CHAPTER 45
Love Contract
"YOU actually don't need an excuse if you wish to enter my room," malanding bulong niya.
Kinilabutan ako. Parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito.
"Na...Nagugutom na ako. Excuse me."
Marahan ko siyang itinulak saka nagmadaling lumabas. Halos liparin ko na ang pinto makalayo lang sa kanya. Bakit gano'n? Bakit parang hindi ko mapigilan ang sarili kong maakit sa kanya? Hindi ba dapat masama pa ang loob ko sa kanya?
"I thought you were hungry? Why are you still standing there?"
Napaangat ako ng tingin. Hindi ko napansing nakalabas na rin pala siya. Ipinagdaop ko ang mga palad ko.
"Uhm...kakain na nga."
Umiwas ako ng tingin saka naunang pumunta sa dining. Pansin ko ang pagsunod ng mga titig niya. Hindi ko tuloy maiwasang ma-conscious. Nakalimutan ko pa namang magsalamin kanina.
Nagulat ako nang mapansin kakaiba ang set up ngayon ng lamesa. May candlelight. Tapos may bulaklak. Mukhang dinner date ang peg.
"Do you like it?"
Napangiwi ako. Kailan niya pa ito hinanda? Hindi ko kasi napansin kanina.
Tumikhim ako. "Maganda, pero hindi naman kailangan may paganito."
"You refused to dine with me outside. So, I could only improvise an indoor dinner date."
Napaiwas ako ng tingin. Inalalayan niya akong maupo. Nakonsensya tuloy ako bigla. Hindi kaya masyado na akong hard sa kanya?
"I don't know how else I can show my sincerity, but I will keep chasing you until you forgive me," seryosong untag niya.
Napalunok ako. Bigla akong nahiya. Kung tutuusin pareho kaming may kasalanan sa isa't isa. Kaya lang parang naumid bigla ang dila ko kaya hanggang tango at tipid na ngiti lang ang naitugon ko.
Pinagsilbihan pa niya ako. Naisip ko bigla na ang dami niya palang ginawa para sa 'kin pero masyado kong pinalalim ang isang pagkakamali niya.
"Nakakain na si Bambi," untag niya nang mapansin niyang nagtatabi ako ng pagkain.
Napatigil naman ako. "Sa...Salamat."
"You don't have to. It's my responsibility to take care of her... and her master."
Sinupil ko ang ngiti ko. Wala na. Nakakatunaw kasi ang mga titig niya. Nagpatay-malisya lang ako at saka itinuloy ang pagkain.
"Uhm, totoo bang hindi na puwedeng pumunta rito si...si Shelley?" pag-iiba ko ng usapan.
Saglit siyang napatigil at sinalubong ang mga mata ko.
"She had caused too much trouble. She deserves it. Banning her is my kindest offer." Hinawakan niya ang kamay ko. "Kitten, I can go to the great lengths to protect you."
Tipid akong ngumiti.
Binawi ko ang kamay ko saka tumayo. "Ako na ang magliligpit."
"No, leave it to me."
"Hindi. Ako na. Hindi puwedeng ikaw na lang palagi."
"But-"
"Simula ngayon ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin. Kailangan nating hatiin ang gawaing bahay para hindi tayo mahihirapan."
"I can do all of these-"
"Hindi. Ayaw kong umasa sa 'yo palagi. At saka, simpleng gawain lang 'to. Makokonsensya ako kung wala man lang akong ginagawa."
Bumuntonghinga siya. "If you insist. I'll just go to my room to freshen up."
Tinanguan ko siya at nagsimula nang magligpit saka hinugasan ang mga plato. Hindi mapuknit ang mga ngiti sa labi ko.
Pagkatapos kong maghugas ay tiningnan ko muna si Bambi sa kuwarto niya. Mukhang napagod na siya sa kalalaro kaya nakatihaya na siyang nakahiga. Hinaplos ko ang tiyan niya. Bumangon naman siya saka dinilaan ako sa pisngi.
"Good night, Bambi!"
Hinalikan ko siya saka lumabas na at pumasok sa kuwarto ko. Bago iyon ay sinilip ko muna si Puppy. Mukhang nasa shower na siya.
Pasado alas nueve pa lang ng gabi kaya medyo maaga pa para matulog. Isa pa ay hindi pa ako inaantok.
Pumasok muna ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos. Pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit pantulog. Naisipan kong i-text si Zia Lynn para kumustahin siya.
Umakyat ako sa kama saka pumailalim sa comforter pero naramdaman ko na lang na may kakaiba akong natapakan.
"Ahhh!"
Napatili ako nang makitang maraming ipis sa ilalim ng comforter.
"Puppy!"
Nanakbo ako palabas at dire-diretsong pumasok sa kuwarto ni Puppy. Nakasandal siya sa headboard ng kama niya at nagtitipa sa laptop niya.
"Puppy!"
Nagulat siya at agad na itinabi ang laptop sa side table. Tumalon ako payakap sa kanya.
"What happened?" nag-aalalang tanong niya.
"May... May mga ipis sa kama ko!" mangiyak-ngiyak kong saad.
Sa linis ng buong condo unit, paanong nakapasok ang mga ipis? At ang dami pa nila.
"What? Are you sure? How come?"
Umiling-iling ako. "Hindi ko alam, e. Pero ayaw kong matulog do'n. Ikaw na lang do'n. Palit tayo ng kuwarto."
"What?" hindi makapinawalang untag niya.
"You want me to sleep in your bed full of cockroaches?"
Napangiwi ako. "Hindi pala. Dito ka na."
"Right. I can't leave this room in this state anyway."
Ngumiti siya nang nakaloloko sabay tingin sa kabuoan ko. Napatingin din tuloy ako. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagtantong nakayapos pala ako sa kanya.
"So...Sorry!"
Mabilis akong kumalas ngunit agad niya akong pinigilan saka nahiga at niyakap din ako. Inilagay niya ulo ko sa dibdib niya.
"We can sleep this way."
Sinubukan kong umalis ngunit ipinulupot niya rin ang isa niyang kamay sa baywang ko.
"Stop moving."
"Pero-"
"It's you who started it. Don't start a fire if you can't take the heat. From now on, you should take responsibility for your every action. You got it?" maawtoridad na untag niya.
Wala sa sariling napatango ako. Bumaba ang mga labi niya saka hinalikan niya ako noo.
"Are you still mad at me?" masuyong tanong niya.
Ngumuso ako. "Konti na lang."
Hinalikan niya ako sa tungki. "Still mad?"
Tumango ako.
"Don't you know how much I've wanted to hold you like this?"
Napasinghap ako nang bigla niya akong inihiga saka kumaibabaw sa akin. Pinigilan niya ang kamay ko nang akmang babangon ako.
"Don't ignore me again. I can't stand it even for a second. Don't you know much it hurts?"
Sinalubong ko ang mga titig niya. "I'm sorry," mahinang tugon ko.
Ngumiti siya. "Then, shouldn't you compensate me for what you did?"
Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko siya. "Salary deduction na naman?"
Umiling siya.
"Shouldn't we finish what we've started?" nang-aakit na untag niya.
Pagkasabi niyon ay sinakop niya ang mga labi ko. Kusang napapikit ang mga mata ko nang maramdaman ko ang malalambot niyang labi. Tila may hinahanap iyon at hinihigop ang pagkatao ko.
"Puppy..."
Napaungol ako nang bumaba ang mga labi niya sa leeg ko at bahagyang sinipsip iyon. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang buong silid.
Tumigil siya saglit at tinitigan ako. "I missed you so much, Kitten."
Nag-aalab ang mga mata niya habang sinasabi iyon. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.
"Sinisisi mo pa rin ba ako dahil sa nangyari sa baby natin?" kinakabahang tanong ko.
Hinawakan niya ako sa pisngi.
"I never blamed you. In fact, I hated myself more for not being there to protect you. But don't worry, our little angel will surely watch us from above."
"Pero kasalanan ko ang lahat ng-"
"Shh... Enough about that. There's something else that we need to do."
Muli niyang sinakop ang mga labi ko. Sa pagkakataong ito'y marubdob na iyon at mapanghanap. Naramdaman ko na lang na nawala na ang mga saplot namin sa katawan.
"Puppy..."
Ngumiti siya nang matamis saka itinuloy ang kanyang ginagawa. Tinugon ko ang bawat halik at haplos niya. Miss na miss ko na rin kaya siya. Hindi ko lang ipinahalata. Baka akalain niyang marupok ako. Slight lang naman.
Nag-init na rin ang buong katawan ko. Sinabayan ko ang bawat pag-ulos niya nang mag-isa ang aming mga katawan. Panaka-nakang binabalikan niya ang mga labi ko habang unti-unting binibilisan niya ang kanyang paggalaw sa ibabaw ko.
Hindi ko akalain na ganito pala kapayapa sa pakiramdam kapag pinalaya mo ang hinanakit sa puso mo. Walang kasiyahang ang tuwang nararamdaman ko.
Kapwa kaming hinihingal nang marating namin ang gusto naming marating. Ramdam ko ang mainit na likidong pumasok sa loob ko. Bumagsak siya gilid ko. Hinigit niya ako saka muling inihiga sa kanyang dibdib.
"Thank you for coming back to my life. But I still don't understand why you chose to work in my company instead of pursuing your teaching career," untag niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang daliri.
"Puppy, may sasabihin akong sikreto."
Tumigil siya saka hinalikan nang mabilis ang labi ko. "What is it?"
Huminga ako nang malalim.
"Sa totoo lang hindi naman talaga pagtuturo ang passion ko. Kinuha ko lang ang kurso na 'yon kasi iyon ang pangarap ni Nanay dati na hindi niya natupad. No'ng mga panahong nag-e-enrol kami ni Zia, hindi ko pa talaga alam ang gusto kong gawin sa buhay ko. Kaya sinunod ko na rin ang kurso ni BFF. Kahit papa'no natutunan ko namang mahalin iyon, pero sinula nang pumasok ako noon sa Bustamante, nag-iba ang pananaw ko. Mas gusto ko na ang ginagawa ko. Gusto ko ring mag-design ng mga building kagaya ni Sir Yeji. Kapag nakaipon na ako at napagtagpos ko ng pag-aaral ang kapatid ko, gusto kong libutin ang buong mundo para makita ko ang mga sikat na architectural design."
Napangiti ako nang malapad. Iniisip ko pa lang ang mga gagawin ko ay natutuwa na ako. Ngayon ko lang napagtanto na marami pala akong goal sa buhay.
"If you want to travel the world, you have to take me with you. Don't you think you're being unfair? You have said too much about your goals, but you didn't even mention my name."
Tila nagtatampo ang boses niya. Natawa ako nang mahina.
"Hindi ka naman puwedeng umalis ng bansa. Paano na lang ang Bustamante Prime?"
Bumuntonghininga siya.
"Timothy is already prepared to take over the company, but I guess he might change his mind because he planned to live in the province with Zia. In fact, he had already built a house for them. I cannot rely too much on David. He's not interested in businesses. I don't want to restrain him from whatever he wanted to do in his life. I can only hope he'll change his mind someday. Besides, he's still studying. "
Bigla akong naawa kay Puppy. Kaya pala panay ang alis niya noon. Pero kahit papaano ay nabibigyan pa rin niya ako ng panahon.
"E 'di sasamahan na lang kita rito. Tutulungan kita sa trabaho mo. What do you think?"
Pinisil niya ako sa pisngi.
"Silly. Don't give up your dreams just for me. Would you like to study design?"
Napatingala ako sa kanya. "Ibig mong sabihin mag-aaral ako ng architecture?"
"Yup. If you really want to be an expert designer, you have to take the course. You can just take the major subjects since you already have taken the minor subjects during your college."
"Oo nga, 'no? Pero saka na lang kapag nakaipon na ako."
"Bustamante Prime is actually a benefactor of many architecture students. You can take the exam. See if you can be one of the scholarship grants."
"Talaga?"
"Or I can just be your direct benefactor. What do you think?" malambing na sabi niya.
Napanguso ako. "Ayaw ko ngang abusuhin ang kabaitan mo sa 'kin. Magti-take na lang ako ng exam, ah? Isa pa mas gusto kong paghirapan ang lahat ng pangarap ko."
"I'm your man. I am supposed to take care of you."
"Iba pa rin naman iyon. At saka hindi pa naman tayo mag-asawa." Humina ang boses ko.
"What did you say?"
"Wa...Wala. Kako 'wag kang mag-alala, kapag magaling na akong architect tutulungan kita sa pagpapatakbo ng kompanya."
Tumawa siya saka muling kumaibabaw sa akin.
"When everything is settled, let's travel around the world and make memories. But for now, I want to make up for the days we have missed," aniya at sinimulan akong hinalikan.
Halos madaling araw na kami nakatulog dahil hindi siya nawawalan ng lakas. Ramdam ko ang pagkasabik niya sa bawat pag-iisa ng aming katawan.
...
Kinabuksan ay nagising akong wala na siya sa tabi ko. Marahan akong bumangon dahil nanakit yata ang buong katawan ko.
Pero namilog ako nang makitang pasado alas otso na ng umaga.
Late na naman ako sa trabaho!
Dali-dali akong bumaba sa kama saka lumipat sa kabilang kuwarto. Natigilan pa ako saglit nang maalalang may mga ipis sa kama ko. Pero maayos na iyon at napalitan na rin ang bed sheet at comforter. Pati ang mga punda. Baka pinalitan ni Puppy.
Pumasok na lang ako sa banyo para maligo. Nagmadali akong patuyuin ang buhok ko saka nagbihis.
Pagkalabas ko ay agad kong naamoy ang mabangong aroma ng kape. Mukhang nasa kusina si Puppy. Pupunta na sana ako roon nang may maapakan ako.
Napasinghap ako nang makita iyon. Titili na sana ako nang ma-realzie kong fake lang iyon.
Bakit may fake na ipis dito? Pinulot ko iyon at biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi.
Dali-dali akong pumunta sa kusina.
Hindi nga ako nagkamali dahil naglalagay na siya ng mga plato sa lamesa. Nakabihis na rin siya.
"Good morning," mahinang bati ko.
"You're up. Good morning!"
Ngumiti siya nang matamis saka lumapit sa akin. Niyapos niya ako at hinagkan sa labi.
"How was your sleep?"
Inirapan ko siya. "Nagtanong ka pa talaga pagkatapos mong maglagay nito sa kama ko?"
Ipinakita ko sa kanya ang nakita ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at agad na napalunok.
"Kitten, let me explain. I only did that because I was desperate. Please don't be mad."
Napanguso ako. Sabagay, may maganda namang nangyari. Kaya hindi naman ako galit.
"Fine, may magagawa pa ba ako? Late na naman tayo," nakangusong untag ko.
"It's okay. We don't have many urgent matters to attend to."
"Okay lang sa 'yo. Sa akin, hindi. May deduction na naman ang sahod ko."
Nanghihina akong napaupo sa harap ng lamesa. Pumunta naman si Puppy sa likod at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Hinagkan niya rin ako nang bahagya sa ulo.
"I will pay for your deduction. Just spend your time with me," aniya.
Napalabi ako. "Baka magalit na sa akin ang HR, kasi mas marami pa akong absent at late kaysa mga regular employees."
Ngumisi siya. "If they will fire you, then just stay at home. I can take care of you and your family."
Hinampas ko siya. "Sira!"
Tinawanan niya lang ako bago umupo sa katapat kong upuan.
Gusto ko sanang magmadali sa pagkain pero sinaway niya ako. Tutal late naman na raw kami, lubos-lubusin na lang daw. Kaya ayon, pasado alas nueve na kaming nakarating sa building ng Bustamante Prime.
Ibinigay niya sa butler ang susi ng kotse para mai-park iyon. Sa lobby kami dumaan. Pero napatigil kami nang makita si Shelley na nagwawala sa harapan ng mga guwardiya.
"Stupid! Don't you know me? Bakit ayaw ninyo akong papasukin?" singhal niya sa mga guwardiya.
Napakapit ako nang mahigpit kay Puppy. Pinisil niya lang ang kamay ko na parang sinasabi niyang huwag akong matakot.
"Haven't you had enough of the trouble, Shelley?" mariing untag niya.
Napalingon sa amin si Shelley. Awtomatikong bumati naman ang mga guard.
"Gaston, you're finally here! They won't allow me to-"
Napatigil siya sa akmang paglapit kay Puppy nang bumaba ang tingin niya sa mga kamay namin. Agad na nanlisik ang mga mata niya.
"You!"
"Stop right there, Shelley! I'm warning you! Don't you even dare take another step!"
Napasinghap naman siya.
"You heard it right. You are banned from entering any of my premises."
"Gaston, you can't do this to me! Why do you have to choose that woman over me? Ano ba'ng meron sa babaeng 'yan? Bakit hindi na lang ako? Ha?" umiiyak na untag niya. Pinigilan siya ng mga guard nang akmang lalapit siya sa amin.
"Simple. Because you are not her. I only love Shyr Divine, and no one else can take her place in my heart even if she will leave me again and again. So, just give up. I will never harbor any feelings for you."
Lalong napaiyak si Shelley. Napabuntonghininga na lamang ako.
"Drag her out of here! If she comes back, send her to the police," mariing utos ni Puppy.
"Yes, Sir!"
"Gaston, no! You can't do this to me!"
Napailing na lamang ako habang sinusundan ng tingin si Shelley na kinakaladkad palabas ng mga guwardiya. Sana mahanap na niya ang tunay na halaga ng sarili niya para tumigil na siya.
"Are you okay?" pagkuwa'y tanong ni Puppy.
Napatingin ako sa kanya. Tumango naman ako.
"Don't worry, she will never dare to get near you again. Let's go?"
Tumango ako saka sumunod sa kanya sa pagpasok sa elevator.
Sa entrance pa lang ng office ay nasa amin na ang mga mata ng lahat. Paano kasi ayaw bitiwan ni Puppy ang kamay ko. May mga napapasinghap at natutuwa sa nakikita nila. Lalo na si Vanessa.
"Good morning, love birds!" nakangising untag niya. Pero ang mga mata niya ay nakatuon sa magkahugpong naming mga kamay ni Puppy.
"Good morning!" bati ni Puppy pabalik. Pati ang ibang mga empleyado ay binati niya rin. Napapayuko na lang ako kasi pakiramdam ko nasa akin din ang mga mata nila.
Binawi ko ang kamay ko saka pumasok sa cubicle. Nakita ko namang napailing si Puppy sa ginawa ko. Sinundan na lang namin siya ng tingin nang pumasok na siya sa opisina niya.
"Kaya pala late, mukhang nag-enjoy kayong dalawa!" bulalas ni Vanessa.
Namula ako. Halata ba masyado?
"Sabi sa 'yo, e. Sa ex talaga ang forever. Buti nagkaayos na talaga kayo," untag pa niya.
Napapangiwi na lamang ako. Tiyak na laman na naman kami ng tsismis mamaya.
Makalipas ang isang oras ay nag-ring ang telepono sa table ko. Agad ko iyong sinagot.
"Come to my office."
Napatingin ako kay Puppy. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko bago tumayo at pumasok doon. Nagdala ako ng folder para lang masabing may sadya ako.
Ano na naman kaya ang kailangan niya?
Agad niyang ibinaba ang blinds pagkapasok ko kaya bigla akong kinabahan. Nahalata niya yata kaya ngumiti siya nang nakaloloko.
"Relax. I won't bite you. I made a new contract for us."
Napakunot ako. "Contract?"
"Let's cancel the old contract. The curfew will be lifted from now on. You are no longer restricted, except if it harms your health."
Binuksan ko naman ang folder na may lamang kontrata na sinasabi niya.
"Love contract?" kunot-noong untag ko.
"Right."
"Kailangan pa ba 'to?"
Binasa ko ang ilang mga clause.
1. Both parties are not allowed to unilaterally end the relationship. Breakup shall only take effect if it is mutually agreed upon by both parties.
2. Both parties are not allowed to have close contact with the opposite sex.
Napanganga ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Tumaas naman ang isa niyang kilay.
"What? Is there something wrong? You mean, you still have plans to leave me?"
Dumaan ang sakit sa mga mata niya. Agad naman akong umiling.
"Bakit naman kita iiwan? Hindi ko kayang gawin 'yon."
"Then, sign it. I want a proof," tila batang untag niya.
Natawa na lang ako at pinirmahan na lang iyon. Nagliwanag naman ang mukha niya nang maibalik ko iyon sa kanya.
"I told you before, you should always read everything before you sign."
Napakunot ako at muling kinuha sa kanya ang folder. Tiningnan ko ang ikalawang page.
If one of the parties insists to break up, he/she will pay a fine of 10 trillion pesos to the other party.
"Seryoso? Kahit yata mamatay ako at ma-reincarnate nang ilang beses, hindi ko kayang bayaran ito," bulalas ko.
Tumayo siya saka hinila ako. Niyakap niya ako mula sa likod.
"Exactly. That's why you should only be my woman in this lifetime and for the next lifetimes," nang-aakit na bulong niya sa tainga ko.
Nanindig ang mga balahibo ko. Marahan kong tinanggal ang mga kamay niyang nakapulupot sa akin saka hinarap siya.
"Kahit ano'ng mangyari, hindi na kita iiwan. Haharapin natin ang lahat nang magkasama," seryosong untag ko sa kanya.
Sumilay ang ngiti sa labi niya. "I love you so much!"
Tinitigan ko siya sa mga mata. May mga bagay talaga na nakatadhana nang mangyari. Na kahit anong pilit mong takasan, babalik at babalik pa rin ito sa dati. Katulad na lang ng pagmamahal namin para sa isa't isa.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro