CHAPTER 9
Chapter 9
Hinayaan na naming makatulog si Chio sa sofa at tumaas na sa kwarto ni Rhian. Magkakatabi kaming matutulog nina Astryl habang si Alle naman ay umuwi na rin sa bahay nila.
Hindi mawala sa isipan ko ang narinig sa kanya. Kahit alam kong may inom siya ay hindi mapigilan ng puso kong magkumawala dahil sa kanya.
"Chio," I tapped his cheeks. Ako ang kaunahang nagising saming tatlo nina Rhian kaya bumaba na agad ako para tingnan ang lalaking ito.
May kunting tampo ako sa ginawa niyang pagpapahintay kahapon pero wala e, hindi ko siya matiis.
Kumislot lang siya pero nakapikit parin ang mga mata. I stared on his face, his rosy lips, perfect nose bridge, jaw line, and his thick eyebrows. Hindi ko na rin masisisi ang ibang kababaehan na nagkakagusto sa kanya, he's likable.
And it's terrifying that I became one of his admirer. Hindi ko inaasahan na mararamdaman ko ito sa kanya.
Nataranta ako nang magmulat siya ng mga mata at sakin agad tumama iyon.
"Good morning," nakangiting bati niya bago naupo sa sofa at nagstretch ng katawan. "Dito ka," tinapik niya ang tabi niya na parang sinasabing doon ako maupo. Sinunod ko lang iyon at tumingin sa kanya. His smile is like a sun, shining brightly in the morning.
"Hindi ka galit?" he asked.
"Wala namang dahilan para magalit--"
"Meron, Nich." he sighed. "You should be mad at me, pinaghintay kita ng ilang oras. Kung hindi ka nakita nina Rhian 'don? Baka kung mapano ka pa...at kasalanan ko 'yon."
"I'm adult now, Chio. Kung makapag-alala ka naman parang limang taong gulang lang ako." nginiwian ko siya bago inirapan.
"E, bakit ang tipid mong magsalita sakin 'nung nakaraan? That's not Xinichi I know, suplada yon at mataray." hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya.
"Busy lang ako sa mga projects at kung ano-anong bagay. Palagi ka rin namang wala e, kaya quits lang tayo. At saka, anong suplada at mataray?! Ambait ko kaya!"
Tinawanan niya lang ako kaya lalo akong napabusangot. Mukhang wala na ang tama ng alak sa katawan niya dahil normal na itong gumalaw at magsalita ngayon. At yung tinawag niya sakin kahapon, dahil lang lasing siya kaya niya nasabi yon, I don't want make malice with that.
Nakita ko rin sa labas na dala niya ang kotse niya. I texted Daddy na dito na muna ako kina Rhian para makapagfocus sa paggagawa ng mga assignments at lecture. Pumayag naman siya, kaso ay medyo tampo ang boses dahil minsan nalang daw siya umuwi ay hindi ko pa uuwian. Napangiti nalang ako sa pagiging sweet niya sa akin.
"Ang sipag naman, lods!"
Nabwesit agad ako nang marinig ang boses ni Chio sa likuran ko. Nandito parin siya at hindi umuuwi! Habang nakalupagi sa sahig ay nakabusangot kong pinagpatuloy ang pagsusulat. He sat beside me just to stare at my face. Hindi ko siya pinansin kaya panay ang papansin niya sa akin.
"Umuwi kana nga! Para kang tanga na hangang-hanga sa kagandahan ko! Tsupe!"
Malakas siyang natawa at naiinsulto ako doon. Inabot ko ang isang notebook na nasa table at ibinato iyon sa kanya.
"May kagandahan ka pala? Di ko knows!" pang-aasar niya pa.
Mataray ko siyang tiningnan bago bumalik sa pagsusulat. Nawawala ang focus ko dahil sa kanya. Rinig ko parin ang tawa niya matiim akong tumingin dito.
"Pag ako talaga nanggigil sa'yo...hahalikan kita!" napamura ako sa isip dahil sa nasabi. Ah, ah. Para-paraan.
He smirked. "Bet ko 'yon, lodibabe."
Akmang hahampasin ko na siya ay naramdaman nalang namin na nakalapit na pala samin sina Rhian at Astryl.
"Anong lodibabe lodibabe na yan? Ha?"
Inirapan ko nalang si Chio nang matawa na naman ito. Taena talaga 'tong lalaking 'to, akala mo napakagwapo, e gwapo naman talaga.
Napailing-iling nalang ako bago nagbalik sa pagsusulat. Halos tanghali na akong nakatapos kaya sabi ni Rhian ay maglunch na daw kami bago umuwi. Si Astryl ay umuwi na rin dahil kababalik lang daw ng Papa niya galing Seoul.
Dala naman ni Chio ang kotse niya kaya dito na ako sumabay, tutal mukhang ako naman talaga ang inaantay niya kagabi pa. Nagplay pa siya ng kanta gamit ang speaker niya habang nagmamaneho, sinabayan niya iyon kaya napaiwas ako ng tingin dahil baka namumula na naman ang mukha ko.
"Sige na lods, mag-aaral muna ako, sana ikaw rin." sabi niya nang makababa ako ng kotse. Tipid lang akong ngumiti bago nagpaalam sa kanya.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nasa salas si Daddy, at ang mag-ina. I'm about to walked upstairs when I hear my Dad calling me. Kaya wala akong nagawa kundi lumapit sa kanya. Pasimple akong napasulyap sa dalawa at nakita ang pag-irap ni Dalia.
"Bakit hindi ka umuwi kagabi?" tanong ni Daddy.
Sasagot na sana ako nang maunang sumingit si Tita Haidy.
"Naku, Xian. It's not the first time na hindi yan umuwi dito. Palagi 'yang kung saan-saan natutulog."
I sighed, trying myself to calm down. Pero nagsalita rin si Dalia.
"Yes, Dad. Boys pa naman ang ilan sa kasama niya."
"Hindi ho ako kung saan-saan natutulog, kaibigan ko ang mga 'yon hindi sila iba sa akin. And so what kung may lalaki? We're childhood friends at kilala na namin ang isa't isa."
Having a boy best friends is not bad. Problema sa mga tao ngayon ay puro sila judgement, na kapag nakitang may kasamang lalaki ang isang babae ay kung ano-ano na agad issues ang binubuo. Hindi ba pwedeng magkaibigan lang? Kailangan talagang may malisya kapag malapit ang lalaki sa babae?
I can feel my blood running up through my veins. These hypocrite peoples judging my friends. Samantalang itong si Dalia naman ang dapat tinutalkshit, yumakap sa lalaki?
"Dad, aakyat muna ako sa kwarto." paalam ko sa kanya. Tahimik lang siyang tumango sa akin kaya umakyat na ako.
Naupo ako sa upuan sa side table ko at itinuon ang dalawang siko sa table. Kinuha ko ang cellphone ko para mag-fb. Unang bungad ng newsfeed ko ay nakita ko agad ang post ni Chio.
Prince Zachiro Falter
30 minutes ago
Uminom ako kahapon dahil nauhaw ako, bakit sumakit ang ulo ko? 🤮
Mahina akong natawa sa nabasa. May mga comment sina Kade at Jak pati ang ilang member ng org nila. Nagreact lang ako ng sad at hindi na nagcomment, ichat ko nalang siguro. Magtatype palang ako ng message ay naunahan niya ako.
Zachiro: Ah ah, typing..balak akong landiin. 😱
Napakagat ako sa labi dahil sa message niya. It's just a joke for him, pero sakin ay totoo. HEHE
Me: Isdang tsaa ka!
Zachiro: Ano yun?
Me: In english! 😾
Zachiro: Fish tea?..ah, oki pi.
Napakamot ako sa ilong dahil sa kacornihan ko. Tinanong ko siya kung nag-aaral pa, at sagot naman niya ay katatapos lang kaya nagtagal pa ang pag-uusap namin. Para kaming hindi magkasama kanina lang ah, at ang lapit ng bahay namin sa isa't isa pero may pamessage message pa kaming nalalaman.
Kinabukasan ay umalis na ulit si Daddy. Kaya naiwan na naman ako sa bahay naming tinitirhan na rin ng mga ligaw na pusa. Hindi ko sila pinapansin pero palagi parin nila akong pinapansin.
Minsan ay naririnig ko ang pag-uusap nila at palaging bukang bibig ni Dalia si Chio. Parang bumigat ang loob ko nang maisip na baka makuha niya ang loob ng lalaki.
"Chio, dito kana samin sumabay." sabi ni Dalia nang nasa canteen kami.
Katabi ko si Chio at nakaupo na kami sa table namin. He apologetically looking at me. Nangako siya kaninang umaga na sabay kaming magluluch at libre niya daw ako.
I slightly smiled. "Sige na, okay lang ako." I said even I know the truth, I want him to stay with me, I don't want to see him with someone else.
"Sure ka?" he asked, I nodded.
Kinuha niya ang pagkain niya at lumapit sa table nina Dalia. I stared at my food and bitterly smiled.
Hindi ko naman pwedeng pigilan ang galaw niya, sino ba ako para gawin yon? At hindi ko siya kontrolado. Kagaya nalang ng pagsali niya sa musical org na yan. Hindi ko iyon gusto dahil bukod sa malimit siyang wala, makakasama pa niya ang babaeng hibang sa kanya. Pero hinayaan ko lang siyang sumali.
I saw Raven approaching me, nakangiti niyang ibinaba sa table ang pagkain na dala niya.
"Dito ka rin pala nagcollege?" tanong ko. Ngayon ko lang siya nakita dito sa Azea University, at business & management din ang suot niyang uniform ngayon kaya nakakapagtaka dahil ngayon ko lang ito nakita.
"Oo, magkaiba lang tayo ng room, pero same course parin. Ano na? Ba't senti mode ka ata ngayon?" natatawang tanong niya. Binato ko sa kanya ang wala ng laman na chuckie.
"Oh, ano ngayon?" mataray na anas ko na kinatawa niya.
"Si Zachiro? May label na kayo?" may inis sa tono ng boses niya. Mahina akong natawa bago kumuha ng lumpiang shanghai sa plate niya.
"Wala!" pag-irap ko pa dito habang kinakain ang pagkain niya. Napangiti siya sa akin at lumipat ng upo sa kaninang upuan ni Chio. Hindi naman kami magkaibigan, pero close kami nung senior high.
Nakita kong napasulyap siya sa table kung nasaan si Chio at tumighim bago ulit ngumiti.
"Aw, may iba na palang inaasikaso.." he pouted kaya pabiro ko siyang sinampal.
"Tangina mo!" natawa ako nang makita ang pagngisi niya. "O, hindi kana president dito kaya 'wag mo 'kong sisingilin ng five pesos,"
"Hindi na ako president, boyfriend mo nalang pwede?"
"Gagi, masyado akong maganda para sayo!" pang-aasar ko. Natawa lang kami pareho at nagpatuloy na sa pagkain.
Napapasulyap ako sa gawi nina Chio at nang umalis na ang ilang member nila ay sila nalang ni Dalia ang naiwan. Tuwang-tuwa ang babae dahil nasa kanya ang atensyon ng lalaki. I don't know but there's something that stabbing my heart while watching them. Nakatagilid ang tayo ni Chio kaya minsan ay nakikita ko ang pagngiti nito. Hindi siya sumusulyap sa gawi ko kaya alam kong tuon ang atensyon niya sa babae.
"Nich, sakin kana lang tumingin." mahinang sabi ni Raven na hindi nakailag sa pandinig ko. Seryoso ang mukha niya kaya nailang ako.
"What do you mean?" tanong ko na nakaiwas ng tingin.
"Nakatuon ang atensyon mo sa kanya, samantalang siya nakatuon ang atensyon sa iba." he sighed. "Nich,"
"huh?"
"I like you,"
My mouth parted with his sudden confession. Napatitig ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya at hindi naman siya mukhang nagbibiro, pero hindi ako makapaniwala.
"Raven, muntanga ka. Hanap ka ng iba, hindi ako available!" pilit kong tumawa para mag-iba ang ihip ng atmosphere.
"Seryoso ako," he pouted.
"Bahala ka nga, ganda ko e,"
"Sobra,"
Natawa kaming dalawa. Hindi ko naman mapipigilan ang nararamdaman ng isang tao, kagaya ko, hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para kay Chio. Alam naman siguro yon ni Raven, ayoko rin siyang umasa sakin.
Natapos ang lunch ay hindi na ako isinabay ni Chio, pumasok siya sa room na hindi ako kasabay, ewan ko don, wala na naman sa mood.
"Uy, good news! May general meeting ang teachers!" sigaw ng isa naming kaklase pagkapasok sa room.
Naghiyawan ang lahat kaya natawa nalang ako.
"Tuwang-tuwa, lods?" nakangusong tanong ni Chio. Mayamaya lang ay natawa na rin siya habang nakatitig sa akin.
Wala kaming naging klase kaya kwentuhan lang ang nangyari.
Tinawag ulit ni Dalia si Chio kaya mag-isa na naman ako. Days had past, paulit-ulit na ganun ang nangyayari. Nangangako si Chio na sasabayan akong maglunch, sa pag-uwi, pero palaging hindi nangyayari.
He sometimes mentioning Dalia, asking me about her. Minsan ay naiisip kong interesado siya sa babae, naging malapit sila dahil sa org na iyon. It's hurt to see him being interested with someone.
Mag-isa akong naglalakad sa hallway pabalik sa room nang makita ko si Chio kasama sina Dalia at kaibigan nito sa daraanan ko. Ang mga kaibigan niya ay nakasandal lang sa railings habang si Chio ay nakasandal sa may bintana ng room at nasa harap niya si Dalia.
Some of students teasing them. Nakahawak ang babae sa isang braso niya habang si Chio ay nakatitig lang dito.
Nagsinghapan ang lahat ng nakakita nang halikan ni Dalia sa labi si Chio. I stuck in my track, I can feel my heart slowly breaking. I want to take my eyes away but I can't, instead, I watch Chio's reaction.
Hindi ko alam ngayon kung paano dadaan sa harap nila. I'm about to take my steps backward when our eyes meet. Lumayo siya sa babae at may gulat sa mukha habang nakatingin sakin.
I heaved a deep sigh before slowly moving my feet. Sa paglakad ko palapit sa gawi nila ay parang may kung anong tumutusok sa puso ko. Nilampasan ko sila at deretsong pumasok sa room namin.
My heart skipped suddenly from beating as an image of two person kissing pop-ups in my head. Tulala lang ako, nakatungo sa sariling mga kamay.
Dahil sa nasaksihan ko ay alam ko sa sarili kong hindi ko nalang siya basta gusto, I love him..more than a friends.
Naramdaman ko ang presensya niyang naupo sa katabi kong upuan. Hindi ko siya nilingon, pero ramdam ko ang tingin niya sa akin. Wala rin siyang imik hanggang mag-uwian na.
"Nich,"
Kanina pa siyang nasa tabi ko pero hanggang ngayon ay hindi ko nililingon. Nasa tabi kami ng daan, dahil wala akong balak na sumakay sa kotse niya ngayon ay magba-biyahe nalang ako.
"N-Nich, sabay na tayo.." mahinang sabi niya ulit.
"Magji-jeep nalang ako..p-pagwala tricycle nalang,"
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. I didn't bother to looked back on him, naglakad na siyang palayo sakin kaya nakahinga na ako ng maluwag.
Sakay na ako ng tricycle nang makareceive ng text mula sa kanya.
Zachiro: Ingat ka..im sorry,
I didn't bother to reply. I powered off my phone and slid it on my bag.
Parang may dumadagan sa dibdib ko t'wing maaalala ang pagdampi ng labi nila sa isa't isa. I can feel the pain embracing my heart.
Tulala lang ako nang maramdaman ang panandaliang pagtigil ng tricycle. I unintentionally hold my cheeks, and there I noticed, I wept.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro