CHAPTER 22
Chapter 22
"Nich, gising kana?" rinig kong tanong niya sa likuran ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napangiti nang makitang nakabihis ako ng big size shirt na siguro ay damit niya at sweat pants. Bigla niya akong hinapit palapit sa kanya at hinalikan sa pisngi.
"Good morning," bati niya habang yakap ako ng mahigpit.
"Chio,"
"hmm?"
"What did we do?" tanong ko na nagpakunot sa noo niya.
"Nagsayaw tayo ng versace on the floor." natatawang sagot niya.
"Gago," I chuckled. I hold his hand and intertwined our fingers. "I told you, I'm not into sex before marriage."
"But you gave in," he laughed.
Naramdaman ko ang halik niya sa ulo ko at mas hinigpitan ang yakap ng isang braso sakin. Humilig ako sa dibdib niya habang magkahawak parin ang aming kamay.
"Chio...'yung kahapon, may problema ba?" hindi ko alam kung nakailang tanong na ako nito. Hindi parin niya ako sinasagot at mukhang wala siyang balak sagutin. "Okay, I won't force you."
"Just trust me." sabi niya. Tumango nalang ako kahit hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. I trust him, he knows that. Kaya hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang sabihin iyon.
"Nich, you are my star. Kahit gaano pa karami ang bituin sa langit, ikaw lang ang nag-iisang nagbibigay liwanag sakin. Ikaw lang ang pipiliin ko, over the millions of stars." panay ang halik niya sa buhok ko at hinalikan ang kamay naming magkahawak.
Ngumiti ako sa kanya bago bumangon at hinila siya. "Magluto tayo ng pagkain, gutom lang 'yan."
Kumuha siya ng t-shirt niya at nagbihis na rin. Magkatulong kaming nagluto ng pagkain na meron sa ref.
I can feel some part of my body aching because of what happened last night. Tinawanan niya pa ako dahil t'wing tatayo ako ay bumabalik ulit ako sa pagkakaupo dahil parang may nakirot sa binti ko. Binato ko nalang siya ng basahan na hawak ko at pinandilatan ng mata.
Kinuhanan ko siya ng picture habang nakasuot ng apron at naghahain ng pagkain. Nakabusangot naman siya sa huling picture dahil nahuli akong kinukunan siya ng litrato.
"Let's eat, baby." nakangising sabi niya bago naupo sa tabi ko. "Do you want me to feed you?"
"No thanks." umirap pa ako sa kanya na tinawanan niya.
Pansin kong naka-ilang ring na ang cellphone niya at parang wala siyang balak sagutin.
"Sinong tumatawag?" I ask.
Tinignan niya iyon at pinakita sakin ang tumatawag. He's mom. Pumunta siya sa kwarto at doon sinagot ang tawag. Mukhang seryoso na naman ang usapan nila and for the first time, narinig kong magtaas ng boses si Chio sa ina. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero sa buka ng bibig niya ay mukha siyang galit? I don't know.
Binaba niya ang cellphone at hinihimas ang batok na tumalikod sa gawi ko. Tapos na rin naman kaming kumain kaya iniwan ko muna ang pinagkainan namin at lumapit sa kanya.
"Chio.." mahinang tawag ko ngunit sapat na para marinig niya.
Humarap siya sakin at ngumiti bago ako hinila palapit sa kanya at niyakap ng sobrang higpit. He heaved a sigh like as if he have a very very hard problems. Niyakap ko lang din siya at hinawakan sa pisngi.
"Chio, kahit ano pa 'yan. Andito lang ako, palagi para sa'yo." I stared on his eyes for a moment.
"I love you...I will never regret of falling in love with my bestfriend."
Ngumiti siya sakin at hinalikan ang dulo ng ilong ko. "Ang swerte ko sayo, Nich."
Natatawa ko siyang sinuntok sa dibdib. "Hindi ka swerte sakin, hindi ako swerte sayo. Kundi swerte tayo sa pagmamahal na meron tayo sa isa't isa."
"Wow," reaksyon niya na kinatawa ko. "Babe, stay here for a while."
"Bakit?" humiwalay ako sa yakap niya at kunot noo siyang tinignan. "Dito? As in dito sa unit mo?"
He nodded. "Yes, may kailangan akong ayusin. S-Sa company, about the papers. I will be here before dinner, I promise."
Tumango nalang ako sa kanya. "Mag-isa lang ako," sabi ko at ngumuso sa kanya na parang bata.
"I will call Astryl to be here." sagot niya bago ulit ako niyakap. "I love you.." sabi niya ulit bago pinaglapat ang labi namin.
May kung ano akong nararamdaman na parang hindi maganda kung aalis siya. Ewan ko, parang merong part sakin na gusto siyang pigilan. Pero bakit naman? Umiling-iling nalang ako at ngumiti sa kanya.
"Sige na, maghihintay ako. Before dinner."
Tumango siya sakin at humalik sa pisngi bago naglakad palabas. Tumitig pa siya sakin ng ilang minuto bago sinara ang pinto. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba. I mean, it's not his usual self. Mukhang problemado talaga siya ngayon.
Niligpit ko ang pinagkainan namin at naglinis na rin ng unit niya habang wala pa rin naman akong magawa. Mayamaya lang ay dumating na rin si Astryl na nakakunot ang noo sa akin.
"Okay kana?" tanong niya.
Naupo siya sa couch kaya tumabi ako sa kanya at tinignan ang dala niyang nasa supot.
"Anong kung okay kana?" takang tanong ko. "At saka ba't may prutas kang dala?"
"Gago talaga ang hanep na 'yon, sabi may sakit ka daw kaya puntahan kita." she pouted. "Mukhang busy na si Zachiro ah, pati sina Rhian hindi ko na mahagilap kung nasaan."
"We're really getting older." pareho kaming natawa. Ang daming nabago. Yung mga dating problema na hindi namin pinapansin ngayon ay parang sobrang bigat na para samin.
Naikwento rin ni Astryl na may iba't iba ng pinagkaka-abalahan ang mga kaibigan namin. I miss them. My friends, my comport zone.
Umalis rin siya nang mag-gabi na dahil may pupuntahan pa daw, kaya naiwan akong mag-isa. Wala pa namang text or calls si Chio kaya naghanap nalang ako ng pwedeng lutuin sa ref, may stock din ng mga ham at kung ano-ano kaya nagluto na ako para sa dinner.
Since tapos na akong magluto, nag-text na ako sa kanya at tinanong kung nasaan na siya. I waited for his reply, but it took an hour when I received a reply from him.
Zachiro: I'm on my way.
Tinignan ko ang oras at nakitang mag-aalas otso na. Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama sa paghihintay sa kanya. Parang gusto nang pumikit ng mga mata ko pero panay ang pigil ko. He's on the way here kaya aantayin ko na. Sayang rin ang niluto kong tinola at nagbake pa 'ko ng cake.
Muli akong napatingin sa wall clock at nakitang mag-aalas diyes na. Hindi ko na malabanan ang antok ko hanggang unti-unti ng sumara ang mga mata ko. I fell asleep and woke up when I heard his voice from my back.
"Nich," malambing na tawag niya habang yakap ako mula sa likuran. "Did you eat?"
"Ikaw?" inalis ko ang braso niya na nasa bewang ko bago bumangon at humarap sa kanya. He gave me an apologetic look. "Kumain kana?" I ask him and he nodded.
I look away before walking to the kitchen. Niligpit ko na ang mga nakahayin na pagkain at inilagay nalang sa ref.
"Babe, you haven't eat yet." rinig kong sabi niya mula sa likuran ko.
"Busog pa 'ko.." tinapos ko ang ginagawa at dumeretso na ulit sa kama at nahiga. "A-Anong sabi sayo ng mama mo?"
He sat beside me and heaved a sigh. "May ano....Ah, a-about sa business." sabi niya at ngumiti bago nahiga sa tabi ko. "Are you mad?"
"Bakit naman?"
"Because you waited for nothing. Kumain ka muna." paki-usap niya.
I shooked my head before cuddling with my magic pillow. "Ayoko, busog pa 'ko." kahit nagugutom na ako sa totoo lang.
Tinignan ko siya ng masama nang agawin niya ang unan sakin at ihagis sa ulunan namin para siya ang yumakap sakin.
"Matulog kana," mahinang sabi niya at hinawi ang buhok kong humaharang sa mukha. Tumango ako sa kanya bago ipinikit ang mga mata.
Tulog na ang katawan ko pero parang gising ang diwa ko. I can feel his touch, his kisses on my forehead and on my lips. May ibinubulong siya na hindi malinaw sa pandinig ko, hanggang nakarinig ako ng paghikbi. Gusto kong buksan ang mga mata ko pero hindi ko magawa, parang may pumipigil sakin.
Naramdaman ko ang pag-alis ng yakap niya sa akin at paglayo. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano, I can't open my eyes. But I can feel my tears falling down on my cheeks.
Nagising ako kinaumagahan na wala siya sa tabi ko. Mabilis kong inalis ang kumot ko at hinanap siya sa paligid.
"Chio.." I went on the kitchen but he's not there. Nagtungo ako sa cr at nabuksan ko ang pinto kaya walang tao. "Babe...Zachiro..." I called him a lot of times pero walang sumasagot.
Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Is it really a dream? Pakiramdam ko ay totoo. Pero umiyak siya? E, sa pagkakatanda ko nakangiti pa siya sakin bago ako pumikit.
Naputol lang ang iniisip ko nang marinig na bumukas ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang makita siya at may dalang dalawang plastic bag na puno ng laman.
"Nich," ngumiti siya sakin bago nagtungo sa kusina. "Nag-grocery na 'ko, ang himbing ng tulog mo kanina kaya hindi na kita ginising."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa pisngi. He increased his forehead on me and trying to shove my hands away but I didn't let him.
"W-Why?" takang tanong niya.
Pinagmasdan ko ang mga mata niya at sinusuri kung galing ba 'yon sa pag-iyak. Medyo namumula ang gilid ng mata niya at malamlam kaysa dati. Binitawan ko na siya nang makumpirma. It's not a dream.
"Babe,"
"Wala. M-May lamok ka sa mukha, kanina."
Inilagay ko ang mga prutas at gulay na dala niya sa ref at ngumiti sa kanya pagkatapos. May pagtataka sa mukha niya pero agad na gumanti ng ngiti sa akin.
I want to ask him a lot of question but seems like he's not interested of answering it. Nakailang tanong na rin ako sa kanya nitong nakaraan kung anong problema, pero palagi siyang iwas. Ang hirap makampanti kapag alam kong may sikretong namamagitan sa aming dalawa.
We've been in a relationship for a years, at ngayon ko lang 'to naramdaman. Parang may hadlang na nasa pagitan naming dalawa. He's now hiding something on me, and it feels like I'm playing a puzzle with one missing piece.
Nahihirapan akong basahin ang galaw niya ngayon. Palagi siyang umaalis sa unit at naiiwan ako, ewan ko, sabi niya about business as always.
Napagdesisyonan ko na rin na kumuha ng sariling unit, ayaw niyang pumayag 'nung una pero wala ring nagawa dahil pinilit ko. Dito rin lang naman 'yon, hindi nalalayo sa hotel kung saan siya kumuha ng unit. Nagpaalam ako kina manang at sinabing sila na muna ang bahala sa bahay. I want to stay there, pero ayoko ng gulo kaya umiwas na muna ako sa mag-inang pusang ligaw.
Wala pa naman akong ginagawa ngayon kaya naisip kong mag-grocery sa baba, namili ako ng mga gamit pang bake para pang practice na rin sa paggagawa ng mga cookies and cakes.
"Nich!" sigaw ng kung sino kaya napalingon ako at nakita si Thea.
Lumapit ito sa akin at umangkla sa braso ko. Panay ang kwento niya sa akin about sa boyfriend niya daw na koreano hanggang sa mapunta sa akin ang usapan.
"Ah...nga pala, n-nakita ko si Chio kanina ah, kasama si Dalia at ang Mama ni Chio." nag-aalinlangan na sabi niya.
"Baka nagkasabay lang." I smiled at her even that info give me another thoughts.
Tumango siya sa akin at nagpaalam na rin. Bumalik na ako sa unit ko at napaisip sa sinabi ni Thea. Chineck ko ang phone ko kung may text siya pero wala.
I started forming thoughts in my mind. Hindi ako mapirmi kaya lumabas na ulit ako ng unit na cellphone at wallet lang ang dala. Nag-taxi nalang ako pabalik sa Forzeo. Bumaba ako sa kanto na medyo malapit na sa bahay namin at natanaw ang kotse ni Chio sa bahay nila.
Hinawakan ko ang phone ko at tinawagan ang number niya, isang ring pinatay niya kaagad. Napahinga ako ng malalim at hindi makapaniwala sa ginawa niya. Nasa labas siya ng gate nila at kita kong ibinulsa niya ang cellphone.
Kinuha ko ang pagkakataon para lumapit sa kanya. Isasara na sana niya ang gate at natigil lang nang makita ako sa labas. He look shocked, of course. Mabagal siyang naglakad palabas at palapit sakin.
"Chio--" natigil ang kalalabas lang ng bahay nila na si Dalia. Sandali siyang tumingin sa akin bago lumapit kay Chio at hinawakan ito sa braso para hatakin papasok sa loob. "Pumasok kana!"
"Chio.." unang salita na lumabas sa bibig ko ay parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. He stared at me, wants to say something but he keep his self shut. "C-Chio, ano 'to?"
Tumawa si Dalia kaya sa kanya nabaling ang paningin ko. "Do you really want to know? We're together, Nich. And you...you're just a shit."
Ilang hakbang lang ang nagawa ko at nakalapit agad sa kanila. Sinubukan kong abutin si Dalia pero mabilis na pumagitna si Chio.
"Nich, umalis kana." sabi niya na nagpatigil sakin.
"What did you say?" I gasped.
Hinawakan niya ako sa balikat at dinala palabas ng gate nila, palayo kay Dalia. I gave him a disgusted look. Hinawi ko ang kamay niyang nasa balikat ko at tinitigan siya pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
"U-Umalis kana.."
"Chio, ano ba?!" I shouted with disbelief. Natigil siya at napatungo. Parang habol ang hininga ko dahil sa inis na nararamdaman, at nang mapahawak ako sa pisngi ko ay doon ko lang nalaman na may luha na palang pumapatak mula sa mga mata ko.
"C-Chio..nagka-amnesia ka ba? Alzheimer's disease? H-Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to oh, girlfriend mo. Bakit ako ang pinapaalis mo?" hinawakan ko siya sa pisngi pero hindi niya ako matignan. "B-Babe, magpaliwanag ka sakin makikinig ako..k-kahit ano, pakikinggan ko just please explain. Naguguluhan ako. C-Chio, magsalita ka naman!" I sobbed while forcing him to face me.
Pansin ko na medyo lumapit sa amin si Dalia at sumandal sa railings ng gate habang naka-cross arm.
"Para matigil ang babaeng 'yan..." umpisa niya. "It's better kung pipili ka na mismong kaharap siya....Sino saming dalawa?"
Bumalik ang tingin ko kay Chio at nakitang nasa akin na ang paningin niya. I wiped my tears before helding his face.
"Chio, ako ang girlfriend mo, ako ang mahal mo, diba? And over the million of stars, you promise that you will chose me." ngumiti ako sa kanya kasabay ng luha na pumapatak sa aking pisngi. Tumingin ako kay Dalia. "Ano na naman ba ang kailangan mo? Hanggang ngayon ba naman hibang na hibang ka parin sa taong pag-aari na ng iba?"
Hindi niya ako pinansin sa halip ay tumingin siya kay Chio. "She's waiting for your answer, make it fast."
"Nich," I smiled when he called my name. Pero unti-unting naglaho ang ngiti ko nang umiling siya.
"N-No, Chio 'wag ka namang ganyan.." para akong batang nagmamakaawa sa kanya.
"X-Xinichi, let's.." umiling ulit siya. Kada galaw ng ulo niya ay parang unti-unting gumuguho ang pag-asa ko na ako ang piliin niya. "...let's e-end this..."
I break down. Nangangatal ang katawan ko hanggang mapaluhod ako sa harap niya. Inalalayan niya akong matayo pero hindi ko kaya. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ako sa braso hanggang magtama ang paningin namin.
"D-Diba, sabi mo hindi mo na 'ko iiwan?"
I cried while remembering that time he promised that to me.
"Diba sabi mo, sa lahat a-ako lang ang pipiliin mo...Sabi mo ako lang."
I stared on his eyes. I can feel my heart slowly tearing apart. Para akong lumublob sa pool na hindi ko kayang languyin.
"Nich, s-stop. Umalis kana.." mahinang sabi niya.
"B-Bakit? May nagawa ba ako? Bakit kailangang maging ganito? Okay naman tayo ah. Kung may mali pag-usapan natin, Chio ayoko ng ganito."
"Wala kang nagawa. I'm just tired...for us. Tapusin na natin 'to."
Panay ang iling ko habang umiiyak. Ako naman itong napatungo ngayon na pilit niyang inihaharap sa kanya. Nagtama muli ang paningin namin.
Stop it. I know I don't want to hear what he will going to say.
I shooked my head while tears soaking my face.
"I will choose Dalia over you.."
I'm drained.
Gumuho ang lahat sa akin. Napatulala ako sa kanya dahil hindi inaasahan na makakaya niya 'yon. Umiyak lang ako ng umiyak habang siya ay sinusubukan akong pakalmahin.
"B-Bakit?...bakit ngayon pa kung kelan naibigay ko na sayo ang lahat?"
I cried harder. I'm still begging for him. At sa bawat pag-iling niya ay parang nadudurog ako. Durog na durog na.
"Chio, pumasok kana sa loob." sabi ni Dalia bago naunang pumasok sa loob ng bahay.
Without saying anything, he shoved my hands away. Tumayo siya at sumunod kay Dalia papasok ng bahay.
Naiwan akong nakaupo sa sementong daan, sa harap ng bahay nila habang umiiyak. I want to shout. Nakakaramdam ako ng galit kahit merong parte sakin na gusto paring magmakaawa sa kanya. I want him back. Hindi pwedeng dito magtapos ang lahat.
He's my everything. And I don't know what to do without him.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro