Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 31


Kabanata 31

Girlfriend

Wala akong naging choice kundi pumunta. I promised to myself I won't stay for long, though. Kung puwede lang hindi na kumain, gagawin ko na talaga.

My friends bugged me for the whole two hours that night. They asked me questions about my relationship with Adriano based on just one date way back in college.

Sa totoo lang, pinaunlakan ko lang si Adriano noon dahil sa lubusang pangungulila. Ngayon, alam ko na kung saan ako nangulila. I thought, somehow, a date with him would fill the void. Dati iyon, noong lito pa ako at madalas kong maalala si Leandro. Hindi na rin naman nasundan iyon dahil hindi ko talaga magawang maging interesado. Lalo pa dahil ang alam ko'y seryoso ang hanap ni Adriano, not just a girl who wanted to explore and see if she can deal with it. I would be bad for him for being undecided all the time.

Nandito na ako kaya hindi na ako kukulitin nina Edu, June, at Nan. Kabado man, pumasok ako sa loob ng malaki at magarang bakuran nina Adriano.

It was a garden party, gaya ng madalas naming daluhan sa ibang okasyon noong bata pa lang ako. It's been a long while since I last visited here and it's evident with the way some of their househelps treated me.

"M-Ma'am Chayo!" ang matandang dati nang kasambahay nina Adriano.

"Hi, Manang Susan! Kumusta po?"

Nasa bukana pa lang ako ng abalang bakuran ay nakita na ako ng mga kasambahay na nagse-serve. Dahil doon, mabilis din akong nakita ng mga panauhin. Kumakain na ang mga tao at ang alam ko'y may naunang maiksing programme bago ang salo salo.

Of course, I wanted my visit to be as short as possible. Matagal akong pumunta, at mabilis lang ding aalis. Hindi ko naman inaasahan na dahil kumakain ang lahat, mas kapansin-pansin ang pagdating ko.

Kinuha ni Manang Susan ang dala kong box na may lamang round cake. Nakakahiya nga dahil kaninang umaga ko pa iyon iniutos kaya nagmamadaling mag bake ang mga kasambahay at ang available na box lang ay isang plain brown box. Wala man lang palamuti sa labas.

"Chayo! Finally!" si Adriano na tumayo pa talaga para salubungin ako.

"Hi! Happy birthday!"

Pinasadahan ko saglit ng tingin ang mga nakaupong panauhin.

Iilang mga long rectangular tables ang nakahilera roon. May mga lights ding nagsilbing tanglaw sa hardin habang kumakain ang lahat. May mga electric candles din sa kanilang lamesa at kahit sa ganoong ilaw lang, naaaninag ko ang mga nakatitig na panauhin habang kumakain.

Madaling hanapin ang mga kaibigan. They are all together, with some of our batches. Hindi ko nahanap ang lamesa nina Leandro pero may palagay akong nasa mas malalaking lamesa iyon malapit sa harap. Hindi ko na iyon malalapitan dahil malapit lang naman ang lamesa. Kumaway si June at Nan sa akin galing sa kung nasaan sila.

"Sir, dala ni Chayo," si Manang Susan na nagagalak.

"Wow! That's so thoughtful of you, Chayo."

The music around was a sweet jazz and it was a bit soft so naturally, Adriano's voice almost boomed the venue. Ngumisi lang ako dahil wala nang magagawa. Nakakahiya nga naman na marinig iyon ng lahat.

"You're so sweet. Ano 'yan? Pampalubag loob sa ilang birthday ko na hindi mo dinaluhan?" pabirong sabi ni Adriano.

"Will you forgive me now because of my homemade cake?"

Tumawa si Adriano at hinawakan ako sa siko.

Akala ko igigiya niya ako sa mga kaibigan ko. Handa na sana akong lumiko at dumiretso sa kanila.

"Sandali lang at nasabi ni Manang Susan kay Mommy at Daddy na nandito ka. You should greet them, too. Nasa unahang lamesa."

"Ah..."

Hindi na ako nakatanggi. Iginiya niya ako patungo sa harap. Ang center aisle ay karpetado at masyadong agaw pansin ang paglalakbay namin. Nasa gitna na kami nang natanaw ko si Leandro. Tama ang hinala ko at nasa unahan nga sila kasama ang mga kaibigan at iilang ka batch.

"Hi, Chayo!" some greeted but most of them just stared curiously.

Alam kong marami sa mga kaibigan nila ang alangan sa akin. We have long tainted our name for being ruthless when it comes to the Castaniers. Mapapatawad kami ng panahon pero dahil sa mga naging kilos ko nitong nakaraang linggo, siguro naisip nilang hindi pa rin kami nagbabago.

Walang taga Altagracia ang hindi nakakaalam sa mga ginagawa kong manipulasyon para kay Leandro. At kahit pumapanig ang halos lahat, alam kong ang mga kaibigan ni Leandro ay talagang kaibigan niya. Bukod pa iyan sa mga taga bayang tahimik at palihim na tumutulong pa rin sa kanya. Sa bagay, hindi naman sila kailanman naging malupit kahit kanino. Kilala rin si Tito Carlos bilang matulungin at mabait kaya kumpara sa amin na pera at negosyo lang ang ipinagmamalaki, mas respetado sila kahit paano.

I didn't mind. So what if they all think I'm an abomination. I'm walking here unhurt just because I'm a del Real and I run this town.

Nagbeso ako kay Tita Adrina at Tito Ismael. Nagtagal ang hawak nina Tita Adrina sa akin. Bahagya kong naisip na ganito sana si Mommy at Daddy ngayon, parehong matanda. Mapait akong ngumiti.

"Kumusta, hija?"

"I'm fine, Tita."

Tito Ismael can only smile. Gaya ni Daddy, nasa wheel chair na rin ito.

"Thank you sa homemade cake na ibinigay mo. Nag-abala ka pa talaga."

"Of course, Mommy. It's my birthday," mayabang na sinabi ni Adriano.

"Sigurado po akong maliit lang iyon, seeing you have so many food and cakes for Adriano."

"Naku, kahit na! Kumusta ang Daddy mo?" maliit ang boses na tanong ni Tita.

Ngumisi ako. "He's fine, po. On therapy."

Tumango siya. "May reunion daw itong sina Adriano. Si Levi ba..."

"Uuwi po si Kuya para roon."

Ngumiti si Tita Adrina. "That's nice to hear. Your Dad must be thrilled."

Hindi ko na sinabi na hindi naman alam ni Daddy ang tungkol sa pag-uwi ni Kuya dahil hahaba pa ang usapan.

"Sige na, maupo ka! Adriano, pakainin mo na si Chayo at baka nahuli dahil naabala sa cake."

Hindi na ako dumugtong. Iginiya na ako ni Adriano sa gitna at diretso ang lakad ko pabalik sa mga kaibigan.

"Gusto mo ba riyan o sa lamesa namin?"

Natawa ako. "Doon na ako kina June at Edu, Adriano."

Mabuti na lang at hindi na naman ako pinilit. Para akong nabunutan ng tinik nang naupo na sa tabi ng mga kaibigan. Binigyan na ako ng pagkain samantalang sinundot na ako ni June, lahat sila may malisyosong ngisi.

"Uy! Ano 'yon? Greet the parents?"

"Tumigil nga kayo!"

Mabuti na lang at wala na si Adriano roon. Abala ito sa mga kaibigan kaya hindi na nagtagal sa amin. Pero habang sumusubo ako ng pagkain patuloy naman ang pang-aasar ng mga kaibigan ko. Lalo na pag napapalapit ng kaunti si Adriano.

"Noong nakaraan lang pero hindi kami nagkita. I mean nakita ko lang siya at nagbatian kami!" sagot ko nang kinorner ako kung kailan daw kami huling "nagkita".

Eh, huli kaming nagkita ni Adriano kina Leandro.

"Saan naman?"

Hindi ko na puwedeng sagutin iyon. Of course, wala namang malisya kung sasagutin ko nga pero para saan pa? Dadami lang ang tanong.

"Basta!"

"Sus! Ayaw pang aminin na nagdate kayo sa Bistro!" si June.

"Si Julius ang ka-date ko sa Bistro. Huwag n'yo nga akong ginagawan ng istorya..."

Nagtawanan sila. "Nasaan nga pala 'yon?"

"Susunod lang daw at galing pang Bacolod."

"Sa inuman na 'yon susunod," si Nan. "Gaya ng mga pinsan ko."

"Ang tagal na ng huling inom ko!" si Edu.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Unfortunately, I can't really stay until dawn to drink or socialize. Kakain ako ngayon at mamaya habang nagsisimula na silang mag-inuman o panghimagas, uunti-untiin ko na lang ang juice ko. Para naman hindi mukhang kumain lang at umuwi.

Kalaunan, tapos na ang kainan. Unti-unti nang s-in-erve ang inumin. Binigyan ako at inilingan ang kasambahay na nagserve. Pinapalitan ko ng iced tea.

Nagsitayuan na ang iilang matatandang bisita at lumapit na sa mga matatanda sa harap. Ang iba'y dahil may mga anak na dala, nagpapaalam na dahil antok na raw ang mga ito. Dahil nawala na ang iilang panauhin, hindi na mahirap tingnan ang lamesa nina Leandro. In fact, one swerve and I saw him looking at me.

In the dark night, only lit by the dim lights of electric candles, he looked more handsome and mysterious. And his gazes at me took longer than neccessary.

Nagtatawanan ang mga kaibigan ko habang tahimik akong sumisimsim sa iced tea. I equalled Leandro's gaze when I saw him looking at me. Akala ko mauuna siyang mag-iiwas ng tingin. Nagulat ako na kahit nagtatawanan na rin ang mga kasama niya sa lamesa, nakatitig pa rin siya sa akin.

My heart raced so bad and I think it is so unfair. How I am always a loser when it comes to this kind of battle. Nauna akong mag-iwas ng tingin at saglit lang nang ibinalik ko ay nakatitig pa rin siya. Then his eyes drifted on his glass, too. Mesmerized by the way he looked sideways down, napainom muli ako ng iced tea at nag-iwas na rin ng tingin sa kanya.

"Andito na sina Julius!" Edu announced, bago tumayo.

They did the usual boy courtsy while I remained seated and greeted him and his friends, one by one.

"Dito kayo," si Adriano sabay giya sa kanila sa malapit lang na lamesa.

Pumunta ang mga kaibigan ni Julius doon habang nagpaiwan naman siya sa lamesa namin para mang usisa sa akin.

"Kanina ka pa?"

"Kadarating lang din niyan. Late," si June na ang sumagot para sa akin.

He smiled. "Galing pa kami ng biyahe. Kapagod nga, e. Kakain lang ako saglit, hindi pa nagdidinner. Balikan kita pagkatapos."

Ngumiti ako kay Julius. "Ayos lang. I won't stay for long, anyway."

"Huh? Why?"

Shoot! I never thought of any response for that kind of question.

"Masama ang pakiramdam ko. Sige na, kumain ka na. Lapitan na lang kita kung aalis na ako."

Umingay bigla sa banda nina Leandro. Isang oras na yata simula nang natapos sa pagkain at hindi gaya sa lamesa namin, hard drinks ang s-in-erve sa kanila. He's probably drunk again, judging on the way his friends laughed. Hinanap ko si Keira sa lamesa nila at nakita kong medyo malayo siya kay Leandro. She's with some of her girlfriends. Nakita niyang nakatingin ako. Hindi siya gaanong nakikisaya pero napawi ang natirang ngiti sa labi nang nagkatinginan kami.

Then I remember what happened yesterday. I hate that I even bothered to look at her. I feel pathetic. Hindi na kinaya ang nararamdaman para sa sarili, tumayo na ako ng walang pag-aalinlangan.

"Bisita na lang ulit kayo sa bahay. Magpapainom na lang ako roon, para makabawi sa inyo," I said to my friends.

"Huh? Uuwi ka na?"

I smiled and only tapped Nan's back as an answer.

"Magpapaalam muna ako kina Tita Adrina tapos kina Julius."

Mabilis na akong tumalikod, hindi na binigyan ng pagkakataong umapila ang mga kaibigan. Halatang pagod na si Tita Adrina at wala na si Tito Ismael sa tabi niya.

"Tita, I have to go."

She was busy entertaining some guests but she managed a smile for me.

"Ang bilis, hija."

"Ah. I have things to do at home po," sabay beso.

"Thanks for coming, kung ganoon. Nasaan na ba si Adriano?"

Nakalapit na si Adriano sa amin galing sa maiingay na kaibigan.

"Uuwi na ako. Happy birthday ulit."

"Ang bilis naman!" si Adriano.

I smiled. Nagbuntong-hininga siya at sa isang titig, may pakiramdam akong may rason siya sa isipang hindi na isinatinig.

"Ihahatid na kita sa labas kung ganoon."

Tinawanan ko siya. "Magpapaalam pa ako kay Julius at huwag mong iwan ang mga bisita mo."

Sumunod nga lang siya sa akin kahit nang lumapit ako sa grupo ni Julius para magpaalam. Pinilit nila akong magtagal pero siguro may nakakita kay Leandro kaya nagbulungan ang iilan. They were oddly quiet, then, all of them.

"Sige. I'll text you," si Julius na hindi pa tapos kumain.

"Alright," sagot ko at napansin ang tingin niya sa likod ko, kung nasaan si Adriano.

Didiretso na sana ako paalis ngayon nang bigla kong narinig sa likod ang isang pamilyar na mababang boses.

"Ako na ang maghahatid sa kanya, Adriano," si Leandro.

My head snapped back to see Leandro. May pag-aalinlangan kay Adriano, siguro gulat sa gustong mangyari pero hindi na rin siya nakatanggi.

"O-O, sige."

Leandro's eyes then looked at me. Bahagya kong napasadahan ng tingin ang mga taong nanonood. I even saw Nan and June looking horrified. Ang alam lang nila gusto kong paalis si Leandro rito. Na gagawin ko ang lahat para makaalis siya rito, including degrading his name and putting a stain on his profession. Lahat yata ganoon ang tingin kaya siguro naghihintay ang lahat ng labanan sa amin ngayon. Like he'd kill me for it or I'd slap him for that.

"May naiwan ka kagabi sa bahay."

My iPad. Na hindi niya naman matitingnan dahil hindi niya alam ang password. But... people are wondering why I forgot something in his house now. Kay Keira sila magtanong, kung ganoon. May sagot siya riyan.

"Ah. Ang iPad ko. Sige, kukunin ko," I said cooly and proceeded to walk like nothing is happening.

Sumunod siya. Nakakabinging katahimikan ang naghari sa panauhin at tanging ang slow jazz music lang ang naririnig.

Nakalayo na kami ni Leandro roon. Nakasunod siya sa akin at nang nakita na ang mga sasakyan, hinarap ko siya pero naunahan niya ako sa pagsasalita.

"Sumunod ka sa akin sa sasakyan ko," at nilagpasan niya ako.

Sasabihin ko na sana sa kanya na maghihintay ako sa sasakyan ko kaso naunahan niya ako. Ayaw ko nang magsalita pa kaya sumunod na lang ako.

He clicked his car's key. Nakasunod ako sa kanya na nasa front seat ngayon ng bagong SUV. Then he glanced at me, I thought he'd hand me my iPad but he didn't.

"Sumakay ka. Mag-usap tayo."

"Anong pag-uusapan natin?"

"Sumakay ka muna, 'tsaka na tayo mag-usap."

I smiled mockingly a bit and crossed my arms. "Kunin ko lang ang iPad ko. Kung may sasabihin ka, dito na lang."

"Leandro, sinong kasama mo?" I heard someone calling near us.

Mabilis akong tumalikod. Hindi sumagot si Leandro at hindi ko alam kung anong sinenyas niya kung bakit imbes na mang-usisa ay tumahimik at siguro naglakad palayo.

"We'll be disturbed here. Saglit lang tayo. Ibabalik kita rito, para kunin ang sasakyan mo pagkatapos."

Nagulat ako. Babalik dito? Ayaw ko nang bumalik at siguro baka siya ang gustong bumalik para sa inuman.

"Susunod ako sa'yo, kung ganoon. Gamit ang sasakyan ko."

The sides of his lips rose a bit. "Alright, then."

Sumulyap ako sa loob ng sasakyan niya, dadayain sana at kukunin muna ang iPad but he seems to understand my other evil tendencies.

"Mamaya ko na ibibigay."

That's not very important! Naka log in nga ang mga social media accounts ko roon pero hindi niya naman mabubuksan kaya okay lang kung ayaw niyang ibigay!

Bored akong nagmaneho, nakabuntot sa kanya. Mabagal siyang mag maneho pero pakiramdam ko sinasadya niya. Ano? Lasing na ba kaya nag-iingat?

Halos natawa ako nang tumigil siya sa harap ng municipal hall, hindi kalayuan sa simbahan at plaza. Kapag umaga at hapon, laging maraming tao roon, mga bata at nagtitinda. Pero sa oras na ito, natural na halos wala nang sasakyang dumadaan at mistulang ghost town na dahil tulog na ang lahat.

He went out of his SUV and put the engine to rest. Ginaya ko siya. Nakikita ko siyang pumunta sa tabi ng mga puno, kung nasaan ang concrete bench na nakapaligid sa municipal hall. I remember something here, though. I remember seeing Keira here, on that night of Bailes de Luces festival. Doon ako humanga sa kanya. Na naglaho na rin naman ngayon, at alam kong sa hindi magandang rason sa parte ko.

"Iyong iPad ko?" paniningil ko.

Pareho kaming nakatayo. Maybe he wanted me to seat but I have no intention to stay for long.

"Umuwi ka kagabi ng hindi nagpapaalam."

Umirap ako. "Nagpaalam ako, hindi mo lang narinig kasi naliligo ka."

His lips protruded. "Keira went home, too. Pagkababa ko, tinanong ko kung nasaan ka at sinabi niya umuwi ka na."

Ano pa kayang sinabi? Bahala na nga siya.

"Nagmamadali ka kaya mo naiwan ang iPad mo? You opened the gates and didn't even care to go back inside the house for your things."

May CCTV ba roon?

"I'm not in a relationship with Keira, like what you're probably thinking right now. And I'm not back here in Altagracia for her."

Inaamin ko, marami akong tanong pero ayaw kong magmukhang uhaw. Tama si Keira at ang tagal tagal ko nang naghahabol kay Leandro. Hindi man dahil sa iniisip niyang bagay pero siguro nga, unconsciously I'm doing it because I actually like him.

"I made that clear to you last time, sa Bistro."

"You were drunk then. You're drunk right now, too. Look, just give me my iPad so I can go now, I'm sleepy, resulta ng inumin."

Marahan siyang lumakad palapit sa akin. The mere thought of his presence and in this serious state made my heart race madly. Halos hindi ko mahabol ang hininga ko.

"Hindi ako uminom ng kahit kaunti. At alam kong hindi ka rin uminom."

Suminghap ako at nag-iwas ng tingin.

"Liligawan kita."

My eyes snapped back to him. Out of nowhere masyado ang sinabi niya. We're talking about my iPad! His eyes casted shadows and I couldn't decipher its depths.

Did I hear him correctly, though?

"I want to be your boyfriend, Charlotta."

Kung tinamaan siguro ako ng kidlat, mas may presence of mind pa ako habang nanginginig at kinukuryente. Pero eto... eto... I think I turned into a tree, the way I stood there very still. His jaw clenched.

"I've been in love with you for years. I want you to be my girlfriend."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #jonaxx