Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

Cold Shoulder

INIIWASAN kong mapag-isa kasama si Señorito Gaston. Dinala ko siya rito sa bahay para sina Nanay na ang mag-entertain sa kanya. Kahit ganito lang ako ay hindi ako assuming, pero kanina ko pa ramdam na parang sinusundan niya ako ng tingin.

"Kay tagal mo ring hindi nagawi rito, Señorito. Mabuti nakapasyal ka," ani Nanay.

"Baka magtagal ako rito, Manang. Marami kasing aayusin sa negosyo."

Tumango-tango si Nanay.

"Nasa condo pa po ang mga pasalubong. Ihahatid ko na lang dito bukas," aniya pa.

"Naku, nag-abala ka na naman, Señorito. Isa pa baka busy ka, kaya papapuntahin ko na lang doon bukas si Divina," suhestiyon ni Nanay. Nanlaki ang mga mata ko.

"That would be better para makita niya rin po ang mga unit doon," mabilis naman niyang sang-ayon.

"Kung gano'n ay dito ka na maghapunan kung hindi ka naman nagmamadali."

"Nay, maaga pa kaya. Pasado alas singko pa lang. Mamaya pa tayong alas siete kakain ng hapunan. Busy 'yan si Señorito for sure—"

"I would love to join you to dinner, Manang. Na-miss ko po ang luto ninyo," putol ni Señorito sa sasabihin ko. Lihim akong napairap.

"Kung gano'n tapusin ko lang ang pagluluto. Divina, kausapin mo muna si Señorito," ani Nanay. Aba, pati nanay ko ayaw makipag-cooperate sa pagmo-move on ko.

"Can you take me for a stroll? I missed the fresh air. Gusto ko sanang mamasyal sa tabi ng dagat," aniya.

Umiwas ako ng tingin. Bakit parang ang lambing ng boses niya kahit baritono iyon?

"Divina, samahan mo na si Señorito. Minsan lang magawi iyan dito," utos ni Nanay.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Tipid akong ngumiti saka lumabas ng bahay. Sumunod naman sa akin si Señorito. Iniiwasan kong magtagpo ang mga mata namin dahil pakiramdam ko ay hinihugot niya ang kaluluwa ko.

Hindi ako umimik hanggang sa makarating kami sa dalampasigan, pero pansin kong parang gusto niya akong sabayan sa paglalakad. Pero binibilisan ko ang paghakbang ko para magkaroon kami ng distansya.

Banayad ang paghampas ng alon kaya parang ang tahimik. Bigla akong na-awkward sa presensya ni Señorito. Bakit gano'n? Dati parang hindi naman ako nai-intimidate sa kaniya, pero ngayon parang ayaw kong huminga para lang hindi niya maramdaman ang presensya ko.

"How have you been?" pagbabasag niya sa katahimikan. Ramdam ko pa rin ang paninitig niya ka itinuon ko ang mga mata ko sa dagat.

"Okay naman po," tipid kong sagot.

Katahimikan ulit.

Sana pala ay dinala ko si Bambi para may makakalaro ako habang sinasamahan ang bisitan namin habang naglalakad.

"I heard you passed the licensure exam. Congratulations!"

May himig ng paghanga ang boses niya. Pero hindi ko pa rin siya tiningnan.

"Salamat po. Sinuwerte lang."

"That wasn't luck. It was a fruit of your hard work," pagtatama niya.

Hindi ako umimik, bagkus ay mabilis ko lang siyang sinulyapan at tipid na nginitian. Malamang kay Timothy niya nalaman ang pagkakapasa ko sa LPT. Tsismoso talaga ang payatot na iyon.

Lumulubog na ang araw kaya ang gandang pagmasdan ng pagkakahel ng kalangitan.

"I'm glad to see you've grown up into a fine lady," seryosong sabi niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahugot ako ng malalim na hininga. Ngumiti ako nang tipid kahit hindi nakaharap sa kanya.

"Salamat po."

Muling namayani ang mahabang katahimikan. Naglakad siya at tumabi sa akin para magpantay kami. Tumingin din siya sa karagatan.

"Are you mad at me?" biglang tanong niya na nagpatulala sa akin ng ilang segundo.

Humakbang ako patagilid para hindi magdikit ang mga braso namin.

"Po? Bakit naman po ako magagalit sa inyo?" nakangiwing sagot sabay iwas ng tingin.

"See? You've been acting like that since earlier. I suppose you are upset with me."

"Wala naman pong dahilan para sumama ang loob ko sa inyo," pormal kong sagot. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko dahil bigla akong pinapawisan.

"Then, why are you giving me the cold shoulder?"

This time ay humakbang siya paharap sa akin. Napaatras ako.

"Señorito..." Bigla akong nautal.

Yumuko ako nang bahagya para itago ang mukha ko. Tingin ko kasi ay babagsak anytime ang mga luha ko. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon? Hindi ba naka-move on na ako.

"Were you upset when I left without a word?" aniya, pilit na hinuhuli ang mga paningin ko. Iwas naman ako nang iwas.

"B—Bakit n'yo naman po naisip iyon? Sino naman ako para magalit kung umalis kayong walang paalam? Isa pa ay amo kayo ni Tiyang Sol. Kaya wala akong karapatang magalit sa inyo."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Huminga siya nang malalim.

"Kitten, I'm..." Humugot siya ulit ng hininga.

Naghuhurumintado na naman ang puso ko lalo na nang marinig ko ang itinawag niya sa akin.

Kitten.

Kay tagal ko nang hindi narinig iyon. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak. Baka akalain niyang na-touch ako sa pagtawag niya sa akin ng gano'n. Bakit ba kasi ako naiiyak? Nakakainis, 'di ba nga nakalimutan ko na siya?

"I'm sorry for leaving without a word," masuyong sabi niya.

Umatras ako nang akma niya akong hahawakan. Dumaan ang sakit sa mga mata niya.

Nasaktan siya? Weh?

"Bakit naman po kayo magso-sorry? Hindi n'yo naman po obligasyong magpaalam sa akin kung saan kayo pupunta at kung kailan kayo aalis," katwiran ko.

Totoo naman kasi. Noon hindi ko naisip iyon at feeling broken pa talaga ako. Hindi ko naman pala siya dyowa, bakit kaya ako nag-emote noon na parang tanga. Pero ngayong tumungtong na ako ng bente-uno anyos ay parang nagbago ang pananaw ko. Magti-22 na nga in a few months, e.

Nagtatlong linya ang noo niya.

"You really are mad at me," may bahid ng lungkot na wika niya.

Malungkot siya? Nalulungkot din pala ang mga nang-iiwan? Akala ko 'yong mga iniiwan lang.

"Señorito—"

You are not even calling me like you used to.

"Hindi ko po kayo maintindihan, Señorito. Bakit—"

"Please stop calling me señorito," nangungusap niyang sabi.

"Huh?"

Kinunutan ko siya. Bakit gano'n? Bakit kung makatingin siya sa akin ay may pagsisisi sa mga mata niya? O assuming na naman ako.

Hindi.

Naka-move on na ako.

Napatingin ako sa araw na unti-unti nang lumulubog. Napangiwi ako nang may mapagtanto.

Ang pagmo-move on ay parang araw, lulubog man siya tuwing dapit-hapon pero babalik naman siya kinaumagahan.

"You've changed," sabi niyang diretsong nakatingin sa akin.

"Lahat naman po nagbabago kapag nagkakaedad. Kayo nga nagbago, lalo kayong—"

"Lalong ano?" mariing tanong niya.

Bumaba ang tingin niya sa leeg ko. Parang may hinahanap doon. Kaya napatingin din ako sa sarili ko.

"Where's the necklace I gave you?"

Namilog ang mga mata ko at wala sa sariling nakapa ko ang aking leeg. Bigla akong kinabahan.

"Ah..."

Sasabihin ko bang itinapon ko na iyon sa dagat? Baka magalit siya at bigla niyang pabayaran sa akin. Mukha pa namang mamahalin iyon.

Eh kung sabihin ko kayang itinago ko para hindi mawala?

Baka isipin naman niya hindi pa ako naka-move on. Tapos baka sabihin niyang isuot ko.

Napabuntonghininga ako.

"You lost it?" malungkot niyang tanong.

Ngumiwi ako. "Magkano ba 'yon, Señorito? Baka puwede kong bayaran nang installment? Pero kapag nagkatrabaho na ako, ah? Hindi ko kasi alam kung nasaan na iyon."

Itinaas ko ang kanang kamay ko na parang nanunumpa. Muling dumaan ang lungkot sa mga mata niya pero nawala rin kaagad iyon.

"There's no need. I will give you another one."

"Huh? Hindi na po kailangan," mariin kong tanggi.

"Ibigay n'yo na lang po sa girlfriend n'yo."

"I don't have a girlfriend," mabilis niyang tugon.

Nagkatitigan kami saka namayani na naman ang mahabang katahimikan.

Ansabe? Wala raw siyang dyowa? Weh? Hindi ako naniniwala. Sa tagal niya sa Maynila imposibleng wala siyang dyowa. At saka saan na kaya ang Shelley niya?

Napakamot ako sa ulo. "Eh, basta huwag n'yo na po akong bigyan ng mga gano'n. At huwag n'yo na rin po akong bigyan ng kahit ano. Magkakatrabaho na ako, soon. Kaya ko nang bumili ng kahit anong gusto."

Isa pa ay may big time naman akong sponsor. Si Payatot pa ba.

Gusto ko sanang sabihin iyon pero itinikom ko na lang ang bibig ko.

"Why do I feel like you are avoiding me since I arrived?"

"Huh? Kayo, iniiwasan ko? Bakit ko naman po gagawin iyon? Natutuwa nga po ako na napadalaw kayo," nakangiting sabi ko.

"You don't look like you're happy about my return. Alam kong masama ang loob mo. You don't have to deny it, Kitten."

Ayan na naman siya. Tumalon na naman ang puso ko sa itinawag niya sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang puso ko.

"Señorito, bakit po ba ganito ang pinag-uusapan natin? Promise po, hindi masama ang loob ko sa inyo. Natutuwa nga ako kasi ang malaki ang itinulong ninyo sa pag-aaral ko. Ang lahat ng mga ibinibigay sa akin ni Tiyang ay galing sa inyo kaya malaki ang utang na loob namin sa pamilya ninyo."

"Then, I would love to help you with everything, so you will owe me your whole life."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?"

"Nothing. I heard may manliligaw ka raw," bigla ay sabi niya.

Bigla akong pinagpawisan nang malapot. Walanghiyang payatot iyon. Tsismoso talaga. Kapag pumunta siya rito ulit, hindi na siya makakauwi nang buhay sa Negros.

Tumikhim ako saka naglakad. Mahangin kaya napayakap ako sa sarili ko.

"Actually, marami po akong manliligaw. Pero wala akong sinagot ni isa kasi strict ang parents ko," sabi ko.

Nakita kong napalunok siya.

"Alam n'yo naman po, pag-aaral muna ang priority ko noon. Pero ngayong graduate na ako—"

"You mean you are now allowed to be in a relationship?"

Umiling ako. Natigilan naman siya.

"Why? Ayaw pa rin ng parents mo?"

Sa totoo lang hindi naman strikto sina Nanay. Malaki nga ang tiwala nila sa akin, e. At malamang kapag nagka-boyfriend ako hindi pa sila maniniwalang may papatol sa akin. Siraulo raw kasi ako kaya kawawa ang magiging boyfriend ko, baka raw apihin ko lang.

"Hindi naman sa gano'n."

"Then, why wouldn't you want to be in a relationship?"

"Strict ako sa sarili ko, e."

Nalaglag ang panga niya. Ngumiti ako nang tipid saka mabilis na itinali ang buhok ko kasi nililipad ng hangin. Nakasuot lang ako ng maluwang na puting V-neck na T-shirt at denim shorts na hanggang kalahati ng hita ko ang haba.

Pero napatigil ako nang mapansing nakatingin sa leeg ko si Señorito. Umalon ang lalamunan niya sabay iwas ng tingin.

Nagkibit-balikat lang ako. Masama yata ang loob niyang naiwala ko ang kuwintas. Kapag nalaman niyang sinadya kong itapon iyon ay yari ako.

"Baka po handa na ang hapunan. Balik na po tayo," nasabi ko.

Nagdidilim na kasi. Ang inaasahan ko ay maglalakad-lakad siya sa dalampasigan pero nakiisyuso lang pala tungkol sa buhay ko. Ang labo rin ng isang tao.

Nakasunod lang siya sa akin habang pabalik kami ng bahay. Hindi ako mapalagay kasi kahit nakatalikod ako sa kanya ay pakiramdam ko nakasunod ang pa rin ang mga mata niya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.

Mabuti na lang at pagdating namin ay nando'n na sina Tatay at Dave. Nakahanda na rin ang lamesa.

Awtomatikong nagliwanag ang mukha ng kapatid ko nang makita ang bisita namin. Mukhang pasalubong na naman ang iniisip nito kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Welcome back, Señorito Gaston!" tuwang-tuwang bulalas ni Dave.

Ginulo naman ni Señorito ang buhok niya.

"You can just call me Kuya from now on. Parang pamilya ko na rin kayo dahil kay Nanay Sol."

"Talaga, Kuya Gaston?"

"Of course."

Napangiwi ako. Feel na feel naman ng kapatid ko.

"Maupo na kayo. Halika na, Señorito." Si Nanay.

"Manang, puwede naman pong Gaston na lang. Pamilya tayo rito."

Parang dumaan ang prusisyon ng mga anghel nang sabihin niya iyon. Nagkatinginan sina Nanay at Tatay. Nabitin naman sa ere ang paglagay ko ng mangkok sa lamesa.

Tumikhim si Nanay. "Nakakahiya naman kasi pero kung iyon ang ikakagaan ng loob ninyo, wala namang problema, Gaston."

Pigil na pigil kong huminga. Lumapad naman ang ngiti ng bisita namin. Bakit ngayon niya lang naisipan na i-suggest iyon? Noon naman okay lang sa kanya na Señorito ang tawag namin sa kanya.

"Salamat po, Manang."

Si Tatay naman ay ngingiti-ngiti na parang timang. Bakit kaya ganitong pamilya ang ibinigay sa akin ng tadhana? Hindi man lang nila nahahalatang hindi ako komportable.

Nagsimula kaming kumain pero hindi ako umiimik. Magkaharap kami ni Señorito sa hapag.

"What are your next plans after your oath-taking?" tanong niya habang kumakain. Bilib din naman ako sa kakayahan niyang makisama sa aming kumain kahit simple lang ang nakahanda sa hapag. Hindi kagaya roon sa mansyon nila na parang laging piyesta.

"Mag-a-apply po muna ako sa private school," wika ko.

"Masyado ngang nagmamadaling makapagtrabaho ang batang 'yan. Puwede naman siyang magpahinga muna kahit isang buwan lang bago mag-apply," sabi ni Tatay.

"Well, I need an assistant sa office while I'm sorting things out. Kahit mga isang buwan lang, puwede ka naman doon kung gusto mong may pagkakaabalahan," suhestiyon niya.

"Aba'y ayon naman pala, anak. Para hindi ka lang palagi rito sa bahay. Puwede ring magpa-rank ka muna at magtrabaho ka kay Gaston habang naghihintay ng resulta." Si Nanay.

Kulang na lang ay pag-uuntugin ko sila para matauhan na ayaw ko ngang makasama ang bisita namin.

"Pag-iisipan ko po," maikling tugon ko saka nagpatuloy sa pagkain.

Nagkuwentuhan sila pero hindi ako nakisali sa usapan. Pero pansin ko pa rin ang paninitig ni Señorito Gaston.

Pagkatapos kumain ako na mismo ang nagligpit ng mga plato sa hinugasan ang mga iyon para makaiwas ako sa kanya. Pero hindi ko akalain na magtatagal pa pala siya. Pagkalabas ko kasi sa sala ay nando'n pa rin siya.

Lumabas ako para pakainin si Bambi. Kawawa naman kasi siya, nawala na sa isip ko dahil masyado akong na-carried away sa presensya ng bisita namin.

"I really think you need to consider my offer."

Napatigil ako nang marinig ko ang boses niya sa likod kaya napatayo ako sa harapan ng doghouse.

"Ako po ba ang kinakausap ninyo, Señorito?" patay-malisyang tanong ko.

"May iba ka pa bang nakikita maliban sa akin?" seryosong balik-tanong niya. Oo nga naman, nasa loob kasi ng bahay sina Nanay at Tatay. Pati na rin si Dave. Hindi yata nila napansing lumabas na ang kausap nila. O baka nagbubulag-bulagan lang sila.

"It would also be better if you drop the formality. Please stop calling me señorito," dagdag pa niya na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Ah, sige po. Pag-iisipan ko ang offer n'yo, Kuya."

Awtomatikong kumunot ang noo niya. "What did you just call me?"

"Kuya po. Hindi ba sabi ninyo pamilya tayo rito?" walang kaabog-abog na tugon ko.

Umigting ang kanyang panga.

"Damn it!" rinig kong mahinang mura niya.


....

A/N: Hello! Thank you for all your birthday wishes on Facebook. I may not be able to reply at once, but please know that I'm grateful to have you all here with me. If you like this story, please feel free to tick the star below. Enjoy, guys!  

©GREATFAIRY 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro