Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 36

Kabanata 36

Yes

Nakaupo ako sa driver's seat, tahimik at nakayuko. Nasa front seat ang mga bulaklak na ibinigay niya at ang susi ng aking sasakyan ay hawak niya habang nakaabang siya sa mismong pintuan sa gilid ko.

"H-Hindi ka ba sasali roon sa kanila?" sa maliit na boses kong tanong.

"Uuwi ako kapag nahatid na kita."

"Paano sina Kuya? Mag iinuman pa kayo."

"Magkasama kami kanina pa. Ayos na 'yon. Magkikita pa naman kami sa susunod."

"Kung ganoon, paano kung dito muna ako?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. It took us a long while before this talk. Tahimik lang siyang nakatayo sa bukana ng aking sasakyan samantalang tahimik din akong nakaupo roon.

"Dito na lang din muna ako," napapaos niyang sagot. "Do you want to be with your friends?"

Ayos na ako. Puwede nang umuwi pero baka nga naman magtampo ang mga kaibigan. I can't remember if I denied Leandro's courtshio or not but I can only imagine their conclusions now. Napatingin ako sa bulaklak sa tabi ko. Hindi ko kailanman naisip na makakapagbigay si Leandro ng bulaklak kahit kanino. Wala naman kasi sa itsura niya. I know they all think the same judging on the look on their faces when they saw him.

"Saglit lang," sabi ko.

"Then let's go. I'll let you be with my friends while I'll be with mine. Magsabi ka kung gusto mo nang umuwi na tayo."

We can also just go home. That idea is not that bad. And he'll call me so we can talk all night. But that would be unfair to Kuya Levi... and my friends, too.

"Sige."

Tumahimik ulit nang bumalik kami. My keys are with Leandro. Hinatid niya ako sa tahimik kong mga kaibigan. Halata sa mga mata ni Nan at June ang malisya. Tahimik din ang ka-batch ni Leandro nang lumapit siya sa kanilang lamesa. Umingay lang nang tumawa si Kuya.

"What. Was. That?" madramang tanong ni June.

"Nanliligaw sa'yo?" si Julius.

"May pa flowers si mayor, ah!" kantiyaw ni June.

Tumawa si Nan. "Is this serious, Chayo?"

"Hindi ko alam na nagbibigay iyong si Leandro ng bulaklak. Sa baskeball dati, may mga kuwentong girlfriend niya raw bago si Keira pero kahit kailan hindi ko 'yan nakita na nanligaw. Paano pa kapag flowers!"

"Halata naman kay Leandro na hindi nanliligaw. Iniisip ko pa lang sa pagbabarko niya, sigurado akong habulin 'yan! Hindi na kailangan manligaw!"

"Tama, Nan!"

"Baka naman nililigawan ka lang niyan para matigil ka sa pagpapaalis sa kanya rito?" si Julius.

"Hindi naman ganoon si Leandro. Grabe."

"We don't know that. May bahay at negosyo na siya rito. Kung paaalisin siya, ang laki nga naman ng mawawala sa kanya."

"Babayaran siya ni Chayo sa pag-alis niya rito, Julius. Actually, mas pabor pa nga sa kanya ang pag-alis niya kaya walang dahilan kung bakit pa siya aayaw."

Mabuti na lang at hindi sila nangulit na. They have their own conclusion. Or maybe, they find it more entertaining to conclude things than to verify it from me.

Masyado nang nagkakatuwaan ang batch nila. Hula ko ay maagang nagsimula ang inuman. Uminom si Kuya pero nararamdaman kong maayos pa siya kumpara sa mga kasama niyang medyo wala na sa sarili. And Leandro, I don't think I've seen him drink. Now. Malay ko kanina sa reunion nila?

Palihim akong nagtipa ng message, hindi na nakayanan.

Ako:

Kenneth, nasaan ka? After party? Musta ang reunion? Uminom ba si Leandro?

Kenneth:

Nandito kami sa tindahan, Ma'am. Bistro raw sila pero andito kasi sina Thea, videoke kami. Hehe.

Umirap ako. Ano ba 'yan!

Ako:

Ano nga ang nangyari sa reunion? Uminom ba si Leandro?

Kenneth:

Hindi, Ma'am. Naku! Tahimik sa reunion. Hindi gaano nakikisalamuha, e. Kina Levi lang at sa barkada nila. Nilapitan nga nina Thea para batiin sa bahay at negosyo niya, nagpasalamat lang at 'di na nangumusta kahit kanino. 'Tsaka, inabutan ko ng inumin, tinanggap pero tinabi lang!

Nag-angat ako ng tingin sa kay Leandro. Nakita kong nakatingin siya sa akin. I saw him checking his phone. Tumikhim ako at nakisali na lang sa usapan sa grupo.

Kalaunan, nagpasiuna na si Kuya Levi magpauwi ng kaibigang tingin niya'y lasing na. At sa huli, nang nagdesisyon kaming umuwi na, tumayo na rin si Leandro kasama ni Kuya Levi.

Sa parking lot, nakangisi si Kuya Levi nang nakitang pinagbuksan ako ni Leandro ng sasakyan. Tinapik niya ang hood ng aking Raptor.

"Mauna ka, Chayo. Susunod ako sa'yo," Kuya Levi reminded.

Iyon nga ulit ang nangyari. Ako, tapos si Kuya at si Leandro sa likod. Nang lumabas kami ni Kuya aming kanya-kanyang sasakyan, naabutan ko siyang humihikab at naghihilot ng sentido bago sumulyap sa akin. Nagtagal ang tingin niya sa mga bulaklak na hawak ko.

"Maaga kang gumising bukas. Ihatid mo ako kahit hanggang La Carlota lang," ani Kuya.

"Okay, Kuya."

It was an unusual request. Kaya lang, gusto kong makasama pa si Kuya at mas masiguro ayos lang siya. I will always say yes for more time with him even if it's just us in a convoy to go out of the province.

Ibinilin ko sa kasambahay na ilagay ang mga bulaklak sa flowervase bago tuluyan nang dumiretso sa kuwarto.

Pagkatapos ng tawag ni Leandro na nakauwi na siya sa kanila, at pagkatapos kong maligo at magbihis ng pantulog, hindi ko na nahintay ang sumunod na tawag. I was dead tired that I immediately slept.

May dalawang tawag galing kay Leandro nang gumising ako. Mabilis akong nagtipa ng reply.

Ako:

I'm sorry nakatulog ako. Good morning!

Naroon na si Kuya at Daddy sa lamesa para sa agahan. Patapos na nga si Kuya kaya nagmadali ako. It's just six in the morning and the sun hasn't risen much yet but it was as if Kuya Levi is in a hurry to leave.

"Sigurado bang uuwi ka ulit dito sa katapusan?"

"Yes, Dad," pormal na sinabi ni Kuya.

He's wearing a crisp white button down shirt with a black slacks now. He looked dashing, as usual, with a little daredevil on his look. Tumayo siya kaya mabilis din akong napatayo.

"Magtotooth brush lang saglit, Kuya," sabi ko at uminom ng tubig bago umakyat para gawin ang sinabi.

Hindi pa naglilimang minuto, pababa na ako. Daddy was teary eyed as he send off Kuya Levi out of our mansion. Sumunod naman ako sa SUV niya at bumosina na lang para sa mga kumakaway na kasambahay.

Hindi ko pa rin alam bakit ako pinapasunod ni Kuya sa kanya. Hindi kami makakapag-usap ng ganito pero kung sa bagay ang mapanood na maayos siyang nakaalis sa probinsiya ay isang malaking bagay na para sa akin.

However, I noticed how he's running towards a different way. Instead of the La Carlota road, he turned towards the Canlaon road. Mahahabang hilera ng palayan at maisan ang nakikita ko at sa harap ay ang maganda at mahiwagang tanawin ng Mt. Canlaon.

Slowly... he slowed down. Gumaya ako at nang tumabi iyon sa daan at tuluyang tumigil, gumaya rin ako.

I smiled and I realized that maybe he wanted to talk to me... out of our house.

Lumabas siya kaya gumaya naman ako. Nasa gitna siya ng aming dalawang sasakyan at humilig sa likod ng kanya, habang hinihintay akong makalapit. I smiled at him. Slowly, he pulled me to his chest and hugged me tight.

Hindi naman ako emosyonal sa pag-alis niyang ito. I know he'll come back but there's something about the kind of hug he's giving me now. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila niya dahilan kung bakit napukaw rin ang pangungulila ko.

Gusto kong kumawala at tingnan siya para makausap pero pilit niya akong niyakap, hindi pinapakawalan. Nakuha ko kung bakit nang narinig ko ang panginginig sa boses niya.

"I'm sorry..." he said.

Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang sorry na iyon. Ilang beses na siyang nagsorry sa akin tungkol sa pag-alis niya at pag-iwan niya sa akin sa mga oras na kailangan ko siya. Hindi ko kailanman naisip na isang pabigat ang pag-alis niya para sa akin. I know he needed the time to heal. I was hurting but I didn't know what kind of pain he was dealing.

"I'm still not over how I left you during those dark days, Chayo."

Humikbi ako. Kasabay sa pag-agos ng ilog sa gilid ng daanan at indayog ng tumutubong maisan, umiyak ako.

"I left you with all our family problems just because I was hurting. I was selfish."

Umiling ako. "You were hurting, Kuya. I understand."

"You were hurting, too, but you faced it bravely."

"Magkaiba ang sakit na naramdaman nating dalawa. Let's just forget about it. What's important is we're here together. I love you."

He chuckled. Kumalma ako at huminga ng malalim.

"That's the reason why this is so hard for me, Chayo. Alam ko kung paano ka magmahal."

Nagulat ako sa sinabi niya. Unti-unti akong umahon. Pinalis niya ang luhang tira sa aking pisngi. He smiled. His eyes and nose were red but still he looked like a ruthless beauty.

"I know what's going on with you and Leandro."

I swallowed hard. He chuckled more and pinched my nose.

"Ikaw ang unang kinumusta noon noong una kaming nagkita. I have a hunch way back but I just couldn't imagine it so I discarded the idea. I only entertained it when he told me about his feelings for you."

"K-Kailan?"

"Matagal na. And that's when I realized what happened... back then. Those weekends we spent on their house, everything."

Tumawa ulit si Kuya.

"Hindi ko sinabi sa kanya ito pero naramdaman ko rin na may gusto ka sa kanya, tama ba ako?"

Kinagat ko ang labi ko. Marahang tumango si Kuya.

"Ang gagong 'yon. It will be my pleasure to make him suffer, Chayo. I could tell him you like someone else or something."

Yumuko ako.

"Akala niya papanigan ko siya dahil magkaibigan kami?"

I smiled and leveled my eyes to my brother. His smile faded slowly.

"Remember what I told you then?" he whispered.

Nanatili ang mga mata ko sa kanya.

"It's still the same, Chayo. Nothing has changed. For me, nobody could ever deserve you."

Halos manginig ang ngiti ko. The wall I was talking about in front of me and my brother is just the question about Chantal. Hindi na pala iyon mahalaga. Ano man ang magiging desisyon niya, suportado ko siya. He will always be my Kuya Levi no matter what. Things may change but loves like this, it's constant... like a timeless stream of the rivers.

"But I know one day I'd have to give you away... At gusto kong malaman mo, Chayo, na kung ibibigay nga kita..." nabasag ang boses niya sa bandang dulo. "Si Leandro lang ang mapagkakatiwalaan ko."

My eyes widened.

"It's too early to conclude. Ni hindi pa kayo ng gagong iyon. But I want you to know this. Don't worry about Dad. Pagkauwi ko rito, hindi na ako aalis. Ako na ang bahala sa kanya."

"Thank you, Kuya!" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinagod niya ang likod ko. Ilang sandali pa bago ko siya binitiwan. I want him to eventually tell me about his feelings... his heart. For that to happen, I know I must show him mine.

"I have... loved Leandro for too long now. Dati pa, Kuya. Back when I don't even know what love was. I may be a curious play girl back then but truth is, I really didn't know much about feelings," I confessed.

Kuya Levi's eyes was gentle. Alam kong masaya siya sa pag-amin ko.

"I was confused-"

"That's alright. You were young. Chayo, masaya ako na hindi mo alam 'to noon. Paano kung alam mo? Hindi ko alam anong gagawin ko."

Natawa ako. "Leandro was on a pedestal for me. He wasn't rich like my suitors or my then boyfriends but I know he's something. Something I can't touch. Lagi akong galit noon sa kanya, I accuse him of bad things because I want so bad to ruin his name for me. In the end, he'll always be the honorable Leandro and I'll always fail."

"That's enough. You're making me jealous of him."

Tumawa ulit ako. "I just want you to know. You're right. I love him, Kuya.

Umirap si Kuya sa pag-angat ng tingin at umigting ang kanyang panga.

"Tinawag na ba kita? Hindi pa, Leandro. Gusto mo lang makinig, e!" iritado niyang sinabi.

Mabilis akong bumaling sa likod at nakita si Leandro. Sa likod ng Raptor ko ay ang sasakyan niya at nakatayo na siya malapit sa amin. Uminit ang pisngi ko at pakiramdam ko naging estatwa na ako.

"I didn't plan this up. I only invited him so someone would accompany you home. Hindi ko planong marinig niya ang sinabi mo sa akin, Chayo," Kuya Levi said.

Nanatili akong gulat. Leandro stood there without saying anything, too.

"But, oh well, this can't be helped..."

Kuya Levi kissed me on my cheek.

"I'll be back, okay? I just need to fix things." He paused and looked at Leandro. "Ihatid mo si Chayo pauwi. Hatid lang!"

"No problem, Levi."

Kuya kissed and hugged me again before turning to his car. Nanatili akong nakatayo, hindi na alam anong gagawin pa. Pinagmasdan ko ang pag-alis ng sasakyan ni Kuya at aatras na sana para makadiretso sa sasakyan nang naatrasan si Leandro sa likod ko.

"I heard what you said," he told me.

Hindi ko alam saan hahanap ng salita. Hindi ko rin alam kung tama ba na harapin ko siya ngayon o tumakbo na lang. Running is tempting, as I don't really know how to tell him my feelings directly.

"But it's okay if you still don't want us to be together. Hindi kita minamadali, Chayo."

"O-Okay," I said stupidly and tried to evade him again but he held my wrist and stopped me from going somewhere. Mabilis niya rin naman iyong binitiwan.

"Sorry," agap niya na bahagya kong kinainisan. Naaalala ko iyong sa cafe, bago dumating si Kuya Levi.

"Did you say sorry to Keira when you held her hand before? Noong kayo pa? Sa school?"

Nagulat siya sa diretsahan kong tanong. This has secretly bothered me for long.

"Let's not bring her up in our arguments, Chayo."

"Bakit ka nagso-sorry lagi sa akin? Ano? Ayaw mo akong hawakan?!"

Hi jaw clenched. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kanya.

"Gusto. But we're not together yet so... it's safe if we keep our distance," he whispered huskily, contradicting what he just did.

Sinimangutan ko siya.

"I'm not like your exes. Lalo na 'yong nagdala sa'yo sa likod ng football field!"

Naalala ko si Ralph at ang nadatnan ni Leandro noon.

"Oh! Bakit? He's my boyfriend then!"

His head tilted and the evident anger is brewing. "You were young."

"I'm not young anymore now."

"I said I'm not your boyfriend yet, Chayo. Quit it! Magtatanong din ako. Totoo bang itinatawag mo kay Levi si Julius?"

Napakurap-kurap ako. Parang narinig ko nga na nasabi iyon ni Kuya.

"It... bothered me a bit since then. I want to know if you call your brother to tell him stories about your suitor."

"Hindi."

Tumango siya at nagbuntong-hininga. Binitiwan niya ako. Iritado kong tiningnan ang kamay niyang hindi gumagalaw kahit na ang lapit-lapit lang ng kamay ko. Unti-unting sasabog ang utak ko sa iritasyon. Lalo na kung iisipin kong ako pa yata ang mauunang humawak sa kanya. At ayaw kong gawin ko iyon!

Ano pa nga bang mawawala? Kani-kanina lang, narinig niya sa sinabi ko kay Kuya na mahal ko siya. Alam niya na at binibigyan niya pa ako ng pagkakataong magdesisyo kung gusto ko ba siyang maging boyfriend! Even after my confession that I love him!

"Then it's a yes, Leandro!" iritado kong sinabi.

Kumunot ang noo niya but I don't think he's that slow to understand what I said. Ganunpaman, nilinaw ko para hindi na uulitin pa.

"You're my boyfriend now!" sabi ko.

A smile crept on his lips. Kumalabog ang puso ko. Yumuko ako at nakita ang kamay niyang hinawakan ang akin. Then... slowly... a smile crept on my lips, too.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #jonaxx