Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26

Where did I go wrong?

"ANO kamo, Divina? Patay na si Rosendo?" hindi makapaniwalang bulalas ni Nanay pagkatapos kong sabihin sa kanya ang nakakalungkot na balita.

Maluha-luha akong tumango. Katatawag lang ni Zia Lynn sa 'kin at isinalaysay niya ang nangyari. Pauwi na raw sila rito dala ang bangkay ng Papa niya. Maging ako ay hindi makapaniwala sa nabalitaan ko. Muntik pang mapahamak ang BFF ko dahil kagagawan daw ni Raquel at ng pinsan nito ang lahat ng iyon. Nanggigigil ako sa babaeng 'yon. Kung alam ko lang na siya ang magiging dahilan ng pagkamatay ni Tito Rosendo, sana noon ko pa siya nilunod sa pool.

"Kawawa naman si Rosendo, parang inihatid lang niya ang buhay niya sa Negros."

Sumasakit ang puso ko para kay BFF. Doon kasi sila nag-celebrate ng New Year 's Eve sa Negros. Dinala ni Timothy ang pamilya niya roon. Masaya ako dahil tinanggap na sa wakas ni Tito Rosendo si Payatot pero hindi ko naman akalain na ito naman ang magiging kapalit.

Balak ko sanang lumuwas na sa Maynila samakalawa dahil kompleto na ang papeles ko. Pero saka na lang siguro kapag nailibing na si Tito Rosendo. Kailangan ko munang samahan si Zia Lynn. Mabuti na lang din at hindi pa ako nakabibili ng ticket. Paalis na sana ako ngayon para bumili.

Pumasok na lang ulit ako sa kuwarto para magpalit ng damit.

Maikli nga lang talaga ang buhay. Sino nga naman ang makapagsasabi ng susunod na pangyayari sa buhay ng isang tao. Isang araw ang saya-saya mo pero magugulat ka na lang bigla na lang babawiin ang lahat sa 'yo. Katulad ng nangyari sa 'kin.

Kinahapunan ay nagpaalam ako kina Nanay na pumunta sa bahay nina Zia. Tiyak kasi na nando'n na sila. Pero nang i-text ko siya ay nasa isang chapel daw idiniretso ang labi ng Papa niya kaya doon na ako dumiretso.

Maraming nakaparadang sasakyan sa labas. Ang isang sasakyan ay pamilyar sa akin kaya saglit na lumukso ang puso ko. Pero hindi ko dapat isipin iyon ngayon.

Agad kong hinanap si BFF pagkapasok ko. Naabutan ko siyang nakatayo sa harap ng kabaong, katabi si Aling Veronica, ang Mama niya. Sa sulok ay namataan ko si Timothy at kausap niya ang kuya niya. Napansin yata niya ako. Umiling ako nang akmang lalapit na siya. Pansin ko naman ang paninitig sa akin ng katabi niya pero nag-iwas lang ako ng tingin.

Na-miss ko siya. Kumusta na kaya ang kompanya nila? Mukhang hindi pa ayos dahil halata sa itsura niyang pagod siya at kulang sa tulog. Gano'n pa man ay napakaguwapo pa rin niya sa paningin ko. Nakasuot siya ng light blue na long-sleeved polo na pinaresan niya ng dark pants. May nakasabit na aviators sa kanyang dibdib. Mukhang nagmadali lang siyang pumunta rito.

Naipilig ko ang ulo ko. Bakit ko ba pinaglalaanan ng panahon ang mga bagay na hindi ko na pagmamay-ari?

Nilapitan ko na lang si BFF saka hinawakan siya sa kamay. Doon lang siya natauhan. Mukhang hindi nga niya napansing dumating na ako.

"Besh..."

"Besh!"

Yumakap siya sa 'kin nang mahigpit saka umiyak sa balikat ko. Napaiyak na rin ako. Simula nang mag-break kami ni Puppy parang ang emotional ko lagi. Ang bilis kong maiyak, hindi naman ako ganito dati.

"Andito lang ako, Besh. Huwag kang mag-alala, for sure gagabayan pa rin kayo ni Tito Rosendo kung nasaan man siya ngayon."

"Kasalanan ko talaga ang lahat kung bakit ito nangyari kay Papa."

"Shhh. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Isa pa, noong buhay pa siya walang ibang inisip si Tito Rosendo kundi ang mabigyan kayo ng magandang buhay. Kaya dapat ngayong wala na siya, alagaan mo ang sarili mo at magpakatatag ka. Ipagpatuloy mo ang lahat ng nasimulan niya para sa inyong magkakapatid para magiging panatag na siya sa kabilang buhay."

Tumango-tango si BFF saka humiwalay sa akin.

"Salamat, Besh. Mabuti at nandito ka. Akala ko kasi lumuwas ka na."

Ngumiti ako nang tipid saka pinisil siya sa pisngi.

"Puwede ba naman kitang iwan gayong kailangan mo ako?"

Muli kaming nagyakapan. Nagpasalamat din si Aling Veronica sa pagdating ko. Kawawa naman ang mag-iina. Mabuti na lang at nandito si Timothy para alalayan sila.

Sumilip ako sa kabaong saka nag-usal ng maikling dasal para kay Tito Rosendo. Payapa siyang nakapikit. At least bago siya nawala ay nagkaayos na silang magpamilya.

"Umuwi ka muna at magpahinga, Besh. Mukha ka nang zombie. Baka magkasakit ka."

"May kuwarto namang nakalaan dito para sa atin, Zia. Magpahinga ka muna. Ang putla-putla mo na," segunda ni Aling Veronica.

"Pero—"

"Wala nang pero-pero. Halika na. Ako na munang bahala ang mag-asikaso ng bisita kapag may dumating," untag ko saka hinila na siya papasok sa kuwarto.

Mukhang asikasong-asikaso naman ni Timothy ang mag-iina kasi malaki ang kuwarto. Inalalayan kong mahiga si Zia.

"Matulog ka muna para makabawi ka ng lakas. Hindi gugustuhin ni Tito Rosendo na makita kang ganyan."

"Salamat, Besh. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kung wala ka."

"Malamang, ako ang pinaka-dabest dapat sa buhay mo. Matulog ka na."

Hinawakan ko siya sa kamay at hinintay na matulog. Mukhang pagod na pagod nga siya pero pinipilit niya lang ang sarili niyang manatiling gising.

Nanatili ako nang mga kalahating oras sa kuwarto. Ang dalawa niyang kapatid ay parehong plakda sa kabilang kama. Napabuntonghininga na lamang ako at kinumutan sila. Malamig pa naman ang aircon masyado.

Pagkalabas ko ay naabutan ko sina Timothy at Puppy Gaston na kaharap si Kuya Preston at ang dalawa pang lalaki na pamilyar sa akin. Mukhang mga tauhan sa hacienda. Hindi ko masyadong marinig dahil mahina lang ang boses nila. Tanging tango naman ang tugon ng tatlong lalaki.

May dumating na kamag-anak nina Zia, kausap ni Aling Veronica kaya wala akong ibang magawa kundi ang lumabas.

"Divine."

Napatigil ako nang tinawag ni Timothy ang pangalan ko. Alanganing lumingin ako dahil katabi niya ang kuya niyang parang tatagos sa kaluluwa ko kung makatitig.

"Thanks for convincing her to take a rest. Kanina ko pa siya sinasabihan pero ayaw niyang makinig sa 'kin," aniya. Mukhang hirap na hirap siya sa sitwasyon nila ni Zia Lynn.

"Hindi madaling tanggapin ang nangyari kaya bigyan mo ng time si BFF na magluksa. Basta huwag mo lang siyang iiwan. Ngayon ka niya higit na kailangan sa tabi niya. Habaan mo ang pasensya mo."

Mapait na ngumiti si Timothy.

"I assure you, I will take care of her."

Nakahinga ako nang maluwag. Nagpaalam muna akong lumabas para makasagap ng hangin. Pakiramdam ko kasi ay kakapusin ako ng hininga nang dahil sa presensya ng kuya niya.

Malawak ang garden sa labas. Ang ganda ng tanawin, sayang lang at hindi na ito makikita ng mga taong namaalam na.

"My brother will definitely not leave his girlfriend, not because she needs him at this moment, but because he loves her very much."

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang may nagsalita sa likod ko. Awtomatikong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kahit hindi ako lumingon ay kilalang-kilala ko ang boses na 'yon.

Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko at ipinirme ang paningin ko sa tanawin. Naramdaman kong tumabi siya sa akin pero may kaunting distansya.

"Salamat sa pag-asikaso sa pamilya ng BFF ko, Señorito. Kung hindi dahil sa inyo baka kung saan sila pupulutin ngayon."

"I didn't help that much. Timothy is taking care of almost everything. But I will definitely not leave them because they needed me the most during this time."

Nangunot ako dahil pakiramdam ko ay may diin ang huli niyang sinabi. Hinarap ko siya saka nginitian nang matipid.

"Mauna na ako, Señorito."

Nilagpasan ko siya pero napatigil ako sa paghakbang dahil sa sinabi niya.

"I also need you the most, especially this time, but why did you choose to leave me?"

Natigalgal ako at nagsilaglagan ang mga luha. Hindi ko siya magawang lingunin kaya dali-dali na lang akong bumalik sa loob habang pinapahid ang mga luha ko.

Nakita ako ni Aling Veronica. Mukhang naman siya nagtataka kung bakit ako lumuluha. Siguro ang akala niya ay dahil kay Tito Rosendo.

Nakiupo na lang ako at hinintay sina Nanay dahil papunta na raw sila.

Hindi ko akalain na maririnig ko iyon mula sa kanya. Ang akala ko ay wala siyang balak kausapin ako pagkatapos ng nagawa ko.

...

APAT na araw lang daw ang lamay kay Tito Rosendo. Wala na rin naman kasing kamag-anak na hinihintay para bumisita. Kaunti lang ang dumating, ang mga nasa malalapit lang.

Mamayang alas diyes ng umaga na ang libing. Sa tatlong araw na iyon ay hindi ko iniwan si BFF kahit na hirap na hirap akong iwasan si Puppy Gaston. Salit-salit kami sa pagbabantay. Ayaw ko ring iwan si Zia kasi kapag wala ako ay magpupuyat lang siya nang dire-diretso.

Alas singko ng madaling araw nang makatanggap ako ng tawag mula sa unregistered number. Nangunot ako.

Sino kaya ito?

Nagpaalam ako kay BFF saka lumabas para sagutin iyon.

"Hello?"

"Ma'am Divine, si Presto po ito. Pasensya na kung kayo ang tinawagan ko. Wala kasi akong ibang maisip kasi busy si Sir Timothy. Isa pa, pangalan n'yo ang paulit-ulit na tinatawag ni Sir Gaston."

Napasinghap ako sa dire-diretsong litany ni Kuya Presto.

"Bakit po? Ano'ng nangyari?"

"Nandito po siya sa clubhouse, umiinom kanina pa. Hindi rin siya kumain buong araw. Mukhang balak niyang ubusin ang lahat ng alak. Nag-aalala po ako kasi mainit po si Sir, mukhang may lagnat. Pero ayaw niyang tumigil sa pag-iinom."

"Ha?"

Napatakip ako ng bibig. "Sige po. Pupuntahan ko kayo riyan. Saglit lang po at magpapaalam ako kay Zia."

Natarantang pumasok ako at hinanap si BFF pero mukhang papasok na siya sa kuwarto para magpahinga.

"Besh?"

"Oh? Uuwi ka na ba? Sige na para makapagpahinga ka naman. Dito ka na lang palagi," aniya.

Napapangiwing tumango ako.

"Babalik ako mamayang hapon, Besh."

Tumango naman siya.

Lumabas na ako para sana maghanap ng masakyan. Pero madilim pa kaya halos wala pang dumadaan. Nasapo ko na lang ang noo ko. Ano ba'ng ginagawa ni Puppy sa sarili niya?

"Ma'am, saan po kayo pupunta?"

Napalingon ako nang may nagsalita. Ang katiwala pala ni Timothy.

"Kuya Ramon, puwede n'yo po ba akong ihatid sa Omega Towers? Magbabayad po ako. Walang masakyan, e."

"Aba, walang problema. Malapit lang naman. Isa pa, papunta rin sana ako roon kasi may iniutos si Sir Timothy. Halika na."

Tumango ako at sumunod kay Kuya Ramon. Parang sinisilaban ang puwet ko na makarating kaagad sa Omega Towers. Hindi kaya malaki talaga ang problema sa kompanya kaya nag-iinom si Puppy? o 'di kaya galit pa rin siya sa ginawa ko?

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating naman kami kaagad. Hindi ko na hinintay si Kuya Ramon. Nagpasalamat ako at naunang lumabas.

Nanakbo ako sa clubhouse para hanapin si Puppy. Naabutan ko siyang nakasandal sa pader habang may hawak-hawak na isang botelya ng alak. May nakakalat din na mga empty bottles sa harapan niya na pinupulot ni Kuya Preston.

"Kuya Preston!" tawag ko.

"Ma'am Divine!"

Mukhang nagliwanag ang mukha ng pobreng butler nang makita ako. Inginuso niya ang amo niyang mukhang walang paki sa mundo.

Nilapitan ko siya. Nag-squat ako para magpantay ang aming mukha. Sinalat ko siya sa leeg. Nanlaki ang mga mata ko dahil mainit nga siya.

"Señorito, tama na 'yan. Halika na. Magpahinga ka na."

Inagaw ko ang bote sa kamay niya saka itinabi iyon.

"Kitten? Is... Is that you?" namumungay ang mga matang untag niya.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinigit kaya napasubsob ang mukha niya sa dibdib ko. Napangiwi ako. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya.

"Kitten, are you taking me back?"

Nahigit ko ang aking hininga ko saka sinenyasan si Kuya Presto na tulungan akong maitayo siya.

"Kitten..." muling usal niya.

Mahigpit na nakalingkis sa baywang ko ang braso niya pagkatapos namin siyang maitayo. Hinawakan ko siya baywang. Sa kabilang kamay naman si Kuta Preston.

Paika-ikang naglakad kami papunta sa kabilang building. Kung ako lang mag-isa tiyak na hindi ko kakayaning akayin siya papunta sa penthouse niya.

Kinapalan ko na lang ang mukha ko sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko. Pansin kong napapatingin sa akin si Kuya Presto. Mukhang may ideya siya sa nangyari sa amin ng amo niya.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay makarating kami sa penthouse niya. Nagpatulong na rin ako kay Kuya Preston na maihiga siya sa kama.

Hindi ko akalaing pagkatapos ng isang buwan ay makakabalik ulit ako rito sa unit.

"Maraming salamat, Kuya Presto. Ako na ho ang bahala sa kanya. Pakiligpit na lang po ng mga botelyang ininuman niya."

"Sige, Ma'am. Salamat sa pagpunta n'yo. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kay Sir. Magmula nang umalis kayo lagi na siyang ganyan. Ngayon lumala kasi kahit may sakit siya, nag-iinom pa rin siya. Marami pa namang problema ngayon sa opisina."

Inatake ako ng konsensya. Kasalanan ko nga talaga ang nangyari.

"Sige ho, Kuya. Ako na ang bahala sa kanya."

Sinundan ko ng tingin ang butler habang palabas siya ng kuwarto. Pumasok ako sa banyo para kumuha ng basang pamunas kay Puppy. Kumuha na rin ako ng thermometer para matingnan ang lagnat niya. Mabuti na lang at hindi gano'n kataas.

Inuna kong punasan ang noo niya, pagkatapos ang mga braso niya. Hirap na hirap pa ako dahlia ng bigat no'n.

"Kitten..." nakapikit na usal niya.

Nanikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya.

"Kitten, where did I go wrong?"

Napasinghap ako nang bigla niya akong hinila at niyakap. Kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

"Señorito!"

"Kitten, don't leave me. Please don't!"

Wala na siya sa huwisyo. Hindi ko akalain na kahit nakapikit siya ay naaalala niya ako.

Kumusta na kaya sila ni Shelley? Hindi ba sila nagkaayos?

Napapikit ako. Nang maramdaman kong payapa na ang paghinga niya ay marahan kong tinanggal ang mga braso niyang nakapulupot sa akin saka ipinagpatuloy ang pagpunas sa kanya. Pikit-matang binuksan ko rin ang ilang butones ng polo niya para mapunasan ang dibdib niya.

Last na talaga 'to. Samakalawa ay hindi na tayo magkikita pa.

Lumabas ako saka bumaba sa kusina para maghanap ng mailutong sopas. Mayroong mushroom soup na ready-to-cook na. Sinunod ko na lang ang instructions. Antok na antok na ako. Libing pa naman mamaya kay Tito Rosendo. Wala pa akong tulog. Ilang oras na lang.

Kumuha na rin ako ng gamot sa medicine box at dinala iyon sa itaas.

Pagkatapos kong magluto ay umakyat ako bitbit ang niluto ko. Pero tulog na tulog pa rin siya pagkarating ko sa kuwarto. Inilagay ko na lang muna sa side table ang tray na may lamang mushroom soup at gamot.

Naupo ako sa gilid niya saka muli siyang sinalat. Mainit pa rin siya.

Bumuntonghininga ako saka nangalumbaba. Antok na antok na talaga ako kaya naisipan kong umidlip muna saglit.

....

NAGISING akong ang kisame ng kuwarto ang unang sumalubong sa paningin ko. Ano'ng oras na kaya?

Nailibot ko ang paningin ko at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagtantong nandito ako sa pamilyar na silid.

Nasa kuwarto ako ni Puppy Gaston!

Dali-dali akong bumangon at bumaba sa kama. Nasaan kaya siya? Tiyak na nagisnan niya akong natutulog dito.

Pero ang pagkakaalam ko ay nakaupo ako kanina sa sahig.

Binuhat niya kaya ako pahiga sa kama?

Nanakbo ako palabas at gano'n na lang ang pagkasinghap ko nang mapagtanto kong pasado alas dos na ng hapon.

Hala! Kanina pang alas diyes ang burol kay Tito Rosendo!

Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala man lang text galing kay BFF o kina Nanay.

Patakbo akong bumaba ng hagdan para makaalis ngunit naestatwa ako nang makasalubong ko si Puppy Gaston na aakyat na sana ng hagdan.

"You're awake," kalmadong sabi niya habang nakatingin sa akin.

Mukhang bagong paligo siya at mukha na siyang walang lagnat.

"Uhm..."

Bigla akong nautal at hindi alam ang sasabihin. Alanganin akong humakbang paibaba.

"You're too late to attend the burial. Kanina pa natapos," aniya na tila nahulaan niya ang nasa isip ko.

"Ba...Bakit. Ano...Ah..."

Biglang tumunog ang tiyan ko kaya nagkatinginan kami. Ang haba ba naman ng itinulog ko. Siguro mga 8 hours.

"You took care of me while I was drunk. So, I cooked something in return. Come."

"Hi...Hindi na. Aalis na ako."

Lalagpasan ko na sana siya ngunit pinigilan niya ako sa kamay.

"Stay and eat. You can't leave until your stomach is full," maawtoridad niyang sabi.

Napanganga ako nang makitang mukhang desidido siyang pakainin ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya sa kusina.

Bumalik sa isip ko ang mga araw na masaya kaming kumakain dito at ang sweet niya sa akin. Napatitig ako sa lamesang puno ng pagkain. Lahat ng paborito ko ay nando'n.

Anong oras kaya siya nagising? Ang bilis namang mawala ang hangover niya. Parang okay na okay na kasi siya.

"Hindi na sana kailangan pa ito. Pero sayang naman ang mga pagkain," kaswal kong sabi saka naupo.

Naupo rin siya sa katapat kong upuan. Pareho kaming natigilan nang sabay naming hinawakan ang serving spoon kaya nahawakan ko ang kamay niya. Parang may ilang boltahe ng kuryente na dumaan sa mga kamay namin kaya dali-dali kong tinanggal ang akin.

Napanganga ako nang sinandokan niya ng kanin ang plato ko. Kagaya ng nakasanayan niya noon.

"Sa...Salamat."

Ramdam ko ang paninitig niya na parang may gusto siyang sabihin. Walang imik akong kumain at tiniis ang mga mata niyang ayaw humiwalay sa akin.

Ano kaya ang iniisip niya?

Iniisip niya kayang magkakabalikan kami dahil inalagaan ko siya?

Aaminin ko, masyado akong nag-aalala kanina pagkatapos sabihin ni Kuya Presto na may sakit siya. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na puntahan siya.

Tinapos ko ang pagkain nang halos pigil-pigil ko ang paghinga. Ayaw ko siyang kausapin dahil baka bigla ko na lang maisipang bawiin ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya noon.

"Salamat po sa pagkain. Ako na ang maghuhugas," untag ko.

Ang inaasahan ko ay pipigilan niya ako kagaya ng ginagawa niya dati pero nagulat ako nang hinayaan niya ako. Kaya niligpit ko na lang din ang plato niya saka dinala sa lababo. Pero ramdam ko ang bawat pagsunod ng mga mata niya sa kain.

Binilisan ko ang paghuhugas at nang matiyak kong maayos na ang lahat ay nagpaalam ako. Muntik pa akong mapasigaw nang makita siyang nando'n pa rin sa puwesto niya kanina.

Pinanood niya pala ako habang naghuhugas! Ang akala ko ay nasa sala siya o umakyat sa kuwarto niya.

"Señorito, aalis na po ako. Salamat sa pagkain," tipid kong sabi.

Matiim lang siyang nakatitig sa akin. Hindi sumagot.

Nang lumipas ang limang segundo ay humakbang ako palabas pero napatigil din nang magsalita siya.

"Are you really going to leave just like that?"

Napasinghap ako. Bakit kaya ang hilig niyang magsalita sa tuwing akmang aalis na ako?

Hindi ko siya nilingon.

"Pinuntahan lang kita rito dahil concerned ako bilang dating boss ko. Iyon lang ho iyon. At ngayong okay na kayo, uuwi na ako. Sana huli na ito."

Tumawa siya nang mapakla.

"What a heartless woman!" bulalas niya.

Napanguso ako. Nasasaktan din kaya ako, Puppy. Maka-heartless naman 'to.

Hindi ko siya sinagot, bagkus ay dali-dali akong nanakbo palabas ng unit.

Mabuti at hindi niya ako sinundan.

Naku, tiyak na hinanap ako ni Nanay kanina sa burol. Malamang nagtataka iyon kung bakit wala ako roon. Lalo na si Zia Lynn.

Umuwi na lang muna ako sa bahay at naisipang bukas na lang puntahan si BFF.

Ang inaasahan ko ay ngangawaan ako ni Nanay pagkakita niya sa akin. Pero nagulat ako nang tiningnan lang nila ako ni Tatay.

"Kumusta si Señorito Gaston? Magaling na ba siya? Sabi ni Señorito Timothy nagkasakit."

Namilog ako. Kaya pala hindi nila ako hinanap.

"Uhm, okay na po siya. Kaya nga po umuwi na ako."

Bumuntonghininga sila nang sabay. "Kawawa naman ang magkapatid na iyon. Kargo nila lahat ng nangyari kay Rosendo. Mukhang may sama pa ng loob pa ang bestfriend mo kay Timothy."

Napatungo na lamang ako at nagpaalam na pumasok sa kuwarto.

...

KINABUKASAN ay pinuntahan ko kaagad sina Zia Lynn sa bahay nila. Tiyak kasing malaki ang pagtataka niya kung bakit hindi ako nakapunta sa burol ng Papa niya.

Dumaan muna ako sa bilihan ng banana cue para may madala ako sa bahay nila. Naging comfort food na kasi namin ito pareho.

Bukas ang pinto nila kaya kita ko silang mag-iina na nag-uusap. Nagkakape. Napabuntonghininga pa ang Mama niya.

"Ang lalim naman no'n, Aling Veronica!"

Sabay-sabay silang napalingon sa akin.

"Oh, Divina! Buti napadalaw ka ulit dito," ani Aling Veronica.

Bumaba ang tingin ni Zia Lynn sa hawak kong supot.

"Pumasok na ako kasi nakabukas naman ang pinto ninyo," untag ko.

Tumayo si BFF at sinalubong ako ng yakap.

"I'm sorry, besh. Hindi ako nakapunta sa libing kahapon. Ma—May nangyari kasi," alanganing untag ko. Mabuti at mukhang wala siyang ideya na nasa condo ako kahapon ni Puppy Gaston.

"Ayos lang. Nandito naman halos lahat ng kamag-anak mo kahapon. Isa pa, halos araw-araw nandito ka noong lamay. Ako nga ang dapat humingi ng dispensa dahil masyado ka naming naabala."

Alanganin siyang ngumiti.

"Ang drama mo, Besh. Siyempre, alangan namang pabayaan kita, 'di ba?" Nanubig ang mga mata ko matapos naming humiwalay ng yakap.

"Salamat dito," untag niya pagkatapos kong iabot sa kanya ang bitbit kong supot. Ipinatong niya iyon sa lamesa saka itinuro kina Zabelle na kunin at kainin.

Pinaupo niya ako. "Uhm, maraming salamat ulit sa lahat ng naitulong mo, Divina."

Mahina kong tinampal ang kanyang kamay. "Ayan ka naman sa pasasalamat mo."

Pareho kaming bumuntonghininga.
"Ang totoo niyan, kaya ako pumunta rito kasi gusto ko sanang magpaalam," panimula ko.

Natigilan naman siya at nagtatakhang tiningnan ako. Malungkot akong ngumiti. Mukhang kailangan ko na talagang gumawa ng paraan, kung hindi ay makakasira pa ako ng buhay.

"Sa Maynila na ako magtuturo, Besh."

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan? Baka mahirapan ka—"

"Huwag kang mag-alala may mga nakausap na ako na tutuluyan ko roon," putol ko sa kanya.

Actually hindi ko pa sigurado kung may papasukan nga ako. Ang sabi lang ni Tiyang Solana lumuwas ako.

Tumango na lang si BFF bilang pagsang-ayon. Pero napatigil kami nang tumayo ang kapatid niyang si Zac saka tinawag ang pangalan ni Timothy.

"Kuya Tim!"

Nagulat ako nang pumasok si Timothy na bagama't pormadong-pormado ay mukhang zombie. Nanlalalim kasi ang mga mata niya. Wala rin kasi siyang tulog nitong mga nakaraang araw. Kawawa naman si Payatot. Pero pansin ko na parang may ilangan sila ni BFF.

Ano kaya ang nangyari sa kanila?

Pero gano'n na lang ang pagkagulat ko nang may sumunod pang pumasok.

"Señorito Gaston!" bati ni Zia Lynn.

Napangiwi ako. Ano'ng ginagawa niya rito? Binati ng mag-iina ang bagong dating.

"Nakikiramay ako, Zia Lynn at sa pamilya mo. Pasensya ka na, hindi ako nakapunta kaagad kahapon. May nangyari kasi," aniya. pero tumagos ang tingin niya sa akin kaya tumungo ako para iwasan ang mga mata niya.

Noong unang gabi ng lamay ay nando'n siya pero siguro dahil sa dami ng problema sa kompanya ay hindi na nasundan pa.

"Ayos lang ho. Marami naman kayong ipinadalang tulong," ani BFF.

Naramdaman kong sa akin pa rin ang mga titig niya kaya nagpaalam na ako.

"Uhm, Besh, mauna na ako. Kailangan ko pa kasing mag-ayos ng gamit. Tatawagan na lang kita."

Nakakunot ang noong binalingan ako ni BFF.

"Teka, Divina—"

Hindi ko na pinatapos na magsalita si BFF. Nanakbo ako palabas ng bahay nila para matakasan ang mga matang kanina pa naninitig.

Bakit ba kung kailan iniiwasan ko siya saka naman laging nagkukrus ang landas namin?

Malapit na sana ako sa kalsada nang bigla na lang may dumadundong na boses sa likod ko.

"Stop right there, Shyr Divine!"

©GREATFAIRY 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro