Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: Awakening


Sa mata ng mga mortal ay pangkaraniwan lamang ang laki ng buwan nang gabing iyon. Ngunit ang hindi nila alam. sa likod nito ay nakatago ang isang matinding panganib na hindi nila inaakala. Tanging mga nilalang lamang na may mga kapangyarihan ang nakakakita.

Biglang nabulabog ang mapayapang gabi nang bigla na lamang lumipad palayo ang lahat ng mga ibon sa iba't-ibang direksiyon. Nagdulot ito ng matinding ingay na lumawig ng ilang hektarya. Kasunod nito ay ang bahagyang pagyanig ng lupa dahil sa mga hayop na nag-uunahan sa paglabas ng kagubatan.

Makalipas ng ilang minuto ay nabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Pati ang kaninang malakas na hangin ay bigla na lamang tumahan.

Sa gitna ng kagubatan ay nakatayo ang isang lagusan paloob sa isang kweba. Halata ang katandaan nito sa mga lumot na nakapalibot paligid. Halos natatakpan din ng mga ugat ng puno ang daanan. Napakadilim sa loob nito. Tanging maririnig lamang ay ang pagpatak ng tubig sa mga bato.

Sa dulo ng kweba ay matatagpuan ang isang malaking bato. May mga nakaukit na simbolo rito ngunit halos hindi na makita dahil sa kalumaan. Sa paligid ay nagkalat ang daan-daang buto ng mga tao.

Sa gitna ng mga ito ay nakahilata ang isang kabaong na gawa sa purong bato. Nababalutan na rin ito ng mga lumot at makapal na alikabok.

Walang ano-ano ay dahan-dahang bumukas ang takip ng kabaong. Nagdulot ito ng matinding usok sa paligid. Mula rito ay lumutang ang pigura ng isang babae.

Kasabay ng pagmulat ng kaniyang mga mata ay ang biglaang pagkawala ng usok. Rinig na rinig din niya ang pagliparan palayo ng mga paniking nakatira sa kweba. Dahan-dahang iginala ng babae ang paningin. Nasa isang napakadilim na lugar siya ngunit hindi makikitaan ng takot ang kaniyang mukha. Sa isang kisap-mata ay bigla na lamang siyang lumutang at dahan-dahang lumapag sa mga bato. Muli niyang iginala ang paningin hanggang sa makita ang nais. Agad na niyang itinuon ang pansin dito bago dahan-dahang naglakad.

Nang makalabas ay bumungad agad sa kaniya ang preskong ihip ng hangin pati na rin ang mga matatayog at naglalakihang puno sa paligid.

Pumikit ang babae. Wari ba'y pinapakiramdaman ang kanyang paligid.

Mula sa kinatatayuan niya ay rinig na rinig nito ang malakas na pag-agos ng tubig sa may di kalayuan. Naririnig din niya ang mga kaluskos at galaw ng mga insekto na nakatira sa mga puno. Pati na rin ang bahagyang paggalaw ng lupa ay hindi nakaligtas sa matalas na pakiramdam.

Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar. Hindi niya matandaan kung paano at bakit siya napunta rito.

Sa loob ng ilang minuto ay hindi gumalaw ang babae. Nagmistula itong estatwa sa kaniyang kinatatayuan.

Medyo padilim na nang mapagpasyahan niyang umalis. Hinayaan lang niya ang mga paa kung saan man siya dalhin ng mga ito.

oooOoo

Malayo-layo na ang narating niya nang makarinig ng mga malalakas na boses. Kakaiba at bago ito sa kaniyang pandinig. Hindi niya mawawaan ang kanilang mga sinasabi.

Sinundan niya ang ingay. Dire-diretso lang ito hanggang sa makakita ng dalawang bagay na ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya.

Nakaapak siya ngayon sa isang magaspang na bagay na kulay puti. Halatang napakahaba nito dahil hindi niya makita ang dulo. Bukod doon ay ramdam niyang mas matigas ito kaysa sa lupang nakagisnan. Idagdag pa iyong kulay itim na hayop na hindi gumagalaw sa kanyang harapan. Maihahalintulad sa elepante ang laki nito. May anim na bintana. Isa sa harapan, apat sa mga gilid at isa sa likod. May apat na mata rin itong umiilaw.

Nakatingin lang ang babae rito. Hindi nito alam kung anong klase itong hayop.

Mayamaya pa'y narinig na naman niya ang malakas na sigaw. Nanggaling ito sa may di kalayuan sa kaniya.

Agad niya itong sinundan. Malayo pa lang ay kitang-kita na niya ang ilang grupo ng mga kalalakihan na pinagkakaisahan ang isa pang lalaki pero halata naman na hindi ito natatalo kahit marami sila.

Imbes na matakot ay nanood pa ang babae. Inoobserbahan ang bawat galaw ng lalaki habang abala ito sa pakikipaglaban.

Nakatitig lang siya dito ng may biglang lumipad na malaking bola ng apoy patungo sa kinatatayuan niya.

Nakailag ang babae, pero dahil sa bilis ng mga pangyayari ay nadaplisan pa rin ang kan'yang balikat. Napatigil naman ang mga naglalaban at napatingin sa babae.

"Putang ina! Miss! Ano bang ginagawa mo d'yan? Umalis ka na kung ayaw mong madamay!" sigaw ng lalaking pinagtutulungan. Imbes na makinig ay nanatili lang itong nakatayo na parang walang narinig.

"Tingnan mo nga naman! Mukhang mananalo yata kami ngayon, Rayne!" Nakangising sabi ng isang lalaki bago humagalpak ng tawa. Iba ang tingin nito sa babae.

Napamura na lang si Rayne sa inis. Bago pa man sila may gawing masama ay mabilis na siyang gumawa ng barrier saka lumapit sa babae sabay hatak dito palayo.

RAYNE POV

Kanina pa kami tumatakbo. Siguro naman hindi na kami maaabutan ng mga gagong iyon! Pagod na rin kasi ako. Kung nakakalipad lang sana ako gaya ng kapatid ko, eh di sana kanina pa kami nakarating sa bahay! Urgh! Nakakainis!

Pagkahinto ko ay napahawak agad ako sa tuhod habang habol-habol ang hininga. Dinig na dinig ko pa ang mabilis na kabog ng aking dibdib. Pati na rin ang butil-butil na pawis ko sa noo. Pakiramdam ko'y anumang oras ay bibigay na ang aking mga tuhod. Bakit ganoon? Kung hindi ako nagkakamali ay kalahating oras lang naman kaming tumatakbo pero pakiramdam ko'y ilang oras na. Nagiging mahina na ba ako?

Nanlalaki agad ang mga mata ko sa naisip. Shit! Hindi maaari ito! Kailangan ko na ulit mag-ensayo para bumalik ang stamina ko kundi ay patay ako kay kuya. Mahigpit pa naman iyon pagdating sa training ko.

Pinalipas ko na muna ang ilang minuto bago ulit maglakad pero hindi pa ako nakakalayo ay bigla rin akong napahinto.

Weird, bakit parang may nakalimutan ako? Automatiko akong napahawak sa baba ko at nag-isip. Hindi ko naman dala ang kotse kaya imposibleng iyon. Wala rin naman akong dalang bag o kahit na anong gamit.

Tama na nga! Sakit lang ng ulo ang aabutin ko.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang matigilan.

Iyong bolang apoy. Iyong barrier. Shit! Iyong babae! Mabilis pa sa kidlat akong napalingon. Ganoon na lamang ang pasasalamat ko nang makita ko siya sa may di kalayuan. Nakatayo lang ito na parang estatwa. Hindi ko masyadong maaninag ang kabuuan niya dahil medyo madilim ang paligid. Tanging mga tala lang ang nagbibigay tanglaw sa kadiliman.

Napakamot ako sa ulo. Bakit ba kasi napakamakalimutin ko? Bata pa lang naman ako ah. Tumikhim na lang muna ako bago maglakad palapit sa kaniya. Wala kasi ata itong balak umalis sa pwesto niya.

"Ah, miss? Bakit ka nakatayo lang d'yan? Wal..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong napanganga. Hindi ako manyak pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na nakayang pigilan ang sarili kong hagudin siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Totoo ba itong nakikita ko? O isa lang siyang illusyon?

Para makasigurado ay unti-unti akong lumapit sa kaniya at nanginginig na hinaplos siya sa mukha.

Para akong binuhusan ng maraming yelo nang dumampi ang aking kamay sa kaniyang balat. Napakalambot nito.

Shit! Totoo siya! Hindi lang ako nananaginip ng gising! Kung ganoon ay anong ginagawa niya rito? Bakit siya napadpad dito sa mundo ng mga mortal? Paano siya nakatakas? Hindi ba niya alam na ipinagbabawal na ngayon sa mga katulad niya ang pagtapak dito? Oh, baka naman ay hindi siya isa sa kanila? Pero impossible eh. Nagkalat nga sa mundo ang mga magagandang mortal pero ang isang ito, kakaiba. Ang kaniyang kagandahang taglay ay hindi nababagay sa mundong ito, kundi sa mundo ng mga diyos and diyosa.

Nakatitig lang ako sa kaniya nang bigla akong nakarinig ng kakaiba.

Para itong tunog ng tambol na palakas ng palakas. Napatingin ako sa paligid sa pag-aakalang may tao pero wala. Nangunot ang aking noo. Ano kaya iyon? Napasulyap na lang ulit ako sa kaniya at nakitang hindi pa rin siya gumagalaw sa pwesto niya. Bakit parang ako lang yata ang nakakarinig? Kailangan ko na yatang mag-padoktor at kung ano-ano na ang mga naririnig ko.

Umiwas na lang muna ako ng tingin para magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga bago ulit tumingin sa kaniya. Bigla akong napawingi nang makita ang suot niya.

Ano ba iyan! Ang baduy naman tignan. Sobrang ganda nga niya pero halatang wala siyang fashion sense. Iyong damit niya kasi parang damit nung sinauna. Impossible namang costume o trip lang niya iyan dahil wala naman kami sa Japan.

Hindi ko alam kung ilang segundo ko ba siyang tinitigan pero bumalik lang ako sa realidad nang may biglang maalala.

"Uhm, miss? Are you okay? Are you hurt somewhere?" Walang sabi-sabi ay hinawi ko na rin siya palapit sa 'kin para matingnan ang kaniyang balikat. Kailangan kong malaman kung gaano kalaki ang damage na natamo niya.

Pagkahawi ko sa kaniyang damit ay siya namang panlalaki ng mga mata ko nang makitang wala man lang siyang kasugat-sugat. Ni isang galos ay wala. Ang tanging ebidensiya lang na naiwan ay ang sunog na tela.

Paanong nawala iyon? Alam kong dumaplis sa balikat niya ang bolang apoy kaya impossibleng wala siyang natamong sugat o kahit galos man lang. Hindi kaya?

Agad akong napatingin sa gawi niya pero gaya kanina ay wala pa ring pinagbago ang mukha nito. Blanko pa rin. May kausap pa ba ako rito? Para lang kasi akong nakikipag-usap sa hangin. Ni hindi ko alam kung sinasadya niya o talagang ganito na siya.

Oh, baka naman ay hindi lang talaga niya naintindihan ang sinabi ko kaya hindi siya nagsasalita? Tagalugin ko na nga para sigurado.

"Uhm, miss? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo? Naintindihan mo ba ako?" mahinahon kong tanong. Mahirap na, baka matakot pa ito. Naghintay ako ng sagot, pero lumipas ang halos isang minuto ay saka lang siya tumango.

Biglang umasim ang mukha ko. Medyo nabastusan kasi ako. Hindi naman sa pagmamayabang pero ngayon lang ako nakaenkwentro ng katulad niya. Hindi ba siya marunong magsalita at kailangang tango lang talaga? Pakiramdam ko tuloy ay para akong tangang kumakausap ng bato rito. Gusto ko na sana siyang pagsalitaan pero nagtimpi lang ako. Kalma lang Rayne. Kalma. Babae pa rin iyan.

Pinilit ko na lang na ngumiti. Baka kasi ma-offend ko siya at bigla na lang akong iwan dito. At kung mamalasin, masapak pa ako. Ako ang lalaki kaya ako dapat ang umintindi sa kaniya, hindi kabaligtaran. Saka isa pa, paano kung isa nga talaga siyang diyosa at nagalit sa 'kin? Eh di abo na lang ang uuwi kay kuya kung nagkataon.

Papalampasin ko na nga lang siya. Baka naman ay nahihiya lang talaga siyang magsalita? Mabuti na lang at nasa mood ako ngayon. Nakakita kasi ako ng isang napakagandang diyosa.

Napunit ang isang malaking ngiti sa aking labi. Magtatanong pa sana ako pero ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang wala na pala akong katabi.

"Huh? Nasaan na 'yon?" Ganoon na ba ako ka-lutang para hindi mapansin na wala na pala siya sa tabi ko?

Inilibot ko ang paningin sa paligid at nakita siya sa may di kalayuan sa 'kin. Nakatunghay lang ito sa mga bituin sa langit. Lalapitan ko ba siya oh hindi?Bahala na nga!

"Ang ganda ng mga bituin ano?" Seryoso, Rayne? Wala ka na bang mas magandang sasabihin?

Sa totoo lang ay eksperto naman ako sa mga ganitong bagay pero anong nangyari ngayon? Bakit parang naumid ang dila ko?

Tahimik lang akong tumabi sa kaniya nang bigla siyang napatingin sa 'kin. "B-bakit?"

Teka lang. Bakit ako nauutal? Ano ba talagang nangyayari sa 'kin? Sinubukan kong makipagtitigan sa kaniya pero sa huli ay ako pa rin ang unang nag-iwas ng tingin. Nakakatakot kasi ang mga titig niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y para akong hinihigop sa mga titig na iyon. Dumagdag pa na wala pa ring ka-emo-emosyon ang kaniyang mukha.

Napalunok na lang ako saka tahimik na nagdasal na sana ay alisin na niya ang pagkakatitig sa 'kin.

Laking tuwa ko ng dininig niya ang dasal ko. Automatiko akong napahawak sa aking dibdib sabay buga ng hangin nang naramdamang tumingin ulit siya sa kalawakan.

Tahimik lang akong nakatitig sa kanya. Mi-ne-memorize ang bawat angulo ng kanyang mukha.

Napakaganda talaga niya! Kahit naka-tagilid lang siya ay hindi maipagkakailang isa siyang diyosa ng kagandahan.

Should I start a conversation? But about what? My lips parted as though I was about to say something, but closed it immediately. I just can't find the right words to start a gaddamn conversation.

Ilang beses na rin iyong naulit kaya't sa huli ay hinayaan ko na lang. Dahil doon ay muli na namang namayani ang nakakabinging katahimikan.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakaramdam ako ng pangangalay. Agad akong napahawak sa batok ko nang hindi sinasadyang mapatingin sa kaniya at nakitang nasa ganoon pa rin siyang posisyon. Hindi ko tuloy matigilang mapaisip kung tao pa ba ang kaharap ko o hindi.

Grabe si diyosa oh. Kanina pa kami nakatinghaya rito pero 'di man lang siya kumikilos. Hindi pa ba siya nangangawit? sa isip-isip ko habang nakatingin sa kaniya.

Bumalik lang ako sa realidad ng maramdamang nag-vibrate ang cellphone ko. Kahit naiinis ay napilitan ko iyong kunin. Baka kasi si kuya ang tumatawag at hindi ko nasagot, lagot ako.

Pagkalabas ko nito ay napaismid agad ako. Lowbat lang pala. Akala ko kung ano na. Bago pa man tuluyang mag-off ang phone ko ay nanlalaki na ang mga mata ko ng makita ang mga numerong nakalagay sa harapan.

Ano? Alas onse na? Paking naman! Masama ito! Kailangan ko nang umuwi! Napatingin ako kay dyosa habang binabalik sa bulsa ang cellphone.

"Uhm, miss? Gusto mo ba sumama sa 'kin sa bahay? Don't get me wrong, pero gabi na kasi at ayaw ko rin namang iwan ka dito. Mapanganib kasi rito 'pag gabi lalo na at babae ka pa." Alangan namang iwan ko ito rito. Eh di kargo-de-konsensiya ko pa kapag may nangyaring masama sa kaniya. Sa pagkakaalam ko kasi ay may mga mababangis na lobo na naninirahan sa kagubatang ito. Marami na ang nabiktima nila kaya ipinagbawal na ng Gobyerno ang pagpasok dito lalo na kapag gabi.

Naghintay ako ng sagot pero gaya kanina ay parang wala itong narinig. Ni hindi nga niya ako nilingon.

Hoo! Kalma ka lang, Rayne. Kalma lang. Binuntong-hininga ko na lang ang inis na namumuo sa aking dibdib pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya. Muli ko na naman siyang pinasadahan ng tingin. Napakagat pa ako ng labi ng magawi ang aking tingin sa kanyang labi. Halatang walang naipahid na lipstick pero ang tingkad ng pagkakapula nito. Ang sarap siguro nitong halikan.

Nanlalaki agad ang aking mata sa naisip. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang pag-akyat ng aking dugo sa pisngi. Aist! Ano ba 'yan! Umayos ka nga Rayne! Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak mo!

Nang makarekober ay napatingin ulit ako sa kaniya pero muntik na akong mapatalon sa gulat nang makitang titig na titig na pala ito sa 'kin.

Aatakehin ako sa puso sa kaniya! Hoo! sa isip-isip ko habang nakahawak sa bandang dibdib. Kahit na mahirap ay pinilit kong kinalma ang sarili ko bago siya hinarap. "Ano, miss? Naintindihan mo ba iyong sinabi ko sa iyo?"

Lintik! Kanina pa ako ah! Gaya kanina, isang tipid na tango lang ang sagot niya kaya napabuntong-hininga na lang ulit ako.

Ibang klase talaga siya! sa isip-isip ko. "So? Tara na? I'll lead the way."

Nang tumango ito ay napangiti naman ako bago maunang maglakad. Sinadya ko pang bagalan para maramdaman kung nakasunod nga siya. Nang maramdaman ang presensiya niya ay saka ko lang binilisan ang paglalakad. Kailangang nasa bahay na kami bago mag-alas dose ng gabi. Iyon kasi ang curfew ko.

Lumipas pa ang ilang minuto pero ni isa sa amin ay walang nagsalita. Nabilang ko na ata ang lahat ng mga punong nadadaanan namin para may mapaglibangan. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Kung ako ang unang magsasalita o ano. Nasa tabi ko lang siya pero pakiramdam ko'y ako lang mag-isa rito. Buti pa ang pipi, kahit hindi makapagsalita, sinasagot pa rin nila ang mga tanong sa kanila sa panamagitan ng sign language, pero itong si diyosa, nganga.

"Ang awkward naman ng sitwasyong ito," bulong ko sa hangin habang pilit na kinakalkal ang utak ko kung ano ang puwede kong sabihin. Nang wala akong makalikot ay pasimple kong kinurot ang balat ko sa kamay. Bahala na nga si Batman!

"Uhm, miss? Matanong ko pala? Ano nga pala ang pangalan mo?" paninimula ko. Halos pumalakpak naman ang mga tainga ko sa mga narinig na lumabas sa aking bibig. Sa wakas! May matino rin akong nasabi! Ang talino ko talaga! Pero ang tanong, sasagutin niya kaya ako?

Naghintay ako ng ilang saglit pero wala talaga.

Fuck! This is crazy! Wala ba talaga siyang balak magsalita?

"Uhm, you don't have to answer my question if you don't want to," medyo naiirita kong sabi. Nagdesisyon na rin akong hindi na magsalita. Sayang nga lang at hindi ko na malalaman ang pangalan niya. Pero anong magagawa ko kung wala talaga siyang balak magsalita. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin. Binuntong-hininga ko na lang ang panghihinayang ko saka mas binilisan ang paglalakad. Mas mabuti na rin siguro kung ganito.

Buong akala ko'y nakasunod lang siya sa 'kin pero nakakailang hakbang pa lang ako ay naramdaman kong bigla na lang siyang huminto kaya napahinto na rin ako. Ano na naman ba iyon?

Napalingon agad ako sa kan'ya nang nangungunot ang noo. May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan? Impossible! Nagtanong lang naman ako.

"Uhm, miss? Ayos ka lang? Bakit ka bigl..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang loob ng damit niya.

Bahagya akong napaatras dahil dito. Lumikot na rin ang sarili kong imahinasyon. Anong gagawin niya? May tinatago ba siyang baril diyan at babarilin ako? Maghuhubad ba siya? Ano? Argh!

Ano ba, Rayne! Umayos ka nga! Kung ano-ano kasing pinapanood mo kaya ka napaparanoid! Relax ka lang! Besides, you're powerful enough to derstroy a mountain! So what could happen? sigaw ng utak ko kaya kumalma na rin agad ako.

Ganyunpaman, naging alisto pa rin ako sa anumang atake. Mahirap na.

As much as possible, I don't wanna boast my power. But at a time like this, I had no choice.

Mas lalong lumikot ang mga mata ko ng makitang may dahan-dahan siyang inilalabas mula sa damit niya. Napalunok pa ako ng ilang beses habang inihahanda ang sarili. Ayan na! Nakikita ko na ang dulo!

Pakiramdam ko'y para akong nanonood ng pelikula sa pagkakataong ito. May slow motion na nagaganap. Slow motion na biglang nag-fastforward.

Aray ko po! Ang sakit ng pwet ko!

Napatingin ako ng masama sa hawak-hawak niya ngayon. Putragis! Nang dahil sa lintik na notebook at lapis na iyan ay napasubsob ako sa magaspang na semento! Akala ko kung ano na!

Nakakaiyak! Ang sakit pala talaga maging assuming. Inayos ko na lang muna ang sarili saka siya binalingan ng tingin. Aanhin niya ang mga iyon?

Mas lalong kumunot ang noo ko ng makitang may kung ano siyang sinulat dito bago pinakita sa akin.

Agatha Vessalius D' Valliere.

Agatha? Ah, pangalan niya ba iyan?

Teka lang? Sinulat niya? Huwag mong sabihing...

"Miss? Tanong ko lang ah? Huwag ka sanang magagalit. Uhm, hindi ka ba nakakapagsalita?" Gaya kanina ay naghintay na muna ako ng ilang segundo bago siya tumango.

Nanlalaki agad ang mga mata ko sa nalaman. Napanganga rin ako. Mabuti na lang at walang mga insekto rito. Hindi nga ako nagkakamali! Kung ganoon ay isa pala siyang...

"Ah! Pasensya ka na, miss Agatha! Sorry talaga! Kaya pala hindi ka man lang sumasagot sa mga tanong ko dahil... ah! Pasensiya ka na talaga miss. Hindi ko naman kasi alam na 'di ka pala nakakapagsalita!"

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa hiya. Aist! Ang tanga ko! Kung ano-ano agad ang inisip ko kanina. Ni hindi man lang ako nagtanong. Ano pa kayang mukha ang ihaharap ko rito?

Pinalipas ko na muna ang ilang saglit bago unti-unting humarap sa kaniya. Ilang beses pa akong napalunok para kahit papaano ay mabawasan ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

Naging malikot ang mga mata ko pagkaharap ko sa kaniya. Hindi ko kasi kayang tumingin sa kaniya ng diretso. Biglang nabalutan ng nakakabinging katahimikan ang paligid. Walang nagsalita sa amin.

Lumipas pa ang ilang saglit ay bumuntong-hininga na lang ako.

"I'm really sorry, miss Agatha. I didn't know."

As usual, she just nodded. I then forced a smile to lighten up the mood.

Agatha huh? Ang ganda ng pangalan niya. Pang maharlika ang dating. Bagay na bagay sa kaniya. Sa mga nangyari ngayon ay may isang bagay akong natutunan. Napaka-unfair talaga ng mundo. Isa itong si Agatha sa mga nagpapatunay nito. May mga tao na pinagkaitan man ng kagandahan, napakadaldal naman. Nagiging abogado pa nga ang iba. Itong si Agatha, biniyayaan nga ng sobrang kagandahan, hindi naman siya nakakapagsalita. Hay, buhay nga naman, parang life.

"Let's go?" Nahihiya kong sabi bago tumuloy sa paglalakad. Bigla akong nakaramdam ng awa para sa kanya. Paano kaya niya nakaya iyang kapansanan niya? Iniisip ko, paano kung ako ang nasa katayuan niya, makakaya ko kaya? Ang hindi makapagsalita? Ang hindi mo maipahayag kung ano ang nilalaman ng iyong isipan? Iniisip ko pa lang ay nahihirapan na ako. Paano pa kaya sa kaniya?

Hindi ko na siya tinanong pa habang naglalakad kami. Pakiramdam ko kasi ay tila nalunok ko na rin ang aking dila.

Lumipas pa ang halos sampung minuto ay nakarating na rin kami sa wakas sa bahay-bakasyunan namin. Two-storey lang naman siya pero kumpleto at high-tech ang mga kagamitan sa loob.

Napatingin muna ako sa relos ko at nakitang maghahating gabi na pala. Ibig sabihin ay tulog na si kuya.

Para akong nabunutan ng tinik dahil dun. Ayaw ni kuya na may ibang tao rito sa bahay maliban sa mga kaibigan namin. Napalingon muna ako kay Agatha bago magsalita.

"Halika na. Pasok na tayo." Aya ko bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Mababaw lang kasing matulog si kuya kaya't kailangang mag-ala ninja kami sa pagpasok dahil paniguradong magigising iyon kahit kaunting kaluskos lang.

Nang mabuksan ko ang pinto ay dahan-dahan din akong pumasok kasunod si Agatha. Pagkapasok niya ay agad ko na rin itong isinarado bago siya pasunurin sa may hagdanan.

Pagkarating sa taas ay medyo kinabahan ako. Madadaanan muna kasi namin ang kwarto ni kuya bago iyong kwarto ko. Bakit kasi iyong pangalawang kwarto pa ang napili ko?

Sinenyasan ko na si Agatha na sumunod. Bawat hakbang na ginagawa namin ay kailangang walang tunog. Nagmimistula na kaming mga magnanakaw pero wala na akong pakialam. Ang importante sa ngayon ay malampasan namin ang kwarto ni kuya.

Halos mahalikan ko na ang pinto ng kwarto ko nang makarating kami ng ligtas.

Agad ko iyong binuksan at pinapasok siya. Dalawa lang kasi ang kwarto sa bahay na ito kaya wala akong choice.

Pagkapasok niya ay papasok na rin sana ako nang biglang may malamig na boses akong narinig.

"Saan ka galing?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro