Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 44

Defying His Rules

SAKTONG kalahating oras bago mag-alas otso ay tumawid ako sa kabilang kalye para pumasok sa Bustamante Prime. Maaga pa akong umalis kanina. Siguro ay mga alas sais ng umaga. Dumaan ako rito sa fast food na nasa katapat na kalye ng office.

Marami akong nakasabayan sa pagpasok sa elevator. May mga mangilan-ngilang empleyadong napapatingin sa akin. Lalo na sa noo ko na may adhesive bandage pa. Pansin kong nadagdagan ng guards ang lobby. Maging sa entrance papuntang elevator area.

Hindi na ako pumasok kahapon pagkalabas ng ospital kasi alanganin na. Nagkulong lang ako sa kuwarto buong maghapon. Lumabas lang ako para kumain. Pero siyempre nagluto ako ng sarili kong pagkain kahit hindi gano'n kasarap, at least ako lang ang nakakaalam. Ilang beses din akong kinatok ni Puppy pero hindi ko siya pinagbuksan.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa department namin ay napatingin sa akin ang lahat.

"Okay ka na ba, Divine? Na-ospital ka raw," untag ni Lucia.

Nagulat ako na alam nila pero pinili ko na lang na ngumiti ako at tumango.

"Maliit na sugat lang naman. Malayo sa bituka."

Mukhang idinaldal ni Vanessa ang nangyari sa akin. Hindi naman siguro niya naiwasan dahil baka may nagtanong kung bakit absent ako.

Inayos ko ang mga folder na nakapatong sa lamesa ko. Ang iba ay galing kay Sir Joefel. May mga sticky notes pang nakakabit sa ibang pages. Mukhang may mga kailangan akong ulitin. Binuksan ko na rin ang computer ko, marami akong emails.

Eksaktong quester to eight ay dumating ang magkasintahang Sir Joefel at Vanessa. Napatigil sila nang makita ako.

"Himala, nauna ka sa amin ngayon," puna ni Vanessa.

Nagkibit-balikat lang ako at binati silang dalawa.

"Divine, you can just give those documents later to Gaston once you're done."

Tumango ako.

"Hindi mo siya kasabay?" pagkuwa'y tanong niya. Napatingin yata siya sa office ni Puppy. Nakataas kasi ang blinds kaya kitang wala pa siya.

Pansin ko ang pagtingin sa akin ni Vanessa nang makahulugan bago siya pumasok sa cubicle namin.

"Hindi po, Sir."

Nagpatay-malisya ako. Sa tingin ko ay may alam talaga silang dalawa na nagkabalikan kami ni Puppy pero iyon nga lang ay hindi kami okay.

"I see. Anyway, just finish anything that you can finish today. Don't force yourself. May bukas pa," bilin ni Sir Joefel bago pumasok sa sarili niyang office.

Agad naman akong hinila ni Vanessa paharap sa kanya.

"Umamin ka nga. May LQ ba kayo ni Sir Gaston dahil sa nangyari? Huwag ka nang magkaila, alam kong nagkabalikan kayo ayon sa reliable source ko," aniya.

"Sinong reliable source?"

"Sino pa? E 'di ayon!" untag niya sabay nguso sa opisina ni Sir Joefel.

Napailing na lamang ako. Tiyak kay Puppy nakuha ni Sir Joefel iyon. Siyempre magkaibigan sila.

"Alam mo ang epal talaga ng Shelley na 'yon! Ayaw ko na nga siyang tawaging Ma'am. Hindi naman niya deserve,"panggagalaiti niya.

"Buti nga ipina-ban na siya rito sa Bustamante Prime at sa lahat ng building na pagmamay-ari ng kompanya. Lalo na ang mga condominium, hotel, at mall."

Namilog ako. "Seryoso?"

"Ay, hindi mo alam? May bumabang memo kahapon. Lahat ng security personnel nga ay kinausap ni Joefel kahapon sa utos ni Sir Gaston."

Hindi ko akalain na gagawin iyon ni Puppy. Naawa ako nang slight kay Shelley pero sa tingin ko ay mabuti na rin siguro para hindi na siya makapanggulo pa.

Napabuntonghininga na lamang ako.

"Pero hindi ba talaga kayo okay ni Sir Gaston? Alam na kaya ng lahat na kayo na. Nagpapatay-malisya lang ang mga 'yan. Takot lang nilang masisante kapag nahuli silang nangtsitsismis," mahinang dagdag pa niya sabay tawa.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Kaya pala kakaiba ang tingin sa akin ng mga empleyado kanina.

"Siyempre, sa HR pa lang alam na nila. Sa kanila kasi unang tumawag si Sir Gaston para ipaalam ang nangyari sa 'yo. Tapos no'ng nag-KTV tayo iba rin ang treatment niya sa 'yo kaya halata ng mga kasamahan natin. Tapos may nakakita pa raw sa inyo sa parking lot na—uhm!"

Tinakpan ko ang bunganga niya saka pinandilatan.

"Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo."

Sumang-ayon siya kaya tinanggal ko ang kamay ko. Pero nginisihan naman niya ako nang nakaloloko.

"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit kayo LQ. Kung si Shelley ang dahilan, hindi mo naman kailangang ma-threaten sa kanya kasi sobrang obvious naman na walang gusto si Sir Gaston do'n. Sa 'yo lang siya patay na patay." Humagikhik pa siya.

Napangiwi ako. Ayaw ko namang idetalye pa ang nangyari kasi hahaba pa ang usapan. Isa pa, hindi ito ang tamang oras para makipagkuwentuhan.

"Speaking of your boyfriend. Ayan na siya, oh!"

Ngumuso siya sa entrance. Napaayos naman ako ng upo saka pasimpleng sumulyap doon. Naglalakad nga siya papasok pero mukhang papalapit sa cubicle namin ang direksyon. Binati siya ng mga empleyado pero tinanguan lang niya. Ramdam kong sa akin siya nakatingin nang diretso.

Kinabahan ako nang slight.

Inaasahan kong susumbatan niya akong umalis nang maaga pero nagulat ako nang may ipinatong siya sa lamesa kong lunch box.

"I brought you breakfast. Baka magutom ka."

Napaiwas ako ng tingin. Kinindatan ako ni Vanessa nang nakaloloko.

"Ku...Kumain na ako diyan sa labas," mahinang tugon ko.

"I see." Mukha siyang nalugi.

"I will just give this to the staff then."

"Ay, Sir, akin na lang po!" mabilis na deklara ni Vanessa.

Pasimple ko siyang pinandilatan pero hindi niya ako pinansin. Bruha talaga.

"Salamat, Sir!" untag niya nang maibigay na iyon sa kanya.

"You're welcome. You can share it with Joefel. That's good for two people. I am supposed to eat my breakfast here, but no one's going to eat with me," aniyang nakatingin sa akin.

Napaawang kami ni Vanessa.

"Ay, e 'di ibabalik ko na lang po—"

"There's no need. I lost my appetite. You can have it."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya at dire-diretsong nagtungo sa opisina niya. Nasundan siya ng tingin ni Vanessa.

"Hala, kawawa naman si Sir. Hindi na nag-agahan dahil hindi mo sinabayan. Makipagbati ka na kasi sa kanya," pabulong na untag niya.

Umirap lang ako.

"Ay, ang sungit nito. Nag-effort na nga si Sir, e. Kung ano man ang pinag-awayan ninyo, huwag mong hayaang maging pa iyon dahilan para tuluyan kayong masira. Wala namang perpektong tao sa mundo. Kung may pagkakamali siya, e 'di pag-usapan ninyo para maayos niya."

Bumuga lang ako ng hangin. Ang totoo'y nakapag-isip-isip na ako kagabi pa. Nag-sorry naman na siya kahapon. At mukha naman siyang sincere. Tapos naisip kong baka nabigla lang siya sa nabasa niyang medical report kaya nasabi niya iyon sa akin.

Napatawad ko na siya. Pero masama pa rin talaga ang loob ko kaya next time na lang ako makikipagbati sa kanya.

"Tingnan mo si Sir, panay ang tingin niya rito. Malamang malungkot 'yan kasi hindi mo siya sinabayan kumain," pabulong na pang-aasar ni Vanessa.

Hindi man lang kasi nagbaba ng blinds ang boss. Hay.

Iniwasan ko na lang na mapatingin sa opisina niya dahil baka mahuli pa niya akong tinitignan din siya.

Thirty minutes bago mag-lunch break ay hinila ako ni Vanessa saka inilahad ang cellphone niya.

"O-order ako ng lunch. Ano'ng gusto mong kainin?"

"Ano ba'ng meron?" untag ko naman.

"Itong chicken, sweet and spicy ba o original flavor?"

Napasulyap ako sa opisina ni Puppy. Nakababa na ang blinds niya. Mukhang busy siya sa pagtatrabaho.

"Ah, half-half na lang. Para maiba naman ang kakainin natin. Puro na lang tayo sa pantry kumakain, e."

Inikutan ko na lang ng mga mata ko si Vanessa. Tinanong pa niya ako, e siya naman pala ang magde-decide.

Saktong lunch break ang dumating ang order namin. Nagulat pa ako kasi ang dami. Ipinadiretso na lang namin sa pantry para roon na kumain. Bumili na rin kami ng soda. Mayroon din kasing vendo machine sa pantry.

"Ano'ng meron? Bakit bigla kang nanlibre?" untag ko nang makaupo na kami.

"Payday na kaya ngayon, hindi mo naaalala? Nauntog ka lang, e. Siguro hindi ka pa nagche-check ng payslip, 'no? Mag-log in ka kaya sa employee portal."

Nasapo ko ang noo ko. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Pero tiyak naman na maliit lang ang sasahurin ko kasi ang dami kong absent. Hindi naman yata paid leave ang mga iyon.

"Mamaya titingnan ko. Si Sir Joefel ba hindi sasabay sa atin?" naitanong ko.

"Susunod na 'yon. At saka hindi ako papayagan niyon mag-fastfood palagi kaya hindi ko ipinaalam na um-order ako. Wala naman siyang magagawa kasi nandito na. Tiyak na kakain din 'yon."

Natawa ako. Pero bigla kong naalalang hindi rin pala ako pinapayagang mag-fastfood ni Puppy. Buti na lang pala at hindi kami bati kaya malaya akong makakakain ng kahit anong gusto ko. Mamayang uwian ay dadaan ako sa convenience store, bibili ako ng kaunting chips. Na-miss ko na kasing kumain no'n dahil simula nang lumipat ako sa Spire hindi na ako nakakakain ng gano'n.

"Ano na naman 'yan, Vanessa?"

Napalingon kami nang marinig ang boses ni Sir Joefel mula sa likod. Saglit akong natigilan nang makitang magkasama sila ni Puppy Gaston.

Nag-puppy eyes si Vanessa sa boyfriend niya.

"Minsan lang naman tayong kumain ng ganito. Nakaka-miss na. Masarap kaya. 'Di ba, Divine?" untag niya.

Alanganing tumango ako. "Na-miss ko nga rin."

Umiling-iling lang si Sir Joefel bago umupo sa tabi ni Vanessa. Bago pa man ako makapagsalita ay umupo rin sa tabi ko si Puppy. Bale magkaharap sila ni Sir Joefel. Tapos kami naman ni Vanessa ang magkaharap.

"You're unbelievable," komento ni Sir Joefel.

Ngumisi lang si Vanessa, na animo'y naisahan niya si Sir.

Naramdaman kong sinipa ako ni Vanessa sa ilalim ng lamesa. Pasimple niyang inginuso ang katabi ko.

"Ito lang ang afford kong ilibre sa inyo, e. Kaya pagtiyagaan n'yo na lang. Hindi naman ako kasing yaman mo, 'no."

Sumuko na lamang si Sir Joefel sa pakikipagtalo kay Vanessa. Ako naman ay hindi mapalagay dahil sa katabi ko.

"Sir, salamat ulit sa breakfast kanina, ah? Kinain ko no'ng break," ani Vanessa. Mukhang naramdaman niyang na-a-out of place ang isa.

Tumango lang si Puppy saka nilagyan ng ulam ang plato ko kaya naagaw niya ang atensyon ng dalawa. Nagkatinginan tuloy sila at ngumiti nang makahulugan.

"Eat some more. You're too pale," masuyong sabi niya. Hindi alintana ang mga matang nakatingin sa amin sa kabilang lamesa.

"Kaya ko na," pigil ko sa kamay niya nang akmang lalagyan niya pa ulit. Agad ko naman siyang binitiwan nang mapagtanto kong nagdikit ang aming mga balat.

"You two really look good together. I'm glad you got back together," ani Sir Joefel.

Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ng mga empleyadong nakarinig. Napayuko na lamang ako. Pasimple kong pinandilatan si Vanessa na pigilan sa kadadaldal ang boyfriend niya kasi ang awkward. Pero nginisihan lang ako ng loka-loka. Napapikit na lamang ako.

Hindi ko tuloy na-enjoy ang pagkain ko kahit masarap kasi panay naman ang asikaso sa akin ni Puppy na parang okay na talaga kami.

Nagsalin ako ng soft drinks sa baso pero bago ko pa man mainom iyon ay may pumigil sa kamay.

"Have some water instead. It's not good for you," puna niya.

Tiningnan ko siya nang matalim. Lahat na lang pinapakialaman. Aba!

Agad niya namang binawi ang kamay niya at bahagyang natakot.

"You...You can actually drink soda occasionally," aniya.

Umirap lang ako saka dire-diretsong ininom iyon. Hindi naman nawawala ang pagngisi ng dalawa sa harapan namin.

Iyon yata ang pinakamatagal na 30 minutes ng buhay ko. Pagkatapos kumain ay dumiretso kami ni Vanessa sa restroom para mag-ayos. As expected, usap-usapan ng mga empleyado ang tungkol sa amin ni Puppy. May mga supportive naman, pero may mangilan-ngilang may side comment na taken na raw ang crush nila.

Nagbibingi-bingihan lang ako at umastang walang alam sa tuwing nakakasalubong ko ang mga empleyadong nakatingin sa akin nang makahulugan.

"Sir, meron po ba kayong compilation ng mga project na natapos n'yo na? Gagawan ko po kasi ako ng portfolio para sa client," untag ko nang makita si Sir Yeji na dumaan sa harap ng cubicle namin.

Napatigil naman siya saka hinarap ako.

"Yes. If you want a complete collection, puwede mong puntahan ang personal gallery ko. May mga miniature designs na rin doon. You can take photos and include them in the portfolio," aniya.

"Talaga, Sir?"

"Yup. Malakas ka sa 'kin, e. Here's the access card. I'll text you the address."

Napasuntok ako sa hangin nang inabot niya ang card.

"Salamat, Sir!"

"Don't mention it. For the designs, ibibigay ko na lang sa 'yo ang mga soft copy kapag na-compile ko na."

Tinapik niya ako sa balikat bago nagpaalam. Hinalikan ko ang card sa tuwa pero napatigil ako nang mapagawi ang mga mata ko sa opisina ni Puppy. Nakahalukipkip siya at nakatingin nang masama rito. Napaupo tuloy ako.

Pakiramdam ko biglang lumamig nang triple ang mga aircon sa loob ng office.

Balak ko sanang mag-out eksakto alas singko kinahapunan para maiwasan ko siya pero nauna pa siyang lumabas ng opisina niya saka tumambay sa harap ng cubicle namin ni Vanessa nang ilang minuto.

"Mauna na kami, ah? See you tomorrow!" untag ni Vanessa saka nag-flying kiss sa akin.

Aligaga naman ako sa pag-ayos mga nakapatong sa lamesa ko. Balewalang sinukbit ko ang bag ko para makasabay kina Vanessa at Sir Joefel sa elevator pero hinarang ako ni Puppy.

"Let's go home together," aniya.

Tiningnan ko lang siya saka nilagpasan.

"Kitten!" tawag niya.

Dali-dali akong pumasok sa unang elevator na bumukas. Hindi ko na naabutan sina Vanessa.

Agad akong dumiretso sa likod nang pumasok din ang ibang mga empleyado. Biglang napuno at muntik na akong maipit. Pero may humarang na mga braso sa harapan ko para protektahan ako. Pagkatingala ko ay halos magdikit na ang aming mga labi.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi man lang napansin ng mga empleyado na kasabay namin ang boss sa elevator dahil kanya-kanyang dutdot sila ng cellphone habang pumapasok kanina.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay nakarating na kami sa groundfloor. Dahil sa pinakalikod kami ay kami rin ang pinakahuling nakalabas. Nauna ako siyempre pero panay pa rin ang sunod niya sa 'kin hanggang sa makalabas na ng building.

"Sinusundan mo ba ako?" mataray kong saad nang hindi na ako makatiis.

"I'm also going home," balewalang sabi niya.

"May sasakyan ka, 'di ba? Bakit hindi ka sa parking lot bumaba?"

Nagkibit-balikat siya. "I also want to take a stroll while going home. Masama ba 'yon?"

Napairap ako at muli siyang tinalikuran para baybayin ang gutter ng kalsada. Hindi ito ang main road kaya kaunti lang ang dumadaang sasakyan. Mostly ay mga unit owners lang na may sasakyan.

Nakalimutan ko na tuloy dumaan sa convenient store dahil sunod siya nang sunod sa akin.

"Kitten, until when are you going to ignore me?" untag niya nang makarating kami sa kalagitnaan.

Inikutan ko lang siya ng mga mata saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Pero sinabayan niya ako at nilagpasan pa. Nakaharap siya sa akin habang naglalakad siya nang paatras.

"Can we dine outside this evening?"

"May curfew ako nang alas siete." Tinarayan ko siya.

Napakamot siya ng ulo. "Then, can we talk?"

"Nag-uusap na tayo. Ano pa'ng tawag dito?"

Nalaglag ang mga balikat niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mabubunggo na siya sa puno sa kaaatras. Kaya madali ko siyang hinila. Kaya lang natumba kami at kumaibabaw siya sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil isang pulgada na lang yata ang agwat ng mga labi namin. Nagkatitigan kami. Kita ko ang pagkislap ng mga mata niya. Namilog ako at agad na iniwas ang labi ko nang akma niyang ibinaba ang mga labi niya kaya sa pisngi ko iyon nag-landing.

Agad ko siyang itinulak saka tumayo. Pinagpag ko ang mga kamay ko.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya saka tiningnan kung nasaktan ako.

Pinulot ko ang mga laman ng shoulder bag kong natapon. Nakabukas pala iyon, hindi ko napansin. Tinulungan naman niya ako. Pero nakuha niya ang access card na ibinigay sa akin kanina ni Sir Yeji.

"You don't need this," aniya saka ibinulsa iyon.

"Ibalik mo 'yan!"

"Not a chance." Ngumisi siya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka tinalikuran. Mabuti na lang at ilang metro na lang ang layo namin sa Spire Towers.

"Kitten, wait!"

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad. Nakasunod pa rin siya sa akin hanggang sa makapasok na ako sa elevator.

Pagkarating sa unit ay dire-diretso akong pumasok sa kuwarto. Nagpahinga muna ako nang ilang minuto bago nag-shower. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako. Nagugutom na rin kasi ako. Tiyak na tapos na siyang magluto ng hapunan dahil ang tagal ko. Titiisin ko na lang muna ang makaharap siya sa hapag kaininan. Tiningnan ko ang oras, pasado alas siete na pala ng gabi.

Pagkalabas ko sa sala ay naabutan ko siya sa sofa na nagkakalikot ng cellphone niya. Nakapagpalit na rin siya ng damit. Napangisi ako sa likod ng isip ko. Tiyak na nasa bulsa pa ng suit jacket niya ang access card na kinuha niya kanina.

Mayamaya'y nag-ring ang cellphone niya. Agad niya namang sinagot iyon.

"Yes? What is it?"

Nagpatay-malisya lang ako saka nagkunwaring nagse-cellphone rin.

"Got it. I'll be right there in a minute."

Nasundan ko siya ng tingin nang pumasok siya sa kuwarto niya. Iniwan niya ang cellphone niya sa center table.

Sino kaya ang nakausap niya? Bakit parang nagmamadali siya?

Tiningnan ko iyon dahil naka-unlock pa pero nanlaki ang mga ko nang pag-slide ko ng screen ay bumungad sa akin ang search engine niya.

How to Pacify a Mad Girlfriend

Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Iyon ba ang pinagkakaabalahan niya kanina?

Mabilis kong ibinalik ang cellphone niya nang lumabas siya ulit ng kuwarto. Nakabihis na siya ng pantalon at plain T-shirt.

"Something came up at the lobby. I'll be right back. Let's eat together, okay?" paalam niya sa akin.

Blangkong tiningnan ko lang siya. Kinuha niya ang cellphone niya saka nagmadaling umalis.

Nang makalabas na siya ay agad akong nagtungo sa kuwarto niya. Hinanap ko ang suot niya kanina. Nang matagpuan ko ang mga iyon ay inisa-isa kong tiningnan ang mga bulsa pero hindi ko mahanap ang access card.

Saan niya kaya inilagay iyon? Itinapon niya kaya?

Imposible. Hindi ko nakita kaninang itinapon niya.

Binuksan ko ang mga drawer na hindi naka-lock pero wala akong nakitang card. Pati ang ilalim ng kama niya ay tiningnan ko na rin.

Napabuntonghininga ako. Pawisan na rin kasi ako. Lagpas 15 minutes na yata akong naghahanap pero hindi ko pa rin iyon makita.

Nakita ko ang isang vault pero kailangan ng combination. Mukhang nando'n iyon. Napanguso na lang ako sa inis.

Lalabas na sana ako ng kuwarto niya nang mapansin kong nag-click ang lock ang pinto.

Nandito na siya agad?

Madali akong naghanap ng matataguan. Sa taranta ko ay napunta ako sa terrace.

"Where is she?" dinig kong untag niya.

Patay. Mukhang hinahanap niya ako. Malamang nagtaka siya nang hindi niya ako matagpuan sa sala at sa kuwarto ko pagkarating niya.

Pigil hiningang napapikit ako. Pero nasagi ko ang isang paso kaya natumba iyon at naglikha ng ingay.

"Who's there?"

Napangiwi ako nang lumabas din siya sa terrace. Halos takpan ko ang pagmumukha ko.

"Kitten? You're here?" tila nakahinga nang maluwag na untag niya. Ibinulsa niya ang cellphone niya. Mukhang tatawag pa sana siya sa kung sino para hanapin ako.

"I've been looking for you since I came back. Nandito ka lang pala. What are you doing here?" takhang tanong niya.

Napakamot ako ng ulo at wala sa sariling itinuro ang langit.

"Nagbibilang ng stars."

"Huh?"

Napatingala siya sa kalangitan.

"I can't see any stars though."

Nanlaki ang mga mata ko at tumingala rin. Wala ngang stars. Puro mga ulap lang. Nasapo ko na lang ang noo ko. 

"Uhm..."

Umangat ang sulok ng mga labi niya. Bigla siyang lumapit kaya napaatras ako.

"It's okay. You can enter my room anytime you want."

Umiwas ako ng tingin pero na-corner niya ako ng maramdaman ko ang railings sa likod ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"Why don't you move into my room so we can sleep together?" nang-aakit na untag niya.

Napanganga ako.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro