CHAPTER 23
Chapter 23
Halos isang oras akong hindi umaalis sa pwesto ko hanggang maramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Pumunta ako sa bahay namin at papasok palang sa gate ay bigla nalang akong napasuka. Nakita ako ni Ate Bia kaya tinulungan niya ako at inaya sa loob.
"Jusko, ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak? Masama ba ang pakiramdam mo? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong niya pero yakap lang ang naging sagot ko.
I cried on her. Hindi na siya nagtanong at hinayaan ako sa pag-iyak sa kanya. She comport me till I calmed down. Nakiusap na rin ako sa isang driver namin na ihatid ako sa hotel kung saan ko mas gustong tumuloy ngayon.
Pagkarating ko sa unit ay nahiga agad ako at hindi napigilan ang luhang muling nag-uunahan sa pagpatak. I still can't digest everything. My Chio wants to stop this, hindi ko kaya. Para akong kinakapos sa paghinga sa kaiiyak magdamag.
Kinatulugan ko ang pag-iyak at ilang araw na ang nakaraan ay wala akong kain, o kahit lumabas sa unit ko ay hindi ko magawa. Para akong nawalan ng ganang mabuhay. I'm still hoping na isang araw ay bubukas ang pintuan at makikita ko ang nakangiting si Chio. Pero ilang araw na simula 'non, he didn't came.
Kinapa ko sa kama ang cellphone ko nang marinig itong mag-ring. Tumatawag si Serrah. Sinagot ko na rin dahil nakasampung missed call na.
"Hello? Nich? Nasa'n ka? Ilang araw kanang hindi makontak ng kahit na sino samin. Hello? Hey, are you there?"
"Hmm?" pakiramdam ko ay wala na akong lakas para makipag-usap. "S-Sa Beniz Hotel, unit...057." 'yon lang ang sinabi ko at binaba na ang tawag.
Nakakaramdam rin ako ng pagkahilo. Siguro ay dahil na rin sa hindi ko pagkain. Palagi lang akong nakahiga, parang lumpo na hindi makalakad.
Rinig ko ang tawag ng mga kaibigan ko mula sa labas ng unit ko kaya kahit nanghihina ay pinilit kong makatayo para pagbuksan sila ng pinto.
Kasama ni Serrah si Kade, Astryl, Alle, at Jak. Si Rhian daw ay nasa manila. They look shocked when they see me. Para silang nakakita ng isang tao na hindi nila kilala.
"What the fuck is happened on you?" lumapit si Astryl sakin at mabuti nalang at inalalayan niya ako pabalik sa kama. "Nangangayayat kana."
"Nich! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" pang-umpisang sermon ni Serrah. Nasa may kitchen siya at masama ang tingin sakin nang bumalik sa kwarto ko. "Ilang araw kanang hindi kumakain?"
"H-Hindi ko alam.." mahinang sagot ko.
Napasinghap naman ang tatlong lalaki at taka akong tinignan.
Lumapit sakin si Alle at hinawakan ako sa pisngi. Sinuri niya ang kabuuan ko bago ako tinignan sa mga mata. "Nasa'n si Chio?"
I expected that they will ask me about him. Kusa nalang pumatak ang luha sa aking mga mata. Ramdam kong mas lalong napatitig sa akin ang mga kaibigan ko.
"H-He fucked up. He end everything..."
Hinawakan ako ni Alle sa ulo at inilapit ako sa kanya para mayakap. Naupo naman si Serrah sa harap ko at hinawakan ako sa kamay.
"Why? We know Chio, hindi niya magagawa 'yon without apparent reason."
"Si Dalia! Mas pinili niya ang babaeng 'yon kesa sakin!" hinihingal na sagot ko. "H-Hindi ko alam ang gagawin.."
Hindi na sila nagtanong pagkatapos 'non. Sabi ni Kade ay may binili daw siyang pagkain kaya ihahain daw niya sa table sa kitchen at pati si Jak na may dala daw na luto ng Mama niya.
Tumahan na ako at inayos ang sarili bago sumunod sa kanila sa kusina. May mga pagkain na nga sa lamesa at nakaupo na sila. Naupo ako sa tabi ni Kade at Jak. Sabay pa nila akong pinaglagay ng pagkain sa plato ko at panay ang pagmamalaki ni Jak sa luto ng Mama niya.
"Ito, chicken curry. Niluto ni Mama 'yan." pinaglagay ako ni Jak sa plato ng dala niyang ulam kaya napangiti ako. I miss his mom's recipe.
"Salamat.."
Ngumiti rin siya sakin at ginulo ang kasusuklay ko lang na buhok. "As always, mare."
Sisumulan ko na sanang kumain nang hilahin naman ni Kade ang plato ko. "Order ko pa 'to sa mamahaling restaurant."
"Yabang naman," sabi ni Serrah.
"E, 'don lang naman sa karinderya sa bayan binili." nakangiwing sabi ni Astryl.
Natatakam kong pinagmasdan ang inilagay ni Kade na dalawang lumpiang gulay sa plato ko at ang isinasalin niyang sauce. Pero sa kabila ng pagkatakam ko ay parang bumaliktad na naman ang sikmura ko sa amoy niyon.
"Okay ka lang?" tanong niya pero hindi ko na nasagot at dumeretso na sa lababo.
Tumilarok ang suka ko kaya lumapit na sa akin si Serrah na hinahagod ang likod ko at si Kade na may dalang isang baso ng tubig.
"B-Bakit hindi ko gusto--" hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla na naman akong mapasuka. "...ang lumpia.."
It's my favorite. Nagtaka rin ang mga kaibigan ko at napatitig sa akin. Naupo na ulit ako sa upuan ko at ipinalayo kay Kade ang lumpia. Napamurot naman siya sakin dahil binili daw niya 'yon para talaga sakin. Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang umayaw ang sikmura ko doon kahit gusto ko naman.
Pagkatapos naming kumain ay nanood ng tv ang tatlong lalaki habang si Astryl at Serrah naman ay magkausap sa may kusina. I heard my name, at hindi na ako magtataka kung about samin ni Chio ang usapan nila.
Papasok na sana ako sa kwarto nang makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa door knob at hinilot ang sentido bago sinubukang humakbang papasok sa kwarto pero muntik lang akong matumba.
"Nich?" rinig kong tawag ni Jak na nakaupo parin sa couch katabi ang dalawa. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa siko nang mapansin na hindi ko maimulat ng ayos ang mga mata ko.
Unti-unting lumabo ang paningin ko at humina ang pandinig, ang huli ko nalang namalayan ay ang pagbuhat sakin ng kung sino.
Nagising ako na nakapalibot sakin ang mga kaibigan ko. Hawak ni Astryl ang isa kong kamay at malungkot na ngumiti sakin nang makita akong nakamulat na. Si Serrah at Alle ay seryosong nag-uusap sa may pintuan at agad na lumapit sakin nang magtama ang paningin namin.
"Anong...ginagawa ko dito?" tanong ko at paupong nahiga sa kama. Inikot ko ang paningin sa paligid at nasa ospital ako. Napatingin kami sa doktora na kapapasok lang sa kwarto.
She smiled at me, tumingin din siya sa mga kasama ko na akala mo ay may dalang magandang balita, hanggang sa ibalik nito ang tingin sakin.
"Congrats, Ms. Glarileo. You're three weeks pregnant." happiness was beaming from her eyes.
Pero kabaligtaran 'non ang reaksiyon naming magkakaibigan.
"That's why you're experiencing nausea and other pregnancy thing." paliwanag niya pa. "Who's the father of the baby?" tanong niya na nakapagpatahimik sa amin.
She realized that we're not comportable on her question, so she just explained something about my situation. Hindi ko na iyon pinansin at napatulala nalang hanggang sa lumabas na siya ng kwarto.
Lumapit sa akin si Serrah at niyakap ako. She brushed my hair and put some strand of it behind my ears.
"S-Si Chio, we'll tell him about this." she whispered.
Ayaw na niya sakin. Tinapos na niya ang lahat. Ni hindi ko man lang naisip ang posibilidad na mangyari 'to.
"He didn't answer my calls." sabi ni Alle na hawak ang cellphone.
Tears slowly streaming down on my cheeks. What if he don't want this child? Gusto kong magwala dahil sa katangahan na nagawa ko. Sana naging maingat ako, sana pinagpatuloy ko ang paniniwala ko na walang nananatili sa mundo na kahit siya ay, maaring mawala sakin.
"Dalia's post on instragram, with Chio." pinakita ni Jak ang post na nakita niya. It's Dalia with her baggage at nasa tabi niya ang lalaking...
"S-Sa airport..." sabi ko bago tumingin kay Alle. "Samahan mo 'ko,"
He shook his head. "No, baka makasama pa sayo--"
Inalis ko ang kumot na nakapatong sa akin at lumapit sa kanya.
"Nich, kami nalang. Just rest here." suhestiyon ni Serrah.
"S-Samahan mo ako, Alle. Please, he need to know this before..." I cried. Tears shut me down.
Wala na rin siyang nagawa kundi ang samahan ako. Mabilis rin kaming nakarating sa airport at hinanap siya. He's here at kasama ang babaeng 'yon. Nakasunod sa akin si Alle habang panay rin ang linga sa paligid.
"Maghiwalay tayo, dito mo siya hanapin sa baba ako sa taas."
"Nich, baka kung mapano ka pa. We'll find him together."
"Alle please, forgive me...k-kailangan ko ng tulong mo ngayon."
Tumango siya at lumapit sakin para yakapin ako. "Just text or call me if something's happen, huh?" he whispered. Tumango lang ako sa kanya bago umalis.
Sumakay na ako sa escalator pataas at agad siyang hinanap. Medyo madaming tao kaya mas lalo akong nahihilo sa kanila. Pero hindi ko na maisip ang nararamdaman ko, all I need is to find him.
Nakita ko ang isang lalaki na may hawak na passort at naka-black polo. Sinundan ko iyon dahil alam kong siya 'yon.
"Chio!" tinarayan pa ako ng isang babae na nasagi ko pero patuloy lang ako sa paghabol sa kanya. "Chio!"
He stopped on his track. I know that he recognized my voice. I slowly walk towards him with my shaking body. My heart beating loudly on my chest.
Humarap siya sakin na walang kahit anong reaksiyon na makikita sa mukha niya. I walked closer to him and almost hug him but he move a few step backward. Tumitig ako sa kanya na nagmamakaawa.
"C-Chio...why? Why do you need to be like this?" I stuttered. I gasp trying to stop my tears from falling but it burst out. I stared on his eyes. "Please make me understand...W-Wala akong makuhang sagot kung bakit k-kailangan nating maging ganito. Babe, please.."
Hinawakan ko siya sa braso na agad niyang inalis.
"Stop what you're doing, Nich. Tinapos ko na. Wala ng tayo. Ano pa bang hindi mo maintindihan?" malamig ang tono ng boses na tanong niya.
"Ito! Ito ang hindi ko maintindihan!" sinubukan kong agawin ang passport na hawak niya na mabilis niyang iniwas. "Yan! B-Bakit may ganyan? Chio, nangako ka sakin na hindi mo 'ko iiwan. Umalis tayo dito, 'wag ka namang umalis. P-Pano ang mga pangako mo? Ang pangarap natin?"
"I'm sorry for that.."
"Wag kang mag-sorry dahil gagawin pa natin 'yon, u-umalis na tayo dito. Tara na, C-Chio."
"...It's my decision, you can't do anything to change my mind."
I cried. Bakit ganito? Gaano pa ba kasakit ang pwedeng ibigay ng nararamdaman ko? I want to give up but I need to stood up and try my best to make him back.
Pumitik sa isip ko ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. I stared closely on his eyes. I heaved a sigh while squeezing my own hands.
"K-Kahit.."
He didn't give me the chance to finish my sentence. He cut me off.
"Kahit ano pang dahilan..." he slowly, shook his head.
My thin string of hope had broken. His words causing me more emotional pain. I want to screamed in pain but the huge lump in my throat pushing my words inside me.
Ano bang nagawa ko para pati ang batang nasa tyan ko ay hindi pwedeng rason para bumalik siya? Am I not good enough for him?
Umiiyak akong tumitig sa kanya. He showed no reaction that gives excruciated pain in my heart.
Nabaling ang paningin namin sa nasa di kalayuan na si Dalia. Tinatawag na niya si Chio. Gusto ko siyang sugurin, pero wala na akong lakas dahil sa sakit na lumalatay sa buong pagkatao ko.
Bumalik ang tingin ko sa lalaking ngayon ay nakatitig rin sa akin. Sa bawat sakit na dumadaloy sa katawan ko dahil sa kanya, dahil sa pagkadurog ko sa bawat salitang binibitawan niya...hindi ko na siya makilala.
He's not the man that I love..
My shoulders are moving because of too much sobbing. I bit my lower lip before looking straightly on him while tears pricking on my eyes.
"I-Ito ang gusto mo?...Sige! Go on, Zachiro. I-I already begged enough for you." patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. "Pero sinasabi ko sayo...p-pagsisisihan mo lahat ng 'to! At sa oras na ikaw ang magmakaawa sakin, wala kang mapapalang tangina ka!" I cried and feel restless.
Hinang-hina na ako, physically, mentally, emotionally. He bowed down his head, and slowly...he turn his back on me.
Para unti-unting tinutusok ng kutsilyo ang buong katawan ko. Mabagal siyang humakbang palayo sakin, sa paraang parang hirap siyang lumakad palayo.
Nalunod na ako sa sakit at hindi ko alam kung paano aahon.
I stared at the man who slowly walking away from me.
"Sana hindi nalang kita nakilala!"
I shouted. Mas lalong bumagal ang paglakad niya.
"Sana hindi nalang kita naging kaibigan! Sana hindi nalang kita minahal!"
My words was hurting me too.
Umaasa parin akong lilingon siya at tatakbo pabalik sakin pero wala, I'm just dreaming for nothing. There's a sword that didn't stop stabbing my chest. Sobrang sakit. Lalo na ang makita siyang lumayo, kasama ang ibang babae.
My knees gave up. Ramdam ko ang tingin ng ibang tao sakin pero hindi ko sila magawang pansinin. Umiyak lang ako ng umiyak habang nakatulala sa dinaanan nila.
He's the man the I love, my bestfriend, my everything...yet, the man who gave me an unbearable pain.
I bit my lower lip to stifle my sobs.
"S-Sana hindi nalang ikaw ang ama ng batang dinadala ko..."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro