Kabanata 35
Kabanata 35
Sorry
"Pumasok ako, Ma'am, sa cafe kung saan sila nagkita. Seryoso ang usapan nila kaya nagkunwari akong hindi ko sila nakita. Kaso, Ma'am, bigla silang umalis. Lumabas ako at nagtawag ng tricycle. Sumunod ako sa kanila kaso ang bilis ng takbo ng sasakyan ni Castanier. Nagmamadali. Huli kong namataan, Ma'am, lumiko sa dulong Inn malapit sa arko."
"Okay."
Hindiko maproseso ang lahat ng narinig. Tumawa-tawa si Kenneth.
"Alam mo naman ang dalawang 'yon, Ma'am. Sa Inn talaga ang tungo at nagmamadali pa, kating-kati na siguro."
Kumunot ang noo ko, tuluyan nang nadungisan ang kanina pang iniisip.
"Suggestion ko sa'yo, Ma'am, si Keira paalisin mo rito sa Altagracia nang sumunod na si Castanier. Alam mo na..."
"Kenneth," tawag ko para pigilan siya. "Sige na. Ayos na 'yan. Huwag mo nang sundan."
"Huh? Ma'am? Nasa labas ako ng Inn ngayon, hinihintay na lumabas. Maaga pa kaya baka isa o pinakamatagal na ang tatlong oras sa... alam mo na. Hehe."
"Huwag mo nang hintayin sabi!" sigaw ko.
Natahimik si Kenneth ng ilang sandali.
"Ayy. Sige, po. Sorry, Sorry, Ma'am. Pero tuloy po ba ako bukas?"
"Tumuloy ka sa reunion. Huwag mo na akong balitaan. Magpapahinga ako bukas."
Pinutol ko ang tawag at agad na ibinagsak ang ulo sa backrest ng upuan. Pumikit ako at dinama ang sakit na nararamdaman. Ano naman kaya ang pag-uusapan ni Leandro at Keira? Lumiko sa Inn? Bakit sila pupunta roon? Imposibleng mag-uusap lang. Bakit hindi nila ginawa sa cafe at bakit sa Inn pa?
'Kating-kati na siguro'...
Nanlamig ako bigla. He is her ex and I know they share a past I can't erase. Or maybe they are still sharing it in the present. Habang hindi ko pa siya sinasagot? Bigla akong nandiri sa sariling pag-iisip.
I remember back the times I catch Leandro and Keira holding hands in the campus, noong sila pa. They were touchy with each other. Meanwhile, Leandro couldn't even afford to hold my hand. Oo nga naman at may pagkakaiba kami ni Keira. Hindi ko nga alam kung gusto ko bang alamin iyon.
Kinatulugan ko sa opisina ang pag-iisip. Kinuha ko ang cellphone ko nang nagising at sinulyapan ang message niya.
Leandro:
Let's see each other after work?
Nanginig ako nang naalala na galing siya sa isang Inn. Nagalit nang naisip kung ano maaari ang ginawa nila roon. Sinadya kong sa bahay na magreply.
Ako:
Nakauwi na ako. Next time na lang.
Then I completely ignored my phone for the next hours. Nagbabad ako sa bathtub habang tinatanaw ang Canlaon at ang papalubog na araw. Hanggang sa nagdilim, nanatili ako roon. Kuya Levi was out again that night so I didn't have a choice but to overthink after eating dinner.
Sinulyapan ko ang cellphone ko at nakita ang iilang tawag galing kay Leandro. May text ding galing sa kanya.
Leandro:
What are you doing now?
Leandro:
Answer my calls, please. I miss you.
Hindi ko alam anong isasagot ko bukas kina June at Nan kung magtatanong sila tungkol sa amin ni Leandro. Yesterday I was ready to tell them that he's courting me. Right now, I'm not sure. Paano ko pa iyon sasabihin sa mga kaibigan ko? Or more importantly, ano pa ang sasabihin ko?
Ayaw kong lumabas kinabukasan. Kuya Levi noticed my weak energy but he never brought it up in front of Daddy, while we're eating our breakfast. Panay lang ang sulyap niya sa akin sabay muwestra kung okay lang daw ba ako. Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Ang galing nga ni Chayo sa negosyo. I'm so proud of her. Walang palpak na gawa. Mas mahusay pa sa akin o kahit sa lolo n'yo."
Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Like what I heard, Dad."
"Pero mas masaya sana kung pareho ninyong naaalagaan ito. Mabagal ang usad ng distileria dahil laging mas inuuna ang asukarera. Kung nandito ka, Levi, sana ay parehong malago na ang mga iyon."
Kuya Levi glanced at me. I was really not in the mood for anything. Matagal silang natapos sa pagkain samantalang nauna na ako sa kuwarto para makapagbihis. Isang matamlay na araw iyon at siguro kung hindi ako binisita ni Kuya bago magtanghalian, baka buong araw na nga ang paninitig ko lang sa mga mensahe ni Leandro.
Leandro:
Kinausap ko si Keira kahapon tungkol sa nabanggit mo. It was hard to schedule to meet her this week because I'm busy but yesterday I finally had a chance to.
Leandro called again but I didn't answer.
Isang katok sa pintuan. Lumapit ako at unti-unting binuksan. Kuya Levi is behind it. I opened the door wider and let him in.
"What do you plan on doing today? Just stay here in your room?" he smirked and sat on my bed.
Naupo na rin ako sa kama, itinago sa ilalim ng comforter ang cellphone. Ngumisi ako at umiling.
"Magkikita kami nina June, Edu, at Nan mamaya sa Bistro. Mamayang gabi siguro."
"That's good. I thought you'll stay here the whole day. Is there something wrong, Chayo?"
Umiling ako. "Nothing, Kuya. Hindi ba ngayong ala una ang simula ng reunion ninyo?"
I noticed his clean up. He looked dashing and ready. He nodded.
"Paalis na nga ako. Binisita lang kita. Hindi na tayo nakapag-usap ng matagal."
"Babalik ka naman, hindi ba? I mean... after the reunion, babalik ka para sa trabaho. Tapos babalik ka rito?"
"Yes, Chayo."
Tumango ako at ngumiti. Tumayo naman siya at hinalikan ako sa noo.
"Don't be sad. I love you, Chayo," he said.
"I love you too, Kuya."
He smiled gently at me.
Matagal nang umalis si Kuya nang tumawag ulit si Leandro sa akin. Umalis pa naman si Kuya dahil hinahanap na siya ng mga kaibigan. Why the hell is Leandro still calling me?
I ignored his call. Bumaba ako at kumain na ng tanghalian. It was a late lunch. I can hear my father asking for a break of his therapy for his usual siesta. Umakyat ako sa taas pagkatapos ng ilang saglit at pagpaplanuhan na sana ang susuotin mamayang gabi.
Akala ko si June na ang tumatawag, pinapaalalahanan ako sa lakad namin mamayang gabi. Laking gulat ko nang si Leandro pa rin iyon. Umirap ako at gustong ignorahin ulit pero nauna ang kuryosidad ko.
"What..." bati ko.
A huge sigh was his first reaction. "What's wrong? You don't reply to my texts or answer my calls."
"Wala. Marami akong ginagawa."
"Galit ka ba?"
Humaba ang katahimikan. Sinadya ko iyon para sana marinig kung nasaan siya pero tahimik ang paligid niya. Hindi ba reunion na? Kanina pa umalis si Kuya Levi, ah?
"Nasaan ka? 'Yan na ba ang reunion o na sa ibang tahimik na lugar ka?"
"Nasa loob ako ng sasakyan, Chayo. Hindi pa ako nakakaalis sa bahay."
Umirap ako. "Kanina pa nagsimula ang reunion n'yo."
"Hindi ka sumasagot sa tawag ko. I'm... worried. What's wrong?"
Hindi ko alam kung bakit parang kinukurot sa sakit ang puso ko.
"Wala. Sige na, ibababa ko na. May mga gagawin pa ako."
Bago pa siya maka apila, binaba ko na ang tawag at humiga na ako sa kama. He called again and I ignored it. I quickly typed a message for my friends to tell them that I'm coming before finally turning my phone off.
Wala akong gana. Kung puwede lang sa bahay na lang papuntahin sina June, Edu, at Nan, ginawa ko na. Kaso kung pag-uusapan namin si Leandro, may tsansang marinig ni Daddy iyon kapag dito kaya mas mabuti nga na sa labas na kami.
Pagkatapos magbihis, alas singko nang tuluyan na akong umalis sa bahay. Sa Bistro kami nagkitang apat at um-order na sila bago pa ako dumating. We had dinner and a little catching up, not hitting the main topic. Nang tapos na ang dinner, gabi na, at nagsimula nang um-order ng inumin, 'tsaka na ako binato ng intriga.
"Kuwento ka na! Excited pa naman ako sa topic na ito! Anong mayroon?"
"Inimbitahan ko nga pala si Julius, Chayo. I hope you don't mind," si Edu.
Umiling ako at hindi na alam kung paano pa ieexplain sa mga kaibigan ang tungkol kay Leandro.
"Ano bang gusto n'yong marinig?"
"Anong nangyari noong umalis ka kasama siya sa birthday ni Adriano?"
"Narinig ko na may naiwan ka sa bahay niya? E 'di madalas ka roon? Ano 'yon? Panty?" sabay hagikhik ni June.
"iPad 'yon! Pwede ba?" iritado kong sagot.
"Ohh. Okay! So ano 'tong kuwento ni Axel na magkasama kayo ni Leandro sa hall noong nakaraan? Anong ginagawa n'yo roon?"
"Anong mayroon? May usapan nga na madalas kayong makita nitong nakatraan, Chayo."
"Alam n'yo namang pinapaalis ko siya sa Altagracia, hindi ba?"
"Epektibo ba? Sa pagkakakilala ko kay Leandro, hindi iyon basta aalis dito sa ganyang dahilan lang. Lalong hindi mababayaran, Chayo," si Edu.
"Kaya nga madalas kong kausap para makumbinsi ko."
Ngumisi si June, may bahid ng malisya ang mga mata. "Ang guwapo ni Leandro. Kahit si Mommy nakapuri roon."
"Mas guwapo naman ako!" agap ni Edu.
Nagtawanan kami.
"Noong naisip ko kayong dalawa pagkatapos sabihin ni Axel 'yon, narealize ko na bagay kayo."
"Hay naku. Ewan ko sa inyo."
"Ang tangkad nga at ang guwapo. Impressive din na nakabangon siya sa kahirapan," si Nan. "I mean... he has nothing, then, but look at him now. He may not be as rich as other people but I must say that if he was given an equal opportunity with the rich, equal resources, he probably would achieve more than what he achieved now."
Tumango si June. "Tama ka, Nancy. Marami sa batch natin na medyo mas may kaya sa mga Castanier at nanatiling ganoon lang. Not that it's bad but if you compare them to him, look at him now."
"Ang tanong ay kung bakit ba 'yan umuwi rito? Si Keira siguro."
"Anong Keira, Edu? E, si Chayo oh!" si Nan.
Natigil kami sa kuwentuhan nang dumating si Julius. Nakisali siya sa amin at panay ang tingin sa akin tuwing napag-uusapan si Leandro.
"May nakakita nga raw sa inyo roon sa cafe. Nanliligaw ba sa'yo 'yon, Chayo?"
Hindi ko tuloy alam kung itatanggi ko ba iyan. Hindi ako agad nakasagot kaya nagtagal ang titig nila sa akin.
"Buti hindi n'yo naman nasagap ang balita na si Keira naman ang kasama niya kahapon sa isang cafe at lumiko pa sa Inn?"
Sabay-sabay na suminghap si June at Nan. Tumawa si Edu at kumunot ang noo ni Julius.
"What do you mean by that? Dalawa kayong pinopormahan ni Leandro?"
"My, Chayo! I don't think so..." agap ni Nan. "I know she's his ex but I don't think Leandro would do that to anyone!"
"Sinong makakapagsabi niyan, Nan? Eh, si Tito Carlos nga nagawa iyon sa Mommy ni Chayo."
"That's enough, Julius!" agap ni June. "That's too much. We shouldn't talk about that."
Hindi ako kumibo.
"I'm sorry. I'm just saying that everything is possible these days."
Mabuti na lang at sadyang iniba ang topic dahil sa huling sinabi ni Julius. Muli lang akong nakisali, unti-unti. Natigil nga lang ulit kami nang nakitang may pumaradang pamilyar na mga sasakyan. Kay George at Adriano iyon na may lamang maiingay na kaibigan din nila.
"Ohh. Tapos na yata ang reunion," si June habang tinitingnan ang mga lumabas.
Bumaling ako sa inumin. I sipped on my bottomless iced tea and remained calm.
"Uy, si Levi!" si June.
Napatingin tuloy ako sa parking lot at nakitang mas lalo silang dumami. I even saw Keira. Nang nagkatinginan kami, bahagya siyang natabunan ng mga kasama. Nagtatawanan sila at halatang siguro'y nakainom na.
"Baka nabitin kaya tatapusin dito sa Bistro ang inuman?" si Julius.
Tama nga siya. Naupo sila isa-isa at nagpalagay pa ng mas maraming lamesa at upuan.
"Hi, Kuya Levi!" bati ni June.
Bumati si Kuya sa lamesa namin. Iyon nga lang, hindi siya nagtagal dahil tinawag na kaagad ni George para sa o-orderin na inumin.
"Tapos na ang reunion namin. Nagkayayaan kaya mag iinuman lang muna," si Kuya bago tuluyang lumapit sa mga kaibigan.
May iilan pang dumating. Kinabahan ako bigla. I'm pretty sure Leandro will be here, too. Sana hindi.
"Sa kina Julian daw sila. Doon malapit sa convenient store," narinig ko sa isa pang batch nila.
Ibig sabihin, nagkawatak sila. May ilan sa batch nilang pumunta sa ibang lugar para mag inuman. But I doubt if Leandro goes somewhere else when his friends are all here... plus Keira.
"Ayos ka lang?" si Nan nang napansin ang halos hindi ko na pag galaw.
Tumango ako at ngumiti. Kinapa ko sa bag ang susi ng Raptor. In case. JUst when my anticipation is at its peak, everyone grew silent, them... my friends... everyone.
Ang alam ko lang, nakarinig ako ng pagsarado ng pintuan at tumahimik na. Nakatalikod ako kaya hindi ko sigurado kung sino ang dumating. Kumalabog ang puso ko. Nakita ko ang paghawak ni June kay Nan at ang gulantang sa itsura ni Nan.
The only sudden noise from that defeaning silence was a chuckle from my brother's table. Nag-angat ako ng tingin at kinain na ng kuryosidad, bumaling sa likod para lang makita si Leandro na palapit sa akin at may dalang malaking bouquet ng rosas.
Never in my wildest dreams did I imagine Leandro giving flowers. Kahit kay Keira o kanino pa mang babae. Lalong lalo na sa akin.
I don't think I could maintain my cool. Not when Leandro has flowers for me and everyone is watching us. Tumayo ako at marahang naglakad paalis doon. Walang tumawag sa akin o ano man.
I parked my car at the back of the establishment. Wala pa kasing nakapark kanina. Sumunod si Leandro sa akin at ayaw ko man, hindi ko siya mapigilan. Nararamdaman kong sinusundan din kami ng tingin ng mga tao.
Kung hindi pa alam ng lahat na nanliligaw siya sa akin, ngayon buong Altagracia na ang nakakaalam. Even my brother!
"Chayo," he called darkly when we're out of everyone's earshot.
Nilingon ko siya. Pinasadahan ko ng tingin ang iniwan naming Bistro at may ilang nakiusisa. Nang nakitang nakatingin ako, mabilis silang naupong muli. I swallowed hard and looked at Leandro. Watching him right now with those flowers, standing in front of me... it feels so surreal. Is this really true? This isn't the first time I received flowers but it feels like it because it's Leandro.
Iyon nga lang... tatanggapin ko ba iyon? Bakit bigla halos kong makalimutan ang nangyari kahapon?
"Ano?"
"Are you mad at me?"
Mariin ko siyang tinitigan. Kinailangan ko pang ungkatin ang nararamdaman ko kahapon, at kanina para lang maibalik iyon. I'm too overwhelmed when I saw him with the bouquet that I forgot why I was angry at him. Humalukipkip ako.
"Ibigay mo na kay Keira 'yang bulaklak mo."
"Para sa'yo 'to. Hindi kay Keira."
"Really?"
"Is this about me meeting Keira on that cafe?"
"Sa cafe nga lang ba? O lumiko kayo sa motel para pag-usapan 'yong sinabi ko sa'yo?"
His jaw clenched. Slowly, he put the bouquet on my hood. Pinatunog ko ang sasakyan at binuksan ang driver's seat. Isang malakas na pagsarado ang ginawa niya para pigilan ako sa pagsakay doon. Napaatras ako at humakbang siya palapit sa akin. Kinabahan ako at natahimik.
"Iyan ang sinabi ni Kenneth sa'yo?"
"Iyon ang nangyari-"
"Lumiko ako sa intersection ng Inn at dumiretso sa opisina. Doon kami nag-usap!"
Napakurap-kurap ako. He noticed my shock and he took advantage.
"I can't talk to her in that cafe because I know I was mad. We'll only make a scene! Iyong si Kenneth, tauhan n'yo 'yon, hindi ba? Nakasunod din sa akin kanina sa reunion. What did he tell you?"
Nangilid ang luha ko. Sinimangutan ko si Leandro.
"Wala! Hindi ko na inalam anong ginawa mo sa reunion n'yo! Bahala ka kung maglandi ka! Pakealam ko sa'yo!"
Sinubukan kong buksan ang pintuan pero hinarangan niya na.
"No, Charlotta. We'll only go home when you've calm down. Not right now. Please... I'm sorry."
Sinimangutan ko lang siya at patuloy na sinubukan ang door handle. Binawi niya ang kamay ko roon at mas lalong inubos ang distansiya namin.
"I'm sorry I didn't tell you ahead. Hindi kasi planado. Nakita ko lang siya at naisip ko na mas mabuting mag-usap na kami tungkol doon. She lied to you and made you believe that we got back together. We didn't. Pinaalis ka rin niya sa bahay noong nakaraan. Galit ako sa ginawa niya. I can only offer her friendship but she's done damage to us, I can't be her friend anymore."
Natahimik ako. Naisip ko si Kenneth na nagtatricycle at sa malayo, tanging nakita niya ang pagliko ni Leandro sa intersection. I know Leandro. I know he's honorable but I don't know what's gotten into me. Why am I so vulnerable just because of an unverified information.
"Bago kami umalis ni Chantal dito, mahal na kita noon," he said.
Napasinghap ako at inalala iyon.
"Lahat ng pangako ko sa Ruins, para 'yon sa'yo. Noong sinabi ko babalik ako, para 'yon sa'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro