Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

 Treasure Hunt

"CONGRATS, Shyr Divine! You are really something!"

Napangiti ako nang malawak pagkatapos akong batiin ni Sir Yeji. Pati ang mga officemates ko ay binati rin ako. Hindi ko mapigilang matuwa kasi pakiramdam ko ang laki ng ambag ko sa Bustamante Prime.

Nakapag-close lang naman ako ng isang deal. Sa akin kasi in-assign ni Sir Joefel. No'ng una kinabahan pa ako pero mabuti na lang tinuruan ako ni Puppy kung paano makipag-usap sa client. Nag-research at nag-aral ako ng profile ng kliyente at ng project bago ako nakipag-meeting. Pati ang presentation ko ay pinagpuyatan ko pa. At nagbunga naman sa wakas ang efforts ko.

"Inspired po 'yan kaya ang dedicated sa trabaho," singit ni Vanessa.

Inirapan ko siya. Nagtawanan naman ang mga kasamahan namin. Alam na ng lahat ang tungkol sa relasyon namin ni Puppy kasi hayagan ba naman niya akong hinahawakan sa kamay kapag magkasama kami. Minsan nga halos sa office niya na ako patirahin. Paano ba naman kasi sa gitna ng trabaho ay tatawagin niya na lang ako bigla at papapasukin sa opisina niya. Akala ko ay may ipag-uutos siya, iyon pala gusto niya lang daw ako matitigan nang malapitan. Kaya madalas sa loob ng opisina niya ako gumagawa ng paper works.

"Salamat po, Sir. Kung hindi rin naman dahil sa magandang design ninyo, hindi ko iyon mapapapirmahan sa kliyente. 'Yong design n'yo po talaga ang nagdala," untag ko.

Magaling naman kasi talaga si Sir Yeji. Madalas nga lang parang hindi siya seryoso. Kung hindi pa siya masasabugan ng galit ni Puppy, hindi pa siya gagalaw.

"Nope. There are so many excellent architects in the industry, but it takes incredible interpersonal skills to convince the client to choose your design. You did well, Divine. The credit should all be yours," ani Sir.

Nahihiyang ngumiti ako. Tatanggapin ko na sana ang pakikipagkamay niya nang may naunang kumuha no'n.

"Thank you for assisting her. You both did a great job," untag ni Puppy.

Napangisi si Sir Yeji sabay iling bago binawi ang kamay niya.

"So, tuloy na ba ang team building bukas?"

"Yes. Have you made the arrangement for everyone? Make sure everyone will be able to arrive safely in the venue," ani Puppy.

"Don't worry, ako ang bahala."

Kumindat si Sir Yeji saka tinapik si Puppy sa balikat. May team building kasi kami bukas pero itong department lang namin. Mga 16 kaming lahat kasama na ang dalawang boss namin.

"Let's go?" untag ni Puppy.

Tumango ako at kinuha ang bag ko. Uwian na kasi. Kinuha naman niya iyon sa kamay ko at siya na ang nagbitbit. Nagngitian na naman tuloy ang mga officemates ko. Halos itago ko ang mukha ko sa sobrang hiya. Hindi pa rin kasi ako sanay. Minsan nga lady boss ang tawag nila sa 'kin.

"You did well today. What do you want for dinner?" untag niya nang makapasok kami sa elevator. Hindi sumabay ang ibang mga empleyado nang makita nilang nauna kami.

Hinapit niya ako saka hinalikan sa noo.

"Hmm... Pork chop o 'di kaya pasta?" patanong na sagot ko.

Magdadalawang buwan na ako sa Bustamante Prime. At nasanay na akong siya ang nagluluto ng makakain namin halos sa araw-araw. Paminsan-minsan kapag nauuna akong magising sa kanya sa umaga ay ako ang nagluluto ng mga basic lang na ulam.

"Puppy, puwedeng maglakad lang ulit tayo pauwi? Malapit lang naman ang Spire."

Ngumiti siya. "Okay. I will ask Presto to take care of the car."

Mas bet ko kasing maglakad-lakad kapag ganitong oras. At saka hindi naman kasi crowded ang daan pauwi kasi private property nga.

Magkahawak-kamay kaming lumabas ng building at tinunton ang daan pauwi. Parang ayaw ko na ngang matigil kasi pakiramdam ko ay malaya ako. Pero sa totoo lang ay kinakabahan ako sa magiging reaksyon nina nanay kapag nalaman nilang magkarelasyon kami ni Puppy. Ang alam lang nila ay dito na ako nagtatrabaho sa kompanya nila. Katakot-takot na sermon pa nga ang nakuha ko no'ng tumawag ako last time. Pero sa huli ay sinuportahan naman nila ako. Kung ano raw ang makapagpasaya sa akin, bahala na raw ako sa buhay ko.

"What are you thinking? You're spacing out."

Napatigil ako nang tumigil din sa paglalakad si Puppy. Ngumuso ako.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung kailan mo ako hihiwalayan para yayaman na ako. Nang sa gano'n hindi ko na kailangang magtrabaho."

"What?"

Nanlaki ang mga mata niya.

"Ten trillion din 'yon. Kahit ilang angkan ko pa ang bubuhayin ko habang buhay, hindi ako mamumulubi." Tumawa ako.

Sinamaan niya ako ng tingin saka mabilis na kinantalan ng halik. Agad naman akong tumingin sa paligid kung may nakakita.

Napasimangot ako. Buti na lang mukhang wala silang pakialam.

"Do you really think I can afford to give you 10 trillion? The entire business will surely go bankrupt. Even if I will sell all our properties, I can only earn billions."

Ngumisi siya. "That means I will stick with you for the rest of your life."

"Gano"n? Akala ko pa naman yayaman na ako kapag binreak mo 'ko. Sayang."

Ngumisi ako nang nakaloloko. Kumunot naman ang noo niya na parang nadismaya.

"You don't need to break up with me if you want to get rich. What's mine is yours. I can transfer all my properties under your name and—"

"Hep! Tama na," pigil ko sa kanya. Tinakpan ko ang mga labi niya gamit ang hintuturo ko.

"Binibiro lang naman kita. Hindi ko kailangan ng yaman mo, 'no. Basta ba akin ka lang. Bawal kang tumingin sa iba. Bawal kang makipag-usap sa ibang—"

Naputol ang sabihin ko nang dagli niya akong hinalikan sa labi saka hinapit sa baywang. Napakapit ako sa dibdib niya.

"I'm all yours since the beginning," malambing niyang bulong.

Lihim akong napangiti bago kumalas sa kanya. Pinagsalikop ko ang mga kamay namin saka nagpatuloy sa paglalakad. Nakita ko rin sa gilid ng mga mata ko ang bahagya niyang pagngiti.

Ang sarap lang ng ganitong pakiramdam ng ganito. Parang ayaw ko nang matapos. Ang bawat ordinaryong araw ko ay nagiging espesyal dahil kasama ko siya.

Pagkarating sa unit ay nagtulungan kami sa pagluluto. Siya ang gumagawa lahat. Ako naman taga-cheer niya.

Paminsan-minsan kapag marami kaming oras ay magkasama naming inilalabas si Bambi para makapaglakad-lakad. Pakiramdam ko nga ay mag-asawa na kami ni Puppy. Kasal na lang ang kulang. Kaya lang nakakahiya namang mag-open sa kanya ng gano'ng topic. Siguro ay hindi pa siya handa. Lalo na at kababangon lang ng Bustamante Prime sa malaking problema. Mabuti nga lang at nagtuloy-tuloy ang pagdating ng magaganda at malalaking project.

"You should sleep early. You will need energy tomorrow," aniya habang nakayakap sa akin.

Nakaupo kami sa sofa. Sa harap ng TV. Nakasandal ako sa dibdib niya at hawak ko ang remote. Kanina pa ako palipat-lipat ng channel dahil wala akong magustuhang palabas.

"Tapos magtatrabaho ka na naman kapag tulog na ako," sita ko sa kanya.

Tumawa lang siya nang mahina. Minsan ko na kasi siyang nahuling nakaharap sa laptop niya kahit malalim na ang gabi. Sinasamahan nga niya ako sa pagtulog pero kapag alam niyang malalim na ang tulog ko ay babangon siya para pagpuyatan ang mga trabahong naiwan niya. Tapos madalas pa siyang mas nauunang magising sa akin kinaumagahan. Kaya tingin ko ay maikli lang ang tulog at pahinga niya.

"I need to work hard. Baka kasi bigla na lang magkalaman 'to," aniya saka hinaplos ang tiyan ko.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Ibig sabihin kasama ako sa future plans niya?

"Sabi mo mag-aaral pa ako sa darating na pasukan? Paano nga kung—"

Napatakip ako ng bibig. Madalas pa naman naming ginagawa iyon. Tapos wala pa siyang proteksyon.

"Do you really want to be an architect?"

Tumango ako. "Then, we can go abroad for your studies. What do you think?"

"Ha? Abroad?"

"That's decided then," aniya.

Napanganga ako. Hindi pa nga ako nakasagot. "Puppy naman. Hindi ko kaya 'yon. Ang mahal."

"There are a lot of schools abroad. Mas mapabilis ang pag-aaral mo. You can focus on your studies then we can come back after."

Ngumuso ako. "Pag-iisipan ko po."

Pinitik niya ako sa noo. "I also want to take a break from work for at least two years. So, I can keep you company."

Napatitig na lang ako sa kanya. Nakaka-tempt kasi ang offer niya. Pero kasi nahihiya akong paaaralin niya ako gayong boyfriend ko pa lang siya. Paano kapag nagsawa siya sa akin at bigla na lang niya akong iwan?

Sabagay may kontrata pala kami.

. . .

Kinabukasan ay naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahalik sa leeg ko. Napamulat ako ng mga mata. Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Puppy.

"Good morning! You're finally awake. It's almost nine in the morning. You need to get up. Babiyahe pa tayo," malambing niyang sabi saka muli akong hinalikan. This time sa labi.

"Good morning, Puppy!"

Hinalikan ko rin siya. Lumapad ang ngiti niya.

"Sweet," bulong niya sabay kindat.

Inalalayan niya akong bumangon saka inihatid pa sa banyo para makaligo. Dito na ako sa kuwarto niya kasi natutulog. Nilipat niya lahat ng gamit ko rito. At ang nakakagulat pa ay malaki pala ang banyo niya rito. Parang pang mag-asawa talaga.

Dinala namin si Bambi. Panay naman ang tawag sa akin ni Vanessa, nagtatanong kung nasaan na raw kami. Kapag gala talaga ang usapan, laging excited ang babaeng iyon.

Sa isang highland resort kami pumunta. Mahigit dalawang oras din ang biyahe. Si Kuya Presto ang nag-drive kaya nakapagpahinga kahit papaano si Puppy. Pansin ko rin kasing lagi siyang pagod na.

"Guys, they're here!" tili ni Vanessa nang makita kaming bumababa sa sasakyan.

Nailibot ko ang paningin ko. Sobrang ganda at lawak. Dinig ko pang members lang daw ang nakakapasok dito, o kung sino man na bisita ng members. Pumikit ako at dinama ang preskong hangin.

"You can join them. Ihahatid ko lang ang gamit natin sa villa," ani Puppy saka hinalikan ako sa noo.

Tumango ako at nagpahila kay Vanessa. Nasa isang malaking pavilion kami na malapit sa pool at sa dagat. Naka-set up na nga sila ng tarpaulin. Mukhang kami na nga lang ang hinihintay kasi may nag-iihaw na ng makakain.

"May restaurant naman dito kaya lang mas trip nilang magdala ng ganyan para raw masaya kaya hayaan mo na," untag ni Vanessa.

"Mas okay nga 'yon para tipid," untag ko naman.

Nagsimula na silang mag-organize ng mga palaro. Si Mimi ang host, ang assistant ni Ma'am Callie. Madaldal kasi siya.

Twelve lang kaming kasali kasi hindi raw puwedeng sumali ang dalawang boss para sila ang judge. Si Ma'am Callie naman ay bawal dahil sa ipinagbubuntis niya. Hinati kami sa apat na grupo. Kaya tigtatlo lang kami kada grupo.

Namoroblema tuloy kami nang ang sunod na laro ay longest line.

"Seryoso ka ba, Mimi? Paano naman namin mararating 'yang ganyang kalayo e tigtatatlo lang kami?" hindi makapaniwalng bulalas ni Vanessa.

"Oo naman. Kaya n'yo 'yan. No rules, except bawal gumamit ng mga gamit na hindi ninyo suot o hawak ngayon."

Natawa ako dahil hinubad na ng ibang boys ang T-shirt nila at at humiga na sa damuhan pero hindi pa rin mararating ang distansyang sinasabi ni Mimi.

"Guys, wala raw rules. E 'di magsama-sama na lang tayong lahat," untag ko.

Napatingin sila sa akin. "Oo nga, 'no?"

Natawa si Sir Joefel habang nanonood sa amin. Pinagsama nga namin ang apat na grupo kaya narating namin ang distansyang inilatag ni Mimi.

"Tama si Divine. That's the essence of team building, guys. Dahil sa pagtutulungan natin nararating natin ang common goal. Kagaya na lang sa kung paano tayo nagtutulungan sa opisina para ma-achieve natin ang kada project na gusto nating makuha para sa Bustamante Prime."

Sabay-sabay namang tumango ang mga kasamahan ko. Nakita ko si Puppy na mukhang kararating lang. Nginitian niya si Sir Joefel na parang sinasabi niyang sobrang proud niya sa akin.

Marami pa kaming ginawang laro. Hanggang sa napagod na kami. Kaya nang pumunta ako sa villa namin ni Puppy ay nakaidlip agad ako.

Nagising lang ako dahil sa mumunting halik.

"It's almost dinner time. Are you hungry?"

Umiling ako. "Kumain tayo nitong hapon after ng games, e. Busog pa ako."

"You sure?" masuyong tanong niya.

Tumango ako. Marahan akong bumangon.

"There will be a final game for everyone, then we will proceed to the award ceremony. Then, we can have dinner. By that time baka gutom ka na."

Tumango ako.

"Okay. Mag-shower lang ako saglit?" paalam ko.

Tumango naman siya. "Can you wear something white?" untag niya sabay tingin sa sarili niya.

Napangiti ako. Ang romantic talaga ni Puppy. Pati kulay ng damit gusto niya ay pareho kami.

"Okay. Labas ka na muna."

Hinalikan pa niya ako bago lumabas. Malapad na naman tuloy ang ngiti ko bago pumasok ng banyo.

Tiningnan ko isa-isa ang mga damit na dala ko pagkatapos kong mag-shower pero puro mga itim at green lang. Tanging dress lang ang kulay puti. Kaya iyon na lang ang isinuot ko. Hindi naman siya revealing kasi may sleeves naman at hindi naman malalim ang neckline. Pero hanggang sa ibabaw ng tuhod ko ang haba.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay nakaabang pala sa akin si Puppy kaya nagulat ako. Pero pinasadahan niya ako ng tingin kaya bigla akong na-conscious.

"You look gorgeous," bulalas niya.

"Salamat," nahihiyang untag ko.

"Let's go?"

"Uhm..." Tumango ako.

Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad.

Sa isang hall kami pumasok. Pero nagulat ako sa bonggang dekorasyon. Parang reception kasi ng kasal. May mga balloons at bulaklak pa. May led projector din silang ginamit sa harap kaya mukhang bongga ang prizes namin sa awarding.

"Alright, guys! Ang susunod nating game ay treasure hunt. Mayroong limang station kayong pupuntahan. Ang last station ay dito mismo. Kung sino man ang pinakaunang grupo na makabalik at mabuo ang puzzle ay panalo. Kailangang basahin ng leader ang message na mabubuo out of the puzzle pieces na makukuha ninyo sa kada station."

"You are our leader, so you lead the way," untag ni sir Yeji. Magkagrupo kasi kaming tatlo ni Vanessa.

Napakamot ako ng ulo.

Binigyan kami ng kanya-kanyang mapa. Sa unang station ay may pinasagutan sa aming riddle.

I can make people happy, I can make people cry. I can make people want me, and I can drive people crazy. What am I?

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na napakunot ng noo.

"May idea ka ba, Van?" untag ko.

Umiling siya.

"Ikaw, Sir?"

Nagkibit-balikat din siya. Nasapo ko na lang ang noo ko.

"Search kaya natin sa Google?" suhestiyon ni Vanessa.

"Bawal po cheating," saad naman ng tagabantay ng station. Napanguso na lamang ako at napaisip.

"Pagkain ba 'yan?" untag ko.

"Hindi. Malayo. Mayroon lang kayong three chances na makuha ang tamang sagot. Kapag hindi n'yo nahulaan, kailangan ninyo mamili ng iinuming shake para makuha ang puzzle piece na kailangan ninyo."

Napabuntonghininga ako. Ano ba ang nakapagpapasaya sa akin at nakakapagpaiyak at saka nakapagpapabaliw?

Si Puppy lang naman.

"Ah, alam ko na! Love ba ang sagot?" bulalas ko.

"Tama po!"

"Yes!"

Napapalakpak ako sa tuwa. Nagyakapan pa kami ni Vanessa.

Ibinigay sa amin ang puzzle piece. Agad namang kinuha iyon ni Sir Yeji. "Bawal pong basahin buksan ang puzzle na 'yan hangga't hindi ninyo nakukuha ang ibang pieces. Baka huhulaan n'yo na lang ang message at lagpasan n'yo ang ibang station," bilin pa ng tagabantay.

Napailing kami at dumiretso na sa pangalawang station.

What has no end and no beginning but fits your finger?

Iyon ang riddle. Nagkatinginan na naman kaming tatlo.

"Alam ko 'yan. Singsing 'yan, 'no?" untag ni Vanessa.

"Tama po!"

Napatalon ako sa tuwa. Gano'n lang pala kadali. Sa tingin ko ay kami ang mananalo. Tiningnan ko ang ibang grupo. Magkaiba kasi kami ng mga station kaya hindi ko alam kung may nakatapos na.

Nagmadali kami. Mabuti na lang at mabilis din makasagot si Vanessa kaya naubos naming sagutin ang riddles sa huling dalawa pang station. Halos takbuhin namin pabalik ang hall para kami ang manalo.

Pagkarating namin doon ay tanging si Puppy lang ang tao sa gitna. At nakasuot na siya ng suit. Sa gilid naman sina Mimi at Sir Joefel.

"Pagdugtungin mo na, Divine. Baka maabutan tayo!" bulalas ni Vanessa.

Inilatag nga namin sa sahig ang puzzle pieces saka tinanggal ang cover na papel. Binigyan ako ni Mimi ng microphone.

Pero nagulat ako nang mabasa ang mensahe sa pinagdugtong-dugtong na puzzle pieces.

"Will you marry me?" wala sa sariling basa ko.

Biglang namatay ang lahat ng ilaw kaya nataranta ako. Pero agad din naman akong kumalma nang muling bumukas iyon ngunit sa akin at kay Puppy lang nakatutok. Pumainlang ang mahinang instrumental song.

Halos magwala ang puso ko nang lumapit siya. Nakatingin siya sa akin nang diretso. At sobrang guwapo niya sa suot niyang suit.

"Do you know why I got your name tattooed on my chest after the first time we met?" panimula niya.

Hindi ko nagawang magsalita dahil nagsimula nang bumalong ang mga luha ko sa sobrang tuwa.

"Because it only took me one glance to realize that you were the one for me," dagdag niya.

Natameme ako nang tuluyan at natulala na lamang sa kanya habang nagsasalita siya sa microphone at lumalapit sa akin.

"Your eyes were like a vast ocean. I got lost the moment you stared back at me. I always had everything calculated in my mind. I already pictured where I was supposed to be after five years, ten years, or even fifty years of my life. I was only supposed to follow the direction I had imposed and planned to go. But when you came, I suddenly found myself sailing against the wind. It was risky and scary. I even fell off my boat many times, but in the end, it was worth it. Because I finally made you fall for me."

Bumagsak ang mga luha ko nang lumuhod siya at inilahad sa akin ang singsing na nakalagay sa isang box na umiilaw pa.

"Kitten, I know you still have a lot of plans for yourself. I know you still have a lot of dreams you want to realize on your own. But, I want to keep you company while you are chasing your goals. I want to hold your hand every time you are hesitant. I want to hug you and cheer for you whenever you feel scared and sad. I want to be with you in every moment of your life, be it happy, sad, or just ordinary. So, will you please be my wife?"

Napanganga ako at natulala sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at halos dinig ko na ang pagtambol nito. Napatitig lang ako sa kanya nang ilang segundo. Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na boses dahil bumibikig ang lalamunan ko sa pinipigilan kong luha. Kaya tumango na lang ako nang sunod-sunod bilang sagot.

Kumislap ang mga mata niya at agad na isinuot sa daliri ko ang singsing. Pagkatapos ay tumayo siya at hinapit ako bago hinalikan ako sa labi. Banayad iyon at mapanuyo. Bumukas ang lahat ng ilaw at sumigabong ang palakpakan.

"Thank you so much!" madamdaming untag niya pagkahiwalay ng mga labi namin. Muli niya akong niyakap bago humarap sa audience.

"Congratulations, Sir! Sa wakas!" bulalas ni Mimi sa mic.

Pero ang nagpagulat sa akin ay ang paglapit ng mga taong hindi ko inaasahan.

"Nay? Tay? Dave?"

Napahiwalay ako kay Puppy saka sinalubong sila. Nandito silang lahat. Si Tiyang Solana. Si Ate Angelica. Ang pamilya ko. Nandito rin si Zia Lynn at Timothy. Pati si Tiyang Soledad ay nandito rin!

"Nay, paano kayong napunta rito?"

"Aba'y palalagpasin ba namin ang mahagang araw na 'to?"

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon si Puppy.

"Ibig n'yo bang sabihin ay alam n'yo na 'yong—"

"Matagal na. Kaya nga namin ibinigay sa kanya si Bambi mo, e." Si Dave ang sumagot.

"Ha?"

Lalo akong nagulat. Sinamaan ko ng tingin si Puppy. Ang sabi niya pumunta nang kusa sa kanya si Bambi. Iyon pala ibinigay sa kanya!

"I can explain later," mahinang bulong niya sa sabay hapit sa akin.

Napatigil lang kami nang may tumikhim nang malakas. Napatingin kami kay Timothy.

"Sa wakas legal mo na akong bayaw," natatawang untag niya.

Napangiwi ako. Sinalubong ko na lang ng yakap si BFF. Ang laki na ng tiyan niya.

"Best wishes, Besh. Finally, nahanap mo na rin ang para sa 'yo. Sobrang saya ko no'ng malaman ko ang balita."

"Ibig sabihin alam n'yo nang lahat ang tungkol sa amin bago pa man kayo lumuwas dito?" hindi makapaniwalang tugon ko.

Sabay-sabay naman silang tumango. Nawindang ako at muling tiningnan si Puppy. Ngumiti lang siya sa akin.

"Gaston, matigas ang ulo ng batang 'yan. Kaya kung pasaway ibalik mo na lang sa amin," untag ni nanay.

Napairap ako. Inakbayan naman ako ni Puppy at hinalikan sa gilid ng noo sa harap nilang lahat.

"Don't worry, Nay. I'm already used to her stubbornness."

Aba't kailan pa sila naging close ni Nanay? Napaawang na lamang ako. Binati nila akong lahat at niyakap. Si Ate Angelica ay umiyak pa dhail hindi pa rin daw siya makapaniwala. Pari si Tiyang Soledad ay muntik pa akong makurot sa hita. Bakit daw hindi man lang niya nahalatang naghaharutan na pala kami ni Puppy. Siyempre nginisihan ko lang siya.

"Everyone, please enjoy the party. I want to be alone with my fiancée," deklara ni Puppy sa mikropono.

Pagkatapos no'n ay hinila na niya ako palabas pero bago iyon ay nakasalubong namin ang ninong niya kaya bigla akong kinabahan.

"Congratulations and best wishes to you both. I'm glad you made it."

"Thanks, Ninong."

Napalunok ako at halos magtago na sa kilikili ni Puppy. Tumawa naman ang ninong niya.

"Divine, I know we started off on the wrong foot. I'd like to apologize for what happened. I only had to do it for Gaston's family. But please know that I support your relationship, and I'm happy that you both got through the difficult times."

"Uhm, wala na po iyon. Maraming salamat po," nahihiyang untag ko. Mukha naman siyang sincere. Sabagay, siguro no'ng mga panahong iyon ay wala na rin siyang ibang maisip na makatutulong kay Puppy kundi si Shelley.

"We really have to excuse, Ninong. I need some time alone with her," paalam ni Puppy.

"Okay. Okay. I know you can't wait to be with her. O siya, I'll leave you two."

Naiiling na sinundan ko na lang ng tingin ang ninong niya nang bumalik iyon sa loob. Hinila niya naman ako sa labas saka ipinasuot sa akin ang suit jacket niya dahil malamig na.

Niyakap niya ako mula sa likod nang makalabas kami. Hitik sa stars ang kalangitan. Na parang nakikisaya sila sa amin.

"Finally!" usal niya.

"I still can't believe you are now my fiancée. I can't wait until we get married."

Umikot ako at humarap sa kanya. Sumandal ako sa dibdib niya saka niyakap siya pabalik.

"Puppy, maraming salamat, ah? Kasi dinala mo ang pamilya ko rito. At lahat ng malalapit sa 'kin."

Hinalikan niya ako sa noo nang matagal. "Of course, they can't miss this important event for their daughter. Besides, I asked their permission before I planned this proposal. I'm so happy it turned out well. I am still over the moon because you said yes. You just don't know how anxious I have been the past few days."

Natawa ako nang mahina. "Iyon ba 'yong lagi mong pinagpupuyatan?"

Tumango siya. "I had to check on everyone's assignment, that's why. Everything was worth it."

Nagulat ako nang biglang nagliparan ang mga fireworks sa ere. Magkayakap naming pinanood iyon. Mayamaya'y may dumila sa paa ko. Natawa kami pareho nang umungot si Bambi. Muntik ko na siyang makalimutan dahil occupied ako masyado sa nangyari.

Umupo kami saka niyakap siya sa gitna namin.

Habang tinititigan ko ang nakangiting mga labi ni Puppy Gaston, naisip kong ang sarap niyang magmahal. Kung mayroon man akong hiling, iyon ay sana magiging ganito siya kasaya habang buhay sa piling ko.

~END~

©GREATFAIRY 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro