Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

Official

NAPAUNGOT ako nang maramdaman kong may nakahawak at humahalik sa kaliwang kamay ko. Sino kaya'ng salarin ang nang-iistorbo ng tulog ko? Marahan akong nagmulat ng mga mata, at gano'n na lang ang pagkagulat ko nang bumalandra sa paningin ko ang pagmumukha ni Señorito Gaston.

"Señorito?"

Nagliwanag ang mukha niya nang magtagpo ang paningin namin.

"You're awake."

Nailibot ko ang paningin ko. Nandito ako sa kuwarto. Hindi ba may pasok ako?

Napabangon ako bigla kaya muntik na kaming magkauntugan ng ulo ni Señorito Gaston.

"Hala! Anong oras na po? Bakit ako nakatulog?"

Bababa na sana ako sa kama ngunit pinigilan ako ni Señorito sa kamay.

"The doctor said you lack sleep. Then, you... you hyperventilated. That's why you fainted earlier. You got me scared."

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Baka magalit si Sir Joefel!"

"Get some more sleep. It's too late for you to go back to the office. It's already almost 6PM," ani Señorito sabay tingin sa pambisig niyang relo.

Napatampal ako sa noo.

"Bakit hindi n'yo po ako ginising? First day ko pa naman ngayon." Napanguso ako.

Nagulat ako nang hinawakan ni Señorito Gaston ang mga kamay ko.

"Hindi ka ba nakatulog kagabi?" aniya.

Umiling ako. Paano naman kasi ako makakatulog pagkatapos niya akong halikan kagabi at sinabi niyang kami na raw. Kaya pumasok ako kaninang umaga na bangag.

Teka... kami na raw?

"Señorito..."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang sumagi sa isip ko ang pangyayari kanina bago ako nawalan ng malay.

"Sleep some more. We'll talk once you wake up."

Mabilis akong umiling. "Hindi na po ako inaantok."

Paano naman ako makakatulog ulit gayong nawiwindang na ako sa pangyayari? Bigla kasi akong nahiya. Totoo kaya ang mga sinabi niya kanina?

"Are you sure?"

Tumango ako sa kanya.

"Are you hungry?"

"Hindi rin po—aww!"

Bigla niya akong kinaltukan sa noo.

"Don't ever come to work again without getting a decent sleep."

"Paano naman ako makakatulog kagabi pagkatapos n'yo akong—"

Namilog ako nang biglang ngumiti si Señorito Gaston. Tumayo siya saka umupo sa kama para tabihan ako sa pag-upo. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang niyakap niya ako at hinalikan sa gilid ng ulo.

"I'm sorry for making you stay awake the whole night last night. But I never regret drunkenly kissing you."

"Señorito..."

Napasinghap ako nang bigla niya akong pinaharap sa kanya saka hinalikan. Ang lambot ng labi niya at kay sarap halikan kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong tumutugon habang napapikit. Ibig bang sabihin no'n ay official na talaga kami mula pa kagabi?

Nag-init ang pisngi ko nang pagdilat ko ay nakangiti siyang nakatitig sa mukha ko. Halos magdikit ang mga noo namin dahil nakakulong sa mga palad niya ang mukha ko.

"I will keep kissing you until you say that right word."

"Huh?"

Hinalikan niya akong muli pero mabilis lang.

"Stop calling me señorito," mariing utos niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Pu...Puppy."

"Finally."

Ngumiti siya. Ngayon ko lang nakitang lumiwanag ang mukha niya nang ganito kasaya magmula nang bumalik siya galing ng Amerika.

"Uhm, Puppy... Ibig bang sabihin nito ay tayo na?" nahihiyang tanong ko. Nag-iwas ako nang tingin nang lumapad ang ngiti niya.

"You kissed me back earlier. Didn't it mean you're accepting my feelings?"

Sumubsob ako sa dibdib niya para itago ang mukha ko. Para kasing sasabog ang dibdib ko sa sobrang tuwa. Baka sabihin niya sobrang patay na patay ako sa kanya.

Teka, ba't ba ako nahihiya? Siya kaya ang unang nag-confess.

Narinig ko ang mahinang tawa niya, pero nang niyakap niya na ako ay nakaramdam ako ng kakaibang ginhawa. Pakiramdam ko ang lakas-lakas ko ngayon at kaya kong harapin ang buong mundo. Pakiramdam ko ako ang pinakamasayang babae sa ibabaw ng lupa.

Ninamnam ko ang yakap niya. Totoong-totoo na talaga ito. Hindi na hopia, sa wakas!

"Puppy, kailan mo ako simulang nagustuhan for real?" nangingiting tanong ko habang yakap-yakap siya.

"It's a secret. I won't tell you."

Napanguso ako. "Bakit naman? Tayong dalawa lang naman ang nandito. Huwag ka nang mahiya. Ako lang kaya 'to."

Kumalas siya sa yakap saka muling ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya.

"You're so nosy. You don't need to know. From now on, you must only remember that you're the only one for me. I will do anything to make you happy. I will do everything so you won't regret accepting my feelings."

Parang tumambling ang puso ko sa mga sinabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwalang kami na nga talaga. Parang nananaginip pa rin ako.

"Akala ko noon wala kang gusto sa 'kin. Umalis ka kaya nang walang paalam. Tapos hindi mo man lang nire-reply-an ang mga text ko. Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko. 'Di ba deserve ko rin naman ng explanation? Three years kang nawala tapos gano'n gano'n lang?"

Muli niya akong niyakap kaya tuwang-tuwa ako. Pagkakalas niya ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka tinitigan niya ako sa mga mata.

"I'm sorry about what I did. I didn't mean to leave without a word. I didn't want to cause any distraction to your studies. But it didn't mean I gave up on you. I have already decided to wait for you. I promised to myself that if you're still single when I come back, I will do everything in my power to be with you."

"Ibig sabihin ay gusto mo na ako no'ng time na 'yon?"

Nangingiting tumango siya. Lalo siyang gumuwapo sa paningin ko. Ako na yata ang pinakasuwerteng Shyr Divine sa buong mundo.

Bigla akong nakonsensya nang maalala kong itinapon ko sa dagat ang kuwintas na ibinigay niya. Tapos ibinenta ko pa ang cellphone na ibinigay niya rin. Kahit sira na iyon pero galing kasi sa kanya. May sentimental value sana iyon sa akin. Napabuntonghininga ako.

"Why? What's wrong?" nag-aalalang tanong niya.

Napangiwi ako.

"Puppy, may sasabihin sana ako. Pero 'wag ka sanang magagalit."

"I wouldn't dare," mabilis niyang tugon. Nakahinga naman ako nang maluwag.

Huminga ako nang malalim.

"Ang totoo kasi hindi naman talaga nawala 'yong kuwintas na ibinigay mo sa akin dati."

Nakita kong nagulat siya.

"You mean, you're still keeping it with you?"

Nagliwanag ang mga mata niya pero agad ding nawala nang umiling ako.

"Hindi siya nawala. Itinapon ko sa dagat. Sorry!"

Pinagsalikop ang mga palad ko saka nagmamakaawang tumingin sa mga mata niya. Umalon naman ang lalamunan niya.

"Ano kasi... Masama 'yong loob ko dahil umalis ka nang walang paalam, kaya itinapon ko sa dagat. Sorry, ah? Babayaran ko na lang. Magkano ba 'yon?"

May bente mil pa naman ako kay Payatot. Kasya na siguro iyon. Kung kulang pa , e 'di pagtatrabahuhan ko.

"I'm afraid you can't afford the price." Ngumiti siya nang nakaloloko.

Nanlaki ang mga mata ko. "Magkano ba 'yon?" kinakabahang tanong ko.

"Hmmm... If you are going to work as my assistant, maybe you can pay it off after a year. If you will pursue your teaching career, maybe you can pay it in full after two years."

Napasinghap ako. "Seryoso? Gano'n kamahal?! Walang tawad!"

Kailangan ko na yatang i-blackmail palagi si Payatot para magkapera ako nang malaki.

Napanguso ako nang tumawa siya nang mahina.

"How about you pay it with something else?" nakangising sabi niya.

"Ha?"

Napatili ako nang bigla niya akong inihiga sa kama saka kinaibabawan. Nagkatitigan kami. Inayos niya ang buhok kong nakatabing mukha ko.

"Be my woman for the rest of your life, then we're even. Stay with me and don't ever leave me. Promise me," nangungusap ang mga matang sabi niya.

Mabilis akong tumango. Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.

"Ang tanga ko naman kung iiwan pa kita, 'di ba? Mahirap kayang makabingwit ng kasinglaki at kasingsarap mong isda sa dagat."

"Kitten, I'm afraid your analogy is making me want to kiss you the whole night."

Hindi ko na nagawang sumagot nang bumaba ang mga labi niya sa akin. Banayad iyon na parang ingat na ingat siyang makagat niya ang labi. Pero ramdam kong may halong gigil. Nakaluhod siya sa kama habang nakaibabaw sa akin.

Ito na ba 'yon?

Ready na ba ako?

Pakiramdam ko kasi ay biglang uminit ang buong kuwarto. Napapikit ako habang dinadama ang bawat pagdampi ng labi niya. Pakiramdam ko ay sinasamba niya ako.

Sana pala hindi ko na lang itinapon ang kuwintas na iyon. Sayang. Bakit kasi ang drama ko noon? May pa-move on pa akong nalalaman e mahal naman pala ako ng crush ko.

Ay, mali.

Ex-crush. Boyfriend ko na pala siya ngayon.

Napadilat ako nang tumigil siya sa paghalik. Pero nakadagan pa rin siya sa akin.

"We have to go downstairs. The dinner is ready. I'm afraid I might lose control if we continue kissing," nangingiting sabi niya.

Nag-init ang pisngi ko. Bumangon siya saka hinila rin ako pabangon.

Sayang. Akala ko matiktikman ko na ang pinakamasarap na biyaya ng langit.

Try again next time.

Napahawak ako sa noo ko nang bigla niya na naman akong pinitik.

"Are you thinking of something more intimate? We can do it if you want," nakangising tukso niya.

Namilog ang mga mata ko.

"Hindi, ah!" mariing tanggi ko.

Nanakbo ako sa pinto at naunang bumaba sa kusina.

Paano niya kaya nahulaan ang nasa isip ko? Halata ba sa mukha ko?

Nakakahiya ka, Divina!

Pagdating sa kusina ay naagaw ang pansin ko ng puting sobre na nakapatong sa lamesa. Kinuha ko iyon at tiningnan.

Galing sa bangko at may pangalan ko!

"You can use that card from now on. It's yours."

Napalingon ako kay Puppy na nakasunod pala sa akin.

"Woah! May sarili na akong ATM card?"

"Timothy deposited money to your account. May utang daw siya sa 'yo. How come?"

Napangiwi ako saka napakamot ng ulo.

"He-he. Huwag kang magagalit, ah? Naghahanap-buhay lang naman ako. Siya lang naman ang kukutongan ko. Hindi kita idadamay, promise!"

Tumawa siya nang mahina. Pinisil niya ako sa ilong.

"Simula ngayon ako lang dapat ang kukutongan mo. Tigilan mo na ang katatanggap ng bayad galing kay Timothy. Do you understand?"

"Huh?"

"Don't tell me—"

"Sabi ko nga, Puppy. Hindi ko na kukutongan ang kapatid mo. Pero lahat ng pabor niya sa akin hindi libre, ha?"

Nangingiting umiling si Puppy.

Inalalayan niya akong paupo saka pinagsilbihan. Ininit niya muna ang pagkain dahil lumamig na.

"Puppy, what if itutuloy ko ang pagti-teacher sa Maynila? Okay lang ba? 'Di ba one month lang naman ako rito?" untag ko sa gitna ng pagkain.

Dumaan ang lungkot sa mga mata niya.

"If that's what you want, I will support you. I can adjust my schedule and visit you often."

"Pero mapapagod ka kung lagi kang luluwas ng Maynila tapos babalik dito."

"You don't have to worry about me. I can manage."

"Pero paano kung magkasakit ka dahil sa pagod?"

"I am strong. I know my body. I can even take a flight every day just to see you."

"Pero paano kung may mahanap kang iba na mas flexible sa 'yo at hindi mo kailangang magpagod para lang makita siya? Paano kung—"

"I love you."

Napaawang ako at bumilis na naman ang pagtahip ng puso ko. Ibinaba niya ang kubyertos saka kinuha ang kamay ko.

"Never doubt yourself. You are the most precious woman in my life and in my heart. No one holds a candle to you."

Malalim niya akong tinitigan. Doon ko lang napatunayan na akin na talaga siya. Kung may magtangka mang mang-agaw sa kanya ay maghahalo ang balat sa tinalupan.

©GREATFAIRY 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro