kami.

"I'll go find him," presenta ni Gian. Akmang tatayo na sana aiya nang biglang may magsalita.

"No need. I'm here."

Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. Si Reese lang pala. Nakasandal ito sa dingding at naka-cross arm pa. Kanina pa kaya ito rito? Ni hindi ko naramdaman ang presensiya niya.

"Good, now that you're here, I'll tell you why I'm here." Humugot na muna ito ng malalim na buntong-hininga kaya napataas ang kilay ko.

Kilalang-kilala ko itong HM. Kapag ganiyan iyan, paniguradong tungkol sa misyon ang sasabihin niya. Isang mapanganib na misyon. Pero ba't napaaga yata? Halos kakapanimula pa lang ng klase, may misyon na agad? Anong nangyayari?

"I'm here to give you your next mission."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro