CHAPTER 35
Chapter 35
Hindi ako makaramdam ng antok. Nagpagulong-gulong na ako sa kama pero hindi ako inaantok. Gusto kong katabi ang anak ko pero hindi na ako bumalik sa kabilang kwarto.
Nang mag-umaga ay maagap akong lumabas ng kwarto para hindi mahalata ni Xia na hindi ako sa tabi niya natulog. Nagluto nalang ako ng breakfast.
Pupungay-pungay pa siya habang buhat ng ama na naupo sa upuan kaharap ng lamesa.
"Good morning, Ma!" she cheerfully said.
I smiled. "Good morning." inihain ko na ang mga niluto ko at naupo sa tabi ni Xia.
"Good morning." bati ng lalaking nasa harap ni Xia. Ginawa kong parang hangin lang iyon na dumaan sa pandinig ko.
"Ma, this is the best morning ever po! Kompleto na po tayo!"
Wala sa sarili akong napatingin sa lalaki na kasalukuyan rin na nakatingin sa akin.
"I have my Mama and Papa na!...Sana pwedeng dito ka tumira, Papa."
I gulped. "Xia...finish your food."
Natahimik niyang ipinagpatuloy ang pagkain.
Kung kaya mo lang maintindihan ang sitwasyon anak...
Nang matapos kumain ay hindi na nawala sa akin ang titig ng lalaki. Nakaramdam ako ng inis sa paraan niya ng pagtingin, na para bang binabasa ang nasa isip ko. Kinausap ko si Xia na pumasok muna sa kwarto at ayusin ang mga laruan niya, mabuti naman at pumayag siya.
Nang makaalis ito ay hinarap ko ang lalaki.
"Makakaalis kana." I said with my clenching jaw.
"May problema ba?"
Lumapit siya sa akin kaya agad akong umatras. "Pwede bang 'wag mong paasahin ang bata na magiging ayos pa ang lahat. We both know na hinding-hindi na 'yon mangyayari."
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa abot ng aking makakaya. T'wing kaharap ko siya ay parang gusto kong magwala.
He exhaled and never take his eyes off me. "Nich...K-Kaya parin naman nating ayusin ang lahat...Just listen to me, I will explain everything."
I aggressively shook my head. "Explain what?...that you are engaged with your girl?"
His mouth parted, na halatang nagulat sa narinig. Mas lumamlam ang mga mata niyang nakatitig sa akin ngayon. My heart beating so hard in nervous and pain. Bakit pa nga ba ako nasasaktan? Halos walong taon na Nich! Why can't you forget everything?
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "I-I'm sorry.."
I cut him off. "I don't care about it at all. Ang anak ko ang concerned ko dito." I do my best to keep my voice stern. Ngayon lang rin yata ang unang beses na nagkausap kami ng ganito, kalmado kahit sasabog na ang pakiramdam ko sa loob-loob. "I will make her understand habang maaga pa. Ayokong umasa pa siyang magkaroon ng kompletong pamilya kasama ka, dahil hindi mangyayari 'yon....May sari-sarili na tayong buhay ngayon."
I swallowed hard. Bakit parang tunong nanghihinayang ako? No. I despise him, at siguro ito talaga ang paraan ng tadhana para ibigay samin ang buhay na dapat samin. I have my precious daughter, nakabawi ako sa buhay. Hindi dapat pinanghihinayangan ang mga taong sumira at nagwasak sayo.
"P-Paano kung sabihin kong...ikaw parin ang mahal ko?" his voice broke. Naiinis ako at gusto ko siyang patigilin pero walang mamutawing salita sa bibig ko. He lick his lower lips before a bitter smile appeared on it. "...that I'm willing to take risk just to take you back...kayong mag-ina ko.."
I gulped the huge lump in my throat. Tamang desisyon na hindi ko na dapat siya paniwalaan sa lahat.
"Umalis kana."
Umiling-iling siya. "I don't care about that engagement too.." I didn't give any reaction. "K-Kung 'yon ang dahilan kaya hirap kang paniwalaan ako ulit...I-Ibabasura ko 'yon, just please trust what I'm saying."
"The last time na nagtiwala ako sayo n-nawala ang lahat.." halos pumiyok na ang boses ko dahil sa bigat na nararamdaman. "Umalis kana."
Bagsak ang balikat at nag-aalangan siyang tumalikod sa akin. I watched how he head out my house. Napakapit ang nangangatal kong kamay sa sandalan ng upuan at napaupo nalang ako doon.
Tears already forming around my eyes because of pain. Hanggang kailan ko ba 'to mararamdaman? Hanggang saan ba ang hangganan? I'm tired for this.
A gently tiny arms bring my preoccupied mind. She sat at my lap while worriedly looking at me.
"Why are you crying? Did my Papa hurt you again?" I just noticed it when I touch my cheeks. Hinawi niya ang kamay ko at ang maliit niyang kamay ang nagpunas sa luha ko.
I caressed her hair and smile, feeling thankful to have her in my life.
"What if he did?...do you still want him in your life?" tanong ko.
Tumitig siya sa mga mata ko, at ang magulo kong isip ang naghalintulad sa paraan niya ng pagtitig sakin...kagaya ng ama niya.
"If he did hurting my Mama again, I will hate him po." ayaw niyang nakikita akong umiiyak kaya siguro ganyan ang naging reaksyon niya. "I know it's bad to hate someone po, but I don't want to see you in pain, Mama. Okay na sakin na tayo lang, kahit wala na ulit akong Papa, basta hindi ka masaktan, Mama."
I couldn't help but to cried on her again. Parang hinaplos ang puso ko sa mga salitang binibitawan niya.
"Stop crying na po..."
Hinawakan niya ako sa pisngi at hinarap sa kanya bago halikan sa labi. Napangiti ako dahil sa ginawa niya.
"Mama is so happy to have Xianah Cydel.." I hug her tightly, don't want her to let go.
Hindi ko maituturing na disgrasya ang nangyari na nabuntis pa 'ko bago nangyari ang lahat, dahil kung hindi siguro...baka mag-isa ako ngayon. Walang karamay, walang-wala. I'm so thankful to have my friends too, dahil sila ang nagtaguyod sakin noong panahon na walang-wala ako.
Ilang gabi rin akong hindi pinatulog ng mga salitang binitawan ng lalaking 'yon. Hindi na rin siya masyadong napunta sa bahay, minsan ay dumadaan lang siya para tingnan si Xia at umaalis din. Mabuti at naiintindihan na iyon ni Xia, hindi na niya natatanong sa akin ang lalaking 'yon.
Katatapos ko lang magbake ng mga cupcakes nang marinig ang ingay ni Jhess sa labas. Kasama pala niya ang dalawang kaibigan na si Jandel at Tristan na nasa may kahira.
"Hi miss, can I order your phone number?" lokong tanong pa ni Jandel kay Maine.
Inismiran lang naman siya ng babae. "Sorry that's only for VIP po sir, hindi available sa inyo."
Napatawa ako nang makita ang pagkadismaya sa mukha ni Jandel nang talikuran siya ni Maine. Talagang dito pa sila humaharot.
"Hi babe!" sigaw ni Jhess kaya sinamaan ko agad siya ng tingin. Ang lakas talaga ng tama.
"Hi, Nich." bati sa akin ni Tristan. Ngayon lang ulit sila nakapunta dito. I missed them, lalo na si Nay Minda.
"Asan si Xia?" tanong ni Jhess sa akin at akmang aakbay pa sa akin ay hinampas ko na agad ang braso niya.
"Kinuha ni Jak, sa kanya daw muna."
Nagkwentuhan pa kami at tumulong din sila sa pag-aasikaso ng ilang customer. Nang maghapon ay umalis na din ang dalawa at naiwan naman si Jhess na nakaupo sa tabi ko at iniinom ang tinimpla kong kape.
"Parang nakita ko ang karibal ko kahapon, ewan ko lang kung siya nga 'yon." sambit niya.
I knotted my forehead on him. "Karibal? "
Ngumisi siya. "Sino nga bang karibal ko sayo?"
"Wala!"
Ngumisi lang ulit siya. Minsan ay hindi ko alam kung inaasar niya lang ako na parang may gusto parin siya sa akin, sabi niya noon ay magkaibigan nalang kami. Anyway, nakita?
"May binabaan akong resto kahapon e, parang siya 'yun nakasuot ng staff uniform." kumunot ang noo niya. "Pero namamalikmata lang siguro ako. Mukhang yayamanin 'yon, bakit magta-trabaho sa ganun."
He's right. Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang iyon.
Nagtext sa akin si Jak na ihahatid na daw niya si Xia dito sa shop kaya napangiti ako. I already miss that girl. Ayaw ko sana siyang payagan kanina pero siya mismo ang nagpumilit na sumama sa ninong niyang tukmol.
Nang dumating sila ay nag-aya na rin si Xia na umuwi sa bahay dahil inaantok na kaya iniwan ko muna ulit kina Shane ang shop.
Kinabukasan ay sa labas kami kumain ni Xia. Isang restaurant na may special lumpiang shanghai! It's also Xia's favorite.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami. At parang biglang nalaglag ang puso ko sa kaba ng magtama ang mga mata namin, ng taong hindi ko inaasahang makikita pa.
"Ma, tara na! We'll going to buy ice cream pa po."
Hinawi ko si Xia papunta sa likuran ko nang magkalad silang palapit sa gawi namin. Xia keeps calling her father pero natigil dahil sa titig sa kaniya ng babaeng peste sa buhay ko at ng babaeng...hindi ko alam kung dapat pa niyang tawagin na lola.
"Ma, napag-usapan na natin 'to! Nakikiusap ako.." he's trying to pushed his mother away pero hindi nawala ang titig nito kay Xia.
Dalia smirked. "Long time no see, Ms. Pity."
Nag-init ang dugo ko sa paraan niya ng pagsasalita. Bakit ba sa dami ng lugar, dito pa sila napadpad? I keep silent. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pakikiusap ng lalaki sa dalawa na umalis na at layuan ang 'mag-ina' daw niya.
"Ma, what's wrong?" nakayakap si Xia sa bewang ko habang takot na nakasilip sa dalawang babaeng hindi niya kilala.
Akmang lalapit sa akin ang ina niya ay humarang na ang lalaki. "Ma! P-Please...'wag kang gagawa ng eksena sa harap ng anak ko."
"Zachiro, you're being to idiot! We have a lot of connections. It will be easy to take your child custody."
Nag-init ang katawan ko sa galit. Anong balak nila? Kunin ang anak ko?
"Ma! Please, 'wag sa harap ng bata!" galit na saad ng lalaki. Humarap siya sa amin ni Xia at nagpapaumanhin na tumingin.
"We have the rights to take care of her. Zachiro, you know that." his mother said.
"Wala kayong karapatan sa anak ko." my jaw clenched. Pilit humaharang sa harapan ko ang lalaking may nakikiusap na tingin. "Kung balak niyong guluhin pati buhay ng anak ko...Kahit kasing haba ng sungay ni Satanas 'yang mga sungay niyo, hindi ako aatras."
"Nich..."
"Kung nasira niyo ang buhay ko, 'pwes kaya kong kumapit sa patalim 'wag lang maranasan ng anak ko ang lahat ng 'yon."
Nanatili akong taas noo na nakatingin sa kanila kahit may luhang namumuo sa paligid ng mga mata ko. Mataray na nakatitig sa akin si Dalia at matapang naman na nakatingin lang ang ina ng lalaking nasa harap ko.
Lumingon ako kay Xia na ngayon ay masama ang tingin sa dalawang babae. Kung hindi ko pa hinaplos ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko ay hindi maaalis ang titig niya sa dalawa.
"Mama, let's go home.." hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako kung saan nakaparada ang kotse namin.
Her father calling her but she just gave him a disgusted looks. Ni hindi niya inimikan ang lalaking dati ay hinahanap-hanap niya. Nagulat man sa inasta niya ay hindi ko na rin iyon pinansin dahil okupado ang isip ko sa mga bagay-bagay.
I didn't know how I managed to go home with my preoccupied mind. My little girl keeps comforting everytime na nahuhuli niya na natutulala ako.
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Tita Aida. Mula pagkabata ko na siyang kilala. She's strict. Pero bakit parang pati siya hindi ko na makilala? And about sa sinabi niya...Paano kung idaan nila sa korte ang pagkuha kay Xia?
I was stunned! Hindi pwedeng mawala sakin si Xia.
"B-Baby.." I called her, she sat beside me. "Pwedeng ihabilin muna kita kay Ate Nyka? May pupuntahan lang si Mama."
Nangunot ang noo niya na nakatingin sa akin. "Where po?"
"May kailangan lang akong kausapin. Is it okay with you, hm?"
She nodded. Kinuha niya ang barbie doll niya bago kami nagtungo sa kapitbahay. Kinausap ko muna si Nyka na ihahabilin ko muna si Xia at pumayag naman siya.
"Babalik agad ako." hinalikan ko muna siya sa pisngi at niyakap.
"We'll be okay, Mama." she whispered.
Muli akong dinuluban ng kaba nang makasakay ako sa kotse ko. Hindi ko alam kung tama bang gawin itong nasa isip ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagbukas ng messenger. Should I message him? I swallowed hard. Bakit ba ang hirap iwasan ng taong iniiwasan mo na?
I searched his name and he's on active status right now. Siguro, dala na rin ng takot na kunin nila si Xia...I message him.
Nich Glarileo: Magkita tayo.
Wala pang isang minuto ang nakakalipas. Na-seen na agad niya.
Nich Glarileo: Sa park. Malapit sa bakeshop ko.
Merong tatlong tuldok means his typing a reply. Ilang minuto ko iyong hinintay at in-expect ko na mahaba iyon dahil halos apat na minuto siyang typing.
Prince Zachiro Falter: okay. Ingat ka.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro