Kabanata 17
Kabanata 17
Deal
Sinamahan ko si Mommy isang weekend sa Bacolod. Inakala kong buong araw kami sa Sabado magkakasama mamili o kahit mag check sa ipinapagawang bagong mansiyon ni Daddy sa siyudad. Hindi pala.
"Chayo, I'm sorry. May lakad ako ngayon. Will you enjoy the rest of the day strolling the mall? You have your card with you," she said.
Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para makapag-isip-isip at para na rin makapagplano sa tuluyan kong gagawin para kay Leandro.
"Akala ko magsho-shopping tayo, Mom?"
"Pupuntahan na lang kita mamaya. May appointment pa ako."
Kahit na kay Mommy at Daddy pareho ang asukarera, hindi ko kailanman nakita si Mommy na nagtrabaho o nakialam sa mga desisyon at meetings doon kaya palaisipan sa akin ang madalas niyang pagpunta sa Bacolod, sometimes, she says for business. Sometimes for friends and entertainment.
"Appointment saan po? Kina Tita?" tanong ko dahil minsan, kung kasama ang mga kaibigan, isinasama niya rin naman ako.
"Hindi, anak. Sa... ospital. Just a regular check up."
"Oh. Okay." Tumango ako at ngumiti.
I strolled the mall alone for that day. Namili ng marami kaya pansamantalang naging okupado ang isipan sa mga damit at kung anu-ano pa. My mind flew to other shopping places like Manila or maybe, Hong Kong, to buy more things. Happy to be occupied with something else other than thoughts of Leandro, I can't help but be proud of myself. Umaabot na sa punto na naiisip kong puwede rin siguro siyang kalimutan sa pamamagitan ng pag-alis sa Altagracia.
But all my hopes and dreams faded when I got tired of shopping and took a quick break in a restaurant. Nakaaligid si Reynante at Manang Lupe na nauna nang kumain kanina habang namimili ako. Ngayong mag-isa ako, tumigil sa pamimili, at nagkaroon ng oras na tahimik... Leandro is all I think about.
Seeing some handsome faces my age pass me by, I wonder if I could just forget and direct my attention to someone else interested or even just within my league. Sinulyapan ko ang cellphone na may kanina pang mensahe ni Julius.
Ako:
Sorry for the late reply. I'm shopping here in Bacolod. What are you doing?
Maybe pushing myself to be interested is the best idea. Naisip ko tuloy ang mga pinapagawa ko kay Leandro nitong mga nakaraang buwan. He pushed himself too much to try to forget Keira but he never did. Sana hindi ako umabot sa ganoon para sa kanya.
Napapayag ko siya sa gusto kong mangyari. If that was my being too persuasive or his own interest to really see through things again, hindi ko na alam.
Ilang linggo ko rin siyang kinulit. Ayaw na ayaw niya kasi at lalong ayaw niyang pag-usapan. Nagkaroon na rin ako ng pagkakataong kausapin si Adriano nang hindi niya namamalayan na naniningil ako ng impormasyon.
"It's just all friendship for Keira, Chayo. Magkasama kami sa isang group sa minor subject na kaming dalawa lang ang magkaklase sa grupo kaya ganoon," he shrugged.
Tumango ako.
"Inutusan ka ba ni Levi na tanungin ako?"
Ngumisi ako. "Hindi naman. I was just curious. Some days ago nakausap ko si Keira nang hinanap si Kuya. Humaba ang usapan at napadpad tungkol sa'yo. She was denying you as her boyfriend." Natawa ako. "Even though I see you most days."
Natawa rin si Adriano. "Well, Chayo. Keira is pretty and fun to be with. Pero hindi kami at hindi ako nanliligaw. I'm not gonna lie. I'm interested with her but I have to get to know her more before finally deciding in something more serious."
Namangha ako roon. This is the world Kuya Levi is trying to tell me. The world of mature relationships and people. In my world, I do not need to weigh things. We all get into a relationship when we are attracted to that someone. Meanwhile, for them, they have to weigh things and think about it more. Eto 'yon! Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Nilebel ni Adriano ang mga mata namin nang siguro'y nabasa ang pagkamangha ko. He smirked.
"You curious little girl. Akala ko nakikiusyuso na si Levi. Ikaw lang pala ang curious. Chayo, bata ka pa, ha. Huwag kang mag boyfriend nang magboyfriend."
I smiled. Taken aback by my cool response, napatuwid ng tayo si Adriano at seryoso akong tiningnan.
"I'm not a little girl, Adriano. If I was then I can be dictated by anyone. I can't. I do things my way now... and ever since."
His lips twisted. Hindi siya nakagalaw sa gulat sa sinabi ko.
"I hope you don't mind my curiosity."
"I don't, Chayo."
I smiled then turned to walk away. Alam kong nakatitig pa siya sa akin pero hindi na ako lumingon pa at umalis na.
Walang masasagasaan si Leandro sa gagawin. Hindi nga si Adriano at Keira at lalong hindi rin nanliligaw sa kanya. As he said, they are getting to know each other. That means... he could court her but just not now. Kung papayag man si Leandro, dapat agad agad ang pagkikita nila. Hindi ko kasi alam kung kailan tuluyang manliligaw si Adriano. Ayaw ko namang gumulo si Leandro sa kanila kapag nangyari iyon.
"Just one date!" ulit ko.
Nasa gitnang kiosk kami ng soccerfield. Hindi iyong pinakamalayo at nasa likod na ng mga puno. Wala rin masyadong tao roon pero hindi naman ganoon katago gaya nang pinagdalhan sa akin ni Ralph noon. Dito kami palaging nagkikita, kung hindi man dito ko rin siya madalas na natatagpuan.
Suminghap siya, bilang hindi pagsasang-ayon sa akin.
"Leandro, one date! You have to clear things up. If she has hung ups with you, you'll settle it in this one date! Please!"
And it's almost semestral break! I can't lose to him this day. Lalo na't finals na next week at sigurado akong hindi na kami magkikita dahil sa pag-aaral. I have to finally convince him.
"'Tsaka isa pa, bago naging kayo, hindi ba close na kayo? Ayaw mo bang ibalik sa dati ang pagkakaibigan n'yo? This one last date will do that, Leandro."
I'm not betting on it. More like... magkakabalikan kayo.
Tumitig siya sa akin. It was a weird stare. Hollow and it is telling me that something is off. Something is really off, though. Dahil sa likod ko pala ay may nakita siyang parating at nang nilingon ko, nakita ko ang pagdaan ng dalawa. My eyes drifted on a particular accessory and for a moment, my mind went blank.
Si Ralph at Ella na mukhang nagkabalikan yata pagkatapos ng maingay na break up, ay dumaan malapit sa Kiosk. Kung hindi ako nagkakamali, papunta ang dalawa ngayon sa likod ng soccerfield, kung saan ako dinala ni Ralph bago rin kami naghiwalay noon.
A brief memory of Leandro catching us doing funny things on it flashed on my mind before it went blank. It went so blank because of the bag Ella was holding.
Nakaawang ang labi ko, hindi pa sana tapos sa mga sinasabi kay Leandro pero naputol dahil sa nakita. It was a black Kate Spade cat satchel. Iyong gayang-gaya sa akin na kabibigay lang ni Daddy noong nakaraang alis niya. With specific pink ears and whiskers on the middle of the satchel.
Parang tumigil ang mundo ko nang narealize na kagaya noon, may parehong gamit kami. Ang sakit isipin na si Daddy na naman ang dahilan. Even without Ella's words and confirmation, I don't need it anymore.
Dagdagan pa ng ngisi ni Ralph at ipinakita lalo ang paghahawak kamay nila. It was as if he thought what affected me was their public display of affection.
Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling sa bag na nakalapag sa lamesa ang mga mata ko. Hinaplos ko ang whiskers noon hanggang sah halos matanggal ko ang burda.
"Chayo..." Leandro called.
Nakalayo na ang dalawa pero hindi na ako nakapagpatuloy sa pangungumbinsi kay Leandro dahil na distract na roon. Nangingilid ang luha sa mga mata, nag-angat ako ng tingin kay Leandro. Tumuwid siya sa pagkakaupo at ilang sandali kong naramdaman ang kagustuhan niyang lumipat sa tabi ko.
I smiled widely. My tears didn't fall. Don't be petty. Matagal ka nang hindi umiiyak para sa Daddy mo. Ngayon, iiyak ka, Chayo?
"Nakita mo 'yon?" natatawa kong sinabi.
Nanatiling nakatitig si Leandro sa akin.
"I'm sorry," he said.
Alam ko kaagad na nakuha niya. Na alam niya ang ibig sabihin. He didn't assume that it's about the holding hands. Leandro looked like a statue, staring at me, immobile. Habang ako at nililibang ang sarili, unti-unting pinahuhupa ang nangingilid na luha.
"Hindi na dapat pa ako naaapektuhan. Matagal na namang ganyan si Dad, e."
He sighed heavily, pushed away his book, all attention on me.
"Nasanay na ako. May mga... pagkakataon lang sigurong hindi ko mapigilan. Pero sana... tumigas na ang puso ko at tuluyan nang balewalain ang lahat..."
Umiling siya. "Chayo, it's okay-"
"Noong pinigilan mo ako sa canteen, ganito rin 'yon. That girl even had the audacity to tell me that her wallet was from my father. And that she wanted to be my friend."
He licked his lower lip, shook his head, closed his eyes, before directing his whole attention on me again. "I'm sorry."
"I know. Naawa ka lang siguro sa kanya kasi binastos ko."
"It's not that, Chayo. I don't want you to draw violence."
"I was hurting."
"Yes, being violent is not the solution. Not in front of other people and our teachers... not anywhere."
Naalala ko ang ginawa niya sa huli. Naalala ko na kahit binastos ko rin siya noon, hindi niya ako sinumbong.
"It was for you..." he said softly.
Ngumiti ako. Naalala ko na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanya.
"Thank you."
For a moment, I didn't wanna say it. Gusto ko palang may hindi pa natatapos sa amin. Gusto kong walang closure rin. Pero alam ko na kailangan. Alam ko na aasa lang ako kung hahayaan kong mabitin iyon.
Tinawanan ko ang sarili.
"I didn't say thank you, then. Tingin ko kasi... si Ella ang pinoprotektahan mo at hindi ako."
"It was you that I am protecting, Chayo."
Ngumiti ako at unti-unting naiiyak sa kaunting saya. Kaunting saya na nalaman kong kahit paano, pinoprotektahan niya ako. Siguro... dahil kapatid nga naman ako ni Kuya Levi. Kuya Levi would surely do the same... and more... for Chantal.
"Now you know that it was on your favor," he added.
Tumango ako at ngumiti kay Leandro. Nawala na ang utak sa sakit na naidulot ng pangyayari kay Ella, naghari naman ang tungkol kay Leandro. It was as if my feelings for him is as heavy as the hurt I felt for my father. O siguro, masyado ko lang dinidibdib. Pero ang totoo, mabilis na natabunan ang nararamdaman ko kanina sa nararamdaman ko ngayon para sa kanya.
Now, I am asking you for another favor. Probably the last one. One more important favor, Leandro.
"Bakit hindi mo ako mapagbigyan ngayon, kung ganoon?" I smirked, straying from the serious topic.
Opening up too much won't help me. Kung puwede sana hindi na namin napag-usapan iyon. Sana nga hindi ko na nalaman na pinrotektahan niya pala ako no'n. Sana pala inisip ko na lang na si Ella talaga ang pinrotektahan niya. Lalo na't nag-uusap naman madalas ang dalawa.
"You're just bored. Lay off it, Chayo," ngayon sumeryoso lalo at tumigas ang kanyang boses.
Kinuha niya ang librong isinantabi at muling binuksan.
"You're right, Leandro. I might be so bored I get entertained with petty things..." sabay yuko ko, nawawalan na ng pag-asa.
Hindi siya sumagot. Nagbuntong-hininga ako. Nagbuntong-hininga rin siya at padabog na sinarado ang libro.
"One date, Chayo and it's over."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Tumuwid ako sa pagkakaupo at ngayon napatitig na kay Leandro.
"Yes! One date and it's over!" sabi ko.
Hindi na ako lalapit pa sa'yo. One date and for sure, you'd resume whatever it is you're hung up with.
"When do you want it and where?"
Hinatak ang bag at kinuha ang notebook. Nakapagdesisyon na ako noong nakaraan at kailangan ko na lang balikan para masiguradong masusunod ito.
"Semestral break. Give me your phone," sabi ko.
"No."
"How can we set a date without texting her, Leandro?"
"You tell her. Hindi ko gusto ito. Ikaw ang may gusto nito. Kaya ikaw ang magsasabi kay Keira sa gusto mo!"
Pumangalumbaba ako at nagscribble sa pahina bago tuluyang nagdesisyon.
Is it so hard to accept that you wanted a date, Leandro? Ayaw mo bang ipakita kay Keira na gusto mo pa rin siya? Nahihiya ka ba na malaman niya na hindi ka pa nakaka move-on? It must hurt his ego.
Anyway... it will be at my advantage if I tell Keira that. Walang problema. In fact, gusto ko nga na ako ang tuluyang magsabi sa kanya, e.
"Okay. I'll tell her."
"You will be there, too," mariin niyang sinabi.
"I will be," I am accepting his challenge.
Iyon naman kasi talaga ang plano ko.
"I will make sure it will be an unforgettable date, Leandro."
"One date."
"One date!" ulit ko.
For the last time, I'm still as selfish as I am. Ayos lang iyon. Ganoon naman talaga ako. At least it's a reminder that I did not lose myself in the process of all of these. I'm still the same Chayo, only bent but not broken.
He glared at me as I smiled softly. Nagpatuloy siya sa pagbabasa kalaunan samantalang isinulat ko ang ihuhulog sa locker ni Keira. Una kong nilagay kung kailan.
Three o'clock, Ruins, Talisay.
- Leandro
I smiled sadly when I realized. I will be with him almost the whole day. I will be with him earlier but she will be with him, three o'clock and beyond... the golden hour in a place that celebrates eternal love.
"Deal, Leandro," sabay tayo ko.
He didn't look at me. I smiled and walked away to finally do it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro