Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30

Kabanata 30

Secret

"Nagbibigay siya ng discount, e! Naninira ka ng diskarte!" sabi ko, iritado sa panggugulong iyon.

"Hindi ko rin naman gusto iyon kaya bakit ka pa nakikipag-usap sa may-ari?" sabay diretso niya sa mga hinihiwa.

Ginulo ko ang buhok ko dahil litung-lito na ako. Pinapapunta niya ako rito para marinig ang mga offer ko pero hindi niya pa nga nakikita ang nakita kong building, ayaw niya na kaagad?

"Hindi mo pa nakikita! Ang ganda kaya! Highway agad at mas malaki ang parking lot kaysa sa parking lot mo rito sa Altagracia!"

Nagpatuloy lang siya sa ginagawang paghihiwa ng kung ano ano. I swiped on my iPad to check for the other one.

Sumulyap ako sa kanya at unti-unting tumigil. Pumangalumbaba ako at tiningnan ang kanyang likod. He's grown so much. Matipuno at lalong tumangkad ngayon. He was then already mysteriously handsome, right now he's still that way... even more.

Naaalala ko noon, hindi ko siya gusto. I am not naturally a hater of anyone poor but I specifically disliked him. Hindi ko pa alam noon kung bakit. He was loved by everyone, even the rich kids. He's smart, good-looking, and also kind to his friends. Dapat nga gusto ko siya noon dahil ganoon siya. Gaya ng paghanga ko dapat kay Keira dati...

Soon, I noticed my reaction towards him. And later on, I realized that I don't actually dislike him. I am just uneasy because I actually like him. I am attracted and my pride couldn't take it. My rich boys suitors paraded and yet nothing could ever compare to the poor and handsome Leandro Castanier. Nobody could ever replace him... for years... even now.

"Kailangan mo na talagang magdesisyon. Bibilhin ko na siguro ang pinakagusto ko at ipapangalan ko na sa'yo."

"Nag-aaksaya ka lang ng pera," aniya, hindi pa rin ako nililingon.

"Hindi aksaya dahil property naman ang binili."

"Hindi ako aalis dito kaya hindi mo na kailangang bumili ng kahit ano."

I groaned.

"Paano kung ipangalan ko na sa'yo? Wala ka nang magagawa."

"I won't sign on anything. At subukan mo lang na magpangalan ng kahit ano sa akin..." sumulyap siya.

I smiled.

"Bakit? Anong gagawin mo, Leandro?" panunuya ko.

Napatingin ulit siya sa akin. Nagtagal ang madilim niyang tingin. I smiled at him cutely.

"Aawayin mo ako? Magagalit ka? Hindi mo na ako kakausapin?"

His lips parted for a few moments. Umiling siya at binalikan ang hinihiwa. Hindi siya kumibo. Umirap ako at kinuha ang sinalin niya kaninang tubig sa baso para uminom.

Muntik nang lumabas sa ilong ko ang tubig nang naalala ko ulit ang nangyari kagabi! Nakakainis! Napaubo tuloy ako. Bumaling siya sa akin at iniwan ang hinihiwa.

"Ayos ka lang?" he asked.

Pumunit siya ng tissue sa rolyong nakatayo at ibinigay sa akin. Tumayo ako at tumango, umuubo-ubo pa.

"Nasamid lang," sabi ko. "Maghiwa ka na!"

Kumunot ang noo niya, nanonood sa akin habang nagpupunas. Pakiramdam ko pulang-pula na ako ngayon sa kauubo. Lumapit ako sa rolyong tissue para kumuha pa. Nagsalin naman siya ng tubig muli sa baso samantalang nagpunas naman ako ng counter top para sa tubig natapon.

Bumalik siya sa hinihiwa niya pero panay pa rin ang sulyap. So I'm blocking out how I laughed crazily last night, pati na rin ang sinabi niya sa bathroom na c-in-onclude kong pagmamahal sa kaibigan o kapatid lang.

"Bakit ka nga pala nandoon kagabi sa Bistro? May kikitain ka ba dapat?"

Nagulat siya at binalingan ulit ako. He looked so shocked. Nagtaas ako ng kilay. Natawa siya at umiling ulit, bumalik sa paghihiwa.

Bumilis ang pagtrapo ko sa countertop. Sumulyap siya sa ginagawa ko.

"Si Julius... iyong... manliligaw mo na noon?" he asked.

Tinapon ko sa basurahan ang tissue at lumapit sa nakitang malinis na trapo para magpunas naman ng kamay ngayon. Nakita kong may sanitizer sa malapit kaya kumuha na ako nang 'di nagpapaalam.

Natahimik ako sa tanong niya. Alam niya bang nanligaw si Julius sa akin noon?

"Iyong kinita mo sa Ruins?"

Hindi siya lumingon sa akin. Buti na lang dahil siguro'y makikita niya ang gulat ko. Nalaglag ang panga ko, habang iniisip kung nakita niya ba kami noon?

"P-Paano mo nalaman?"

Hindi siya kumibo. Nagpatuloy siya sa paghihiwa. Kumuha na rin siya ng kawali at ipinatong sa stove. Mukhang wala siyang planong sagutin iyon.

"Uh, oo."

"And I remember you telling me you'll wait until we're done. You didn't. Sumama ka sa kanya?"

"Uh... Oo."

Paano naman ako mananatili roon kung alam ko na ang mangyayari? At isa pa, hindi ba siya masaya na umalis ako? Nagkabalikan sila ni Keira dahil sa ginawa ko at malay natin na kung hinintay ko sila, hindi ganoon ang mangyayari?

"Nagdate kami," dagdag ko. "Noon... after."

Bumaling siya sa akin. Nagkatinginan kami. Tumango siya at nagsimula na sa pagluluto.

"Hindi mo pa sinasagot hanggang ngayon?"

"H-Hindi."

Oh no! I don't like this!

"Bakit? Ang dami ba nila na nalilito ka?"

Tinawanan ko na lang ang tanong niya. I can't help but realize how true that is. Totoong hindi ko na pinagkainteresan ang pagbo-boyfriend noon dahil sa nangyari sa pamilya namin. Pero minsan na rin namang umabot sa isipan ko na kung magkakaroon ako, sino ang pipiliin ko.

"Wala kang nakilala sa Silliman?"

"Mayroon din naman," sabi ko, medyo hindi comportable na ganito ang pinag-uusapan namin.

Alam ko kung saan ang dulo nito.

Oo, at ginusto kong magkaroon ng boyfriend noon pero naging mahirap iyon. Lagi kong iniisip na gusto ko ang isang lalaking alam ang buong pagkatao ko. That means, I want someone from Altagracia, at least. Dahil alam nila na may mapait akong history sa cheating. But then, I really still can't find anyone I like. In the end... I know who it is.

"Eh ikaw? Kumusta ang pagbabarko mo? Wala kang nakilala roon?"

He chuckled. "Alam mo pala ang naging trabaho ko?"

"Of course, I must know. Pati nga laman ng bank account mo rito sa Altagracia, alam ko. Pero alam ko rin namang hindi lang iyon. Ayaw mong ipakita ang lahat."

"Why are you so concerned with my bank account, anyway?"

Ang bigas naman ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Pinanood ko siya at sa bilis ng ginawa niya, I noticed it was a bit too easy. Madali lang palang magluto ng bigas? Maybe in time, I can do that?

"To check if you have loans I can mess with?" diretsahan kong amin.

Ngumisi siya. "Too bad for you, I don't have any."

I smiled mockingly at him. Ang saya niya, ha! Alam niyang nahihirapan ako sa parteng iyon.

"Umuwi ako rito na handa. May pera at may planong negosyo. May bahay rin para kapag kinasal, wala nang problema."

Natahimik ako. Nandito na naman tayo sa nakakatakot na topic!

Why should I get scared, anyway? Mukhang normal naman sa kanya, ah?

I admit it. I put Leandro on a pedestal. Alam ko ang tipo niya at alam ko rin na hindi ako iyon. Lahat yata ng ayaw niya sa babae, nasa akin, kung ayon doon sa notebook. So I think I would never pass his standards, it's way up high!

Pero baka naman nagbago ang standards niya? At may pag-asa na ako!

Gaga! Kahit na mayroon, paano ka niyan magugustuhan, e del Real ka! Ikaw ang sumira sa buhay niya! Ikaw ang dahilan ng lahat! Bukod pa riyan, nandito ka para palayasin siya sa Altagracia! Kaya ba't ka umaasa riyan, Charlotta?

But he said he loves me? As a sister! As a friend!

Or... he was drunk?

Nag-ayos siya ng placemat sa lamesa. Tumayo ako at kumuha ng mga pinggan, kutsara at tinidor. Nilingon niya ako at lumapit ako sa kanya para maglapag ng mga ganoon. Inayos ko iyon kahit na medyo kinakabahan dahil nakatingin siya sa akin.

"Dami ng nainom mo kagabi, ah?" kunwari natutuwa.

"Hmm. I drove safely home, though."

Ano 'yon? So lasing siya? Talagang nakapagdrive lang siya ng maayos kagabi? Ano ba?

Napasulyap ako sa kanya. Nakita kong kunot ang noo niya pero may multo ng ngiti sa labi.

"Bakit? May problema ka sa nangyari kagabi?"

Umiling agad ako, lalong kinabahan. Tinalikuran ko siya at mabilis na lumakad pabalik sa kusina. Sumunod siya. Kumuha ako ng mga baso. Tiningnan niya ang niluluto niya.

"Baka may tanong ka?"

"W-Wala naman." Tumawa-tawa pa ako, hindi na alam anong gagawin. "Lasing ka na kagabi kaya..."

"Try me," hamon niya.

"Hmm. Wala..." sabi ko sabay talikod at diretso na sa lamesa para ilapag ang mga baso.

Hindi na ako bumalik doon. Kabado ako kaya minabuti kong ayusin na lang ang lamesa. Naisip kong maganda sana kung may vase na may mga bulaklak dito. Kaya lang, walang ganoon kina Leandro. Walang kagaya sa bahay na laging fresh ang flowers.

Lumabas siya sa kusina kalaunan.

"Luto na ang ulam. Ang kanin, malapit na. Maliligo muna ako. Mabilis lang 'to."

Nagkibit ako ng balikat. I remember he takes a bath really fast back then. Pinagmasdan ko siyang umakyat sa staircase at naisip kung ilan kaya ang bedroom sa itaas? At ano naman ngayon kung marami iyon? Hay naku!

Bumalik ako sa kusina para i-check ang luto nang ulam. Nalalanghap ko na iyon at kahit hindi pa lumulubog ang araw, natatakam na ako sa hapunan. Maglalagay na sana ako sa isang bowl para ihain na habang hinihintay ang kanin nang biglang nagdoorbell ng isang beses.

Binaba ko ang bowl at nagmamadaling sumungaw sa pintuan. May nakita akong nakatayong babae sa gate pero dahil medyo malayo, kailangan ko pang lapitan at buksan iyon.

I went out of the house to see and my heart sank when I realize who it was. Keira is here, bagong ligo, siguro katatapos lang ng trabaho. May dala rin siyang container na sa amoy ay alam kong ulam.

"Chayo?" she casted some shocked look.

"Good evening, Keira."

My perception of her was tarnished only because Leandro loved her. Hindi makatarungan iyon pero wala na akong magagawa. Hindi ko mapipilit ang sarili kong hangaan siyang muli kagaya ng dati.

"Nandito ka ulit?" her tone was accusing.

Ngumiti ako, at alam na kaagad na hindi ulit ako makakapaghapunan dito. Not when Keira's here. Not when I think she's here to eat her dinner, too.

"I was about to surprise Leandro for dinner. Nandito ka, at ginugulo mo na naman siya?"

Whoa! Hold it right there! But then she's right!

"I showed him some properties in Cebu-"

"Hindi ka pa talaga nakuntento na sinisiraan mo siya? Nagbayad ka ng mga tao, hindi ba, para ipakalat na faulty ang mga binibenta niya?"

She's right. I don't deny that. Hindi nga lang ako literal na nagbayad. Mga tauhan sa asukarera ang nagpapakalat noon at iyon lang ay dahil alam nilang galit si Daddy sa mga Castanier. Naturally, they hate Leandro, too. At least... some of the loyal ones.

"Tapos iyon pala, nandito ka gabi-gabi? Sigurado ka bang para sa pagpapaalis talaga ni Leandro 'yan o may iba kang dahilan?"

Nagulat ako sa paratang na iyon.


"Ano pa ba ang puwede kong dahilan, Keira? Why would I waste my time coming here when I have no business with Leandro?"

"I don't know. Maybe it's a personal business of yours."

My eyes narrowed. "Ano naman, kung ganoon?"

I have never told anyone I like Leandro. Not even Nan or June! Not even Leandro himself! Nobody! If I die now, then my secret is safe to the grave! Kaya ano ang sinasabi ni Keira?

"Kaya ka siguro bumibisita sa opisina niya halos araw-araw simula noong bumalik siya dahil sa personal mong gusto-"

"Anong naman iyon? Hindi ko alam ang sinasabi mo. Pumupunta ako rito para mapaalis siya. Bakit hindi n'yo pag-usapan ang pag-alis ninyo at nasisiguro ko sa'yong hindi kayo madedehado sa offer-"

She laughed a bit, still with poise. "Chayo, pareho tayong babae. And I'm a few years older than you, so I have more wisdom. I can see clearly, even before, that you like him."

Natahimik ako. That's bullshit!

I don't believe it! Have I been obvious? I don't think so!

"You're not really pushing him out of Altagracia. Truth is, you are flirting with him!"

"You know what? I don't really know what you're talking about but I understand you're just scared for you boyfriend. Masyado kang maraming iniisip kahit na hindi naman totoo."

Kinakabahan na ako lalo. Kung alam ni Keira, noon pa... hindi kaya... alam din ni Leandro ito? Nasabi niya? Nasabi niya na nahahalata niya na may gusto ako? Paano niya nahalata? We don't have much interaction!

"Talaga? But I bet you'll be back in his office on Monday. Then here, afterwards-"

"He invites me here even when I don't want to!"

"You say yes because you actually want to, right?" marahan niyang sinabi na mas nagpanginig pa sa akin.

Halata sa boses ko ang pagkakataranta samantalang nanatili namang collected ang tono niya. She never raised her voice. She seems very confident.

"It's okay. Sa dami ng nagkakagusto kay Leandro, sanay na siya sa kagaya mo. He's naturally kind so he can't push you away."

Kung sinampal ako ni Keira, mas hindi iyon masakit. Her words are like daggers piercing through me.

"And over the years with him, I am also used to girls like you. Mga naghahabol at umaasa."

She slapped me twice, that's for sure. Those words were even more than a slap!

Nagtaas ako ng kamay at umiling na. Hindi ko na kaya siyang pakinggan. I can only imagine Leandro's reaction. At nasisiguro kong alam na ito ni Leandro ngayon, kung noon niya pa napansin na gusto ko si Leandro.

Kung alam niya ang nararamdaman ko, ano kaya ang iniisip niya? Ayaw ko nang malaman iyon. At ayaw ko na ring ganito.

Naghahabol ako? Umaasa ako? Naghahabol ako kay Leandro kaya ako nandito?

"I'm not surprised. Naghahabol ka rin naman sa kanya noon."


Fuck!

Naalala ko iyong mga araw na hinahanap ko siya! Ang mga araw na ayaw niya pero nanggugulo ako! Sino ako para sabihan si Keira na mali siya? Na sinungaling siya?

"Okay, that's too much! Don't worry, hindi na ako babalik dito at mang-iistorbo sa inyo ng boyfriend mo. Ang gusto ko lang ay sana tanggapin n'yo na ang offer ko sa Cebu at magpakalayu-layo na kayo rito. I don't think I need to explain why, right?"

Pinatunog ko ang aking sasakyan ng walang pag-aalinlangan. Thoughts about Leandro faded in an instant. I remember an event tomorrow and decided to really ditch it. I have been ditching that for years so why would I go now?

"At hindi ko rin alam bakit n'yo pinagti-tiyagaan ang Altagracia kung puwede naman kayong lumipat para walang gulo," sabi ko at tinalikuran siya, hindi na dinamihan pa ang sinabi.

I don't want to talk about her opinion of me. At hindi na rin ako magtatanong kung sinabi niya ba ang nalalaman niya kay Leandro dahil sigurado akong oo. I wonder if he's then playing with me... about what he said last night.

It's now either, as a sister, he's drunk, or... he's toying me.

"Hindi sa'yo ang Altagracia, Chayo. At hindi sa'yo si Leandro, para sumunod siya sa kahit anong utos mo."

Yeah, right!

Nagpupuyos ang damdamin ko habang nagmamaneho pauwi. Parang hangin ang tulin ng patakbo ko sa Raptor lalo na nang tumawag si Manang Lupe at ibinalita sa akin na si June, Edu, at Nan ay nasa bahay. Akala raw nila nariyan ako dahil Sabado naman.

"Pauwi na naman po ako, Manang," I answered to assure my friends.

"Mabuti naman."

Sa bahay ako naghapunan kasama ang mga kaibigan. Si Daddy ay hinatiran na lang sa kuwarto dahil napagod daw sa kathe-therapy buong araw.

Tahimik ako habang nag-uusap ang mga kaibigan. Ibinaling ko ang gutom ko sa luto ni Leandro kanina sa luto naman ni Manang Lupe ngayon. I can always ask someone else to check on Leandro, alright. Tama si Keira at bakit ako pa talaga ang sumasadya roon! Puwede ko namang iutos! May trabahador naman kaming kakilala niya!

"Huy, Chayo! Gutom na gutom, ah?" puna ni June sabay tawa, katabi ang napangasawang si Edu.

Ngumisi ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Talaga bang hindi ka pupunta sa birthday ni Adriano? Ngayon lang ako makakapunta kasi nakauwi rin sa wakas tapos... hindi ka pupunta."

"I've been ditching that for years, anyway. Why bother now?"

"You've been ditching that for years because you were always out of town. Bakit ngayon, ayaw mo, e nandito ka naman sa Altagracia?"

"Lalo na ngayon..." tahimik kong sinabi habang nagpapatuloy sa pagkain.

"Chayo naman! Sumama ka na! Hindi ako pupunta kapag hindi ka sasama!" si Nan.

"Ano bang meron, Chayo? Bakit ayaw mo talagang pumunta sa birthday ni Adriano? May nakaraan ba kayo na hindi namin alam?" usisa naman ni Edu ngayon.

June's eyes widened. "Oh my goodness! Oo nga! Bakit specific sa birthday ni Adriano ka laging wala? Ha?"

Oh great! Of course, they'll all assume something else!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #jonaxx