Kabanata 8
Kabanata 8
Expert
I remember he agreed. Iyon ang paulit-ulit na naisip ko nang sa tamang oras sa unang araw sa sumunod na linggo ay naroon ulit ako sa library, kung saan siya nakikita. He wasn't there. In fact, nobody was there.
"I told him to wait for me here today. Sa oras na ito..." bulong-bulong ko habang pinagmamasdan ang upuang hindi man lang nagalaw.
Umupo muna ako at pumangalumbaba. I then wonder if he only said yes so I'd stop and leave him alone that day? Mapait akong tumitig sa kawalan.
Hindi naman siguro. Baka may ginagawa lang. Baka busy at nakaligtaan ang usapan. Hindi ako sigurado kung dapat ba akong sumuko sa araw na iyon at hintayin kung kailan siya magkakaroon ng oras para roon pero kung hihintayin ko iyon, baka hindi na dumating. Kung dumating man, matatagalan pa. I don't have his number to text him about it.
Kalahati sa akin gusto nang tumigil. Halos maghari ang iniisip na baka naman totoong pinaalis niya nga lang ako sa araw na iyon. Pagod na siyang pakisamahan ako kaya umo-o na lang siya? Ngayon, ang gagawin niya na lang ay iwasan ang mga lugar na alam kong madalas niyang puntahan.
I opened my phone and saw text messages from suitors and exes. Gusto kong mag text kay Kuya Levi pero sa huli pinigilan ko ang sarili ko. Dahan-dahan akong tumayo at sinuot ulit ang maliit na bag sa likod.
Sa totoo lang, hindi niya naman obligasyon na sundin ang gusto ko at tumupad sa usapan. He's not a boyfriend or something like that. At masasabi kong nag-iilusyon lang ako sa ipinipilit kong pakikipagkaibigan sa kanya noong nakaraan. It's not his obligation to not make me feel bad and I have to suck that up.
Mapait akong lumabas ng library at tiningnan ang dalawang daanan, ang pabalik sa gate at ang college department buildings.
Masama ang loob ko, inaamin ko. Pero may pakiramdam akong wala namang pakealam si Leandro kung sumama ang loob ko. Not that he cares about how I feel even before, anyway. He'd be more glad if I stop this. Kaya lang... sino ba ang may atraso? Hindi ba ako? It's been years and he could still remember the exact words I told him and that means it got stuck on his mind.
Nagbuntong-hininga ako at nilingon na ang mga building ng college department. Nagsimula ako sa mga kiosk sa gilid at nakitang maraming estudyante.
"Hi, Miss. Uyy. Ganda naman ng Junior High na ito..." sabi ng isang lalaking estudyante pero hindi pamilyar sa akin.
He was all smiles at me. Nang napatingin ang mga kasama niya sa kiosk, may bumatok sa kanyang babae.
"Tumigil ka nga, Dino!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad, binalewala ang mga estudyante kahit na naririnig ko ang pinag-uusapan.
"Ano? Ang ganda no'n, ah?"
"Hindi niya alam, Les. Galing ng Bacolod 'yan kaya walang alam dito!"
"Bakit?" tanong noong lalaki.
"Del Real 'yan. Kapatid ni Levi, 'yong third year."
This isn't my first time to hear things like that. Lagi pagkatapos malaman ng mga hindi nakakikilala sa estado namin dito sa Altagracia, tumitigil at hindi na nanunubok pa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Namataan sa malayo ang iilang kaklase ni Chantal at pinilit na huwag dumaan doon. Kinakabahan ako kapag nagkasalubong kami noong kapatid niya. Hindi ko nga lang alam kung bakit. I feel some guilt or something.
Panay ang itingin ko sa relo. Paano ba naman kasi, alam kong isang oras lang iyong break niya bago may susunod na pasok hanggang alas sais. Ibig sabihin kung hindi ko siya mahanap sa loob ng isang oras, papasok na siya. Sa ngayon, naka ubos na ako ng kalahating oras.
Dumiretso ako sa malayong buildings at may mga Kiosk doon. Ihuhuli ko na ang sa soccerfield dahil nang tinanaw ko'y wala na naman masyadong estudyante roon.
"Hi, Chayo!" a girl greeted.
I only smiled at her and continued walking. Tahimik ang mga classroom ng college, hindi gaya sa high school na kahit may teacher, maingay pa rin. Nakalagpas ako sa isang classroom at napansin ang ulong gumalaw sa isa sa mga estudyanteng naroon. I stepped back to confirm if it is Kuya Levi. When I saw him mouthing some angry words at me with a matching angry expression, I smiled and waved.
Umalis din ako roon nang nakitang wala nga si Leandro roon. Sampung minuto na lang at alas singko na. I sighed and went to the soccer field. Umabot na ako sa parteng walang tao sa mga Kiosk. Babalik na sana ako at tumigil na lang pero kalaunan, sa upuang malapit sa kung saan kami nahuli ng ex kong si Ralph noon, nakita ko si Leandro.
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking labi pero agad ding napalitan ng pait. Bakit parang madalas siya rito? Ngayon ko lang naisip. Paano siya napadpad dito nang nandito kami ni Ralph noon? Siguro meeting place nila ni Keira ito? At ngayon nandito pa rin siya sa meeting place nila?
Nagmadali ako sa paglalakad patungo sa kanya at nang nakita niya ako, malamig na titig ang ibinigay sa akin. He was reading a textbook seriously when his eyes went to me. Naka baba ang dalawang butones ng polo na uniporme at kita ang puting inner shirt.
"H-Hi! Nandito ka lang pala!" maligaya kong sinabi.
Nakapagligpit na siya ng gamit. Nang tumayo ay kinuha na ang mga gamit. Bahagyang napawi ang matamis kong ngiti habang tinitingnan ang pag-amba ng kanyang pag-alis. Suminghap ako at nagpatuloy sa paglapit.
"Aalis na ako. May pasok pa ako," aniya.
Tumango ako. "Okay. Magpapahinga lang ako rito."
Halos isang oras akong naglakad-lakad para hanapin siya. At ngayon, bigo pa dahil aalis na.
Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Nilingon ko siya at nakitang busangot ang mukha habang tinititigan ako.
"Ba't wala ka sa library? 'Yong usapan natin?"
"Nakalimutan ko," he said coldly.
Nakalimutan.
Posible nga pala iyon.
Nanatiling nakaawang ang labi ko, sa gitna ng paghihingal at sa pagkakagulat na nakalimutan niya iyon. Ba't nga ba niya maaalala pa, Chayo? Hindi naman importante iyon.
"Umalis na tayo. Bukas na lang."
He stepped out of the Kiosk and looked at me. I sighed again and smiled at him.
"Bakit? Pareho ba ang schedule mo ng MWF at... TTh?"
Umiling siya. "Pero may kaunting oras ako bukas..." he trailed off so I waited for any more words but it didn't come.
Tumango ako at hinubad na ang bag sa likod.
"Dito muna ako. Magpapahinga lang. Sige. Bukas," sabi ko.
Yumuko ako at naisip na kunin ang numero niya. Ang hirap kasi bukas. Paano kung makalimutan niya ulit ako? E 'di susuyurin ko ulit ang buong campus? Chayo, at least you know that he can be found here, too, right?
Bahagya kong hinilot ang balikat ko. Medyo sumakit ang mga iyon. Kahit maliit lang naman ang backpack ko, medyo mabigat iyon sa binder at iilang notebook. At kapag matagal na nakasabit sa likod, medyo masakit ang leather strap. Napakurap-kurap ako nang lumapit si Leandro at kinuha ang bag kong nakalapag sa lamesa.
"Halika na," yaya niya ulit sa akin at dinala na ang bag ko.
My eyes widened. Umiling ako at pilit na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng pintig ng puso ko.
"D-Dito muna talaga ako, Leandro. Magpapahinga lang ako-"
"Ayokong nandito ka. Liblib ang lugar na ito kaya doon ka na magpahinga sa malapit sa building namin," agresibo niyang agap.
Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang paligid. I wonder if what he's saying is right. That's his only reason. Or there is something else? I wonder if this place means something to him and he doesn't want me to taint it, somehow. O masyado ba akong malawak mag-isip?
Tumayo ako at sinubukang kuhanin ang bag kong hawak niya. Inilag niya iyon sa akin.
"Ako na nito. Ibabalik ko kapag nasa dulo na tayo."
I nodded and swallowed hard. Hindi ko maintindihan kung bakit may kakaibang nararamdaman ako. Yumuko ako at kahit nakatingin siya'y hindi ko na tiningnan. Sumunod ako sa kanya nang nagpatuloy na siya, nakayuko pa rin ako, iniisip ang kung anong nararamdaman sa nangyari.
I almost bumped into him when he suddenly faced me. Wala na ang mga estudyante sa dulo ng Kiosk at siguro gaya niya, nagpunta na sa kani-kanilang classroom. Inilahad niya ang bag ko. Medyo nanginig ang kamay ko nang tanggapin ko iyon.
"I'm sorry," his quiet husky voice shocked me.
Napaangat ako ng tingin.
"Hindi ko na uulitin," dagdag niya. "Magkita tayo bukas sa library, four thirty."
"P-Puwede namang... sa Wednesday na lang. Para mahaba ang oras."
He licked his lower lip. The expression in his eyes made me feel so lost. It was too deep, I couldn't tell what is he feeling in that moment.
"We'll see each other tomorrow. Then on Wednesday again, Chayo."
My jaw dropped. Sa huli, ngumisi ako ng malapad, napawi ang pagod at kung anong nararamdaman kanina.
"Talaga?"
He sighed and shook his head to himself.
"Oo."
Tipid akong ngumiti. "Sige, Leandro."
Tumango siya at tinalikuran na ako. Dumiretso na siya sa building kung saan siya dapat papasok. I smiled widely and started walking back to the kiosk on the Basic Education department.
So I bought a notebook for my notes about this. Nilapag ko iyon sa harap ng tukador ko sa gabing iyon. Isang notebook iyon na walang linya sa bawat pahina. Gusto ko ng ganoon dahil mas marami akong ideya at mas marami ang naisusulat. No restrictions, kung baga.
In a bullet form, I wrote what I needed to do first for Leandro.
Gather information about how he courted Keira. This is essential because the problem might lie there. How you pursued her from the very beginning matters. Inisip ko ang mga past experiences ko sa boyfriends ko at agree naman ako sa naiisip ko.
Gather information about how you treated her when you were together. What were your gifts? Enumerate. Where were your dates? Enumerate.
Itatanong ko ba ang tungkol sa pinag-usapan namin ng mga kaibigan ko? Uminit ang pisngi ko. That's too private! Hindi ko na isasali. Ayoko naman ding malaman ang detalye noon. Basta alam ko na ganoon, ayos na!
Kinabukasan, excited akong pumunta sa eskuwela. Sa sobrang excited ko, madilim ang tingin ni Kuya Levi sa akin sa sasakyan.
"May bagong boyfriend ka na naman?" he concluded when he caught me smiling after putting some lip tint and combing my hair.
"Huh? Wala!"
"Ano 'yong kahapon? Ba't ka napadpad sa college department? Naku, Chayo, Grade 10 ka pa lang! Mamaya college 'yong boyfriend mo! Malilintikan 'yan sa akin!"
"Ano, Kuya? Wala akong boyfriend ngayon, 'no!"
"E 'di break na kayo noong boyfriend mong taga Siliman?"
"Huh?" ngumiwi ako. "Matagal na kaming break no'n! My recent boyfriend is Tyrone-"
"'Yong taga Canlaon? Charlotta!"
Halos mapapikit ako sa taas ng boses ni Kuya Levi.
"Puwede bang magsabi ka sa akin kung sino 'yong binoboyfriend mo?!"
I smirked. "Bakit pa? Aawayin mo lang, e! Tinatakot mo! Sayang 'yong si Jed. Maeffort pa naman kahit taga Siliman, laging umuuwi para sa akin tapos-"
"Tumigil ka, Charlotta! Masaktuhan ko lang ang sunod na boyfriend mo, humanda ka sa akin!" pagbabanta niya.
Umirap ako at tumulak na sa school. Patuloy ang sermon ni Kuya Levi. Mabuti na lang at hindi nasisira ang mood ko. Kahit pa nakita ko si Ella at Ralph bago ako pumasok sa building namin, hindi ko man lang napagtuonan iyon ng pansin kung hindi tinuro ni June sa akin.
"Going strong, ah!" sabay hagikhik ng kaibigan.
"Good for them!" sabi ko at dumiretso na sa classroom.
"Wow! Maganda ang timpla at blooming, ah?" si June sabay ngisi. "Sinagot mo na si Mark?"
Umiling ako. "Hindi 'no. Hindi pa ako sure, doon. Though, I really like that he's from Siliman and we won't see each other in school that much."
"Bakit ba ang hilig mo sa LDR? Baliktad pa tayo. Kapag LDR, laging mabilis kong pagsasawaan. Kapag malapit, iyon ang mas matibay."
Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko maalala kung sino ang pinakamahabang naging boyfriend ko na school mate. Lalo na kapag Junior High din. Lagi'y halos linggo lang at milagro na kung aabot pa ng buwan. Something about seeing that person everyday makes me lose interest. Sa LDR naman, mas ayos sa akin. Parang mas matagal ang pagsasawa. Nga lang, nagb-break din dahil habang tumatagal, lagi akong nasasakal sa dami ng mga iniisip nilang ginagawa ko. Kervin was told to back off when Jed saw us together one afternoon last year. I didn't like what he did to a friend of mine so I broke up with him. Paano ba naman kasi, si Kuya tuwing nakakalaro iyon ng basketball, laging tinatakot.
"Ang daming manliligaw ni Chayo. Kung ako sa'yo, tumigil ka na at hindi kayo magtatagal!" he teased him that.
Nakakainis pero mas nakakainis naman ang paratang ni Jed kay Kervin. Lalo na't talagang magkaibigan lang din kami noon at papalit-palit din ng girlfriend sa classmates at schoolmates.
Sanay na ang mga kaibigan ko na umaalis ako agad pagkatapos ng last period. My excuse was always about Kuya Levi.
Alas kuwatro pa lang, nasa library na ako. Doon mismo ako umupo sa lamesa na madalas inuupuan ni Leandro. Sa tabi niya. He said he'll be here by four thirty and it's only four so I took my notebook out and started scribbling on it.
Tuwing may pupunta sa shelves, lagi akong napapatalon sa pag-iisip na siya iyon. Madalas din akong tumingin sa relo. I'm anticipating him too much. Hindi pa nga lumipas ang isang minuto, nakadungaw na ulit ako sa relo ko.
Sobrag bagal ng oras kapag hinihintay. Kaya naman nang nag 4:29pm, tuwid na tuwid na ang pagkakaupo ko. Anytime now...
Bumagsak nga lang ang balikat ko nang umabot na ng 4:35 at wala pa rin siya. Five minutes with him... gone just like that. Did he forget again? Like yesterday?
Hindi bale, Chayo. Meron pa bukas!
I lifted my thoughts up. And just when I was about to think negatively again, I saw him appear! Darkly attractive and very tall, Leandro went to my table. Kinuha ang upuan sa tabi ko at kinaladkad iyon sa kabisera, hindi siguro kumportable na tumabi sa akin.
Suddenly, narealize ko na awkward pala. Okay lang sana kung naabutan ko siyang nags-study at guguluhin para sa gustong gawin. Ngayon na pumunta lang siya rito, sa gitna ng kanyang klase, para marinig ang kaalaman ko... nakakailang pala.
However, I chose not to be fazed by anything. I opened my notebook. Bumagsak ang mga mata niya roon at nagtaas siya ng kilay.
"Let's start!" propesyunal na propesyunal akong pakinggan nang sinabi ko iyon.
"Okay..." he said it a bit longer than usual.
Ngumuso siya habang binabasa ang sinulat ko sa notebook ko. Uminit ang pisngi ko at gusto kong ilayo iyon sa kanya. But this right here is the mark that I know things... and that I'm taking this help for him seriously.
"Don't mind the notebook. I'll be taking notes so I can help you effectively," magarbo kong sinabi.
Tumango siya at ang nguso'y napalitan na ng multo ng ngiti. I swallowed hard and continued.
"First, I need to know how you courted her from the very beginning," seryoso kong sinabi.
He smirked. "May magagawa ba iyan para makalimutan ko siya, Chayo?"
Lalong uminit ang pisngi ko. Bumagsak ang mga mata sa notebook at medyo nagpanic, hindi ko alam kung bakit.
"I'm the expert here, Leandro. Just trust me, okay?"
He licked his lips and stared at me for a long while. Mesmerized or something, I panicked more and looked away. Boy, he's making me so nervous.
"You're wasting our time. Tell me!" pilit ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro