Kabanata 21
Kabanata 21
Delubyo
Habang tumatagal, lalo akong kinakabahan. Kanina pa tumatawag sa kung kani-kanino si Kuya, wala pa ring balita.
"Kuya, si Leandro?" I croaked.
There is no use for tears now. Kanina pa rin ako tumatawag kay Mommy pero nagri-ring pa iyon hanggang sa tuluyan nang nawala ngayon. Her phone is now turned off.
"Hindi sumasagot!" sigaw ni Kuya bago tuluyang nagdesisyon.
He turned to me. He looked forlorn. I swallowed hard.
"Chayo, dito ka lang! Dito ka lang, okay? Susundan ko si Daddy at hahanapin ko rin si Mommy."
"Kuya, sabihin mo kay Dad na hindi naman siguro ang mga Castanier. A-Ano namang dahilan nila? Imposibleng nakidnap si Mommy."
"Talagang imposible, Chayo dahil si Mommy mismo ang nag-utos sa mga security guards na umalis!"
Nanginig ang labi ko.
"Kaya rito ka lang, okay? Huwag kang aalis, Chayo!"
Mabilis akong tumango. Hindi ko kailanman napansin na sobrang haba pala ng isang araw sa paghihintay sa pagbabalik ng buong pamilya. Panay ang tanong ko sa mga kasambahay kung nariyan na ba sila o kung may alam ba sila kung nasaan si Mommy o may alam ba sila sa kung sino ang pumutol sa mga CCTV.
"Minsan kong nakita si Ma'am Rosario na kausap si Carlos Castanier," sabi ng isang kasambahay.
Umiling ako. "Pero hindi sapat na dahilan 'yon para sabihing may sabwatang nangyari, hindi ba?"
Nag-ilingan ang lahat, medyo takot na sa pagkakataranta ko. Lumapit si Manang Lupe sa akin, napapansin ang pagkakabalisa sa lahat ng nangyayaring ito.
"Chayo... magpahinga ka muna. Hintayin mo ang Daddy mo at ang Kuya mo."
Kaya lang... gustong-gusto ko nang malaman kung ano ang nangyari. Bakit pumunta si Daddy sa mga Castanier at kung ano ang nakuha ni Kuya.
Tumayo ako at sa huli'y nagdesisyon na tawagan ang mga kaibigan ni Mommy. Wala akong numero nila pero naghanap ako ng paraan sa internet. I also wanted to ask Leandro through Facebook but he is not online!
Ako:
Tita, puwede po pahingi ng number? Umalis po kasi si Mommy at walang nakakaalam kung nasaan siya.
Marami akong ch-in-at na mga kaibigan ni Mommy. Kasalukuyang ding napuno ang inbox ko ng mga tanong sa kaibigan.
Nan:
Chayo, galing si Tito Luis dito sa amin, hinahanap si Tita Rosario. Anong nangyayari? Okay ka lang?
Ako:
Okay lang. Umalis kasi si Mommy na hindi nagpapaalam.
It sounds as if Mommy is just somewhere in Altagracia because of my reply. I was hoping she is. I think she is. Imposible namang umalis siya hindi ba? Siguro walang kinalaman ang pagkakaputol ng CCTV?
Dumating ang gabi at bumalik na si Kuya Levi. Galit at takot pa rin ang nasa itsura niya. Nagkukumahog akong magtanong tungkol kay Mommy pero siya rin man, ganoon.
"Si Mommy?" sabay pa kaming dalawa.
"Hindi umuwi si Mommy?" si Kuya.
Umiling ako. "Hindi mo nahanap? Si Dad?"
Hinilot ni Kuya ang kanyang sentido at binagsak ang katawan sa sofa. For some reason, now that he's so serious and angry, nadagdagan ng ilang taon ang edad niya.
"Pumunta ka sa mga Castanier?"
"Oo! Nakakahiya na nagwawala si Daddy roon."
"A-Anong sabi ni Tito Carlos?" medyo gumaan ang loob ko.
"Wala si Tito Carlos. Nasa trabaho."
"S-Si Leandro? At Chantal."
"Naroon! Tang ina!" he cursed so loud. "Chayo, hindi ba nagrereply si Mommy?"
"Hindi, Kuya," takot na takot na ako.
Nakauwi rin si Daddy ng alas siete. He was calm but I know and I sensed the rage inside of him.
"Dad, si Mommy?"
"Hindi pa umuuwi, Chayo?" nanginig ang boses ni Daddy nang balingan ako.
Umiling ako. "Nagtext ako kina Tita. Baka kasi nasa Bacolod siya. O... sa Iloilo. Hinihintay ko pa ang reply."
I glanced at my phone and saw some messages there. Nakita ko ang iilang negatibong mensahe pero hindi ko na muna tiningnan.
"Babalik lang siguro si Rosario bukas," Dad comforted himself despite the looming rage in his eyes.
"Why don't we report her missing?" Kuya Levi suggested.
"Kuya, baka may nilakad lang si Mommy?" alo ko sa sarili ko.
"Nilakad? Chayo, isn't it clear? The CCTVs are broken, her luggage is gone, half of her clothes are gone, and inutusan niya ang mga guard kagabi na pansamantalang umalis! She's gone!"
"Tumahimik ka, Levi!" Daddy's voice boomed.
Tumayo si Kuya galing sa pagkakaupo sa sofa.
"It's true! At alam mo, Dad, kung sino ang dapat na sisihin sa pag-alis ni Mommy? Kung tama akong naglayas siya, dahil 'yon sa'yo!"
Galit na galit din si Daddy. He was suppressing his anger so much. I can sense how much he wanted to devour Kuya Levi but in the end, he sighed.
"I will contact our friends. I deployed men to search for her here, in La Carlota, and Bacolod. Magpahinga na kayo," he said in a controlled voice.
There was no choice. I stayed up very late only to read messages from Mommy's friends.
"Chayo, hindi ko alam pero sa huling pag-uusap namin ng Mommy mo para siyang namamaalam sa akin. Huwag naman sana."
"Chayo, I'm sorry, I haven't seen her. Hindi rin siya nakapagtext sa mga plano niya.
"Chayo, you should check this doctor. Eto ang pinupuntahan niya sa Bacolod, alam ko noong nakaraan."
Gabi na pero sinubukan ko pa ring tawagan ang doktor na tinutukoy ni Tita. Kaya lang, walang sumagot.
Pinilit ko ang sarili kong matulog. Nang gumising kinabukasan ay nagmadali kaagad sa paglabas para tingnan kung nakauwi na ba si Mommy.
Bukas ang master's bedroom at tumambad sa akin ang malinis na kama. Nang dumungaw ako sa barandilya sa sala, may mga police na at maraming tauhan namin sa asukarera.
"Chayo..." si Kuya Levi sa likod ko.
Nilingon ko kaagad si Kuya. "Kuya, may numero ako sa doctor ni Mommy. Hindi ako sinagot kagabi pero puwede na siguro ngayong umaga. At kung hindi pa rin... puntahan na natin sa Bacolod!"
Tumango si Kuya Levi sa akin. Nasabi rin siguro ni Tita ang tungkol sa doctor kay Daddy kaya personal na umalis si Daddy papuntang Bacolod habang ibinabalita na sa buong lalawigan ang hindi pag-uwi ni Mommy sa bahay.
"Pasensya na, hijo, pero nakausap ko na si Mr. Del Real at nasabi niya naman na papunta siya rito. Ang ganitong klaseng impormasyon ay mas mabuting harap-harapang pag-usapan," sagot ng doktor pagkatapos tanungin ni Kuya Levi.
Kuya Levi closed his eyes, very frustrated now at the information. In the end, he sighed.
"Okay po. Naiintindihan ko. Salamat po, Doc."
"You're welcome, hijo."
Buong araw kaming nakikibalita lang sa mga kasambahay at tauhan dahil wala si Daddy at pumuntang Bacolod. Hindi pa nakakatulong na kailangan na rin naming mag enrol sa school para sa next semester. I want to stop the time because of everything that's happening but I guess the world is that cruel. It doesn't really care about your pain.
Hindi umuwi si Daddy sa gabing iyon pero tumawag siya sa akin. I cried so much when I heard that the doctor's second opinion was the same... she's in a stage four colon cancer.
I cried so hard. It's so hard to accept. My world turned upside down that the next day, I didn't go out of my room. Nakabalik na si Daddy galing Bacolod at patuloy ang paghahanap niya.
I feel so useless that whole day of crying. Walang magagawa ang mga luha ko para kay Mommy. I bombarded her phone with texts of my begging her to come home.
Ako:
Mommy, I love you so much. Please, come home. Mom... Hindi ko kaya na wala ka.
Ako:
Mommy, please. I love you. I'm sorry for being a bad daughter. I promise, I'll be good. Please, Mom. Bumalik ka na. You are my happiness.
Ako:
Mom, sabi ng doktor, may sakit ka. Please, come home. Please, Mommy. I love you. Please, I'm begging you.
Ako:
Mommy... please...
"Chayo, mag enrol ka na..." si Kuya Levi nang lumipas ang tatlong araw.
Wala akong gana. I feel like my world has stopped and it's not going to go back to it's usual turning without Mommy.
"Chayo, sige na."
"Ikaw, Kuya? Mag enrol ka na rin," matamlay kong sinabi.
"Tutulong ako sa paghahanap ngayon kaya mag-enrol ka. Kapag natapos ka, ako naman ang mag-eenrol, okay?" he assured me.
The world doesn't stop for anyone else. Whoever you are, the cruel world will remain turning... not giving a fuck.
But to know that Mommy is out there, suffering, refusing to go home and be in a hospital is killing me. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante pagdating ko ng school. Walang nangahas na magtanong o mag kumento tungkol sa nangyayari sa buhay ko.
Mabilis na lumapit si Nan at June, tahimik ako na inalalayan. It was when I smiled bitterly at them that they started to ask questions.
"Anong nangyari?"
I had to answer in every detail to my trusted friends. Tahimik sila at wala nang nasabi sa mga sagot ko. Alam ko na hindi nila alam kung paano ako aaluin.
Natapos ang mahabang araw sa enrolment sa school. Palabas na ako ng Senior High building nang tumigil ako sa daanan para sulyapan ang college building. I wonder if he knows what's happening. Of course, the whole province knows. Ano kaya ang masasabi niya? For some reason, I want to hear him. I want his assurance or something.
Tempted to go to their building, nilingon ko ang mga kaibigan.
"Sandali lang, ha?" sabi ko sa nanginginig na boses.
"Chayo..." they called but I left them.
Nagpatuloy ako, luminga-linga. Alam kong may posibilidad na kahapon pa siya nag enrol o noong isang araw pa o noong nakaraan pa... hindi ko alam. But I hoped... so hard... that he's here.
Muntik na akong mabunggo sa isang babae. Keira Abad was that girl. Mabilis kong nilingon ang likod niya sa kaunting pag-asa na nariyan si Leandro pero mag-isa siya. Sa normal na mga araw, siguro hindi ko kakausapin ng ganito si Keira. Lalo na pagkatapos sa natunghayan ko sa Ruins. I was bitter. I didn't want to talk to her or to Leandro. I want to move on and I want to cut the cords and burn the bridges... but I am in so much pain. I cannot deal with it that way.
"S-Si Leandro?" tanong ko.
"Ah..." She smiled. "Kahapon pa kami nag enrol, e. May kinuha lang ako ngayon. Nasa bahay nila."
Kahapon pa sila nag enrol.
"G-Ganoon ba?"
"Bakit? May kailangan ka sa kanya?" she asked.
Umiling ako. She sighed.
"I'm sorry about your Mom. Narinig namin noong nakaraan ang nangyari at... pareho kami ng opinyon ni Leandro."
Yumuko ako at tumango. Parang nahati ang puso ko. Ramdam ko sa dibdib ko ang sakit.
"Na baka umalis ang Mommy mo dahil sa mga ginagawa ng Daddy mo."
"S-Sinabi niya 'yon?"
Tumango si Keira. I sighed and nodded. I think that's enough of information. Somehow, I know it's my Dad's fault but I never thought Leandro would comment that way.
"Salamat. Uh... Excuse me," sabi ko pero bago ako makaalis, may pahabol pa si Keira.
"Ikaw pala ang nag set up sa amin sa Ruins, Chayo. Nalaman ko kay Leandro."
With wide eyes, I returned my gaze on Keira. Ngumiti ulit siya.
"Thank you. Dahil sa ginawa mo nagkabalikan kami. Umayos ulit kaming dalawa, gaya ng dati."
I smiled widely and yet my shameless tears pooled. Tumango ako.
"Glad to hear that. Excuse me."
Naging malupit ang mga sumunod na mga linggo. Walang araw na hindi ako umiyak. Wala ring araw na hindi nag-aaway si Kuya Levi at Daddy. Tapos na ang bakasyon at nagsimula na ang school. My world is all just school and home because of what happened. Dinagdagan ako ng bodyguard na kahit sa classroom, mayroon sa labas. Hindi na rin ako hinayaan ni Daddy na maghintay kay Kuya kaya diretso ang uwi ko pagkatapos ng klase.
I never saw Leandro. I know he's still going to school and probably happy with Keira but I never thought he won't check on me.
Kung sa bagay... ako naman lagi ang pumupunta sa kanya, hindi ba?
Kailangan ba iyon pumunta sa classroom ko para tingnan ako?
Hindi. Lalo na ngayon na nagkabalikan na sila ni Keira.
But I thought he somehow cared for me... as a friend. Alam ng lahat ang nangyayari sa pamilya ko at hindi ba siya nag-alala sa nararamdaman ko?
I cried on our classroom, while the teacher is discussing, and everyone let it pass because they all know that my family is in deep turmoil.
Lumipas ang isang buwan, palapit na ang pasko pero wala pa ring balita kay Mommy. Punong-puno na ang inbox niya sa mga messages ko. We don't know anything... until that rainy night.
"Anong kinalaman ni Tito Carlos, Daddy? You are just hallucinating now! You are throwing Mommy your own dirt!"
Naabutan ko ang pagtatalo ni Kuya Levi at Daddy sa sala. Mabilis akong bumaba.
"Tumahimik ka, Levi at hindi mo alam!" sigaw ni Daddy. "'Yang putang inang Carlos Castanier na 'yan ay dating kasintahan ng Mommy mo!"
"Tama na!" I said in desperation.
"Oh, eh, ano ngayon? Hindi siya tulad mo na nangangalaguyo! Bakit hindi mo tanggapin na nagsawa na siya! Na ayaw ni Mommy na ubusin ang huling mga araw niya sa mundong ito kasama mo!"
Daddy punched Kuya Levi. Napasigaw at iyak ako habang pinapagitnaan ang dalawa. Matangkad si Kuya Levi pero ganoon din si Daddy, hindi pa kasali na mas malaki rin ang katawan ni Daddy.
Duguan si Kuya Levi sa gilid ng labi. It was as if my heart was punched.
"Tama na! Tama na, Dad!" pagmamakaawa ko.
"Tumahimik ka, Levi! Wala kang alam kaya tumahimik ka!"
Pinalis lang ni Kuya ang dugo. Tumayo siya galing sa pagkakaupo sa sofa. Inalalayan niya rin ako patayo at sinubukan ko siyang yakapin pero galit na galit si Kuya.
"Bakit mo pinagtatanggol ang tang inang Castanier na 'yon, Levi? Hindi pa ba sapat na ilang araw na ring hindi nakikita iyon sa Altagracia! Siya ang kumuha sa Mommy n'yo-"
"For god's sake, Daddy! Hindi kinuha si Mommy! Umalis siya ng kusa! Bakit ba hindi mo matanggap iyon!? Ang hirap bang tanggapin? At wala na akong pakealam kung sumama nga si mommy kay Tito Carlos! Hindi hamak na mas mabuting lalaki siya sa'yo! Wala kang ginawa kundi mambabae!"
"Tumahimik ka, Luis Javier!" halos mapatalon ako sa sobrang lakas na sigaw ni Daddy.
"Huwag mo akong tatawagin sa pangalang 'yan! Sana hindi mo ako pinangalan sa'yo dahil ang huling gusto kong mangyari ay maging kagaya mong lalaki!"
Daddy kept his cool this time but I know that his rage was overflowing already.
"Ako ang nagpapakain sa'yo, Levi. Nasa puder kita, huwag mong kalilimutan 'yan! Ako ang ama-"
"Wala na akong pakealam!" Kuya Levi screamed. "Sa'yo na 'yang asukarera mo! Sa'yo na 'yang pera mo! Sa'yo na 'yang pangalan mo!"
"Levi!" Dad called when Kuya started marching out the house.
"Kuya!" halos bulong na lang ang naitawag ko.
Susundan sana siya ni Daddy nang saktong pagpasok ng mga tauhan sa bahay namin ang pag-alis niya.
"Mr. Del Real, dinala ni Carlos Castanier si Mrs. del Real sa ospital kaya lang Dead on Arrival-"
It was like the world crumbled upon me. My body numbed.
"Ang putang inang hayop na 'yon?!" Daddy's voice boomed like thunder.
May tauhang nagbigay kay Daddy ng shotgun at bago pa ako makagalaw, nag-alisan na sila. Kasabay noon ang tunog ng pagpihit din ng dalang pick-up ni Kuya Levi sa garahe.
Wala akong lakas. Inalu ako ng mga kasambahay habang nag-uunahan ang mga luha ko.
"Manang, p-pupuntahan ko si Mommy sa ospital," sabi ko.
May iilang pumasok na tauhan at tinawag ang natitirang bodyguard sa bahay.
"Pinapasundan din ni Sir si Levi! Halika at mabilis ang patakbo!"
Umiiling si Manang Lupe sa aking paanan, umiiyak. My eyes were wide while tears fell in them.
"Manang, please..." pagsusumamo ko.
"Dito ka lang, Chayo."
"Manang si Mommy patay na raw! Please, gusto kong makita ang Mommy ko! Please..." I cried so hard.
I am not sure if I realize or accepted it. I have been crying this way for days but tonight, it was a hallow cry of loss, grief, and sorrow.
"Please, manang. Please... si Mommy."
Nilingon ni Manang Lupe si Reynante. At siguro'y nahabag sa akin, kahit na suwayin na ang utos ng pamilya ko, inalalayan nila ako patungo sa isa sa mga SUV namin. I was crying hard even with the embrace of our househelps. It wasn't enough comfort.
Umuulan ng malakas at kumukulog din pero walang hihigit pa sa delubyong nararamdaman. Marahan ang andar ng sasakyan at dahil nasa malayo ang bahay namin, hindi kaagad ang dating namin.
The tire screeched because of the sudden brake at the intersection. Mabilis kasi ang patakbo ng sasakyang nakita at may sumunod pang tatlo rito na pare-parehong sasakyan din namin!
Tumili ang mga tao sa paligid pagkatapos ng isang matinding pagkabangga ng siguro'y naunang sasakyan.
"Si Levi!" sigaw ni Reynante, ang driver ng sinasakyan namin.
Without hesitation, he turned my SUV to the other side. Hindi na sa daanan patungo sa ospital. Natigil ang iyak ko.
"S-Saan si Kuya?" nanginginig ang boses ko at sa huli, nang nakalapit na sa tatlong huling sasakyan kanina, natanto ko.
Nabangga ang pick up ni Kuya Levi sa isang malaking puno pagkatapos nitong mahulog sa bangin.
"Si Kuya Levi!" sigaw ko at wala nang nakapigil sa akin sa paglabas at pagtakbo.
Hindi ko na inalintana ang ulan, kulog, at kidlat. Sinigaw ni Manang Lupe ang pangalan ko dahilan kung bakit napigilan ako ng mga tauhan sa tatlong humabol na sasakyan. Nakapark na sila ngayon sa likod ng umuusok at wasak na sasakyan. Iilan sa kanila'y pilit na binubuksan ang front seat! The first one to get rescued on the front seat, and with a bloody face... was...
"Chantal!" sigaw ko at sinubukang kumawala sa mga tauhan ni Daddy pero hindi ko nagawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro