Kabanata 28
Kabanata 28
Date
Hindi ako makatulog sa gabing iyon sa kakaisip sa sinabi ni Leandro. Binabalikan ng utak ko ang tanong niya sa akin kung sasama ba ako sa kanya. Sasama saan? At bakit ako sasama?
My question was about why can't he just take her (his girlfriend) with him. Paaalisin ko siya at babayaran ko silang dalawa sa kung sino man ang binalikan niya rito. I assume that it's Keira. I saw her a while ago and I know that look on her face. She's hoping for him. Leandro should take Keira with him and I'm gonna pay for it even if it's against my will.
But... instead of saying that he will take her with him, he asked me if I was willing to come with him. Sasama ba ako? Sasama saan? Sasama ba ako?
"I know," sabi ni Kuya Levi pagkatapos kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Leandro.
Pagkatapos kong maghanap ng properties kanina at makipag negotiate, hinayaan akong aliwin ni Julius. I only cut off our calls when I noticed I'm repeatedly zoning out while he's talking. Hindi ko gusto ang tungo ko sa kanya kaya minabuti kong itigil ang usapan. Now that I'm in bed, trying to sleep, and I couldn't, I can't help but call my brother.
"Sinabi ni Daddy?" I asked.
He sighed heavily. Over the years, they started talking. May hinanakit si Kuya kay Daddy pero gaya ko, hindi niya rin naman matiis. Bukod pa sa kahit nagalit si Daddy sa paglalayas niya, nanlalambot pa rin ito at nangungulila para kay Kuya.
"Hindi, Chayo. Sinabi sa akin ni Leandro."
This is the first time we're talking about him after all these years. Nagkakausap kami at kinikuwento niya na nagkita sila, hindi na rin ako nagtatanong at hindi niya naman hinahabaan ang sinabi. Ngayon lang na siya mismo ang topic namin.
"Naghahanap ako ng properties na puwedeng lipatan niya sa Cebu. Bibilhin ko kasi ang properties niya rito. I assured him he'll have better ones in a bigger city."
"At anong sinabi niya?"
"Ayaw niyang umalis." Sasama ako? Ako? "May... binalikan daw siya."
"Sino raw?" tahimik at seryoso ang boses ni Kuya.
Nagkibit ako ng balikat at niyakap ang unan. "Si... Keira? I think."
He chuckled. "Tanungin mo kung sino, Chayo. Uuwi ako riyan."
Nagulat ako. Halos napabalikwas! Ilang taon na at hindi siya kailanman umuwi rito! Oo nagkakausap sila ni Daddy pero alam kong kung puwede ay hindi niya gugustuhin. Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi! Tapos ngayon... uuwi siya!
"Wow! What made you say that?"
Kuya Levi chuckled again. "May babantayan yata ako."
"Huh? Sino?"
I know I can't talk about Chantal anymore with him. For some reason, I feel awkward if we talk about Chantal. At napapansin ko rin na ayaw niyang pag usapan pa iyon.
"Sasali rin ako sa reunion ng batch namin. Kaya uuwi ako para roon."
"O-Okay. Sabi rin ni Leandro, pupunta siya."
"At babalik ka naman bukas sa opisina niya?"
"Oo. I searched for more properties tonight and I'll show it to him."
"The bastard dragged that too much. Did he agree to you? Papayag ba siyang umalis diyan?"
"Hindi nga, e. Ayaw niya raw umalis pero sinabi niyang bumalik ako bukas kaya... baka gusto niyang marinig ang mga nakita kong properties."
Kuya Levi groaned in the middle of my statements. "Ang gagong 'yon. Back to his old tricks again."
"Old tricks?"
Natawa si Kuya. "Chayo, you've been with many boys in your high school but pretty tamed during college so I can understand why it's rusty. Ngayon, wala ka pa ring boyfriend. Puro na lang manliligaw. Bakit hindi mo gawing boyfriend 'yang si Julius?"
Bakit parang nagbabago ang ihip ng hangin, ah? Ilang sandali akong naestatwa at sa huli natawa kay Kuya.
"Rusty? I'm still good with boys, Kuya. Kaya nga hindi pa ako nagkakaboyfriend kasi alam ko kung ano ang gusto ng mga manliligaw ko, 'no! And anyway, since when did you agree with Julius being my boyfriend?"
"I did not agree to him. I still fantasize about punching that asshole's face but for a change, why don't you just make him your boyfriend."
"Ayaw ko. Hindi ko siya mahal, Kuya. Masaya siyang kasama pero-"
"Chayo, just treat him like a friend pero sagutin mo."
"Huh? Para saan? Eventually I'll like him?"
"Kinakalawang ka na nga, Chayo?"
"Huh?"
Humagalpak sa tawa si Kuya. Hindi ko naiintindihan kung ano ang nakakatawa. Anong kinakalawang?
"Sagutin mo si Julius," he said while laughing.
I don't understand, seriously. Kahit kailan, wala siyang nagustuhan para sa akin. Kahit pa ilang beses kong sinabi na mabait o gentleman. I think he's still the same old Levi. Naalala ko na wala siyang nagustuhang kahit sino para sa akin. Nobody deserves me, as he said. Until now.
"It's about time you keep a boyfriend. You're old enough. Puwede ka na ngang mag asawa, e."
"Hindi pa, Kuya, 'no!" agap ko.
"June is already married, Chayo. What are you waiting for? If hindi mo pa gusto, then at least keep a boyfriend." He chuckled so I'm not sure if he's serious about this.
Lalo tuloy akong hindi nakatulog. Tama kaya si Kuya na sagutin ko na si Julius? Inisip ko si Julius. He's been good to me so far. He had a few relationships back in college when I told him I'm not really up for one. Pero lagi'y sinasabi niyang ako talaga ang gusto niya kaya hanggang ngayon, nanliligaw pa rin siya.
Si Leandro kaya, kailan mag-aasawa? He's of age and both Axel and George are married. Ano pa ang hinihintay niya? Si Keira nga pala. Nagkita sila kanina. Nagkita na kaya sila bago ang araw na ito? Siguro naman, hindi ba? Nakapagplano na kaya sila sa relasyon nila?
Isama mo si Keira sa Cebu, Leandro. Sasama ka ba? Ako? Bakit ako pinapasama niya?
I miss you. I missed him... more.
He misses me? Ako? Sasama ako sa kanya? Saan? Sa Cebu? Of course not. I'll stay here in Altagracia.
And that hold on my waist. I can still feel his hand until now. I can't forget it. Naku! Makakatulog pa ba ako nito? Naririnig ko na ang tilaok ng mga manok!
I woke up very late. I feel damn stupid!
"Okay lang 'yan. Maayos naman 'yong mga delivery ayon kay Reynante, Chayo," si Manang Lupe, nang nakitang nagmamadali ako.
Alas diez na at kumakain pa ako ng agahan dito! I can't skip going to the sugarmill just for Leandro! Ang dami kong ichi-check. Puwede ko ngang hayaan silang lahat pero hindi ibig sabihin na dahil abala ako kay Leandro, liliban na ako kahit na puwede naman akong sumilip!
"Pupuntahan ko pa rin, po. Kailangan."
Alas dos nang tuluyan na akong natapos sa mga ginagawa. Maasahan ang lahat pero tuwing may importanteng gagawin, gusto kong naroon ako. Alas tres y media nang nakarating ako sa opisina ni Leandro.
Parehong nagulat ang babae at lalaking receptionist. Bumaling ang babae sa lalaki, tumango ang lalaki at lumakad patungo sa opisina ni Leandro. Naupo naman ako sa sofa.
"May kliyente pa ba?" tanong ko.
"O-Opo!" ang babae.
Tumango ako at nanatili na lang doon. Laking gulat ko na hindi pa nga nag-iilang saglit ay lumabas na ang kliyenteng matandang babae. Kasabay nito si Leandro na nakabaling ulit sa akin. Pinanood ko ang natatawang matanda na may dala pang malaking payong, ginawang tungkod.
"Masaya talaga ako na nag balik ka na. Na miss ko tuloy si Carlos. Sana matulungan mo talaga kami sa pinapagawang bahay ng anak ko."
"Gagawin ko po iyon."
"Maraming salamat, Leandro."
"Walang anuman, po."
May mga sinabi pa ang matanda pero ang receptionist na ang kumausap sa kanya. Leandro is walking towards me. Natigil lang ang mga sinabi ng matandang babae nang nakita ako. I even saw her looking scared and at the same time angry at me, bago tuluyan nang umalis.
"Akala ko ba babalik ka?" Leandro asked.
Nagkibit ako ng balikat at tiningnan ang paligid. "I'm here."
Kunot pa rin ang noo niya, mukhang galit na naman. Suplado! Tumayo ako para maglebel ang tingin namin pero dahil matangkad siya, hindi nangyari. Nakatingala pa rin ako.
"You must be excited for the properties I got. I have new things to present!" maligaya kong sinabi.
"Sa bahay na tayo mag-usap," aniya at sinulyapan ang dalawang naroon sa opisina.
Hindi kalaunan, umuwi na nga siya at s'yempre kasunod ako. Ilang sandali lang na may binilin siya sa shop kaya inalala ko pa na matagalan kami. I keep glancing at my wrist watch. Sana pala bukas na lang ako bumalik. This can wait, anyway. Baka magkulang lang ako sa oras.
Sumunod ako kay Leandro papasok sa loob ng bahay at gaya kahapon dumiretso siya sa kitchen. Gaya rin kahapon, naupo ako sa bar stool at pinagmasdan siyang kumuha ng pitsel ng tubig at baso, para ilapag sa harap ko.
"Bakit ka natagalan?" tanong niya na ikinagulat ko.
I'm preparing all those properties I researched and this is his question. I did not prepare for this.
"Uh, galing ako sa asukarera. May operation na importante."
Of course, I can't mention na natagalan talaga kasi tinanghali ang boss nila. It's not like he cares but I can't risk him asking questions like... bakit ka tinanghali? Bakit ka puyat? Iniisip mo ako?
That's the end of me right there!
Pinangalahatian ko ang tubig. Tumango siya at kinuha ang kalahati ng tubig at inubos iyon. My eyes widened at the thought of that... that indirect kiss! Pero s'yempre sa akin lang big deal iyon dahil parang wala lang sa kanya!
My goodness, I should seriously stop thinking about this!
Galing sina Keira rito at sigurado akong nakapag-usap na sila! Dapat ko nang diretsuhin ang sasabihin ko.
"I have new properties I researched last night and-"
"I said I'm not leaving Altagracia," masungit niyang agap at tinalikuran ako para magluto na naman.
Sumulyap ako sa relo. Hahaba pa yata ang usapan namin. Wala akong oras!
"Bakit? Iyan ba ang napag-usapan ninyo kagabi?"
"Napag-usapan nino?" baling niya sa akin.
Kinabahan ako bigla. Am I missing something? Is it... something about what he said last night? Lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko. Please, Chayo, don't think about it!
"Ng... binalikan mo?"
Tuluyan niya ulit akong hinarap, looks like he lost his patience again. I always seem to drive him nuts. Si Keira kaya, lagi siyang inaamo?
"Why don't you drop a name? I'll see if you got it right?"
I sighed. "Hindi ko alam. Ilang taon tayong hindi nagkita at wala akong update sa'yo. Malay ko kung tama ang iniisip ko o baka nagbago na?"
Baka si Anais na?
O... hindi kaya? Ako. Oh, don't even fucking go near that, Chayo!!!
Sasama ba ako? Sasama sa kanya? Saan? Sa Cebu?
"At... may mini reunion na pala kayo kagabi, ah. Parang si Kuya Levi na lang ang kulang at kumpleto na kayo. Uuwi raw siya. Nagkausap kami kagabi."
His head tilted.
"May sinabi siya?"
"Sinabi na ano?"
"Tungkol sa akin?"
"Uh... Oo. Alam niya na pala na umuwi ka. Nasabi mo pala sa kanya noon pa."
"Ano pa?"
Ano pa ba? Wala nang tungkol sa kanya. The rest is about me and Julius.
"Iyon lang. I told him about my research for your properties."
"I told you I'm not leaving Altagracia!" sabay talikod niya at patuloy sa pagluluto yata.
"Pinabalik mo ako ngayon, ah! E 'di ba't mo pa ako pinapabalik kung hindi mo pala gustong marinig ang mga hinahanap kong properties?" lito kong tanong.
Hindi siya sumagot. I took that as a hint to continue my talk.
"I got three more. Dalawang commercial building tapos isang subdivision. The cuts of this subdivision is only about two hundred square meters to two-fifty so I must buy two, para kasing laki na talaga nitong bahay mo? O mas malaki pa ba 'to sa iniisip ko? Maybe? Looking at the big garage and probably a garden on the backyard. Okay lang din na tatlong lote na? Lots 26-28?"
Ni hindi ako sigurado kung nakikinig ba siya sa sinasabi ko. Nagpatuloy pa rin ako.
"O sige, para hindi ka lugi, puwedeng gawing apat!" Para mas maengganyo rin siya. "O! Lima! Sige! Wala nang makakatanggi riyan! Kahit mansiyon pa ang gusto mo, walang problema."
He laughed at that then glanced at me.
"Hindi lahat nabibili ng pera."
Pumangalumbaba ako. Mas madali sana kung sinabi niyang kulang pa iyon. Kaso sa paraan ng pagsasabi niya nararamdaman kong magkano man, hindi siya papayag. Sumulyap ako sa aking relo.
Seriously, I want to stay for long. I could just cancel things but I can still do this tomorrow. Tutal at nahuli na rin naman ako, lubusin ko na lang ang slacking ko sa araw na ito.
"May gusto ka bang ulam?" Leandro asked as he finished cutting the onions and garlic.
"Bakit? Magluluto ka? Nagsimula ka na, ah?"
"I'm just asking so I can prepare for tomorrow. Mahirap na at hindi pa naman ako nakakabili sa grocery at palengke rito," he mocked me.
I smiled mockingly, too. Umahon ako sa upuan at tumayo na. Muli, tiningnan ko ang relo.
"I have no favorite in particular so anything will do. Kahit ano para bukas. Uuwi na muna ako. Bukas ko na ipapakita sa'yo ang mga properties. Hindi pa ako tapos sa pakikipag-usap sa agent kaya-"
"Ang aga ah. May lakad?" he asked that nonchalantly.
Bumaling siyang muli sa hinihiwa. Kinuha niya ang iba pang kailanganin. It's already four and I promised dinner. I can't go out wearing these clothes, kahit pa sanay ang lahat doon.
"Uuwi pa kasi ako para maligo at magbihis. May lakad ako mamayang gabi."
His eyes darted on me. Tumigil siya sa ginagawa.
"Saan ka naman?"
"Diyan lang sa Bistro, magdi-dinner."
"Bakit hindi ka na lang dito mag dinner at umuwi na lang mamaya pagkatapos?"
I smiled at him. "May kasama ako. Magkikita kami ni Julius kaya... bukas na lang ulit."
Aalis na sana ako kaso dinugtungan pa.
"Julius? Sino 'yan? At saan?"
"Sa Bistro nga. Si Julius?" Hindi ko alam paano ko ieexplain sa kanya kung sino iyon. Hindi niya yata kilala o kilala niya noon pero hindi na maalala. "Basketball team noon. One year ahead sa akin."
"Sino nga 'yan? Boyfriend mo?"
Natawa ako. "Hindi."
Aalis na ulit ako pero may dugtong ulit siya. Hindi yata ako tatantanan. Malapit na ako sa pintuan, dinagdagan pa ang tanong.
"Alam ba ni Levi 'yan? Alam mong hindi gusto ng kapatid mo ang mga manliligaw mo."
Nilingon ko ulit siya, nakahawak na ngayon sa door handle ng pintuan niya. Nakalabas na siya sa kitchen para lang magdagdag ng tanong.
"Oo. Alam ni Kuya. And my goodness, I'm not anymore a teenager so I understand why Kuya is more open now. Bye! Bukas na lang."
Leandro's eyes remained on me. At gusto ko pa sana siyang panoorin kaso magmumukha naman akong tanga katitingin sa kanya sa labas ng pintuan para lang antayin kung anong mangyayari sa iritadong ekspresyon.
Naroon ulit iyong lalaking hula ko ay nag-aayos ng bakuran niya. Ito ang bumukas ng gate para makaalis na ako. Bumosina ako ng dalawang beses bilang pamamaalam bago tuluyang niliko ang Raptor at pinaharurot pabalik sa amin.
Pinagsisihan ko naman agad ang pag-alis kina Leandro. Kung alam ko lang na walang maghahari sa isipan ko kundi siya ay sana talagang k-in-ancel ko na lang 'to at tinapos ang research sa properties.
"Saan ka pupunta?" si Daddy nang nakita ako kaninang paalis ng bahay.
I'm wearing a white longsleeved and off shoulder short dress with a sweetheart neckline. The florals were large red flowers so I accented it with a red strappy heel and a Gucci sling bag. I let my long hair down. Nag blowdry ako pero dahil kapos na sa oras, basa pa ng kaunti iyon kaya hinayaan ko na lang sa totoong ayos.
"Magkikita lang po kami ni Julius sa Bistro," sagot ko sabay halik kay Daddy.
"Boyfriend mo na ang lalaking iyon? Ang tagal na mula nang huling bumisita iyon dito, ah?"
"Two months ago? Na busy lang yata sa negosyo nila, Dad. Kagagaling niya lang din doon sa trip na sinasabi ko."
"Bakit hindi ka kasi sumama roon at nang makapagpahinga ka naman sa trabaho? Even a month long vacation is enough, Charlotta."
"I'm not tired of it, Daddy. 'Tsaka na kapag sobrang burned out na ako. As of now, I don't even feel the need of a vacation. I'll reserve those trips when I need it."
"Mag-ingat ka kung ganoon."
Smooth naman ang usapan namin ni Daddy. Walang problema ang buong araw except na lang talaga sa iniisip ko ngayon habang nandito kami sa loob ng Bistro at nag-uusap ni Julius. My mind is elsewhere!
"Anong order mo, Chayo? Chayo?" ulit niya nang nakitang wala na naman ako sa sarili.
"Ah!" sabay kuha ko sa menu at baling sa waiter sa likod ko.
Iyon nga lang, nabitin sa ere ang tingin ko sa likod nang may pamilyar na anyo akong nakita, hindi kalayuan sa inuupuan namin. Umayos ako sa pagkakaupo at biglaang naging conscious! Why is Leandro Castanier here?
Napatingin ako sa kanyang order. Mukhang nauna siya rito, ah! At akala ko ba kakain siya sa kanila? Hindi ba nagluluto iyon ng hapunan nang iwan ko? At... pina-order siya?
Halos mabali ang leeg ko katitingin sa kung sino man ang dumalo sa kanya. Nakita kong waitress iyon at may manager pa yatang naghatid ng drinks niya. Kumunot ang noo ko. Pairap siyang bumaling sa akin. I gave him my angriest look!
Hindi dapat ito nakaka-order, eh! Anong klaseng management ba meron ang Bistro na ito? Sino nga ba ang may-ari nito? At huwag mong sasabihin sa akin na may hinihintay siya rito? Na may ka-date din siya?
"Chayo? Ano na ang order mo?" si Julius ulit nang nakitang hindi na nakabalik ang ulo ko sa menu.
"Pareho na lang tayo, Julius. Saglit lang, bathroom lang," paalam ko kahit hindi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro