CHAPTER 39
Chapter 39
I stared at my daughter who's now sleeping peacefully on bed. Nahiga ako sa tabi niya hinaplos ang pisngi niya.
I coudn't help but to cried silently again. Hindi ko alam kung kailan huhupa ang sakit na nararamdaman ko. Staring at my daughter's face, makes me remember him. Alam kong durog na durog siya sa nangyaring eksena kanina, at hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako dahil doon.
Why do I care about his feelings? Noong ako ba ang nasaktan niya, inisip niya ba ang nararamdaman ko?
I dried my tears before I closed my eyes and went to sleep.
"Mama!" I heard Xia shouted. Hindi ko iyon pinansin dahil antok na antok pa ako, and besides, sobrang aga pa.
"Mama! Mama!" hinila niya ang yakap kong unan at nang talikuran ko siya ay damit ko naman ang hinila niya. "Mama ko! Bangon na!"
I groaned low but did not open my eyes. "Baby, maaga pa. Let's sleep first, hm?"
"But Mama, Papa is here!"
Natigilan akong napamulat sa sinabi niya. She's just joking, right?
Nilingon ko siya at nakitang may hawak na isang bagong barbie doll. My mouth half-opened and I can't deny that I feel little bit nervous. Muling lumapit sa akin si Xia kaya bumangon na ako.
"Let's go outside na po. Papa is waiting, he's asking me about you kanina..." naupo siya sa tabi ko habang ako ay nag-aayos ng puyod.
"Anong sabi?" kinabahan man ay hindi ko na pinahalata kay Xia. I can't forget what happened last night! At ngayon lang ulit siya nakapunta dito matapos ang halos ilang linggo na hindi pagbisita....kay Xia syempre.
"Tanong niya po kung okay ka lang. Then I nodded. You're okay lang naman po Mama, diba?"
I nodded. I hope I really am, baby.
Lumabas na siya ng kwarto nang sabihin kong susunod nalang ako. I don't know how to head out this room now. Baka paglabas ko ay tingin niya agad ang makita ko. And why would I need to be scared in my own territory?
Napa-alog nalang ako ng ulo sa pag-iisip. It's already seven in the morning. Hindi pa ako nakakaluto ng breakfast. I sighed. There's no choice but to head out this room. Kailangan kong magluto ng kakainin ni Xia.
Nagsuot ako ng cotton pajama at white shirt bago lumabas. Namataan ko sila sa may teres at buhat ng lalaki si Xia sa likuran niya. Hearing my daughter giggled and laughter warmth my heart. They enjoying the morning with smile on their face.
I bitterly smiled at the sight.
Dumeretso na ako sa kusina at nagluto ng almusal namin. I heard footsteps coming near me. Muli akong dinuluban ng kung anong pakiramdam.
"Mama, are you finish na? I'm hungry already."
I smiled at Xia who's now sitting next to me. Pinaglagay ko siya ng pagkain sa plato niya at narinig na tinawag ang ama.
"Ma, Papa don't want to eat breakfast. Ikaw na po ang makiusap sa kanya."
Napakurap ako bago napabaling ng tingin sa lalaking nasa may harap lang namin. He bit his lower lips and force a smile to Xia.
"Ah, baby. I already have my breakfast--"
"Join us here." malamig na putol ko sa pagsasalita niya.
I sighed when Xia clapped her hands in happiness. Nang mapatingin ako sa lalaki ay kita ang pagningning sa mga mata niya.
"K-Kung okay lang...sure!"
He's just acting okay infront of Xia, right?Napairap ako nang sa tabi ni Xia siya naupo. He also guide her on eating fried tilapia kaya tuwang-tuwa naman si Xia dahil sa ginagawa niya.
"Try this pakbet po, Papa." halos mapaawang ang labi ko nang masaksihan ang pagsusubo ni Xia sa ama ng gulay. "Ang sarap magluto ni Mama ko, diba po?"
"Sobra." he glanced at me. "Masarap ang Mama mo.."
Halos pandilatan ko siya ng mga mata sa narinig. Is he aware that my daughter is just seven years old? I saw how he grinned at me.
"But Mama is not a food po." she innocently said.
Tangina talaga. Sinamaan ko siya ng tingin nang muli siyang ngumisi. I hate the way he's smiling na para bang walang nangyayari sa pagitan namin. Tinuloy niya ang pagpapakain kay Xia na hinayaan ko lang.
Pagkatapos kumain ay pumunta na ulit sa may teres si Xia para maglaro. She's extra energetic today.
Niligpit ko ang pinagkainan namin at inilagay sa lababo para linisin. Accidentally, nasagi ko ang isang babasaging baso.
"Are you okay?"
Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. He came infront of me at naupo para agawin ang mga bubog na nililimot ko sa sahig.
"Ako na.."
"Mahihiwa ka. Let me do this, hm?"
Umirap ako at hindi siya pinansin. Pinulot ko ang maliliit at ewan ko ba at talagang nagkatotoo pang nahiwa nga ako. Tatayo palang ako para hindi niya makita ang dumudugo kong hintuturo nang higitin niya ang kamay ko.
"I told you." he shook his head before pulling me to the sink to wash my hand with flowing water from the faucet.
"M-Mahapdi. Tama na!" napangibit na lang ako nang dumugo parin ang hiwa pagkatapos kong alisin sa tubig.
"Let me see.." sinubukan niyang kunin ulit ang kamay ko kaya umatras ako.
"You already see it. Shut up and fuck off your guts."
"It's still bleeding, babe."
"Stop calling me that way! Pwede ba. Stop acting that we're okay, stop acting like everything is okay." galit akong umurong nang muli siyang lumapit.
Using his one swift moves, he cornered me on the sink. I got froze on my feet. Ang pareho niyang kamay ay nakatuon sa magkabila kong gilid. He stared at my eyes, as closely as he can.
Parang sasabog ang dibdib ko. Please Nich, do something to push him.
A genuinely smile on his lips makes my knees trembling. My heart throbbing so hard to the point that I am afraid that he might hear that.
"Nich..." a sweet voice of him makes my eyes close.
Bakit hindi ako makagalaw? Bakit hindi ko kayang tumingin sa kanya? At bakit nagagawa niyang ipaalala sakin ang nakaraan gamit lang ang boses niya.
"That's why I'm here. I want everything to be okay. Gusto kong magsimula ulit." he whispered on my earlobe. "I can feel that you still love me, babe. Bigyan mo 'ko ng chance para mapatunayan na kaya ko ng lumaban para sa inyo, hm?"
Please, Xia. Save your Mama. I need you here, baby.
Panay ang dasal ko na bumalik siya dito sa kusina pero ni ingay sa labas ay wala akong marinig. I can't open my eyes. Dahil baka oras na magmulat ako, kusa nalang papatak ang mga luha ko.
"Babe, ayusin na natin 'to..."
Slowly...I opened my eyes as hot tears made their way down on my cheeks. Nagkaroon ako ng lakas na itulak siya dala na rin siguro ng galit.
"N-Nich.."
"Ang kapal ng mukha mo!" I yelled at him. At bago pa ako mawala sa sarili ay pinahid ko ang luha ko at pumunta sa teres. "Xia.."
I saw her playing with Nyka and Lyka. I saw how their reaction changed when they see me.
"M-Mama did you cry? I heard you yelling po." she asked almost crying.
Lumingon siya sa likuran ko kaya nagsalita na ulit ako.
"Nyka, can you do me a favor?" she nodded. "Sa bahay niyo muna si Xia...for the meantime.."
"O-Oo, ate."
Hinintay kong makaalis sila bago hinayaan ang luhang manalaytay sa pisngi ko.
"N-Nich..I'm sorry for--"
I did not let him finish his sentence, with my heating palm I slapped him so hard that made his cheeks turns red.
"B-Bakit parang ang dali lang sayo ng lahat? And how sure you are that I still love you, huh?"
He looked at me. "Kilala kita, Nich.."
"No. You don't. Hindi na ako 'yung tatanga-tangang babae na nahulog sayo."
"H-Hindi, alam kong ikaw parin ang babaeng mahal ko. You're just being blind by your rage and hatred on me. P-Pero alam ko...ramdam ko na ako parin ang kinikilala ng puso mo."
Natawa nalang ako sa gitna ng pag-iyak. "Stop playing me with your words. 'Wag mo na 'kong gawing tanga. At 'wag kana ring umasa na maaayos pa ang lahat."
Umiling lang siya kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata. "Aayusin natin 'to." he said like he's really determined to do that.
"Walang dahilan para ayusin mo pa ang lahat!" I screamed at the top of my lungs.
"Mahal kita!"
My knees trembling and it feels like my world shut. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Panay ang iling ko dahil sa sigaw niya.
"T-Tumigil kana..."
His reaction softenend a bit. "M-Mahal kita....S-Sapat na bang dahilan 'yon?"
The ache in my chest hurts more than normal. Bakit ba kailan mong paulit-ulit na iparamdam sakin 'to? Tumitig ako sa kanya at nilabanan ang sakit na lumalatay sa buong katawan ko.
"Y-You don't."
"I do, babe..."
I bit my lower lip to stop myself from having an outburst, but I can't.
"K-Kung mahal mo 'ko..bakit may Dalia? Kung mahal mo 'ko bakit mas pinili mong ipagtabuyan ako noong oras na nagmamakaawa ako sayo? K-Kung mahal mo 'ko bakit mas piniling mong saktan ako?...I already let you go, but everytime I am thinking of you, I can't keep myself on asking why...D-Dahil...C-Chio.." halos pumiyok na ako dahil sa pag-iyak.
His shoulders were moving because of too much sobbing, as I say his name.
"...h-hindi ko parin matanggap...Ang h-hirap tanggapin na 'yung taong nangakong hindi ako iiwan..p-pinagtabuyan lang ako."
My heart shattered in excruciated pain. After giving an outburst, my knees already gave up. Naupo ako sa sahig at patuloy sa pag-iyak.
Ilang taon ko bang kinimkim 'to? Finally.
As I looked back at him, he bend his knees down infront of me, to have our eyes on same level. He get more closer that made my heart aching in the way I
can't describe. Sinubukan niyang iangat ang kamay para hawakan ako, pero dala na rin ng panghihina, kusa iyong bumagsak.
"Kahit kailan Nich, hindi huminto ang pagmamahal ko sayo." he said, making his self calm. "S-Sa lahat ng taon na nagdaan, ikaw lang.."
"K-Kung mahal mo 'ko Chio, hindi tayo ganito. 'Wag mo na naman akong lokohin...N-Napapagod din ako."
He shook his head and bit his lower lip. "Hayaan mo muna akong magpaliwanag, hm?.." he whispered. "Babe, I want to make it up to you."
I calmed myself and slowly nodded on him. I know to myself that is hard to forgive him, but knowing his side...baka sakali...baka sakaling mabawasan ang galit na nararamdaman ko.
He sighed and purse a smile. "I never stop loving you, babe. I really am."
"B-But you betrayed me." patuloy ako sa pag-iyak.
"If you love someone, you can do everything for them, right?" sa halip ay tanong niya. "E-Even hurting them, in the matter of protecting them...Gagawin mo parin, diba?"
I shook my head.
"Leaving you was the biggest mistake I made, Nich. Pero 'yon lang ang magagawa ko 'nung mga oras na 'yon para protektahan ka."
Umiling ulit ako sa kanya. Gulong-gulo na ako.
He let out a deep sighed. "That time I choose Dalia over you, palabas lang 'yon. H-Halos gusto ko nalang patayin ang sarili ko 'nung nakita kong nasasaktan kana...durog na durog ako sa bawat masakit na salitang binibitawan ko sayo."
Umiling lang ako. Pain never stop stabbing my heart. Gulong-gulo na 'ko sa bawat pinagsasabi niya.
"Mama forced me to be with Dalia."
"A-At pumayag ka naman!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Tinakot niya 'kong b-buhay mo ang papaki-alaman nila."
Matunog akong napasinghal. "Ano ba sa tingin mo ang nangyari? Nasira parin ang buhay ko d-dahil sa inyo! Kasalanan mo 'to! Y-Your cowardness ruined my life!" I yelled almost breathless.
He slowly nod his head. Ang luhang kanina pa niya sinusubukang pakalmahin ay kusang rumagasa sa pisngi niya.
"I'm sorry. You're right, I was wrong." he admitted. "She want us to stay in America, for good. W-Walang oras na hindi kita naisip noon. Kung umiiyak ka ba, kung galit na galit ka ba sakin. Kahit ipilit nila ako kay Dalia, h-hinding hindi nila mababago na ikaw lang ang mamahalin ko, ikaw lang."
"A-Ano bang nagawa ko para magkaganito ang lahat?" I cried. "What did I do to your mother, huh? M-May nagawa ba ako? Tayo? Para sirain niya ang lahat?"
"Haidy Ramirez blackmailed her." he said. Bumigat ang paghinga niya at bumilis ang pag-agos ng luha.
I stared at him trying to understand everything. My mouth parted as my whole body trembling.
"Narinig kong sinabi niya kay Mama na..Kapag hindi niya naibigay ang gusto nito, ilalantad niya sa lahat ang..." napatigil siya at napahahulgol sa harap ko. "...sinabi niyang ilalabas niya ang s-sex scandal ni Mama at nang isang governor."
Parang tumigil ang paghinga ko sa narinig. Hindi ko akalain na meron pang mga ganitong bagay na nasangkot sa lahat ng nangyari.
"Galit na galit ako sa kanilang lahat. G-Ginamit ako ng sarili kong ina para sa sarili niyang kapakanan. A-Alam kong ako 'yung gustong makuha ni Haidy Ramirez. She will do everything to have what her daughter wants. And Dalia is infatuated with me. But swear it to God, hindi ko kayang mahalin ang babaeng kagaya niya."
He stared at me and get more closer to hold my hands. I can't deny that I feel the same feeling before when he kiss my hands infront of my eyes.
"I also found out what they did on you back then. I'm sorry babe, wala akong kaalam-alam na sinasaktan ka pala ng mag-inang 'yon." he said in between kisses on my hand.
Walang salitang namutawi sakin. I don't know what to feel about this. Basta ang alam ko lang na nararamdaman ko ngayon, nasasaktan ako. For me, for him...for us.
"B-But you are engaged with her.." halos bulong ko nang saad.
He sighed. "Wala na 'yon. 'Nung nagkaroon ako ng lakas para bumalik dito, hinanap agad kita. And then I found you...and our daughter. My conscience is killing me. Tama ka Nich, I realized how weak and coward I am. Kaya gusto kong bumawi. Wala na akong pakialam sa kanila, wala na akong pakialam kung alisin ni Mama ang lahat ng mana ko, wala na akong pakialam...Basta ikaw, kayo ng anak ko. Kayo ang importante sakin."
My heart beat so hard more than its normal pace. Para akong kakapusin ng hininga sa sobrang kaba nang hawakan niya ang pisngi ko gamit ang isang kamay habang ang isa niyang kamay ay patuloy sa paghalik sa likod ng palad ko.
"Naalala mo ba 'yung sinabi ko sayo noon?...Na kapag may taong lumayo sayo, itapat mo lang ang kamay mo sa dibdib mo." ang kamay kong hawak niya ay dinala niya sa dibdib niya at diniin iyon doon. "Dahil dito, parang kasama mo parin sila....And that's what I did, everytime I am missing you. Kahit nagkalayo tayo, parang kasama parin kita dahil palagi kang nandito sa puso ko."
I can feel his heart beating so fast. There's no word coming out from my mouth. Pinakiramdaman ko lang ang pintig ng puso niya gamit ang palad ko na nasa dibdib niya, pintig ng puso na halos kasing bilis ng sa akin.
With that, I realized...our heart still has a connection to each other.
In the middle of our cries, pain little bit subside, 'cause there's warmth and affection enveloped my heart.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro