Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

Jealous

ANG laki ng eyebags ko. Tapos parang mababasag pa ang ulo ko. Paano kasi hindi ako nakatulog nang buong magdamag, literal. Pabali-baliktad lang sa kama ang ginawa ko dahil kahit ano'ng gawin ko ay ayaw akong dalawin ng antok. Maliban sa may limang oras akong tulog kahapon ng hapon ay hindi ko magawang burahin sa isip ko ang nangyari kagabi.

Hinalikan ako ni Kuya—este Señorito Gaston!

Ang malala pa ay sinabi niyang mag-on na raw kami!

Totoo kaya 'yon? Hindi ko alam ang gagawin ko kaya itinulak ko siya kagabi nang hinalikan niya ako. Kaya hayun, nakabulagta siya sa gitna ng sala dahil sa kalasingan. Hindi ko lang alam kung nagawa pa niyang umakyat sa kuwarto niya. Basta nanakbo na lang ako pabalik sa kuwarto saka nagtalukbong ng kumot.

Pasado alas otso na ng umaga. Pero hindi ko pa rin alam kung lalabas ba ako ng kuwarto o magkukulong na lang. Paano ko ba haharapin si Señorito Gaston pagkatapos ng nangyari kagabi? At saka bakit ang bilis-bilis na naman ng tibok ng puso ko? Lalo na kapag bumabalik sa isip ko ang eksena namin.

Nagsuot ako ng fitted jeans na pinaresan ko lang ng puting long-sleeved polo blouse. Mabuti na lang at mayroon akong dalang concealer kaya natatakpan ko ang ilalim ng mga mata ko. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Hindi ko pa alam kung ano'ng ipagagawa sa akin.

Nakailang hinga ako nang malalim bago ko napagdesisyonan na lumabas ng kuwarto. Napatigil pa ako bago ko pinihit ang door knob. Kulang na lang tatalon ako sa building para lang hindi ako makita ni Señorito.

Gising na kaya siya?

Nag-tiptoe ako pababa ng hagdan habang nakatingin sa kaliwa't kanan, sa likod at sa harap. Agad kong tiningnan ang sala.

Wala na siya roon!

Ibig sabihin ay gising na siya.

Nasa kuwarto niya kaya siya? Napatingala ako sa itaas. Sana ay nando'n pa siya. Hindi ko pa siya kayang harapin. Sana nga ay hindi ko siya makita buong araw.

Pero sa kamalas-malasan ay napatalon ako sa sobrang gulat nang makita ko ang bulto niya sa kusina. Naghahanda siya ng lamesa para sa agahan. Agad niya akong napansin kaya napatingin siya sa 'kin.

Napalunok ako. Nakabihis na siya at bagong ligo. Pero nakasuot siya ng apron. Kulay purple pa.

Bakit parang ang hot niyang tingnan? At parang mas mabango pa siya sa niluluto niya. Sigurado ba siyang hindi siya ang almusal ko?

Naipilig ko ang ulo. Ano ba 'tong naiisip ko?

"You're awake," sabi niya sabay hagod sa akin ng tingin. Bigla akong nag-iwas ng tingin.

"Señorito, g—good morning." Napalunok ako.

"Take your seat," aya niya sabay hila ng upuan.

Wala sa sariling napasunod naman ako sa kanya. Marami siyang niluto. May sinangag, may poached eggs, bacon, at hotdog. Marunong pala siya?

May panahon pa talaga akong usisain ang niluto niya gayong sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang hindi ko kayang lumunok ng pagkain. Tingin ko kasi ay nakasunod ang mga titig niya sa akin.

Naupo siya sa katapat kong upuan pagkatapos ay sinandokan niya ng sinangag ang plato ko. Gusto ko sanang magprotesta dahil parang ako pa ang amo sa lagay namin, pero nakakatakot magsalita, baka mautal pa ako. Ang bango ng luto niya, parang expert siya sa kusina.

"Did you have a good sleep last night?" tanong niya.

Napayuko ako at marahang tumango. Sana lang ay hindi niya mapansin ang eye bags ko. Sa totoo lang ay hikab na hikab na ako sa antok. Pinipigilan ko lang. Pero ang mas nakakabahala ay kung maaalala niya ang nangyari kagabi. Huwag naman sana.

"Good. Come with to the admin office after breakfast. I will introduce you to Vanessa. She will teach you the things that you need to do."

Magalang akong tumango.

"You are barely touching your food. Are you okay?"

Diretso akong napainom ng tubig. Muntik na tuloy akong mabilaukan.

"Dahan-dahan," masuyong sabi niya.

"O—Okay lang po, Seño—Kuya Gaston."

Kagaad na nagsalubong ang mga kilay niya. At bahagya pa siyang napaawang.

"Why do I feel like you're trying to draw a line between us?" seryosong tanong niya.

"Huh?"

"Nothing. Please stop calling me kuya. It irritates the hell out of me."

Napangiwi ako. "Sige po, Señorito. Pasensya na po."

Napaawang siya sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Parang may gusto siyang sabihin pero itinikom niya na lang muli ang mga bibig niya.

Pagkatapos naming kumain ay nagboluntaryo akong maghugas ng mga plato. Ayaw pa niya sana pero inunahan ko siya sa pagliligpit. Nakakahiya naman kasi dahil siya na nga ang nagluto, siya pa ang maghuhugas. Ayaw ko ngang magmukhang palamunin sa paningin niya.

Napahawak ako sa dibdib ko pagkatapos kong patuyuin ang mga kamay ko. Mabuti na lang at nakaligtas ako sa agahan.

Hinanap ko siya pagkalabas ko sa sala. Pero nakita kong bukas ang kuwarto ni Bambi. Mukhang hinatiran niya ng pagkain dahil naririnig ko pa ang pagnguya ng aso. Bahagya ko siyang sinilip. Nando'n nga siya.

Gusto ko sanang i-kiss si Bambi pero pinili ko na lang na maghintay sa sala. Sumandal ako sa likod ng sofa.

Mabuti na lang pala at hindi niya binanggit ang tungkol sa nangyari kagabi.

Hindi nga niya siguro talaga naaalala. Lango kasi siya ng alak.

Parang may kumurot sa gitna ng puso ko.

Bakit pakiramdam ko ay disappointed ang puso ko?

Hindi ba ay nagmo-move on na nga ako sa kanya? Kaya hindi counted 'yong kagabi.

Pero kinuha niya ang first kiss ko. Para lang sana 'yon sa mapapangasawa ko someday!

Kung singilin ko kaya siya ng sampung milyon bilang bayad, saka lalayasan ko siya? Tapos mangingibang bansa ako. Para ako ang pinakasosyal na nagmo-move on sa lupang sinilanganan.

Behave, heart!

Tinampal ko ang bandang puso ko dahil pasaway. Hindi ko talaga alam kung ano'ng gustong iparating sa akin ng pagtibok niya nang mabilis pero may halong kirot.

"Let's go?"

Napakislot ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko kaya napahawak ako sa dibdib ko.

"Señorito!"

Saglit niya akong tinitigan. "Are you really okay? You've been spacing out since we ate breakfast. Is there something that's bothering you?"

Oo, ikaw.

Kung puwede ko lang sana iyong isagot sa kanya. Pero sa huli ay nanghingi ako ng pasensya.

Sumunod ako sa kanya palabas. Nakayuko ako habang naglalakad kaya hindi ko napansing tumigil pala siya, kaya ayon nabunggo ako sa likod niya. Napangiwi ako at agad na napahawak sa nook o.

Mabuti na lang talaga at matigas ang bungo ko kaya hindi ako nasaktan. Mukha pa namang gawa sa semento ang likod niya.

"You okay?"

Agad akong umiwas nang akmang hahawakan niya ang nook o para tingnan. Tingin ko kasi bibigay na anumang oras ang puso ko, lalo na kapag nagdikit ang balat namin.

"Opo." Tipid akong ngumiti.

"Walk beside me," utos niya.

Napakamot ako ng ulo. Nasa tapat na kami ng elevator. Pinindot niya iyon na wala pang ilang segundo ay bumukas. Mabuti at walang gumagamit.

Pinauna niya akong pumasok kaya sumunod naman ako.

Halos matutuyuan ako ng laway habang nasa elevator kami. Pakiramdam ko kasi ay pinapakiramdaman niya ako. E 'di nagpapakiramdaman kaming dalawa.

Halos pumalakpak nga ang mga tainga ko nang tumunog sa wakas ang elevator, hudyat na nasa lobby na kami. Ang init kasi roon sa elevator. Parang kakaibang init kumpara kahapon.

Napapaypay ako sa sarili ko.

Nilakad namin papunta sa kabilang building. Sa admin office. Agad naman siyang binabati ng mga guard at mangilan-ngilang staff na nadadaanan namin. Itong mga staff yata ang nag-aasikaso sa mga unit owners ng condominium nila.

"Good morning, Sir!"

Tumayo ang babaeng naka-formal attire. Naka-slacks soyang katerno ng kulay ng damit niya. Bakit kaya purple ang suot ng mga tao ngayon?

Alam din kaya nila ang favorite color ko?

"Vanessa, this is Shyr Divine. Please take care of her. Teach her everything that she needs to know," ani Señorito.

"Okay, Sir. Ako po ang bahala sa kanya."

Hinarap ako ni Vanessa saka nginitian. Tingin ko ay ilang taon lang ang tanda niya sa akin.

"Hi!" bati ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko. Tinanggap naman niya iyon.

"Ang ganda ng pangalan mo, Shyr Divine. Bagay sa 'yo," sabi niya.

Pasimpleng pumalakpak ang mga tainga ko sa tuwa. In fairness, mukha siyang mabait at madaling pakisamahan. Sana naman walang mga kontrabida rito na feeling may-ari ng kompanya. Baka kasi masisante ako nang wala sa oras kapag mahuli ako ni Señorito na nakikipag-away. Ayaw ko pa namang may nang-aapi sa akin. Wala kaya sa lahi namin ang inaapi. Sa telenobela lang uso ang mga 'yon, 'no.

"I'll count on you, Vanessa."

Napatingin lang ako sa kanilang dalawa. Bakit pakiramdam ko ay pinagbabantaan niya si Vanessa, na parang sinabi niyang ayusin mo ang trabaho mo kundi malalagot ka sa akin.

"Yes, Sir!"

Sumaludo pa si Vanessa sa kanya. Awkward akong napangiti.

Biglang humarap sa akin si Señorito, pagkatapos ay may dinukot siya sa bulsa niya.

"I'll take care of something. Call me when you need me. Answer my calls and texts," aniya sabay lagay ng isang bagong cellphone sa kamay ko.

Napansin ko ang pamimilog ng mga mata ni Vanessa.

Aba'y siyempre napanganga rin ako. Bago pa man kasi ako makasagot ay umalis na siya. Pinaypayan niya ang isang staff at kinausap. Mukhang may bilin.

Bumuka lang ang mga bibig ko pero agad ko ring naitikom dahil nalimutan ko bigla ang sasabihin ko.

Bakit kaya madalas nang nabablangko ang utak ko, lalo kapag kaharap ko si Señorito? Ipinakulam niya ba ako?

"Halika sa taas. Ipapakilala kita sa general manager," yaya sa akin ni Vanessa.

Tumango naman ako. Pumasok kami sa elevator. Pansin kong parang may gustong itanong si Vanessa pero nag-aalangan siya kaya dumaan ang mahabang katahimikan sa amin.

"Hmm, matagal ka na ba rito?" tanong ko.

"Last year. Bago kaming lahat dito, maliban kay Sir Joefel. Dati na raw siyang empleyado nila Sir, nilipat lang dito since taga-rito siya. At siya ang pinag-manage condo."

Tumango-tango ako. Tatanungin ko pa sana siya kung kilala niya rin si Timothy pero bumukas na ang elevator, hudyat na nasa floor na kami ng general manager.

Pumasok kami sa sliding door. May lalaking tumayo nang makita kami. Mukhang kaedaran lang siya ni Señorito Gaston. May suot siyang salamin pero bagay sa kanya. Mukha siyang genius na strikto tingnan.

"Is this Shyr Divine?" sabi niya habang titig na titig sa akin.

"Yes, Sir. Siya nga po. Ang ganda niya, ano?" nangingiting sabi ni Vanessa.

"You're right. She's a beauty," sang-ayon niya sabay ngiti sa akin.

Nailang ako bigla. "Salamat po, Sir!" atubiling tugon ko.

"Please don't be shy. We will help you with anything that you want to learn from here. Kung may kailangan ka, puwede mong sabihin kay Vanessa o sa akin. But you will most likely to spend more time with me since you will be dealing with the documents na kailangan ibigay sa boss."

Tumango-tango ako.

"Sige po, Sir."

Inilibot ako ni Vanessa sa buong building saka ipinakilala sa bawat staff. Hindi ko nga matandaan ang pangalan nila sa dami ba naman nila. Pero ang nakakagulat ay kilala nila akong lahat. Parang informed na silang magtatrabaho ako rito.

Aba'y iba pala kapag mismong big boss ang backer mo. Hindi ko alam kung magiging proud ako o mahihiya ako, e.

"More on analysis at saka preparation ng documents muna ang gawin mo. Huwag ka munang sumagot ng telephone lalo na kapag mga unit owners ang tumawag. Baka kasi magkamali ka nang masabi at maireklamo ka."

Mabilis akong tumango sa mga bilin ni Vanessa.

Nag-take down notes pa ako sa mga dapat gawin. Mahirap din pala. Ang daming kailangang tandaan. Parang nakakatakot magkamali.

Noong lunch time na ay niyaya ako ni Sir Joefel na bumaba sa pantry para doon na kumain. In fairness may nagluluto pala roon kaya maraming pagpipilian.

"Since first day mo, it's my treat!" deklara ni Sir Joefel.

"Talaga, Sir? Hindi ako tatanggi," feeling close naman na sagot ko. Mababait naman pala silang lahat kaya nakahinga ako nang maluwag. Kahit mahirap ang trabaho ay magaan lang kapag ganito ang mga kasamahan ko. 

Tumawa siya. "Ang cute mo."

Nakita ko 'yong adobong pusit kaya um-order ako no'n. Sabay-sabay kaming tatlong kumain nina Vanessa.

"Ah, Divine..."

Napatigil ako sa pagnguya nang bigla na lang tinawag ni Sir Joefel ang pangalan ko. Nakaupo kasi siya sa katapat kong upuan. 

"Po?"

"There's something in your lips..."

Itinuro niya ang gilid ng sarili niyang labi. Kumuha naman ako ng tissue at nagpahid ng gilid ng labi ko. Nakakahiya, baka isipin nila ang kalat kong kumain. E sa masarap ang ulam, e!

"Meron pa," sabi niya.

"Po?"

Nagulat ako nang siya na mismo ang kumuha ng tissue at dinampi iyon sa gilid ng labi ko.

"There you go," sabi niya sabay ngiti sa akin. Lumabas tuloy ang dimples niya sa magkabilang pisngi. In fairness ang cute din pala niya, lalo kapag nakangiti siya.

"Salamat, Sir."

Pero nabitin sa ere ang sunod kong pagsubo nang biglang may dumagundong na boses sa likod ko.

"Why the hell are you not answering my calls, Shyr Divine?"

"Ay biga mo aswang!"

Muntik na akong mapatalon sa upuan ko sa sobrang pagkagulat. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. 

Pagkalingon ko ay nag-aapoy ang mga mata ni Señorito Gaston habang nakatingin sa akin. 

Nasapo ko ang noo ko. Naiwan ko pala ang cellphone sa taas!

Patay!

©GREATFAIRY 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro