CHAPTER 26
Chapter 26
Being a mother is a mission. Lahat kailangan mong harapin, wala kang choice kundi ang gawin ang lahat ng bagay na alam mong makabubuti sa anak mo.
You will show how beautiful life is for your child. Kahit ikaw mismo na durog na durog na, kailangan mo paring ngumiti at maging masaya sa harap ng anak mo.
Hearing my daughter crying brought me into senses. She's already two months old. Karga siya ni Astryl na tuwang-tuwa sa anak ko.
"Cutie cute!" sabi niya. "Ang ganda ng bebe namin!"
"Mana sa Mama." I commented.
Dumating din ang iba naming kaibigan kasama ngayon si Rhian. May dala silang mga laruan at damit para kay Xia.
Jak was smiling at me while I show him my fist. Ang sarap talaga niyang sapakin lalo na nung araw na nanganak ako.
"Suplada parin ni Nich, 'wag mong sabihing pregnancy thing parin 'yan." sabi ni Jak bago naupo sa sofa.
"Nye!" umirap ako sa kanya na tinawanan niya pa. "Alle, isapak mo nga ako ng isa d'yan!"
Tumawa naman ang lalaki at sa halip na sundin ako ay sa akin siya lumapit.
"Kumain ka muna, may dala kaming pagkain." sabi niya.
Sila muna ang nag-alaga kay Xia habang ako ay kumakain. Minsan ay akala mo kung napano na sila dahil panay ang sigaw, 'yon pala ay nakita lang na ngumiti ang anak ko.
I am now happy and contented for what I have. Hindi na ako hihiling pa, ang makasama lang at maibigay ang pangangailangan ng anak ko ay masaya na 'ko.
Bumalik ako sa pagtatrabaho nang mga ilang months na ang anak ko. Minsan ay si Ate Deniz na ang nagsu-suggest na sa kanya ko muna iwan ang anak ko. Mabuti naman siyang tao at napatunayan ko na iyon kaya pumayag na rin ako.
Mas lumakas ang kita ng panaderya ni Nay Minda dahil sa mga cake na ginagawa namin ni Jhess. Araw-araw ay tambak palagi ang orders. Kaya mas nadagdagan ang kita namin, mas nadadagdagan ang ipon ko para sa amin ni Xia, at para sa future bakeshop ko.
Magkasama naming kinausap ni Jhess ang isa sa customer namin na nagpapagawa ng birthday cake para sa anak niyang babae na magd-debut. Gusto daw nila 'yung ginagawa naming mga designs. We thanked her for that.
Kinausap din niya ang asawa na panay lang ang approve sa gusto niya. Masayang samahan ang meron sila, at suportado ang anak. Hanggang makaalis sila ay para akong nawala sa sarili.
Pain tugging in my chest. I want to forget him. I really wanted that so bad. Pero bakit t'wing bumabalik ang mga alaala ang sakit parin. Hindi ko parin tanggap. Wala na akong nararamdaman kundi galit sa mga taong 'yon, sa kanya.
My breathe become heavy as tears already forming around my eyes.
Sakay na kami sa tricycle pabalik sa bakery. Jhess leaned my head on his shoulder. Aalis pa sana ako sa pwesto, but he's hushing me. Bumibigat ang loob ko at gusto kong umiyak.
"Magiging okay ang lahat," he gave me an assuring smile.
Sa t'wing bumabalik ang alaala na nagbibigay ng sakit sakin ay palagi silang nand'yan para i-comfort ako. Also my princess, she's smiling now. T'wing makikita ko ang ngiti niya ay parang naaalis agad ang pagod ko.
She's peacefully sleeping now. I stared at her face, her angelic face. Mabuti nalang at kamukha ko siya, baby pa naman kaya sabi ng iba ay kapag malaki na saka ko makikita kung sino talagang kamukha.
I hold her hands and put it on my cheeks. A tears fell from my eyes.
"I-I wish, I can give you a better life.." I cried silently. "I-I'm sorry anak if Mama can't give you a complete family, hmm? But I promise, l-lahat gagawin ni Mama para sa'yo. I will do my best for you."
I know that time will come she will ask me about him. At hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya.
Handa akong maging nanay at tatay para sa anak ko. Ayokong maramdaman niya na may kulang sa buhay niya. She's the only reason why I fight to stay alive, sa kanya ko na isinasalalay ang lahat.
My daughter has a very beautiful face, her eyes is like a shining crystal, her pinkish lips like mine, and her thick eyebrows. I smiled while scanning her from head to toe.
She hug Alle's leg. Kinarga naman agad siya ng ninong niya at dinala kung saan kanina pang nagtuturo ang anak ko.
"Nich, ilalabas na ba natin ang cake?" tanong ni Jhess na kalalapit lang sakin.
Ngumiti ako at tumango. "Oo, pakilagay nalang sa isang table."
Tipid siyang ngumiti bago sinunod ang sinabi ko. Sumunod ako kung saan dinala ni Alle ang anak ko. Nakita kong may hawak na itong balloons habang nakaturo sa tarpaulin niya.
Napangiti ako bago lumapit sa kanila at hinalikan sa pisngi ang anak ko.
"Happy birthday, baby."
Kinuha ko na siya kay Alle para ako naman ang kumarga. Panay ang turo niya sa picture namin na nasa tarpaulin niya.
"Yon, Ma..ma." she said. Medyo bulol pa siya pero unti-unting nakakapagsalita. She's one year old now. Napakabilis. Parang ayoko pa siyang lumaki, gusto kong baby nalang siya.
Itinuro niya ang picture namin na karga ko siya habang nakatitig kami sa isa't isa at nakangiti. I find it cute. Kay Astryl ko lang kuha ang mga picture na 'yan dahil minsan ko lang naman na gagalaw ang cellphone ko. Si Astryl ang pinakamaraming picture kasama ang anak ko, akala mo siya ang nanay.
"Xia, your ninangs are here!" sabi ni Alle at tinuro sa anak ko ang kararating lang na sina Rhian, Serrah at Astryl. Unahan pa sila sa pagbuhat sa anak ko. Xia looks happy with them, kaya sila ang kinuha kong ninang e, dahil alam kong maaasahan sila sa pagtayong pangalawang ina sa anak ko. At sina Alle, Kade, and Jak naman ang ninong. Oo, nilahat ko na sila para walang tampuhan. Kaya ayan, todo spoil sila kay Xia.
Simple celebration lang naman ang ginawa namin para sa first birthday ni Xia. Happiness tugging in my heart because of Xianah. She's my strenght and also my weakness, my life revolves for her. Hindi ko kaya kapag siya ang nawala sakin.
The days and months swiftly went on. Nakaluwag-luwag ako sa pera kaya naisipan kong magpagawa na ng sariling bahay. Simple lang, 'yung normal na bahay lang. Lumalaki na rin si Xia kaya kesa babayad pa 'ko ng upa, mas mabuti yung sariling bahay na para maipon ko na 'yung mga dapat ay pang bayad sa upa.
Ginugol ko ang oras sa pag-aalaga kay Xia at pagtatrabaho. Hanggang sa nakaya ko ng magpatayo ng sarili kong bakeshop. Everyone is cheering for me.
Hindi naging madali ang lahat. Inalala ko pa noong panahong buntis ako. I worked hard. Lahat pinasok ko. I experienced everything, how cruel life is, how painful the reality is. Pero ganun talaga ang buhay, kailangan mong umakyat sa hagdan na puno ng pako at matatalas na bagay bago ka makarating sa pangarap mo. Every steps that you take will give you an unbearable pain.
But then there's a people around you that will cheer you up, that will give you enough strength to carry on. Kaya kahit ramdam mo parin ang sakit sa bawat paghakbang mo, magagawa mo paring umakyat na nakangiti. Hanggang umabot kana sa dulo at maabot mo na ang pangarap mo.
For years of working with my ass, years of facing odds, and years of struggling with my life barriers. I am now successfully fulfilled my dreams.
I smiled and stared at the night skies.
Yes, I am a star, that shine in times of darkness.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro