Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 43

So Near Yet So Far

NARIRINIG ko ang iba't ibang boses pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. Sobrang sakit kasi ng ulo ko. Pakiramdam ko ay mababasag iyon kahit kaunting galaw lang.

Nasaan ako?

"When will she wake up, Doc?"

Boses iyon ni Puppy. Teka, nasa ospital ba ako?

"We can't really tell. We just have to wait. Epekto rin ng gamot kaya mahaba ang pagtulog niya. But she's definitely far from any danger. There's nothing for you to worry about. Wala naman siyang internal head injury. Just call our attention when the patient wakes up."

"I will, Doc. Thanks."

Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Mukhang nasa ospital nga ako.

Nagsimulang manikip ang dibdib ko nang maalala ko na ang nangyari. Nawalan siguro ako ng malay kaya napunta ako rito.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Kahit nakapikit ako ay alam kong lumapit sa akin si Puppy. Naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at dinala sa mga labi.

Gusto ko sanang bawiin iyon pero parang wala akong lakas. At gusto ko na lang na steady nang ganito ang posisyon ko sa paghiga.

"You've been asleep for more than 12 hours. When are you going to wake up?" kausap niya sa 'kin.

Pigil na pigil kong gumalaw. Masama ang loob ko sa kanya.

Alam kong wala akong karapatang magalit sa kanya kasi may pagkakamali naman talaga ako sa nangyari sa baby namin. Pero bakit hindi man lang niya ako pinakinggan muna? Naniwala agad siya kay Shelley. Tapos nabunggo pa ako sa cabinet. Ang sakit talaga ng ulo ko.

Hindi ko matanggap na parang mamamatay-tao rin pala ang tingin niya sa 'kin.

Muntik na akong mapangiwi nang paulit-ulit niyang hinalikan ang kamay ko. Hindi pa siya nakontento. Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa pisngi ko. Kaunting-kaunti na lang talaga at mabubuking na akong gising.

Ayaw ko kasi siyang kausapin. Hindi ko kaya. Baka kasi may masabi pa ako sa kanyang hindi maganda kaya hangga't maaari ay iiwasan ko muna siya.

Narinig ko na naman ang pagbukas at pagsara ng pinto. Mukhang may pumasok sa kuwarto.

"Hindi pa rin ba siya nagigising?"

Muntik na akong mapadilat nang wala sa oras. Boses iyon ni Ate Angelica!

Nandito rin siya?

"The doctor said she is safe now. Pero hindi ko pa alam kung kailan siya magigising, " dinig kong sagot ni Puppy.

"Epekto nga lang 'yan siguro ng gamot. Mabuti na lang pala hindi gano'n kalakas ang pagkakabunggo niya."

Malalim na bumuntonghininga si Puppy.

"I'm really sorry about what happened. It's all my fault."

Hmp! Sa akin siya may kasalanan pero kay Ate Angelica siya nagso-sorry. Magsama sila ni Shelley na parehong judgmental. Naiinis pa rin ako kapag naaalala ko.

"Kanina ka pa sorry nang sorry. Hindi mo naman sinasadya ang nangyari, 'di ba? Isa pa, grateful naman ako kasi inalagaan mo ang pinsan ko. Hindi ko akalain na ikaw pala ang ama ng naging baby niya."

Muntik na akong mapasinghap. Tama ba ang pagkakarinig ko? Mukhang marami nang alam si Ate Angelica. Idinilat ko ang kabilang mata ko para silipin sila. Nakatagilid sila at hindi nakatingin dito kaya hindi nila napansin na gising ako.

"O, siya. Ako na muna ang magbabantay sa kanya. Bilhin mo na muna 'yang mga bagong niresetang gamot sa kanya," ani ng pinsan ko.

"Thanks, I'll be right back."

"Kumain ka na rin kaya muna? Hindi ka ba nagugutom? Hindi ka nag-dinner kanina."

"I'm fine. I can't leave her like this."

"Ako nga muna ang magbabantay sa kanya. Kumain ka. Baka mag-alala pa sa 'yo ang pinsan ko kapag nalaman niyang nagpapagutom ka."

Muling bumuntonghininga si Puppy bago pumayag. Pumikit ako ulit nang bigla siyang bumaling sa kama ko.

"Please call me right away once she wakes up."

"Okay. Okay. Sige na."

Muli akong dumilat pagkatapos kong marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Nakalabas na nga si Puppy. Sinulyapan ko si Ate Angelica, busy siya sa kadudutdot ng cellphone niya. Mukhang may ka-text.

"Ate..."

Awtomatikong napabaling siya sa akin.

"Gising ka na!" bulalas niya.

"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong.

Napangiwi ako. "Nahihilo ako, 'te. Pero bearable naman. Puwede bang makahingi ng tubig?"

"Ay, teka. Saglit lang."

Dali-dali naman siyang kumuha. Malaki ang kuwarto. Mukhang nasa private room ako. May lamesa at may refrigerator. May TV rin na nakasabit sa pader.

"Wait, huwag ka munang bumangon kung nahihilo ka."

Lumapit si Ate Angelica saka itinaas ang recliner ng kama ko. Pagkatapos ay inalalayan niya akong uminom. Actually, kanina pa talaga ako nauuhaw. Kaya lang ang tagal umalis ni Puppy.

"Salamat, 'te."

"Anong salamat?" irap niya sa akin habang ibinabalik ang baso sa lamesa.

"Alam mo bang sobra mo kaming pinag-alala? Tinatawagan kasi kita pero boses ng lalaki ang sumagot at sinabing nasa ospital ka raw. Pati si nanay nataranta dahil sa 'yo."

"Pumunta rin dito si Tiyang Solana?" kinakabahang tanong ko.

"Oo. Pero pinauwi ko na kasi masama sa kanya ang pagpupuyat. Alam mo naman 'yon sakitin na."

Napabuntonghininga ako. Tiyak na nakarating na sa probinsya ang nangyari sa akin kung gano'n.

"Teka, tatawag ako ng doktor."

"Huwag na muna, 'te. Mamaya na. Okay lang naman ako," pigil ko sa kanya.

Nagtatakang tiningnan naman niya ako bago muling umupo sa upuang katabi ng kama ko. Hinawakan niya ako sa kamay.

"Okay. Pero bakit hindi ka man lang nagkuwento sa akin na president pala ng malaking kompanya ang ex mo? At doon ka pa talaga nagtatrabaho!" namimilog ang mga matang bulalas ni ate. Halos kurutin niya ako sa gigil.

Umiwas lang ako ng tingin.

"Teka, nagkabalikan ba kayo?" halos mag-hysterical niyang tanong.

Napapikit ako. "Ang ingay mo, 'te. Nahihilo pa ako, e."

Pinanlisikan niya ako ng mga mata. "Akala mo ba hindi ko nahalata ang kung paano ka niya tingnan kanina habang tulog ka? Alalang-alala siya sa 'yo at panay sorry pa siya sa akin kasi kasalanan niya raw ang nangyari. At saka naikuwento niya na sa akin lahat ng nangyari kaya huwag ka nang magkaila."

Napasimangot ako. Kahit na narinig ko mismo kanina ang pinag-uusapan nila ay hindi pa rin nawawala ang sama ko ng loob. Naninikip pa rin ang dibdib ko sa tuwing naalala kong inakusahan niya akong mamamatay-tao.

"Nga pala, isinalaysay ko na rin sa kanya ang nangyari sa 'yo noon kaya baka tutulungan niya tayong makapag-file ng kaso sa snatcher na 'yon. Pero kakailanganin mo pa rin magbigay ng statement kapag nag-file na tayo ng police report."

Tipid lang akong ngumiti. Mukhang wala na pala akong kakailanganing ipaliwanag pa dahil alam na ni Puppy ang lahat. Ang tanong na lang ay kung naniniwala ba siya?

"Ate, kailan ba ako makalalabas dito?" pag-iiba ko ng usapan.

Nailibot ko na naman ang paningin ko sa buong kuwarto. Tiyak na ginto na naman ang gastusin dito.

"Hindi ko alam. Si Gaston ang kumausap sa doktor, e. At saka sigurado ka bang okay ka na?"

Tumango ako. Pakiramdam ko ang kapal ng noo ko. Hinipo ko iyon. Nakabenda pala.

"Wow, first name basis. Close kayo, 'te?" puna ko. Ngumisi lang siya.

"Ano ba dapat, bayaw?" pang-aasar niya.

Inirapan ko si ate. Simula ngayon landlord-tenant relationship na lang ang mayroon kami. Wala nang Puppy at Kitten. Tutal kriminal naman pala ang tingin niya sa 'kin.

"May feelings ka pa sa kanya, ano? Titira ka ba sa isang condominium unit kasama siya kung hindi mo pa rin siya gusto?"

"Landlord ko nga lang siya, 'te. Nagbabayad ako roon."

"Sus, excuse lang 'yon. Ang totoo nagkabalikan siguro talaga kayo. Kung gano'n bakit hindi mo agad sinabi sa kanya ang tungkol sa nangyari sa 'yo? Tingnan mo tuloy napunta ka pa sa ganitong sitwasyon."

Saglit akong natahimik.

"Alam mo, ate, noong hindi pa kami nagkikita memoryado ko na ang sasabihin ko sa kanya. Pero iba pala kapag kaharap mo na siya. Nabablangko ka. Lahat ng klase ng takot at pag-aalinlangan ay nararamdaman mo."

"Sabagay, kung ako rin ang nasa sitwasyon mo mag-aalinlangan din ako. Lalo na kung sa isang katulad niya. Bakit hindi ka na lang makipagpabalikan sa kanya for real? Sayang ang gandang lahi."

"Ate!"

Humagikhik lang siya. Huminga ako nang malalim.

Naisip kong sa tuwing may magandang nangyayari sa relasyon amin ni Puppy ay laging may sakit na kapalit. Mula pa noon. Siguro signs na ang mga iyon na hindi talaga kami para sa isa't isa. Ang dami kasing balakid. Tapos nasasaktan pa namin ang isa't isa. Nasaktan ko siya noon at nasaktan niya rin ako ngayon.

"Teka, tatawagan ko lang siya para ipaalam na gising ka na-"

"Ate, huwag!" agad kong pigil.

Napakunot naman siya sa 'kin. Mapait akong ngumiti.

"Ayaw ko muna siyang makausap hangga't maaari, ate."

Nagmamakaawang tiningnan ko si ate sa mga mata. Marahan naman siyang tumango at bumuntonghininga.

"Payo lang, insan. Normal lang naman na sumama ang loob mo sa kanya, pero timbangin mong mabuti sa puso mo kung alin ang mas mahalaga sa 'yo. Take your time, pero huwag mo siyang takasan habang buhay. Harapin mo siya."

Tumango ako. "Huwag muna sa ngayon, 'te. Magulo pa kasi ang isip ko."

Isa pa ay hindi rin ako sigurado kung tama bang hiwalayan ko na lang si Puppy. Mahal ko siya pero masama rin ang loob ko.

"O, siya. Sige na, mahiga ka na ulit. Pagbalik no'n tiyak na may dala na siyang pagkain. Hindi na kasi ako nakabili kanina sa kamamadali kong makabalik dito. Tatawag lang ako ng doktor."

Nagpasalamat lang ako saka muling pumikit. Pero hindi na kasi ako inaantok kaya nang pumasok ang doktor at nurse ay dumilat na akong muli.

"How are you feeling, Miss Ramos?"

"Kaunting hilo na lang po at kirot sa noo ko."

"I see. Your small wound might leave a scar. Kung gusto mo ire-recommend kita sa kakilala kong surgeon para matanggal."

"Ay, hindi na po. Maliit na sugat lang naman pala."

Ngumiti at tumango lang ang doktor.

"Actually, puwede ka nang lumabas mamayang hapon. Tatanggalin na lang natin mamaya ang benda mo at papalitan. Kailangan mo lang ng pahinga, then you're good."

"Salamat po, Doc."

Tiningnan pa nila ulit ang vital signs ko saka nagbilin ng mga precautions bago lumabas. Kung ako lang ang masusunod ay gusto ko nang lumabas, kaya lang mag-a-alas tres pa lang ng madaling araw.

"Ate, may pasok ka pa mamaya sa school, 'di ba? Umuwi ka na lang po kaya?" suhestiyon ko.

"Huwag kang mag-alala, dala ko na ang uniform ko at bag. Dito na ako maliligo mamaya tapos didiretso na ako sa school. Sigurado ka bang magiging okay ka kasama ni Gaston?"

Tumango ako. "Masama lang ang loob ko, 'te. Pero wala sa lugar kung mag-iinarte ako. Isa pa, wala pa akong pambayad sa ospital. Siya lang ang alam kong puwedeng utangan, e."

"Sira! Naisip mo pa talaga 'yon? Sa yaman niyang 'yon, tingin mo pababayaan ka niya rito."

"Hay. Hindi mo naiintindihan, 'te. Matulog ka na nga. Matutulog na rin ako," untag ko.

"Hindi ka ba nagugutom?"

Umiling ako. Napailing lang siya saka humiga sa pahabang sofa.

Hindi naman na ako inaantok talaga. Ayaw ko lang maabutan ako ni Puppy na gising. Kaya pinilit ko na lang ang sarili kong makatulog.

....

NAALIMPUNGATAN ako nang makarinig na naman ako ng mga nagbubulungang boses. Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Mukhang umaga na rin kasi lumulusot ang sinag ng araw sa bintana.

Nagulat ako nang makita si Vanessa at Sir Joefel. Maging si Puppy na nagbabalat ng prutas malapit sa gilid ko.

"Oh, gising na ang sleeping beauty!" bulalas ni Vanessa kaya napabaling sa akin ang atensyon nilang lahat.

Agad na lumapit sa akin si Puppy. Hinawakan niya ang kamay ko pero agad kong binawi iyon. Nagulat siya sa ginawa ko. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Pinag-alala mo kami, girl. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Ngumiti lang ako. "Okay na ako. Puwede na nga akong umuwi, e."

Hinanap ng mga mata ko si Ate Angelica pero hindi ko na siya makita.

"Your cousin has already left for school," ani Puppy. Mukhang nahalata niyang hinahanap ko nga ang pinsan ko.

"Ano'ng gusto mong kainin, girl? Ibibili kita."

Hinila naman ni Sir Joefel si Vanessa at pasimpleng inginuso si Puppy.

"What do you want to eat?" agaw-pansin sa akin ni Puppy. Umupo siya sa tabi ko at muling sinubukang hulihin ang kamay ko pero agad akong umiwas. Ipinasok ko iyon sa loob ng kumot.

"Vanessa, alam mo naman ang password sa computer ko, 'di ba? Puwedeng ikaw na lang ang mag-send ng file kung sakaling may hihingin si Sir Joefel? Papasok naman ako mamayang hapon," untag ko.

Napangiwi si Vanessa at nagkatinginan silang tatlo.

"Seryoso ka, girl? Trabaho pa rin ang iniisip mo sa lagay mong 'yan?"

"Malayo naman sa bituka. Nauntog lang ako, pero kaya ko naman magtrabaho. Saka ang haba na ng pahinga ko."

"Sira! Magtigil ka. Mag-beauty rest ka pa. Ako muna ang bahala sa work mo. Bumalik ka lang kapag kaya mo na."

Bumuntonghininga lang ako.

"You haven't eaten anything since last night. Have some," ani Puppy sabay lahad sa akin ng chicken noodle soup. Naalala kong iyon din ang nilantakan ko kahapon.

"Hindi ako nagugutom," kaswal kong tugon.

Pero pare-pareho kaming natahimik nang tumunog ang tiyan ko. Nakangising tumingin sa akin si Vanessa nang matauhan siya.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Traidor talaga itong tiyan ko.

"Kaya ko na po," untag ko nang akmang susubuan ako ni Puppy.

Kinuha ko sa kamay niya ang bowl. Naglagay naman siya ng overbed table para may mapatungan ako.

Ramdam ko ang paninitig nila habang kumakain ako. Naaasiwa ako lalo na kay Puppy. Mabuti na lang at mukhang hindi nakakahalata si Vanessa na may mali.

"I'm glad you're okay now, Divine. Pero magpahinga ka pa rin," untag ni Sir Joefel.

"Salamat po sa pagdalaw ninyo, Sir. Pero lalabas naman na po ako mayamaya. Sabi ng doktor okay naman na po ako," untag ko.

"That's good to hear. Anyway, we have to go. It's almost eight."

"Sige po, Sir. Salamat po ulit."

"Bye, girl! Pahinga ka, ah!"

Pinisil ako ni Vanessa sa kamay. Nagtapikan naman sa balikat ang dalawang lalaking boss namin, pagkatapos ay magkaakbay na lumabas ng kuwarto ang magdyowa.

Mahabang katahimikan ang namayani pagkatapos umalis ng dalawa. Iniiwasan kong mapatingin sa gilid ko.

"Are you sure you're okay now?" pagkuwa'y tanong niya. Siguro ay hindi niya na matitiis ang nakabibinging katahimikan.

"Gaya ng sabi ko, Sir, kaya ko na ngang pumasok sa trabaho. At saka masyadong mahal dito. Mapapagastos ako," seryosong sabi ko sabay tingin sa kanya.

Saglit siyang napaawang sa sinabi ko. Ayaw ko na ngang magkaroon ng utang na loob sa kanya.

"You don't have to worry about the hospital bill. I'll take care of it," masuyong untag niya.

"Sabagay, wala akong cash on hand ngayon. Pero hihingin ko po ang resibo, ah? Para alam ko kung magkano ang babayaran kong utang. Kung puwede nga po, salary deduction na lang, paunti-unti?" alanganing untag ko.

Napabuga siya sa ng hangin. May dumaang kung anong emosyon sa mga mata niya. Baka nakokonsensya siya na dahil sa kanya kaya na-ospital ako.

"I will settle the bill. Just take a rest. I'll be right back," aniya.

Kinuha niya ang overbed table saka inayos ang pinagkainan ko. Ilang minuto pagkalabas niya ay pumasok ang nurse. Ipinatanggal ko na ang nakakabit na suwero sa 'kin. Pumasok na rin ako sa banyo para magpalit ng damit. Mabuti na lang pala at dinalhan ako ni Ate Angelica ng damit.

Saktong pagkalabas ko ng banyo ay siya ring pagpasok ni Puppy sa kuwarto. Nagkagulatan pa kami. Tiningnan niya ang kabuuan ko.

"Are you really that eager to go home?" komento niya.

Tumango lang ako nang hindi nakatingin sa kanya. Puwede na nga akong makipaghabulan kung tutuusin.

Bumuntonghininga na naman siya.

"Alright, let's go."

Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tiningnan ko lang iyon saka nilagpasan siya. Binitbit ko ang maliit na bag na iniwan ni Ate Angelica para sa akin.

Pero hindi pa man ako nakararating ng pinto nang inagaw niya iyon sa kamay ko. Walang ganang tiningnan ko lang siya saka nagdire-diretsong lumabas.

Tatawid sana ako sa kabilang lane para mag-abang ng dyip nang may humimpil na sasakyan sa harapan namin. Si Kuya Presto iyon.

Pinagbuksan ako ni Puppy ng pinto sa backseat kaya saglit ko siyang tiningnan. Naisip kong kasalanan naman niya kaya ako napunta rito kaya okay na rin na pagsisilbihan niya ako nang slight.

Inalalayan niya pa akong pumasok. Ayaw ko sanang mahawakan niya pero mauuntog siya kung itutulak ko siya. Kaya hinayaan ko na lang. Umikot din siya at pumasok sa kabila kaya magkatabi kami.

Pero hindi ko talaga matagalan ang madikit sa kanya kaya lumayo ako at nagsumiksik sa bintana. Ramdam ko ang paninitig niya at sunod-sunod na pagbuntonghininga.

Hindi ako umimik buong biyahe. Mabuti na lang at kinakausap niya si Kuya Presto.

Pagkarating namin sa Spire Towers ay nauna rin akong bumaba bago pa man niya ako pagbuksan.

"Kitten!"

Nagbibingihan ako at binilisan ko ang paglalakad papasok sa lobby. Halos tadtarin ko pa ng pindot ang button ng elevator para bumukas iyon. Pagkapasok ko ay agad kong pinindot ang floor ng unit. Pero bago pa man tuluyang magsara ang pinto ng elevator ay may pumigil na kamay.

Tiningnan niya ako nang mariin bago siya pumasok. Gumilid naman ako para magkaroon kami ng distansya.

Maghanap na lang kaya ako ng ibang apartment pagdating ng payday? Kung may choice lang ako, ayaw ko na sanang umuwi sa condo na 'to. Kaso ayaw ko namang umuwi kina Ate Angelica dahil mahirap nga at tiyak na sesermonan ako ni Tiyang. Ayaw ko namang maging pabigat sa kanila.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas au narating namin ang floor. Balak ko kasing magkulong na lang sa kuwarto,

Pero pagkapasok na pagkapasok ko sa unit ay bigla niya akong hinila kaya napaharap ako sa kanya nang hindi sinasadya.

"Can we...Can we talk?"

Bumuntonghininga ako. "Oo nga pala. Saglit lang, ah? May kukunin lang ako sa kuwarto," walang kangiti-ngiting untag ko.

Binitiwan naman niya ang kamay kong hawak niya. Tumalikod na ako at pumasok sa kuwarto.

Binuksan ko ang closet saka kinuha sa isang drawer ang medical records ko noong naospital ako at nakunan.

Pagkalabas ko ay nagulat pa ako nang makasalubong ko siya sa harap ng kuwarto ko. Mukhang inaabangan niyang lumabas ako.

Inabot ko sa kanya ang folder na hawak ko.

"Iyan ang patunay na hindi ko sinadyang ipalaglag ang bata. Hindi ko alam kung paano nagawang baguhin ni Shelley ang ibang detalye ng kopyang nakuha niya. Pero totoong induced abortion nga ang procedure na ginawa sa akin," kaswal na paliwanag ko.

Nalaglag ang panga niya. Na tila hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ko.

"This is not what I'm talking about. I already know what happened."

"I see," matabang kong tugon.

Sa totoo lang sumagi kasi sa isip ko na baka ipakulong niya ako. Mahirap pa naman hulaan ang iniisip niya.

"Paano mo nalaman? Dahil ba sinabi ni Ate Angelica o nagpaimbestiga ka?"

Nagulat siya. Napangiti lang ako nang mapait.

"Okay lang. Deserve mo naman kasi talagang malaman ang totoong nangyari kasi anak mo rin-"

Napasinghap ako nang bigla niya akong hinapit at niyakap nang mahigpit.

"I'm sorry. I wasn't there to protect you."

Napakunot ako. Pilit ko siyang kinakalas pero mahigpit ang pagkakayapos niya.

"Bitaw," malamig na saad ko. Nanunuot sa ilong ko ang amoy niya.

"I'm sorry. I'm sorry for doubting you. I'm sorry for hurting you."

Hindi ako gumalaw at hinayaan na lamang siya. Wala akong makapang emosyon sa puso ko.

"Kitten, I was wrong. Can we make up already? I can't stand it when you're ignoring me like this!" namamaos na sabi niya.

Marahas kong binaklas ang kamay niyang nakapulupot sa akin. Tiningnan ko lang siya nang malamig saka iniwanan.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro