Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12


RAYNE POV

Agatha! Nasaan ka na ba? Nalingat lang ako saglit, bigla ka na lang nawala! Urgh! Lagot ako kay Kuya nito. Paniguradong walang katapusang sermon ang aabutin ko sa kan'ya kung nagkataon! May bonus pang batok.

Kanina ko pa siya hinahanap pero parang impossible eh. Nalibot ko na yata ang halos kalahati nitong Academy, pero wala pa rin. Wala naman talaga akong balak na ipaalam sa iba dahil paniguradong makakarating iyon kay kuya, pero wala na akong ibang pagpipilian. Mas lalo lang magagalit si kuya kung hindi ko agad ipinaalam sa kanila na nawawala si Agatha. Ano ba naman ito oh! Trouble agad! Kung hindi ba naman kasi sobrang laki ng paaralang ito ay madali ko lang sana siyang mahahanap, pero hindi eh!

Kakalabas ko lang ngayon sa isang abandonadong building dito sa may malapit sa HQ namin ng biglang mag-ring ang telepono ko. Sino ba itong buwisit na ito?

Hindi ko na sana papansinin ang text pero nakita ko ang pangalan ni Gian sa harapan. Ano bang gusto nito?

[From Gian;

Fra, asn k fra?]

Rereplayan ko ba? Aist! Bahala na!

[To Gian;

Dito sa abandoned building na malapit sa HQ. Bakit?]

Aalis na sana ako ng mag-ring ulit ang cp ko. Ang bilis naman nitong magreply. Kung sabagay, tatagurian ba siyang typing Prince kung hindi siya mabilis magreply?

[From Gian;

Dmrtso k n x HQ fra. Ppnta n dn kmi do'n.]

Nangunot ang noo ko sa nabasa. Anong gagawin namin sa HQ? Magrereplay na sana ulit ako ng maunahan na naman ako kaya dali-dali ko na itong binuksan.

[From Gian;

Mgkta kta dw tau dun sb kuya m. Mkhng bd3p sau eh. Dmy p kme. Cge fra, kta kts n lng dun.]

Bigla na lang nanlambot ang mga tuhod ko sa nabasa. Lagot kang bata ka! Nakaramdam din ako ng kakaibang lamig na tumagos sa batok ko pababa sa likod ko na mas lalong nagpadagundong ng aking dibdib. Sa totoo lang ay wala naman akong kinakakatakutan, pero pagdating kay kuya, ibang usapan na iyon.

Napatingin ako sa langit habang hawak-hawak ang dibdib. Nagwawala ito sa matinding kaba. Kulang na lang siguro ay lumabas na ito. Bahala na. Nawa'y bigyan niyo po sana ako ng tapang para harapin si kuya! At sana'y mahanap na namin siya.


REESE POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kanina at bigla ko na lang nakita ang sarili ko na naglalakad na papasok sa gubat na ito.

Nasa tamang pag-iisip pa naman ako pero hindi ko makontrol ang katawan ko. Parang may sarili itong utak. Nagmistula ako ngayong human puppet.

Sa totoo lang ay matagal ko nang gustong pasukin ang lugar na ito, pero hindi ko magawa-gawa. Masyadong okupado ang schedule namin.

Sa totoo lang ay ngayon lang kami nagkaroon ng oras para sa sarili namin dahil kakasimula pa lang ng klase. Maliban sa ilang oras na pagsasanay ay wala pa naman kaming natatanggap na mga bagong misyon. Ang sabi ni HM ay baka sa mga susunod pa raw na linggo darating ang mga listahan ng misyon namin kaya i-enjoy na lang daw muna namin ang pagkakataong ito para sa sarili namin.

Hindi kasi kami pare-parehas ng misyon na natatanggap. Noong una ay magkakasama pa kami, pero hindi naglaon ay sinanay na kami para sa solong mga misyon. Hindi sana kami papayag sa gusto niyang mangyari, pero may mga binitawan siyang salita na tumatak sa isipan namin.

"Dapat ngayon pa lang ay matuto na kayong tumayo sa sarili ninyong mga paa. Hindi na kayo mga bata na kailangan pang dumepende sa iba. Isipin niyo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nariyan ang mga kaibigan ninyo para tulungan kayo. Tandaan ninyo na kaligtasan ninyo ang nakataya rito. Lahat ng ito ay ginagawa ko para sa inyo, para maging handa kayo sa lahat ng pagsubok na darating sa inyong buhay, lalong lalo sa oras ng kaniyang pagbabalik. Huwag kayong mag-alala, maiintindihan niyo rin ako balang araw."

May pagkamisteryoso ang pagkakasabi niya, lalo na ang huli, pero hindi na namin iyon pinansin. Simula noon mas naging malupit pa ang mga pagsasanay namin. Mga pagsasanay na buhay na namin ang katumbas.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin para sa 'kin ang mga huling katagang binitawan ni HM. Tinanong ko na siya minsan tungkol doon, pero palaging niyang iniiwasan ang tanong. Alam kong may alam siya tungkol sa amin, kung bakit kami naiiba sa mga normal na tao, kung saan nagmula ang mga kapangyarihan namin at marami pang iba. Iyon nga lang ay hindi ko siya magawa-gawang paaminin tungkol dito. Masyado siyang mautak at idagdag pa na hindi basta-basta ang kapangyarihang hawak niya. Sa aming pito, kaming dalawa lang ni Zhyrix ang nanghihinala kay HM. Hindi man aminin ni Zhyrix, alam kong marami rin siyang katanungan na gustong maliwanagan.

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang makaramdam ng kirot sa kaliwang binti. May matilos na bagay akong nasagi. Hindi ko naman makita kung ano iyon dahil sa madilim ang paligid. Sa inis ay nasipa ko ito. Narinig ko pa ang pagtalsik nito palayo kaya napangisi ako.

Itutuloy ko na sana ang paglalakad nang maalalang dala-dala ko nga pala ang cellphone ko. Ba't ko ba nakalimutan?

Agad ko nang inilabas ang cellphone ko para kahit papaano ay makita ko ang dinadaanan ko bago ako magpatuloy sa paglalakad.

Nang maliwanagan ng kaunti ay agad kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Sobrang dilim dito. Dinaig pa ang gabi sa kadilimang bumabalot sa lugar na ito. Hindi ko tuloy lubos maisip kung papaano namumuhay ang mga hayop na naninirahan dito. Ang tanong, mayroon pa nga ba?

Nakakailang hakbang na ako ng mapagtanto na nasa bungad na pala ako ng pinakamadilim na parte ng kagubatan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi na rin umiilaw ang selpon ko. Sa pagkakatanda ko ay full battery naman ito kaya impossibleng mag-off na lang ng basta-basta.

Sinubukan ko ulit itong buhayin, pero sadyang wala na talaga. Tila ba may kung anong pwersa ang lugar na ito na nagblo- block sa kahit anong klase ng liwanag. Napabuntong-hininga na lang ako saka binulsa ang selpon ko bago ulit tumingin sa kabuuan ng kagubatan. Pilit na sinasanay ang mga mata sa kadiliman. Gusto ko na sanang bumalik, pero kung iisipin ay nandito na rin lang naman ako kaya bakit ko papalagpasin ang pagkakataong ito? Idagdag pa na parang may kung anong malakas na pwersa ang nang-aakit sa 'kin ngayon.

Isinantabi ko na lang ang namumuong pag-aalinlangan saka napangisi na parang demonyo.

Sa wakas! Malulutas ko na rin ang misteryo sa likod nito!

Habang nakatingin sa walang hanggang kadiliman ay bigla na lamang nagsitayuan ang lahat ng mga buhok ko sa katawan. Bigla ring nahati sa dalawa ang isip ko. May isang parte sa 'kin na nagsasabing huwag na akong tumuloy dahil napakaledikado, pero sa isang parte naman ay halos tumalon na sa excitement na malaman kung ano nga ba talaga ang pinakakatagong lihim ng kadilimang ito.

Matapos ng halos ilang segundong pakikipagtunggali sa sarili ay nanalo pa rin ang curiosidad ko na mas lalong nagpangisi sa 'kin bago ihakbang ang mga paa. Diretso lang ako. Mas mabuti na rin siguro ito kaysa naman sa maligaw pa ako kapag nagpaliko-liko.


Ilang minuto na rin akong palakad-lakad pero pakiramdam ko'y wala na itong katapusan. Ni hindi ko alam kung saang lupalop na ako nakarating. Napakalamig din ng paligid. Lamig na maihahalintulad sa klima ng Antarctica. Nagpapasalamat na lang ako dahil makapal ang suot ko kaya kahit papaano ay hindi tumatagos sa buto ko ang lamig. Maliban sa klima ay napakatahimik din ng paligid. Isang nakakabinging katahimikan na nagbibigay ngayon ng kilabot sa buo kong sistema. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong kilabot. Hindi ko nga alam kung naglalakad pa ba ako o hindi na. Basta't ang alam ko lang ay ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking katawan. Pinipilit ko na lang na kalmahin ang sarili ko. Walang mangyayari kung magpapatalo ako sa nararamdaman.

Matapos ng ilang sandali pa ay bigla na lang akong napahinto nang makarinig ng mga mahihinang kaluskos sa may di kalayuan sa 'kin. Sobrang hina lang nito, pero alam ko ang narinig ko. Hindi ko na sana ito papansinin sa pag-aakalang hayop lang ito pero habang patagal nang patagal ay mas lalong dumarami at lumalakas ang mga yapak. Bigla akong inatake ng malakas na kabog ng dibdib kaya naman ay agad kong hinanda ang sarili. Hindi na maganda ang nararamdaman ko. Parang may iba sa paligid maliban sa 'kin. Alam kong wala akong laban sa kadilimang ito, pero ano man ang mangyari ay hindi ako makakapayag na wala akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko.

Ilang beses akong huminga ng malalim. Pilit na pinapakalma ang sarili.

Di naglaon ay bumalik na rin sa normal ang tibok ng aking dibdib. Agad kong ginala ang paningin habang pinapakiramdamang mabuti ang paligid. Kahit na nahihirapan ay pinilit ko pa ring sanayin ang mga mata ko sa kadiliman sa pagbabakasakaling may maaninag kahit kaunti.

Lumipas pa ang ilang segundo pero wala. Kahit anong pilit ko ay wala talaga.

Rinig kong papalapit na ng papalapit sa 'kin ang mga yabag. Sa bawat yabag na naririnig ko ay siya ring hakbang ko paatras. My action hurts my ego, but my situation gave me no choice.

Ilang saglit pa'y bigla na lang nawala ang mga yabag na naririnig ko. Shit! Hindi maaari 'to!

Mas nakiramdam pa ako ng mabuti. Alam kong nandiyan lang sila sa paligid, nag-aabang.

"If only I have an x-ray vision!" Ilang beses ko na ring sinubukang gamitin ang kapangyarihan ko, pero hindi ko magawa. May kung anong bagay ang pumipigil sa 'kin. Pero ano?

Nakakailang ulit pa ako nang biglang nanlalaki ang mga mata ko. That is when realization hit me like a ton of rocks.

Those thick fogs! The extreme darkness! Oh shit! I'm dead meat! Ngayon ko lang kasi napagtanto ang tunay na dahilan kung bakit mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa lugar na ito. Para itong pelikula na nag-re-rewind sa aking isipan.

Kung tama ang hinala ko, hindi lang basta-basta ang makakapal na hamog na bumabalot sa lugar na ito. It was actually a powerful kind of spell! Kaya walang nakakaalam kung saan nagmula ang makakapal na usok ay dahil hindi naman talaga ito usok kundi isang napakalakas na uri ng mahika! Kaya walang nakakalabas ng buhay ay dahil sa mahikang iyon. Hindi kayang matagalan ng mga normal na tao ang lugar na ito dahil sa mahikang iyon pero para sa mga katulad ko. Mawawalan lang ng saysay ang mga kapangyarihan namin at magiging isang ordinaryong tao na lamang kami.

Fuck! This is not good!

Definitely, not good!

Ang tanga ko! Ba't ba kasi inuna ko ang curiosidad ko? Anong mangyayari sa 'kin ngayon?

Kailangan kong makaalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. Wala akong laban sa lahat ng mga naghihintay sa 'kin sa kadilimang ito.

I was about to walk away when I heard a vicious and loud growl from behind me. Bigla akong pinagpawisan ng malapot sa narinig bago napalingon pero bumungad lang sa 'kin ang walang hanggang kadiliman. Pinakiramdaman ko itong mabuti. Hindi ko alam kung nasa harapan ko ba ito o nasa bandang kaliwa o kaya naman ay sa kanan. Basta ang alam ko lang, papalapit ito ng papalapit sa 'kin.

"Is this how I'm going to die? Pathetic!"

Hinanda ko ang sarili ko sa ano mang atake. Dahan-dahan na rin akong naglalakad papaatras. I'm not a coward, but given my situation, I have no choice, but to forfait. Alam kong wala akong laban kaya't inuuna ko ngayon ang kaligtasan ko kaysa sa pride ko.

Mayamaya pa'y nakarinig ako ng malalakas na tunog. Hindi ko mawari kung anong hayop yun. Basta ang alam ko'y nasa harapan ko na ang mga ito.

Bago pa man ako maka-react ay naramdaman ko na lang ang sarili ko na tumama sa isang matigas na bagay. Dinig na dinig ko pa ang paglagutok ng mga buto ko sa likod kaya't napaubo ako ng malakas na may kasama pang mainit at malapot na bagay. Kung hindi ako nagkakamali, dugo ang malapot na iyon.

Hindi pa man ako nakakarecover ay naramdaman ko na naman ang isang matulis na bagay na bumaon sa bandang dibdib ko. Hindi lang isa kundi tatlong beses.

Napaubo ulit ako. Shit! Pain is real! Ramdam na ramdam ko ang tatlong beses na pagbaon ng matulis na bagay na iyon sa mismong puso ko! Nadali pa ang ilan sa mga ugat sa gilid. Katapusan ko na ba?

If only I had my powers! Ngayon ay alam ko na ang ibig sabihin ng mga salitang useless at powerless. Nahihirapan na rin akong huminga. Lasog-lasog na ang lahat ng mga buto ko sa katawan. Idagdag pa na parang pinag-iiwanan na ako ng kaluluwa ko. Alam kong pinagpyepyestahan na rin ang katawan ko dahil ramdam ko ang pagpilas nila sa mga laman ko. Gusto kong lumaban pero ramdam kong wala na akong magawa dahil ni hindi ko na maigalaw kahit daliri ko sa paa. Pumipikit na rin ng kusa ang mga mata ko.

Napangiti na lang ako ng mapait habang parang pelikula na bumabalik sa 'kin ang lahat ng mga masasaya at malulungkot na ala-ala kasama ang mga kaibigan ko.

Ganito ba talaga kapag malapit ka ng mamatay? Magiging isang mahabang pelikula na lang sa isipan mo ang lahat ng mga kaganapan sa buhay mo?

Simula noong bata kami, itinanim na sa mga utak namin na masyadong mapanganib ang mundong ginagalawan namin dahil sa buhay namin ang nakataya. Napakarami na naming napag-daanan, pero ni minsan ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Ang buong akala ko'y handa na ako sa lahat ng mga p'wedeng mangyari. Na handa na akong mamatay dahil doon din lang naman ang patutunguhan namin.

Hindi pala. Nagkamali ako. Ngayon ko lang napagtanto na napakarami ko pa palang gustong gawin.

Ngayon ko lang din narealize kung gaano kahalaga ang buhay. Ang nakakalungkot nga lang, kung kailan ko pa narealize, huli na ang lahat. Nasa bingit na ako ng kamatayan. Alam kong ilang segundo na lang ang itatagal ko sa mundong ibabaw.

Napangiti ako ng mas mapait, pero bago pa ako takasan ng huling hininga ay may narinig akong napakalamig, pero napakagandang boses. Boses ito ng isang babae. Kahit nanghihina ay rinig na rinig ko rin ang malalakas na pagbagsak ng kung anumang mga halimaw sa paanan ko. Kung sinuman siya ay alam kong tinulungan niya ako, pero alam kong huli na para sa 'kin.

"Salamat." Nakangiti kong sabi bago tuluyang kainin ng kadiliman.




Nagising na lang ako sa malakas na sampal na tumama sa kaliwang pisngi ko.

Fuck it! Sino ba ang gunggong na may lakas loob na sampalin ako? Lintik! Bigla-bigla ba namang mananampal! Babangon na sana ako ng bigla akong nakaramdam ng matinding kirot.

"Urgh!" Automatiko akong napahawak sa ulo. Para kasi itong binibiyak sa sobrang sakit.

Ilang segundo rin ang lumipas bago ito humupa. Dahan-dahan akong napamulat ng mata pero agad din akong nag-iwas nang tumama sa mukha ko ang liwanag na nagmumula sa flashlight ng selpon. Agad naman niya itong iniwas kaya napatingin ulit ako rito.

"Zhyrix?" tanong ko. Ang mukha niya kasi ang una kong nasilayan.

Pero anong nangyari? Bakit parang binibiyak sa sakit ang ulo ko? Magsasalita pa sana ako pero naunahan na ako ni Zhy.

"Why the fuck are here, Montreal?" seryoso niyang tanong. Imbes na sumagot ay napatingin lang ako sa kaniya.

Doon ko lang din nawawaan ang sitwasyon ko. Bakit wala akong maalala? Nawalan na ba ako ng memorya? Impossible.

"Anong nangyari?" Nakita kong napanganga pa siya sa sagot ko.

Ano nga ba talaga ang nangyari?

Napatulala na lang ako habang parang pilit na kinakalkal ang utak ko sa kung ano ang mga nangyare sa 'kin pero lumipas na ata ang ilang minuto ay wala pa rin. Puro sakit lang ng ulo ang binibigay sa 'kin sa tuwing pipilitin kong alalahanin. Napasabunot na lang ako ng buhok.

"Paano ako napunta rito at bakit wala akong maalala sa mga nangyari?"

Bakit wala akong maalala? At kung bakit ako nandito sa lugar na ito? Ano ba talagang nangyayare sa 'kin? Nababaliw na rin ba ako?

Hoo! Kalma lang Reese, kalma ka lang! Walang mangyayari kung papairalin mo ang emosyon mo kaya kalmahin mo lang muna ang sarili mo at siguradong maaalala mo rin, sabi ko na lang sa isip ko.

Humugot na muna ako ng malalalim na buntong-hininga. Ramdam na ramdam ko kasi ang panginginig na katawan ko pati na rin ang mabilis na tibok ng dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Sinasabi ko na nga ba at isinumpa nga talaga ang lugar na ito.

Bakit ba kasi wala akong maalala?

Sinigurado ko munang kalmado na ako bago ulit napatingin kay Zhyrix na ngayo'y may bahid pa rin ng pag-aalala ang mukha.

Pilit man niya itong itago sa blanko niyang tingin ay alam kong nag-aalala ito para sa 'kin.

Napabuntong-hininga na lang ulit ako bago tumayo at tumingin ulit sa kanya.

"Walang ibang makakaalam ng tungkol sa nangyari ngayon, maliwanag?" utos ko rito. Tumango naman siya kaya kahit papaano ay napanatag na rin ang loob ko.

"Kung gano'n ay tara na." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagpatiuna na sa paglalakad. Nakakailang hakbang pa lang ako nang magsalita siya.

"Mauna ka na at may kailangan pa akong gawin dito." Nangunot ang noo ko sa narinig. Ano naman ang gagawin niya sa lugar na ito?

"Gagawin? Ano? At bakit dito?"

"Hindi ano kundi sino – Sige na mauna ka na, susunod na lang ako mamaya 'pag nahanap ko na siya." Akmang aalis na sana siya nang pinigilan ko ito.

"Tutulungan na kita. Sino bang hinahanap mo?"

"Babae."

Medyo napanganga ako sa narinig. Hindi ko kasi inaasahan ang sasabihin niya.

Kahit kailan ay hindi pa iyan nanghabol, nagkagusto o naghanap ng babae sa tanang buhay niya. Minsan nga napagkakamalan ko na siyang bakla.

Sa aming pito ay siya pa lang ang NBSB. Nakapasok na ako noon sa isang seryosong relasyon, pero sa kasamaang palad, sumama siya sa iba. Magmula noon ay hindi na ulit ako tumingin pa sa iba. Aaminin ko na mahal ko pa rin ito hanggang ngayon, pero hindi na katulad ng dati. Napatunayan ko na totoo pala ang gasgas na kasabihang; time heals all wounds. Ramdam ko na kaunti na lang ay tuluyan na siyang magiging parte na lang ng nakaraan ko.

Binigyan ko na lang si Zhyrix ng
What-the-hell-look at mukhang na-gets naman niya.

"It's a long story..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro