Chapter 13
REESE POV
Kanina pa kami palakad-lakad ni Zhy pero ni anino ng babae ay wala naman kaming nakikita. Ayon kay Zhy ay hinagilap na raw nila siya sa buong campus pero wala pa rin. Dito na lang daw ang hindi pa nila napupuntahan. Pero impossible. Impossibleng mapadpad siya sa lugar na ito. Sa aura pa lang na bumabalot dito ay paniguradong matatakot na ang sinuman na pasukin ito. Maliban na lang kung matapang ka talaga.
Napatingin ako kay Zhy. Sa kinikilos nito ngayon ay halatang desidido talaga itong mahanap ang babaeng iyon. Kaya hindi ko masabi sa kaniya na impossibleng nandito ang hinahanap niya dahil ayaw kong panghinaan siya ng loob. Alam kong alam nito na wala rito ang babae, pero mukhang kumakapit pa rin siya sa kaunting possibilidad na nandito nga ang hinahanap niya.
Naikwento na rin niya sa 'kin ang tungkol sa babae. Hindi ko nga alam kung anong mararamdaman ko pero isa lang ang masasabi ko.
Natamaan na talaga siguro ito sa babaeng iyon. Hindi ko pa ito nakikita, pero base sa reaksiyon ni Zhy kanina ay alam kong matindi na ang tama nito. Napapangiti ba naman ito ng mag-isa.
Marami nang babae ang dumaan sa buhay namin, pero sa tanang buhay ko ay hindi ko pa ito nakitang naging ganito para lang sa isang babae. Mukha siyang ewan ngayon. Hindi rin siya mapakali. Idagdag pa na napaparanoid na siya. Saglit ko lang binasa ang isip niya pero agad ko ring hininto. Kung ano-ano kasing masasamang imahe ang nakikita ko.
Sino ka ba talaga? Agatha Vessalius D' Valliere.
Ngayon lang ako nakarinig ng pangalang ganiyan. Kakaiba ito sa lahat ng pangalang narinig ko. Parang sobrang luma na nito pero pang dugong bughaw naman ang dating.
"Mukhang natamaan ka na sa babaeng
'yon ah," panimula ko. Imbes na sumagot ay sumimangot lang ito.
"Parang kapatid na rin ang turing ko sa kan'ya. Saka isa pa, alam mo namang matagal ko nang gustong magkaroon ng kapatid na babae kaya pagkakataon ko na ito."
Umikot ang mga mata ko sa narinig. Kapatid daw? Hindi ako naniniwala.
"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ang totoo sa 'kin? Wala namang makakaalam na iba." Natawa na lang ako ng sinamaan niya ako ng tingin.
"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo. Saka isa pa, ilang araw ko pa lang s'yang nakikilala, gan'yan na agad ang iniisip mo? Common sense naman Reese."
Ako naman ang napasimangot sa narinig. This guy really know how to push my button.
"Alam mo kasi, sa pagmamahal, hindi batayan kung gaano katagal mong nakilala ang isang tao. Kapag naramdaman mo ito, hindi na mahalaga kung kanina o kahapon mo lang siya nakilala. Ang importante, yang nararamdaman mo, sige ka, baka maunahan ka pa niyan." Nakangisi kong sabi sa kanya. Bigla namang lumukot ang noo niya.
"What?"
"Whoa! Ang lakas ng hugot natin ngayon ah! Anong atin?" Natatawa niyang sabi. Naningkit ang mga mata ko saka sumeryoso ng mukha.
"Hindi ako nanghuhugot. I'm just stating the fact," seryoso kong sabi na nagpatigil sa pagtawa niya.
"Okay! Chill! Hindi ka na mabiro! Ngayon nga lang ulit tayo nagkita matapos ng bakasyon tapos ang seryoso mo pa rin. Bakit kasi hindi ka na lang bumalik sa dati? Alam ko na alam mo na miss na miss ka na rin nila." Napaisip akong bigla sa sinabi niya.
Hindi naman talaga ako ganito dati. Katunayan nga, ako ang pinakamasayahin at pinakamadaldal sa grupo ngunit nagbago ang lahat ng iniwan ako ng nag-iisang babaeng minahal ko. Sa kaniya ko lang naramdaman ang salitang pagmamahal, pero sinaktan niya lang ako.
Napakasakit isipin na ibinasura na lang niya ng basta-basta ang tatlong taon naming pagsasama nang dahil lang sa punyetang lalaki na iyon. Ang mas masaklap pa, iniwan niya ako sa mismong ikatlong anibersaryo namin. Sobrang nasaktan ako to the point na gusto ko na lang magpakamatay. Ilang buwan din akong nagmukmok sa kwarto ko.
Doon na ako unti-unting nagbago. Naging malamig na ang pakikitungo ko sa ibang tao pati na rin sa mga kaibigan ko. Hindi na rin ako masyadong sumasabay sa kanila dahil gusto ko palagi ang nag-iisa. Simula noon ay sa mga misyon at training na lang umikot ang buong buhay ko. Wala na akong pakialam sa lahat ng bagay, basta ang imprtante ay ang dalawang iyon. Walang awa kong pinapatay ang lahat ng mga humahadlang sa 'kin, mapa-babae man o lalaki. From then on, I became what I am now. A savage killer.
Naalala ko pa noon na maraming beses nila akong sinubukang kausapin para bumalik sa kanila, pero hindi ko sila pinapansin. Para na lang silang mga hangin sa na umaaligid sa 'kin. Saka isa pa, alam kong huli na ang lahat. Para saan pa kung bumalik ako sa dati? Wala na siya sa buhay ko. Alam kong kahit kailan ay hinding-hindi na siya babalik pa sa 'kin. Masaya na ito sa bago niya habang ako'y nagdurusa pa rin.
Sa huli ay tumigil na rin sila sa pangpepeste sa 'kin. Naramdaman siguro nila na wala na akong pag-asang bumalik pa. Simula noon ay hinayaan na lang nila ako, maliban kay Zhy. He never gave up on me. Kinakausap pa rin niya ako kahit na laging dedma ang inaabot niya. Lumipas ang isang taon at akala ko'y susuko na rin ito, pero hindi pala. Mas lalo lang itong nagpursigi na maibalik ako sa dating ako.
Hindi nagtagal ay nararamdaman kong unti-unti na ring natutunaw ang bato kong puso, pero si Zhy lang ang nakakakita. Siya lang ang nakakausap ko ng matino, hanggang ngayon.
"Luha mo tulo na," rinig kong sabi ni Zhy. Automatiko naman akong napahawak sa pisngi ko at naramdamang basa na pala.
Lintik na luha ito! Traydor! Pinunasan ko na lang ito saka tumalikod. Lalayasan ko na sana ang kumag na ito nang magsalita ulit siya.
"Teka lang Ra—"
Hindi na nito naituloy ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang kaniyang telepono. Napahinto na rin ako.
"What is it?"
"Talaga? Hintayin niyo kami diyan! Papunta na kami!"
Agad na niyang in-off ang cp niya bago tumingin sa 'kin. Nangunot naman ang noo ko ng makita ang hitsura niya. Hindi kasi ito maipinta kaya't hindi ko matukoy kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.
"They finally found her." Ngumiti ito ng maluwang. Para itong nabunutan ng tinik.
"Tara na. Sumama ka na sa 'kin pabalik ng HQ. Ipapakilala na rin kita sa kan'ya."
Napatango na lang ako. Bigla kasing napalitan ng curiosidad ang inis na namumuo sa aking dibdib para kay Zhy. Kung ano ba ang hitsura ng babaeng naging dahilan ng pagkakaganito ng isang Zhyrix Von Smith. Kung nakapasa siya kay Zhy, ibig sabihin nito ay nasa sa kan'ya na ang lahat ng mga katangiang gusto nito sa isang babae. Saka isa pa, gusto ko na ring mahiga. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng pagod.
"Let's go." Malamig kong sabi bago nagpatiunang maglakad. Nasa isip ko pa rin ang babaeng iyon.
Maganda rin kaya siya katulad ni Jessa?
Napamulagat ako sa naisip. Bakit ba bigla-bigla na lang sumisingit sa utak ko ang babaeng iyon? Lintik na buhay naman oh!
Mas binilisan ko pa ang paglalakad, pero ramdam kong nasa likuran ko lang si Zhy.
Wala pang sampung minuto ay nakarating na rin kami sa HQ. Papasok na sana kami ng marinig ang malakas na boses ni Gian. Wala na bang makakapagpatigil sa bunganga nito? Dinaig pa ang mga babae sa kadaldalan.
Napabungtong-hininga na lang ako bago pihitin ang seradura. Habang binubuksan ko ang pinto ay siya namang nagbibigay ng ingay na maririnig lang sa mga horror movies.
Pati ba naman ang pintong ito, dumadagdag na rin sa sakit ng ulo ko! Potek! Kailangan na itong mapalitan.
"Don't tell me na nakalimutan mo na ilang beses mo 'yang binalibag kaya 'yan nagkaganyan?" Napahinto ako sa narinig. Nabasa ba niya ang nasa isip ko?
Hindi ko na iyon binigyan ng importansiya dahil unti-unting nagsink in sa utak ko ang sinabi niya. Shit! Oo nga pala. Palagi ko nga pa lang binabalibag ito kaya nagkaganito.
"Oh, hey guys! Nandito na pala kayo." Bungad agad sa amin ni Rose habang kumakaway kaya naglakad na rin kami palapit sa kanila.
Agad kong nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng sala, pero hindi ko naman makita-kita iyong babaeng kumuha ng attensiyon ni Zhy. Akala ko pa naman nandito.
"Nasaan na sila?"
"Ah, marumi kasi ang damit ni Agatha kaya sinamahan na muna siya ni Rayne para magpalit."
Nangunot ang noo ko sa narinig.
"What do you mean?" tanong ko na may pagtataka.
Magpapalit lang kailangan pa ng kasama? Saka isa pa, magpapalit ang babaeng iyon na nasa loob ng kwarto niya si Rayne? At ayos lang sa mga ito? Now what the fuck is going on here?
"Ah, oo. Sabi ni Rayne siya na raw ang bahala sa kan'ya." Magsasalita pa sana ako ng maunahan ako ni Zhy.
"Saan niyo pala siya nahanap?"
"Hindi, hindi. Nandito na siya pagkarating namin dito. Nakaupo siya d'yan sa sofa habang nanonood ng Woody Woodpecker Show. Nung tanungin namin kung sa'n siya galing, hindi naman niya kami pinansin kaya hinayaan na lang namin na si Rayne ang kumausap sa kan'ya."
Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na sa kusina. Bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. Idagdag pa na may naaamoy akong masarap galing dito. Nagluto siguro si Vio.
Hindi ko mapigilang ngumiti nang mabuksan ang ref. Kompleto ito, mula sa mga inumin, chocolates at kung ano-ano pa, pero ang kumuha ng attensiyon ko ay iyong nakalagay sa gitna nito na container. Mabilis ko itong binuksan at nanlaki ang mga mata sa nakita. Dinig na dinig ko rin ang pag-re-reklamo ng tiyan ko kaya't hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para ihain ito.
Mabuti na lang at may tira pa silang kanin. Malilintikan sila sa 'kin kapag wala silang itinira. Pagkahain ko ay agad ko na itong nilantakan. Ang swerte ni Gian, ang sarap talaga magluto ni Vio. Tamang-tama ang timpla niya rito sa Tocino. Paborito ko kasi ito.
Inabot ako ng ilang minuto sa pagkain. Hindi naman ako nagmamadali dahil ninanamnam ko pa ang pagkain ko. Rinig na rinig ko mula rito ang mga boses nila, pero hindi ko na lang ito pinansin. Para kasing pinagkakaguluhan nila iyong Agatha kuno na iyon.
Nang matapos akong kumain ay agad ko nang niligpit ang pinagkainan ko. Mahirap na, baka mabungangaan pa ako nina Vio at Zhy. Hindi naman sa takot ako, sadyang ayaw na ayaw lang talaga nila na makitang magulo ang bahay, lalong-lalo na ang kusina kaya ko ito nililinisan. Kahit naman ganito ako ay may respeto pa rin naman ako sa kanila. Hindi ko man magawang maamin sa kanila ay naging parte na rin naman sila ng buhay ko kaya't nirerespeto ko pa rin sila.
Nang matapos ako ay agad ko nang sinalpak sa tainga ko ang earphone. Baka mabingi pa ako sa lakas ng mga boses nila. Nagpindot na ako ng kanta pero sa kamalasan ay iyong theme song pa namin ang lumabas.
Fuck! Bakit ikaw pa? Papalitan ko na sana ang tugtog nang makitang tatlong kanta lang ang nakarehistro rito. Ngayon ko lang naalala na dinelete ko na nga pala ang lahat ng nandito maliban sa tatlong ito. Napahilamos ako ng mukha. Kung minamalas ka nga naman oh.
Hindi ko maiwasang mapawingi habang binabasa ang title ng mga ito. Hoo! Saklap! Puro pang broken! Fuck it! Kailangan ko nang magdownload ng mga bago.
Nagdalawang-isip ako ngayon kung i-iple-play ko o hindi. Ah! Bahala na! Mas gugustuhin ko pang pakinggan ang mga ito kaysa sa mga bunganga nila. Saka isa pa, hindi naman na siguro ako maaapektuhan sa mga kantang ito. Ah bahala na talaga!
Hindi na ako nag-dalawang isip pa at agad na pinindot ang play button. Akmang lalabas na sana ako ng kusina ng bigla akong mapatigil.
Nagsimula na kasi ang kanta.
I can see you walking out, I'm not try'na believe it. There's no way that this could be for real, I'm dreaming.
I can see the water in your eyes, you don't have to do this. There has got to be a better way, I know it.
Napahawak ako sa dibdib. Lumalakas ang pintig ng puso ko. Bakit ganito? Anong nangyayari? Bakit mukha niya ang unang rumerehistro sa utak ko?
Unang linya pa lang, tagos na tagos na sa puso ang bawat letrang naririnig ko. Gusto kong i-off ang musika pero hindi ko magawa. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ni mga daliri ko ay hindi ko magawang igalaw.
Wala pang ilang segundo ay bigla na lang akong binaha ng mga alaala namin. Mga masasaya at malulungkot na eksena. Lahat. Nagmistula itong sinehan sa utak ko at ako ang nanonood.
Back up the day now.
What did I do to get us to, this point.
Me losing you in this moment.
I feel it, deep in my chest, I can't breath.
Napangiti ako ng mapait. Unti-unting bumabalik lahat ng sakit. Akala ko'y nakakamove-on na ako, hindi pa pala! Apat na taon na ang nakalipas, pero pakiramdam ko'y parang kahapon lang nangyari. Sariwang-sariwa pa rin ang matinding sugat na naiwan aking dibdib. Sugat na pilit kong hinihilom.
I can't let go, broken yet holding on
to you, to us.
This love is too strong for me to let go,
Broken yet holding on.
Biglang sumikip ang dibdib ko. Nahihirapan na rin akong huminga. Pakiramdam ko'y para akong pinapatay ng paulit-ulit. Parang sinasaksak ng ilang milyong beses ang puso ko. Gusto kong sumigaw, magwala. Ilabas ang lahat ng sama ng loob na matagal ko nang kinikimkim. Pero tila nalunok ko ang dila. Hindi ako makapagsalita. Ayaw ko na ng ganito. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga. Hindi ko na kayang maranasang muli ang naramdaman ko noon. Ayaw ko na. Tama na.
Afraid everything is over now.
The rain clouds is passing, Still I'm tryna wonder how I lost you.
Are you really over me? You said so, don't believe it. You were, where I wanna be, I love you.
Minahal kita ng sobra. Sa iyo umikot ang buong mundo ko. Handa kong itaya ang buhay ko para sa iyo. Aaminin ko na hindi ako naging perpektong nobyo, pero minahal kita ng buong-buo. Pero bakit mo iyon nagawa sa 'kin? Hindi pa ba ako sapat para sa iyo? Jessa! Tangina! Bakit hanggang ngayon mahal pa rin kita?
Back up the day now
What did I do to get us to, this point
Me losing you in this moment
I feel it, deep in my chest
I can't breath.
Kung puwede ko lang ibalik ang oras, handa kong ibaba ang pride ko huwag ka lang mawala sa 'kin, pero nangyari na ang nangyari. Wala na akong magagawa.
I can't let go, broken yet holding on.
To you, to us. This love is too strong for me to let go. Broken yet holding on.
Miss na miss na kita. Walang araw na nagdaan na hindi kita naaalala. Ang mga yakap mo. Ang matamis mong ngiti na nagtatanggal ng pagod ko sa maghapon. Miss na miss na kita Jessa! Tangina!
We said, we'll never give up.
In hard times, when we hit bottom, we'll try to find the broken pieces of love. (pieces of love) ooh oohh.
Nasaan na ang mga pangako natin sa isa't-isa? Bakit ang dali mo yatang makalimot? Sinayang mo ang tatlong taon nating pagsasama para lang sa isang buwan ninyong pagkikilala?
I can't let go, broken yet holding on
To you, to us.
This love is too strong for me to let go,
Broken yet holding on.
Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na babalik ka. Pinaniwala ko ang sarili ko na kaya kitang kalimutan, pero hindi ko pala kaya. Sa nakalipas na apat na taon, hindi pa rin pala kita kayang kalimutan. Ikaw pa rin ang laman ng puso't isip ko. Baliw na kung baliw, pero masisisi mo ba ako? Gano'n na nga siguro katindi ang pagmamahal ko para sa iyo.
Holding on–
I missed all of those memories that we shared. I'm sorry I wasn't there for you when you had problems, but the truth was that, I really was there. I waited everyday hoping that you'd talk to me instead of me always talking to you. I guessed you really did move on. I just wanted you to know that I will always cherish all of the times we spent together.
I'm sorry.
I love you.
"Fra..."
"FRA!
"REESE!"
Natauhan lang ako sa malakas na sigaw ni Gian na nakatutok malapit sa tainga ko. Tinanggal niya pala ang isa kong earphone saka sumigaw.
"What?" Fuck this! May balak ba siyang bingihin ako?
"What do you want?" Iritado kong tanong kay Gian habang tuluyang tinatanggal ang earphone ko. Napahawak na rin ako sa tainga.
"Tulala ka na naman. Akala ko kung ano nang nangyari sa 'yo. Kanina pa kasi kita tinatawag..." napahinto muna ito saglit bago lumapit sa 'kin at may binulong, "you're tears are falling. Naalala mo na naman ba siya?" Nabigla ako sa sinabi niya.
Automatiko akong napahawak sa pisngi. Fuck it! Bakit hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga lintik kong luha? Dalawang beses nang nangyayari ito sa araw na ito! Fuck this life! Fuck it! Mabilis kong inayos ang sarili ko saka napatingin sa kaniya na parang naghihintay ng sagot.
"Get out of my sight!" Akmang magsasalita pa sana siya pero naunahan ko na.
"Now!" Agad naman itong sumunod. Siguro naramdaman niya na seryoso ako.
Wala ako sa mood ngayon. Baka mapatay ko pa ito kung umangal pa siya. Mabuti na lang at alam nila kung paano ako magalit.
Hindi ko na siya pinansin at nagdiretso na sa hagdanan. Balak kong magkulong ngayon sa kwarto. Gusto ko sanang lumabas, pero mas nanaig ang kagustuhan kong mahiga sa kama. Nakakaisang hakbang pa lang ako ay narinig ko naman ang pagtawag sa 'kin ni Zhyrix kaya napahinto ako saglit.
"Where are you going Reese?"
"My room." Tipid kong sagot at akmang hahakbang na sana ulit nang magsalita ulit siya.
"Halika muna rito at ipapakilala kita kay..."
"No need," pagpuputol ko sa sasabihin niya sana. Dito naman siya nag-aaral kaya paniguradong makikita ko siya palagi.
"But..."
"Not now, Zhy." Pagkasabi ko nito ay dumiretso na ako sa pag-akyat sa hagdan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro