Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 33

Worried

"DIVINE, sakay na. Ida-drop ka namin sa place mo."

Napaangat ako ng tingin nang biglang may humimpil na sasakyan sa harapan ko. Kanina pa kasi ako nag-aabang ng masakyang dyip pauwi pero puro punuan kaya mga 20 minutes na akong nakatayo rito sa sakayan.

"Sir Joefel, kayo pala. Saan po ba kayo uuwi?"

"Basta madadaanan namin ang apartment mo. Halika na," yaya naman ni Vanessa na katabi ni Sir.

Ilang segundo pa akong nag-isip bago napagpasyahang pumasok. Ayaw ko sana kasi baka nakakaistorbo ako sa moment nilang dalawa, pero mukhang matatagalan ako bago makasakay. Baka gagabihin pa ako kapag nagkataon.

"Saan ba kayo umuuwi, Sir?"

"Malapit lang din sa apartment mo. Mahirap talagang makasakay rito banda sa atin kapag ganitong mga oras dahil punuan na ang dyip kapag dumadaan dito."

Napabuntonghinga ako.

"Nga pala, may bakante pa ho bang apartment doon sa banda sa inyo?" tanong ko nang maalalang kailangan ko pala maghanap ng malilipatan.

"Bakit? Lilipat ka ba?" tanong ni Vanessa. Tumango naman ako bilang sagot.

"Bakit ka pa lilipat kung mas malapit nga ang apartment mo sa Bustamante Prime?" usisa naman ni Sir Joefel habang nagda-drive.

"Uuwi na po kasi ang may-ari ng apartment in a few weeks. Pero wala ring bakanteng unit doon. Sa kaibigan kasi ng pinsan ko iyon. Pansamantala lang pinarentahan sa 'kin. Kung doon naman sa bahay ng tiyahin ko ako uuwi ay mahihirapan akong pumasok araw-araw dahil malayo."

"I see. We're staying in a condominium provided by the company. Pero para lang iyon sa mga regular employees na at least 5 years na in the service. I'm still paying for it pero mas mura kaysa regular na presyo."

Namangha ako. Ang gara naman ng kompanya nina Puppy.

Tiningnan ko si Vanessa. Napangisi ako nang mapansing nanahimik siya.

"Ibig pong sabihin magkasama kayo sa iisang unit? Hindi ba wala pang 5 years si Vanessa?"

Tumikhim si Sir Joefel saka saglit na tumingin sa rear mirror.

"Well, she got an impressive performance since she got hired. She's one of the top employees so, she got waived."

"Ah."

Napatango-tango ako. Iyon naman pala. Itong si Vanessa mukhang kinabahan sa tanong ko. Siguro hindi siya komportable na malaman kong sa iisang condo unit lang sila nakatira ni Sir.

"Magkahiwalay kami ng kuwarto, ah. Alam ko ang iniisip mo," untag niya sabay lingon sa akin.

Napangisi ako. "Wala naman akong sinabi na sa iisang kuwarto kayo natutulog. Pero wala namang problema kasi magdyowa naman kayo ni Sir."

Pinandilatan niya ako. Halatang nagba-blush siya. Mukhang nasa ibang level na nga ang relationship nila ni Sir Joefel.

"Don't worry, I will request an accommodation for you, but I can't promise if it's going to be approved."

"Naku, 'wag na po, Sir!" mabilis kong tanggi. "Sobra-sobra na nga ang naitulong ninyo sa akin dahil kayo ang nagpasok sa akin sa work. Hahanap na lang po ako ng paraan."

Umiling lang si Sir Joefel.

Isa pa ay baka magalit lalo sa akin si Puppy Gaston. Baka isipin niyang nang-aabuso na ako ng kabaitan ng ibang tao. Kung noon siguro ay tatanggapin ko kaagad, pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Na-realize ko kasi na ang hirap palang kumita ng pera. Mas marami pa akong pera noong estudyante pa lang ako kaysa ngayong may trabaho na ako. Noon kasi lagi akong nakakadilehensya kay Payatot. Tapos binibigyan pa ako ng baon ni Nanay.

Hindi ko rin akalain na sa unang araw ko pa lamang sa Bustamante Prime ay napatunayan ko na kaagad kung gaano kalaki ang mundo. At sa sobrang laki nito ay para lang akong langaw na nakapatong sa likod ng kalabaw. Ramdam ko na ramdam ko kung gaano kalayo sa akin si Puppy.

Hindi ko man lang nagawang makapagpaliwanag sa kanya kung bakit ko siya hiniwalayan noon. Gustong-gusto ko siyang makausap pero nauunahan ako ng takot sa tuwing nakikita ko ang malamig niyang mga titig. Hindi ko nga alam kung paano ako naka-survive sa unang araw ko.

Isa lang ang sigurado ako ngayon, mahihirapan na akong makalapit sa kanya nang basta-basta. Pero hindi ako susuko. Kahit hindi niya ako patawarin, okay lang. Basta makapagpaliwanag ako para matahimik na ang konsensya ko.

Kinabukasan ay napagdesisyunan kong pumasok nang maaga. Alas otso pa naman ang pasok namin talaga pero alas sais pa lang ay nakaalis na ako ng apartment.

Bumaba ako malapit sa building ng Bustamante Prime. Napansin ko kasi kahapon na maraming maliliit na building doon. Mukhang residential area. May isang subdivision din na malapit maliban sa mga condominium at hotel.

Dahil maaga pa ay hindi pa gano'n kadami ang mga dumadaang mga sasakyan sa area. Naglakad-lakad na lang ako para makahanap ng apartment.

Ang sabi ni Ate Angelica ay baka next week na umuwi ang kaibigan niya. Kaya kailangan ngayong linggo ay makahanap at makalipat na ako ng bagong apartment. O puwede ring kahit bed space na lang siguro sa isang boarding house papatusin ko kahit hindi ako sanay nang may kasamang hindi ko kilala. Ang mahalaga ay makahanap ako ng mas malapit sa pinagtatrabahuhan ko.

Ang layo na ng nilakad ko mula sa highway pero wala pa rin akong makitang apartment for rent kaya laglag ang balikat kong naglakad pa ulit sa kabila. Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. Pasado alas siyete na. Kailangan ko nang bumalik sa Bustamante Prime at baka ma-late pa ako.

Paliko na sana ako sa kabilang lane nang may makita akong batang umiiyak at tinatawag ang daddy at mommy niya. May suot siyang maliit na backpack at mukha siyang nawawala.

"Mommy! Daddy!"

Pumapalahaw siya ng iyak habang naglalakad siya nang walang direksyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may papalapit na kotse at mabilis ang pagtakbo niyon kaya agad ko siyang tinakbo para hilahin. Ngunit sa kasamaang palad ay na out-of-balance ako kaya patihaya akong natumba sa kalsada habang yakap-yakap ang bata.

Napaigik ako nang maramdaman kong nanakit ang likod ko.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa bata na ngayon ay nakadagan na sa akin. Tumigil din siya sa pag-iyak.

"Tyrone! Diyos ko!"

Napatingin ako sa kotseng pumarada sa tapat namin at bumaba roon ang matandang babae at isang matandang lalaki. May kasama silang babae ring naka-uniform na mukhang yaya ng batang iniligtas ko.

Marahan kong ibinangon ang bata. Agad naman akong dinaluhan ng yaya niya at tinulungang makatayo.

"Naku na bata ka! Ang aga-aga mong pumuslit!" ani ng matandang babae. Sa tantiya ko ay kaedad lang ni Nanay.

Halatang mayaman sila base sa tindig at postura. Pati ang sasakyan nila ay mukhang mamahalin din.

"Miss, maraming salamat sa pagligtas mo sa apo ko. Nasaktan ka pa tuloy," ani ng matandang babae. Bagama't mukha siyang estrikta ay malumanay naman siya kung magsalita.

Sinuri nila ang braso ko. May kaunting galos ang kaliwa at kanan, malapit sa siko ko. Pero tingin ko ay meron din sa likod dahil nararamdaman kong mahapdi iyon. Medyo manipis kasi ang tela ng blouse ko. Mabuti na lang at dark pants ang suot ko kaya hindi halatang nadumihan.

"Okay lang po. Nagkamali lang ako ng hakbang kanina. Pero ang mahalaga ay ligtas ang baby."

Tiningnan ko ang batang lalaki. Sumisinghot pa siya dahil sa pag-iyak. Ang cute niya dahil namumula ang kanyang magkabilang pisngi. Mukha siyang anak ng foreigner dahil sa mga mata niya, makinis at maputi. Mapipilantik din ang mga pilik-mata niya.

"Tyrone, bakit ka naman tumakas? Don't you know it's dangerous for you to be alone outside?" anang matandang lalaki.

Nag-squat ako para magpantay ang mukha namin ng bata. Mukhang nasa 6 six years old pa lamang siya.

"Baby, hindi ka dapat lumabas mag-isa kasi paano na lang kung may makasalubong kang bad guys? Maliit ka pa. Hindi po pa kayang protektahan ang sarili mo. At saka mali 'yong umalis nang hindi nagpapaalam sa elders, okay? Muntik ka na tuloy mahagip ng sasakyan."

Tumango-tango naman siya.

"I'm sorry. I will not do it again. I just want to find mommy and daddy. I missed them."

Napatingin ako sa lolo at lola ng bata. Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa mga mata nila.

"Betina, pakipasok si Tyrone sa kotse."

Sumunod naman ang yaya saka dinala si Tyrone sa kotse nila.

"Maraming salamat talaga, Miss. Utang namin ang buhay ng apo namin sa 'yo," mangiyak-ngiyak na sambit ng matandang babae saka hinawakan ako sa magkabilang kamay.

"Wala po iyon. Kahit sino naman ay gagawin ang ginagawa ko. Saka okay lang naman po ako. Nasaan po ba ang mommy at daddy ni Tyrone kung hindi n'yo po mamasamain ang tanong ko?"

Pareho silang bumuntonghininga.

"Wala na ang parents niya. They died in a car crash two months ago. Tyrone miraculously survived the accident."

Napasinghap ako at nilukob ng awa sa bata. Kaya naman pala ang lakas ng loob niyang maglayas.

"Pasensya na po kung naitanong ko—"

"Wala iyon. Tanggap na namin ang nangyari. Sa ngayon ay kami na ang nag-aalaga kay Tyrone. Nag-iisang apo namin siya kaya salamat talaga, Miss. Ano pala ang pangalan mo?"

"Shyr Divine po."

"Kung gano'n maraming salamat, Syr Divine. Dadalhin ka na namin sa ospital para mapatingnan ka. Baka may na-dislocate sa mga buto mo," ani ng matandang babae.

"Huwag na po. Kaunting galos lang naman ito. Noong bata pa ako lagi nga akong nadadapa sa katatakbo."

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako. Ngumiti sila pareho.

"Kung gano'n paano ka namin mababayaran sa ginawa mo? We owe you a lot."

"Naku, hindi na po kailangan."

"No. We need to repay your kindness. Ganito na lang, why don't we dine out kapag may free time ka? You can call me anytime. Here."

May inabot siya sa aking calling card.

"How can we contact you?"

Napakagat ako ng bibig. "Uhm, wala po akong calling card, e. Pero ito po ang number ko."

Inilahad ko ang cellphone ko sa kanila. Inilabas naman ng matandang babae ang cellphone niya saka kinopya iyon. Bigla akong nahiya. Ang awkward palang magbigay ng numero sa mga mayayaman.

"Thank you, hija. By the way, please call me Mrs. Corpuz. If there's anything we can help you with, please don't hesitate to let us know. We'll be glad to help you."

"Sige po, Mrs. Corpuz. Maraming salamat po."

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapansing ilang minuto na lang bago mag-alas otso.

"Kailangan ko na palang magpaalam. Baka ma-late po ako sa trabaho."

"Oh, sorry. Sige. Saan ka ba papasok? Ihahatid ka na namin," offer ng matandang lalaki.

"Huwag na po. Malapit lang naman. Walking distance lang. Maraming salamat po talaga. Mauna na po ako."

Kumaway ako sa kanila bago tumalikod. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang hapdi sa likod ko. Meron nga ring yatang galos sa bandang binti ko dahil ramdam ko ring may mahapdi roon. Mabuti na lang at naka-flat ako ngayong sapatos.

Napatingin ako sa matayog na building ng Bustamante Prime. Kung titingnan ay ang lapit lang pero mga 20 minutes pang lakad bago ko marating iyon.

Patay. Tatlong minuto na lang ay late na ako.

Kay malas naman. Second day ko pa lang sa trabaho pero magkaka-record na ako kaagad ng tardiness sa attendance. Sana pala tinanggap ko na lang ang alok ng mag-asawa na magpahatid.

Masyado yata akong naging mabait.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang tumunog ang cellphone ko. Si Vanessa, tumatawag. Agad ko naman na sinagot.

"Nasaan ka na? Bakit late ka?" bungad niya sa akin. Halatang natataranta.

"Malapit na ako. Mga 10 minutes andiyan na."

"Late ka na, gaga. Dalian mo."

Pinatay ko ang tawag at nagmadaling naglakad. Kaya lang ang liit talaga ng mga hakbang ko. Halos patakbo na nga ako. Muntik ko pang mabunggo ang isang nakasalubong ko sa gilid ng highway.

Hingal na hingal ako pagdating ko sa lobby. Muntik pa akong madulas sa kamamadali ko. Makintab kasi ang sahig.

Gigil kong pinindot ang 21st floor pagkapasok ko ng elevator. Medyo wala akong kasabayan dahil malamang nando'n na silang lahat.

Sana lang talaga hindi ako mahuli ni Puppy na late. Baka lalo pa niyang ipamukha sa akin na hindi ako dapat nandito.

Pero hindi yata pabor sa akin ang universe ngayon. Dahil pagpasok ko pa lang sa floor namin ay nakaabang na siya sa akin sa cubicle ko. Katabi niya si Sir Joefel. Tumayo naman si Vanessa nang makita niya ako.

"Girl, ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit ka pawisan ka? Bakit ka late?" aniya habang sinasalubong ako.

Tipid lang akong ngumiti.

"Good morning, mga Sir!"

Yumukod ako habang binabati ang dalawang boss. Nanginig ang mga tuhod ko nang malamig akong tiningnan ni Puppy Gaston. Kulang na lang ay magkaroon ng malalaking bitak ng yelo sa pagitan namin. 

"It's just your second day at work but you are late. Don't you think you're bold enough to break the rules?"

Napatungo ako.

"So...Sorry, Sir. I won't do it again."

"You better be. You must remember, three consecutive tardiness is equal to dismissal."

Halos dinig sa buong floor ang malagom niyang boses. Siguro kung hindi lang takot ang ibang mga empleyado ay nagbulungan na sila. Pero pansing kong nakatutok silang lahat sa kanya-kanyang computer. Napalunok ako nang sunod-sunod.

"Why were you late, Divine? Were you caught up in a traffic jam?" malumanay na tanong naman ni Sir Joefel.

Umiling ako. "Hindi po, Sir. Maaga po akong umalis. Dumaan lang po ako sa kabila, naghanap ng malilipatang apartment. Kaya lang hindi ko po napansin ang oras. Pasensya na po."

"I see. Why don't we do it this weekend? Tutulungan ka namin ni Vanessa. I will also ask around."

"Uhm, sige po."

Nasundan ko ng tingin si Puppy Gaston nang umalis siya sa daraanan ko at tumalikod. Gano'n din si Sir Joefel.

"Halika na," bulong sa akin ni Vanessa sabay hawak. Napahiyaw ako nang bahagya.

"Aww!"

Napangiwi ako nang maramdaman kong humapdi na naman ang likod ko.

"Bakit? Anong—"

Nanlaki ang mga mata ni Vanessa nang may mapansin siya sa akin.

"Hala! Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit may mga galos ka?" nag-aalalang bulalas niya.

Kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa likod ko. "Huwag mo akong hawakan diyan."

"Girl, and dami mong galos. Ano'ng nangyari sa 'yo?"

Napatigil sa paglalakad ang dalawang boss at lumingon sa amin. Tinakpan ko ang bunganga ni Vanessa nang akmang magtatanong pa ulit siya.

"Okay lang ako. Maupo ka na," untag ko.

Dali-dali akong umupo sa cubicle ko pero agad din akong napaigik nang maramdaman kong sumakit din ang balakang ko. Walanghiya, napalakas yata ang pagkabagsak ko kanina sa semento.

"Halika, dadalhin kita sa clinic," pabulong na untag ni Vanessa.

"Huwag na. Hiram na lang ako ng first aid kit. Gagamutin ko ang sarili ko," pabulong ko ring sagot.

Baka kasi lalong magalit si Puppy kapag magsayang pa akong oras sa trabaho. Para pa namang may bagyong darating kapag nakikita ko siya. At kapag naglalakad siya ay parang may malaking utang sa kanya ang lahat ng nakakasalubong niya.

"Divine, ano'ng nangyari sa 'yo?" ani Sir Joefel.

Namilog ako nang makalapit na ulit ang dalawang boss.

"Wala, Sir. He-he." Napakamot ako sa ulo.

Pero gano'n na lang ang pagsinghap ko nang biglang lumapit si Puppy saka pinaikot ang swivel ko paharap sa kanya. Agad niyang sinuri ang dalawang kamay ko.

"Where the hell did you get these bruises?" may pagalit niyang tanong.

Natigalgal ako.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro