Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

Kabanata 9

Move On

"Let me see..."

He spaced out to think. Tinitigan ko siya. Seryoso ba siyang hindi niya maalala kung paano niya niligawan si Keira? Ako nga na nakarami na ng boyfriend, tanda pa rin paano ako niligawan ng bawat isa!

"You don't remember it?!" I exclaimed, shocked and offended.

Kaya siya iniwan kasi ganyan! Hindi niya man lang maalala! Keira was a nice girl! She's pretty! Madalas kong makita sa campus pero mga kaibigang babae na ang kasama at hindi na ang grupo nina Kuya Levi. Kung napapahalo man sa kanila'y marami sila roon at hindi sila magkalapit ni Leandro! Hindi tulad noon na kung hindi malapit ay minsan nagho-holding hands pa! Kung hindi naman nagho-holding hands, nakikita ko namang silang dalawa magkasama. Minsan pa si Leandro ang may hawak ng mga libro ni Keira! Minsan pa nga... nakikita ko rin silang magkasama sa liblib na mga Kiosk.

"That's why she broke up with you!" giit ko.

His lips twisted and spaced out again.

"You can't even remember anything? Monthsary n'yo, baka 'di mo rin na-aalala?" I said, very concerned now.

Kumunot ang noo niya habang tinititigan ako.

"One day, we just decided to be in a relationship. That's all, Chayo."

"My goodness! Kaya ka niya iniwan!" I said, very dismayed. "You didn't court her? You didn't surprise her?"

His face darkened at that.

"Hindi lahat ng lalaki ay gaya ng mga naging boyfriend mo. At hindi rin lahat ng mga babae, gusto ang materyal na bagay-"

"That's the point! Girls don't want or need it but they secretly like it if they receive it!" agap ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. Dismayadong dismayado ako sa diskarte niya.

Ilang sandali ay naningkit ang mga mata ko. One day, they just decided to be in a relationship? Are you kidding me?

Hi, Ralph! Tayo na? Okay lang? I cannot imagine!

Or is it like this? Leandro, I like you. Do you like me, too?

Yes. I'm your boyfriend now.

Something about the latter left a bad taste in my mouth. But that's more believable since I've seen girls confess to him. Bukod sa chismis, nakita ko first hand paano niya tinanggihan ang isa. Hindi pa natin isasali si Aria, ang pinsan ni Nan. At s'yempre ang iilan pang mga naririnig kong nagtapat sa kanya.

"Will this mean you also don't give her gifts while you were together?"

Suplado niya akong binalingan. "Is that important in a relationship, Chayo?"

Nagsapo ako ng noo. I got a feeling that I'm right with my thoughts. And he just doesn't get it. Hindi ko pa natatanong ang lahat ng tanong ko, parang alam ko na ang nangyari.

But then, if say Leandro is right and it doesn't really work like that for boys and girls his age, then there could be a direct reason.

"Based on my deductions, maybe you courted her subtly while you were friends. Then eventually you both decided to level it up? Am I right?"

Nagtaas siya ng kilay. Ilang sandaling nagtagal ang tingin niya sa akin bago humilig sa upuan at marahang tumango. Nagsulat ako sa notes ko at may napansin.

Leandro can pull it off without any grand move to a girl like Keira. Dumaloy ang pait sa aking tiyan habang sinusulat ang impormasyon na iyon.

"May pasok pa ako. Kailangan ko nang umalis."

"Sure!" sabi ko, nakatingin pa rin sa sinusulat.

Tumayo siya at nagsimula nang maglakad. Hindi ko na rin siya sinundan ng tingin kahit pa tapos na akong magsulat. Sinadya kong titigan na lang ang notebook hanggang makaalis siya.

He was able to keep her without the grand gestures and gifts. And to me, he always, always say rude words at the wrong time. Maybe to Keira, he's sweet at caring. Imagining him gentle to Keira made my mood sour. Bakit ko nga ba ikinukumpara? Siyempre mabait siya kay Keira dahil gusto niya ito. I'm just the annoying Grade 10 kid to him.

Hey! I'm not a kid anymore!

Napatingin tuloy ako sa aking damit. Pagkatapos sa aking maliit na backpack. Time to give up my favorite and try other designs, huh?

Napaisip din tuloy ako. Maybe I should start doing that with my next boyfriend. Iyong subtle lang ang lahat? Walang grand surprises or gifts? Besides, wala naman talaga rin akong hiniwalayan dahil hindi ako nabigyan ng kahit anong regalo, e. Wala rin akong hiniwalayan dahil nakalimutan ang monthsary o kahit ano.

"Oh. Ganda ng umaga mo kanina, uuwi ka naman ngayon ng malungkot?" si Kuya Levi na lagi'y napapansin ang itsura ko. "Anong nangyari?"

"Wala, Kuya. Pagod lang ako."

Hinilig ko ang ulo sa upuan buong biyahe patungong bahay. At nang nakarating, dumiretso na lang sa kuwarto. Our time will be longer tomorrow. I just hope he will be there.

Bumalik din naman sa dati ang mood ko kinabukasan. Ayon sa mga pagmumuni-muni ko kagabi, posible nga naman siguro iyong ginagawa ni Leandro.

"Kuya Levi, sino ba ang crush mo?" tanong ko.

"H-Huh? Ba't mo natanong?" he said almost grumpily.

"Naisip ko lang. Iniisip ko kung paano ba manligaw ang mga kaedad mo."

"Oh? Bakit? May nanliligaw sa'yo na ka-edad ko, Chayo?"

Napatuwid ako sa pagkakaupo sabay iling.

"Lagi ka na lang nag co-conclude na may boyfriend ako o manliligaw, Kuya! Nagtatanong lang naman, e!"

"Paano ba naman kasi. Lagi ka ring may boyfriend o manliligaw? Ano pa ang ineexpect mong isipin ko?"

Umirap ako at pinagmasdan si Kuya. I actually have a feeling no who he likes for years. His friends were always consistent and even if some of his girl friends expressed a strong crush on him, he seems to not respond to anything.

"Kuya..." pangugulit ko pagkatapos ng pagtatalo namin, umagang umaga.

"Hmm?"

"Mas bata ang gusto mo 'no?"

"A-Ano?!" now he looks so offended at my conclusion. "Tumigil ka nga, Chayo. Ikaw ha! Iyan na lang ba talaga lagi ang laman ng isipan mo?"

Sa araw na iyon, mabuti na lang din at naroon na si Leandro sa library. Nga lang, may tinatrabaho ulit siyang blueprint at nandyan na naman ang laptop niyang luma.

"Hi! I hope I'm not disturbing you," sabi ko sabay sulyap sa kanya.

Nagsisi agad ako. The way he looked at me felt like he was lowkey implying that I am disturbing him. Tumikhim ako at ngumiti.

"I'll ask questions everytime you stop and think for your assignment," I assured him.

"Malapit mo na bang malaman kung paano ako makakalimot?" he asked nonchalantly while bending to check on his laptop.

"I told you, I just need to know a few things before that," sabi ko at binuksan na ang notebook.

Sinulyapan ko siya at nakitang nagkakasalubong na ang makakapal na kilay habang tinititigan ang ginagawa niya. He looked so passionate and engrossed of what he was doing. Medyo naiilang tuloy akong magtanong tanong. Why am I so soft, anyway? It doesn't matter, right?

His serious eyes then went to me. Startled, I immediately looked at my notebook.

"Where's your questions?" he probed.

Tumikhim ako at tinanggap iyon bilang cue na magpatuloy. "Did you give her gifts? Like... say, flowers? Chocolates? Necklace? Bracelet? Anything?"

Umiling siya. "I didn't."

Sumulat ako sa notebook. Pinagpatuloy ang ginagawa.

"Did you take her to dates?"

Tumigil siya sa ginagawa. Tumuwid ang kanyang pagkakatayo at binigay ang buong atensyon sa akin.

"What kind of dates?"

He did! Where? Cafes? O pumunta ba sila Bacolod para manood ng sine? Uminit ang pisngi ko nang sa wakas ay naisip ulit ang pinag-usapan ni Kervin at Edu! Is doing it considered a date???

"Uh, wholesome dates, of course!" halos manginig ang boses ko.

His brows furrowed. Hindi ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko, binabasa niya ang mga galaw ko.

"Yeah, well... kung kasali iyon sa standard mong date, Chayo."

Standard kong date?

"Nag cafe ba kayo? Sine sa Bacolod? Trip sa Dumaguete? O La Carlota lang?"

He licked his lower lip and crouched. Hawak niya ang dulo ng lamesa.

His eyes turned into slits. "You watched a movie with your boyfriend in Bacolod? And went on a trip with your boyfriend in Dumaguete?"

I swallowed hard. Naisip na baka sabihin niya iyon kay Kuya Levi. Nagpaalam naman ako kay Mommy at Daddy. Sadyang sinabihan lang na huwag nang ipaalam kay Kuya Levi. Baka kasi sundan pa ako gayong kasama ko naman ang driver at noong sa Dumaguete'y bukod kay Reynante, kasama ko pa si Manang Lupe.

"Not without a chaperone. You know..." I trailed off.

I saw fierce anger in his eyes as he watched me say it almost like a whisper. Ayan kasi, 'di ba, Leandro? Sa dami ng naging boyfriend ko, wala ni isa sa kanila ang ginawan ko ng gaya sa ginawa n'yo ni Keira. I'm not judging anyone but because of my parents' relationship, I have become wary of mine. I kiss and touch, but nothing in the dark like what this man in front of me has done.

"With Manang Lupe and Reynante," dagdag ko. "I don't do things out of their sight. Dad's very modern but Mom is still very virtuous."

Tambad pa rin ang galit sa kanyang mga mata.

"But I don't judge people who do it. Hindi ako, Leandro," marahan kong sinabi.

Kahit na alam ko at siguro kailangan din ng mabusising pagsusuri sa parteng iyan, hindi ko na siya tatanungin pa. Ayoko nga! I'd die first before I will hear his accounts of that!

"Sinong boyfriend mo ang naisama mo sa Bacolod at Dumaguete?"

"Sinong boyfriend ang naisama ko sa Bacolod? Sino naman ang naisama ko sa Dumaguete?" pagtatama ka. "They are different people."

His jaw clenched and he stiffened. The darkness in his eyes was unfathomable.

"Ako dapat ang nagtatanong. Saang dates?" sabi ko, medyo nawawala sa usapan.

Hindi siya kumibo. Nananatili ang titig sa akin.

"I have to know these. Baka lang makatulong."

Hindi pa rin siya nagsasalita.

"Hello?" I waved at his angry eyes.

He sighed.

"I'm wondering how is this gonna help me forget," he said it slowly and quietly.

"I told you to trust me. Ina-analyze ko ang relasyon n'yo noon. Kung saan ka nagkulang at kung ano ang dapat mong i-improve para sa next relationship mo," matapang kong sinabi.

A moment of silence for that. I feel so mature and intelligent after I said that. I'm so good at this. May course kaya sa college na ganito? Maybe this is my calling? Halos humalakhak ako.

"After this, don't worry. Pag-aaralan kong mabuti ito. Pagkatapos tutulungan din kita sa pagdidiskarte sa ibang babae."

Ngumuso siya at tumayo. A ghost of a smile played in his lips again as he continued on what he was doing. Binalik ko sa notebook ang mga mata at naghanap ulit ng maitatanong.

"So... nagcafe ba kayo?"

He sighed. "Oo."

Na-imagine ko siya bigla na nasa cafe. Silang dalawa lang. Bakit kapag ako at ang boyfriend ko, parang wala lang sa akin pero sa imagination ko sa kanilang dalawa... parang sa mga sine na lovestory?

I sighed, too. "Out of town? La Carlota? Dumaguete? Bacolod?"

"Dito lang sa Altagracia. At minsan din sa La Carlota."

Hindi niya pa nadadala sa ibang lugar bukod sa malapit na bayan. Tahimik akong nagsulat. Wonder why I feel bad for my experiences like watching movies in Bacolod or eating in a restaurant in Dumaguete. I couldn't pin point the reason or something.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako nanahimik. He kept on looking at me while my eyes remained on my notebook. Sa huli, suminghap ako.

"Do you remember your monthsaries? Always?" sabi ko.

Hindi ko kasi alam kung tatanungin ko ba siya kung bakit sila naghiwalay. Something is telling me that I should stop here. Puwede ko na namang matulungan siya kung gamit lang ang kaalamang ito. Tama na naman ito, e. From here, I can draw what kind of a boyfriend he is. I can tell him what to improve next time and how to move on.

"No."

"Maybe she got tired because of that?" I said.

Nagtaas siya ng kilay. For a moment, I thought he was about to say something. Laking gulat ko nang nagpatuloy na siya sa ginagawa.

See? He did not defend himself! Maybe he knew that it was one of the reasons why and he couldn't accept it! I nodded happily. Hindi ko alam bakit galing sa malamig na mood ay medyo nabubuhayan ako.

"No offense but did you cheat?"

Nakasimangot siya nang tumingin sa akin.

"This is for records purposes only. I won't judge!"

Though, truth is... I will judge. I never liked cheaters. One rumor that a boyfriend is cheating, I'll break up with him.

"No."

"Did she cheat?"

"No."

Well... what an impressive couple. So can I now draw the conclusion? Iniwan siya ni Keira dahil kulang siya sa diskarte at makakalimutin sa mahahalagang bagay. Nakukulangan siguro siya sa ipinapakitang pagmamahal ni Leandro.

The sad part is he did not move on at all. He couldn't entertain new people and he couldn't. I would understand because Keira is a great girl. Hindi nga lang ibig sabihin niyan ay hindi na siya makaka move on! Hindi kung ako ang tutulong! Sigurado ako roon!

Isa-summarize ko na sana ang conclusion ko. Sa gitna ng pagsasalita, nabitin sa ere ang bibig ko nang may nakihalo sa amin. A nervous and alone college girl went to us with a thick set of notes on her hand.

"L-Leandro, pinapabigay ni Prof ang notes," she said.

Pumangalumbaba ako at pinagmasdan ang dalawa.

"Sa Philosophy, 'to," dagdag ng nininerbyos na babae.

She's familiar. My eyes drifted to the bag on his shoulders at nakita ang label nito. Is this the nerdy rich girl from Isabela? I'm not sure, though. Noong highschool pa siya, naaalala ko. Ngayon, gumanda siya, ha. Infairness. The contact lenses, soft lipstick, and proper haircut did well with her transformation.

"Thanks, Gela," si Leandro at kinuha na ang mga papel sa kamay ng babae.

Habang abala si Leandro sa pagbabasa ng notes, nanatili naman si Gela sa harap niya, nakatitig at namamangha. I glanced back at Leandro and my eyes turn into slits. This man is so freaking oblivious to his effects on girls!

"Ayos na. Salamat ulit," he said in a dismissive tone.

Kitang-kita ang pagpapanic ng Gela habang nalilito kung aalis ba o hindi. But cowardice be damned, I feel like she's extra brave today.

"Hindi k-ka pa ba papasok? S-Sabay na sana tayo."

Oh boy. I wanna face palm. Tumuwid ako sa pagkakaupo at unti-unting binalingan si Leandro. He smiled and shook his head.

"Mauna ka na. May tinatapos pa ako. Kita na lang tayo sa classroom."

Hindi ako huminga ng ilang minuto. At halos mabali ang leeg ko sa kasusunod ng tingin kay Gela. Nang tuluyan na itong nawala ay nagbuntong-hininga ako at tumingin kay Leandro.

"I cannot believe you!"

He shrugged then looked clueless.

"May gusto na naman iyon sa'yo!"

"Did she say she likes me?" he said with a hint of sarcasm.

"Hindi mo kailangang sabihin 'yan para maramdaman! Gaya na lang doon sa mga lumapit sa'yo para hingin ang number mo noong nakaraan! Like Aria, they all like you!"

Our eyes met. While mine was wondering at him, his bore intensely at me.

"How did you know about Aria?"

Oh. That's too much information.

"Pinsan ni Nan. N-Napag-usapan namin," nahihiya kong amin.

Now he looked at me with nothing but amusement and curiosity.

"Napag-usapan lang bigla. Hindi ka namin pinag-uusapan."

Sinarado ko ang notebook at k-in-onclude na ang usapang iyon. Tumuwid din siya sa pagkakatayo, siguro'y napansin na rin ang oras. Bukas sasabihin ko na sa kanya ang mga conclusion ko. Sa susunod naman, mag-iisip pa ako ng i-di-discuss. Does this mean... from now on I'm gonna see him everyday? Or we could just skip the Tuesdays and Thursdays dahil bitin din naman? Pero puwede ring hindi! Excited na ako!

"We can't see each other starting tomorrow. I have group works to do in preparation for my finals next week."

Oops! I'm not fazed by that, though. Or offended. Or dismayed. Taas noo ko siyang tinanguan.

"Great! Busy din ako. Magkita na lang tayo next time. Sasabihin ko kung saan at kailan," sabi ko, urgently dismissing everything and slightly ashamed of my previous thoughts.

"Exams mo na next week. Mag-aral ka na rin."

"Ayun nga! Mag-aaral ako kaya, sorry, medyo ma-de-delay ang pag-mo-move on mo," I said confidently.

Ngumuso si Leandro. He nodded indulgently in the end.

Summer na nga pala! Bakit ba kasi huli ko nang naisip ito? Mabuti na lang at natanto kong hindi naman pala masama na summer na!

Tumunog ang alarm ko sa tamang araw at tamang oras. Pinatay ko iyon at mabilis na umahon dahil ito ang araw na bibisita si Levi kina Leandro. Ayaw noon na isama ako kaya noong nakaraan pa ako nagpumilit. Ngayon, magpupumilit ulit ako! At hinding-hindi siya puwedeng tumanggi!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #jonaxx