Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28

A/N: ⚠︎ this chap. contain strong words ⚠︎

Chapter 28

Dumaan lang kami saglit sa shop at dumeretso na pauwi sa bahay. I don't know but I feel nervous. Nandito 'yung pakiramdam na baka masundan niya kami, na baka kung ano-ano na ang iniisip niya about kay Xia. And I hate that fact. Hindi ko hahayaang makilala siya ni Xia.

I know that it may sound selfish but if that's the only way to protect my daughter's feelings, I will be selfish. Hinding-hindi ako papayag na pati ang anak ko ay masaktan ng dahil sa kanya.

"Ma, are you okay?" she asked while sitting on the edge of her bed.

"Matulog kana, come here." nahiga ako sa kama niya at kaagad naman siyang tumabi sa akin.

Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Ma, are you mad?" biglang tanong niya.

"No, why would I?"

"Dahil pumunta ako sa mga toys kanina. I don't want to buy anything Mama, I just want to see different kind of toys. I'm sorry po."

I brushed her cheeks before giving her a peck. "No, anak. Hindi magagalit si Mama sayo, hindi ko kaya 'yon. Just don't go somewhere without my permission, huh?" she nodded.

Mabuti naman na hindi niya napansin ang lalaking 'yon.

Niyakap niya ang malaki niyang teddy bear at tumalikod na sa akin. Hinagpos ko ang buhok niya dahil palagi niya iyong pinapagawa sakin para mabilis siyang makatulog. Nang maramdaman ko na malalim na ang paghinga niya ay sinilip ko na siya at nakitang nakatulog na kaagad kaya nilagyan ko na ng kumot at hinalikan sa ulo.

Bumibigat ang loob ko t'wing mapapatitig ako sa anak ko. Ewan ko, pero ako ang nakokonsensya sa mga maaring nararamdaman niya. She's only five years old pero may mga bagay na gusto niyang ipilit na maintindihan at mga tanong na gusto niya palaging may sagot.

Aaminin kong hanggang ngayon ay tumatakbo parin sa isip ko yung imahe ng hayop na 'yon kanina. Hindi parin naglalaho ang galit ko sa kanya, at kaylan man ay hindi na mawawala 'yon. He's a betrayer.

Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng mga luha ko nang maalala ang nakaraan. I hate it, I want to forget , pero nung makita ko siya kanina ay parang bumalik lahat ng sakit na lumatay sakin nung nagdaan na taon.

And our paths cross again in the place I never wanted to be. Doon pa talaga sa lugar na minsan na naming napuntahan bago siya nagloko. And his fucking words.

"Next time, pagpupunta tayo dito dapat kasama na natin ang anak natin, para may ibibili na tayo ng laruan."

Yeah, that's the reason why I don't want to be in that place.

Nangyari na. May anak na ako, pero hindi namin. Hinding-hindi ako papayag na makilala niya ang anak ko, dahil una sa lahat tinanggihan na niya kami. Wala siyang karapatan para maging parte pa ng buhay ni Xia.

For how many years had past, ito parin ako, umiiyak dahil sa sakit at galit sa kanya.

Kinabukasan ay kasama ko na ulit si Xia sa bakeshop dahil wala rin naman akong pagbabantayin sa kanya. Ginawa na namin ang mga orders na cupcakes at brownies, pati ang mga nagpapagawa ng cake ay nakausap ko na. Mabilis naman kaming nakatapos kaya tumulong na rin ako sa pag-aasikaso ng mga customer. Karamihan ay mga college students ang dumadayo dito.

"Tito Jhess!" sigaw ni Xia nang makita ang kapapasok lang na lalaki.

"Hi," sumalubong kaagad ng yakap sa kanya ang anak ko kaya napangiti nalang ako. Chikikay talaga. "Pwedeng 'don ka muna kay ate Shane? May pag-uusapan lang kami ng Mama mo."

She nodded on him before going to Shane. Napatingin ako kay Jhess at nakitang nakaupo na ito sa isang couch habang nakangiti sakin. I sat beside him before punching his arms.

"Ano na naman?!" anas ko kahit hindi ko pa naman alam kung anong pag-uusapan namin. "Ano?"

He chuckled. "Namiss kita," I deathly glared on him. "Ito na!..May nagpapagawa sakin ng wedding cake, tulungan mo 'ko."

Tumawa ako nang makita siyang nakanguso. "Sure! Basta may tip." we both laughed.

Tinulungan ko siya sa pagpaplano ng design dahil four layers ang gagawin niya. Sinabi kong dito nalang niya gawin para matulungan ko rin siya sa paggawa, pumayag naman siya. Sa isang araw pa naman 'yon.

"Ma, si Ninang Serrah 'yon, diba?" turo ni Xia sa kotseng nakatigil sa labas ng shop.

"Yes,"

Mayamaya nga ay lumabas na siya sa kotse at pumasok sa loob. Xia sat beside me while waiting for her ninang. Lumapit naman ito sa amin at pinuro ng halik ang mukha ni Xia.

"Sorry, minsan lang makapunta si ninang. Bawi ako sayo." sabi niya at naupo sa harap namin.

"I want to go somewhere po,"

"Where?"

Napaisip naman si Xia. "Ma, I want to visit lolo and lola's grave po."

Ngumiti naman ako sa kanya. "Sure, bukas."

"Sama naman ako," Serrah said.

It's been a years since the last time I visit my parents grave. Nasa Forzeo 'yon, at kung noong panahong nagbubuntis ako pumunta don baka may makakilala pa sakin at makita akong buntis. Alam naman natin na ang balita ay mas mabilis pang lumipad sa agila.

I know my parents will understand, masyado rin akong naging busy nung nagdaang taon dahil nga sa pag-iipon ko ng pera para samin ni Xia.

Kinabukasan nga ay bumisita kami sa puntod ng magulang ko. Sinamahan kami ni Serrah kaya sa kotse na niya kami sakay. It's Xia's first time to be here in Forzeo. Kaya panay ang tanong niya sa ninang niya.

"Ma, let's go there after visiting lola and lolo." turo niya sa tindahan ng mga candies.

"Oo naman baby, sasamahan ka ni ninang ganda."

Nginiwian ko lang si Serrah sa pagsagot niya. Pumunta na kami sa puntod ni Mommy at Daddy dahil panay na ang aya ni Xia. Hindi niya ako hinayaang ipakilala siya sa kanila dahil ang anak ko na mismo ang nagpakilala. Kung nabubuhay lang siguro sina Daddy, alam kong tuwang-tuwa sila sa pagkabibo nito.

Pagkatapos niyang kausapin ang lolo at lola niya ay panay na ang ikot niya sa paligid. Nakamasid lang kami ni Serrah sa kanya at natatawa t'wing pilit niyang binabasa ang pangalan na nakalagay sa mga lapida. Mabuti at hindi siya natatakot sa lugar na 'to.

"Ang cute ng anak mo, mana sakin." sabi ni Serrah.

"Wow, ano namang ambag mo sa pagiging cute niyan?"

"Aba malay ko, baka sakin mo pinaglihi." she chuckled.

Pareho kaming lumapit kay Xia nang makita itong titig na titig sa isang lapida. Nagkatinginan kami ni Serrah nang makita kung kaninong puntod ang tinitignan niya.

"Ma, who's Zandro Falter?" she asked out of curiousity.

I gulped. "Ah...H-Hindi ko kilala anak...Tara na." lumapit naman ito sa akin at kumapit sa kamay ko.

Hindi ko pwedeng ipakilala na lolo niya 'yon dahil baka itanong niya pa kung bakit niya naging lolo, hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil sa ama niya. Knowing Xia, magtatanong at magtatanong 'yan. Kaya bahala na, mas okay ang magsinungaling pag ganitong bagay.

Ipinasyal ko na rin si Xia dito sa Forzeo dahil nandito na rin naman kami. She doesn't know na dito ako lumaki dahil hindi ko rin naiikwento sa kanya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain sa isang resto at tumawag si Jak kay Serrah.

"Bakit daw?" bulong ko sa kanya para hindi na marinig ni Xia.

She exhaled. "You already know that he's back?"

Hindi ako nakasagot.

She's glaring at me. "Nich, nakita niya na ba kayo ni Xia?" tumingin kami sa anak ko na busy sa pagkain.

I slowly nodded. Hindi ko maintindihan kung bakit niya natanong 'yon. At bakit niya nalaman na andito na ang lalaking 'yon. 

"Bakit tumawag si Jak? Anong sabi?" I don't know but I feel nervous with the thoughts forming inside my head.

She looked away. "Nasa bahay siya nina Jak. Pilit kang itinatanong."

I rolled my eyes to hide my pain. Where did he get the guts to do that after all the shits he cause? Sigurado naman akong kahit isa sa mga kaibigan namin ay matagal na rin siyang kinalimutan at itinakwil. Wala siyang mapipiga sa mga kaibigan ko.

My jaw clenched. Ayaw pa ni Xia na umuwi pero nagpahatid na kami kay Serrah pauwi sa bahay namin.

Mabuti at pumunta sa bahay namin ang batang kapitbahay namin na kalaro ni Xia kaya hinayaan ko lang silang magkulay ng mga coloring book sa may salas. Nagtungo ako sa kusina at tinawagan sa phone si Jak.

"Nich.." bungad niya.

"M-May nangyari ba d'yan?" alam kong mainit ang mga mata nila nina Kade at Alle sa lalaking 'yon. Imposibleng usap lang ang nangyari.

He sighed. "Syempre may sapakan na nangyari. Pwede ba naman 'yon. After so many years, nagkaroon pa talaga siya ng lakas na magpakita, ng ganun-ganun lang! I will always despise him. Naiintindihan mo, Nich? We will always despise that asshole."

Kahit hindi niya kita ay napatango ako. "I-I will always remember that, Jak. Hindi na natin maiibalik ang dati nating samahan."

"okay lang 'yan. Basta importante okay kana rin."

Do I really okay?...kahit sa sarili ko ay hindi ko alam ang sagot. T'wing may katiting na alaala na bumabalik sakin ay nasasaktan parin ako, t'wing makikita ko ang pagtataka ni Xia sa mga bagay-bagay ay nasasaktan ako.

"Nich?"

I cleared my throat when he speak on the line again. "Yes?"

"he's asking about you and your daughter....paano kung makahanap siya ng evidence na sa kanya si Xia?"

I sighed before looking at my daughter. "Edi malaman na niya! Pero hinding-hindi ko siya ipapakilala kay Xia. I may sound selfish, but that's for good."

Ibinaba ko na ang phone pagkatapos non. I heaved a sigh while looking at my daughter. Alam kong pag-aalis ng karapatan itong ginagawa ko pero mas gusto ko 'to. Ayokong pati siya ay masaktan dahil sa lalaking 'yon.

Hindi ko maintindihan kung bakit pa siya bumalik. Ilang taon na rin ang nagdaan, posibleng may pamilya na sila ni Dalia. At 'yung buong pagkatao niya, hindi ko na makilala. He changed a lot. Sa lahat. At wala na akong pakialam don.

Nagpaka-busy ako sa bakeshop para hindi ko na maisip ang mga bagay na pwedeng mangyari. Maraming deliveries ngayong araw kaya halos pabalik-balik sina Dylan at Arjie sa pagde-deliver ng mga orders. Mabuti at ang iba ay sinabing pick-up nalang. Less hassle.

Naupo ako sa isang couch malapit sa window glass kung saan kita ang labas ng shop namin. Mayamaya lang ay nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Astryl. Kinuha niya si Xia kanina dahil ipapasyal daw niya, pumayag na rin ako para naman hindi maburyo ang anak ko sa shop. At isa pa kung andito 'yon kukulitin lang niya si Shane at Maine. 

Sinagot ko ang tawag niya at napatayo ako sa pagkakasalampak sa couch nang makarinig ng ingay sa kabilang linya.

"Hello? Astryl? Si Xia kasama mo?" tanong ko.

I heard her heavy sighed. "Yes. Nich, s-si Chio nakita kami. Kasama ko sina Alle ngayon, don't worry ilalayo ko si Xia, iuuwi ko siya."

Nanginig ang kamay ko sa kaba at galit. She ended the call. Sinabi niya na rin sakin ang lugar kung nasaan sina Alle, sa may park. Pinuntahan ko agad ang lugar na iyon at magdidilim na rin, wala ng tao sa paligid.

Nakita ko kung paano galit na sumigaw si Serrah, si Jak at Kade na nakakuyom ang kamao, si Alle na panay ang sapak sa lalaking hindi ko na makilala. Pain was tugging in my chest. Ito 'yung eksena na di ko inexpect na mangyayari sa aming lahat.

"N-Nich.." finally, he saw me. The reason of all my suffering. The man that I will always despise.

Sinubukan niyang tumayo at lumapit sakin pero isang sapak ni Alle ay bumalik siya sa pagkakaluhod. Lumapit ako sa kanila, I stared on him. Ewan ko, kahit dumudugo na ang mukha niya, kahit putok na ang labi niya, wala akong maramdaman kahit katiting na awa.

Gumapang siya palapit sa harap ko na may nagmamakaawang tingin. I don't understand him. Bakit pa? Ano pang gusto niya? He end up everything between us. He fucking left with someone.

"Nich!" galit na tawag sakin ni Serrah.

"N-Nich...m-may anak ba...tayo?" he asked directly with his bended knees in front of me.

I sarcastically laughed. Kita ko ang pagdaan ng sakit sa mata ng mga kaibigan ko nang mapatingin ako sa kanila.

"Gusto mong malaman?" tanong ko. I know that he knew something on me and my daughter, unang kita palang niya sa anak ko ay alam kong nakaramdam na siya ng kakaiba. My daughter has a figure of him. I smirked as pain stabbing inside my chest. "Oo may anak ako! Anak ko! At para malaman mo, hindi sayo 'yon!" madiin na sagot ko.

He aggressively shook his head. "n-no... alam natin parehong...may nangyari sa'tin bago..." he paused. Napangisi nalang ako nang hindi niya maituloy ang sasabihin niya...bago siya nagloko.

My jaw clenched while staring at him. "Anong akala mo? Na ikaw lang? Fucked off! I've done a lot of things with several men since you betrayed me."

"Nich.." mahinahon na tawag sakin ni Serrah. Alam kong kinaawaan na nila ako ngayon. I'm really pathetic.

Hindi ko siya pinansin at madiin lang na nakatitig sa lalaking nasa harap ko.

"Ano? May angal ka ulit? Na ikaw pwedeng magloko ako hindi? Tangina mong hayop! Ang lakas din naman nga ng loob mo na magpakita pa dito.." nanginginig na ang boses ko dahil sa labis na galit sa kanya.

A tear fell from his eye. He's still begging in front of me. Kahit anong sabihin ko ay parang ayaw niyang maniwala.

"A-Alam kong ako ang ama niya...Nich, bakit?....b-bakit hindi mo sinabi?"

Napaawang ang labi ko at napangisi sa sinabi niya. My friends cussed.

"Wag na 'wag mong isusumbat sakin ang tanong na 'yan dahil una palang, s-sinubukan ko. Sinubukan kong sabihin sayo pero anong ginawa mo? Sinabi mong kahit anong dahilan hindi na magbabago ang isip mo! N-Na kahit kami ng anak..." tears slowly gushed down on my cheeks. "...n-na kahit ang batang nasa sinapupunan ko noon hindi pwedeng maging dahilan..."

Halos nagsisikip na ang dibdib ko nang maalala ang nakaraan na 'yon. I want it to be burried pero paulit-ulit iyong bumabalik sa alaala ko. I hate the fact that 'til now, I can't make myself sure that I'm okay...I know that I will never be.

Mas umagos ang luha niya dahil sa sinabi ko.

"N-Ngayon alam mo na...I can't hide my child anymore. Oo anak mo 'yon!" I confessed. Pansin ko ang pag-iling ng mga kaibigan ko sa akin. His shoulders are moving because of too much sobbing. "P-Pero kagaya ng sinabi ko noon. Wala kang mapapala. Hinding-hindi ako papayag na kilalanin ka ng anak ko."

He looked at me. He's now trying to hold my hands but I shoved him away.

"N-Nich..."

"K-Kinasusuklaman kita!" sa bawat lapit niya ay umuurong ako.

"I'm sorry...sorry.." umiyak lang siya ng umiyak.

"...b-baka kahit ang anak ko, kasuklaman ka kapag nalaman niyang pinagtabuyan mo rin siya noon!"

"H-Hindi ko alam...patawarin mo'ko.." lumuluhang sabi niya. "N-Nich please...hayaan mong bumawi ako sa anak ko..."

Nanginginig ang kamay ko siyang dinuro. "Wala kang karapatan! Hayop ka! Demonyo gago!" I cried harder.

Hindi ko na matagalan na nakikita siya kaya tumalikod na ako. Pagod na 'kong masaktan. Palagi nalang.

"Nich..." he's still calling my name. Rinig ko ang bawat hikbi niya sa pagtawag sakin pero tuloy ako sa paghakbang.

I'm tired. Exhausted in everything.

Nakayuko ako at mas lalong napaiyak nang marinig ang huli niyang sinabi bago ako tuluyang tumakbo paalis sa lugar na 'yon.

"N-Nich...kahit pangalan ko lang...k-kahit pangalan ko lang sabihin mo sa a-anak natin..."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro