CHAPTER 20
Chapter 20
Pagkapasok ko sa room ay nagkakagulo lahat ng kaklase ko. Ang mga armchair ay nakakalat at pati mga bag ay talsikan kung saan-saan.
"Thea!" tawag ko sa haliparot na nakikipagbatuhan ng papel.
Tumingin siya sakin at pati ako ay binato muna ng paper balls bago nilapitan.
"Anong meron? Para kayong elementary!"
Hinila akong papasok ng gaga at napayuko nalang ako dahil sa halong ingay at batuhan ng papel. Pumunta ako sa may sulok nang makita ang papasok na si Zachiro. Iika-ika parin ang lakad at nakamurot nang mapatingin sakin.
"T-Thea, ano bang---" hindi ko natuloy ang sasabihin nang may tumamang folder sa mismong mukha ko. "Tangina! Madulas sana ang bumato ng folder!" sigaw ko.
Mas lalong nagtawanan ang iba. Mayamaya lang ay nagkaroon ng mas lalong malakas na tawanan nang madulas si Aon dahil sa pagtuntong sa isang folder. Madulas ang tiles kaya ayon ang sama ng tingin sakin ng gago.
Dinalatan ko lang siya at nakitawa sa iba. Lahat ng paper balls na tumatama sakin ay ibinabato ko rin sa kanila.
"Kingina! Ano bang meron? Bakit kayo nagkakagulo?"
"Anong bakit kayo nagkakagulo? Nakikigulo ka rin gaga!" sagot ni Thea. "Guys outdated ang babaeng 'to!" sigaw niya sa mga kaklase namin.
"Ini-adjust ang graduation natin! Mas mapapalapit na ang pagtatapos!" sigaw ng isa naming kaklase.
Naghiyawan na naman sila kasunod ng banggitan ng kung ano-ano. Malawak ang naging ngiti ko dahil sa nabalitaan. Wala na akong maibatong papel kaya napayuko nalang ako habang nakacover ang kamay sa ulo. Pupunta palang ako sa sulok sa likod nang may humawak sa braso ko.
"Wag mo 'kong ibabato!" sabi ko habang cover parin ang ulo.
Narinig ko ang pamilyar na tawa kaya napalingon ako dito at nakita ang nakakaasar niyang tawa.
"As if kaya kitang ibato." tawa niya pa.
Inabot niya ang isang folder na malapit sa kanya at isinangga iyon sa amin. Pareho kaming paupong gumapang papunta sa sulok. Nang makarating kami doon ay hindi parin niya binibitawan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Bitaw!" anas ko dito.
Ngiting pilyo naman ang sinukli niya. "Don tayo sa ilalim ng table. Mas safe."
Hinatak niya ulit ako papunta sa table at pareho kaming pumasok sa ilalim.
Mukhang walang nakakapansin samin dahil maingay parin sa unahan at panay parin ang banggitan.
Para silang sinapian ng kung ano dahil nabalitaan lang na mapapaaga ang graduation mga nag-isip bata na.
"Keep smiling, babe." biglang sabi ng katabi ko. Irap lang ang naging sagot ko sa kanya na tinawanan niya pa.
"Lumayo ka! Kung makadikit akala mo walang ginawang kabulastugan." pabulong na sabi ko pero mukhang narinig niya dahil bigla nalang siyang natawa. "Proud pa."
"I'm not. Kaya nga babawi ako e."
"Sa anong paraan? Sa pagtago sakin dito sa ilalim ng table para hindi tamaan ng paper balls? Kingina naman, kaya kong salagin 'yon."
"Really?" nang-aasar na tanong niya.
Umirap ako sa kanya at niyakap ang sariling tuhod. Pilit kong sinalpak ang sarili ko sa sulok pero panay ang dikit niya. Hinawakan niya ang pareho kong pisngi na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Till now. He has an effect on me. Parang yung panahong crush palang, paghanga palang ang nararamdaman ko sa kanya.
Hinaplos niya ang pisngi ko at ipinihit ang mukha ko paharap sa kanya. His eyes looks like begging for forgiveness. Inilapit niya ang mukha sakin hanggang maramdaman ko nalang ang labi niyang nakadampi sa akin. Napapikit ako dahil sa ginawa niya.
Hindi ako makagalaw at hindi ko siya magawang itulak. Ang isa niyang kamay ay hinawak niya sa batok ko para mas lalo palalimin ang paghalik sakin. Parang nawala sa pandinig ko ang ingay dahil tanging ingay lang ng puso kong nagwawala ang naririnig ko.
Naghiwalay man ang labi namin ay nanatiling nakadikit ang mukha niya sakin. He's breathing heavy, paraang mauubusan ng hangin.
"Nich...m-mali ako."
Unang salita niya ay parang may kung anong kumirot sa puso ko.
"Hindi ko inisip ang consequences ng mga ginawa ko..." he kiss my cheeks. "Ayoko lang mapahamak ka at kung anong gawin nila sayo, kaya mas pinili ko ang paraan na hindi ko naisip na maaring maging dahilan para iwan mo ako." ngumiti siya ngunit may bahid ng lungkot. "I'm sorry, hindi na mauulit."
"Hindi mo sure," ito ako't nagmamatigas pa rin. Masyadong mababaw para maging dahilan ng pag-aaway namin ang nangyari na yon. Gusto ko lang siyang asarin.
Pinisil niya ang pisngi ko at natatawang hinalikan ako sa noo.
"I'm surely sure." hinawakan niya ako sa kamay. "Now, are we good?"
Hinampas ko siya sa braso bago itinulak palabas ng table.
"Libre mo 'ko ng lumpia!!" sigaw ko na ikinatawa niya.
Lumabas na rin ako at patago siyang hinila palabas. Halos kagulo ang room dahil sa dami ng kalat. Bahala na silang maglinis don. Mukha namang wala ring klase.
Hinila ko siya sa uniform niya papunta sa line nang makarating kami sa canteen. Iilan ang students at kami lang ang nasa line.
Napakamot pa siya sa ulo habang nakantingin sakin. "Takaw mo ano?"
Pinandilatan ko agad siya. "Manlilibre ka o iiwan kita?"
"Oo nga! Eto na!" nakamurot pa siyang umorder kaya pumunta na 'ko sa isang table.
Mayamaya lang ay sumunod na rin siya dala ang tray ng pagkain. Ibinaba niya iyon sa harap ko at naupo naman siya sa tabi ko.
"You want me to feed you?" may nakakalokong ngiti na sumilay sa kanyang labi habang nakatitig sakin. "Or you're the one who will going to feed me?"
Inirapan ko lang siya at kumain ng lumpia na bili niya.
"Pakasal na tayo pagkatapos ng graduation."
Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"Gago!"
"I'm serious here." bumuntong hininga siya. "What's your plan? Live in na tayo."
Napaubo ako sa sinabi niya. "Bakit ba parang nagmamadali ka? May lakad?"
Mahina siyang natawa habang umiiling. "I just..." ibinaba niya ang hawak na lumpia at inakbay ang isang kamay sa sinasandalan ko. "..don't.." mas inilapit niya ang mukha sa akin. "..want.." napakurap ako at bahagyang napaurong dahil sa paglapit niya. "..you.." napaurong ulit ako at deretsong natumba. Buti nalang at may isa pang upuan kaya doon bumagsak ang ulo ko. Payuko siyang lumapit sa mukha ko. "..to let go..." ngumiti siya ng nakakaloko.
Sinamaan ko siya ng tingin pero mabilis niyang ibinagsak ang mukha sakin hanggang naramdaman ko na lang ang labi niya sa akin. Kingina! Nakadalawa na 'to ah!
"Hanep!" itinulak ko siya at inis na umayos ng upo. Tumawa pa siya kaya sinamaan ko ng tingin. "Kapal mo!"
"Yeah." ngumisi pa ito.
Talagang wala na agad sa kanya yung nangyari kahapon lang. KAHAPON LANG. Inis ko siyang hinampas sa braso ng ilang beses. Tumigil lang ako ng makita si Kade na palapit sa amin.
"Wazzup! Ang gwapo ko!" pahangin niya bago naupo sa upuan kaharap namin.
Napansin kong nakangisi parin ang katabi ko habang binabasa ang labi. Para bang inaakit ako sa ganung paraan. Asa naman.
"Sarap.." sabi niya pa habang kinakagat ang babang labi.
"Anong masarap?" biglang tanong ni Kade.
Napamura ako sa isip at gusto ko ng hambalusin ang nasa tabi ko. Ngumisi pa ito sakin bago humarap kay Kade.
"Itong lumpia ang sarap...try mo." inilapit niya dito ang plate na nilantakan naman nga ng isa.
Napanguso na lang ako nang maubos ni Kade ang nasa plate. Akin yon e, hanep din talaga ang Zachiro na 'to. Babawi daw pero ang libre sakin pinakain sa iba. Kaya ending si Kade ang ngiting tagumapay habang kumikislap pa ang mga mata na nang-aasar sa akin.
Panay ang pangungulit sakin ni Chio sa room hanggang labasan. Alam kong sa ganoong paraan siya babawi. He's spending his time on me. Ayaw ko din naman na hindi kami okay pero naiinis ako t'wing maiisip na nakipaghalikan siya sa iba, habang kami pa. And worse sa babaeng hibang pa sa kanya.
Alam kong umasa na naman yon. Kaya pala minsan ko lang siyang makita sa bahay nitong nagdaan. Pareho sila ng nanay niyang may hidden agenda.
Simula nung nawala si Daddy ay palaging wala sa bahay si Tita Haidy, alam kong businesswoman siya pero mukhang may iba pa siyang ginagawa bukod don. Wala akong pakialam kung may lalaki siya, wag ko lang malalaman na pera ni Daddy ang nilulustay niya.
Lumabas ako ng bahay namin at naglakad nang bigla nalang sumulpot sa tabihan ko si Chio.
"Ano na naman?!" inis agad na bulyaw ko.
Nang-aasar siyang ngumiti sakin kaya inambaan ko siya ng suntok na agad niyang iniwasan.
"Still mad?" ngumuso siya na parang nagpapaawa.
"I still am." sagot ko at naunang maglakad.
Hindi naman na ako galit. I just want to annoy him. Mukha namang naaasar siya sa pagiging suplada ko sa kanya.
Rinig ko ang buntong hininga niya bago ulit sumabay sa akin sa paglalakad.
"Ah...'y-yung kay Raven. Hindi ko sinasadya...I'm just mad that time." sabi niya.
Tumango lang ako sa kanya. Hindi ko pa naman nakikita ulit si Raven. Alam kong may kasalanan din siya sa paghalik sakin pero gusto ko ring magsorry dahil napasali pa siya sa nangyari na 'yon.
Naramdaman ko ang braso ni Chio na nakaakbay na sa balikat ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakitang seryoso ang mukha.
"Lapit na ng graduation. Anong plano mo?" tanong niya ulit.
"Magtayo tayo ng business.." tumingin ulit ako sa daan bago napangiti.
Iniisip ko ang gusto kong mangyari in the near future. Yung may sarili kaming business, kompanya na kami ang magpapatakbo, tapos kaming dalawa ang boss.
"We'll do that." sagot niya na nakangiti rin. "You love cakes and cupcakes, right? Let's create our own bakeshop."
Mas lumapad ang ngiti ko sa kanya. "Nice idea." sabi ko sabay kindat.
Natatawa niyang ginulo ang buhok ko. "Nice idea for our future."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro