Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20

LDR Blues

KANINA pa ako nakasunod sa bawat galaw ni Puppy. Ang bigat ng loob ko. Ilang araw pa nga lang kaming nagkasama pero magkakalayo na naman kami. Parang hindi na kasi ako sanay na hindi ko siya nakikita.

Sumandal ako sa sofa saka tumingala sa kisame. Maaga talaga akong nagising para lang maabutan ko siya. Aalis kasi siya ngayon. Luluwas siya ng Maynila dahil may emergency raw tungkol sa bunso nilang kapatid. At saka may aasikasuhin din daw tungkol sa negosyo.

Nasundan ko na lang ng tingin ang butler niya nang lumabas iyon ng unit bitbit ang maliit na maleta. Naka-pajama pa nga ako. Alas singko pa lang kasi ng umaga.

Napatayo ako nang marinig ang mga yabag ni Puppy pababa ng hagdan. Napakaguwapo niya sa suot niyang long-sleeved polo na nak-tuck in sa dark pants niya. Humuhulma ang mabato niyang dibdib.

"Why are you up so early?" tanong niya pagkababa niya sa huling baitang ng hagdan.

Napanguso ako. Kagabi lang kasi niya sinabing aalis siya ngayon. Kaya kahit antok na antok ako ay bumangon ako kanina. Nag-set kasi ako ng alarm bago natulog kagabi.

"Bakit? Ayaw mo ba akong makita bago ka umalis?"

Tumawa siya nang mahina.

"Silly. Of course, I want to see you all the time. Kung puwede ka lang itali sa katawan ko. What if sumama ka na lang kaya?"

Mabilis akong umiling.

"Baka makaabala lang ako sa 'yo lalo. Isa pa ay may trabaho ako rito. Hindi naman puwedeng um-absent ako para lang mag-chaperone sa 'yo."

Pinisil niya ako sa ilong saka hinila. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya nang niyakap niya ako.

"I'll be back after five days. Please take care of yourself while I'm away."

Hinalikan niya ako sa ulo. Naiiyak ako. Pakiramdam ko kasi hindi na siya babalik.

"I asked someone to cook for you. No fastfood," paalala niya.

"Hindi na kailangan. Marunong naman akong magluto kahit pa-itlog itlog lang, gano'n. Nakakahiya naman kung iaasa ko pa sa iba pati ang pagkain ko."

Napasinghot ako.

Kinalas ako ni Puppy sa katawan niya saka iniharap sa kanya. Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya.

"I know you are trying to be independent, but I want to make sure you are safe all the time, especially when I am not around. Be good."

Ginawaran niya ako ng halik sa noo. Nagtagal iyon nang ilang segundo kaya napapikit ako.

"Answer my calls and texts. Call me when something happens, do you understand?"

Tumango-tango ako. "Opo."

Muli niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik. Parang ayaw ko na nga siyang pakawalan, e.

"Lastly, don't forget to miss me."

Pagkasabi niyon ay ginawaran niya ako ng halik sa labi na agad ko namang tinugon. Buti na lang nakapag-toothbrush ako bago ako bumaba kanina. Ang bango at ang lambot ng labi niya. Sa tuwing hahalikan niya ako ay pakiramdam ko first time pa rin namin.

Masuyo niya akong tinitigan pagkatapos ng halik.

"I really need to go. I will miss you."

Pinisil niya ako sa kamay.

"Ihatid na kita sa kahit sa lobby lang?"

"No. Just go back to sleep. You still have at least 2 hours. I don't want you to see me off because I might change my mind."

Hinalikan niya ulit ako sa noo.

"I love you."

"I love you too, Puppy! Ingat ka."

Napangiti siya dahil sa sinabi ko. Tinanaw ko na lang siya habang palabas ng pinto. Paatras pa nga siya habang palabas.

Napabuntonghininga ako nang mawala na siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung papaano ko palilipasin ang limang araw nang hindi ko siya nakikita at nahahawakan.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nalalayo ka sa mahal mo. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit sobrang makulit si Zia Lynn noong nagkalayo sila ni Timothy. Halos araw-araw niya akong kinukulit no'n kung may balita na kay Payatot.

Hindi na lang ako bumalik sa pagtulog dahil nawala na ang antok ko. Kaya naisipan ko na lang na magluto. Siyempre 'yong basic lang ang niluto para sa almusal. Pagkatapos ay naligo na ako bago bumaba ulit para kumain.

Alas siyete pa lang ay nasa office na ako. Maliban sa mga guard ay walang katao-tao. Usually kasi 7:45 ng umaga silang lahat dumadating.

Pumasok ako sa office ni Puppy. Nakaramdam ako ng ginhawa dahil pakiramdam ko ay naiwan ang amoy niya rito. Kinuha ko ang mga folder na may lamang disbursement vouchers. Napirmahan niya na yata kagabi dahil sumaglit pa siya rito. Napaka-workaholic talaga ni Puppy. Kabaliktaran ko na chill-chill lang sa buhay.

Sinilip ko ang cellphone ko pagkalabas ko ng opisina niya. Pero wala pang text. Ayaw ko namang pangunahan siya dahil baka nasa biyahe pa siya. O baka nga nasa ere pa siya. Hihintayin ko na lang na mag-text siya.

Nang dumating na si Vanessa ay napuno ng boses niya ang buong floor. Lahat kasi ng staff ay nasa ibaba. Kami lang dito sa itaas, kasama si Sir Joefel.

"Good morning, Madam Divine!" nakangising bati niya sa 'kin.

Kapag wala si Puppy ay tinatawag nila akong madam. Lagi nila akong tinutukso at inuusisa tungkol sa amin ni Puppy. Tinanguan ko lang si Vanessa saka itinuon ang pansin kay Sir Joefel na nakasunod sa kanya.

"Good morning, Sir Joefel!"

"Good morning, Divine. Nakaalis na ba siya?" aniya na ang tinutukoy ay si Puppy Gaston.

"Opo, kanina pang alas-singko ng umaga."

"Ah, kaya pala parang pasan mo ang daigdig," banat ni Vanessa.

Nanguso ako. Nakita kong pinandilatan ni Sir Joefel si Vanessa.

"Kinakabahan ka, 'no? Na baka may makitang chicks si Sir Gaston sa Maynila. Sa gandang lalaki ba naman niya, hindi malayong marami kang kaagaw. Baka pagkauwi no'n ay may dala siyang—"

"Vanessa, stop it. Tanga lang ang lalaking pakakawalan pa si Divine," pagtatanggol ni Sir Joefel habang nakatitig sa akin.

Napaiwas ako ng tingin dahil bigla akong kinabahan sa sinabi ni Vanessa. Ngayon ko lang kasi napagtanto kung gaano kalaki ang mundong ginagalawan ni Puppy Gaston.

"Joke lang, girl. Huwag kang mag-alala, kapag ikaw niloko pa ni Sir Gaston, magre-resign ako para support sa 'yo," ani Vanessa sabay kindat.

Napairap ako. As if naman papayag akong maloko. Isa pa, hindi naman gano'n ang pagkakakilala ko kay Puppy Gaston. Kasi kung hindi niya talaga ako mahal, bakit niya pa ako hihintay, 'di ba?

Itinutok ko na lang ang atensyon ko sa trabaho para makalimutan ko ang mga agam-agam sa isip ko. Panay pa rin ang silip ko sa cellphone, sakaling tumawag si Puppy. Pero buong araw siyang hindi nagparamdam.

Mabibigat ang mga hakbang ko habang pabalik sa unit kinahapunan. Ipinagluto ko muna ng pagkain si Bambi pagkatapos kong maglinis ng katawan. Pati ang aso ay tahimik, hindi siya kumakahol. Mukhang nalulungkot din siya na wala si Puppy Gaston.

"Hayaan mo at ilalabas kita bukas," kausap ko kay Bambi saka hinaplos-haplos ang ulo niya habang kumakain.

"Kung umuwi kaya muna tayo bukas? Tapos doon na tayo matulog. Masyadong malaki itong unit para sa ating dalawa."

Hindi ako pinansin ni Bambi. Na parang sinasabi niyang bahala ako sa buhay ko.

Napabuntonghininga na lamang ako.

Napatigil ako nang biglang mag-ring ang cellphone. Mabilis akong tumayo at kinuha iyon sa bulsa ko.

"Puppy!" bulalas ko pagkasagot ko ng tawag.

Narinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya.

"I miss you," malambing niyang tugon.

Napasandal ako sa pader at napapikit. Ninamnam ko ang boses niya.

"Bakit ngayon ka lang napatawag?" ungot ko.

Narinig kong bumuntonghininga siya. "I'm sorry, Kitten. I had to deal with a lot of things. And I fell asleep habang nasa biyahe. I just got home."

Bigla naman akong naawa. Nag-overtime kasi siya kagabi. Kaya maikli lang ang tulog niya. Tapos maaga pa siyang nagising para sa flight niya kaya siguro nakatulog siya sa biyahe. Kung anu-ano naman ang iniisip ko kanina. Sabi ko na nga ba praning lang ako.

"How was your day?" biglang tanong niya.

"Uhm, ang totoo niyan, nami-miss kita. Buong araw kitang iniisip," pag-amin ko.

Bigla siyang nanahimik sa kabilang linya kaya tiningnan ko ang screen ng cellphone kung na-disconnect ang tawag, pero hindi naman.

"Puppy, andiyan ka pa ba?"

"I'm here. I'm just very happy. Hearing you say you miss me gives me a great deal of euphoria. I wish I could see you right now, but..."

This time ay sabay na kaming bumuntonghininga.

Tumikhim ako. "Mabilis lang naman ang limang araw, e. Huwag kang mag-alala, magpapakabait ako rito."

Tumawa siya nang mahina dahil sa sinabi ko. Nai-imagine ko ang mukha niya habang tumatawa.

"Speaking of which, can you please open the door?"

Napakunot ako. "I know you haven't eaten your dinner yet."

Naglakad ako palabas ng kuwarto ni Bambi habang nasa tainga ko ang cellphone.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

Biglang tumunog ang doorbell nang papalapit na ako sa pinto. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang mukha ng butler ni Puppy. May tulak-tulak siyang tray ng pagkain.

"Ma'am, dinner n'yo po. Ipinaluto ni Sir sa baba."

Nanlaki ang mga mata ko. Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto para makapasok si Kuya.

"Tinotoo mo talagang magpaluto ng pagkain para sa 'kin?" kausap ko kay Puppy sa cellphone.

"Just making sure you're eating well while I'm away. No junk food at night, Kitten. Magkakasakit ka."

Napangiwi ako. Dumaan pa naman ako sa convenient store kanina sa tabi ng pantry at bumili. Balak ko kasing mag-movie marathon kaya bumili ako ng junk food.

"Paano mo nalaman na—"

Natigilan ako. "I have my ways," sabi niya.

Napanguso ako. Feeling ko may 24/7 na surveillance sa akin kaya alam ni Puppy ang bawat galaw ko. Wala sa sariling napatingala ako at inilibot ang paningin. Wala naman akong nakikitang camera.

"Sige na. Pero hindi mo na kailangang isipin ang pagkain ko. Kaya ko namang magluto ng lutong pansarili ko lang. Marami ka na ngang iniisip diyan, e."

"I arranged everything before I left, so you don't have to worry. Hmm? I have to end this call. Kumain ka na."

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Sige na nga. Bye, Puppy."

"I love you, Kitten. Be good, hmm?"

Nagpasalamat ako kay kuya butler pagkatapos kong ma-end ang tawag. Pero dahil marami ang pagkain ay ibinigay ko sa kanya ang iba. Tumanggi pa siya no'ng una pero hindi rin siya umobra sa pamimilit ko.

...

Kinabukasan ay nagulat ako nang mapansing nauna pang dumating si Sir Joefel sa akin. Quarter to eight na kasi ako dumating. Maging si Vanessa ay maaga rin. Tapos parang aligaga siya.

"Anong meron?" usisa ko pagkalabas niya ng office ni Sir Joefel. Glass door kasi ang pinto ng office ni Sir kaya kita sa loob.

"May VIP kasing pansamantalang titira rito. Siyempre, kailangan maayos ang lahat."

"Oh, talaga? Ano'ng maitutulong ko?"

Tinapik lang ako ni Vanessa sa balikat. "Chill ka lang. Gawin mo lang ang usual mong ginagawa. Pero kung may tanong ka baka hindi kita masasagot agad, ah? Kailangan ko kasing bumaba. Pupunta akong kabilang building. Sasamahan ko si Sir Joefel."

Napatango na lang ako bilang pagsang-ayon. Nakatali rin nang maayos ang buhok ngayon ni Vanessa. Mukhang importanteng tao nga ang titira sa unit.

"Sino bang VIP?" pasimpleng tanong ko.

"Anak ng family friend nina Sir Gaston. Kasosyo rin nila sa negosyo. Galing kasing ibang bansa. Alam mo na, baka may masilip at magreklamo sa boss. Hindi ko nga maintindihan kung bakit dito pa siya. Bakit hindi na lang kaya siya mag-hotel, ano? Tsk!"

"Hayaan mo na, pera naman nila ang ginagastos nila. Hindi sa 'yo. Baka kasi magtatagal siya rito kaya nag-condo na lang," sagot ko naman.

"Sabagay."

"Vanessa, let's go."

"Yes, Sir."

Nasundan ko lang ng tingin sina Sir Joefel at Vanessa habang papasok ng elevator. Sinimulan ko na lang ang trabaho kong naiwan kahapon. Pero nag-text ako kay Puppy na nasa office na ako.

Ang tagal bago nakabalik nina Sir Joefel. Pero pagkabalik nila ay may kasama silang isang matandang lalaki at isang babaeng napakaganda. Pamilyar siya sa akin.

"It's a pity that Gaston isn't here. If I had known, I should have stayed in Manila for a few days before going here," sabi ng babae kay Sir Joefel. Ngumiti lang naman ang huli.

Napatitig ako sa babae. Sobrang pamilyar niya sa akin. Saan ko nga ba siya nakita?

"He'll be coming back in a few days, Miss Shelley. You don't have to worry."

Nanlaki ang mga mata ko.

Shelley?

Tama. Siya nga iyong babaeng nakita ko sa picture dati sa cellphone na bigay ni Timothy. Siya 'yong katabi ni Puppy sa picture na mukhang ka-close niya.

Maganda siya sa picture pero mas maganda siya sa personal. Parang model. Kitang-kita kasi ang hubog ng katawan niya dahil sa ikli ng suot niyang dress, tapos fit pa sa kanya. Luwa rin ang dibdib niya pero bumagay naman sa kanya.

"Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko. I've been trying to call him for the nth time. By the way, can you show his office?"

Napakunot ako. Marunong siyang mag-Tagalog?

"Sure. Please follow me," sabi ni Sir Joefel

Dumaan sila sa harapan ko. Ngumiti ako bilang pagbati.

Hinila ko si Vanessa nang dumiretso na sila sa office ni Puppy.

"Oy, sila ba 'yong VIP?" pabulong kong tanong.

Tumango naman si Vanessa.

"Sila nga. 'Yong matanda, ninong daw 'yon ni Sir Gaston slash family lawyer nila. 'Yong Shelley naman anak ng family friend ng parents nila. Kano raw ang tatay no'n at pinay naman ang nanay. Kaya Fil-Am siya."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Akala ko noon ay inaasar lang ako ni Timothy, pero bakit bigla akong kinabahan nang makita ko 'yong Shelley?

"Teka, ninong ba sabi mo?" pagkukumpirma ko.

"Oo, bakit? Anong meron? Kilala mo?"

Umiling ako. "Hindi kaya iyon 'yong ninong na kausap ni Puppy sa cellphone noong nakaraang araw?"

Pagkalabas nila ng office ni Puppy ay nagtatawanan sila. Umayos ako ng upo at inabala ang sarili ko sa screen ng computer nang malapit na sila sa puwesto namin ni Vanessa.

"By the way, I'd like you to meet Shyr Divine."

Sinenyasan ako ni Sir Joefel na tumayo. Nag-atubili pa ako no'ng una pero bigla akong siniko ni Vanessa kaya napatayo ako.

Ngumiti ako kay Shelley at sa ninong ni Puppy.

"Good morning po, Ma'am Shelley. Good morning, Sir!" bati ko sa kanila.

Ngumiti naman sila sa akin pero agad na nawala dahil sa sumunod na sinabi ni Sir Joefel.

"She's Gaston's girlfriend."

Napaawang ang ninong ni Puppy. Si Shelley naman ay napasinghap at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin. Dumaan ang ilang segundong katahimikan. Na para bang sobrang nagulat sila sa sinabi ni Sir Joefel.

"Girlfriend? Gaston got a girlfriend?" tila hindi makapaniwalang untag ni Shelley. Nagkatinginan sila no'ng ninong ni Puppy.

"Yes. Is there something wrong? Didn't he tell you about Shyr Divine?"

Tumawa nang mahina si Sir Joefel. "Gaston is really secretive sometimes. My bad, I've stolen his moment to tell you."

"It's okay, Joefel. It's good that you told me," ani Shelley habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Hindi ko alam pero nairita ako kaya tiningnan ko rin siya mula paa hanggang ulo.

"I'm sorry about my reaction. I was just surprised. I'm pleased to meet you, Shyr Divine. I'm Shelley."

Ngumiti siya sa akin habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Inabot ko ang kamay niyang nakalahad.

"It's nice to meet you," sabi ko.

Napangiwi ako dahil hindi ako sanay mag-English kahit naman ako marunong. Blonde ang buhok ni Shelley kaya mukha talaga siyang kana. Tapos ang features niya ay nangingibabaw ang pagkakana.

"Gaston never mentioned anything about you, that's why I got flustered. He's our neighbor in the US. But I'm planning to stay in the Philippines for good," sabi niya. Titig na titig pa rin siya sa 'kin.

Hindi ko naman itinatanong. Bakit kaya ang daldal niya?

Ngumiti lang ako sa kanya. Pero kinabahan ako nang magsalubong ang mga mata namin ng ninong ni Puppy. Hindi ko alam pero bakit parang may mga kutsilyo ang mga mata niya habang nakatingin sa akin?

Galit ba siya?

©GREATFAIRY 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro