Chapter 10: Reese Devlin Montreal
ZHYRIX POV
Pagkaalis ko sa HQ kanina ay dumiretso agad ako sa pinakapaborito kong lugar dito sa campus.
Ang rooftop.
Wala kasing masyadong pumupunta rito kaya tahimik ang lugar. Pwede akong magpahinga ng walang abala.
Mamaya pa naman ang susunod kong klase kaya may isang oras pa ako para matulog.
Nahiga na agad ako sa isang duyan saka napatingin sa bughaw na kalangitan. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano sasabihin kay Reese ang tungkol kay Agatha. Panigurado kasing hindi magiging madali ito dahil sa ugali niya.
Halos sabay na kaming lumaki kaya kilalang-kilala ko siya. Tinagurian pa nga kaming sanggang dikit na hindi mapaghiwalay.
I'll just introduce him since he's not the talkative type.
Ang buong pangalan niya ay Reese Devlin Montreal, 21 years old. Siya ang naturingang leader ng grupo namin hindi dahil sa siya ang pinakamalakas kundi dahil sa isang bagay na sa kanya lang namin nakikita.
There's something in him that makes you wanna follow him. Kahit may personality problem siya ay maaasahan pa rin ito tuwing may problema ang grupo.
Napapangiti na lang ako habang ninanamnam ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong gamitin ang kapangyarihan ko, ang problema ay baka may makakita.
Wala namang ibang tao sa paligid pero naninigurado lang ako. Hindi lang ang kaligtasan ko ang pinag-uusapan dito kundi kaming lahat ng mga kaibigan ko. At pati na rin kay Agatha. Speaking of Agatha, I'm not sure, but there's something bothering me about her. Parang may kakaiba sa kanya. Hindi ko matukoy kung ano, pero may isang parte sa 'kin na sumisigaw na katulad din namin siya. Sana naman ay haka-haka ko lang iyon.
Masyadong mapanganib ang mundong ginagalawan namin. Sa bawat misyon ay buhay namin ang nakataya. Hindi ako papayag na madamay pa siya sa magulo at napakadelikado naming mundo.
Napabuntong-hininga na lang ako. Siguro nga ay wala pang isang linggo mula noong nakilala ko siya, pero hindi naman batayan kung gaano katagal mo nakasama ang isang tao para ituring siyang mahalaga para sa iyo.
Napaitag ako mula sa pagkakahiga nang biglang mabulabog ng malakas na tunog ng selpon ang pagmumuni-muni ko. Ilang beses pa akong kumurap bago ito tinignan. May dalawang miss call at isang message akong nakita galing kay Gian pero hindi iyon ang napansin ko kundi ang oras na nakapaskil sa harapan mismo. Napamulagat ako nang makitang alas onse na pala ng tanghali.
What the fuck! Wala pa atang sampung minuto nung nagpunta ako rito sa rooftop pero may isang oras na rin pala Napahilamos na lang ako ng mukha.
Ano na ba ang nangyayari sa panahon ngayon at napakabilis naman yata ng oras?
Ganoon na ba talaga ako katagal na nakaupo rito?
Bumagsak ang balikat ko. Lintik na teacher iyan, bakit pa kasi niya isiningit ang subject niya ng ganitong oras. Ayos na sana ang schedule ko kaso panira lang iyong subject na iyon. Imbes na diretso ang break time ko, naging putol-putol pa.
Nanlulumo akong tumayo at pinilit ang sariling humakbang pababa sa klase ko.
Mabuti na lang ay tapos na ang recess kaya wala nang mga estudiyante sa hallway. Wala ako sa mood ngayon kaya huwag na huwag silang titili.
Ilang hakbang na lang at nasa klase na ako nang biglang pumasok sa isipan ko si Agatha. Kamusta na kaya siya.
Binabantayan ba siyang mabuti ni Rayne?
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla akong napahinto sa paglalakad at napatingin sa kabilang building. Doon kasi ang building nila dahil nasa lower year pa sila.
Hayst. Namimiss ko na siya. Nanlalaki agad ang mga mata ko sa naisip.
Shit! Ano bang nangyayari sa 'kin? Naisip ko ba talaga iyon?
Baka dala lang ng antok kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko.
Binaliwala ko na lang ang unti-unting nabubuong pag-aalala na nararamdaman bago ituloy ang paglalakad patungo sa klase ko. Kahit naman may pagka-isip bata ang kapatid ko ay alam ko namang hindi niya papabayaan si Agatha.
Sa kaiisip ay hindi ko na namalayang nasa harapan na pala ko ng classroom ko kaya napabuntong-hininga na lang ulit ako bago pinihit ang busol at binuksan ang pinto.
Pagkapasok ko ay napatingin silang lahat sa 'kin. Expected ko naman iyon pero hindi ko inaasahan ang sumunod na makikita. Biglang tumayo ang lahat ng mga buhok ko sa katawan nang makita sa mga mata ng aming matandang guro ang pagnanasa habang nakatitig sa kabuuan ko.
Bumalik lang ako sa realidad nang makarinig ng mga malalakas na tili.
"Gosh! It's prince Zhyrix!"
"I'm so glad I'm in this class!"
"Welcome back prince Zhyrix!"
"Prince Zhyrix! Be mine please!"
"How's my make up? Is it good?"
Mga peste talaga ang mga babaeng ito. Kung puwede ko nga lang silang ipinalunok sa lupa, kanina ko pa ginawa!
Napatakip na lang ako ng tainga para kahit papaano ay hindi ko marinig ang mga makabasag eardrums nilang boses.
Heto na naman tayo. Magsisimula na naman ang mala-impyerno kong buhay sa paaralang ito! Kaya ayaw ko pang pumasok ngayon. Nakakarindi na kasi ang mga matitinis nilang boses. Ang sarap nilang ipalipad patungong sa malayo!
Kailan ba darating ang umaga na magiging normal ang buhay school ko?
Oh, God! I beg of you! Kahit isang araw lang ng katahimikan, ayos na ako.
Kung pagbibigyan niyo lang po ako,
magbabago na talaga ako.
Hindi ko na sila pinansin at napatingin sa teacher na nasa harap pero...
Automatikong naningkit ang mga mata ko nang makita ang hitsura niya. May nalalaman pa itong papikit-pikit ng mata at pakagat-kagat ng labi habang nakatitig sa 'kin. Absolutely disgusting! Kulang na lang siguro ay sumuka na ako rito.
Ganoon na ba talaga kalakas ang charisma ko sa kanya?
Tinignan ko na siya ng masama. Mukhang epektibo naman dahil agad itong nag-iwas ng tingin.
Agad siyang nagseryoso saka binaling sa klase ang tingin.
"Quiet!" umalingawngaw ang kanyang boses sa buong silid. Effective naman kahit papaano dahil natahimik ang lahat.
May pakinabang pa rin pala ito.
"And you, Mr. smith! Ngayon ka na nga lang present, late ka pa ng 13 minutes!" singhal niya sa 'kin pero binaliwala ko na lang siya.
Dumiretso ako sa pwesto kong malapit sa bintana. Nakareserve na kasi talaga ito para sa amin kaya walang nangangahas na kumuha ng pwesto na iyon.
May tatlong bakante rito sa likod at alam kong para kay Reese ang isa. Himala nga na magkaklase kami ngayon hindi tulad nung mga nagdaang taon.
Pagkaupo ko ay napatingin agad ako sa harap at nakita si ma'am Tiny na ngayo'y halos umuusok na ang ilong sa inis dahil di ko siya pinansin.
Wala naman itong magagawa laban sa 'kin. Bukod sa kami ang celebrity ng Campus na ito ay isa rin ang pamilya namin sa mga nagmamay-ari ng school na ito kaya nagagawa naming lahat ng gusto namin kaya wala talaga silang magagawa.
Nagsimula na itong magturo pero imbes na makinig ag kinuha ko na lang ang earphone ko at pinasak sa tainga ko. Ang boring talaga ng subject na Math. Pagkapili ko ng kanta ay agad ko itong nilagay sa full volume saka umuob sa mesa.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang pagbigat ng aking mga talukap kaya naman ay agad ko na itong sinalubong.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakaidlip pero bigla na lang akong binulabog ng ibang tunog.
"Who the heck is making this noise?" Iritadong kong tanong. Pagkamulat ko ng mata ay nakita ko silang lahat ng nakatingin din pala sa 'kin. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka. Saka ko lang naalala na naka-erphone pala ako.
"What are you all staring at?" malamig kong tanong. Agad naman silang nag-iwas ng tingin.
Agad kong kinapa ang selpon ko at nakita ang pangalan ni Gian na naka anim na miss call na pala. Napaismid ako. Lintik ka Gian! Istorbo sa tulog! Akmang isi-silence ko na sana ang selpon ko nang bigla na naman iyong mag-ring.
"What is..."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla akong napatayo matapos marinig kung ano ang sasabihin niya.
Shit! Hindi pwede ito!
Hindi na ako nag dalawang-isip pa at mabilis akong tumakbo palabas. Hindi ko na rin pinansin ang pagsigaw ni miss Tiny habang tinatakbo ang hallway na halos liparin ko na sa bilis.
Dumiretso agad ako sa HQ at nakita silang lahat doon maliban kina Rayne at Reese. Halatang hindi sila mapakali dahil palakad-lakad sila pabalik at papunta lalong-lalo na si Vio na nginangatngat pa ang kuko.
"Anong nangyari? Nalingat lang ako saglit, ganito na! Nasaan si Rayne? Malilintikan talaga 'yon sa 'kin 'pag nakita ko!" Nangangalaiti kong sigaw na agad na kumuha sa attensiyon nila.
Hindi na ako nagsayang ng oras at dali-daling lumapit sa kanila para makompronta.
"Ano? Magsalita kayo!" sigaw ko ulit pero walang nangahas na magsalita.
Halatang kinakabahan at natatakot na sila ngayon lalo na kay Rose na napapalunok pa.
"Wala ba kayong mga bunganga? I asked what the heck happened!" Ramdam kong nanginginig ang aking katawan sa galit. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Magsasalita pa sana ako ng maunahan ako ni Gian.
Sa loob ng ilang minuto ay nagawa niyang i-explain lahat kung ano talaga ang nangyari at ewan ko kung bakit at paano pero bigla na lang kumulo ang dugo ko kay Rose na hindi pa nangyayare sa tanang buhay ko. Napakuyom ako ng kamao. Parang gusto kong sumuntok, magwala.
Calm down Zhyrix. Calm down. Walang mangyayari kung papairalin mo ngayon ang galit mo. Ang importante ngayon ay ang mahanap siya.
"What are you waiting for? Hanapin niyo siya! Use every means possible! Huwag na huwag kayong babalik dito hangga't hindi niyo siya kasama!" asik ko sa kanila. Agad naman silang sumunod at bigla na lang nawala sa kinatatayuan nila. Tanging mainit lang na hangin ang naiwan.
Oh God! Agatha, where are you? Please be safe, napamura ako sa hangin. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Ramdam na ramdam ko ang malalakas na pagtambol ng aking dibdib. Idagdag pa na parang pinipilas ito sa sobrang pag-aalala. Kasabay nito ay ang pagpasok ng kung ano-anong masasamang imahe sa aking isipan. Paano kung naligaw siya at hindi na alam kung papaano bumalik? Kung na-lock-an siya sa isang lugar at hindi na makalabas? O kaya naman ay pinag-tripan siya ng ibang estudiyante rito?
Nanlisik ang mga mata ko sa mga naiisip. Naikuyom ko na rin ang aking mga kamao. Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama sa kaniya.
Kailangan ko siyang mahanap sa kahit na anong paraan!
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na nagpalabas ng isang portal. Medyo masakit ito sa mga mata dahil kulay puti ito pero hindi ko na ito pinansin at agad na pumasok. Wala na rin akong pakialam kung may malabag man akong rule ni HM. Ang importante ay mahanap ko siya.
Nag-aalala ako ng ganito dahil may isang parte sa Campus na ito na lubhang mapanganib. Wala pang nakapasok doon ang nakakalabas ng buhay.
Ito ay ang mini forest na matatagpuan sa may di kalayuan mula rito. Maski kami ay hindi pa namin alam kung ano nga ba talaga ang nandoon dahil mahigpit na ipinagbabawal ng HM ang pagpasok dito. Ang sinumang sumuway sa utos niya ay automatikong mabubura ang memorya nito kasabay ng pagtanggal sa kanya sa school na ito.
SOMEONE POV
Nakakainis! Potek naman oh! Bakit sa dinami-rami ng estudiyante rito ay ako pa talaga ang napagtripan ng HM na sunduin ang pitong iyon? Naiisip ko pa lang na kausapin sila ay kumukulo na agad ang dugo ko!
Hindi naman sila mga hari at reyna pero kung umasta, aba nga naman! Ang yayabang! Hindi porke't mga pamilya nila ang nagmamay-ari ng Academy na ito ay puwede na nilang gawin lahat ng gusto nila. Lalong-lalo na iyong si Zhyrix! Akala mo naman kung sino! Kung tutuusin ay pare-parehas lang naman kaming estudiyante rito pero putragis!
Ang sarap ipakain sa buwaya ang pagmumukha niya! 'Di hamak naman na mas may hitsura at mas magaling ako kaysa sa kaniya.
Kanina pa ako naglalakad patungo sa HQ nila pero wala akong pakialam! Sinasadya ko naman talagang bagalan ang lakad.
Medyo malapit na ako ng makarinig ng mga boses pero mas nakakaangat iyong kay Zhyrix dahil sumisigaw ito. Anong nangyayari?
Dali-dali akong tumakbo patungo sa nakaawang na bintana. Mabuti na lang at hindi masyadong mataas ito kaya abot ko pa rin.
Pagkasilip ko sa loob ay nakita ko si Zhyrix na parang hindi mapakali ang pwet. Hindi ko mabasa ang mukha nito pero sigurado akong may prinoproblema ito.
Napangisi ako sa nakita. Sa tagal na naming magkamag-aral ay ngayon ko pa lang ito nakita sa ganitong sitwasyon. Siguro ay may nagawa itong kababalaghan kaya ganyan ang ikinikilos?
Mahuhuli rin kita! sa isip-isip ko habang nakangisi pa rin.
Pero teka lang, nasaan yung iba? Sigurado ako na nandito silang lahat kani-kanina lang dahil dinig na dinig ko ang mga boses nila.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng sala sa pag-aakalang makikita ko sila pero wala talaga.
"Huh? Nasa'n na yung mga 'yon? Nagkamali lang ba ako ng dinig kanina?" wala sa sariling sambit ko bago ulit napatingin kay Zhyrix.
Automatikong nangunot ang noo ko ng makitang wala na siya doon.
What the heck? Saan 'yon nagpunta? Impossible namang lumabas siya. Ang bilis naman niya kung ganoon!
Mabilis kong inakyat ang bintana para makapasok saka tinakbo ang kanina'y kinatatayuan niya. Napalinga-linga ako pero wala talaga. Ni anino niya ay wala akong makita.
What the fuck is happening? Paano nangyari 'yon? Nalingat lang ako saglit, bigla na lang siyang nawala na parang bula?
That's impossible!
Hindi kaya ay may tinatago silang lihim?
Bigla akong napangisi ng mala-demonyo. Prepare yourselves! I will do everything to expose your secrets. At kapag nangyari iyon, ako naman ang titingalain ninyo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro