EPILOGUE
Epilogue
"Chio, lagyan mong balancer ang sakin." said of my cute little bestfriend with her pouted lips.
She's a hard learner when it comes to bicycling. Ilang beses ko na siyang tinuruan sa tamang pagtapak ng paa sa pedal pero masyado siyang high blood.
That was the time I started teasing her. High blood, suplada, mataray, sadista. Halos araw-araw kaming magkasama kaya noong bata kami ay palagi kaming sinasabihan na magkamukha na, pero 'nung tumuntong kami ng elementary, palagi akong tinutukso ng iba na may crush sa kanya.
Well, she's likable though. Pero halos kapatid na talaga ang turing ko sa supladang iyon kaya minsan ay hindi ko maiwasang mainis sa tumutukso samin.
"Nich, umayos ka nga!" panay ang angal ko sa kanya. Pano ba naman? Bigla nalang siyang sumampa sa likod ko habang gumagawa kami ng activity sa p.e. Kaya ayon, nakatingin ang mga kaklase namin saming dalawa.
She's sometimes jolly and I find it cute, kaya may pagkasadista man ay nagagawa kong pagtiisan.
Minsan ay naabutan ko siyang pinagagalitan ng Daddy niya dahil late nang nakauwi sa bahay nila. I know Tito Xian, pinagagalitan niya ito dahil nag-aalala siya sa anak. Napapangiti ako ng mapait t'wing masasaksihan ko iyon. Ako kaya? Kailan kaya ako pagagalitan ni Mama sa paraang nag-aalala siya?
I'm growing up having grudged against my mother. Wala na nga ang Papa ko, at si Mama naman ay parang walang pakialam sakin, palaging wala sa bahay. I don't know and I don't care about what she's doing.
"Napaka-inutil mong bata ka! Ano pang magiging pakinabang ko sayo niyan ha?!"
I pinned her words on my mind. Balang araw, magiging proud din kayo sakin. Balang araw, mas hihigitan ko pa ang expectations niyong gustong makuha sakin. I devoted myself to my studies. Lahat ay ginawa ko para mapanatiling maayos ang grado ko.
Until we came into another level. I enjoyed my first day of being senior high student. Syempre kasama ko parin ang mataray kong bestfriend.
I thought when we came on this stage, there will be a lot of changes. Akala ko ay mag-iiba ang samahan naming dalawa pero hindi, dahil mas lalong tumibay ang samahan namin.
"Lods, hindi ka magla-lunch?" one time I asked her. I noticed that her cheeks were red. "Namumula ang pisngi mo, may sakit ka ba?" I almost touch her face but she did not let me.
"Wala! Umalis kana, ayokong maglunch."
Sanay akong suplada siya sa akin pero iba ang dating ng pagtataray niyang iyon. I also noticed that she's a little bit ignoring me. Napapatawa nalang ako t'wing maiisip na baka may crush na siya kaya ayaw niyang malapit ako sa kanya.
One time na nakasama ako ni Mama sa mall, I saw a necklace that really caught my attention. Bigla kong naalala si Nich nang makita iyon. So I buy the necklace and gave it on her. I couldn't help but to keep on smiling even its already midnight. She appreciate it.
Excited kong inaya ang iba naming kaibigan papunta sa canteen nang sabihin ni Se na nasa canteen na daw sila ni Nich. Balak ko sana siyang asarin pero nadatnan ko sa canteen na nakatitig ito sa nasa katabing table.
"Mas pogi si Raven."
That gritted my teeth. Parang nainis ako na hindi ko maintindihan. Since the time I noticed that there is something on how she smiled at Raven, our class president, I asked her.
"Crush mo?" hindi ko alam kung napansin niya, but my voice sounds sulk. I still hoping that she will answer it 'no' kahit ayos lang sa akin kung magkagusto siya sa iba. Having a crush is normal.
I tried to ignored that thought, dapat suportado ko siya sa kahit anong gustuhin niya. I'm her bestfriend, I should stay by her side no matter what happened. 'Til one morning came, Dalia Ramirez appeared infront of me.
"Hi Chio!" she greeted me like as if we're that close.
Tumango lang ako sa kanya at akmang tatalikod na ay napaharap ulit ako. Tumingin ako sa leeg niya. She's wearing a necklace.
"Oh, itong kwintas ang tinitignan mo? Well, Nich gave this to me, sabi niya ayaw niya kaya binigay nalang niya sakin." sabi niya at nang iangat niya iyon, umigting ang panga ko sa inis.
Why, Nich?
Akala ko ay na-appreciate niya, pero mukhang mali. She didn't gave it a value. At talagang ipinamigay niya? I bitterly smiled.
I ignored her. Halos maghapon siyang nagpapapansin pero hindi ako umimik sa kanya. Seriously, Nich? Everything that you gave to me is valuable, kahit pa iyong maliit na laruan na bigay niya sakin ay pinapahalagahan ko. She disappointed me.
The next day, she's absent. And it's not her thing. May tampo akong naramdaman sa kanya pero hindi ko maiwasang mag-alala. So, pumunta ako sa may gate ng bahay nila para silipin siya. Pero ang bumungad sakin ay si Dalia.
"Nandyan ba si Nich? Gusto ko siyang makausap."
She shook her head. "Ah, she's not her. Ewan kung saan 'yon pumunta."
Umuwi ako sa bahay at tumambay sa veranda ng kwarto ko. Umaasang baka matanaw siya mula doon. Hindi ako sanay na hindi siya nakikita ng mga mata ko. I feel incomplete when the next day came, but she's still absent. Buong maghapon na preoccupied ang utak ko sa kanya. I don't know what's going on with her.
And the next day she showed up, my eyes furrowed. Pansin ang pamumula ng mukha na pilit niyang tinatago. Is she sick? Why can't I ask her?
Sinabi ni Raven iyong tungkol sa exam na hindi niya nakuha. I want to hug her, I want to comfort her when I saw her teary eyes. 'Nung sinundan ko siya at nakitang umiiyak, para akong sinaksak ng konsensya ko. She has a problem but she doesn't told me about that.
Hindi ko siya hinahayaang paiyakin lang ng iba, pero 'non ay parang napakatanga ko para pabayaan lang siya at hindi alamin kung ano talaga ang problema niya.
Hugging and holding each others hand are literally a normal thing for us. Lagyan na ng iba ng malisya, pero para samin ang mahalaga ay kami, 'yung masaya kami sa isa't isa. Marami kaming magkakaibigan, but Nich and I have a special bond. Parang ayaw kong malayo sa kanya, parang gusto kong palagi lang kaming magkasama.
"Chio.." I heard her soft voice one morning.
Naalala ko ang ginawa kong katarantaduhan 'non. I let her wait for nothing, because of that musical organization I entered. Ang dami ko ring pangako at napag-usapan namin na laging nauudlot dahil doon.
Gusto kong magsisi dahil sa pagtanggap ko ng alok na iyon ni Dalia. Masyado akong nadala 'don sa dagdag grades na makukuha, and I need that, nangako akong kailangang maging proud si Mama sakin kahit minsan. But seeing Nich reaction while I'm with my org, and with Dalia, parang gusto ko nalang maging normal na student ulit.
"Chio, may ime-meet ulit tayong band sa bahay nila Jay-R. They will teach us, so punta tayo?" Dalia appeared again infront of me, at sa hallway pa at malapit sa room namin kaya ang daming nakatingin. Nakakairita. Mabuti nalang at wala sa room si Nich.
I shook my head. "Hindi na ako. Kayo nalang. I need to review my studies." pagdadahilan ko.
Prente akong nakasandal sa bintana ng room habang ang dalawa niyang kasama ay nasa may railings. Nangunot ang noo ko nang lumapit sa akin si Dalia. Sobrang lapit. The fuck is she doing?!
She put her hands on my arms. "Why? You need to be there, please. Kasama mo naman ako e, you will never get bored with me." malagkit na sabi niya.
I tried to shove her hands but she's too aggressive! Bigla nalang niyang nilapit ang mukha sa akin at ang mga labi namin. Damn it! Anong klaseng babae ba 'to? Gawain ba ng matinong babae na basta nalang manghalik ng lalaki?
Sa gulat ko nang makita si Nich ay marahas kong itinulak si Dalia. Wala na akong pakialam kung masaktan siya, at sa mga taong nagbubulungan. Ang mahalaga sakin ngayon ay si Nich.
She's not saying anything. Hindi ko alam ang gagawin t'wing siya ang ganyan sa akin. It's all my fault. Bakit kailangan niya pang masaksihan? Sinubukan ko siyang kausapin pero iba ang tingin niya sa akin. That's not my Nich. Pakiramdam ko ay nasaktan ko siya dahil doon.
Hindi ko alam kung bakit ako kabado noong inaya ko siyang dumaan sa Venda cafè. Kailangan kong bumawi sa kanya, ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil sa ganung bagay.
"Hey, hindi ako pwede nga--" I answered the phone call.
"No. Kunin mo kay Jerry ang lyrics ng song natin. That's important Chio, please pakikuha ha?"
I'm with Nich. Halos dalawang isip pa ako kung pupuntahan ba ito pero malapit lang ito, Nich will understand this. I leave her at that cafè...and that's the biggest mistake I made.
"Tangina mo, tol! What the fuck is happening on you?!"
'Yan ang bungad sakin ng kaibigan naming si Allenon nang makarating ako sa bahay nina Serrah. Pinuntahan ko si Nich sa cafè pero sarado na, mabuti nalang at tinext ni Astryl na andito siya. My hands were fucking trembling. And I want to gave up my knees when Serrah shouted.
"Alam mo bang na-sexual harassed si Nich? She almost got impetuous! Fuck you, Chio! B-Baka ikaw mismo makalimutan namin kung nagahasa si Nich!"
Parang nalaglag ang puso ko sa narinig. No, fuck! This is all my goddamn fault! Bakit ba ang tanga tanga ko?! Inutil ako! Tama si Mama, wala akong kwentang tao. I should be the one to protect her, but I put her on danger.
I entered the room where she is. And I was hurt with what I saw. Nakatalikod siya sa gawi ko habang nakahiga sa kama. Her shoulder were moving, parang pinapako ang paa ko dahil hirap makalapit sa kanya. I hugged her tightly.
"Nich, I-I'm sorry.."
Alam kong hindi sapat iyon. Hindi magiging sapat sa kasalanan na nagawa ko. She doesn't deserve to experience this, she doesn't deserve to cried.
"Ilang beses kong hinihiling, na sana kaya mong gawin ang ginagawa ni Raven..s-sana kaya mo ring tuparin ang sinasabi mo. Dahil Chio, sa bawat lakad mo papalayo sakin, sa bawat pag-iwan mo sakin mag-isa sa canteen, sa hindi mo pagsabay sakin pag-uwi, sa pag-iwan mo sakin kanina mag-isa, n-nasasaktan ako."
Her words stabbed me. Nasasaktan ako sa mga salita niya, pero alam kong mas higit na sakit ang nararamdaman niya dahil sa nangayari at dahil sa ginawa ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil doon.
After that night, parang palaging may balakid na nakaharang sa amin. I watch how she smile at Raven, the man who protect her, and the man who stay by her side. He's courting her, it isn't obvious. Parang mayroong kumirot sa dibdib ko sa isiping iyon.
No one is allow to own her, no one. Dahil hindi ako handang makita siyang pag-aari na ng iba. 'Yon ngang makita siyang nakatitig at ngumingiti kay Raven ay para na akong sinasaksak, paano pa kung mismong maging sila na?
I was hurt that time and don't know what to do. Bakit kung kailan kami nagkaganito ay saka ko lang napagtanto ang nararamdaman ko para sa kaibigan ko? The time I saw her with Raven, my heart stabbed in pain.
And that time I already admitted to myself that I like her...no, I love her. I do fell in love with my best friend.
I pursued my feelings towards her. And I feel like I'm the most luckiest man in this world when she said that she loves me too. We show our warmth of love together.
Hindi ko akalain na itong asawa ko sa bahay-bahayan noon ay papangarapin ko na talagang maging asawa ngayon. I damn want to marry her. Yes, I will do that soon.
I love her more than everything. Ayoko siyang nasasaktan. But relationship goes through a lot of challenge. And that's the fact.
Nahuli na naman niyang magkasama kami ni Dalia. At alam ko sa sarili kong wala akong nararamdaman sa babaeng 'yon that's just for the org. Kaya umalis na rin ako doon dahil hindi ko matitiyagaan na dahilan palagi ng away namin ay iyon. Hinding-hindi ko magagawang ipagpalit si Nich. That's a never.
Mukhang may sayad din naman itong si Dalia Ramirez at nagawa pa akong manipulahin dahil sa bantang sasaktan nila at aalisin dito sa school si Nich. Hindi naman ako makakapayag doon kaya nagpakatanga ako. And I feel sorry for my babe for doing that.
Nang mag-graduation kami ng college ay nasa plano ko talagang kumuha ng condo unit. And that's my surprise for her. Akala niya ay niloloko ko lang siya sa live in na sinabi ko. Pero iyon ang gusto ko, I want us together, 'yung hindi na kami maghihiwalay.
"Sinong ka-text mo?" she ask and exactly, my mother call.
Nasa mall kami kaya lumayo ako ng kunti sa kanya to talk to my mother privately.
"Zachiro, we need to talk." boses palang niya ay parang manunutok na ng baril.
I sighed. "Ma, please. I'm with Nich, 'wag ngayon." alam kong hindi niya ako tatawagan kung wala siyang kailangan.
And as what I expect...
"Ma! You're kidding right?" hindi ko maiwasang maramdaman ang tensyon sa boses ko. We're now here on her office. Pagkatapos niya akong kausapin kanina sa labas ay hindi ako mapakali, hindi ko kayang gawin ang gusto niya.
Hinampas niya ang table niya at halos manlisik ang mga mata sa akin.
"Zachiro, you know me, may isang salita ako!" madiing sabi niya. "Break up with Xinichi...and be with Dalia. 'Pag hindi mo ginawa ang sinasabi ko, 'pwes ako ang gagawa ng paraan para si Nich mismo ang lumayo sayo, I will even ruin her life. Do what I said."
What's with Dalia? Why is she acting like this? Nagtiim ang panga ako. Anong break up with Nich? Even in my dreams I can't imagine that.
I looked at her, already pisssed off. "Can't you hear yourself?...you're willing to ruin my girlfriend life just because you want me to be with someone who I didn't love? Seriously?" I smirked.
"Do what I've said. Stupid jerk.." she said like I'm not her son. Damn.
"You're impossible." I said before she head out her office.
Hindi ko alam kung anong meron kay Mama. Parang mas gusto ko pa iyong hindi niya ako kinakausap, kesa iyong ganito na kakausapin niya ako para manipulahin. Parang hindi siya ang inang kinalakihan ko.
"Chio." bungad ni Nich sa tawag ko sa cellphone niya. I stared at her and smiled. She's also staring at me, her eyes has the power to give warmth on me.
"Nich, pwede ka bang pumunta sa park na pinupuntahan natin noon?"
Mabilis akong nagmaneho ng sasakyan nang makitang naglakad na siya papunta doon. I couldn't help but to hugged her. I love her so damn much. We spent our time together at my unit. Gusto kong manatili nalang kami doon kung pwede lang habang buhay. Gusto kong tumigil ang oras para hindi na dumating ang punto na kailangan ko siyang iwan.
Kung hindi ko susundin ang gusto ni Mama, magugulo ang buhay ng babaeng mahal ko. I know she can easily do that, at hindi ko kaya 'yon. I love her so much more than everything. She answered my kisses and tear fell from my eye.
I can't help it. How can I left the girl I treasured the most? I don't know if I can stand with the decision I take 'til the end. But I will do everything even hurting her to protect her, I will. All I need is her trust. Trust me 'til we make this through my babe.
We made love that night. That was the most memorable night for me. Mahal na mahal ko ang babaeng 'to. Ang babaeng nanatili sa tabi ko simula una hanggang ngayon..at ang isipin na kailangan ko siyang saktan..unti-unti na akong pinapatay ng sarili kong nararamdaman.
I let her sleep in my arms. Hindi ko maiwasang maging emosyonal. I cried silently while hugging my girl tightly as I can.
"I'm sorry..I'm sorry.." paulit-ulit na bulong ko. "Y-You're always be the best girl for me, babe. Ikaw ang pinakamahalaga sa lahat ng meron ako. I'm sorry. Don't fallen out love with me when I hurt you. Trust me babe. Maaayos din ang lahat." I whispered in the middle of my sobs.
Hindi ko alam kung anong meron kay Dalia at naisipan ni Mama na magsama kami at papuntahin sa ibang bansa, for good? I want to be invisible the time I saw how desperate Nich is while begging for me to choose her.
'I choose you babe, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang huli.' Sa isip ko lang nasabi iyon dahil kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Ang desisyong iwan siya para sa ikabubuti niya. My mother threatened me that she will ruin her life and will make her life miserable, without telling me the reason why, she want me to be with Dalia. Ano ang gagawin ko? Hindi ko naman kayang hayaan na gawin ni Mama ang gusto niya kay Nich. Hindi ko hahayaang masira ang buhay ng babaeng mahal ko.
"I will choose Dalia over you.."
I swear that I didn't meant that, babe. I'm sorry. As I saw her tears falling down and soaking her face, I want to hug her tightly, I want to kiss her forehead and make her calm. I want to do everything to take back my words, but I can't.
"B-Bakit?...bakit ngayon pa kung kelan naibigay ko na sayo ang lahat?"
Walang araw na hindi ako nalasing simula nung nangyari iyon. Galit na galit ako kay Mama. Lalo na kay Dalia, she looks very happy with that set-up. Isa pa ang Mama niyang si Haidy Ramirez. They looked like an crazy asshole. Anong nakakatuwa na ma-set up sa taong hindi mo mahal? And worst pagsasamahin kami! The fuck is wrong with them? Nakakagago.
We're on the airport with our baggage. I looked so down. Miss na miss ko na siya. But when she's already in front of me, nagpanggap akong wala na akong pakialam sa kanya kahit gusto ko na siyang sundin, gusto kong sundin ang pakiusap niya na lumayo ako doon at sumama sa kanya. How I really wanted to do that...but sorry babe, you love a weak man.
"I-Ito ang gusto mo?...Sige! Go on, Zachiro. I-I already begged enough for you. Pero sinasabi ko sayo...p-pagsisisihan mo lahat ng 'to! At sa oras na ikaw ang magmakaawa sakin, wala kang mapapalang tangina ka!"
Her words didn't failed stabbing me. That's the consequence of my decision. Decision of hurting her. Hearing her words while I'm walking away makes me want to runback to her and wipe her tears.
"Sana hindi nalang kita nakilala!"
No, don't say that babe. Please.
"Sana hindi nalang kita naging kaibigan! Sana hindi nalang kita minahal!"
I'm drained. Please, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko. Ikaw palagi ang pinanghahawakan ko. Please don't fallen out of love with me even I'm hurting you.
Mabilis akong naglakad palayo.
"Chio, wait--" Dalia trying to reach my hand but I shoved her.
"Don't touch me." malamig na sabi ko. Kung iisipin ko lang na isa siyang biktima sa set up na 'to baka magawa ko pang maging mabait sa kanya. Pero mukhang tuwang-tuwa siya, kasabwat siya sa lahat. Damn it!
Nang makarating sa america ay wala akong ginawa kundi ang maglasing. Kailangan ko ng effect ng alcohol para kahit kunti ay mabawasan ang pag-iisip ko. Sumunod samin si Mama at Haidy Ramirez. But I don't care, mas gusto kong kasama si Nich. Only my girl.
I missed her so much.
Palagi kong naiisip na baka umiiyak parin siya, baka sobrang galit na galit na siya sakin. She regret of loving me. Bawat araw akong umaasa na sana sa paggising ko ay siya na muli ang makita ko. But my bubble of hope burst when years later past, si Dalia parin ang nakikita ko.
"What do you want? I will cook something for you, hm?" she sat beside me on my bed. Ni minsan ay hindi ako nakipag-usap ng maayos sa kanya. She tried to touch me but I shoved her again. "You're so harsh to me. Ilang taon na tayo, I love you but you're still like that to me."
"Leave me alone." malamig na sabi ko.
"But Chio--"
"Get out of my room! And shut that fuck off! Hindi kita mamahalin kaya tumigil kana sa ilusyon mo!" I screamed at the top of my lung.
Parang wala na akong ganang mabuhay. But I can't just die without telling Nich how much I love her. Gusto ko ng sumuko, pagod na ako sa nangyayaring ito.
'Until one day I found myself infront of my mother office. She also stay here. I heard Haidy Ramirez voice. Nagtago ako sa gilid at pinakinggan ang usapan nila.
"Y-You can't do that Haidy.." that's my mother trembling voice.
"I still have my alas, susundin mo lang naman ang sinasabi ko. Tell your son na magpropose siya sa anak ko. Magiging maayos ang usapan." si Haidy.
Hindi ko maiwasang mainis sa dalawang ina na nasa loob. My mom ruined my life, she doesn't care of me. At itong si Haidy, she spoiled Dalia too much na kahit anong gusto nito ay ibibigay niya. Para siyang hibang na takot na takot na masaktan ang anak. She didn't even think that she's hurting her daughter already. Dalia is infatuated with me, kahit wala na akong pakialam sa kanya ay lapit parin siya ng lapit. Gusto niya pang ipakasal sakin si Dalia, hindi ba obvious na wala ni katiting na pag-asa na mahalin ko ang anak niya?
"Why my son? Name your prize, I can give you my money if that's what you need--"
"All I need is your son. My daughter love him, and I can't stand seeing her seeking attention on him. Papakasalan niya ang anak ko! Or else I will show in public that a very successful businesswoman Aida Falter, have a sex scandal video with a very wealth governor Danny Costoban."
"Shut up!"
"oh, you're so very innocent." I heard her laughed. "Your son will propose to my daughter, at kapag hindi niya ginawa. I will leak your sex scandal video with your dearest governor."
Nagpintig ang tenga ko sa mga narinig. Nang makalabas si Haidy ay marahas akong pumasok sa office.
"Zachiro, why are you here--"
"What is she talking about?" malamig na tanong ko. I can't see my mother on her. She's not my mom anymore. Hindi siya sumagot. "WHAT THE FUCK IS SHE TALKING ABOUT?!" nabalot ng galit ang mukha ko habang nakikita siya.
Sinubukan niyang lumabas pero sinipa ko ang pintuan na halos makagiba na sa buong office.
"Chio, umalis ka dito!"
"Why not answer my question first?" I smirked, trying to calm my burning fist.
Wala akong reaksyon nang itapon niya lahat ng nasa table at malakas na hinampas iyon.
"You heard it! You already heard it! Should I repeat that again?!"
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin. Tear fell from my eye as I open my mouth to speak.
"You really sacrifice my own happiness to cover your dirty doing with...who's your stupid jerk again?...oh, that governor. Nice choice." I bitterly smirked. "Hindi pa talaga naging sapat na iwan ko ang babaeng mahal ko, talagang gusto mo pang pakasalan ko ang babaeng 'yon? You called me a stupid jerk, bobo, walang kwenta, tatanga tanga. E ikaw pala 'tong walangyang nakikipaglandian pa sa edad mong 'yan--"
She silenced me by her hard slapped on my face. Nanginginig ang kamay niya na dinuro ako.
"Don't talk to me like that! Pakakasalan mo si Dalia sa ayaw at sa gusto mo!" then she left me inside her office.
I cried that time. Sobrang pagod na pagod na ako. I leave a message to Nich social media accounts but I didn't receive any response. Palaging siya lang ang laman ng puso at isip ko, kaya kahit papano ay pakiramdam ko kasama ko parin siya.
Haidy and Mama gave her a ring, tuwang-tuwa naman si Dalia dahil akalang pakakasalan ko siya. The hell! In your dreams! Palagi siyang nakaapupot sakin simula noon. Pero hindi ko siya iniintindi. I hate her, I hate everyone, I hate myself too for being stupid. Para akong naging taga-sunod sa gusto nila. I don't care about that fake proposal, malabo pa sa plastic labo na pakasalan ko ang babaeng hindi ko mahal.
I stared at the night sky, star shining brightly that reminds me of my girl. I smiled bitterly. Kumusta na kaya siya? I hope she can forgive me, sana pag balik ko ay may babalikan pa ako.
I also found out that Haidy and Dalia hurt her before, ni hindi ko alam iyon. Sinasaktan nila ang babaeng mahal ko sa mismong teritoryo niya. That time I planned to go back and get her back.
"Hindi ka aalis! Chio, dito kalang!" Dalia shouted while I'm busy packing my things. "Pakakasalan mo pa ako! You can't go back there, hindi mo siya pwedeng balikan!" she's insane.
"I won't marry a crazy girl like you! Hindi ko kayang mahalin ang babaeng sinaktan ang totoong mahal ko! So shut up!"
She cried that time and slapped me on my face. "If you'll going back, sasama ako. Hinding hindi mo na 'ko matatakasan Chio, you're mine."
I clenched my fist. Malapit ko nang makalimutan na babae siya, mabuti nalang at lumabas siya ng kwarto.
Sa muli kong pagtapak sa lugar na pinuntahan namin noon. My heart pound loudly against my chest. I missed how she smiled at me everytime I'm giving her a toy, akala ko ay babalik ako sa ganitong lugar na magkasama kami...kasama ang anak namin. Pero mukhang malabong mangyari.
I wish I could turn back the time.
Napatingin ako sa phone ko, tumatawag si Dalia at nagtext na iniintay ako sa labas ng mall. I don't care of her, she can grab a cab. I just stared at the toys and imagine that Nich and our child are beside me. Ang saya, pero hindi ko parin maiwasang maisip ang totoong realidad. She hate me. She regret of loving me.
Aalis na sana ako na puno ng lungkot pero parang muling nabuhay ang puso ko. My heart start beating so fast as I saw Nich looking at me. Halatang ayaw niya sa nakikita, at parang dinurog ang puso ko dahil doon. I want to hug her, kiss her, and get her back. Pero parang mahihirapan ako. Well, it's all my fault. Sobrang hina ko para isuko ang babaeng mahal ko.
"Mama!" a little girl shouted and I got shocked when she hold Nich hand. May kakaiba akong naramdaman sa bata.
I think she's around...5 or...6 years old? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. She has a familiar eyes and...she looked like me. Hindi ako pwedeng magkamali.
That time I saw Astryl and her on the park, naglakas loob na akong lumapit. Pero bago pa ako nakalapit ay isang kamao na ang lumipad sa pisngi ko. Nakita ko nalang ay ang mabilis na paglayo ng anak ko...oo, she's our child. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong ako ang ama.
"Tangina mo para magbalak na lumapit!" sigaw ni Alle, ang may ari ng kamaong lumipad sa pisngi ko.
Behind him, I saw Jakoda and Kade clenching their fist, nagtitimpi ng galit. May karapatan sila. I'm an asshole and I ruined everything.
"A-Anak namin 'yon ni Nich.."
"Shut up! You fucking asshat! Ang gago mo para maisipan pang bumalik. Ang ayos ayos na ng buhay ng kaibigan namin. 'Wag mo ng guluhin tarantado ka!" sigaw ni Serrah, at makikita sa mukha nilang hindi na nila ako kilala. They don't consider me as their friend.
Muli kong nakita ang babaeng matagal ko ng hinihintay.
"N-Nich..m-may anak ba..tayo?" please say yes baby, I love you.
Pero itinanggi niya. She hate me. She despise me. Gusto kong bumalik ang dating pagtingin niya sakin pero bakit parang ang labo na? I hate myself for being weak and coward to fight for her. Sana hindi nalang ako nagpaka-anak. Sana nanatili nalang ako sa tabi ng mahal ko.
I hope my daughter can forgive me too.
I used to be their stalker. Panay lang ang masid ko sa kanila sa malayo. Mas mabuti na ito, basta nakikita ko sila.
I smiled when I found out that the bakeshop named 'Sweet bites' owner is Nich. I'm so proud of her. But my heart ache as I remember my promise to her, sabay naming tutuparin ang pangarap namin. But everything went out of line. Ang mahalaga ay natupad niya ang gusto niya...kahit hindi kami magkasama.
Nalaman ko rin na may bahay na pala sila dito sa Vista Priea. So they stay here for good? She comes to me...only for her words to stab me.
"Sana hindi ka nalang bumalik!"
Ang dami kong gustong sabihin. Pero parang wala ng lumabas sa bibig ko lalo na nang marinig ang boses ng anak ko.
"Mama...is he my father?" that sweet voice of her. My daughter.
It's hard to see them both crying because of me. Ang hirap. Ang sakit. Sa lahat ng pagkakamali ko ito pala ang kapalit. Sobrang sakit. Gusto ko lang naman na mabuhay ng masaya kasama ang taong nagpapasaya sakin, pero bakit pinagkaitan ako ng lahat?
I don't know what to do, but then, one day came. My daughter is in my arms. Hugging her feels like hugging Nich too. Kung gaano kahirap ibalik ang tiwala ni Nich sa akin, ganoon kadali naman akong pinagbigyan ng pagkakataon ng anak namin. She's really our daughter, ganyan si Nich, mabilis magpatawad. Kaya I know one day will come, she can fogive me. Siya parin ang babaeng dati kong minahal, alam kong mapapatawad niya ako.
So I work hard to reach her forgiveness, even it's too high for me, gagawin ko ang lahat para maabot iyon.
Nakatulong ang pagiging maamo ni Xia sa akin, she's so sweet and precious to me. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko habang kasama siya. Kahit palagi kong nakikita ang galit na mukha ni Nich, mas ayos na iyon basta nakakasama ko siya.
I tell her that I really love her more than my own life, and I know she still feel the same. But then, she found out that fucking fake engagement. That's hurt her. Alam kong mahal niya parin ako dahil doon.
You don't have to worry baby, you're my one and only. Ikaw ang mahal ko, pinakamamahal, over the million of stars. You're the only one shining brightly that caught my attention, that caught my heart.
Alam kong wala talaga siyang tiwala sa sinabi kong wala akong pakialam sa engagement na 'yon. Sinira ko ang tiwala niya sakin. What should I expect?
Ayokong masaktan si Nich dahil sa lintek na engagement na 'yon.
"Chio, you can't stop the engagement!" my mom shouted.
I chuckled. "Bakit ba ipinagpipilitan niya sakin ang puntanginang gusto niyong 'yan? If that's about your sex scandal, I don't care of it, I don't care of you. I only care for my daughter and Nich."
Isang malakas na sampal ang natamo ko dahil doon. "If you stop this engagement, at kung hindi ka gagawa ng paraan para hindi mapunta sa puder mo ang apo ko. Wala ka nang makukuhang kahit ano sa akin. You're not a CEO of Falter Corp. Wala kang makukuha ni piso sa akin!"
I smirked bitterly. Tinitigan ko siya sa mga mata at doon ko napagtanto na wala na talaga akong ina.
"Hirap na hirap na 'ko sa buhay na binigay niyo sakin. Pagod na pagod na ako. You sacrifice my own happiness for your own sake. Ni minsan ba inisip mo ang naramdaman ko? Ni kinumusta mo ba ako kung anong nararamdaman ko? I'm always seeking for your attention, for a mothers love, pero ni minsan hindi ko naramdaman." I heaved a sigh. "Sa babaeng mahal ko na nga lang ako sumasaya, ipinagkait mo pa. Anong klaseng ina ka? You ruined your own son's life. You ruined my life."
Kita ko kung paano siya natigilan. Ngayon mo pakinggan kung gaano ka kasamang ina.
"N-Nakita mo naman kung paano ako tingnan ni Nich diba? Pati ang anak ko muntikan ng magalit sakin dahil sa kagagawan mo! Ni hindi ako makalapit ng maayos sa kanila dahil sa bawat lapit ko parang dinudurog ako. Galit na galit sakin si Nich. Alam mo ba kung gaano kahirap ibalik ang tiwala ng taong sinaktan? S-Sobrang hirap. Ni hindi na ako natutulog sa kaiisip kung paano ko pa siya makakasama ulit, kung paano ko pa maaayos ang pamilya namin."
"Ni hindi ka ba nakakaramdam ng konsensiya? N-Naranasan ni Nich ang hindi niya dapat maranasan, lumaking walang ama ang anak ko! Dahil sa kagagayan niyo! H-Hindi ka man lang ba nakonsensiya?...D-Dahil ako pinapatay na'ko ng konsensiya ko!"
I looked at her with my clenching jaw. "Ngayon masaya kana? Masaya kana bang nakikitang galit sakin ang mahal ko? Masaya kana ba sa naging resulta niyang kagagawan mo? Are you satisfied, huh?"
"C-Chio-"
Hinugot ko ang wallet ko sa bulsa ng pantalon at hinubad ang relo kahit ang susi ng kotse ay kinuha ko at inilapag lahat sa table niya. Then I looked at her.
"Sa inyo na lahat ng 'yan. 'Wag na 'wag mo lang susubukan na pakialaman ang mag-ina ko."
"Zachiro.." parang ngayon lang siya natauhan.
"Sa inyo na ang pero mo, total 'yan naman ang mas mahalaga sayo. Wala na akong pakialam sa lahat, ang importante sakin ay ang mag-ina ko. Sila lang. Pagod na akong maging taga-sunod mo. Maling mali akong nagpauto ako sa isang kagaya mo."
She started to reach my hand but I shoved her away.
"A-Anak.."
I gritted my teeth. Ang salitang noon ko pang inaasam na marinig sa kanya, pero ngayon ay parang nakakawalang ganang pakinggan.
"I'm tired of being your son. Tandaan mo mula sa araw na 'to, wala kanang anak...at wala na rin akong ina." I left her after that.
I don't care of money. Kaya ko namang pumasok sa kahit anong trabaho. Sa paumahan ni Ate Deniz ako tumira noon, she's daughter of Nay Minda. At sila ang nagkwento ng lahat ng pinagdaanan ni Nich nung panahong wala ako. I really feel sorry for that. Ni hindi niya dapat naranasan iyon. Dapat ay ako ang nasa tabi niya noong pinagbubuntis niya si Xia, dapat ako ang kasama niyang magpalaki sa anak namin.
I worked hard for them. Gusto kong may maiharap ako sa kanila kaya hindi ako nagpakita 'nung panahon na 'yon. And about Dalia, she tried to kill her self. Sinubukan niyang maglaslas at sa tulong ng mga taong nakakita samin noon sa restaurant ay hindi niya naituloy. Hindi ko na siya sinilip manlang sa ospital noon. Nabalitaan ko nalang ang kalagayan niya. She's sick. Kaya ganun nalang ang pag-iisip niya. I visit her on the mental hospital...only to hear her words..
"Mahal ako ni Chio! Umalis ka dito!"
"Miss ito ang pagkain mo kumain kana." sabi ng isang nurse na umaalo sa kanya sa pagwawala niya.
"Lahat nalang ng lalaki sinasaktan ako! HAHAHA si Daddy! Si Daddy! Dancel Cruz! He raped me! Binugbog niya ako, papatayin ko siya. Give me your gun, papatayin ko siya!"
"Miss, calm down. He's already death okay? Inhale...exhale..you'll be okay."
So, she suffered from that at ang ina niya...kaya pala ganun nalang kung makasunod sa gusto niya. She want her daughter to be happy, lahat ng gusto nito ay ibibigay niya. Pero tingin ko ay 'yon ang nakapagpalala kay Dalia. Hindi ang pang sspoil sa kanya ang sagot, ang tamang aruga ang kailangan niya. Pero pinalala ni Haidy Ramirez ang anak sa halip na pagalingin.
Since that time, nasa mag-ina ko na ang focus ko. Pansin ko ang pag-aligid ni Jhess daw kay Nich, but I don't care. Mukha namang kaibigan lang talaga siya ni Nich.
I do everything to get her back, to complete our family. And I thanked god that it's happened. She forgave me, she gave me a chance for us to be together again.
Wala ng mas worth it pa sa makasama ang mag-ina ko.
At naging mahirap din sa akin na ibalik ang tiwala sakin ng mga kaibigan ko. But the time I do my best for my daughter and soon to be my wife, they forgave me too. I explained everything on them. Worth it din ang pananapak sakin ng tatlong tsunggo kong kaibigan na lalaki dahil tinulungan nila akong kasuhan si Haidy Ramirez. They told me everything, pinahirapan parin nila si Nich.
Tangina nila.
Nakatulong din ang ilang napag-alaman naming business partner ni Haidy Ramirez na niloko niya. Kaya napadiin ang kaso. She deserve to be in jail. No, more than jail, she deserve in hell.
I was more than contented with my daughter and Nich. Sobrang saya ko na kasama ko na ulit sila. They are my happiness. I felt so damn complete.
"Ang mahalaga, magkasama na ulit tayo, at may cute pang chikiting. Let's just considered that those odds, made our love for each other more stronger." iyon ang sinabi niya nang muli naming balikan ang mga pinagdaanan namin.
My heart beating so fast while I'm staring at her beautiful face. I smiled like there's no tomorrow. I love watching her every gesture, the way she smile, the way she teach our daughter a good manners.
She's shining brightly like the most wonderful star.
"I love you.." I whispered.
Nasa may veranda kami ng kwarto namin at nakalupagi sa sahig. Xia is already sleeping on her lap. So cute.
"Copy," she said that make my forehead knotted. She laughed. "I love you.."
I smiled at her. We're both staring at the night sky. Parang nakangiti sa amin ang bituin at buwan na nagpapaliwanag ngayong gabi.
"Wife.." I called her. Yes, she's already my wife. And will make babies later. I chuckled at my thought.
"Ano na naman? Tigilan mo 'ko sa ngisi mo Zachiro, hahambalusin kita!"
"hindi ka pa buntis high blood kana. Tinatakot mo ako, lodibabe." I pouted. She rolled her eyes on me. Damn. I'm so in love with this girl.
I put my hand on her shoulder and let her head leaned on my chest.
The odds we face made us stronger enough to find our way back to each other. I'm glad that those odds didn't weigh us down, instead, it gave us the right way to love each other forever...and that's against all odds.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro