Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15




Kabanata 15

Someone

Leandro is very complicated. That's what I thought. Paano ba naman kasi, nasuyod ko na rin ang plainest girls of his batch and he didn't like anyone!

"Anong ginagawa mo, Chayo?" si June nang nadatnan akong nakatitig sa notebook namin ni Leandro.

Mabilisan, sinarado ko iyon, takot na makita nila ang mga nakasulat. Mabilis ko ring nilagay sa loob ng bag habang nagpapatuloy si June na ngayon, nilapitan na rin ni Nan.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Nan sa akin, seryoso.

"Huh? Bakit?"

Nalilito pa ako. She sounded so concerned at sa paraan ng tingin nilang dalawa sa akin, nararamdaman kong may pag-uusapang seryoso. Natawa naman ako.

"Anong problema n'yong dalawa?"

Nagkatinginan silang dalawa. While Nan was silent and June was the noisy one, I expected June to be more aggressive and she did not fail me.

"Naririnig namin sa bayan at pati sa parents namin ang tungkol sa Daddy mo, ah?"

Ah. Iyan pala ang ibig nilang sabihin. For some reason, mas takot pa ako na malaman nila ang ginagawa namin ni Leandro kaysa sa mga haka-haka tungkol kay Daddy.

"What's new?" umirap ako at kinuha ang cellphone para makapagscroll ngayon.

"What's new? Your reaction!" si June.

Nan looked at me with sad eyes. Hinarap ko ang dalawa at naghanap ng maaaring dahilan sa pagiging sobrang concerned nila. Well, it's alarming to hear all the rumors about Daddy. At kahit na sanay ako, alam kong kakaiba itong ngayon. He's all out and without mercy. Kung noon, ikinakahiya niya pa ang makita ng ibang tao, ngayon wala na siyang pakialam.

"You seem so cool about it."

"Ilang taon na siyang ganyan, June. What do you expect? For me to cry about it every month? I'm tired of crying about it."

"Nasasanay ka na sa nangyayari, Chayo? Sa pagtataksil ng Dad mo? How's Tita Rosario, by the way?"

Marahan akong pumikit bago nagsalita. "Just escaping the town's rumors. She's always in Bacolod and I understand. Kung wala lang pasok ay sasama na ako."

Hinaplos ni Nan ang likod ko, ipinapakita ang pagkakaawa sa akin. But truth is... I got so used to it that it doesn't matter to me anymore.

"Nakakainis pa si Ella na patuloy ang pagsasabi na binibigyan siya ng regalo ni Tito Luis," si June.

Umirap ako. May mga binabalikang ibang babae si Daddy pero hindi ko lang inisip na kasali roon ang Mama ni Ella. Maybe she's that in need of money.

"Kaya ka ba walang gana these past few months?" si Nan sa tahimik na boses.

"Huh?" medyo nagulat ako sa tanong na iyon.

"I mean... you don't want to socialize so much. Kahit noong party ng Daddy ni George ay tahimik ka. His cousins were there and someone from Manila expressed his interest for you."

"I'm not interested."

"Kaya nga, Chayo. You seem so off these past few months at wala kang boyfriend."

"May mga manliligaw pa rin ako," sabi ko.

"Yes but you don't have a boyfriend."

Now that they both mentioned it, my two closest friends, I realized that it was odd. Hindi nga ako interesado na makisalamuha sa ibang lalaki. Mabilis din akong mabagot sa texts. Minsan ay lumilipas pa ang isang araw na hindi ako nakakabisita sa cellphone.

Kung hindi lang ako in-add ni Leandro sa Facebook ay hindi na ako bibisita roon. However, he doesn't do Facebook that much. His updates were from tags and nothing more. Kaya mas lalong hindi ako interesado.

But anyway... does this odd behavior have something to do with Leandro? Simula yata ng magkasama kami, lagi'y wala akong inisip kundi 'yang problema niya. I'm just really preoccupied with his predicament. Nanghihingi siya ng tulong at tumutulong lang naman ako.

"Wala akong magustuhan."

"'Tsaka lagi kang maagang naghihintay kay Levi sa college department simula nang nag Senior High tayo," si June.

"Hindi. Actually end of our Grade 10, she's already always busy on the college department."

Nagbuntong-hininga ako para sa dalawang kaibigan na nag-aalala na sa akin. Ngumisi ako.

"Huwag kayong mag-alala, okay? But thanks for checking on me. I'm fine."

Siniko ako ni June ng pabiro. "Huwag mong sabihing si Julius na 'yan?"

"Huh?"

"Nanliligaw iyon sa'yo, 'di ba?

They are talking about our senior who is rumored to be interested with me. Big deal sa kanila iyon dahil pareho nilang gusto. Yes, he hit my inbox. I have replied a bit but nothing really serious. Hindi rin naman siya tulad ng mga dating nakakasalamuha kong lalaki na nakapagreply lang, dire-diretso na sa panliligaw.

"Nagdi-date ba kayo after class kaya ka busy? Noong JHS pa tayo at Senior High siya, kaya ka laging pumupunta malapit sa building nila dahil doon?"

Natawa ako. Actually, I go past their building for the College department. I won't say that, though. Mahabang usapan iyan at ayaw ko namang ipagsabi ang problema ni Leandro. So unlikely for a respected man of his age. Kahit pa sabihing si Keira naman ang dahilan, hindi pa rin maganda iyon.

"Hindi 'no! Sasabihin ko sa inyo kapag nanliligaw na siya. Pero ngayon... wala pa..."

"Ohh! That's some showbiz thing! Seriously?" si June na maingay na ngayon.

Kaya tinukso nila ako nang tinukso kay Julius. Nasa cafeteria kami for lunch nang nakita ko si Leandro roon kasama ang mga kaibigan ni Kuya. He spotted me immediately and I gave him a cute wave. He didn't react, like usual. Hinila ako ni Nan at tinuro ang pila sa mga pagkain.

Julius and his senior basketball player friends were there, too.

"Kung susungkitin mo si Julius, e 'di ipakilala mo na lang kami sa friends niya!" sabay tawa ni June.

"Tumigil nga kayo. Ang lalandi n'yo!" si Edu.

Mabilis siyang sinimangutan ni Nan at June na panay ang tulak sa akin. "Sandali lang, andyan si Kuya. Baka magkagulo."

Sinulyapan ko ang banda nina Kuya. Kuye Levi was busy talking about something but Leandro was watching me with hawklike eyes. Marahan akong kumaway ulit kung hindi lang hinila pa ni June para mapalapit na ako sa pila.

"Busy si Kuya Levi. Sige na! Pipila lang naman, e!"

Pipila lang naman, e! That's what they said.

But when I was behind Julius and he turned to look at me for a wholesome conversation, almost half of my friends and classmates cheered. Natigil ang halos lahat ng mga tao sa cafeteria at napatingin sa banda namin. Nahiya si Julius at hindi na ako kinausap samantalang ramdam na ramdam ko ang pamumula habang lumalayo sa pilang iyon.

So of course Kuya Levi, the great Luis Javier Del Real, won't let it pass.

"Ano 'yan?" his voice boomed, kahit malayo ay dinig na dinig ng lahat.

I rolled my eyes. And I did not even do anything.

"Ano 'yan, Nan? June? Sinong tinutukso n'yo sa kapatid ko?"

"A-Ah... Wala, Kuya..." nahihiyang amin ni Nan.

"Edu! Sino? Kervin?"

"Ah. 'Yong grade 12, Kuya," nag-aalinlangan pang magturo si Kervin.

Kuya Levi did not make it wait. Mabilis na sumugod ng walang pag-aalinlangan kaya mabilis din akong humarang sa kanya.

"Kuya! Nakakahiya! Tinukso lang naman ako!" sabi ko.

"Sino 'yan? Nanliligaw sa'yo?" he said, already alarming some people around.

"Nakakainis ka naman, e. Hindi!" sabi ko. "Tinutukso lang nila."

Nagkatinginan kami ni Kuya Levi. Kahit na mainitin ang ulo at basagulero pagdating sa akin, alam niya naman na hindi ako nagsisinungaling. It's either I say the truth or I don't say anything. Kaya nasisiguro kong alam niya na nagsasabi ako ng totoo tungkol sa hindi nga ito manliligaw.

"Humanda 'yan sa akin pag nanligaw 'yan!" parinig niya sa grupo ni Julius.

It was a disaster lunch. One that I want to forget immediately. Nagmamadali tuloy akong umalis at hindi na sinulyapan pa ang ibang lamesa pagkabili ng pagkain. Ni hindi na nga ako kumain doon at pinili na lang sa kiosk sa aming building ang pagkain.

Mabuti na lang at alam kong magiging maayos naman siguro ang hapon ko. This afternoon, I arranged a date for Leandro and Gela. Si Gela iyong nerdy girl turned pretty girl na nagbigay ng Philosophy notes niya last semester. Mabilis ang panahon at patapos na ang semester na ito, wala pa rin siyang nagugustuhan.

I am starting to question my expertise. Pero kung iisipin, may parte nga akong hindi alam. Like how does a guy move on from his first... you know. We can't really tell, right? Maybe because of that, they have made a connection... a deeper connection.

Pero bakit nga ba iyon ang magiging basehan ko. Ayon sa Siyensiya, ang mga babae ang mas emotional at sentimental. Kung hindi nakaka-move on ang lalaki, mas lalo dapat ang babae. Especially if Leandro was Keira's first, too.

Ngumuso ako. This is why it is better to preserve virginity until you are sure that he's the one. Or the best if you preserve it until you marry him.

Sa parteng iyan, tama nga namang hindi ako eksperto. But I'd like to believe that through research, I can supplement what I lack. It's what I have been doing for the past months. Masaya man na hindi nagkakagusto sa iba si Leandro, bothering din na wala pa akong nagagawang improvement for him.

Not really bothering because he is not asking for any improvement. Bothering dahil hindi ko kayang isipin na talagang hindi niya nga nakalilimutan si Keira. At mas masakit pa dahil ngayon, malapit na nga ang loob niya kay Adriano. Minsan ko na silang nakita at hindi pa man nakakapagtanong kay Kuya, may pakiramdam nga akong kakaiba roon.

In disguise with an advance Physics book on hand, malayo sa madalas na lamesa ni Leandro, tanaw ko si Gela roon, naghihintay na. She is pretty. At sa lahat siguro ng standard ni Leandro, ang pinaka pasok ay smart! It's seldom to find a genius level girl that's pretty. Leandro should thank me for approaching Gela and telling her that Leandro wants to meet her in this library.

"Go!" bulong-bulong ko nang nakita ang busangot na Leandro sa harap ko.

Nagtagal pa kasi siya samantalang late na siya ng ten minutes at kanina pa si Gela!

"Go!" ulit ko.

Looking annoyed, tumulak na nga siya gaya ng utos ko. I groaned when I realized it is one of his bad days again. Naisip ko tuloy kung nakita niya na naman ba si Keira at Adriano? Kaya ba badtrip na naman siya. Laging ganoon, e, sa mga araw na pinaghihinalaan kong nakikita niya ang dalawa.

This is a bad omen. He should be feeling good! I like Gela and he must function somehow!

Mabuti na lang at kinamayan niya naman si Gela at nginitian niya na naman kahit paano. Naupo siya sa harap ni Gela at hindi na nagsalita. Gela struggled for a topic. I groaned again when I realized that he is such a headache!

Pumoporma ka! Hindi ka pinopormahan! Ang manok ko tuluyan na yatang naging chicken!

Ilang sandali ko silang pinagmasdan. Tipid na tipid ang usapan lalo na't hindi yata conversationalist itong si Gela. At kapag badtrip si Leandro, mas nagiging suplado pa siya!

"Chayo? I didn't know you spend some of your time here in the library," si Julius na biglaag sumulpot palapit sa akin.

Para akong nahuli na may ginagawang krimen. Nabitiwan ko ang librong hawak kaya kahit na nakatalikod si Leandro, napabaling siya sa amin. His eyes remained at us while I signaled him to go on!

Go on! Damn it!

Saktong babalik na sana ang mga mata niya sa kausap na si Gela, 'tsaka naman dumaan si Adriano at Keira na magkasama. Kitang-kita ko ang tinginan ni Leandro at Keira. Nahuli man siya sa sulyap pero nakita ko ang tingin niya rito. He looked shocked for a few moments. And then he turned his gaze on Gela. Si Keira naman, nagtagal ang tingin sa dalawa. Kitang-kita ko ang paghawak nI Adriano sa siko ni Keira, niyayakag siyang umalis pero hindi ito nakagalaw.

"Chayo?" Julius chuckled beside me.

"A-Ah... Oo. Minsan," sambit ko.

Naupo si Julius sa tabi ko. Hinayaan ko naman dahil abalang-abala na sa nangyayari.

Nagpatuloy si Keira sa paglalakad kasama si Adriano. Naupo sila sa hindi kalayuang lamesa at nilingon pa si Leandro. Leandro was looking pissed when he glanced at me again. At nararamdaman ko na 'to kanina, hindi ko lang inakala na masasaksihan ko nga iyon... mas sigurado ngayon.

Tumayo siya. Nakita ko ang pagkakapawi ng ngiti ni Gela sa pagtayo ni Leandro at pagpapaalam. Then he walked out immediately, without a word, and without looking at me.

I stiffened. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Ano naman ang mga binabasa mo?" si Julius na halos hindi ko na narinig.

Napatingin ako kay Adriano at Keira. Keira saw Leandro's move but Adriano didn't. Nagtagal ang tingin ni Keira sa kung saan naglakad si Leandro hanggang sa tuluyan na itong nakalabas sa library.

Parang pinipiga ang puso ko. The coldness of the scene seeped through my bones. Hindi ko matatanggap. That look on Leandro's eyes, pissed, and unforgiving as he walked away coldly. For the first time since all of these started, I am acknowledging something...

He is not over her.

All of these girls I let him date meant nothing to him. Even Anais. They all are nothing because he's not over her.

Hindi ko na inisip kung bakit at may kinalaman ba ang kahit ano sa hindi pagmo-move on niya, pero isa lang ang alam ko. If I had sticked to my true objective and accepted this earlier, tapos na dapat 'to. Pero dahil pinangunahan ako ng pait at pagiging makasarili, humaba pa ng ganito ang lahat.

Kung noon sana, sa kauna-unahang pag-uusap namin, tinanggap ko na kung ano talaga ang dapat niyang gawin, hindi na nakahanap ng iba si Keira. Si Keira.

I glanced at Keira. Nakita ko ang pagkakatulala niya habang kinakausap siya ni Adriano. Kung hindi kinawayan ni Adriano ang titig niya, hindi niya ito mapapansin.

Is he dating Adriano now? Why is she spacing out? Did Leandro's walking out made her feel something?

"Chayo?"

"Sorry, Julius. May kailangan akong gawin. Next time..." marahan kong sinabi sabay tayo.

Palabas ng library, parang tumigil ang mundo ko sa narealize. Bakit ko nga ba pinigilan noong una pa lang ito? Dapat noon pa lang, ginawa ko na nang hindi na umabot pa sa ganito.

He is clearly hurting and for sure he would deny it to me, like always. He didn't want anyone to know that he is not over her. And Keira, damn her if he isn't over him, and is just dating someone to make Leandro feel this way! Damn her, really! Damn her for everything!

Palabas ng library, hindi ko alam saan ko hahanapin si Leandro. Mabuti na lang at sa unang lugar na pumasok sa isipan ko, na pinuntahan ko rin, naroon kaagad siya. I walked slowly towards him. He looked so pissed and mad at me. But I know... he's just really directing it to me.

Tahimik akong naupo sa harap niya. Hindi siya nagsalita. Nilapag ko ang shoulderbag ko sa lamesa.

"I'm sorry," marahan kog sinabi.

I didn't know then what was my apology for. But little by little, I realized that it was for being selfish... all this time.

He swallowed hard. "Kanina sa cafeteria, tinutukso kayong dalawa no'n."

Naguluhan ako noong una pero sa huli, naisip ko si Julius. Bahagya akong natulala at sa huli natawa sa sarili.

"Wala nga lang 'yon. Puro tukso lang," marahan kong sinabi.

"Tss..." he opened his book and started reading.

I opened the notebook to as I watch him look at the pages with that forlorn look in his dark eyes.

"Ayaw mo ba kay Gela?" napapaos ang boses ko dahil kahit na alam ko ang sagot, tinanong ko pa talaga.

"Oo."

"N-Nakita mo si... Keira at Adriano."

He glared at me. "Obviously."

I then opened the fourth page of the notebook. I don't know why I'm such a coward for not really facing this. This is what will end it. Hindi ko ba ito gustong matapos kaya hindi ko rin ito tuluyang in-apply? At bakit naman ayaw kong matapos ang mga ito?

I shivered when I realized something else. My heart was beating so fast and hard that it hurt.

"T-Tingin mo... gusto ka pa ni Keira?"

"Obviously not!" he said sounding so irritated at me.

I swallowed the bile on my throat when I realized why he is irritated and probably why he can't tell me what he's truly feeling.

"Do you like your senior, Chayo?" he fired at me.

Umiling ako. "Hindi 'yon nanliligaw pero kapag nanligaw, babastedin ko rin."

Nagkatinginan kami. Habang nanlalambot ang titig ko, matalim naman ang titig niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa huli nang natanto kung bakit agaran kong masasabi na babastedin ko iyon. Hindi pa man nanliligaw. At kung bakit, tama ang mga kaibigan ko... palaisipan na sa dami ng manliligaw ko, wala pa rin akong sinasagot.

It was not because of my usual family problem. Not because of anything else. But... because of someone.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #jonaxx