Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula


Simula

"Anong gusto mo?" tanong ni Kuya akin.

Sinadya naming tumigil sa harap ng isang bagong open na cafe sa tabi lang ng bagong bukas ding convenient store sa Altagracia. Kanina, ako pa ang nagpipilit kay Kuya Levi na puntahan iyon para lang makapagdala ng isang frappe sa school. Ngayon, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nawala sa isip ko ang lahat ng gustong gawin.

To hear that my father, Luis del Real, is having multiple affairs with some of this town's women hurt. To see it with my own eyes is... crippling. At iyon mismo ang nakita ko habang ang aming Cruiser ay nakapark sa labas lang ng cafe.

Kinatok ni Kuya ang aking bintana, hindi nakuntento sa nakababang bintana niya sa front seat.

"Anong gusto mo?"

Tears stung my eyes. My brother looks so much like my father that it only doubled the pain. Kitang-kita ko sa mga mata ni Kuya Levi ang pagkakataranta nang nakita niya ang mga luha sa aking mga mata. He forcefully opened the door of the backseat at mabilis akong hinanapan ng sakit.

"Anong nangyari? Anong problema? Sagutin mo 'ko!" he demanded.

"Kuya, nakita ko si Dad!"

Escorted by a cheap woman, Daddy got in on his car and drove away to God-knows-where!

"Huh? Saan?"

Luminga-linga ang kapatid ko sa paligid. Bumuhos ang mga luha ko, hindi na napigilan. Niyakap niya agad ako. He groaned his frustration and made me hush.

"Hayaan mo na 'yon! Baka nagkakamali ka? Kaibigan niya lang 'yon-"

"Iyan 'yong pinag-uusapan, e! The widowed woman! Mother of our schoolmate!"

"Tama na. Hayaan mo na 'yan! Ako na ang bahala, okay?" he assured but I couldn't stop crying.

We are the picture of Altagracia's perfect family except that behind it, we have dark secrets. Mostly, from my Dad. Usap-usapan sa bayan na papalit-palit siya ng babae. Noong nakaraa'y sinabi'y teacher daw sa senior high, sunod naman ay isang trabahante sa aming asukarera, at napakarami pang iba.

My mom could easily do something about it. She could suggest to fire the immoral teacher, she could fire the worker, or she could send every damn mistress into jail but she wouldn't. Hindi ganoong klaseng babae si Mommy. She's very prim and proper, very classic, decent, and soft-spoken.

Iyon ang pinakamasakit para sa akin. Lalo na tuwing tahimik kong naririnig ang mga tanong ni Mommy kay Daddy tungkol sa mga babae niya. He would deny it to death and Mommy won't have a choice but to stop or it will be a never ending rejection.

Hindi ko na nasagot si Kuya Levi sa tanong niya kanina pero bumili siya ng frappe para sa akin. Tumigil ako sa pag-iyak at kumalma na ng konti pero nanatili akong tulala at nakayuko sa sasakyan. Dumating na ng school ay halos wala pa rin akong reaksyon.

Kuya Levi opened the door of the backseat for me. Naglahad siya ng kamay sa akin.

Natural na hindi na nagulat si Kuya. Hindi niya man siguro sinasabi'y, ilang ulit niya na siguro nakita si Daddy na may kasamang kabit. Hindi niya sinasabi dahil alam niya na ganito ang magiging reaksyon ko. And really, can we really do something about it? It's a choice made by an adult... our Dad. The head of our family. The man we look up to!

"Chayo... listen..." he crouched so our eyes would level.

Napatingin ako sa aking kapatid. His deep-set eyes made my heart ache.

"Alam nating dalawa ang mga kuwento tungkol kay Daddy at sa mga... mistress niya."

I swallowed the bile on my throat and nodded. Even when he's five years older than me, we are still very close to each other.

"Kahit na ganoon, mahal niya pa rin tayo, hindi ba? Inaalagaan niya pa rin tayo. Pati si Mommy."

Nalukot ang mukha ko. Oo dahil sa bahay siya umuuwi at sweet pa rin siya sa amin. He gives us everything we want. He is very kind to us.

"Pero siguro nga walang perpektong pamilya... walang perpektong tao."

"If he indeed loves his family, he wouldn't cheat on his wife, Kuya! Cheating on mommy means cheating on us!"

Marahang pumikit ang kapatid ko. Isang beses na umiling bago siya dumilat at nagsalitang ulit.

"Look. You don't know what our parents are going through-"

"No!" I insisted.

Nakita ko ang bahagyang pagsulyap ni Kuya sa gilid, hudyat na nariyan na ang mga kaibigan niya. But that didn't stop him from telling me things.

"Yes, Chayo. Dad cheated on us and he's not a good husband to Mommy. Pag-uwi natin kakausapin ko siya tungkol dito and let us both hope that we can change his mind regarding this. Hindi mo dapat nakikita ang mga ganitong bagay. Sobrang bata mo pa para rito. I'll talk to Dad later when we get home."

Tumango ako. Walang ibang choice kundi ang kumalma at magpatuloy sa isang araw sa eskwela.

"May problema ba, Levi?" ang mababang boses na iyon ay pamilyar sa akin.

Pinalis ko ang luhang lumandas sa mga mata at isa-isang sinulyapan ang naghihintay sa kapatid. Behind the boy who went to us where some of Levi's familiar friends. Pare-parehong anak ng mga kilalang mayaman sa Altagracia o saan mang karatig probinsyang malapit sa Canlaon.

There's Adriano, George, Axel... ito ang madalas kasama ng kapatid ko. Hindi lang kasi nagkikita sa school pero pati na rin sa mga gatherings. They are sons of the elite and wealthiest of the region. Nga lang, nahaluan sila ngayon ng ibang lalaki. Duda ko, practice game nila at ang ibang narito... binalingan ko ang lumapit... mahihirap.

"Wala naman."

Sumulyap ulit ako sa lalaking nagtanong. His dark brooding eyes looked genuinely concerned. The grim line of his lips made me think that he never really smiles. Pero hindi ba, ganoon naman talaga siya kahit sa mga laro nila ni Kuya?

"Tinatawag na tayo ni coach," sabi nito.

"Oo. Pasensya na. Pinuntahan pa namin ni Chayo ang bagong open na cafe."

The boy nodded. Nagtagal ang tingin sa akin. I sipped on my frappe, ngayon lang naalala ang binili ng kapatid.

I was then twelve years old and on my seventh grade. Hindi ko nga lang alam kung may kinalaman ba ang kinalakhang iyon sa lahat ng mga kilos ko ngayon pero siguro nga.

Kuya Levi confronted my Dad that night. Daddy said his apologies to us and to my Mom. My mom cried silently and then Daddy hugged her. Later that night, pumunta si Daddy sa kuwarto at kinausap ako ng masinsinan. Gumaan ang loob ko kay Daddy sa gabing iyon pero hindi ko nakalimutan ang paghalik niya sa kanyang kabit at ang harutan nila hanggang sa pumasok na sa sasakyan namin.

Hindi ko kailanman nakalimutan ang kataksilan. Hindi ko kailanman nakalimutan na minsan kong nakita iyon.

Ang Altagracia College ay ang natatanging paaralan sa bandang ito ng Negros. Sa katabing mga ciudad ay mayroon ding mga malalaking paaralan pero kung bi-biyahiin araw-araw, mauubos ang oras mo sa layo. Dito kami pinag-aral na dalawa ni Kuya dahil bukod sa malapit lang ang aming mansion at asukarera rito, dito rin nag-aaral ang marami sa aming kaibigan.

"Iyan ba 'yon, Chayo?" bulong ng isa sa pinakamalapit kong kaibigang si Nan.

Nasa cafeteria kami ngayon at malayo pa lang, tanaw ko na ang isang grade 8. Simula noong narinig ko ang usap-usapan tungkol kay Daddy at sa Mommy nito, lagi ko na lang siyang napapansin. She seems kind but it annoyed me that she always smile to me. Pakiramdam ko, nanunuya siya. At ngayong nakita ko nga si Daddy kasama ang Mommy niya, mas lalo lang akong naiirita sa kanya.

"Naiirita talaga ako tuwing tumitingin 'yan dito. Lalo na tuwing friendly. I mean... lahat ng tao naririnig ang sabi-sabi. Huwag mong sabihing hindi niya alam at gusto niya lang makipagkaibigan sa'yo?" bulong-bulong ng isa pang kaibigan na si June.

Binalingan ko ang dalawang kasama. Nasa iisang grupo kami at marami kami sa lamesa pero silang dalawa lang ang pinakamalapit sa akin na kinikwentuhan ko sa halos lahat ng ganap sa aking buhay.

"Anong pinag-uusapan niyo riyan?" si Edu, isa sa aming kaibigang lalaki.

Ngumisi si Nan. "Wala, Edu. Bibili lang kami ng pagkain, guys..."

Tumayo si Nan. Nag-aalinlangan naman si June sa pagtayo dahil tinitingnan niya iyong Grade 8 na kinaiiritahan ko.

"Ano ka ba, Nan? Dahil ba nariyan 'yan, magugutom tayong tatlo rito?" may puntong sinabi ni June.

Tumayo na rin ako. Alam ng dalawa na mainit ang dugo ko sa babaeng iyon at nadagdagan pa ngayon.

"Ayaw ni Chayo na malapit sa pulubing 'yan, June! Kahit ako rin naman. Nanggigigil ako tuwing ngumingiti sa banda natin. Hindi ko gusto ang vibe."

"Nan, sige na. Ayos lang. Isa pa..." my brow shot up. "Bakit ako ang iiwas sa kanya? Ang Mommy niya ang kabit at siya ang dapat na nahihiya."

"Ganoon na nga, Chayo. In this case, she isn't even ashamed to smile at you. That means she's as aggressive and thick faced as her mom!"

Kahit na ganoon ang sinabi ni Nan, hindi na ako nagpaawat. Pumila na rin kami sa cafeteria. Mas lalong kumulo ang dugo ko nang nakita ang babaeng palapit.

Ella. That's her name. First time ito sa lahat ng mga kabit ni Daddy na naging schoolmate ko ang anak. At first time ko ring nakita mismo na may kabit nga si Daddy. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagkakairita.

Nauna siya sa pila pero dahil may dalawang pila at naging mabilis ang banda namin, halos naglebel kami. The thick-faced girl did not even look away. She was waiting until our eyes meet to smile!

"Ingrata!" bulong-bulong ni Nan sa akin.

Tahimik ko lang na sinimangutan si Ella. Hindi inirapan o kahit ano. Dahil pakiramdam ko, kung magsisimula ako ngayon, hindi ako matatapos pa.

"Anong sa'yo, Miss del Real?" tanong ng cashier.

"Fried chicken meal and water, please," marahan kong sinabi.

Tumango ang cashier. Inangat ko ang kulay pink kong wallet at kinuhanan ng pera na ibinigay sa cashier. I glanced at the other line and saw her, still smiling at me.

Nang ibinigay sa akin ang tray kasama ang pagkain, tumabi muna ako para hintayin ang dalawang kaibigan. Nalapit ako sa kabilang pula, kung nasaan si Ella. Mukhang may problema sa cashier nila kaya hindi pa siya naeentertain. However, she did not look mad at it. Instead, she was smiling... at me.

"Hi! We have the same wallet," mahinahon niyang sinabi.

Nagulat ako roon. How dare she talk to me! And... my wallet?

Napatingin ako sa designer wallet na dala at naalala na regalo iyon ni Dad sa akin pagkatapos ng second grading examinations! Mayroon siya? Pareho? At sino, kung ganoon, ang nagbigay? She answered that question in my head.

"Bigay ni... Tito Luis."

The nerve of this girl! Hindi ako makapaniwala! Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at hindi na napigilan ang sarili.

"Are you really that stupid and insensitive?" nanginig ang boses ko.

She smiled guiltily. "Sorry, I-I just wanna be friends with you."

Para akong nabingi sa sariling galit. Mabilisang saboy ng tubig ang ginawa ko sa kanya. I am not violent nor a caveman but I just can't believe that this girl is that insensitive!

Kitang-kita ko ang pagkakaestatwa niya sa ginawa ko. May iilang humiyaw na mga estudyante, tinawanan siya. May iilang nagbulung-bulungan. Hinihila na ako ni Nan habang tahimik na humahagikhik si June sa tabi ko. Ella looked so shocked. Basang basa ang mukha niya pati uniporme.

"Now, you know you can't be friends with me, huh?"

Nilingon ko ang tray ni Nan at kinuha na rin ang tubig, hindi pa kuntento sa ginawa. I was about to pour it to her when I hand stopped my wrist.

"Tama na, Chayo!" ang kilalang baritonong boses ay binalingan.

The tall, not handsome, but ridiculously attractive, Leandro, my brother's Team Captain, stopped me from pouring on to Ella's uniform. Ang isang kamay niya ang umagaw sa basong hawak ko at itinabi niya sa counter iyon.

"I just wanna be friends with you, Ch-Chayo. T-That's all-" naiiyak na ulit ni Ella na mas lalong nagpairita sa akin.

Hindi ko kayang pigilan ang bugso ng damdamin ko. Inabot ko ang isa pang baso ng tubig sa gigil na masabuyan ulit siya. But of course, Leandro was there to stop me from doing something that will satisfy me.

"Ano ba?" baling ko kay Leandro.

"That's not the right thing to do!" his voice was calm but thunderous.

Abot-abot ang hininga ko at hindi ko maintindihan ang sakit sa pusong naramdaman. Dahil... ano nga ba ang alam ng mga taong narito kung ano ang tamang gawin?

"Wala kang pakealam sa gusto kong gawin! Wala kang alam kaya tumabi ka riyan! Gagawin ko ang gusto kong gawin!"

Mabilisan at sapilitan kong sinaboy ang baso ng tubig na dala ko kay Ella. Leandro held on to me on time and crushed my hand with his dahilan ng pagkakayupi rin ng plastic cup na pinaglagyan ng tubig. Hindi na nasaboy kay Ella iyon at natapon na lang sa kinatatayuan ko.

Angrily, I pushed his hand away from mine. Bumaling sa kay Leandro at hinarap siya.

"Pinagtatanggol mo siya dahil pareho kayong mga pulubi! Pareho kayong galing putik!" I spat.

"Chayo..." sabay hila ni June at Nan sa akin pero hindi pa ako tapos.

"You don't know how it feels to have a family broken by a crude woman, and that's your Mom, Ella!"

"Stop it, Chayo!" sabay hila ni Leandro sa akin paalis sa kumosyong iyon pero dahil sa dami ng nang-uusisa at sa lakas ng paghila ko pabalik sa sarili ko, hindi siya nagtagumpay.

"You all just want to get out of the damn mud so you'd do everything to! And that's including being the mistress of the wealthiest man! Given a chance, right? At ikaw? Ano kayang gagawin mo para makaangat? Mga pulubi-"

"Shut up!" Leandro's words silenced the whole cafeteria.

Ang bulong-bulungan ay humupa at ang kumusyon ay pansamantalang natigil. Isang beses na kuhang muli sa palapulsuhan ko, nahigit niya na agad ako sa kinatatayuan ko.

Parang bakal ang kamay niya habang ako'y nanghihina at umiiyak. Hinatid niya ako sa clinic. Kinausap ang nurse saglit bago umalis nang hindi na ako tinitingnan.

I was certain then that I'd get detention... suspention or whatsoever. Kahit pa alam kong tama lang iyon kay Ella, may ginawa pa rin akong masama sa kanya. Ang sabi ng nurse, kinakausap na raw ng Principal si Kuya Levi. Baka pinatawag na rin sin Mommy at Daddy.

"Chayo?" sabay dalo ni Kuya Levi sa akin nang nadatnan sa clinic. "Anong ginawa mo? Charlotta!"

Nagpatuloy ako sa pag-iyak. Umiling-iling na lang. Sa ilang minuto kong pagtatagal doon, natanto ko kung gaano kasakit ang mga salitang binitiwan ko. Kung paano deserve kong ma suspend. Kung paano siguradong didisiplinahin ako ni Mommy at Daddy pagdating ng bahay.

"Masususpend ba ako, Kuya? A-Anong sabi ng Principal?" tanong ko sa gitna ng mga pag-iyak.

Hinawi ni Kuya Levi ang mga buhok na dumikit na sa aking pisngi. Kinuha niya ang kanyang panyo at pinunasan ang aking luha.

"Bakit ka masususpend? Anong nangyari?"

"H-Huh? H-Hindi mo ba nakausap ang Principal?"

"Nakausap naman..."

Nagulat ako. Tumigil ako sa paghikbi at tinitigan ang kapatid.

"Anong sabi?"

"Na magpahinga ka lang muna. Ang sabi naman ni Leandro, tinukso ka ng kaaway mo. Hindi ikaw ang nagpasimula... Ano ba kasi? Ba't mo pa pinatulan? Huh?"

Hindi na ako nakabalik sa paghikbi o pag-iyak. Nanatili ang titig ko kay Kuya Levi, iniisip kung tama ba ang narinig ko. And here I thought after the hurtful words I said, I'd get what I deserved?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #jonaxx