Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 31

Domineering CEO

"SERYOSO ka?" histirikal na tanong ni ate Angelica pagkatapos kong sabihin sa kanya ang napagdesisyonan ko.

Seryosong tumango naman ako. Ilang araw ko ring pinag-isipan iyon pero napagtanto kong ito na ang pagkakataon kong maitama ang mga maling desisyon ko noon.

"Buo na ang desisyon ko, ate. Kakilala ko naman ang dalawa sa magiging katrabaho ko, so hindi naman ako mahihirapang makapag-adjust. Isa pa ay mas malapit dito sa apartment ang kompanyang iyon. Hindi ko na kailangang lumipat pa ng matitirahan."

"Paano naman ang pagtuturo mo? Itatapon mo na lang ba ang apat na taon na pinag-aralan mo?"

"Hindi naman iyon matatapon dahil magagamit ko rin naman ang general knowledge na natutunan ko. At saka ito ang gusto kong gawin, ate."

Bumuntonghiningang pumikit siya saka sumandal sa sofa. Ikinuwento ko rin sa kanya ang tungkol kay Sir Joefel at Vanessa. Sinabi kong nakita kami by chance.

Tumawag na ako kahapon kay Sir Joefel para tanggapin ang alok niya. Natuwa naman siya at sinabing puwede na akong makapagsimula bukas. Ang sabi pa ni Sir ay hindi ko na kailangang dumaan sa interview dahil pinayagan siya ng HR na mag-direct hire ng empleyado sa department na hawak niya. May pangalan pa naman ako sa system ng Bustamante Prime noong nagtrabaho ako sa Omega Towers. Kailangan ko lang mag-submit ng additional documents sa HR para ma-update ang data ko. Ang gara pala ng posisyon niya sa kompanya.

"Hindi naman kita pinipigilan sa gusto mong gawin. Ang akin lang naman ay paano kung malaman nina Tiyang Solome na hindi ka pala teacher dito? Ano na lang ang sasabihin nila? Baka ma-disappoint sila."

Hinawakan ko ang mga kamay niya saka pinisil iyon. Akala ko mahihirapan akong makumbinsi ang pinsan ko. Nag-isip pa naman ako ng makabagbag damdaming dahilan para payagan niya ako.

"Huwag kang mag-alala, ate. Ako na mismo ang magsasabi sa kanila. Pero hindi pa sa ngayon. Hindi mo na ako kailangang pagtakpan pa."

Pinisil niya ako sa pisngi.

"May magagawa pa ba ako? Mukhang hindi na talaga magbabago ang isip mo, e. Hala, sige. Kung diyan ka masaya, e 'di go. Ang mahalaga naman ay gusto mo ang ginagawa mo at hindi ka napipilitan lang."

"Salamat, ate."

Tinitigan niya ako na para bang nakahinga siya nang maluwag.

"Alam mo bang bilib ako sa 'yo? Kasi sa kabila ng nangyari sa 'yo nagagawa mo pa ring ngumiti nang totoo. Kahit madalas wala kang sense kausap pero ang strong mo. Pero 'wag mong kalilimutan na kung kailangan mong umiyak minsan, iiyak mo lang. 'Wag mong iponin sa loob mo ang sakit, hmm?"

"Ang drama mo naman, 'te. Okay lang naman talaga ako. Isa pa, wala namang magbabago sa sitwasyon kung mag-iiyak ako araw-araw. Ang magagawa ko na lang ay itama ang mga mali ko noon."

"Tama ka. Nag-mature ka na talaga! I'm so happy for you!" ani ate sabay pisil sa ilong ko.

"Oy, pero baka umuwi na ang kaibigan ko anytime soon. Kaya maghanap ka na ng bagong apartment malapit sa workplace mo. Kung hindi ka naman makahanap, puwede ka namang bumalik sa bahay. Iyon nga lang ay titiisin mong magising nang maaga palagi kung ayaw mong maipit sa traffic. Medyo malayo pa naman sa bahay ang sinasabi mong Bustamante Prime," pagkuwa'y sabi ni ate.

Napatigil ako pero agad din namang tumango sa kanya.

"Sige, 'te. Magtatanong-tanong ako kay Vanessa. Baka merong bakante sa tinutuluyan niya."

"Nice. Pero magdoble ingat ka pa rin sa kompanya kahit na may kakilala ka roon. Alam mo naman ang panahon ngayon, maraming mga utak-talangka sa paligid. Baka mapag-initan ka. Gawin mo lang ang trabaho mo palagi."

"Tatandaan ko 'yan, 'te!"

Napangiti ako sa tuwa. Actually hindi naman kilala nina ate ang pamilya Bustamante dahil dito na siya ipinanganak sa Maynila. Minsan lang sila umuuwi sa probinsya kapag may mahalagang okasyon. Pero sa tuwing umuuwi sila ay wala naman si Tiyang Soledad kaya hindi rin sila nakakapagkuwentuhan. Isa pa ay hindi naman nababanggit ang mga amo sa tuwing nagtitipon-tipon kaming magkakakamag-anak.

...

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kagabi pa lang bago matulog ay inihanda ko na ang susuotin kong damit at sapatos. Isang simpleng dress na may collar at 2-inches na heels.

Kinakabahan ako at the same time nae-excite. Nag-rehearse pa nga ako ng sasabihin ko kay Puppy Gaston sakaling magkita kami ulit. Ang sabi naman ni Vanessa ay napaka-busy ng big boss nila kaya minsan lang nakikita ng mga empleyado. Pero kapag nakapasok na ako roon ay gagawan ko ng paraan para magkita kami. Gusto ko talaga siyang makausap.

Matagal kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Tiniyak kong kompleto ang tulog ko kagabi para fresh tingnan ang mukha ko.

Habang papalapit nang papalapit ang oras ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Sumakay ako ng dyip pagkababa ko sa apartment. Nag-text ako kay Sir Joefel at Vanessa na papasok na ako.

Manghang-mangha ako pagkababa ko sa harap ng matayog na building. Mas mataas pa kasi ito sa Omega Towers sa Iloilo. Tapos parang puro salamin pa iyon.

Pagkapasok ko sa lobby ay hinarang ako ng mga guard.

"Ma'am, ano'ng sadya ninyo?" tanong ng isa.

Napatingala pa ako dahil ang tatangkad ng mga guard. Masyado ba akong maliit o may lahi silang mga higante?

Tumikhim ako at inihanda ang napakapormal kong ngiti.

"Ako po si Shyr Divine Ramos. Ngayon po ang unang araw ka sa trabaho," untag ko.

Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa tapos nagkatinginan sila.

"Nasaan na ang access badge mo, Ma'am?"

Namilog ako. Tiningnan ko ang mga empleyadong pumapasok. May tina-tap silang parang ID para bumukas ang entrance papuntang elevator area.

"Uhm, wala pa ako no'n. Magpapasa pa lang ako ng documents ko sa HR."

Nagkatinginan ulit sila tapos bumuntonghininga.

"Saglit lang, Ma'am. Tatawagan lang namin ang HR sa itaas-"

"No need. She's on me," anang boses mula sa likod.

Napalingon ako at napahinga nang maluwag nang makita si Sir Joefel. Kasabay niyang naglalakad si Vanessa.

"Sir, good morning!" bati ng dalawang guard. Tinanguan sila ni Sir Joefel at binati pabalik.

"Good morning, Sir Joefel! Good morning, Vanessa!"

Napangiti ako nang malapad. Pero pansin kong parang namumula ang magkabilang pisngi ni Vanessa. At gano'n na lang ang pagkasinghap ko nang bumaba ang paningin ko sa magkahugpong nilang kamay ni Sir Joefel. Pinipilit niyang bawiin ang kamay niya pero ayaw siyang bitiwan ni Sir.

"Go...Good morning!" nauutal na bati niya pabalik. Napangisi ako.

"Buti naman, Sir, natauhan na kayo pareho. Congrats!"

Napangiti si Sir Joefel. Nakita ko ang pasimpleng pagpisil niya sa kamay ni Vanessa. Kaya siguro dinala niya siya rito para magkasama sila. Iba rin.

"Thanks!" nangingiting tugon ni Sir.

Nagpaalam na kami sa mga guard para pumasok. Si Sir Joefel na mismo ang nag-tap ng access para sa akin. May mangilan-ngilang empleyadong napapatingin sa amin at ang iba ay binabati si Sir Joefel. Ibig sabihin ay sikat si Sir dito.

Dahil walo ang elevator ay maraming bakante. Tatlo lang kaming pumasok. Pansin ko pa ring parang nahihiya sa akin si Vanessa. Hindi niya naman kailangang mahiya dahil noon pa man ay nahalata ko nang may gusto siya kay Sir Joefel.

"Grabe, ang laki pala ng Bustamante Prime, ano? Ilang floors kaya ang building na 'to?"

"33," sagot ni Sir.

Namangha ako. "E ano'ng floor tayo, Sir?"

Nasagot ang tanong ko nang pinindot niya ang 21.

"Wow! Ang layo."

"We are on the executive floor. That means we are on the same floor with the CEO."

Kumalabog ang dibdib ko. This time si Vanessa naman ang ngumisi sa akin.

"Kabado ka, ano? Huwag kang mag-alala, hindi mo naman makikita si Sir Gaston dahil madalas iyon nasa conference room o 'di kaya ay nagkukulong sa opisina niya. At hindi siya nagpapaistorbo. Ayaw nga niya ng assistant, e. Kaya ito ang madalas na nauutusan," ani Vanessa sabay nguso kay Sir Joefel.

"Are you afraid you might run into him? You know that's inevitable, right?"

Tumango ako kay Sir Joefel. Sa totoo lang ay natatakot at kinakabahan ako pero kailangan ko talaga siyang makaharap at makausap.

"Don't worry, Sir, I will do my best sa trabaho ko," untag ko.

"That's the worst phrase you may tell our CEO. He doesn't like hearing people promising to do their best because their best might not be enough. Just say you'll do your job instead."

Napalunok ako nang sunod-sunod. Bakit parang nakakatakot naman masyado si Puppy Gaston kung i-describe ni Sir Joefel? Nagbago ba ang ugali ni Puppy?

Magtatanong pa sana ako pero tumunog na ang elevator hudyat na nasa 21st floor na kami. Napapasapo ako sa dibdib ko dahil tumindi yata ang kaba ko.

Pero saglit kong nakalimutan ang kaba ko nang makita ang floor. Sobrang lawak kasi niyon. Maraming mga cubicles at halos may mga laman nang mga empleyado lahat. May elevated area kung saan may isang office na puro salamin ang dingding. Kaya kitang-kita sa loob. May nakalagay na malalaking letra sa itaas niyon.

OFFICE OF THE CEO

Nag-angat ng tingin ang mga empleyado at binati si Sir Joefel. Napapangiti ako dahil mukhang maganda ang relationship ni Sir sa mga empleyado. Mukhang respetadong-respetado siya.

"Guys, this is Shyr Divine. Starting today she is a part of our team."

Ngumiti ako sa kanila. May ibang ngumiti pabalik pero may iba namang naka-poker face lang.

"Hi, Divine! Welcome sa team. Sana magtagal ka," ani ng isang lalaking mukhang palabiro. Kasingkatawan lang din ni Sir Joefel.

"Marami kasing nasisanteng newly-hired last week," bulong ni Vanessa.

Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit?" pabulong ko ring tanong.

"Huwag kang mag-alala, Divine, tutulungan ka namin. Basta magtanong ka lang kung may hindi ka naiintindihan. At saka kung magtatanong si Sir Gaston, 'wag kang sasagot kung hindi ka sigurado sa sinasabi mo, or else mafo-force evict ka," sabi ng isang babae na tantiya ko ay kaedaran naman ni Vanessa.

Napangiwi ako saka nagpasalamat sa kanila.

Lalo yata akong kinabahan dahil sa mga sinabi nila.

Binigyan ako ni Sir Joefel ng cubicle na katabi ng kay Vanessa. Nagbigay siya ng instructions ng mga kailangan kong gawin.

"Pero bago 'yan, let me send you to HR para mabigyan ka ng access sa building at sa bawat floor," untag ni Sir.

Tumango ako at binitbit ang documents ko saka sumunod sa kanya. Bumaba kami sa 16th floor. Ipinakilala niya ako sa head ng HR na mukhang nakaka-intimidate dahil sa lipstick niyang pulang-pula. Ang tapang din ng awra niya.

"Are you sure she's going to last here for a few days, Joefel? Wala pala siyang experience at malayo pa sa designing ang kurso niya."

"She will do mostly clerical work, so she doesn't need to be knowledgeable in designing."

"Kahit na. Paano kung may mga technical terms siyang hindi maintindihan?"

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Bakit gano'n? Parang ayaw sa akin ng HR.

"Don't worry, I'll be responsible for her," untag ni Sir Joefel.

Bumuntonghininga ang head ng HR bago tumango sa assistant niya. Kinuhanan nila ako ng picture saka ginawan ng access badge. Ibinigay ko na rin ang ibang mga documents ko. Nag-fill out ako ng isang form para sa employee's information. Pinapirma rin ako ng kontrata at idinetalye sa akin ang rate ng sahod ko at iba pang mga benefits na makukuha ko.

"You'll be on probationary period for 5 months. Magkakaroon ng monthly assessment ng performance mo. Kung ma-maintain mo ang magandang performance hanggang sa katapusan ikalimang buwan ay magiging regular ka na. Only then we can apply the usual rate. Sa ngayon ay minimum rate ka muna."

Tumango ako sa isinalaysay ng HR. Siguro mabubuhay naman ako sa minimum rate. Hindi ko na lang pakakawalan ang online tutorial ko. Siguro kapag weekend ko na lang paglalaanan iyon para may dagdag akong kita. Kapag regular na ako ay saka ko na igi-give up ang pagtu-tutor.

Pagkatapos ng mahabang usapan at paliwanagan ay pumunta kami sa ibang floors ni Sir para maging pamilyar ako. Kaya pala ang laki ng building dahil ito ang pinaka-headquarters ng lahat ng negosyong hawak ng Bustamante Prime. Puro mga architect at engineer pala ang mga kasamahan ko roon.

Pagkabalik namin sa 21st floor ay agad akong pumunta sa rest room para pakalmahin ang sarili ko. Sinundan naman ako ni Vanessa.

"Kumusta? Na-overwhelm ka ba?" tatawa-tawang untag niya habang nagre-retouch.

Napabuga ako ng hangin saka tumingin sa salamin.

"Bakit gano'n ang mga tao rito? Parang mga vigilante? Tapos ang mamahal pa ng mga ngiti."

"Siyempre takot silang magkamali or else goodbye, Bustamante Prime. Hindi pa naman uso ang second chance dito. Alam mo ba pakiramdam ko nagbago si Sir Gaston magmula nang lumipat kami rito. Halos hindi nga niya kami tinatapunan ng tingin, e. Tapos ang tipid pang magsalita. Kapag hindi niya nagustuhan ang behavior ng isang empleyado, titingnan niya lang ng malamig tapos magugulat na lang sila may termination notice na."

"Ha?"

Napatakip ako ng mga bibig. Parang gusto kong pagsisihan na tinanggap ko ang alok ni Sir Joefel na magtrabaho rito.

"Pero naniniwala akong kaya mo. Madali ka namang turuan, e. Huwag kang mag-alala, nandito ako para sa 'yo. At saka si Sir Joefel."

Napangiti ako dahil naging malumanay ang boses niya nang banggitin niya ang pangalan ni Sir Joefel.

"Ang saya ko para sa 'yo, Vanessa. Kasi sa wakas ay nagkatuluyan na kayo ng crush mo. Pero naku-curious pa rin ako kung paano naging kayo. Kuwento ka naman," untag ko sabay sundot sa tagiliran niya.

"Heh! Ikaw kaya ang may utang na kuwento sa akin. Paano at bakit kayo naghiwalay ni Sir Gaston? Ano'ng nangyari?" pabulong niyang tanong pero mariin.

Napaiwas ako ng tingin.

"Halika na, balik na tayo," untag ko sabay hila sa kanya palabas ng restroom.

Nagreklamo naman siya na kesyo ang daya ko raw at iniiwasan ang tanong niya. Inikutan ko na na lang siya ng mga mata.

Pagkabalik namin sa loob ay nagulat kami nang mapansing parang aligaga ang lahat. Hindi sila magkandaugaga sa pagpindot ng keyboard at paroo't parito.

Nanakbo kami ni Vanessa pabalik sa cubicle namin. Pero sa kamalas-malasan ay natapilok ako dahil sa gulong ng isang swivel chair kaya padapang sumemplang ako sa sahig. Narinig ko pa ang pagsinghapan ng mga empleyadong nakakita. Mabuti na lang at carpeted ang sahig. Pero ang malala pa ay nakipaghalikan ang mga labi ko sa sapatos ng kung sino.

Pagkatingala ko ay nagimbal ako nang makasalubong ko ang malamig na tingin ng CEO na sinasabi nila. Halatang nagulat siya nang makita niya ang pagmumukha ko.

"What the hell is she doing here?!"

Parang kulog na dumagundong ang boses niya.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro