Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5


Kabanata 5

Seriously

The news about my break up with Ralph spread like wild fire. Maraming usap-usapan tungkol sa kung gaano ko raw kabilis sinagot, ganoon din daw kabilis na iniwan. May iba namang umasa na magkakabalikan kami. But the next days after that, he didn't really try to do anything. Siguro sa takot din.

Matagal pa bago muling nagparamdam si Ralph sa akin ng kagustuhang makipag-ayos. However, after that, I enjoyed being with my friends too much. Inabala ko na lang din ang sarili sa school activities. At ngayon ko lang naappreciate ng mabuti ang pagkakawalan ng boyfriend. In the first place, bakit nga ba ako pumasok sa relasyon? I couldn't remember anymore.

"Will you be my girlfriend, Chayo?"

Alfie was a constant texter like some of my other suitors. However, he's from another section at ka-edad ko lang din. Somehow, I told everyone of my suitor to wait because I am still not ready for another. Simon waited, at may iba ring naghintay, pero hindi si Alfie.

Dismayed at his sudden confession on our booth at the school's festival, ngumiti ako. Everyone cheered for him. Si June at Nan lang ang parehong hilaw na ngumingiti dahil alam na alam nila ang opinyon ko rito sa ngayon.

He bought an arc of balloons and then some flowers. Hindi kasing bongga sa surpresa ni Ralph pero mukhang mas mamahalin at mas magaganda.

"Thank you," sabi ko.

Naghiyawan ulit ang lahat ng nakakita. Sa booth namin na nasa gitna ng JHS building ang surpresang iyon. Abala kami kanina sa pagtitinda ng milk tea pagkatapos biglang dumating si Alfie kasama ang mga kakuntyabang classmate.

"Unfortunately..." bigo akong ngumiti. "I'm not ready for this yet."

Umalon ang disappointment sa lahat ng nanonood. Galing sa ngiti ay naging simangot at pagkapahiya ang itsura ni Alfie. Truth is... I'm guilty. Ayoko naman siyang pahiyain pero hindi ko rin naman kayang sagutin siya ng padalos-dalos.

"Sorry, Alfie. Thank you for the surprise. The flowers are beautiful. Pero ayoko pang magboyfriend," sambit ko.

"Ayyy..."

Sa malayo ay tinawanan ng mga kaibigan ni Ralph ang nangyari.

"Hindi pa 'yan nakakalimot kay Ralph!" they declared.

Napa-angat tuloy ang tingin namin sa ikalawang palapag. Nakita ko si Ralph doon, tahimik pero nakangiti. Pinagtutulakan ng mga kaibigan niyang nagtatawanan. I shook my head and felt more bad for Alfie now.

"That's not true. I'm just really not into it now," sabi ko kay Alfie.

Malungkot si Alfie. Kung sana ay hindi na lang siya nagsorpresa, hindi na sana siya napahiya pa.

"Tinding mambasted, ah!" biro ni June sa akin habang paalis kami ng building pagkatapos ng araw.

Nagbuntong-hininga ako, niyayakap pa ang mga bulaklak na ibinigay niya. Tinanggap ko naman iyon at hindi binalewala. It's just that, I really have to reject him. Bukod sa hindi ako interesado o attracted kay Alfie, talagang hindi nga ako handa.

"Pinagkakalat na ni Ralph na hindi ka nakarecover sa break up n'yo!"

When I think about that day and remember what really pushed me to break up with Ralph, hindi ko kayang sabihin iyon kahit kanino. Bago pa ako nairita at umiyak, I was willing to forgive Ralph and just start over with a clean slate. Kaso lang... sa naramdaman ko pagkatapos sa mga sinabi ni Leandro, parang nawalan ako ng gana.

"Hayaan mo siya kung anong isipin niya."

May itatanong pa sana ang kaibigan kung hindi lang madrama, mayabang, at medyo pabirong nagdabog ng pagtatapon ng bote si Kuya Levi. Bahagya akong natawa dahil alam ko ang kinaiiritahan niya ngayon.

"Meron na naman? Akala ko ba tapos na ako nito?" he said dramatically but I know deep inside, he really is in rage.

Ngumisi ako at pinagmasdan ang natatawa niyang mga kaibigan. Nagtagal ang tingin ko kay Leandro na nakatitig na rin sa dala kong mga bulaklak, gulat, at hindi natatawa. Ibang-iba sa reaksyon ng mga kaibigan ni Kuya Levi.

Lumapit ang kapatid ko sa akin, sobrang irita ang titig sa mga bulaklak. Natawa si Nan at June sa reaksyon niya.

"Ano ka ba, Kuya! Nanligaw lang!"

"Mawawalan ba 'yan ng manliligaw, Kuya Levi?"

Sinapo ni Kuya ang kanyang noo. I smirked.

"Binasted ko kasi hindi ko tipo. Ayos na?" panunuya ko sa kapatid at medyo bumaling sa kanyang mga kaibigan.

"Thank God!" Kuya Levi sighed.

His friends laughed again pero hindi nakitawa si Leandro. Nanatiling seryoso siya. Sinuyod ko ulit ang mga kaibigan at nakitang wala ulit si Keira. Laging wala iyon. Sa bagay, siguro busy sa cheerdance. Isa pa, nanalo ang college nila kanina kaya baka nagce-celebrate pa iyon ngayon. At siguro noong mga nakaraang araw, abala naman sa pag-eensayo.

More rejections and some more suitors later, naappreciate ko rin kahit paano ang nangyari sa amin ni Ralph. Kung hindi dahil doon, hindi ko maappreciate ang pag-eexplore. Nga lang, when I reached Grade 9 and the rumors of me not having a boyfriend after Ralph emerged, naapektuhan ulit ako.

Because I didn't want to appear that way, I started having boyfriends again. Hindi nga lang kasing bulgar na sa amin ni Ralph dahil ayaw kong gawing pulutan ang buhay ko. Hindi ko na namalayan ang madalas na pagpapalit ng boyfriend. I was more subtle and it wasn't big news anymore, unlike before. Mas gusto ko nga iyon. Hindi nakakarating kay Kuya Levi ang mga nangyayari kaya ipinagpatuloy ko.

Inayos ko ang binalot na gift kahapon pagkatapos kong magsuklay ng buhok. Unlike my usual birthdays, Kuya Levi's birthdays are just simple. He'd settle for a day out with his friends, ililibre niya. O 'di kaya'y maliligo sila sa hot spring at magpapalechon siya. Ganoon ang mga birthday niya. Sa akin naman, mag-iibang bansa. I like going places. Kapag nakauwi 'tsaka manlilibre sa kaibigan.

Isang katok sa aking pintuan at dahil hindi ko naman ni-lock, binuksan na agad ni Mommy. She smiled when she saw me in front of the mirror.

"Ang aga mo, ah? Akala ko hindi ka pa gising."

Umikot ako para tingnang mabuti ang sarili. It's a Saturday and yes, most days, I would be laying in bed and asleep during these hours.

"Ang aga kasi ng party ni Kuya. Bakit ba morning, Mommy?"

Tumawa si Mommy. "Ewan ko sa Kuya Levi mo pero hayaan mo na. Nag-e-enjoy naman ang mga friends niya sa pool."

Sa birthday na ito ni Kuya Levi, simpleng pool side party lang iyon. May handa kami at inimbitahan ang mga kaibigan niya. Sumungaw ang ulo ni Daddy sa pintuan at ngumiti siya nang nakita ako. Agad kong ibinalik sa salamin ang mga mata.

For years, I have learned to live with the rumors about Daddy. It scarred me but in time, I got used to ignoring it.

"Ganda naman ng anak ko," sabay pasok niya at masuyong halik sa aking noo. "Pinapunta mo ba ang boyfriend mo?"

"Dad, tumigil ka at baka mabadtrip si Levi sa birthday niya," banayad na banta ni Mommy.

Ngumiti ako at binalingan silang dalawa. It was a simple birthday for Levi. Wala ni isang kaibigan sina Mommy at Daddy na imbitado. Talagang ang mga kaibigan lang ni Kuya Levi ang pupunta and they expected me to invite over all of my friends.

"Sina June at Nan lang, Mom. Bukod sa kahit kaibigan, ayaw ni Kuya ng boys. Hindi ko rin gaanong close ang iba kaya sila lang."

"Oh."

"And they both said they'll come here for lunch. Not this early kaya mamaya pa."

"So... why are you so dressed early? Akala ko maaga sila."

Naitikom ko ang bibig ko at itinuro na lang ang regalo. When Mom probed with her eyebrow, I answered.

"Ibibigay ko na kay Kuya ang gift ko. Bababa na ako ngayon," sambit ko.

"Oh. Okay!" Tumango si Mommy at may malalim na iniisip.

Kinuha ko ang regalong nasa lamesa. Bumaba na rin sina Mommy at Daddy kasama ko. Iyon nga lang, sa kusina sila para tingnan kung kumusta ang mga pagkain para sa mga bisita. Papunta pa lang ako sa sala nang narinig ko na ang tawanan ng mga kaibigan ni Kuya Levi.

His last birthdays were spent outside of our house. Sa pinakahuli ay sa hotspring. Sa mga pagkakataong iyon, hindi ako sumama. Syempre hindi ako makasabay sa kanila kahit pa may mga kilala ako. Ngayon pa lang.

Dalawang kamay ang nakahawak sa aking regalo. It's an iPod touch. There was a time when I asked him kung bakit hindi siya bumili nito. Ang sabi niya lang dagdag gastos at hindi na masyadong napapakinabangan 'yan sa market. Kaya lang, lagi kong naiisip na lagi siyang naglo-lowbat dahil sa kakakinig niya ng music sa cellphone. Masyado namang malaki ang iPad kaya sigurado akong ayaw niya. Kaya eto ang binili ko. Pinag-ipunan ko galing sa allowance at binili nang minsan kaming pumunta sa Cebu last month.

"Hi, Chayo! OMG! You're so pretty!" bati ng isa sa mga kaklase ni Kuya.

"Thanks, Ate," I smiled sweetly and resumed walking.

Nasa pool na ang kanyang mga kaibigan. Nahanap ko si Kuya na hindi pa naliligo at abala pa sa pagtulong sa pag-aayos ng lamesa para sa pagkain. Both Adriano and George were already on our pool. Ganoon din ang halos lahat ng babae.

"Tabi pa, Leandro," nahihiyang utos ng natatanging babaeng hindi pa nagsu-swimming.

Tumutulong si Anais, isa sa mga pinakamayamang kaibigan ni Kuya Levi. Nagulat ako dahil sa Siliman iyon nag-aaral pero nandito siya ngayon. But then when I looked at who's on the pool, I saw Axel. Marami pang extended friends ni Kuya Levi ang naroon. In fact, I even saw Leandro's sister with another girl, who, I think is her usual friend.

"So early to greet me, huh?"

Naputol ang tingin ko sa mga tao nang yakapin ako ng mahigpit ni Kuya. Tumawa ang kanyang mga kaibigan. He kissed me so hard on my cheek, I had to push him away angrily.

"Stop it, Kuya!" iritado kong sinabi, forgetting that it's his birthday so I should let it pass.

"Arte!" si Kuya.

"Dalaga na, Levi. Nabugbog mo na ba ang mga manliligaw?" biro ni Axel.

"Don't give him that idea, please," sabay ngiti ko at aksidenteng napabaling kay Leandro.

Marahang tumawa si Anais pagkatapos maitabi ni Leandro ang lamesa. Tumulong kasi siya kay Kuya Levi sa pag-aayos nito. I caught him laughing with her a bit. His expression changed quickly when he looked at me. Bumaling na rin si Anais sa akin.

"Happy birthday, Kuya!" sabi ko sabay pakita sa aking gift.

Madamot itong kinuha ni Levi at agad pinaggu-gutay-gutay ang giftwrap. Nilapitan ako ni Anais at niyakap.

"Ang laki-laki na ng dating inaaway ko tuwing may gathering, ah?"

Ngumiti ako at pahapyaw na lumingon kay Anais at nakita sa malayo si Leandro na madilim na nakatingin sa akin.

"Wow!" Kuya Levi's voiced boomed and then showed it to his friends near us.

Umiling si Anais sa mayabang na reaksyon ni Kuya. Umirap ako at ngumiti rin.

"That's for you para hindi ka na ma-lowbat kaka pakinig ng music sa phone mo," sabi ko.

"Hindi naman kasi music ang dahilan kung bakit 'yan nalo-lowbat!" si Adriano sabay tawa.

Mariing bumaling si Kuya kay Adriano. Tumawa si Adriano at nagtaas ng dalawang kamay.

"I didn't say anything!"

Kumunot ang noo ko nang napansin ang sekretong pinag-uusapan. Ano 'yon? Magtatanong sana ako kaso dahil lumapit si Anais, lumapit na rin sa akin ang iilan pang kaibigan ni Kuya na babae.

"Naku, Levi, dinig na dinig ko roon sa mga tauhan namin, ha, na ligawin ito. Iyong anak ng manager namin, gustong-gusto itong ligawan, e."

"Sinong anak?" nagtaas ako ng kilay, hindi kilala ang tinutukoy ni Patti, isa pa rin sa mga kaibigan ni Kuya.

Tumawa si Ciara. "Anak ba kamo ng manager, Patt? E, basted na agad 'yan kay Charlotta. Ang bongga ng mga regalo ng mga nagiging boyfriend niyan."

Tumawa si Anais. "Oo nga. Sabi'y ang dami mong manliligaw."

"Of course, she's a del Real. A commoner won't have a chance, Anais," si Adriano.

"Oo nga. Huwag mong papansinin. 'Yong kapitbahay namin, batang-hamog 'yon noon. Tuwang-tuwa na classmate kayo at baka raw may chance na siya na ligawan ka."

Actually, my mind isn't with them anymore. Slowly, I realized how their group lost some people. Lahat ng madalas kong makita na barkada ni Kuya Levi ay nandito. May isang wala! Si... Keira.

My eyes drifted on Leandro who ignored all the banters for me. In fact, it was as if he didn't hear any of it. Naghubad siya ng t-shirt. My eyes widened a bit and drifted on his body. Nakatalikod man sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin, hindi alam kung bakit biglaang ninerbyos.

"Tumigil nga kayo. Huwag n'yong pag-uusapan ang tungkol sa mga manliligaw niyan sa harap ko at hindi ko nagugustuhan!" si Kuya Levi.

Tinawanan na lang ng lahat si Kuya. Kalaunan, tumigil sila at palihim na lang akong tinanong ni Anais tungkol sa kanyang mga pinsan na naging kaklase ko. Kuya Levi went inside the house to check on the food. Hindi pa kasi nase-serve sa inayos na lamesa.

Naglakad ako pasunod sa kanya pero sa huli ay tumigil at muling pinasadahan ang lahat ng nasa swimming pool. Nagkatinginan kami ng nakababatang kapatid ni Leandro. She was pretty. Even prettier than Keira. Hindi ko nga lang masyadong alam kung ano ang mga hilig niya dahil hindi naman siya active noon sa school tulad ni Keira pero siguro kung makilala ko siya, tulad ni Keira ay magugustuhan ko rin.

But... speaking of Keira. Where is she?

When my eyes found Leandro on the edge of the pool, iniwas ko ang tingin ko at pumasok na rin sa loob. Dumiretso ako sa aming dining area at doon nakita ko si Kuya na tinitingnan ang mga nakaayos na pagkain sa lamesa. May kulang pa yata kaya hindi pa siniserve. I saw him eat something from the fruits. Ginaya ko siya at sa huli'y naupo sa high chair sa harap ng countertop.

Kuya Levi is busy checking on the tastes of the food. Meanwhile, I can't help it anymore.

"Kuya..."

"Hmm?" hindi man lang nag-angat ng tingin sa akin. "Puwede na nga 'to. Ilalagay ko na 'to roon."

"Wait..." sabi ko kaya natigilan siya at napatingin.

"Si... Keira ba? Nasaan?"

"Ah. Tumanggi, e. May gagawin daw."

I nodded slowly. So that's how mature relationship works, huh. Hayaan ang girlfriend o boyfriend sa ginagawa?

"Anong ginagawa?" tanong ko.

He shrugged. "I don't know. Pero... baka tumanggi lang kasi umiiwas. Like usual."

"H-Huh? Bakit umiiwas?"

Umayos ako sa pagkakaupo. Tumawa si Kuya at umiling.

"Wala na sila ni Leandro, 'di ba?"

Anong 'di ba? Eh hindi ko alam! Ngayon ko lang nalaman!

"Huh?" Napatayo ako sa sinabi. "K-Kailan lang?"

Umiling si Kuya sa akin, hindi makapaniwala na ito ang itinanong ko. "I don't know? Last year? I forgot!"

"Last year!" I almost shouted it.

Bakit hindi ko 'to alam? At bakit ko nga ba kailangang alamin?

"Seryoso, Kuya?"

"Oo? Bakit ba?" medyo naguguluhang tanong ni Kuya.

"Bakit hindi ko alam? Ngayon ko lang nalaman?"

"Ewan ko sa'yo."

"A-Anong month last year? Hindi ko alam."

Umikot ang mga mata ni Kuya bago ako sinagot. "I forgot but around when we were fighting?"

Fighting? Nag-isip akong mabuti at dahil bihira kaming mag-away, isa lang ang naisip ko. Iyong boyfriend ko pa si Ralph. I remembered something about it but I don't want to dwell on it too much.

"Seriously, Kuya? Wala na si Keira at si Leandro?"

Hindi sumagot si Kuya. He smirked and then looked behind me.

"Thanks sa pagtulong, George, Leandro..."

Na estatwa ako nang natantong naroon si Leandro. He walked past me and then dumiretso kay Kuya. Gusto kong kainin ng lupa. Lalo na nang bumaling siya sa akin. Tinawanan ako ni George.

"Bakit natanong mo, Chayo? May maipapayo ka ba paano manuyo?"

"George, h'wag mong tanungin si Chayo at walang alam 'yan!" si Kuya Levi.

My face heated so bad. Hindi pa nakakabawi na narinig ni Leandro ang pagtatanong ko!

"Anong walang alam? Boyfriend niyan ngayon ang pinsan kong si Seth!"

Oh no!

"Ano? May boyfriend ka ulit, Chayo?" si Kuya Levi.

My eyes went to Leandro. I bit my lip and then he looked away.

"Ilalabas ko 'to, Levi," si Leandro at kinuha ang isang tray at nagpatuloy na sa dapat niyang gagawin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #jonaxx