Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

Gaston

MALAYO pa lang kitang-kita ko na ang pagtatlong linya ng noo ng best friend kong si Zia Lynn. Tingin ko nagmisa na naman ang Papa niya bago siya pinayagang umalis ng bahay nila. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang level ng pagkaistrikto ni Tito Rosendo, para namang mag-a-abroad ang anak niya kapag umaalis ng bahay nila. Kaya hindi ko madalas nakakasama sa mga lakad ko si Zia, eh, kasi lagi siyang hindi pinapayagan. Ngayon nga lang na gagawa kami ng group presentation mukhang katakot-takot na paalam pa ang ginawa ng BFF ko.

Hay, tingin ko talaga walang social life si Tito noong kabataan niya. Gumaganti sa mga anak niya, eh. Buti na lang talaga hindi gano'n kaistrikto ang Nanay at Tatay ko. Kung hindi nila ako papayagan, hindi rin ako maghuhugas ng mga pinggan para quits lang.

"Ang alam ko malayo pa ang undas, ah. Ano 'yan? Advance celebration?" untag ko nang makalapit na siya sa kinauupuan ko. Nandito kami sa kubo malapit sa bahay namin. Mas tahimik kasi rito kaya dito namin naisipang gawin ang power point presentation namin para bukas. May dala akong laptop, ibinili ako ni Tiyang Sol bago mag-enrolment sa college, para daw may gamitin ako sa mga research project ko.

Padarag na naupo si Zia sa pahabang upuan na nasa kabila ng lamesa. "Hay naku, si Papa pinaghinalaan pa akong may boyfriend at kikitain ko raw. Ayaw niyang maniwala na ikaw ang pupuntahan ko."

Natawa ako nang ngumuso siya. Maganda kasi ang best friend ko at ligawin ng mga boys, kaya hindi ko rin masisisi si Tito Rosendo kung higpitan siya. Sa school nga maraming pumuporma sa kanya pero ni isa ay wala siyang pinansin. Marami-rami rin naman ang pumuporma sa akin pero hindi ko na binilang, baka malula ako. Isa pa, nakalaan na ang puso ko para sa iisang lalaki lang, 'no.

"Ano, nasimulan mo na ba?" tanong niya sa akin.

Napakamot ako sa ulo sabay ngiti nang alanganin. "Saan ko naman kukunin ang ilalagay ko sa mga power point slides? Eh, na sa 'yo ang libro."

Napatampal siya sa noo. "Oo nga pala, pero 'di ba may libro ka rin?"

"Wala akong maintindihan, eh."

Napasimangot siya sa isinagot ko. Wala naman kasi talaga akong ma-gets. Nag-assign kasi ng topic ang professor namin sa Social Science. Hindi ko pa naman bet ang topic.

"Alam mo minsan gusto ko na talagang isipin na napilitan ka lang sa course natin," puna niya.

Napangiwi ako habang inilalapit sa kanya ang laptop para siya na ang gumawa. "Hindi, ah. Masaya naman ako sa BEED. Excited nga akong magturo sa mga bata someday."

"In fairness, halata sa mukha mong masaya ka nga," sarkastikong sabi niya. Napalabi ako.

Sa totoo lang Tourism Management sana ang gusto kong kunin. Gusto ko kasing maging flight attendant para makapunta ako sa ibang bansa. Pero walang gano'ng kurso sa state university na pinapasukan namin. Mayroon namang gano'n sa ibang eskuwelahan kaya lang private school, at nakakahiya naman kay Tiyang Sol, baka maubos ang ipon niya sa kagagastos sa akin. Mahal daw 'yong kurso na 'yon, eh. Siya na nga ang nagbabayad ng mga miscellaneous ko. Siya pa bumili ng mga uniform at libro ko. Hindi naman kasi subsidized ng government 'yong mga gano'n, tuition lang talaga ang libre sa akin. Siya rin nagbibigay ng allowance ko. Second choice ko naman talaga ang BEED. Buti na lang sana kung katulad ako ni Zia na matalino, may scholarship kasi siya.

Pangarap ko talagang makapunta ng ibang bansa, lalo na sa U.S. Gusto kong maka-experience ng snow. At saka gusto kong makita ang crush ko. Kailan kaya sila babalik?

Nangalumbaba ako sa lamesang gawa sa kawayan. Wala naman na yatang balak bumalik sina Señorito Gaston dito.

Tatlong taon na magmula nang bumalik sila sa Amerika pero hanggang ngayon wala pa rin akong balita kung kailan sila uuwi dito sa Pilipinas. Minsan naiisip kong baka nga nakalimutan na nila ako. Sinungaling din 'yong payatot na Timothy na 'yon. Irereto ko na lang talaga sa iba si Zia para wala na siyang babalikan.

"Oh? Anyare sa 'yo? Bakit mukha kang sasabak sa digmaan?" basag trip ni Zia. Napaayos tuloy ako ng upo.

"Bakit? Magulo ba buhok ko? Pangit ba ako?" tarantang tanong ko.

"Hindi, Bes. Maganda ka nga, eh. Kaya lang para kang may pinapatay sa isip mo. Kulang na lang bigyan kita ng itak. Ano ba'ng iniisip mo?"

Lumabi ako. "Wala, ah. Iniisip ko lang kung kailan mo sasagutin si Patrick. Dead na dead 'yon sa 'yo, eh."

Sumimangot si Zia. "Sira! Wala pa sa isip ko 'yon, 'no. Isa pa, bawal pa akong mag-boyfriend."

Pinanlakihan ko siya. "Weh? Paano kung may manliligaw sa 'yo na mukhang artista tapos mayaman pa? Tapos mahal na mahal ka, hindi mo sasagutin?"

Napatigil siya at saglit na nag-isip. "Alam mo, nasobrahan ka na sa kakapanood ng telenobela, Divina. Malayong mangyari 'yon, 'no. At saka hindi ko naman bet mag-boyfriend ng mayamang lalaki. Baka ipagpalit lang ako no'n sa iba. Isa pa, mostly ng mga mayayaman na lalaki ay napapaligiran ng mga magaganda at mayayaman din na mga babae. Kaya kung magbo-boyfriend ako, 'yong simpleng lalaki lang, masipag, responsable, at siyempre mahal ako."

Napangiwi ako. Patay. Wala na talagang pag-asa si Payatot. Mukhang may magpapabura ng tattoo sa dibdib. Sinasabi ko na nga bang hindi magandang ideya 'yon.

"Alam ko na kung ano'ng ideal man mo, Bes."

"Ano?"

"E 'di driver."

Binato ako ni Zia Lynn ng notebook. Buti na lang nasalag ko. Napatigil ako nang marinig kong kumakahol 'yong puppy ko. Mukhang hinahanap ako.

"Gaston! Come here, Baby!" tawag ko sa kanya.

Kumawag ang buntot niya at saka pumasok sa kubo. Binuhat ko siya at saka pinaghahalik-halikan. Maamoy na siya kahit kapapaligo ko pa lang sa kanya kanina.

"Saan ka na naman nagsuot, ha?" kausap ko sa kanya.

Nakita kong umiling-iling si Zia. "Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga maintindihan na sa dinami-dami ng pangalan, Gaston pa talaga ng naisip mong ipangalan diyan sa alaga mo," sabi niya.

Napangiwi ako. "Eh, ano namang mali sa Gaston? Maganda naman, ah."

Niyakap ko si Gaston. Nakita ko lang siya noong nakaraang buwan na pagala-gala sa gilid ng kalsada. Asong kalye, ang dungis pa nga niya no'n at sobrang payat. Akala ko nga mamamatay na siya. Mukhang walang may-ari kaya kinuha ko at inuwi. Tapos pinangalanan ko siyang Gaston.

"Eh, sa liit-liit niyan at sa sobrang cute niyan pero ang pangalan pangbarako," bulalas niya.

"Talaga? Pang-barako ang Gaston?"

Napangisi ako. Kinunutan ako ni Zia. Na parang sinasabi niyang ang weird ko.

Barako naman talaga si Puppy Gaston. Kumusta na kaya siya? Kailan kaya siya babalik sa Pilipinas? Nami-miss ko na siya. Wala rin kasi akong communication sa kanila. Tiyak na lalo siyang gumuwapo.

Nalaglag ang mga balikat ko nang maalalang may girlfriend pala 'yon sa Amerika. Bakit pa ba ako umaasa na babalik pa sila? Magsama silang dalawa ng dyowa niyang kana. As if naman hindi ako mabubuhay nang wala siya.

May cellphone nga ako pero hindi ko naman alam ang numero nila. Ibinili rin kasi ako ni Tiyang Sol nito, 'yong may keypad na maingay kapag pinipindot. Nahihiya naman akong magtanong kay Tiyang tungkol sa kanila kasi baka magsuspetsa siya.

"Tapos na ako, ito ang topic mo," sabi ni Zia saka iniharap sa akin ang laptop.

Tumalon si Gaston mula sa kamay ko. Kumakawag-kawag ang buntot niya habang nananakbo palabas. "Gaston, 'wag kang lalayo!" sigaw ko.

Napailing si Zia sa akin. Itinuro niya ang gagawin ko. Ginawan niya na lang din ako ng talking points dahil hindi talaga ako marunong mag-ad lib kapag nagpe-present sa klase.

Umuwi na rin si Zia pagkatapos namin gumawa. Nilibre ko na lang siya ng banana cue kasi paborito naming dalawa 'yon. At least may ambag ako sa paggawa ng presentation namin.

Kinahapunan ay nanakbo ako sa dalampasigan sa kahahabol kay Gaston. Ang hilig niyang pumunta roon at makipaghalikan sa buhanginan. Minsan tuma-tumbling pa siya. Hindi ko talaga minsan maintindihan ang trip ng asong 'to. Malapit kasi sa dalampasigan ang bahay namin.

"Gaston! Halika na, umuwi na tayo!" tawag ko sa kanya. Pero ang loko-lokong alaga ko ay dinilaan lang ako sa paa tapos nanakbo ulit na parang gustong makipaglaro.

"Gaston, kapag ako nainis sa 'yo, iiwan na talaga kita! Tutal iniwan na rin naman ako ng kapangalan mong barako!" Napasimangot ako. Kinahol niya lang ako na animo'y tinatawanan niya ako.

Mapang-asar din 'tong aso na 'to. Papalitan ko na lang kaya ang pangalan niya?

"So, Kuya Gaston is now a puppy?"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may nagsalita sa aking likod. Baritono iyon at parang Amerikano ang accent. Paglingon ko ay napasinghap ako nang makilala ang may-ari ng boses.

"Timothy! Ikaw na ba 'yan?!" hindi makapaniwalang bulalas ko.

Tumawa lang siya saka nagkibit ng balikat. Nakasuot siya ng navy blue na denim jeans na pinaresan niya ng polo na nakatupi hanggang sa siko. May suot siyang aviators. Maaraw pa kasi kaya masilaw.

Kumurap pa ako nang ilang beses para kumpirmahin kung nananaginip lang ba ako pero totoo talaga siya. "Hala! Hindi ka na payatot!"

Napasimangot siya. "What the hell? Hindi ka pa rin naka-get over sa tawag mong 'yan sa 'kin?" reklamo niya. In fairness, hindi naman siya naging bulol sa pananagalog.

Namangha ako. Lalo siyang tumangkad tapos may muscle na rin siya. Lumapad ang dibdib niya at nagkaroon na rin siya ng kaunting bigote. Bagay sa kanya.

"May abs ka na rin ba?" tanong ko habang nilalapitan siya.

Nangunot siya. "Ano'ng klaseng tanong 'yan? Seriously, Divine? It's been three years pero flat chested ka pa rin!" pang-aasar niya sabay hagod sa akin ng tingin.

Napatigil ako sa paglalakad palapit sa kanya. Mga dalawang dipa na lang siguro ang distansya ko mula sa kanyang kinatatayuan. "Aba't tarantado 'to! Ang yabang mo, ah!" singhal ko.

Humalakhak siya. "I'm just stating the fact. You didn't change a bit. Tumangkad ka lang nang kaunti. Humaba lang ang buhok mo pero gano'n ka pa rin. Kulang na lang pintura para maging tunay ka nang pader."

Hinampas ko siya pero mabilis siyang nakailag. "Bwisit ka talaga!"

Napansin yata ni Gaston na may kaaway ako kaya nanakbo siya papalapit saka kinahol si Timothy. Bigla siyang napatigil. "Nangangagat ba 'yan?" Umatras siya nang isang hakbang.

Kahit nakasuot siya ng aviators ay halatang natakot siya kaya natawa ako. "Seriously? Takot ka sa puppy? Wala ka pala, eh! Aso pa nga lang 'to, ano pa kaya kung itak na ni Tito Rosendo ang hahabol sa 'yo? Payatot ka pa rin talaga!"

"Seriously, na-miss kita," biglang sabi niya. Sumeryoso ang mukha. Binuhat ko si Gaston kaya tumahimik ito.

"Na-miss din kita, Payatot. Kailan pa kayo nakauwi? Nagulat ako." Kinurot ko pa siya sa pisngi para siguruhing totoo talaga siya pero agad niyang pinalis ang kamay ko.

"That hurts!" reklamo niya.

"Naninigurado lang na totoo ka. Ano na? Kailan nga kayo umuwi? Nasaan na pasalubong ko?"

"Just last week. Your gifts are at the car." Inginuso niya ang pulang kotse sa hindi kalayuan.

"Last week pa? Bakit wala man lang nabanggit sa amin si Tiyang Sol? Madaya!" bulalas ko.

Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mag-sink in na sa akin na nakabalik na nga si Timothy. Ibig sabihin ay nakabalik na rin ang kuya niya!

"We're kinda busy last week. Kaya hindi agad ako nakapunta rito. Glad, natunton ko ang bahay ninyo," aniya. Hinubad niya ang aviators niya saka sinabit sa collar ng polo niya.

Pero pansin ko na parang may nag-iba sa kanya. Parang malungkot ang mga mata niya. Hindi na siya katulad ng dati. Nakangiti nga siya pero parang hindi umaabot sa mga mata niya. O, baka namamalikmata lang ako. Baka pagod lang siya sa biyahe.

Nagpalinga-linga ako sakaling may makita akong ibang pigura na kasama niya pero wala.

"Kuya's not with me. Nasa Manila pa siya," sabi niya. Nahulaan niya yata ang nasa isip ko. Bigla akong nalungkot. Mahilig talagang magpa-special at mysterious effect si Puppy. Akala niya naman nakakatuwa siya.

"Hindi ko naman siya hinahanap," mariing tanggi ko.

Nginisihan ako ni Timothy sabay taas ng isa niyang kilay. "It's not that obvious though."

Napatakip ako ng bibig saka pinanlakihan siya ng mga mata. "Hindi nga! Hindi ko naman na crush ang kuya mo. Naka-move on na ako, 'no. May iba na akong crush."

"Oh, really? That's why you named your puppy after him?" tudyo niya pa ulit sabay namulsa siya. Umismid ako.

"Lahat nagbabago, 'no. Si Zia nga may boyfriend na, eh."

"What?!" Nanlaki ang mga mata niya at nalaglag ang kanyang mga balikat. Halos mautot ako sa kapipigil ng tawa.

"You're pranking me, aren't you?" nakasimangot niyang tanong. Hindi ko na napigilan kaya natawa ako nang malakas. Paano kasi mukha siyang nalugi. Dinuro-duro ko pa ang mukha niya.

"Tss. Where's Zia Lynn's house?" pagkuwa'y tanong niya.

Inilahad ko ang palad ko sa kanya. Kinunutan niya ako at nagtatanong ang mga matang tiningnan ako.

"What's that for?"

Inikutan ko siya ng mga mata. "E 'di ten thousand para ibigay ko ang address ng bahay ni Zia."

Napaawang siya. Pasalamat nga siya hindi nagtaas ang talent fee ko, e.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro