Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19


Kabanata 19

Leave

Nauna si Leandro sa Ruins. Humigpit ang hawak ko sa sling ng bag nang nakita ko siyang palapit sa akin.

Hindi ako sigurado kung bakit pero pakiramdam ko, ngayon ko lang siya lubusang nakita. He's tall. I noticed that before but not in this sense. He's wearing a dark maong pants, white sneakers, and a gray vintage plain t-shirt. His serious expression made his eyes darker. There is an unfamiliar and foreign air around him so potent at first glance. Hindi ko alam kung ano iyon. But whatever it is, it has cost me to push myself to inhale more and swallow hard.

I stared at him in loving awe, with the knowledge that... this might be the last I could own him, through my eyes.

"Kumain ka na?" his smoky voice made me smile.

Then I wonder hard if I could ever like another with the same intensity? Iyong tipong ultimo isang galaw niya, gusto ko. Paglalakad niya pa lang, namamangha na ako.

"Oo," namamaos ako. "Ikaw?"

Tumango siya. I sucked a deep breath as his grim expression surveyed me. I glanced at his hand. Bago ako lumakad at nagpatuloy, sumagi sa akin ang kagustuhan na hawakan iyon. Even for the last time, Chayo. Please.

I exhaled whatever it is that I am feeling and ignored the thought.

"Mamasyal muna tayo," sabi ko at nilagpasan na lang siya, nanatili ang mga kamay sa sling ng bag.

Sumunod siya sa akin. Habang tinititigan ang malawak at berdeng bakuran, pilit kong inisip ang mga bilin ko sa kanya para mamaya. We can't just go on and walk around without a topic about what will happen today.

Palapit na kami sa mga halaman malapit sa fountain at didiretso na sa natatanaw na look at hindi ko pa rin naayos ang iniisip. Bahala na!

"Mamaya... mag-uusap kayo ni-"

"Hindi natin pag-uusapan ang mangyayari mamaya, Chayo," he cut me off.

I stopped walking and then looked at him. Nagulat ako sa mariin niyang sinabi.

"Huwag mong sabihin na sa buong dalawang oras natin pag-uusapan ang tungkol mamaya?" he tilted his head in question.

Agad-agad sana akong sasagot pero bahagya akong nag-alala. He thinks Keira will be here by eleven. Truth is...

Tinalikuran ko siya, takot sa gustong sabihin. Wala akong magagawa. Kung maghihintay ako ng alas onse bago ko sabihin sa kanya, baka mainip na siya at magalit pa sa akin.

Wooden benches in front of what seems like a man made lake or river were lined up cleanly. Hindi gaanong mainit at dagdagan pa ng lilim ng isag palm tree. Umupo ako roon. Dahan-dahan din siyang lumapit at naupo sa kabilang gilid ng bench. Nakatanaw ako sa tubig habang siya'y bahagyang naka anggulo ang katawan sa akin, nakatitig, tahimik.

"Uh... Leandro."

Nilingon ko siya. His eyes remained grim as he looked at me.

"Alas tres pa ang punta rito ni Keira," tinawanan ko na lang ang sarili lalo pa dahil napansin ko ang gulat sa kanya. "A-Actually, sinadya ko na maaga tayo rito para sana pag-usapan ang mangyayari mamaya kaso... sinabi mong alas nuebe. Hindi ko na nasabi sa'yo ang naunang plano ko."

Nanatili siyang tahimik at nakatitig sa akin. Uncomfortable and scared that he's pissed, mabilis kong sinusulusyunan.

"B-But we can text her to come earlier, instead? Kung gusto mo, itext natin ng alas onse o kahit ala una-"

"Huwag na."

Nagkatinginan kami. Nabitin sa ere ang labi ko galing sa pagsasalita at nagpatuloy na lang.

"Anong huwag na?"

"Ayos na na alas tres pa siya pumunta rito. Hindi ako nagmamadali, Chayo."

Naitikom ko ang bibig ko. Nilingon ang ilog bago nakabawi at nagsalita ulit.

"Pero ang haba ng oras natin. Baka mainip ka."

"Hindi ako maiinip. Ikaw? Maiinip ka?"

Umiling ako kaagad.

Muling naghari ang katahimikan. Ngayong ayaw niyang pag-usapan ang mangyayari, narealize kong wala kaming ibang mapag-uusapan na. But I boast of being a good conversationalist, what happened now? Wala akong maisip na pag-usapan. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung bakit ganito. On top of that, I'm pressured to create a topic that doesn't involve personal questions.

Pero hindi ba inagahan ko para kahit sa huling beses, masolo ko siya? Akin siya? Ang buong atensiyon niya? Ano naman ngayon kung sa mga personal na tanong, ay lalo akong mahulog sa kanya? Ano naman ngayon kung baon ko iyon habang nag mo-move on?

"By the end of the next semester, you'll be Grade 12, Chayo. Huling year mo bilang highschool..." Leandro said.

The wind blew softly. Nilingon ko siya at nakitang magaan siyang nakatitig sa ilog sa harap. Ibang-iba sa nararamdaman ko ngayon. I'm uncomfortable and pressured while he's at ease. I should be at ease. Or else, I'll lose this good oppotunity of memories.

"May naiisip ka na bang gustong kunin na kurso?"

Nagkibit ako ng balikat dahil iyon naman ang totoo. "Business management, may be?" I said, unsure.

He chuckled at my reaction. At hindi yata maguhit ang pagkamangha ko. Hindi ko alam kung napapansin niya ba ang kakaibang reaksyon ko sa bawat kilos niya. Nakakahiya tuloy kung oo!

"What do you want to be when you grow up, anyway?"

"Uh... Ewan ko? Mag... mag manage ng asukarera?"

Uminit ang pisngi ko. Ngayon ko lang natanto kung gaano ka simple talaga ang mga plano ko sa buhay na ito. Meanwhile, I didn't need to ask him to know what's his plan. It is obvious that he's competitive and ambitious, in a good sense.

"You don't want to go anywhere else to develop your career?"

Parang kahapon lang pinag-usapan namin ito ni Mommy. Mas lalo akong nahiya. Yumuko na lang ako at hindi na sumagot.

"Chayo, it's okay if you don't. I'm just curious what you wanna be after college."

"Kung ang ibig mong sabihin ay gusto ko bang mag Manila o mag Cebu para magtrabaho..." umiling ako.

"Mag abroad?"

Umiling ulit ako. "Bumibisita kami abroad to have a vacation and... although everything there is such a temptation and beauty, I still want to go home here and stay."

"Hmm..."

Nilingon ko siya. His lips twisted.

"You're lucky you've seen the world at a young age. I've never been abroad, Chayo."

Nagtagal lalo ang tingin ko sa kanya. Muntik ko nang makalimutan na magkaiba nga pala ang estado namin. Our wants and needs will never coincide. Nothing about us will ever be the same, hindi lang sa ugali at maturity, lalo pa sa pangarap.

"So... you want to go abroad?"

"I want to explore and see the possibilities of my career."

Parang hinihiwa ang puso ko habang naiisip na ganyan din siguro mag-isip ang mga taong hindi naipanganak sa karangyaan. They all want to strive. They are encouraged and challenged to do well to live better. At siguro ganoon din ang gusto ni Keira. Besides, she's also a great student.

"Abroad o kahit saang malalaking syudad."

Mapait akong ngumiti. "Kaya mo naman 'yan."

"Talaga?" he smiled.

Parang pinipiga ang puso ko habang tanaw siyang nakangiti. He's smiling in a naughty and mocking way, I couldn't take him seriously but I know he is. Inirapan ko siya at tinanguan, isinantabi ang sumasakit na damdamin.

"Alam ng lahat na matalino at masipag ka. Kaya... imposibleng hindi mo magagawa 'yan."

His head tilted a bit. Namungay ang kanyang mga mata habang nakatanaw sa akin. My face heated profusely.

"Really? That's your opinion of me. I didn't know that, Chayo."

Bahagya akong natawa. "Ang yabang mo."

He smiled wider.

"Matalino, masipag, at mayabang?" he probed.

Matalim ko siyang tinitigan. I wonder what it feels like to be his girlfriend? Is he sweeter than this? Hindi ko na matagalan ang titig sa kanya dahil humahapdi ang mga mata ko.

"So... you want to go abroad and work?" seryoso kong wala sa topic.

"Uh-huh. Or anywhere to practice my skills and professional development."

"Aalis ka ng Altagracia pagkagraduate mo?"

Tumango siya, siguradong-sigurado. "Iyon ang gusto ko."

Kahit gaano pa siguro ka tayog ang pangarap ni Leandro, kayang-kaya niya iyong abutin. Walang problema. You know how he can do it swiftly.

"And you'll just stay in Altagracia, all your life?" he asked.

Ngumuso ako. "I'll take up business management then pag-aaralan na ang pagpapatakbo ng asukarera. Bibisita lang sa malalaking syudad... at abroad... para mag bakasyon."

"And settle down in Altagracia, too?"

Tumikhim ako. Kung bakit kinabahan ako sa tanong, ewan ko.

"Yeah."

"Ilang taon mo ba planong mag-asawa?"

My stupid heart is beating hard even when it's breaking. Stupid!

"Hindi ko rin alam. Kung... makahanap na ng matinong... magiging asawa?"

He smirked. "Surely, wala sa mga manliligaw mo iyon. Tama?"

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko alam."

"Aalis ako rito sa Altagracia, nag-aaral ka pa. Mag-aaral ka pa, Chayo. Pag-aaralan mo pa ang asukarera n'yo, pagkatapos. You have no room yet for serious relationships and settling down. Bata ka pa."

I agreed. "Baka nga."

"Babalik din ako sa Altagracia..."

"Babalik ka?" medyo nabuhayan ako roon.

He smiled. "Of course. That's my home, Chayo."

"K-Kailan? I-Ilang taon kang mawawala?"

Nagkibit siya ng balikat at bumaling sa tanawin. "Not sure, Chayo. You can suggest when... in time."

Nagtaas ako ng kilay, naguguluhan at nalilito sa sinabi niya.

"Ilang taon mo gustong magpakasal?"

"M-Magpakasal? Wala pa akong boyfriend, Leandro!" mas lalo akong nalito.

"Alam ko. Kaya nagtatanong ako kung kailan mo gustong magpakasal, pagdating ng panahon?"

"Hindi ko alam. W-Wala pa nga 'yan sa isipan ko."

"Good," he said it almost like a whisper.

Gusto kong magtanong kung paano si Keira? Iiwan niya rito o isasama niya sa kung saan siya pupunta? Pero ayaw kong mabahiran ang sandaling ito ng ibang tao. I am selfish, yes. I want this moment to be just about the two of us. Hindi bale nang mahirapan ako lalong kalimutan siya.

"Hindi... magbabago ag isip mo tungkol sa... pag-alis? Para sa... career mo?"

With half opened lips, he turned to me, a bit shocked. Startled because he looked bewildered at my question, tinawanan ko iyon.

"N-Nagtatanong lang ako. Naisip ko lang kung buo na ang loob mo sa gustong gawin."

"Why? You think it's a bad idea?"

"Hindi naman. Tingin ko... tama ka! Your career won't improve much here in this small province. Bukod pa sa hindi naman ganoon ka ganda ang suweldo rito. Nasa malalaking siyudad ang ganoon... o abroad."

"Hindi kami mayaman, Chayo. We have properties from my father's side but we have no means to develop anything because we have no money."

Kinabahan na baka na offend ko siya, mabilis ulit akong tumango.

"Naiintindihan ko naman, Leandro. Kung ako rin naman siguro... kung hindi siguro kami mayaman... baka gustuhin ko rin na kumita at gumaan ang buhay."

Mas lalo akong kinabahan dahil tahimik siya at naninimbang sa akin at sa mga sinasabi ko.

"Right! My opinion is just different. My ambition is pretty different because we're rich. I can go abroad and go to places anytime I want because I have the means. At dahil kaya ko iyon, wala na akong hihingin pa. Ayos na ako rito at pangalagaan na lang ang negosyo namin." I laughed again to show him that I am just taking it lightly. "I'm too comfortable to want something else."

"It's okay. There's nothing wrong with that, Chayo."

"Though, si Kuya Levi, gusto niya ring magtrabaho at magsikap para sa sarili at hindi umasa sa asukarera."

"Iba-iba naman ang mga tao, Chayo. I actually like it that you want to stay here and just manage your sugarmill. That's a difficult job. You will need passion to maintain that."

"Kaya ni Kuya Levi 'yon. Tutulong lang ako."

"Still, you need passion and perseverance to pursue that career."

Payapa ang usapan namin tungkol sa kinabukasan. Hindi na ako natakot pa na mas lalo lang mahulog sa kanya dahil sa mga prinsipyo at pangarap na ipinakita. I have never heard a man talk about his hopes and dreams in a passionate way.

With each smile I gave him, I gave him a piece of my heart. At kung hindi pinung-pino ang pagkakadurog ng puso ko, baka buong-buo na ang naibigay ko sa kanya ngayon.

Pinagmasdan namin ang kabuuan ng mansiyon sa harap. Tapos na kaming kumain ng tanghalian at nakapamasyal na sa paligid. Hinuli namin ang pagtunghay sa mansiyon.

"Alam mo bang may asukarera rin ang pamilyang gumawa ng mansiyong ito?" tanong ko kay Leandro kahit na siguradong alam niya.

He's too smart. I suddenly wonder if he only pretended to not know how to move on? Imposible kasing may bagay na hindi niya alam. Pero bakit niya naman gagawin iyon, hindi ba?

"Para raw ito sa asawa niya na namatay dahil sa panganganak ng pang labing isang anak. So this is a symbol of his love for his wife. It got burned down, though, during the World War Two. Ano kayang itsura nito dati? Pero kahit naman nasunog na, maganda pa rin ito ngayon."

Hindi ko namalayan na nakatitig lang siya habang nagsasalita ako. He smiled softly.

"Ganyan talaga ang pag-ibig, Chayo. Masunog man at iwan sa mahabang panahon, mananatili."

Nagulat ako at natawa sa sinabi niya. His lips rose, too.

"At maganda pa rin," dagdag niya habang nakatitig sa akin.

Binalik ko ang mga mata sa mansiyon dahil nagsisimula na naman akong mangarap na sana... ako ang sinabihan niya noon.

"Wait until it's sunset, Leandro. Mas maganda 'to. Be sure to take pictures," sabi ko.

"Kumuha na ako kanina," aniya.

"Pero mas maganda sa sunset!" giit ko.

"Kukuha na lang din ulit ako mamaya."

I guess it is time to talk about what will happen later.

"I expect you'd be together until later. Ihahatid mo siya pabalik, okay?"

"Kukunin ka ng driver n'yo, tama?" tanong niya.

"Yes."

"But you'll be here until we're done?"

"Yes. But I won't let you see me."

His eyes narrowed and stayed that way for a long while. I smiled. He sighed and nodded in the end.

"This is going to be about you two and I expect her to come earlier than three, Leandro. Ang mabuti pa, itext mo na siya ngayon pa lang. Para malaman natin kung nariyan na ba siya."

"You should text her instead. Hindi ba ikaw naman ang nagsabi sa kanya na magkikita kami rito?"

"Oo pero ikaw ang makikipagkita sa kanya, Leandro..."

Hindi siya kumibo. Alam na alam ko ang titig niya na 'yan. He's still defiant. Inilahad ko ang kamay ko.

"I'll text her. Let me use your phone."

"No."

"I'll just ask her where she is now, Leandro. Kung nag commute siya ay baka matagalan at hindi pa natin alam kung alam niya ba kung saan ito. Paano kung nawala siya o ano?"

His eyes remained serious but in the end, he took his phone out and put it on my palm. He entered a password and then I tried to manipulate it. Kaso... bago pa ako makapagtipa, nakakita na ako ng mensahe roon.

Keira:

Malapit na ako. Pasensya na, inagahan ko na. Wala rin kasi akong ibang gagawin sa Bacolod.

Ibinalik ko sa kanya ang cellphone niya. Ngumiti ako at tinitigan siya sa huling pagkakataon. Habang tinitingnan siya, naiimagine ko rin ang magiging kinabukasan, gaya sa napag-usapan kanina.

Paano kapag umalis nga siya at bumalik, asawa na si Keira? O paano kung hindi na siya bumalik kailanman, naging masaya na sa kung anong nakamit? Nagdesisyon nang manatili sa malayo... kasama ang pinakamamahal?

Either way... I want to be happy for him, whatever happens. He's rare. A man whose dreams are overflowing. A man with honor and passion. And yes, he has my heart. I don't know when he will finally return it but I will work each day to move on and recover. Maybe one day, little by little the fragments will return... when he no longer needed it.

"Good luck!" bulong ko habang lumalayo.

Hinayaan niya akong lumayo. Nanatiling nakatayo at nakatunghay sa mansiyon habang ako'y nakihalo na sa iilan pang mga tao roon na siguro'y nag-aabang din sa paglubog ng araw mamaya. I took my phone out to see a message from Julius.

Julius:

Nandito na ako sa labas. Text ka lang kapag palabas ka na.

Ako:

Okay. Lalabas na ako.

Pagkatapos kong ma-isend iyon, inangat ko ang tingin kay Leandro. Nakatalikod man sa akin, nakita ko ang paglapit ni Keira sa kanya. Leandro was shocked for a moment. And he got shocked more when Keira's first move was an embrace.

Hindi gumalaw si Leandro nang marahan siyang niyakap ni Keira. The shock on his face told me how oblivious he really was to his ex's feelings, until now. I smiled for one last time and then turned around to leave.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #jonaxx