CHAPTER 37
Chapter 37
Napaka-imposible ng sinasabi ni Xia. That man? Carrying a sack? That's too unbelievable. Pwedeng namalik-mata lang ang bata.
"Hey! You're spacing out." Jakoda tsked that made me back into senses.
"M-May sinasabi ka ba?" I lick my lower lips in shameless.
Kahapon pa akong palaging nawawala sa sarili, o halos ilang linggo na rin. Bakit ba kapag sinabi mong wala kanang pakialam sa isang tao ay mas lalo kang nagkakaroon ng kaalaman na may koneksyon dito.
Jak went here at my house to visit, pero ang kwento niya ay umabot pa talaga sa mga bagay na may kinalaman sa lalaking 'yon.
He chuckled. "Dinaig pa si Dora ng isip mo kung maka-explore." umiling-iling siya habang nakangisi kaya napairap ako.
"You really enjoying pissing me off, huh?"
"I love it when you are high blood-"
Mabilis ko siyang hinampas na tinawanan pa niya. 'Yung inakala kong pinakamalala na si Alle sa mga kaibigan ko, pero humahabol pa sa pagka-tukmol ang isang 'to.
"Kelan ka ba hindi napikon? You're always like that, Xinichi." umayos siya ng upo sa tabi ko at bumuntong hininga. "Lumalayo ka sa usapan. Tinatanong kita kung ano 'yung sinasabi ni Xia, about her father."
Ang madaldal kong anak. Pagkarating niya kanina dito sa bahay ay iyon agad ang ikinwento sa kanya. Sinabi kong baka namamalik-mata lang siya pero pilit niyang sinasabi na ang Papa daw niya ang nakita.
"H-Hindi ko alam. Maybe she's just missing him...kaya akala niya 'yon ang lalaking nakita niya." I sighed. "And beside, naniniwala ka bang magbubuhat ng sako na may prutas 'yon?"
"We really don't know him already.." he chuckled which I can hear the sound of bitterness. "Ang layo na sa taong naging kaibigan natin...Sa taong loyal sayo."
Hindi na ako nakareact sa sinabi niya. Ewan ko kung maasar ako o masasaktan. He reached my hand while looking at me.
I smiled weakly. "Kung h-hindi ko kaya siya minahal...kompleto parin kaya tayo?"
Dahil ang daming nawasak. Loving him ruined everything. Kung hindi na sana ako nahulog sa kanya, siguro iba ang takbo ng buhay ko ngayon. Hindi sana nasasaktan ang mga kaibigan ko dahil lang sa pag-ibig na 'yon.
"Nich, hindi mo naman kailangang pagsisihan ang lahat e. Kambal na talaga ng pag-ibig ang sakit. Love hurts." tumingin siya sa kawalan. "Kung ibabalik mo ba ang dati...pipiliin mo bang hindi siya mahalin?"
Natigilan ako.
I bowed down my head on the floor. I did not answer him. Hindi ko kaya.
Wala na siyang sinabi nang hindi ko sagutin ang tanong. He changed the topic before he bid a goodbye. Hindi ko alam kung anong nagpapahirap sa akin para sagutin ang katanungang iyon.
Kinausap ako ng kinausap ni Xia kaya lang nawala sa isipan ko iyon. Wala ang kalaro niya kaya halatang bored na siya dito sa bahay. I asked her if she wants to go out at excited naman siyang pumayag.
Pumunta kami sa cinehan para manood ng bagong labas ng disney movie na gustong-gusto niyang mapanood. She enjoyed it that's why she's extra sweet today. Pinugpog niya ng halik ang mukha ko pagkalabas namin sa cinehan at nagpabuhat pa sa akin.
She's heavy! Pero hindi na ako umangal sa kanya at natuwa nalang dahil kahit papaano, umayos ang pakiramdam ko. That's why I loved my daughter so much, she's my happy pill. Kaya hangga't nandito ako sa tabi niya, hinding-hindi ako papayag na maranasan niya ang mga naranasan ko.
"Where do you want to eat?" tanong ko habang buhat parin siya.
"Ah, there, Mama! That place looks nice." she giggled while pointing the resto.
Bumaba na siya mula sa pagkakabuhat ko at sabay naming nilakad ang resto na nasa may di kalayuan. May isang staff na nag-asikaso ng mga order namin kaya naupo na kami sa isang table malapit sa window glass.
She's enjoying the food. May mga gulay ang in-order ko dahil favorite niya iyon.
"Mama.." she suddenly stopped from eating while staring somewhere.
"Hm?"
"Papa is here..." she said.
I got shocked on what she just said. Unti-unti akong napalingon at nakita ang kapapasok lang na lalaki. He smiled and approach the staffs. Mabuti na may kalayuan ang gawi nila sa amin kaya hindi niya agad kami makikita.
I saw him entered the bathroom...at paglabas ay nakasuot na rin ng uniform ng staff dito sa resto.
Seriously?! What is he doing?
"Ma, let's call him po!" nataranta agad ako sa narinig kay Xia.
"No...We need to go home already, Xia." sa taranta na makita pa ng lalaki ay hinawakan ko na si Xia at dinala palabas.
Nadaanan namin ang lalaki na busy sa pakikipag-usap sa customer kaya hindi kami nakita. He's working..here? Hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan.
Tahimik ako hanggang makasakay kami sa kotse. Matagal na rin siyang hindi nagpapakita kay Xia. Is that the reason why?
"Andami pong work ni Papa. I also saw him at the mall po."
Ang totoo ay nasabi na niya sa akin ang bagay na 'yon kahapon. 'Nung kasama niya si Astryl sa mall kahapon ng umaga. Sabi niya ay nakita niya rin ang Papa niya na nakasuot ng gray polo at may hawak na mga fliers na ipinamimigay sa mga tao sa mall. I used to ignore what she said. Pero ngayon ay parang naiintriga na ako sa mga nalalaman.
"Did your Ninang Astryl saw him too?" I asked.
She aggressively shooked her head. "No, Mama. She's busy with her phone that time. 'Nung sinabi ko sa kanya na nakita ko si Papa, nag-aya na po siyang umuwi."
Tumango ako sa kanya. Siguro ay kakausapin ko nalang si Astryl. I don't have any idea what is happening. Ang huling pagkikita namin ay noong gabing nagmakaawa ako sa kanya.
And remembering his word...
"Magpahinga ka muna. Hayaan mong ako naman ang lumaban para satin."
I don't know what his exact point. Lumaban? Para satin? And what's the connection of everything he's doing? Naisip ko rin iyong mga naging salita ng ina niya. In-expect ko na gagawa agad 'yon ng aksyon sa sinabi, dahil ang pagkakakilala ko sa kanya, may isa siyang salita. Gusto kong matuwa dahil mukhang hindi na nila kukunin ang custody ni Xia, pero ayokong makampante dahil baka patalikod na naman nila akong saksakin.
It's confusing..
'Nung una ay sinabi ni Xia na nakita niya ang Papa niya, carrying a sack of fruits on his shoulder. Tapos 'yung sa mall. And then now, I saw him doing things I didn't expect him to do. I thought he's a CEO already of their company. Bakit siya nagta-trabaho? Nasaan ang yaman ni Tito Zandro na nakapangalan na sa kanya?
It's not that, I am concerned about him. Naiintriga lang ako sa nangyayari.
Tinawagan ko si Astryl at sinabing pumunta sa bakeshop ko. And few minutes later, she's already here.
"Akala ko ba wala kang pakialam 'don?" she arched her brows on me.
"Pwede bang sagutin mo nalang ang tanong ko? What do you think he's doing there?"
"Hindi ko siya nakita, but based on what your daughter said. Ah, siguro ahente? Ng lupa or condo's." sabi niya at nag-cross arm. "I also got confused. He begged his knees infront of us, a lot of times. I kinda feel guilty, everytime he's doing that. Hindi ko alam..naaawa ako."
Remembering how they treated each other back then. I heaved a sigh. Hindi ko rin alam na ginawa niya iyon sa harap ng kaibigan ko.
"At hindi ko na rin siya nakikita sa Forzeo..."
Pareho kaming napaisip.
"Mananatili sayo ang anak natin..Ako na mismo ang gagawa ng paraan para hindi kana ulit masaktan."
He's words meant something on me. Para bang may kung anong kumalabit sa puso ko t'wing pumapasok sa isipan ko iyon.
Ilang araw na hindi ako pinakalma ng sarili kong nararamdaman, I went back on the restaurant where he is. Nagsuot ako ng hoodie jacket at naglugay ng buhok para hindi niya makilala.
Gabi na rin at iilan nalang ang customer. Pasimple akong lumingon sa may counter kung nasaan siya. Kausap niya ang isang staff bago lumapit sa bagong dating na customer. Tumalikod ako sa gawi nila.
My heart began throbbing so hard. Halos maghabol ako ng hininga sa sobrang kaba.
"Zac, ako na dyan. 'Yung nasa table 82 ang i-assist mo." rinig kong sabi ng isang lalaki na siguro ay staff din.
Napatingin ako sa number na nakalagay sa gitna ng table. 82. And Zac? Mas lalo akong binalot ng kaba.
I fixed my hoodie jacket and swallowed hard. Rinig ko ang mga yabag na papalapit sa pwesto ko.
"Good evening, Ma'a--"
I saw how his smile slowly disappeared. His eyes was full of shocked. Halos mabitawan niya rin ang hawak na menu nang makilala kung sino ako.
I stared at him, from head to toe. Trying to figured him out. His forehead wet in sweat, na para bang maghapon na siyang galaw ng galaw dito at walang pahinga buong araw. Ang mga mata niyang kanina ay nakangiti sa mga kausap, ngayon ay nabalot ng hiya at sakit.
I gasped. Parang kakapusin ako ng hininga ngayong kaharap ko na siya. I heard his heavy sighed before giving me the menu and his hands were both trembling. Napalunok ako dahil sa napatunayan. He's really working here.
Napatitig ako sa menu na nasa table. Nanatili siyang nakatayo sa may gilid ko at tila hindi na alam ang gagawin. He let out a deep breathe again before I heard his broke voice asking..
"C-Can I have your order....M-Ma'am..."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro