CHAPTER 43
Chapter 43
Last Chapter...
Magkatulong kami ni Chio sa paggawa ng cupcakes, and it becomes our sweet bonding everyday. Panay ang lahid niya sa akin ng icing sa mukha kaya ako itong nagmumukhang cupcake.
Halos sa bahay na rin namin siya tumira. At 'nung tinanong ko siya kung saan tumitira noong umalis siya sa Forzeo, I was surprise, sinabi niyang nangungupahan lang siya ng bahay kay Ate Deniz! Remember her? Siya 'yung may-ari ng paupahang bahay na tinuluyan ko noon. Daughter of Nay Minda.
At nalaman kong si Nay Minda at Ate Deniz din pala ang nagkwento sa kanya ng lahat ng pinaggagawa ko noon. Kaya pala lahat nalang alam nito.
He hugged me from behind and kiss my nape. "I loving kissing you every second."
Umalis ako sa yakap niya at nginiwian siya. "You sounds very possessive."
"I am."
Natatawa ko siyang kinurot sa tagiliran bago kami lumabas.
Nakita namin ang kararating lang na si Jhess. I already explained everything to him. Syempre kahit noon ko palang nilinaw sa kanya na hanggang magkaibigan lang kami, mas mabuting may malinaw kaming usapan. I still in love with the man I told him I despise the most, I told him I will never be in love again. Pero ang puso ko e, mahirap pigilan, kusa akong dinala sa taong totoo akong liligaya. I still thanked him for being my armor.
"Babe, may icing ka pa sa pisngi." sabi ni Chio na nakapagpabalik sa ulirat ko. Pumunta siya sa harap ko at pinahid ang icing daw sa pisngi. "Wait, meron pa sa labi." then he stared at my lips.
"Chio!" saway ko sa kanya pero nginisian lang ako at nilapatan ng halik ang baba kong labi.
Shane and Maine make noise, isama pa ang tili ni Xia kaya napatingin ako. Nakatakip naman ang mata niya kaya natatawa akong napailing. Nakaupo siya sa may counter katabi ni Maine. At...wait! Magkatabi si Jhess at si Shane! Hindi lang magkatabi, magkaharap pa!
Chio snaked his arms on my waist and pulled me closer to him. Rinig ko ang tili ng mga empleyado ko.
Shane chukled. "Ang sakit 'non. Na-friendzone na nga. Harap-harapan pang nasaksihan ang--Aw!" natigil siya nang pitikin ni Jhess ang noo niya.
"Tumigil ka, tatamaan ka ulit sakin." sabi ni Jhess.
"Bakit naman ako tatamaan sayo? Gwapo ka ba?"
Natatawa ulit pinitik ni Jhess ang noo niya. She groaned while covering her forehead.
"Xia, tingnan mo oh, sinasaktan niya ang ate ganda mo. Suntukin mo nga."
Xia shook her head and cutely said. "No, that's bad po. Mama and Papa told me, don't hurt someone if they're not doing bad things on you."
Pareho kaming napangiti ni Chio. Si Jhess naman ay pinalakpakan pa si Xia at nagbelat na parang bata kay Shane. I don't know what's going on with this two but, I can see something beaming on their eyes.
Nag-aya si Xia na sa labas daw kami maglulunch kaya iyon nga ang nangyari. Hindi unang beses na ginawa namin 'to, pero 'yung pakiramdam, para palaging first time.
We spent our time together with so much happiness I can't name. Minsan talaga kahit anong galit mo sa tao, kapag mahal mo, nagagawa mo paring magpatawad. At kahit sabihin mong ayaw mo na sa isang tao, kapag mahal mo, sa kanya ka parin dadalhin ng nararamdaman mo, dahil ang puso mo mismo ang may alam kung kanino ka talaga sasaya.
Nakatulog na si Xia nang makarating kami sa bahay, gabi na rin kasi kaming nakauwi. I sat on the couch beside her bed and stretch my arms. Agad namang lumapit si Chio at naupo sa tabi ko para siya ang magmasahe ng braso ko.
"You look tired. Magpahinga kana." he sweetly said.
Ngumiti ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Medyo humilig na ako at itinaas ang paa ko sa couch.
"Hindi pa ako inaantok. Dito muna tayo."
He nodded while brushing my hair using his fingers. "Babe, what should I do with Mama? Patatawarin ko ba?" he sighed.
"Galit ka parin ba?"
Umiling siya. "Hindi ko alam. Siguro, ewan. I'm so dissapointed with her. Sa lahat ng ginawa niya sakin, satin. Kung ako lang ang nagdusa, okay lang e, pero 'yung pati ikaw...doon ako nagalit ng sobra sa kanya."
Napabuntong hininga ako. I feel him. Pero nararamdaman ko sa kanya na napatawad na niya ang ina, maybe sobra lang ang dissapointment na nararamdaman niya sa ina. Tinupad nga ng Mama niya ang sinabi ko noong huli kaming mag-usap. Ang magpaka-ina siya kay Chio. Hindi iyon pinapansin ni Chio nung una pero nung nagtagal, iba na ang nakikita kong ekspresyon niya. Ayos na sa akin kung anong gusto ni Chio, basta kung anong makakapagpasaya sa kanya, suportado ko.
He snorted and tilted his head to stare at my face. "Ah...what if..puntahan natin 'yung bigay na bahay ni Mama satin sa Forzeo?"
I smiled on what he said. See, nagagawa na niyang tanggapin ng paunti-unti ang bigay ng Mama niya. That house he's talking about is his mother's gift for us, para daw sa pagsisimula namin.
"Sure, babe. Matutuwa si Xia 'don. And..I miss Forzeo." ngumiti ako sa kanya.
"Okay then, we'll going there tomorrow."
Hinawakan ko ang kamay niya at pinaglaruan iyon. Naalala ko tuloy ang mga kaibigan ko, our bonding together, 'yung mga kalokohan namin sa Forzeo.
And speaking of them, napatingin ako kay Chio. He still staring at me.
"Ah..babe. About our friends, okay na ba kayo?" mabagal na tanong ko. Remembering their reaction when he showed up, halos magmukhang tigre lalo na ang mga boys.
He smiled. "Okay na kami." nangunot ang noo ko kaya nakangiti niyang hinaplos iyon. "Sila ang tumulong sakin para mapadiin ang kaso ni Haidy Ramirez."
Napaayos ako ng upo sa gulat. Napakurap ako at sinubukang ulitin sa isipan ang sinabi niya.
"Tumulong? Sa kaso? Ni Haidy Ramirez? A-Ano 'yon? Chio, ang gulo hindi ko maintindihan--"
"Shhh. I will explain it." he calmed me down. He tapped my hands and let out a deeply breathe. "Our friends, they know everything already, because like you, naintindihan nila ako, nagawa na nilang patawarin ako. And they told me about the money they stole on you, and your house. Nich, alam nating sayo lahat 'yon. At sa batas, alam nating may laban ka, so with the help of our friends, nagfile ako ng kasong estafa sa kanya. Napadali ang kaso dahil may ilang business partners niya ang nagkaso rin sa kanya. She's in jail."
Namuo ang luha sa paligid ng mga mata ko. Kaya pala hindi na siya lumitaw pagkatapos ng lahat ng ginawa nila.
"S-Si...Dalia? H-How about her?" I asked out of confusion.
"She's...ah," parang nag-aalinlangan siyang sabihin sakin pero binigyan ko siya ng nag-aantay na tingin. He exhaled. "N-Nasa mental hospital siya.."
My eyes widened. "W-What? Paano...D-Diba kasama siya ng Mama mo 'nung makita nila kami ni Xia? P-Paano.."
Oo baliw talaga ang tingin ko sa kanya pero...
"Naalala ko 'yon." he said, still holding my hands. "After that, nagalit siya sa akin dahil nalaman niyang may anak ako. She wants to ruin your life again, kaya galit na galit din ako sa kanya. I trashed that fucking fake engagement, pero hibang na siya. She tried to kill her self that time. Kung ano-ano na ring salita ang pinagsasabi niya pagkatapos 'non. D-Dahil baliw na siya."
A tear fell from my eye. I don't know what to feel. Ang mag-inang 'yon ang sumira ng lahat, saming dalawa, sa buhay ko. And karma, already destroying their lives.
Chio hold my cheeks and shhed me. Tahimik akong lumuha para hindi magising si Xia.
"W-Why?" masyadong mabilis ang nangayayari. Wala akong alam tungkol doon.
He sighed. "P-Palagi niyang binabanggit ang pangalan ng Daddy daw niya, at nung sinubukan kong tingnan siya 'don. Naabutan ko siyang may ibinubulong habang umiiyak.." he said. "She's murmuring that her biological father...raped her..and physically harassed her.."
I cried because of what he said.
"Siguro...'yon ang dahilan, Nich. She envy you. Siguro, pakiramdam niya kompletong-kompleto ka, habang siya habang buhay na binabagabag ng nakaraan niya. She want your life, but she can't have it, she can't be like you."
I hug him and leaned my head on his chest. I cried. Hinagpos niya ang buhok at patuloy sa pagpapatahan sa akin.
"Nich," he called me and hold my cheeks, and made me face him. "Babe, wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari, hm? Everything is an odds, and we already made it through." he gave me a warmth smile.
After that, pinilit ko siyang sumama sakin para pumunta sa mental hospital. Hindi ako nagpakita kay Dalia dahil tinignan ko lang siya mula sa malayo. Kung tutuusin, kaya pa niyang ayusin ang buhay niya noon e, pero anong ginawa niya? Pinalala nila ang lahat, hanggang ito siya, pasigaw-sigaw nalang at patawa-tawa ng mag-isa. Saglit rin kaming punta sa jail, to see Haidy Ramirez. I slapped her the reality, kasalanan niya ang lahat ng 'to.
Sa lahat ng nangyari, hindi ko na naisip na maghiganti. Dahil pinaubaya ko na sa tadhana ang ganti sa kanila. And then what happened now. That's how karma strikes.
"Mama, how about our house in Vista Priea? Iiwan na po natin 'yon?" tanong ni Xia habang nasa biyahe kami papuntang Forzeo.
"Baby, nope. Bahay parin natin 'yon," natatawang tugon ko.
Nang makarating sa sinabing bahay ng Mama ni Chio ay naabutan namin ito na akmang aalis na.
"Chio..anak." she smiled before looking at my daughter. "Hi, apo."
"Hi, din po." she greeted her back. Sinunod niya naman ang sinabi kong magmano sa lola niya at pagkatapos ay namamangha siyang tumingin sa bahay. "Lola is this yours?"
Nagkatinginan kami ni Chio at unti-unting sumilay ang ngiti.
"No, apo. That house is for your Papa, Mama, and of course, for you!" she said.
Tuwang-tuwa naman si Xia sa narinig. "Yey! Papa I like it here!" patalon-talon na sigaw niya.
Napapatawa akong napatingin sa kabuuan ng bahay. Dalawang palapag, at malaki ito para saming tatlo or madadagdagan pa siguro. I chuckled at that thought. But this house is too big, and I know the furnitures are too expensive too.
Umakbay sa akin si Chio na nakangiti. "Xia like it, ano babe? Let's start our new life here?"
I smiled. "G!"
Nanguna si Xia papasok sa loob ng bahay kaya nakangiti kaming sumunod sa kanya, pero natigil kami nang magsink-in samin na andito pa ang Mama niya. We looked at each other and sighed.
"Ah, aalis na rin ako." she said.
Tumalikod na siya at akmang sasakay na sa kotse nang magsalita si Chio.
"Ma, we decided to start our new life here. Baka dito na kami tumira." he said that made his mother eyes beaming with happiness.
She smiled. "That's nice to hear. Good luck, son. And welcome back to Forzeo."
Pumasok kami sa bahay nang makaalis na ang Mama niya. Panay ang hila ni Xia sa Papa niya kung saan-saan kaya ayon buong maghapon siyang pagod sa anak.
Ilang taon rin kaming nanirahan sa Vista Priea at doon din ako natuto sa lahat ng bagay. It's hard for me to leave that place pero parang iba parin ang sayang nararamdaman ko kung dito ako sa Forzeo babalik, sa bayan na pinagmulan ko. Halos malimit parin naman ay nasa Vista Priea kami dahil andun ang bakeshop ko, kaya minsan ay pumupunta na rin kami sa bahay namin 'don.
And yeah, we're now living here in Forzeo. Sobrang dami na ng nangyari sa nakalipas na linggo. Chio already forgive his mother. Nakita rin naman namin ang pagbabago ng Mama niya, at pagtupad sa pangakong magiging mabuting ina na siya. Kaya itong si Chio akala mo balik sa pagkabata kung makapagsumbong sa Mama niya kapag sinusungitan ko.
And speaking of him...ito na naman siya at nakangising pumasok sa kwarto kung nasaan ako.
"Hi, babe." nakangiting bati niya. Padamba siyang naupo sa couch at tumitig sakin.
"What?" supladang tanong ko.
He smirked and shook his head. "Ganda mo."
Tangina mo Chio. Nagpalobo ako ng pisngi at humarap sa salamin habang nagsusuklay ng buhok. Narinig ko ang pagbungisngis niya bago nagsalita.
"Malapit na ang birthday mo, at 'yung sakin." he said. Halos magkasunod rin nga ang birthday namin ngayong December. 8 ang date ng sa akin at 10 ang kanya.
Napaisip ako kung bakit niya natanong 'yon. I looked at him. "Let's celebrate it together. What do you think?"
Tumayo siya at lumapit sa akin. He put some strand of my hair behind my ears and kiss my forehead.
"G!" he answered.
Nagplano kami about 'don. Halos isang araw lang naman ang pagitan kaya mas okay kung sabay na naming isi-celebrate. We just want to throw a simple party, 'yung kami-kami lang, friends, at 'yung iba naming kakilala.
Sinubukan niyang tumulong sakin sa paggawa ng cake namin pero hindi ko siya hinayaan, that's one of my gift for him. Gusto kong special 'yon para sa kanya. I smiled when I finished designing the cake. Siya naman ay kung ano-anong inaayos tas minsan ay tutok siya sa laptop dahil may inaayos daw siya sa company nila. I don't know what it is, pero expect ko na 'yon sa kanya na isang CEO! Bungga naman.
We sleep together on the same room, and everyday, he wake me up with a good morning kiss, but now...nagising akong nakasilip siya sa bintana at nag-iinat. He smiled at me when he noticed that I'm already awake. First time niyang hindi ginawa ang daily routine.
"Happy birthday my sunshine!" he sweetly said.
Bumangon na ako at dumeretso sa banyo para magtoothbrush. What's wrong with him? Bakit parang may iba? Or whatever! It's my birthday! I should be happy.
Lumabas ako at nakitang buhat na niya si Xia.
"Mama! Happy birthday!" she greeted me with a smile. Pilit niya akong pinalapit sa kanila kaya lumapit na ako, at sa akin naman siya nagpabuhat.
"Thank you, baby girl." I kiss her cheeks. Yumakap si Chio samin at humalik din sa pisngi ko.
"I love you, my lodibabe.." ngumiti siya sa akin ng sobrang ganda. Napamurot nalang ako. "What?" natatawang tanong niya.
"Where's my kiss?" parang nagtatampo na tanong ko. Naninibago ako. There's something on him, parang sinasadya niya na hindi ako halikan sa labi. Well bahala siya, kawalan niya 'yon.
Ngumisi siya sa akin sa halip na sumagot ay inagaw niya sa akin si Xia at nagtungo sa pinto. At bago pa sila makalabas ay may narinig akong binulong niya kay Xia.
"Are you excited, baby? Do you think Papa's plan will be successful, hm?" he asked to our daughter that leave thoughts in my mind. Ano kaya 'yon?
I shook my head. Btw, ngayon ang simple birthday celebration namin ni Chio. I wore a white off-shoulder dress with my silver necklace Chio gave me, and I just apply light make-up. Lumabas ako at nakitang nakaayos na ang lahat sa may garden.
May mga red balloons, at may mga heart pa na lobo. And, I don't know what's going on here. Bakit parang valentines ang nangyari? Is these Chio's idea? Ito ba ang inaayos niya palagi? But, the decoration was very creative. 'Yung ilang flowers na tanim dito sa garden ay mas lumitaw ang ganda.
"Xinitchi Fritz!" sigaw ni Alle nang makita ako. Lumapit siya sa akin at umakbay. "Fresh na fresh ang marupok ah!"
Agad ko siyang kinurot sa tagiliran. Ang gandang bungad ng hanep na 'to ah.
"Tumigil ka! Parang hindi nabaliw sa crush 'nung high school ah." pang-aasar ko rin sa kanya.
He murmured what I'm saying. Mabuti nalang at lumapit si Astryl, kaso kasama niya si Jak.
"Marekeyks!" here comes the another tukmol.
"Ano ba?! You're so-!"
Tinawanan niya lang ako. He patted my shoulders and now on his serious looks.
"We're happy for you, Nich. You surpassed the odds. You and the prinsipe ng Forzeo." he said.
Ngumiti ako sa mga kaibigan ko. "Thank you, sa inyong lahat. I don't know what to do without you guys!" before I become emotional, I chuckled. "Doon na nga kayo! Hahanapin ko ang Prinsipe ko at si Xia...where's that little girl?"
"Na kay Serrah." sagot ni Astryl.
I saw her sitting beside her ninang. She's on her cute white dress also, of course like mother like daughter. But her father....Where's that prince? Hinanap ko siya sa paligid at nakitang kausap si Jhess. They're smiling together while talking about something I didn't know. Nang lumapit ako sa kanila ay agad umakbay sa akin si Chio at bumati naman si Jhess.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko sa dalawa. They chuckled.
"I just thanked him for taking care of my girl." Chio said.
Ngumisi naman si Jhess sa kanya. Napanguso ako. "Bakit parang iba? Nakita kong nakangiti kayo e, what's that? Chio?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya at kinagat ang labi sabay kindat.
Ano bang problema nito? I feel something I can't explain. Pati si Xia ay pangiti-ngiti lang sa akin at may extra-lambing today.
We started the celebration with our friends. Inilabas ko ang cake na gawa ko para kay Chio and he looked very happy with that. Panay ang yakap niya sa akin kahit kausap ko ang Mama niya kanina. Nasa harap kami ng mga bisita na pinapanood ang pagblow namin ni Chio ng cake.
"Birthday pala 'to? Akala ko celebration ng mga marupok!" sigaw ni Jak na tinawanan ng ibang bisita.
I rolled my eyes off him. Tinawanan niya pa ako at pinalakpakan. Siraulo.
Napatingin ako sa nasa tabi kong si Chio, panay ang pahid niya ng tissue sa noo at panay ang tingin sa anak namin na naka-thumbs up sa kanya. Napakunot ang noo ko.
"Chio, are you okay?" I asked.
He smiled at me and nodded. "Ah, I love the cake you gave, at hindi naman pwedeng ikaw lang ang magbibigay sakin n'yan, dapat bigyan din kita." sabi niya at sinenyasan si Jhess at sina Tristan, at nang lumapit sila sa gawi namin ay may dala ang dalawa na malaking cake. Three layers and color pink at may dalawang bike design na candy at merong couple na nakaupo sa bench, 'yon ang nakalagay sa harap ng unang layer ng cake. It was very beautiful.
"Who did that?" namamanghang tanong ko. Well nakakamangha talaga.
He hold my head and kiss my temple. "I'm the one who made the design, and your friends and Nay Minda helped me with the cake." he said that made my eyes beaming with too much happiness. "That's yours babe."
Naiiyak ko iyong pinagmasdan nang ilapag ng dalawa iyon sa lamesang katabi ko. Pati ang mga bisita ay namangha dito.
"Baka money cake 'yan, slice na tas iabot mo sakin ang pera." sabi ni Alle.
"Babe," tumingon ulit ako kay Chio na nasa may likod ko. He smiled. "Slice it."
"May pera ba?" tanong ko na nagpatawa sa kanila. Aba malay ko ba, slice daw e, malay natin isang milyon mahila ko dito.
Nakangiti kong inabot ang kutsilyo at bibiyakin na sana ang cake pero hinawakan ni Chio ang kamay ko at dinala sa gitna ng cake at hiniwa lang iyon ng kunti. At may lumabas doon na sabi niya ay hilahin ko daw.
Lahat ay napasinghap sa pag-aakalang pera iyon, dahil ang lumabas sa una kong nahila ay picture naming dalawa 'nung mga bata pa kami. I smiled when I remember that time. Ang pangalawa ay picture ulit namin 'nung junior high kami, ito 'yung naka-PE uniform pa kami habang buhat niya ako sa likod niya. Ang pangatlo, picture 'nung kumakain kami ng lumpia, nakatingin kami sa isa't isa habang nakataas ang kilay. At pang-apat, 'yung first anniversary namin.
"Kung may money cake, pwes may panlaban ang prinsipe namin na picture cake." sabi ni Jak na nagpatawa na naman sa lahat.
Hinila ko ulit ito at ang sumunod na picture ay kami ni Xia, naka-apat na hila akong kami ang laman hanggang sa kompleto na kaming tatlo. I smiled. Pwede ng family album 'to ah.
Last picture iyong kompleto kami dahil nang sumunod na hila, hindi na picture kundi sulat.
I love you, my lodibabe.♥︎
Ngumiti ako at sandaling lumingon sa kanya. His forehead wet with sweat. Ngumiti rin siya sa akin at sinabing ipagpatuloy ko ang ginagawa. Ang sumunod ay sulat din.
Will
Pati ang ibang bisita ay napasinghap sa nabasa. My heart started beating so fast. Kabado at dahan-dahan kong hinila ang sunod.
You
I gulped. Lahat ng nakatingin ay hinihintay ang sunod kong paghila kaya iyon na ang ginawa ko. Hinila ko ang sunod and...
Marry
My mouth parted and tears started forming around my eyes. Ngayon ko lang rin napansin na ang mga kaibigan namin ay panay ang video sa ginagawa ko. I felt nervous, happy, I don't know. Hindi ko na alam dahil naghalo-halo na ang nararamdaman ko. Muli kong hinila ang sunod..
Me.
Nagtilian ang lahat. I bit my lower lip as tears gushed down on my cheeks. Hinila ko ang sunod at akala ko ay plastic lang..but there's a fucking beautiful ring! There's a ring!
Mas lalo akong napaiyak nang kunin ni Chio sa plastic ang singsing at pinaharap ako sa kanya.
"C-Chio!" umiiyak na tawag ko sa kanya, ngumiti siya sa akin.
Napahawak nalang ako sa bibig nang iluhod niya ang isang tuhod at ipinatong ang siko sa binti habang ang kamay ay may nakaarong singsing sa akin.
"C-Chio..." I called him again.
His eyes glistened. "Xinitchi Fritz Glarileo, will you marry me?"
Mas lalong bumilis ang paglandas ng luha sa pisngi ko. Sa lahat ng pagsubok na dumaan sa amin, kahit paglayuin kami ng lahat, he's still my man. Siya parin, at siya parin ang lalaking mahal ko.
I smiled at him and aggressively nodded. Umingay ang paligid at nangunguna doon ang ingay mula sa anak namin.
His tears slowly streamed down on his cheeks. He hold my hand and slowly..he slowly slid the ring on my finger. Mabilis akong yumakap sa kanya at halos binuhat na niya ako at pinaikot.
"Damn! I love you, babe! I love you!" umiiyak na sabi niya. He cupped my face and planted a kiss on my lips. Our eyes were closed and our lips are the only one matter for us.
Nang maglayo ang labi namin ay pinagdikit niya ang noo namin. Tumitig kami sa isa't isa. Na parang kami lang ang nasa lugar, at walang tao sa paligid.
"I love you, I'm damn so happy babe, very very happy." he sweetly said while brushing my cheeks.
"Mahal na mahal din kita, Chio. G-Gago ka! Kasabwat mo ang anak natin 'no?" I said, he chuckled.
"Mama and Papa are getting married na! Yey!" Xia shouted. Lumapit siya samin kaya binuhat siya ni Chio.
He hugged me again while carrying our daughter on his left arm. He kiss her cheeks and my forehead. His touch was full of warmth and affection. I felt so damn complete.
All of the best love stories have one thing in common, you have to go against the odds to get there. And we made it through.
The magic of true love stands against all odds.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro