Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 38

Kabanata 38

Haunting

Tahimik kong niyakap ang aking mga tuhod, hinihipan ng mainit na tanghaling hangin ang aking buhok. Tanaw ang malawak na tubuhan sa harap, sa kabilang dako na ito ng Altagracia. I have no place to go. I could go and run to Leandro, but I want to make him to be excluded from this. This is all between me and my Dad, my family. Hindi siya dapat kasali sa gulong ito, kahit pa sinasali siya ni Daddy.

Isang buntong-hininga ang narinig ko galing sa kaibigang kanina pa ako tinatanaw. Tumayo si Nan at nagsalin ng pinangalahatian kong tubig kanina.

I bit my lower lip. Kanina ko pa siya kinakausap tungkol sa problema ko at nanatili siyang nakikinig. Nasabi ko ang nangyari sa bahay kaya hindi na rin naiwasan nang nabanggit ko sa kanya ang relasyon namin ni Leandro. She didn't say a word or any funny thing about it. Maybe because she knows what's ahead for me.

"Do you think Dad is right?" I asked softly.

Hindi sumagot si Nan. Tumabi siya sa akin at hinagod ang likod ko.

"Hindi na talaga matatanggal ang bahid ng sama ng loob sa aming pamilya. Maybe he's asking for something that's easy to understand but I can't just because I'm in love?"

"Chayo..."

"Maybe he's right to ask me to sacrifice this for our family? I just couldn't see his reason because I have my own."

"Chayo, maaaring tama na hindi na matatanggal ang bahid sa inyong pamilya pero hindi ikaw o si Leandro ang dapat magsakripisyo sa nangyari. Parehong nawala na si Tito Carlos at Tita Rosario, at dapat hanggang sa kanila lang ang kasalanan dahil sila naman ang gumawa."

Nilingon ko si Nan. Nagkatinginan kaming dalawa. She shook her head and smiled at me.

"You both tried hard to forget each other on your own. He fled, was supposed to be angry to your family, explored the world and probably met wonderful women... for him to come back here for you, despite the danger, I think that kind of love is haunting."

Hindi natanggal ang tingin ko sa kaibigan. Her eyes were gentle and her words coated with impact.

"You can sacrifice now and part ways, you know it will follow... and probably haunt you forever. Will you ever be happy, then? Cuz I think, it's the same for you."

Nangilid ang mga luha ko.

"Hindi ko inasahang magtatagal ka nang walang boyfriend, Chayo, college at hanggang ngayon. Iyon pala... may ibang nasa puso mo. Ilang taon ang lumipas, may trahedyang nangyari, pero ngayon... mahal mo pa rin siya. Tingin mo, kung iiwan mo ito ngayon, hindi ka babalikan kalaunan?"

It was very helpful to be with Nan in that moment.

"Mag-usap kayo ni Leandro. Alam kong ayaw mo siyang masali sa gulong ito pero tingin ko mas mabuting alam niya ang nararamdaman mo. Away n'yong mag-ama ito, pero kung iniisip mong iwan si Leandro para paluguran si Tito Luis, then you two should talk it out. Maybe you can arrive in a better conclusion. After all, he's smart and reasonable enough, Chayo."

Ang katahimikan din sa mansiyon nila ang naging dahilan kung bakit ako nakapagmuni-muni. Nakapagpahinga na rin ako sa kuwarto niya at naaalala ko noon kung paano sila naging concerned sa kalagayan ko, sa gitna ng trahedya.

I stared out of her room's window and slowly typed in a text for Leandro.

Ako:

Anong oras tayong magkikita? Puwede bang sa inyo na lang?

Ayaw kong masali siya sa gulong ito pero tama si Nan. I can probably open it up to him and carefully choose my words. Bukod pa sa nahihiya na rin akong halos buong araw nanandito sa kanila. Madalas pa akong napagkakamalan ng mga kasambahay na si Nan, at nagugulat kapag hindi.

Leandro:

Are you sure? You can come here anytime you want.

Ako:

Sige. Maghahanda lang ako.

It's four thirty in the afternoon and the sun is almost going down. I literally have no other plan for today but to go to Leandro and talk to him. Hindi na sana dahil sa away namin ni Dad pero ngayon naisip kong makakatulong nga siguro na mag-usap kami. Bukod pa sa nagkasundo na kami kanina na magkikita.

Naligo at nagbihis ako sa kuwarto ni Nan. She gladly lent me some of her new clothes. Pareho kami ng size kaya mas naging madali.

"Paano ka uuwi mamaya?" she asked me, very concerned, as I walked towards my Raptor.

Nilingon ko ang kaibigan.

"Hindi ko pa alam, Nan."

"Kina... Leandro ka matutulog?"

I never really thought of that but now I realized it's bothering her. Nagkibit ako ng balikat.

"Hindi ko alam."

"Puwede kang umuwi rito. You can stay in my room or on one of our guestrooms. Ihahanda ko."

"Thank you, Nan."

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan. Ilang sandali kaming nagngitian.

"Tuwing may ganitong pangyayari, kayo ni June ang takbuhan ko. Thank you."

"You're always welcome, Chayo. That's what friends are for."

I smiled to her before I opened my car door and entered. Hindi kalaunan, tumulak na ako at papunta na kina Leandro.

Kinakabahan ako. Alam ko namang hindi sumusunod ang mga tauhan kay Daddy. Hindi lang dahil ako na ang namumuno, kundi alam din nila na mali ang nangyari noon. Isa sila sa dahilan ng nangyari. Pero hindi pa rin matanggal sa isipan ko na baka may mangyari.

I parked my Raptor on my usual spot on his frontyard. Inabangan niya ako sa pintuan ng sasakyan at naninimbang ang tingin nang nakita akong lumabas. I'm wearing Nan's clothes, a simple floral spaghetti strapped dress. I couldn't help but blush. Baka akala niya naghanda talaga ako ng ganitong damit sa pagpunta rito. Kung walang pagtatalo sa amin ni Daddy kanina, maaari nga na naghanda ako pero hindi naman siguro ganito.

"You'd rather date here in my house than some cafes around?" he asked.

Ngumiti ako. "Mapapagastos ka lang. Dito na lang."

He smirked. He lead me inside his house at napansin ang amoy ng ulam na niluluto niya. Nagbuntong-hininga ako at ngumiti, hindi namalayan na kanina pa siya nanonood.

"Are you okay?"

Nag-iwas ako ng tingin, hindi inasahan na sa maikling interaksyon pa lang at sa normal kong tungo, may mapapansin siyang kakaiba. Ngumiti ako at umupo sa high chair bago tumango. Nilapitan niya ang niluluto, tiningnan, bago ako nilingon ulit.

"What are you thinking?"

Ilang sandali kong tinitigan si Leandro. He equalled my gaze, as well. I smiled again.

"Naisip ko 'yong pinag-usapan natin kanina sa Canlaon."

Tumango siya at kumuha ng mga pinggan. Napansin ko na lagi na lang kaming ganito rito sa kanila at kahit kailan hindi pa ako nakakain hapunan. We are always interrupted. Tumayo ako para tulungan siya sa paghahanda.

"What about it?" he probed.

"Hmm. Marami, e. Tungkol sa relasyon ni Mommy at Daddy, ni Tito Carlos at Mommy, at... ang galit ni Daddy sa inyo," I said smoothly.

"You can tell me about it..."

Naglagay siya ng ulam sa isang mangkok. Kumuha ako ng mga baso, kutsara, at tinidor. I put effort in positioning the little bowls on top of the plates, table napkins, crystal glasses, flowers, and more. Pansamantala kong nakalimutan na pinalayas nga pala ako sa amin at mukha akong naglalaro rito sa bahay ni Leandro.

He smirked when he saw what I did to the table setting, all with his simple placemats and plain tableware.

"Bumili ka ng may design na mga pinggan, at mas magandang placemat. Pati runner at magandang vase. Masyadong panlalaki itong vase mo."

Ngumuso siya. "You can choose my things here if you want. Samahan mo akong mamili."

Sinuyod ng mga mata ko ang buong bahay. Maganda na nga ang disenyo pero wala talaga masyadong gamit. Simple naman kung mayroon.

"Bagay na rin sa modern house mo pero baka may mas igaganda pa ang mga ito kapag ako ang namili."

He chuckled. "Alright. We'll buy things, then. Soon."

Tumango ako at naupo na. I can't help but commend his cooking. Hindi naman ako marunong ng kahit anong ulam. Hindi ko rin nalalaman ang kaibahan masyado sa mga kinakain ko, kahit pa magbago ng tagaluto, pakiramdam ko laging pareho ang lasa. Pero ngayon, napansin ko na masarap ang niluto niya!

We strayed from our original topic because of my comment for the tableware and his cooking. Kaya naman hindi ko inasahan nang ibalik niya sa naunang pinag-usapan.

"Anong naiisip mo kanina tungkol sa mga magulang natin?"

Natigilan ako saglit at pilit na ngumiti nang nag-angat ng tingin sa kanya.

"Wala lang naman..."

"Wala lang?" nagtaas siya ng kilay.

"Mahal ba ni Tito Carlos si Mommy kaya niya nagawa iyon o pinagbigyan niya lang dahil... may sakit si Mommy?" I sounded so light and normal despite my question.

Natigilan si Leandro. Ilang saglit kaming nagtitigan bago siya nagsalita.

"I don't really know, Chayo. Maybe both."

"Leandro, kapag ba... nag-asawa ako ng ibang lalaki kahit na ikaw ang mahal ko, at nag-asawa ka rin ng ibang babae-"

"Why are you thinking of doing that?" he sounded critical, immediately.

Tinawanan ko na lang ang tanong ko. "Naisip ko lang naman 'to. Hindi ko gagawin. I wonder what would you do if that's our case."

"I won't answer that," he said firmly.

Ngumuso ako at bahagyang sumimangot.

"Mali ang ginawa ng mga magulang natin, Chayo. There is no other way to call it but a mistake."

Bahagya akong namangha sa sinabi niya. Alam ko naman iyon, it's just that we both love the people who made those mistakes.

"You know..." muli kong pagsasalita. "Noong nalaman ko na nagloloko si Daddy, bata pa ako. The image of men were tainted for me. I thought you men are really naturally unsatisfied creatures."

"Hindi lahat, Chayo."

Tumango ako. Alam ko naman iyon. Kasi kung oo, bakit mayroon pa rin namang maayos ang pagsasama. It's just that my parents made the wrong choices for their relationships.

"For a while, they're in love, eventually they'll look for another... because they have grown tired of the one they're in love with." I sighed again. "Pero... nang si Mommy ang nagtaksil, gumuho ang mundo ko."

Hindi kumibo si Leandro. Nanatili siyang seryoso.

"I realized then that infidelity isn't really exclusive to men. Everyone can cheat. Even those who marry for love, their feelings eventually fade with time."

Unti-unti kong tiningnan si Leandro. I wonder if we'd fade, too, eventually. If we grow older and he grows tired of me, I wonder if he'll find another woman. Or... will I find another man?

"You need to know, Chayo, that not everyone cheats," marahang sinabi ni Leandro, parang pinapaintindi ako. "Hindi maiiwasang malungkot sa relasyon, pero marami pa rin ang imbes na gustuhing maghanap ng iba, magsisikap na ibalik ang dating nararamdaman. Some people do cheat and stray, but some do know what true loving means and it is more than feelings."

In awe of his own words, not expecting to hear it from anyone, I got speechless.

"Years will pass and fights will be often for two people in love, it's inevitable to suddenly feel lonely, Chayo, but please remember that loving isn't about fighting each other, but fighting together. Fighting together for happiness, instead of fighting each other and looking for happiness in someone else."

Napakurap-kurap ako. He smiled.

"Are you scared for us? Na mangyayari 'yan sa atin kapag... tayo ang nagkatuluyan?"

Bahagya akong natawa kahit pa nagtagal ang isipan ko sa sinabi ni Leandro.

"Hindi 'yan mangyayari. We just have to talk and share our feelings all the time so whatever our problem is, we'll find a way to compromise and solve it."

I tilted my head and realized something...

"Now tell me, what else is bugging you? Do you have a problem?"

Napangiti ako ng bahagya bago uminom ng tubig. I think I'll be an old maid if Leandro decides to break up with me! Nancy is right when she said that this love will haunt me. It has haunted me for years and for sure it will haunt me more if I don't fight for it.

"Nag-away kami ni Daddy."

Hindi siya nakasagot. Magaan kong dinugtungan.

"Pinaalis niya ako kanina sa bahay dahil... nagalit siya sa mga sinabi ko."

"What did you tell him?"

"I told him that he's taking up his revenge on the wrong person. Wala kang kasalanan kaya dapat hindi ka niya palayasin dito sa Altagracia."

Lumalim ang gitla sa noo niya sa pag-iisip.

"Galing ako kina Nancy kanina. Nanghiram na lang ng damit..." I laughed a bit. "Pagkauwi ko kasi, nagtalo agad kami. I defended you so... he got mad at me and asked me to leave."

"What's your plan now?" he asked.

Nagkibit ako ng balikat dahil sa totoo lang, wala talaga akong plano.

"Gusto mo bang samahan kitang kausapin ang Daddy mo?"

Umiling agad ako. "He's mad at you, Leandro. Isa pa... gusto kong ayusin ang problemang ito na kami ni Daddy lang dahil sa totoo lang, labas ka rito. He needs to understand it by himself."

"I'm guessing I'm the reason why he's snapped at you, Chayo. Noong bumalik ako rito, alam ko na na may mangyayaring ganito."

"For now, I want it between us only. Dahil totoo namang wala siyang dapat isisi sa'yo. He had been in pain for the past years but we are all in pain, too. This will never end if we keep on comparing the intensity of our pains and put the blame on someone convenient."

"You have to talk to him again. Ilang taon akong galit sa Daddy mo pero alam kong maaaring nag-aaway lang kayo ngayon dahil gusto ka niyang protektahan laban sa akin. He's still concerned about you, Chayo. He loves you and you're his treasure."

Lumalim ang iniisip ko sa sinabi niya.

"Kahit pa pinaalis ka niya kanina, alam kong hindi ka niya kayang saktan. He'll be the first one to die if you get hurt, so... I know eventually, you can talk it out with him."

Tumango ako. Tama si Leandro.

"And tonight, if you won't go home, hindi siya makakatulog sa kaiisip kung ayos ka lang ba. You should go home, even when he made you leave earlier."

"Tama ka, uuwi ako," sagot ko, sa wakas na isip na ang gagawin.

I've decided to talk to Daddy again. Kahit pa nag offer si Leandro na sasama siya, sinabi ko sa kanyang babalitaan ko na lang siya kapag ano ang nangyari sa bahay.

Kinakabahan nga ako nang ihatid niya ako sa bahay, gaya ng ginagawa niya. Akala ko nakaabang na ang mga tauhan sa labas at hihintayin si Leandro para magawan ng masama. Mabuti na lang at tama ako. Hindi nga siya sinunod ng kahit sino sa mga tauhan.

"Pinapasundan ka niya, Chayo, pero sinabi lang ni Reynante na ginagawa na kahit na hindi. Gusto niya ngang lumuwas kanina at sumama sa pagsusunod sa'yo, mabut na lang at sumakit ang likod kaya maagang natulog!" si Manang Lupe. "At mabuti rin na nakauwi ka. Ang akala ko, hindi ka uuwi ngayong gabi dahil sa pagtatalo niya."

"Thank you, Manang. Gusto ko sanang makausap ulit si Dad pero siguro bukas na lang, pagkagising niya."

Itinawag ko iyon kay Leandro pagkapasok ko sa kuwarto. Naghanda ako sa pagtulog. He wished me good luck for my talk with Daddy tomorrow over breakfast. Naaalala ko tuloy na kailangan ko ring sabihin kay Nan na nakauwi ako para hindi siya mag-alala.

It's eleven in the evening when I put the phone down and texted my friend. She replied and told me she couldn't sleep thinking about me, and that my text helps. I chuckled and apologized to her. I mentally noted to visit her again tomorrow.

Nakaidlip na ako nang pabalyang bumukas ang pintuan ng aking kuwarto at bumukas ang ilaw roon. Naririnig ko ang mabilis na pagpipigil ng ilang kasambahay, kasama si Manang Lupe.

"Mabuti naman at umuwi ka!" Daddy's scream was the first thing I heard.

Umahon ako, naalimpungatan sa biglaang nangyari. Hindi pa nag aalas dose at mukhang ilang minuto pa ang tulog ko.

"Ang iniisip ko'y nakipagtanan ka na sa hayop na Castanier na 'yon! At least, you're not like your mother!"

I don't know if it's his choice of words, my losing patience because of lack of sleep, or something else pero tumayo ako at hinarap si Daddy. He looked relaxed but when he saw me mad at him, he was stunned.

"Stop it, Daddy! Stop bringing the past back like you weren't an asshole yourself in the past!"

"At least I didn't run from my family."

I guess this will never end if we keep on talking about it! Gustong-gusto kong pagsalitaan siya ng masama pero pagod na pagod na ako.

"Tama na, Dad, please?" I begged. "Nasaktan tayong lahat sa nangyari, gusto ko nang maghilom tayong lahat. It's the only way to go on in life. What do you want me to do? Kill the love of my life, so you could be happy and have your revenge? Do you want me to live miserably-"

"You... love him, Charlotta?" marahan ngunit mariin ang boses niya.

Marahan akong pumikit at yumuko. Niyugyog ako ni Daddy.

"You love him, Charlotta?!" he screamed.

"Yes, Daddy-"

"The why are you here? Ba't 'di mo ginaya si Rosario at manirahan na lang sa punyetang Castanier na 'yan?!"

"Dahil sabi ko nga, Dad!!!" sigaw ko. "Na hindi si Tito Carlos si Leandro! Do you know why I'm here? Because he told me I should go home to you! Because you're my father and you're upset and concerned for me! Sinabi niya 'yon sa akin kaya ako nandito ngayon kahit pa buong araw... ayaw kong umuwi!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #jonaxx